Lascivious Casanova (R-18) (E...

By IyaLee04

2.2M 56.8K 16.4K

Warning: Read At Your Own Risk! EXPLICIT AND MATURE CONTENT❗❗❗ Series 7 of 8 "Do you smoke?" natatawang tanon... More

Lascivious Casanova 01
Lascivious Casanova 02
Lascivious Casanova 03
Lascivious Casanova 04
Lascivious Casanova 05
Lascivious Casanova 06
Lascivious Casanova 07
Lascivious Casanova 08
Lascivious Casanova 09
Lascivious Casanova 10
Lascivious Casanova 11
Lascivious Casanova 12
Lascivious Casanova 13
Lascivious Casanova 14
Lascivioua Casanova 15
Lascivious Casanova 16
Lascivious Casanova 17
Lascivious Casanova 18
Lascivious Casanova 19
Lascivious Casanova 20
Lascivious Casanova 21
Lascivious Casanova 22
Lascivious Casanova 23
Lascivious Casanova 24
Lascivious Casanova 25
Lascivious Casanova 26
Lascivious Casanova 27
Lascivious Casanova 28
Lascivious Casanova 29
Lascivious Casanova 30
Lascivious Casanova 32
Lascivious Casanova 33
Lascivious Casanova 34
Lascivious Casanova 35
Lascivious Casanova 36
Lascivious Casanova 37
Lascivious Casanova 38
Lascivious Casanova 39
Lascivious Casanova 40
Lascivious Casanova 41
Lascivious Casanova 42
Lascivious Casanova 43
Lascivious Casanova 44
Lascivious Casanova 45
Lascivious Casanova 46
Lascivious Casanova 47
Lascivious Casanova 48
Lascivious Casanova 49
Lascivious Casanova 50
Lascivious Casanova 51
Lascivious Casanova 52
Lascivious Casanova 53
Lascivious Casanova 54
Lascivious Casanova 55
Lascivious Casanova 56
Lascivious Casanova 57
Lascivious Casanova 58
Lascivious Casanova 59
Lascivious Casanova 60
Lascivious Casanova 61
Lascivious Casanova 62
Lascivious Casanova 63
Lascivious Casanova 64
Lascivious Casanova 65
Lascivious Casanova 66
Lascivious Casanova 67
Lascivious Casanova 68
Lascivious Casanova 69
Lascivious Casanova 70
Lascivious Casanova 71
Lascivious Casanova 72
Lascivious Casanova 73
Lascivious Casanova 74
Lascivious Casanova 75
Lascivious Casanova 76
Lascivious Casanova 77
Lascivious Casanova 78

Lascivious Casanova 31

35.9K 838 240
By IyaLee04

(LC) Chapter 31




"Hindi na ako sumasali sa mga ganyan."

Nakatulog ako pagkatapos namin. Pagkagising, tuluyang nawala ang lagnat ko. Marahil dahil pinagpawisan ako ng husto. Dadaan kami sa drugstore ngayon bago niya ako ihatid.

Tumigil na ang ulan at humupa na rin ang baha. Mayroon pa rin kaonti ngunit kaya nang dumaan ng sasakyan. Makulimlim pa rin ang langit subalit mahina na ang ulan. Walang kaemo-emosyon ang mukha niya habang nagsasalita siya at nagmamaneho na para bang walang kaintere-interesante sa pinag-uusapan naming dalawa.

Kasalukuyan ko siyang kinukumbinsi na sumali sa parating na multi sports event. Soccer lang kasi ang hindi maisasali. Nanghihinayang ako kung palalampasin. Kung hindi ngayon, baka matagalan pa ang susunod na patimpalak sa soccer o maaaring wala nang susunod at ito lang ang una at huling beses.

"Hindi ka na sumasali? Ibig sabihin nakasali ka na dati? Saan? Sa Ireland ba? O sa ibang bansa?"

"Ireland, England, Spain. Maraming beses na. Taon taon at iba't ibang bansa..." Matagal siya bago sumagot. Walang kabuhay buhay ang mata.

"Maraming beses? Bata pa lang sumasali ka na? Kung sumasali ka pala sa ibang bansa, bakit hindi pwede ngayon?"

"Noon iyon. Hindi na ngayon. Huwag mo nang subukan. Hindi niyo ako mapipilit na maglaro..."

"Wala nang makakapag-pabago sa isip mo?"

Inalis ko ang likod sa pagkakasandal sa upuan ng sasakyan, sinisilip ko ang ekspresyon niya. Gumalaw ang panga niya. Nag-alangan ako at naisip na baka magalit na siya kung magpapatuloy ako. Walang nagbago sa mga mata niya. Wala akong mabasa roon. Hindi ko tuloy alam kung naiirita ba siya sa pagpipilit ko. Diretso lang ang tingin niya sa kalsada at hindi na ako kinibo. Bumuntong hininga ako at tumigil na sa kapipilit sa kanya.

