MADNESS IN LIFE

By RonneSerene

1.6K 221 57

"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapo... More

DISCLAIMER
SIMULA
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
WAKAS

65

7 1 0
By RonneSerene


“What the fuck?! Are you damn serious?!” 

Gariel seems doesn't like my plans but he agreed in the end. Basta raw ba'y tutupad ako sa kundisyon na binigay niya. Mautak din ang isang ito. May kundisyon pa. 

“I won't do that, Gariel. Hilingin mo na ang lahat, 'wag lang iyan,” inis kong sambit. 

“Why? Is it really matter to you? C'mon, Hellapig! Iyun lang ang hinihiling ko kapalit ng pagpayag sa plano mo. It's easy!”

“You're really an asshole.”

“I know,” he proudly said and laughed like an idiot. 

Napailing ako, minadali ko ang pagkain at saka nagpaalam na babalik na ako sa classroom. 

If that's what he wants, okay... I have no choice. 

“Miss Beindz!” 

Napahinto ako sa paglalakad nang magsalubong ang daan naming dalawa ni Syrone. He smiled and run towards on me. 

“Hi,” hindi maalis ang mumunti niyang ngiti. “How are you?” 

“Still breathing and kicking. Ikaw?” 

“Well, as you can see... I'm busy to organize the party with the team,” sagot niya. Ramdam ko ang pagod sa kaniyang tinig. “Did you already eat your lunch?” 

“Kakatapos ko lang. Ikaw ba?” 

“Kakain pa lang ako ngayon.”

Inangat ko ang aking braso at tiningnan ang wrist watch ko. 

“Mag-aala una na,” saad ko. “Pumunta ka na sa Cafeteria at kumain.”

“Would you like to join me?” 

Bahagyang umangat ang kilay ko. Gusto ko sana siyang tanggihan pero naroon sa utak kong hindi nga pala kami madalas na nagkakasama. 

“If you are busy, I understand. You seems have classes pa,” wika niya sabay tapik sa balikat ko. “Study hard—” 

“Samahan na kitang kumain.”

“Really?”

Tumango ako. “Tara na?” 

Nakangiti siyang tumango. Sabay naming tinungo ang Cafeteria at siya ang nagboluntaryong bibili ng pagkain kaya pumila na siya sa counter. 

Umupo naman ako sa table kung saan kami kumain ni Gariel. Habang hinihintay si Syrone, tumunog naman ang cellphone ko. 

Jahm is calling... 

“Oh?” 

“R-Rosane, nasaan ka?” 

Pagtataka ang namutawi sa akin nang marinig ang kaniyang boses. Parang naghahabol siya ng hininga at hirap pa kung magsalita.

“Nasa Cafeteria ako. Bakit?” 

“G-Gaga ka!” bigla niyang sigaw. “T-Tulungan mo kami ni A-Aven! May mga lalaking humarang sa amin dito! A-Ayaw kaming paalisin...”

“Ano?!” Napatayo ako sa gulat. “Sinong mga hinayupak 'yan?!” 

“H-Hindi namin sila kilala! T-They look like a kidnapper!” 

“Nasaan kayo?! Okay ka lang ba?! Kumusta si Aven? Ayos lang ba siya?!”

“O-Okay naman siya. P-Pero sabi ng isang lalaki, kapag daw hindi ka pumunta kaagad bubugbugin—” 

“Pusanggala! Nasaan ba kayo?!” 

“Nasa garden—” 

I ended the call immediately. Humahagos akong naglakad palabas ng Cafeteria nang hinarangan ako ni Syrone.

“Syrone, don't block my way! Kailangan ko silang puntahan! Baka ano pa ang mangyari sa kanila!” 

“What's going on, Miss Beindz?! Can you please calm down?!”

“Pusanggala naman!” asik ko. “Paano ako kakalma, Syrone?! May mga taong gustong manakit sa kanila! At kung hindi kaagad ako magpapakita sa kanila, siguradong tutuluyan ang dalawa!”

Napahawak ako sa dibdib nang bigla itong manikip. Putek! Sige, sigaw pa, Rosane! 

“Syrone, paraanin mo na ako! Kailangan ko silang puntahan!” 

“Okay, okay, okay, Miss Beindz!” sabi niya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. “Sasasamahan kita pero bago iyon. Take a three deep breaths.”

“Nagmamadali ako—” 

“Please... Hindi ka pu-p'wedeng humarap sa kanila na kinakapos ka ng hininga. You need to cool down.”

“Syrone...”

“One...” he started to count. 

Napatango ako. Mariin akong napapikit at kinalma ang sarili. Nagsimula akong huminga ng malalim. 

“Two...” saad niya. “Inhale... Exhale... Okay, one more, Miss Beindz. Last deep breathe..”

Sa huling paghinga ng malalim parang nakaramdam ako ng kaginhawaan. Tipid siyang ngumiti at tumango sa akin. 

“Okay, you are better now. Let's go,” wika niya sabay hawak sa kamay ko. Habang naglalakad kami, nakita kong may dinial siya sa cellphone niya. “Je, call the guards at papuntahin mo sa garden... Yeah, mukhang may nakapasok na outsiders.”

Syrone sounds like a mad boss. Ramdam kong humihigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko pero hindi ko na ininda pa iyon. 

Pagdating namin sa garden, prenteng nakaupo lang si Aven at Jahm sa batong upuan. Kaagad ko silang nilapitan. 

“Ayos lang ba ka—” 

Hindi pa ako nakakatapos sa pagsasalita nang may lumabas na tatlong lalaki sa likod ng malaking puno. 

“Mabuti naman at dumating kang talipandas ka!” bulyaw ng lalaking balahurang nakaaway namin kahapon ni Aven.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang pamamaga ng kanilang mga mata. Sobra ang pamumula at parang kinagat ng bubuyog sa sobrang maga.

Pusanggala... Masama ang lagay ng kanilang mga mata... 

“Puta ka! Muntik na kaming mabulag dahil sa kagagawan mong babae ka!”

“Na-ospital kami ng 'di oras at nakapagbayad ng malaki!”

“Ngayon, sisingilin ka namin sa ginawa mong kagaguhan!”

Marahan akong tumango sa kanila. Lumakad ang lalaking mukhang balahura palapit sa akin. Nakaramdam ako ng awa ng makita nang malapitan ang mga mata niya. Sobra talaga ang pamamaga.

