SLS #1: No Boyfriend Since Br...

By merakielleee

27.4K 861 159

PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE (Single Ladies Series #1, A Collaboration) Alora Flinn Sighn is a... More

SINGLE LADIES SERIES
Single Ladies Series 1: No Boyfriend Since Break
Inspirational Words
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Epilogue
Special Chapter (Zyair's POV)
Announcement
PRE-ORDER UPDATE

Chapter 8

580 25 2
By merakielleee

Chapter 8

Are  you serious? Gagawin mo akong janitress dito sa shop mo? Pinsan mo ako, Alora!" reklamo nito.

I gasped and roll my eyes. "Ano naman ngayon kung pinsan kita? Magsimula ka sa pinakamababang position. Ipakita mo sa akin na deserving ka ba talaga na iatas sa mataas na position. Hindi porke't magkamag-anak tayo ay bias na ako? No! Hindi ako gano'ng tao, Nat."

Nagsimula ako sa mababang position. I work hard bago ko narating ang buhay na mayroon ako ngayon. After the break up happened to me 5 years ago, naghirap kami. Iniwan kami ng magaling kong tatay dahil sumakabilang barangay na ito. Walang-wala kami noon, may sakit si Mommy at hindi ko alam ang gagawin ko noong una. But later on, I already accepted that this is life. Hindi lahat ng nasa taas ay mananatili sa taas at hindi lahat ng nasa ibaba ay mananatili na lang sa baba. Gumawa ako ng paraan para umangat sa buhay... para magkaroon ng marangyang buhay. Hindi gano'n kadali ang hirap na pinagdaanan ko bago ko narating kung anong mayroon ako ngayon.

"Alora!"

"Kailangan niyo ng pera diba? Then be contented on what I'm giving to you. Three months lang ang binigay ko sa inyo kaya magtrabaho ka, magbalat ka ng buto. Hindi ka magiging mayaman kapag puro kaartehan ang paiiralin mo." Pangaral ko sa kaniya. "Tigilan mo ako sa kaartehan mo, Nat. Tinuturuan lang kita mabuhay na naayon sa estado ng buhay."

Agad ko na siyang iniwan sa storage room. Kami lang ang nando'n kaya walang nakakarinig sa amin. Hindi naman ako gano'n kasama para ipahiya siya sa maraming tao.

I maybe mad at them but I am not that bad.

Bahala siyang mag-inarte diyan. Basta ako binigyan ko siya ng trabaho at tinupad ko iyong usapan namin ni Mommy. Ang usapan ay bigyan ko ng trabaho si Natalia at hindi ko naman sinabi kay Mommy kung anong position. For sure, pagka-uwi ko mamaya ay magtatalak na naman si Tita Shane. Magtatalak siya tungkol sa trabahong binigay ko sa anak niya. She must be thankful dahil binigyan ko ng trabaho ang anak niya kahit maarte ito.

"Oh anong reaction ng maarte mong pinsan?" tanong ni Patricia sa akin ng makapasok ako sa opisina niya.

Umupo ako sa maliit na cougch.

"As usual nag-iinarte." Napairap ako sa hangin ng maalala ko na naman ang pagreklamo niya.

"Bakit mo kasi ginawang janitress?  I mean puwede naman siya sa counter," mahinang usal ni Pat. I laughed sarcastically. "Counter? Hindi siya puwede ro'n dahil ang bagal niya kumilos. She must be thakful dahil naging mabuti pa akong pinsan sa kaniya. Kung tutuusin ay hindi na dapat."

"You have a point but you think, kaya niya ang trabaho bilang janitress?" Pat asked me. "I mean she's maarte and mabagal."

"Ewan." I shrugged my shoulder. "Maybe she can do it naman." Sinandal ko ang ulo sa headboard ng couch at tumingin sa ceiling. Nag-iisip ng mga bagay-bagay.

Sana all may isip. Jk.