Sinubukan ko lang siyang kumbinsihin. Pero kung ayaw niyang gawin hindi ko siya pipilitin. Maaaring may personal na rason siya na hindi niya masabi at hindi ko pwedeng pang-himasukan. Tumigil na ako at nakatanaw lang sa maputik na dinaraanan namin.

Nakaka-antok sa tuwing basa ang kalsada at maulan ang panahon. Matagal akong nakatulala sa labas. Napabaling lang ako kay Jax nang hawakan niya ako sa kamay. Isinalikop niya ang kamay niya sa akin. Bahagya niya akong hinila para makuha ang atensyon ko at mapatingin ako sa kanya. Pagbaling ko, nasalo ko ang mariin na titig niya.

"Hmm? Bakit?" Tanong ko nang pasulyap sulyap siya sa akin at sa kalsada ngunit hindi naman nagsasalita.

"Ang tahimik mo. Nagalit ka?"

"Huh? Nagalit ako?" Wala sa sariling tanong ko. Medyo natawa ako.

Mas hinila niya ang kamay ko. Ipinatong niya iyon sa hita niya. Naka-angat tuloy ako at nahiwalay ang likod ko sa sandalan ng upuan. Salitan pa rin sa akin at sa kalsada ang tingin niya.

"Kapag hindi ko ba sinunod ang gusto mo magagalit ka? Makikipaghiwalay ka?"

Tinitigan ko siya. Napakurap ako nang ma-realize na tungkol sa pagkumbinsi ko sa kanyang sumali sa soccer ang ipinupunto niya. Sinulyapan niya ako at nagpatuloy.

"Kahit sa ibang bansa hindi na ako sumasali sa mga gano'ng palaro. Kung may mga pustahan lang o kung gusto ko maglaro, sa field lang ako ng school."

Medyo nagulat ako na siya na ang nag-open nito. Tumigil na ako at wala na siyang balak na kumbinsihin ulit ngunit nasa isip niya pala iyon buong magdamag. Pinag-iisipan niya siguro kaya pareho kaming tahimik sa sasakyan. Akala niya nagalit ako dahil tahimik ako?

"Hindi ako galit, Jax." Umiling ako dahil iyon ang totoo. Nginitian ko siya upang ipakita na hindi ako galit. Hindi ako makikipaghiwalay dahil lang sa ganyang kababaw na dahilan.

Tahimik ako dahil bukod sa wala akong sasabihin, inaantok ako. Dalawang beses may nangyari sa amin na umubos ng lakas ko. Sa kabila ng mahaba at mahimbing na tulog ko sa ibabaw ng malambot niyang kama habang yakap niya ako, nakukulangan pa rin ako. Gusto ko nang makauwi para muling makapahinga at makatulog.

Inalis niya ang tingin sa kalsada at sinulyapan ako. Mabagal ang paandar niya para siguro hindi makadisgrasya habang nag-uusap kami o di kaya nama'y para magtagal pa at makapag-usap kami bago makarating sa drugstore. Pinisil niya ang kamay ko na hawak niya at ibinalik ang atensyon sa kalsada.

"Pero gusto mo akong sumali?"

Tumango ako kahit nasa kalsada ang tingin niya at hindi nakita ang ginawa kong pagtango. "Oo."

"Magagalit ka kung umayaw ako kahit gusto mo?" Sinulyapan niya ulit ako at mabilis na diniretso ang tingin sa kalsada. Gusto niya lang sigurong makita ang reaksyon ko kaya pasulyap sulyap siya.

"Bakit ako magagalit? Desisyon mo iyan Jax-"

"But I realized, we're a couple..." sabay lingon ulit sa akin at sa kalsada. "You are my girlfriend now... Hindi ba dapat ay i-consider ko rin ang mga gusto at desisyon mo?"

Napalabi ako. Hindi ko alam kung may rules ba kapag officially in a relationship na. Pareho kaming clueless pero nakakagaan sa loob na nagtatanong siya sa akin at sinusubukan niya. Kahit wala rin akong maisasagot, natutuwa ako sa ginagawa niya.

"Hindi ako magagalit. Girlfriend mo lang ako Jax," mahina akong tumawa.

"Hindi ka galit? Bakit biglaan ang pagtahimik mo kung gano'n?"

Natawa ulit ako. Tumahimik lang ako, galit na ako? Siguro nga ganito kapag may boyfriend, lahat ng kilos mapapansin.

"Inaantok kasi ako! Tsaka hindi ko pakikialaman ang ayaw at gusto mo! May sarili kang buhay at may sarili kang desisyon!"