“I'm going to give everything you need,” pinilit kong hindi mautal o magkaroon ng emosyon sa aking boses. “Magbabayad ako sa ginawa ko sa inyo basta ba'y wala hindi niyo sila sasaktan…”

Sunod ding lumapit ang dalawa at talagang pinalibutan ako. Nakaramdam ako ng takot pero nanatiling walang emosyon ang mukha ko.

Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong lalakad palapit sana si Syrone sa p'westo namin nang sumenyas ako ng iling.

“Ano ang pangalan mo?” tanong ng pinakapayat sa tatlo. “Kailangan mong sabihin. Ikaw lang ang babalik-balikan namin dito.”

“Rosane Beindz.”

“Kaya mo bang ibigay ang perang hihingin namin?”

“Babayaran ko kung ano ang tama. Walang labis, walang kulang.”

“Paano kung hindi ka tumupad sa usapan?” tanong ng lalaking balahura.

“Tutupad ako,” paninigurado ko. “At kung magkataon na hindi, eh ‘di abangan niyo ako sa labas ng school.”

Ngumisi silang lahat. Tumango-tango at mukhang nagustuhan ang sinagot ko sa kanila.

“Sa ngayon, kailangan namin ng pambili ng gamot.”

“Magkano ba ang kailangan n'yo?”

“Sampung libo.”

Kukuhanin ko na sana ang wallet ko sa aking bulsa nang lumapit si Syrone sa kanila.

“Here.”

Dagliang nanlaki ang mga mata ko nang makitang may inilalahad siyang lilibuhing pera. Sa tansya ko, baka nasa bente mil iyon.

“Ano ka ba, Syrone? Ako ang magbabayad dahil ako ang may kasalanan sa kanila.”

“No, Miss Beindz. Ako na,” giit niya. Bumaling siya sa tatlo at tuluyang binigay sa kanila ang pera. Napanganga na lang ako sa ginawa niya at gusto ko na lang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan. “If that's not enough. Here's my calling card, just call me. You guys need to monitor your eyes.”

Gaya ko, halata rin ang gulat sa tatlo habang nakatingin kay Syrone.

Pesteng yawa. Parang barya lang iyon sa kaniya!

“Salamat, pare,” saad ng payat. “Kasalanan din naman namin kung bakit kami nagkaganito.”

“Kung hindi lang namin kinanti ang mayabang na lalaki na iyon. Hindi sana mangyayari sa amin ito, ” tukoy ng mukhang balahura kay Aven. 

“Pasensya na sa inyo,” ani nung mapula ang buhok at yumuko. “Patawarin niyo sana kami. Pangako, hindi na kami mangugulo sa mga estudyante rito.”

Napahinga na lang ako nang malalim. Mukhang nadala na rin sila sa kagaguhang ginawa nila kay Aven kahapon. At least, they learned their lessons. 

“Sorry,” wika ko. “Pasensya na talaga sa ginawa ko sa inyong tatlo. Alam kong maling pisikan kayo ng pepper spray sa mata pero kasi natakot lang ako na baka may mangyari sa kapatid ko.”

“I would like to apologize too,” Aven uttered. Lumapit na rin siya palapit sa tatlo. “If I didn't say something words that offended at you guys, it won't be happen.”

Nag-abot si Aven ng pera at ibinigay niya rin ang number niya sa tatlo. Pinigilan kong maluha nang makita kong parang maiiyak ang tatlong lalaki at mukhang hindi inaasahan iyon.

Humingi ulit ako ng despensa sa kanila, gano'n din naman sila sa amin. Natigil lang sa paghihingi ng tawad nang dumating mga security guards kasama si Jameson. 





_





“Hay!”

Tinaas ni Jahm ang mga kamay niya sa ere at nag-inat. Narinig ko pa ang pagtunog ng mga buto niya. Parang magkakalasan na.

“Akala ko mapapasabak ka naman sa away, eh! Mabuti na lang talaga nadaan sa magandang usapan, luka! Muntik pa akong maiyak dahil nakakaawa ang tatlo. Nasisiguro kong galing sila sa public school, Rosane.”

Kita naman ito sa suot nilang mga uniporme.

“Grabe si Syrone, 'no? Ang laking halaga ang binigay niya. Masasabi kong may dugo nga siyang Villahermosa dahil naroon na ang puso niya sa bayan. He insisted to help those boys and sinabi niya pa kanina na magpunta sa opisina ng tatay niya para mas matulungan sila.”

“He's too good for me, 'no?”

“Hindi ko masabi,” tumulis ang nguso niya.

“But one thing I knew, bagay kayo at maswerte kayo sa isa't isa.”

Hindi pa rin ako kumbinsado. Pakiramdam ko, hindi talaga ako karapat-dapat kay Syrone pero sinusubukan kong maging mabuting girlfriend sa kaniya. 

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa habang umaakyat kami ni Jahm patungo sa third floor. May nakasalubong siyang kakilala kaya kinausap siya nito. Habang abala sila sa pag-uusap, binaling ko ang aking tingin sa cellphone. 

Ako:
Thank you, Syrone. Ibabalik ko ang perang binigay mo sa tatlong iyon. 

Mabilis naman itong nagreply.

Syrone:
You don't need to do that, Miss Beindz.

Ako:
Hindi ako papayag. Ang dami ko ng utang sa 'yo.

Syrone:
What do you mean? Wala akong matandaan na meron kang utang sa akin, Miss Beindz.

Ako:
Meron, ang haba na nga. But don't worry, babayaran kita. 

Pagpasok naming dalawa ni Jahm sa room, naabutan naming mga nagkakagulo ang mga kaklase namin. Nagtataka akong tumingin sa kanila nang makitang kaniya-kaniya silang nakatingin sa mga cellphones nila.

Nagkibit balikat lang ako. Umupo na ako sa upuan ko at gaya ng nakagawian, nakabaling lang ang tingin ko sa bintana.

“Is this real ba talaga?”

“She kissed him, huh?”

“Ang landi, gusto lahat sa kaniya.”

“Akala mong taga-Bulacan. Taga-Makati pala.”

“Gan'yan ba ang nagagawa kapag hindi ka makuntento sa isa?”