I was just thinking kung tama ba talaga ang ginawa ko kay Natalia. Ginawa ko siyang Janitress kahit hindi ito marunong sa gawaing bahay. Lumaki kasi siya sa buhay prinsesa. Hayss! Ano ba! Ang bilis mo naman makonsensiya, Alora! Huwag ka naman ganiyan.

Bahala na nga.

"Pat, do you think tama ang ginagawa ko? Or Nadadala lang ako sa sama ng loob?" sunod-sunod kong tanong kay Patricia, sa mababang boses.

She shrugged her shoulder. "Maybe, may rason ka naman siguro kung bakit mo ginawa 'yon sa kaniya."

Yes, I have reason... and my reason is to teach her. Turuan siya kung paano makibagay at kung paano umarte na naayon sa estado ng buhay. Aanhin kasi ang kaartehan kung walang pera? Kung ang inaartehan mo ay mas may pera kaysa sa 'yo. I want to change her mindset.

"I don't want to judge you, Alora. I know you have reason why you're doing this... para rin naman sa kaniya 'to siguro. Kilala kita at hindi gagawa ng isang bagay na ikakasira ng iba." She smiled. "Kung mayroon man na unang umintindi sa 'yo ay ako iyon. What friends for, diba?"

She's right. Patricia is right hindi ko kayang gumawa ng isang bagay na ikakasira ng isang tao. Hindi ako marunong gumanti. Oo, aaminin ko noon after ng break up namin ni Trey ay sinaktan ko iyong kabit niya. Hindi ko talaga tinantanan si Tiffany hanga't hindi ito nagtatanda. She broke up with Trey and I thought I'll be happy, but I'm not. It didn't give me any satisfaction. Mas nagmukha akong kontrabida sa love story nilang dalawa. Ako ang legal pero parang ako pa iyong desperadang babae na naghahabol sa kaniya.

Girls, always know your worth as a woman. Don't chase those man who doesn't deserve your dignity. Always choose your dignity over someone else because dignity is more important than anything else.

"Thank you..." I smiled genuinely. "Thank you for being my best friend, being my sisters to lean on, noong kailangan ko ng karamay. Andiyan ka palagi sa akin kaya salamat at mahal na mahal kita."

"Aww! Ang sweet mo naman, Alora. Anong nakain mo?" She teased. "Or you're just freaking in..."

I gave her a sharp glared that made her stop on talking. "Sige ituloy mo! Mababatukan talaga kita." Pagbabanta ko sa kaniya.

She hissed. "Grabe ka! Kanina ang sweet mo tapos ngayon... ang taray mo. Nagbabanta ka pa."

"Bwisit ka kasi alam mo iyon? Ngayon lang ako naging sweet sa 'yo tapos inaasar mo ako, boang ka ba?" iritadong tanong ko sa kaniya sabay irap.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa 'yo na hindi na ako ma-i-inlove nino man? Pareho lang sila... parehong manloloko!" I added.

"Hindi naman gano'n iyong pinsan ko. He's a serious man," nakangusong usal ni Pat.

Napakunot ang noo kong tumingin sa kaniya. "Paanong nasali ang pinsan mo sa usapan natin?"

She laughed nervously. "Hihi baka kasi type mo rin."

"Hindi mangyayari iyon, Pat."

"Okay sabi mo eh," nakangising usal niya.

Siraulo talaga kahit minsan.

Makaalis na nga rito baka tuluyan pa akong mabaliw.

Tumayo na ako at naglakad patungo sa pintuan para sana lalabas na ngunit bigla siyang nagsalita na ikinatigil ko.

"Saan ka pupunta? Kay Zyair?" tanong niya. May himig na panunukso ang boses niya at alam kong nakangisi ngayon ang loka-loka. Humarap ako sa kaniy at tama nga ang hinala ko, nakangisi nga ang gaga.

"Umasa ka! Lulubog ang barko!" Tuluyan na akong lumabas sa opisina niya na may ngiti sa labi. Hindi ko alam kung bakit may munting ngiti na nakakurba sa labi ko.