Nagsalubong ang kilay niya. Binitawan niya ang kamay ko para mailiko ang sasakyan at tumigil sa parking lot ng drugstore. Akala ko tapos na ang usapan namin dahil nakarating na kami. Hindi pa pala dahil pagalit niya akong hinarap matapos makapag-park ng maayos.

"What do you mean na hindi mo ako pakikialaman? Anong klaseng relasyon iyon?"

Malakas akong natawa habang pinapanuod ang pagbabago sa itsura niya. Seryoso siya sa sinabi kaya hindi ko alam kung bakit ako natawa.

"Ano bang gusto mo? Ako na ang magd-desisyon para sayo? Hindi kita pipilitin kung ayaw mo. Ayokong mapilitan ka lang na gawin ang isang bagay dahil sinabi ko na gawin mo."

Ang salubong na kilay niya ay lalong nagsagupaan. Mahigpit ang hawak ng isa niyang kamay sa steering wheel. Sobrang iritado ang tingin na iginawad niya sa akin.

"Paano kung ako naman ang may ayaw sa gagawin mo? Dapat ba hindi rin kita pakikialaman? Hindi kita pwedeng pagbawalan?"

Nagkibit balikat ako. Kapag magkarelasyon ba dapat nagbabawalan? Lumabi ako at hindi nakasagot dahil hindi ko alam. Kung magkakaroon na ng pasok pwede akong magtanong kay Cathy at Irene. May ilang naging boyfriend na si Irene. Si Cathy naman kahit wala pa, may sense ang mga advice. Umiling siya at hindi sang-ayon.

"Ayoko ng ganyang relasyon!" Iritado pa rin siya. "Gusto ko pakialaman mo ako, Clementine! Pagbawalan mo ako at pakialaman mo ang mga desisyon ko! Dahil ako, pakikialaman kita!"

Umawang ang labi ko. Maya maya, napangiti ako. Nawala ang pagsalubong ng kilay niya ngunit nanatili ang pagiging seryoso sa mata at kaonti pa ring irita. Lalong lumawak ang ngiti ko. Kahit nagsusungit, ang gwapo gwapo niya talaga. Pairap siyang nag-iwas ng tingin. Huminga siya ng malalim habang naghuhubad ng seatbelt. Ginaya ko siya, naghubad na rin ako ng seatbelt.

"Ano bang gusto mo? Sasali ka ba?" Hindi ko alam ang gusto niya. Tumigil ako kasi hindi ko siya makumbinsi. Nang tumahimik ako siya naman ang nagalit dahil hindi ko na siya kinulit. "Kasama mo ako kung sasali ka. Ako rin ang magchi-cheer sayo."

Natigilan siya. Bumagal ang pagbitaw niya sa seatbelt at malamlam ang ibinigay na tingin sa akin. Pinanuod ko ng mabuti ang pabago bagong reaksyon niya. Kanina, seryoso. Biglang nagalit at nairita. Ngayon naman para siyang maamong tupa na pumungay ang mga mata.

"You're gonna cheer for me?" Mahina ang boses niya't tunog hindi makapaniwala.

"Part ako ng cheering squad, Jax. Natural lang na kasama ako sa mga magchi-cheer."

"Pagkatapos ng sayaw niyo, hindi na?"

Hindi ko alam kung iiling ako o tatango. Hindi ko pwedeng i-cheer ang pangalan niya dahil malalaman ng mga kasama namin. Pero kung magchi-cheer ako para sa buong team, walang makakapansin na para iyon kay Jax. Ngumiti ako at itinaas baba ang ulo para sa isang tango.

"Pagkatapos ng sayaw siyempre wala na ako sa field..." Nakatitig siya sa akin. Bakit parang nakasalalay sa pag-cheer ko sa kanya ang pagsali niya sa laro? "Pero sisigaw ako ng malakas sa bleachers at babantayan kita para makita ko kung makikipag-away ka sa stadium."

Tinitigan niya ako bago unti unting natawa sa sinabi ko at napailing. Gamit ang isang kamay ay itinuro niya ang sarili niya. Namamangha ang mga mata niya. Hindi ko alam kung para saan.

"Sinong makikipag-away? Makikipag-away ako?"

"Oo! Mainitin ang ulo mo! Hindi malabong mangyari na mapaaway ka doon Jax!"

Pinanliitan niya ako ng mga mata. Umayos siya ng upo para maharap ako. Kuryuso at namamangha pa rin ang mga mata niya.

"Ayaw mo bang makipag-away ako? Nagsisimula ka na ngayon na pagbawalan ako?" Natawa siya.

"Hindi kita binabawal!" Depensa ko. Sinimangutan ko siya.

"Ah, hindi? Kung makikipag-away ako hindi mo ako pakikialaman?"