Nagbubulungan ang mga hinayupak ngunit hindi ko masyadong maintindihan ang mga sinasabi nila dahil mas nangingibabaw ang tawanan.

“Uy, Rosane! Saan ba ang gawa ang makapal mong mukha?” sarkastikong tanong ni Maverick. Ito na naman ang baklang ito. “Pasikat ka talaga, 'no? Gustong-gusto mong napupunta sa 'yo ang atensyon ng lahat! Attention-seeker na nga, malandi pa!”

“Oo nga!” gatong ni Harlyn. “I pity you! Attention-seeker! Manipulative victim! Abuser! Slut!”

“You don't deserve Syrone!” naroong sumabat si Emma. “Cheater ka! Kinakalantari mo pa si Ohne! Anong tingin mo sa dalawa? Fishball? Tinutuhog mo at ikaw ang stick!” 

What the hell? Just what the hell.

Nakakunot lang ang noo ko habang isa-isa silang pinagmamasdan. Natatawanan pa sila. 

“Hoy, Emma! Makapagsalita ka parang hindi ka malandi, ah!” nanlalaking matang singhal ni Jahm at walang takot na sinugod si Emma. “Gago ka ba? I saw you kissing Harlyn's boyfriend yesterday! You freak!” 

Putcha! Mosang ngang talaga si Jahm!

Nakita kong namilog ang mga mata ni Harly at umawang ang bibig. Parang tuod na hindi makakilos sa kinatatayuan niya. 

Jahm laughed. “Oh, ‘di ba? Sariling boyfriend ng kaibigan nilantari mo, Emma! Idagdag mo pang china-chat mo ang boyfriend ko at nagpapansin ka kay Syrone tuwing magkaksalubong kayo!” 

“Inamo!” Jorja shouted. “Hanggang saan aabot ang kalandian mo, Emma?!” 

“Mga fake news kayo! Harlyn, 'wag kang maniwala sa kanila!” Emma is about to cry now pero matapang pa rin ang mukha niya. “Hindi ko hinalikan ang boyfriend mo! Hindi ko magagawa 'yon!” 

“'Wag kang magsinungaling! Here's the proof!” nilabas ni Jorja ang phone niya at may pinakitang litrato. “Oh! Malinaw naman ang paningin mo, Harlyn, 'di ba? Kuhang-kuha ng camera ng iphone 11 promax ko na idinikit ni Emma ang labi niya sa labi ng jowa mo! My gosh!” 

Punyeta talaga! Ano bang klaseng tao ang mga kaibigan ko na ito? Lagi na lang silang may hawak na alas! Takte... Kawawa talaga 'yung mga taong umaaway sa kanila, napapahiya.

“Bakla! Hinalikan nga!” palahaw ni Maverick, napatakip pa siya ng bibig matapos makita ang phone ni Jorja. “Malandi ka nga, Emma?!” 

Emma shouted because of irritation. “Hindi nga sabi! It was edited! They manipulate the photo! Harlyn, 'wag kang maniwala sa kani—” 

Sinampal siya ni Harlyn at doon na nagsimula ang rambulan nilang dalawa. Narinig ko pa ang pagpupustahan ng mga kaklase kong lalaki at halatang natutuwa sa nangyayari.

Punyeta! 

I saw Jahm and Jorja laughing like a witch. Waring pinagtatawanan ang mga katangahan ng mga kaklase ko. I shook my head. Nagsama-sama sa section na ito ang may mga saltik sa utak. 

“Putcha. Mga siraulo,” bulong ko sa dalawa kong kaibigan at iiling-iling akong maupo sa aking upuan. 

Hindi ko na inalintana ang ingay sa paligid, dumukmo ako sa armrest at natulog na lamang. 

“Guys, it's already 2:30! Pumunta na tayo sa quadrangle,” rinig kong anunsyo ni Ariess. “Mga clearners, maiwan. Linisin n'yo ang classroom! Susuriin  'yan mamaya ni Mrs. Nalandress.”

Pupungay-pungay akong napatingin sa paligid ko. Nakita kong tumayo si Jahm kaya tumayo na rin at sinulyapan ang wristwatch ko. 

Malapit nang mag-alas-tres, putangina.

“Nakakainis!” Jorja exclaimed. “Ngayon ko lang napansin na wala si Jiesel. Nasa kaniya pa naman ang makeup kit ko!” 

“Ayan, pahiram kasi nang pahiram!” asar na wika ni Jahm. “Sana hindi na niya ibalik sa 'yo!” 

“Gaga! Hindi p'wede. Ang mahal-mahal ng bili ko ro'n!” 

Tinawanan lang siya ni Jahm. Bago kami pumunta sa quadrangle, dumaan muna kami ng banyo. Pumasok silang dalawa sa cubicle habang ako naman ay naghihintay lang sa kanilang dalawa. 

Naghugas ako ng kamay at pinagpagan ang suot kong blazer.

“Rosane, paabot naman ng tissue sa bag ko!” sigaw ni Jorja mula sa loob ng cubicle. “Dali!” 

Inis kong binuksan ang bag niya at hinanap doon ang tissue niya.

“Nakita mo na?” 

“Sandali lang.”

Kinalkal ko nang kinalkal ang bag niya pero hindi ko makita ang tissue na sinasabi niya. 

Binuksan ko ang pinakaliit na zipper ng bag niya at gulat ang rumihistro sa akin nang tumambad ang iilang pamilyar na maliliit na papel. 

“Rosane, ano na?!” 

Hindi ako sumagot. Iniisa-isa kong binasa ang mga kakapiranggot na papel na iyon. 

“Putcha...” 

Bakit meron siyang mga ganito? 

Bakit meron siyang ganito katulad ng mga natatanggap noon ni Gabrielle bago siya mamatay?! 

“Hoy! Ano 'yan?” si Jahm, kakalabas niya lang ng cubicle nang makita ang mga hawak ko. “Huh?! Ano 'yan, Rosane?” 

Hindi ko siya pinansin at kinatok ko ang cubicle ni Jorja. Nagsisimulang magliyab ang galit sa dibdib ko. 

“Ay, puta! May tao rito sa loob!” 

“Lumabas ka d'yan, Jorja! Ipaliwanag mo sa'kin kung bakit may mga natatanggap kang threats!” 

“H-Hoy! Anong threats?! Wala akong natatanggap!” 