Tsk. Huwag kang ngumiti ng ganiyan, Alora.

Pumasok na ako sa opisina ko at agad na umupo sa swivel chair. I scratched my nose and lean myself on the swivel chair. Hindi ko talaga ma-imagine na mahulog kay Zyair.

Mabait naman siya, ayon nga lang hindi ko siya type at higit sa lahat... mahangin. Hindi ko bet iyong aura niya. Naiinis ako sa aura niyang taglay.

Time swiftly passed by. Hapon na naman at  kailangan kong lumabas sa opisina ko para tignan ang mga staff. Naglalakad na ako sa hallway pababa sa dining area or should I say sa counter. Hindi ko pala nasasabi na dalawang palapag itong coffee shops. Sa itaas nakalagay lahat ng mga office. My office, kay Patricia, sa manager at sa mga accounting staff. Lahat ng customers ay sa ground floor, kahit sa VIP section.

Napangiti ako nang makita ko si Natalia na naglilinis sa mga tables. Nakikita ko pa rin ang pagiging maarte niya, the way she hold the clothes, the way she clean the table. But she did her best to do her job.

Umiling ako at naglakad na patungo sa counter. Binati nila akong lahat except kay Natalia na hangang ngayon ay busy sa kaniyang ginagawa. Hindi niya ako binigyan ng isang tingin, tsk.

"Good afternoon, Miss ano po sa inyo?" tanong sa akin ni Chloe.

Ngumiti ako sa kaniya. "Ako na ang kukuha. By the way, did she eat? Mabuti at nag-stay siya."

"She's willing to learn naman po, Miss. Ginagawa niya iyong binilin niyo sa kaniya," sagot ni Marifee. 

Napatango-tango ako sa sinabi ni Mari. Well, nakikita ko nga na kaya niyang gawin iyong mga ginagawa ng isang janitress.

"Wala naman siyang sinusungitan diba?" tanong ko. Pinatay ko na iyong coffee maker, at nilipat na iyong brewed coffee ko sa tasa.  Kumuha ako ng dalawang chocolate cupcakes at nilagay sa maliit na platito.

"As of now, Miss wala naman. Mabait nga po siya sa amin," sagot ni Arnold.

Mabait? Parang gusto kong matawa sa sinagot ni Arnold. Natalia is a spoiled brat b*tch. Paano siya naging mabait sa kanila? Pftt siguro pakitang tao.

"Talaga ba? Well good to hear that." Nagkibit balikat ako at umupo sa isang bakanteng table. Wala masyadong customers ngayon dito sa coffee shop dahil hapon na. Kung may tao man ay konti lang, at least may tao pa rin.

Tahimik lang ako habang umiinom ng kape at nakatingin kay Natalia. May nakurbang ngiti sa labi ko, hindi ko alam kung anong klaseng ngiti ito. Basta ngiti... a satisfying smile, I think.

Buong akala ko ay mananatili ang ngiting iyon. Pero bigla itong nawala dahil sa isang tao. Anong ginagawa niya rito? Nanadya ka ba talaga tadhana?

Nakatitig lang ako sa likod niya habang nakapila sa counter. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, maiinis ba ako o magiging masaya. Bakit naman ako magiging masaya? Tsk. Hindi ako magiging masaya tuwing naalala ko ang nagawa niya.

Trey, I hate you... I really do hate you.

Continue Reading

You'll Also Like

30.8K 1.8K 46
Emma Swan (32) is a mother of two. Her son Henry is 14 and she had him Neal. Killian Jones (33) is a father of two. His son Keith is 3 and he had hi...
244 86 35
Aurea was sold by her parents to a rich man who knew nothing about how to approach a woman, he had his reason why he chose to take her p This story w...
24.1K 2.6K 26
This story is set in the 90's background "I see her everyday in school and now I don't look at her the way a teacher should look at his student. The...
35.8K 561 50
𝗻𝗲𝘄𝘀𝗶𝗲𝘀 gif series 1992. gn.