“Lukaret ka! Bakit hindi mo sinasabi ang tungkol dito?!” 

“Wala akong alam sa sinasabi mo!” 

Sinuntok ko ang pinto ng cubicle. Parehas silang napasigaw ni Jahm sa gulat. I gritted my teeth. 

“Tangina mo, Jorja! Lumabas ka d'yan at ipaliwanag mo 'to!” 

“Tangina mo rin! Pahingi muna akong tissue!” 

“Putcha! Bigyan mo nga, Jahm!”

“Mga hayop kayo! Ako ang kinakabahan sa inyong dalawa!” bulyaw ni Jahm, saka inabutan ng tissue si Jorja. 

“Jorja, ano ba?!” 

“Ito na, sandali! Madaling-madali?! May lakad? May lakad?!” 

Pagbukas niya ng pinto ng cubicle, hinagis ko ang mga papel sa mukha niya. Halos lumuwa ang mga mata niya sa gulat at sinundan ng tingin ang mga nahuhulog na papel sa sahig.

“Kailan ka pa nakakatanggap ng death threats, Jorja?!” patanong sigaw ko. “Bakit hindi mo sinasabi?! Lukaret ka!” 

“R-Rosane...”

“Jorja naman! K-Kaibigan mo ako!” Ramdam kong nag-init ang mga mata ko. “Dapat lang na sabihin mo sa akin ang tungkol sa bagay na 'yan! Wala akong kaalam-alam! Paano na lang kung mangyari sa 'yo ang nangyari kay Gab?! Sa tingin mo ba makakaya pa ng konsensya ko?!” 

“S-Sorry, Rosane...” she said while her tears are started to run out. “K-Kaya ko lang naman hindi sinabi ang bagay na 'yan dahil ayokong dumagdag pa sa mga iniisip mo. H-Hirap na hirap ka na sa mga nangyayari! Ayokong makidagdag pa sa problema mo!” 

“I can handle it, Jorja!” 

“No, you can't!” sigaw niya pabalik. Nagtatamgis ang mga ngipin niya at nanlilisik ang mga mata. “Hindi mo na kaya! You're suffering and almost dying! Akala mo ba hindi namin alam ni Jahm?!” 

My eyebrows furrowed. “What are you talking about?!” 

“Gaga ka!” Dumapo ang palad niya sa aking pisngi. “G-Gaga ka! Akala ko ba magkaibigan tayo?! Ha?! Putangina mo, Rosane! Sa ating dalawa, ikaw ang luka-luka!” 

“Ano bang sinasabi mo?!” 

“Ano bang sinasabi mo?!” ginaya niya ang tono ng pagsasalita ko. “Akala mo hindi namin malalaman?! Hanggang kailan mo balak itago sa amin, R-Rosane?!” 

“Na ano nga?! Hindi kita mainti—” 

“You are sick, aren't you?!” 

I frozed. Hinablot niya ang kwelyuhan ko.

“W-Why do you have to hide your mental illness, R-Rosane?” her voice cracked. “I thought, we're friends?” 

“Magkaibigan tayo—” 

“May magkaibigan bang nagtatago ng secrets sa isa't isa?!” 

Tinulak niya ako, hindi naman iyon kalakasan pero nagawa nitong mapasandal ako sa sink.

“I'm so fucking disappointed to you, Rosane!” 

Dumapo ang palad niya sa aking mukha. Napayuko na lamang ako. Hindi ko magawang saktan siya. Una sa lahat, ako ang may kasalanan, naglihim ako.

“P-Paano at kailan n'yo nalaman ang tungkol sa sakit ko?” tanong ko habang nanatiling nasa sahig ang paningin. 

“D-Dalawang buwan na ang nakakalipas,” ani Jahm. “Simula nung sinabihin sa amin ni Ohne. Sabi niya, nung araw na nilalagnat ka may ininom ka raw na hindi gamot para sa lagnat. Pasikreto siyang kumuha no'n nang hindi mo nalalaman at tinanong niya sa mommy niya kung para saan ang gamot na 'yon. Then, her mother said na gamot daw iyon for antidepressants! You're having a mental illness but you chose you to hide it pa, huh? Balak ka rin namin komprontahin pero nalaman naming lumipad ka na papuntang Japan…”

“That's the reason why I am so mad at you pagbalik mo rito!” Jorja yelled. “I asked Havier about your condition and what you are doing in Japan. Sinabi niyang nagpapagamot ka ro'n sa sakit mong PTSD habang may inaayos na mga papeles! But what the heck is going? Akala ko magaling ka na pagbalik mo rito pero hindi pa pala!” 

Napatakip siya sa kaniyang bibig at pinigilang humagulgol. Nag-iwas ako ng tingin at hinayaang bumuhos ang mga luhang kanina ko pa piniligilan. 

“I saw you secretly taking a medicine... ” ani Jahm. “Dito mismo sa banyo. Iyun din ang araw kung saan nakita ka ni Marga at inakala niyang iniinom mo ang tubig galing sa gripo.”

Unti-unting bumabagal ang paghinga ko pero nanatili akong kalmado. Hirap mang huminga ay pilit kong hindi pinahalata sa kanila. 

May sinasabi si Jahm at Jorja pero tila hindi ko na iyon naiintindihan pa. Pinanatili ko ang postura ko at mariing napapikit, parang umuuga ang paligid ko.

Humigpit ang hawak ko sa haligi ng sink. Nagsimulang manlambot ang buo kong katawan.

I need to catch my breath! 

Tumakbo ako palabas ng banyo. Tinatawag nila ako ngunit hindi na ako lumingon pa sa kanilang dalawa. 

Habang tumatakbo ako, pakiramdam ko ay masusubsob ako sa sobrang pagkahilong nararamdaman ko kaya binagalan ko ang pagtakbo at naglakad na lamang.

Napahawak ako sa magkabilang tainga ko nang may marinig na mahihinang bulungan. Napalingon ako sa paligid ko. 

Walang tao! 

Nagsimula akong mataranta. Mariin akong napapikit. Hindi! Hindi p'wedeng bumalik ang mga bumubulong na iyon! 

Hindi! 

Okay na ako! 

Hindi na sila babalik! 

“Woman!” 

“Shut up!” sigaw ko. “Tumigil na kayo!” 

“Woman...”

“S-Sinabi kong tumigil na kayo!” Napaluhod ako at napayuko habang nanatiling nakatakip sa tainga ko ang mga kamay ko. “H-Hirap na hirap na ako. Ayoko na... Gusto ko lang naman mabuhay ng tahimik! Bakit ba kayo bumubulong sa akin?! Nakakarindi na kayo!” 

“Woman, shh...”

Naramdaman kong may yumakap sa akin at may marahang hinahagod ang aking likod. Ngunit hindi pa rin nawawala ang mga bulungan. Hindi ko mabilang kung ilang tinig ang mga iyon pero ang alam ko marami sila at pare-pareho lamang ang sinasaad. 

“Magpakamatay ka na...”

“Wala kang kwenta...”

“Magpakamatay ka na...”

“Wala kang kwenta...”

Pati ang ulo ko ay parang binibiyak sa gitna sa sobrang sakit. Napahagulgol na lang ako. Hindi ako sigurado kung meron ngang nakayakap sa akin. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ito o ilusyon. 

“Hey, what's happening, woman?” 

Hindi malinaw sa aking paningin ang itsura niya dulot na rin ng mga luhang nasa mga mata ko. Kahit nanghihina, humingi pa rin ako ng tulong.

“Pakiusap...” garalgal ang tinig ko, hindi ko alam kung naiintindihan niya. “H-Huwag mo akong iwan...”






_






“In her case, she requires more rest. She must also focus on her treatment.” 

May naririnig akong nag-uusap ‘di kalayuan sa aking p'westo. 

“Her psychiatrist said that my cousin is suffering from depression,” tinig ng aking pinsan. “Now, it's called post traumatic stress disorder dahil lumala.”

“Depression is a serious case, Mr. Beindz. Una-una ay kailangan niya ng pagsuporta mula sa inyo. Kung wala siyang panghuhugutan ng lakas ng loob, mas lalong lalala ang kalagayan ng pinsan mo.”

“What other treatment did she need?” 

“Did she also tried to suicide or having a suicidal thoughts?” 

“Yes, Doc.”

“Her doctor may do a physical exam, tests and in-depth questioning about her mental and physical health to help determine what may be causing her suicidal thinking and to determine the best treatment,” sagot ng doktor. Pamilyar ang tinig na iyon pero hindi ko mapangalanan. “I would advise you to have psychotherapy and medications. And please, don't belittle her illness. It's a serious and dangerous one.”

Dahan-dahan akong napamulat ng mga mata. Bumungad sa akin ang mukha ni Havier at ang mukha ni Tita Olga. Nangunot ang aking noo at sinuri ang palagid.

Naging maluwag ang paghinga ko nang makitang narito ako sa kwarto ko at hindi sa ospital. 

“Nasabi ni Karl na may tinurok kay Rosane na kung anong gamot. So, I decided to study her blood since magkaroon ng incidents a few weeks ago.”

“What's the result?” 

“Her blood has hallucinogenic drugs that are examples of psychoactive drugs.”

“What?!” 

“You heard it, right? Mabuti na lang malakas ang katawan ng pinsan mo kaya hindi siya masyadong naapektuhan ng drugs.”

Pusanggala! 

May drugs ang tinurok sa akin?!

Putangina!

Gusto pa yata akong maging adik at tuluyang mabaliw ng isang iyon! 

This is too much! 

“You're awake.”

Napatingin ako kay Havier, napatingin din si Tita Olga sa akin. I didn't know na isa pala siyang doktor. Napabangon ako at daglian naman akong inalalayan ni Havier. 

“How's your feeling, hija? May nararamdaman ka bang kahit na anong masakit sa 'yo?” pagtatanong ni Tita Olga. 

Umiling ako. “Wala naman po...”

She sighed. 

“Hija, I don't really see that coming. Lagi kitang nakikitang masaya at malakas, iyon pala ay kabaligtaran ng totoo mong nararamdaman,” aniya at saka pilit na ngumiti sa akin. “Hope you will be fine soon, hija.”

Tinanguan ko siya. “P'wede niyo po ba i-sikreto ito kay Tita Ginnie? Ayoko po siyang mag-alala...” 

“Of course. I won't say just make sure na makaka-recover ka. You will do everything just to be fine. Okay?” 

“Opo, Tita Olga.”

“Take care of yourself.”

“I will.”

She nodded at me. Sunod kong binalingan si Havier na ngayon ay rehistrado sa mukha ang pagkaproblemado. 

“Nagugutom ka ba?” tanong ni Havier. “What do you want to eat?” 

“Wala.”

“Wala?” nakaarko ang kilay. “You're here for almost six hours. Hindi ka ba nakakaramdam ng gutom?” 

“Hindi.”

He sighed heavily. “I'll just go downstairs to get food and bring it to you.”

“May kamay at paa ako, Havier.”

“Valentina...”

“Hindi ako paralisado,” asik ko. Narinig ko pang mahinang natawa si Tita Olga. “Ayos na ako, okay?” 

“You're so stubborn,” angil niya. “I'll be back. Huwag ka nang bumaba, dadalhan na lang kita ng pagkain dito.”

“Ayo—”

“Dra. Duero, pagalitan mo nga! Balak pa yatang bumaba. Hindi ba dapat nagpapahinga siya?” 

Tita Olga chuckled. “Your cousin is right, Rosane. You need to rest, do not be too hard on yourself.”

Pumihit ako ng malalim na paghinga. Wala sa sariling napatango ako. 

“Just wait here, Valentina. Ipapahatid ko muna si Dra. Duero kay Kuya Teo.”

“Thank you, Tita Olga. Sorry po sa abala.”

“No worries, hija. Tawagan mo ako kapag may nararamdaman kang kakaiba.”

I nodded at her. Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa tuluyan na silang makalabas ng kwarto. 

Inikot ko ang buong paningin ko sa loob ng kwarto. Napabuntong hininga na lang ako. Dahan-dahan akong bumaba mula sa kama at kinuha ang cellphone ko sa side table. 

Napahinga na lang ulit ako ng malalim nang makitang isang katerbang missed calls and messages ang nandoon. 

Una kong binasa ang mga message ni Syrone.

Syrone:
Ohne Karl, told me about what has happened. I'm sorry if I'm not there when you need someone to cheer you up. 

Syrone:
Miss Beindz, are you already okay now? I'm trying to contact your cousin but he's not answering my calls. 

Syrone:
I'm sorry, Miss Beindz. I have errands to run. I won't make it to be there. But if I still have time, sisikapin kong makapunta kahit late na. 

Syrone:
Miss Beindz, are you fine? Hindi talaga ako mapakali hangga't hindi ko nalalaman na okay ka. Call me if you read my messages.

Pinindot ko ang call button sa kasunod ng pangalan niya. Isang ring pa lang, sinagot na niya ito.

“Miss Beindz...” bungad nito. “Excuse me, Madame, Sir. I have to talk to someone.”

Nakarinig ako ng ilang bulungan bago muling narinig ang boses niya. 

“Hello? Miss Beindz? Still there?”

“Oo..”

“God!” He sighed. “Are you feel better now?”

“Okay na ako ngayon.”

“It's already 10 o'clock in the evening. I can't make it to be there. Bukas ng umaga ako pupunta d'yan.”

“Itulog mo na lang iyon, Syrone. Okay naman na ako.”

“But still, I want to visit you there tomorrow morning,” saad niya. “I'm still in the dinner meeting with my dad's business partner here in Manila.”

“Huwag kang mag-alala, ayos lang naman ako.”

“You have to sleep now, Miss Beindz. Take a rest and have a tight sleep.”

“Okay, ikaw din, pag-uwi mo.”

“Yeah, I will. Have a good night, Miss Beindz. We will see each other tomorrow.”

“Good night.”

“Stop worrying so much, I love you.”

Pusanggala!

Ramdam kong lumaki ang aking mga mata dahil sa gulat. Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon ng gano'n kadiretso. Magsasalita sana ako nang marinig kong naputol na ang tawag. 

“Bwisit! Ano bang nakain no'n at sinabi niya 'yon? Nahihibang na ba siya?”

Padabog kong binaba ang cellphone sa side table. Muli na sana akong hihiga para matulog ulit nang biglang bumukas ang pinto. Bahagya akong nagulat nang sumungaw ang mukha ni Ohne.

“Gabi na,” usal ko. “Pasok ka...”

Walang sabi-sabing pumasok siya at hinayaang bukas ang pintuan. Naningkit ang mga mata ko nang makitang may dala siyang tray at puno iyon ng pagkain. 

“Bakit nandito ka? Nasa ibaba pa rin ba ang mommy mo?” tanong ko at umayos ng pagkakaupo. 

“Nagdala ako ng pagkain.” Dahan-dahan niya itong inilapag sa study table, doon lamang ang bakante. “Are you hungry?”

Umiling ako. Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan niya. Napaiwas ako ng tingin at saktong nabaling ang paningin ko sa mga pagkaing inakyat niya rito. 

Syiete. 

Bigla tuloy akong natakam nang manuot sa ilong ko ang amoy. Napabusangot ako. Tumayo na lang ako at tinungo ang study table. 

“Salamat...” muntik pa akong mautal, inalalayan niya pa kasi ako sa pag-upo. “Kumain ka na rin ba?” 

He nodded immediately. “Kumain na ako bago pumarito.”

“Nasa ibaba pa ba ang mommy mo?” 

He shook his head. “Inihatid na siya ng pinsan mo. Wala si Manong Teo, inutusan daw ito ni Manang Lucy.”

Kinuha niya ang bottled water, nakita kong binuksan niya iyon at inilahad sa akin. 

“Salamat, upo ka muna,” sabi ko sabay tanggap sa bote. Nakita ko namang umupo siya sa couch. Ininom ko ang kalahating laman nung bote at inilapag sa table. 

I cleared my throat. Medyo kinakabahan ako. “Hindi ka ba busy? Bakit nandito ka? Anong oras na ba?” 

“Just eat your food.”

“Baka mag-alala ang mommy mo. Gabi na masyado. Dapat sumabay ka na sa kaniya umuwi.”

“Eat, woman. I'm here to check and visit you. Are you satisfied now?” 

Pusanggala. 

Pinanatili kong straight ang aking mukha kahit pa gusto kong magulat sa kaniyang sinabi. Palihim na lang akong umirap at kumain ng tahimik. 

Patay na patay ba sa 'kin ang kumag na 'to? Hays... Hirap maging maganda. 

Muntik pa akong mahirinan nang diretso kong nahigop ang mainit na sabaw.

Letche! 

Parang matatanggal ang nguso ko sa hapdi. Aligaga tuloy akong uminom ng tubig. Nag-init ang buo kong mukha lalo na't nasa akin ang paningin ni Ohne.

Putangina, nakakahiya naman. Kung anu-ano kasi ang iniisip ko! Takte! Pokus! Kumain ka na nga lang, Rosane! 

“Ikaw ba ang nakasalubong ko kanina?” mayamayang tanong ko sa kaniya. Hindi ko matiis ang nakakabinging katahimikan. “Ikaw 'yon, 'di ba?” 

Hindi malinaw sa paningin ko kung siya nga ba ang lalaking nakasalubong ko at ang yumakap sa akin. 

“Nope, it was Syrone,” he answered, shaking his head. My eyebrows furrowed. “He saw you passed out. He immediately brought you to the clinic.”

“I thought, it was you...” bulong ko pa. “Bakit gano'n? Taliwas sa naaalala ko.”

“Ako lang ang tumawag sa pinsan mo at nagbantay sa 'yo habang inaasikaso ka ni Mommy sa school. Syrone needs to go home early dahil may pinuntahan siyang emergency meeting.”

Akala ko siya ang nakausap ko bago ako mawalan ng malay. Baka nga guni-guni ko lang na siya ang nakita ko at hindi si Syrone.

“Si Tita Olga ang umasikaso sa 'kin kanina?” tanong ko. “Ano ba ang nangyari?” 

“Dinalaw niya si Mrs. Delma,” sagot niya. “Doc. Rongie was not there that's why I called my mom to check on you.”

Napatango na lang ako. Nagbaba ako ng tingin sa pagkain ko. Muli akong sumubo ng dalawang beses, nginuya ko nang nginuya iyon at pinilit na nilunok. 

“Magiging komportable ka ba kung pag-uusap natin ang tungkol sa kondisyon mo?” 

Sandali akong natigilan sa narinig. Napainom ako ng tubig bago nilingon si Ohne. Hindi ko mabasa emosyon ng mga mata niya. 

Ano ang gustong malaman ng lalaking ito? 

“Wala namang problema. Ayos lang sa akin...”

He nodded slowly. “I thought you were finally fine when you came back here from Japan.”

“Akala ko rin,” saad ko, saka nagtapon ng tingin sa mga kamay kong nasa hita. “Akala ko lang pala...”

“Huh? What do you mean by that?” He sounded confused. Doon ako nag-angat ng tingin. Tinapangan ko ang aking mukha. 

“Akala ko ayos na ako. Nagpapagamot naman ako ro'n habang nagta-trabaho. Naging tahimik naman ang buhay ko ro'n... dahil wala akong masyadong naiisip na problema...”

It seems that I had a peaceful life there. Kahit pa sa maikling panahon lang iyon.

“Bumalik ako para harapin ang mga problemang naiwan ko rito. Akala ko sapat na 'yung naipon kong lakas...” I smiled bitterly. “Nagkamali ako... I'm still not okay and I'm so fucked up!” 

Bumalot ang mainit na likido sa aking mga mata. Nang mag-angat ako ng tingin, sumalubong ang mga matang niyang nanunuri. 

“P-Pagdating ko rito... Parang mas lalong lumala ang problema ko. Nalaman kong may natatanggap kang death threats tapos si Tita Ginnie... She got stressed because I left without saying goodbyes. Nag-away kami ni Jorja... T-Tapos, iyung pumatay kay Gab... H-Hindi pa rin mahuli-huli... N-Nadamay ka pa...”

“Woman, do not cry, please...”

“Ilang beses kong binalak magpakamatay... Alam mo 'yon! Pero hindi matapos-tapos ang buhay ko! Tangina! A-Alam kong hindi matutuwa si Gab pero iyun lang ang naiisip kong paraan para matapos na ang paghihirap ko,” garalgal kong saad. Napasinghot pa ako nang hindi na ako makahinga sa barado kong ilong. “H-Hirap na hirap na talaga ako sa totoo lang. Gusto kong sabihin sa pamilya ko pero ayokong mag-alala sila dahil kamamatay lang ni Lolo. T-Tapos... kung kay H-Havier ko sasabihin... Maaabala ang trabaho niya. Ang dami na niyang iniisip... Ayokong dumagdag pa...”

“Nandito naman ako pero bakit parang wala ako sa paningin mo?”

I felt fang on my chest. Umurong ang isang butil ng luha ko na dapat ay pabagsak na. 

“I'm always asking you, woman, if there's something going on you...” he uttered. “But you keep on saying that it is nothing and not important to talk..”

“A-Ayokong mag-alala ka..”

“Do you think it will less of my concern?” He shook his head. “You're wrong, woman. Lalo lang akong nag-aalala. Whenever I see you, I feel worried... Ngumingiti ka pero kabaligtaran naman ito nang tunay na pinapakita ng mga mata mo...”

“Ohne...”

“I just really wanted to stay on your side, woman...” he whispered. “Gusto ko lang naman na ako ang una mong lalapitan o hihingian ng tulong sa tuwing hindi mo na alam ang gagawin mo... I'm just here. Nakatingin, nakamasid, at nagbabantay sa 'yo but you keep on refusing me.”

“D-Dahil hindi ko na alam kung sino ba ang dapat kong pagkatiwalaan...”

“I didn't say that you need to trust me, woman. I want you to believe in me.”

“N-Naniniwala naman ako sa 'yo..”

“You did not,” mapait siyang napangiti. “Hindi ka na nga nagtitiwala sa akin, hindi ka pa naniniwala sa mga sinasabi ko.”

I frozed. Napaawang ng bahagya ang aking bibig sa gulat. Gusto kong magsalita pero nangibabaw sa akin ang hiya kaya nagbaba na lamang ako ng tingin. I clenched. 

“Sorry...”

“You don't need to say sorry. I understand you,” he said with a serious tone. “Mahirap magtiwala lalo na sa sitwasyon mo ngayon. You better be careful who do you trust.”

Napatulala ako sa kaniyang sinabi. Mas nahihirapan akong magtiwala ngayon dahil sa mga nangyayari sa akin. Idagdag pang parang ikakabilis ng pagkamatay ko kung magkakamali ako ng pagkakatiwalaang tao. 

I sighed. I feel like everyone is gonna betray me in just one snap. 

Katulad ng ginawa ni Mayen sa akin. Matalik ko siyang kaibigan pero nagawa niya akong trayduhin. Hindi lang ako, pati si Gabrielle. 

“I gotta go, woman,” biglang turan ni Ohne. Tumayo siya, sinuksok ang mga kamay sa bulsa ng hoddie jacket niya at diretsong tumingin sa mga mata ko.

Tumango ako. Pasimple kong pinunasan ang magkabilang pisngi ko gamit ang manggas ng suot kong long sleeve.

“Drink you medicine before I go.”

“Okay...”

Pinanuod niya akong inumin ang mga gamot ko. Narinig ko pa siyang ilang beses na napabuntong hininga. Matapos no'n, siya na mismo ang nagligpit ng mga pinagkainan ko. 

“Salamat...”

“You're always welcome.”

I nodded slowly. 

“You don't have to worry in everything...”

“Ano?”

“Ako na ang bahala.”

“Ha?” Tila hindi naintindihan ang sinabi niya. Naningkit ang mga mata ko at tumagilid ang aking ulo. 

“You're so cute.”

“Matagal na.” 

“You're pretty, too.”

“Nasa dugong Beindz.”

“You look like an angel.”

“Hindi na makatotohanan ang sinasabi mo.”

Napangiwi ako, nakita kong napangiti naman siya at nanlaki ang mga mata ko nang ginulo niya ang buhok ko.

“Hindi na nga ako nakakapagsuklay, ginulo mo pa ang buhok ko!”

He chuckled. “Do you use a rubber bond to tie your hair?”

“Nakakasira ng buhok ang goma.”

“Oh, wait.”

Nagtaka ako nang may kinuha siyang pamusod sa palapulsuhan niya. Nilahad niya iyon pero tinitigan ko lamang iyon. 

It was just a simple hair tie, black ang binder at merong pendant na angel wings.

“Parang nakita ko na 'yang pendant na 'yan,” sabi ko. “Bakit meron ka n'yan? Kay Karla ba 'yan?”

“Hindi mo ba aabutin? Nangangawit na ako.”

Napasimangot ako. Iaangat ko na sana ang braso ko para kunin iyon nang ilayo niya.

“Ako na ang magtatali sa buhok mo.”

I was about to say something nang maramdaman ko nang marahan niyang pinagtitipon-tipon ang buhok ko.

Pigil-hininga kong hinihintay siyang matapos sa pagtali ng aking buhok. May kung ano akong nararamdaman na kakaiba.

Bakit ganito? 

Why do I suddenly feel comfortable with his presence? Kahit pa naroon naman ang pag-aalinlangang pagkatiwalaan siya. 

“Kaya ko namang itali ang buhok ko.”

“I know.”

Umikot ang mga mata ko. Alam niya naman pala pero bakit siya pa ang nagtali. Siraulo.

Hindi ako nakakaramdam ng sakit sa ulo o masyadong pagbanat sa buhok ko. Sakto lang iyon at hindi rin naman maluwag ang pagkakatali.

“S-Salamat,” nahihiya kong saad nang makatapos siya.

Bahagya siyang tumango. “I have to go now.”

Pero may isang bagay na bumabagabag sa aking isipan. Hindi ko alam kung totoo nga ba o hindi pero kailangan ko ng kasagutan mula sa kaniya. 

“May itatanong pa ako,” pagpigil ko sa kaniya. Umangat ang kilay niya na parang sinasabi niyang sabihin ko na ang itatanong ko. I bit my lower lip. Kailangan kong maging matapang. I cleared my throat. “Are you my stalker? Are you stalking me?” 

“No,” mabilis niyang sagot. “I am not. Why would I do that?” 

“May gusto ka sa 'kin. Hindi ba sapat na rason  'yon para i-stalk mo ako and there's a big possibility na ikaw—” 

“What are you pointing out? That I killed my cousin because I'm too insane in love with you? Iyon ba ang gusto mong marinig?” sunod-sunod niyang tanong na nagpakaba sa akin. He smiled bitterly. “Sorry to burst your bubble, woman. I won't invaded someone's privacy at hindi ako kikitil ng buhay para lamang sa pag-ibig. I would rather be alone than chasing someone who doesn't care about me at all.” 

I swallowed hard. “I'm sorry... At least ngayon alam ko nang hindi ikaw ang killer. Higit pa siguro sa sakit ang nararamdaman ko ngayon kung malalaman kong ikaw ang pumatay sa best friend ko. Hindi ko matatanggap 'yon, mas lalong hindi matatanggap 'yon ni Gabrielle dahil isa ka sa mga pinagkakatiwalaan niya.” 

“Ask me more, woman. What's on your mind? I want to know... Share your thoughts and feelings,” he softly said. “What's bothering you, huh? Would you mind to share? Masamang tao ba ang tingin mo sa 'kin?” 

The fuck. 

I gritted my teeth. “Gusto kong maging totoo ka sa 'kin, Ohne. I don't want lies anymore... Hindi na kaya pa ng utak at puso kong kumain ng mga kasinungalingan. Please, be honest with me...” 

He nodded slowly. “I'm not your stalker, I'm not a fucking killer either,” he said with a serious tone. “But, yeah, I always look after you because I wanted to make sure you made it home safely.” 

“Dahil habilin ni Gabrielle?” 

“No.” He immediately shook his head. “I wanted to take care of you, I don't wanna see you in danger again. Makita ka nga lang may pasa o sugat sa mukha, labis-labis na ang pag-aalala ko.”

I gulped. Hindi ko magawang ma-kornihan sa sinabi niya. I feels unknown. Imbis na ma-kornihan ako, parang may humaplos pa sa puso ko. 

“Do you really like me that much?” seryoso kong tanong ngunit tinawanan niya lang ako. “Seryoso ako, boy!” 

“Just forget about that, woman. It's not important.” 

“At ano ang importante ngayon?” 

“Your situation, woman,” kaagad niyang sgaot. “Your physical, mental and emotional health... Don't mind about my freaking feelings. May oras para ro'n. Ang mahalaga ngayon kung paano ka makakaahon, woman. Save yourself, you are drowning too much.”

Ngumisi ako. “Nakakalangoy pa naman ako. May salbabida akong dala,” untag ko. He raised his brow. Pinararating na hindi siya nakikipagbiruan, ako rin naman. “Dala-dala ko ang lahat ng sama ng loob na binigay nila sa 'kin, Ohne. 'Yon ang pinanghahawakan ko ngayon para makaahon. Dahil alam kong darating ang panahon na makakaganti rin ako sa kanila sa oras na makaahon ako. At sisiguraduhin kong magdudusa sila sa hinanakit ko.” 

Naglapat siya ng labi. “I can understand that you feel that way... Hayaan mo sanang samahan kita sa lahat nang magiging laban mo.”

Matagal akong napatitig sa kaniya. Ang pader na siyang matagal ko nang iniharang sa aking puso ay unti-unti nang gumuho. 

Putcha, mani popcorn! Buo ko bang ibibigay ang tiwala ko sa kumag na 'to? Damn, Rosane! Kapag nasaktan ako, kasalanan ko rin naman! Sige na, sige! Huling sugal na ito. Kapag trinaydor ako ng lalaking ito, hindi ko na mapapatawad pa ang sarili ko. 

“Salamat,” iyon na lang ang tanging nasambit ko sa mga oras na iyon. Tumayo naman siya ng tuwid at nanghimulsa. 

“I have to go. Do you anything before I go?” 

Umiling ako bilang pagtugon. 

He smiled genuinely. “Call me if you are having trouble. You know, if you need someone to talk.”

“Okay.”

He nodded a bit. Nakahinga ako nang maluwag ng tuluyan na siyang lumabas ng aking silid.


Continue Reading

You'll Also Like

25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
989 99 28
Birthday checklist: ✔Balloons ✔Party hats ✔Gifts ✔Decoration ✔Entertainment ✔Birthday girl is gonna come ✔Cake □ Wishing Candle .... "Uh oh." 'Yan la...
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
West University By kris ♡

Mystery / Thriller

14.1K 479 43
Ardemount Series # 1 A school where life is priceless. A place ruled by darkness, with walls that shade the truth. A branch of hell on the living wor...