Natameme ako. Gusto kong mapanganga dahil pansin ko sa paraan ng pagtatanong niya na gusto niyang pagbawalan ko siya. Sino bang girlfriend ang gustong mapa-away ang boyfriend niya? Kung sasabihin ko na ayoko siyang nakikitang nakikipag-away, sasabihin niyang binabawal ko siya. Kung sasabihin ko naman na ayos lang na makipag-away siya, ang pangit naman pakinggan, at ayoko rin naman talaga. Gusto ko siyang sumali subalit hindi ko maiwasan na mag-alala. Paano kung masaktan siya? O di kaya naman ay makasakit siya at matanggal sa laro?

"Babantayan kita para hindi ka mapaaway! Kung napikon ka sa kalaban mo, hanapin mo ako sa crowd! Ang sabi ng kuya ni Cathy marumi raw maglaro ang makakalaban niyo-"

"Nagkakausap kayo ng kuya ni Cathy?"

Natigil ako sa pagsasalita. Sinamaan ko siya ng tingin. Naintindihan ba ako ng gunggong na ito? O hindi siya nakikinig? Lukot ang mukha niya nang magpatuloy.

"Matagal na nasa akin ang cellphone mo, ah! Sino doon? Sino sa dalawang lalaki na tumawag ang kuya ni Cathy?"

Laglag panga ko siyang tinignan.

"May tumawag sa akin na lalaki?" Nabibiglang tanong ko at napa-isip kung sino iyon.

Hindi siya nakapagsalita. Wala yatang balak na ipaalam sa akin iyon, nadulas lang ngayon. Umiling ako at binalewala na iyon. May ilang unregistered number na tumatawag sa akin kahit noon pa. Hindi ko sinasagot at ang iba'y pinapatayan ko pa. May mga nagpapadala rin ng mensahe na hindi ko nirereply-an at hindi binabasa minsan. Noong hawak ni Jax ang telepono ko, nireply-an niya ba lahat at sinagot niya?

"Magpalit ulit tayo ng cellphone-"

"Nasira nga! Nabasa!"

"Anong nasira? Paano mo nakausap? Patingin ako-"

"Si Cathy ang nagsabi! Paano tatawag sa akin kung hindi ko naman kilala ang kuya niya?!"

Mabilis na ang paghinga ko dahil nasisigawan ko siya habang dini-depensahan ang sarili ko. Siraulo ito! Kasasagot ko lang iniisip niya na kaagad na may lalaki ako? Tumango siya ngunit matigas pa rin ang anyo.

"Ah... Hindi mo kilala kaya hindi mo kinakausap? Paano kung magbakasyon dito at ipakilala ka ng kaibigan mo? Kakausapin mo?"

"Hindi rin! Ano ka ba!" Umirap ako.

Tinitigan niya ako ng matagal. Hindi ko naman talaga nakakausap ang kuya ni Cathy. Kahit isang beses hindi ko rin nakita dahil sa Manila iyon lumaki. Gayunpaman, nahihirapan akong makipagtitigan kay Jax ng matagal. Kung ipapakilala ako, ayokong maging bastos kaya normal lang na kausapin ko iyon! Hindi pa nangyayari na-g-guilty na ako kay Jax!

"Huwag kang kakausap ng ibang lalaki na hindi ko alam. Seloso ako, Clementine, ngayon pa lang sinasabi ko na sayo."

Napanguso ako.

"Hindi ko nga kilala. Hindi ko rin ginagamit ang cellphone ko bago pa iyon mapunta sayo kaya wala akong katawagan na ibang lalaki."

Tumango tango siya para tapusin na ang usapan. Kausap namin sina Tatay kanina at nagsabi siya na ihahatid na ako kaya kailangan namin magmadali.

"Bantayan mo ang ginagawa ko. Pagbawalan mo ako kung may nakita kang ginawa ko na hindi mo gusto. Kasi babantayan din kita kahit nasa loob pa tayo ng school. Kung ayaw mong malaman nila na boyfriend mo ako, huwag kang gagawa ng hindi ko gusto."

Bumaba siya sa sasakyan. Umikot siya't pinagbuksan ako ng pinto. Nakahawak siya sa pinto habang bumababa ako. Pagka-apak ko sa semento ng parking lot, hinapit niya ako sa bewang at hinalikan. Gumanti ako. Wala pang sampong segundo, tinapos niya na ang halik. Huminga ako ng malalim dahil kinapos ako sa paghinga kahit saglit lang iyon. Nakangiti na siya nang tingalain ko.

"Sasali na ako at hindi ako makikipag-away para sayo. Kakausapin ko si Coach Roiland pagkapasok natin."

Umawang ang labi ko. Pagkaraa'y magaan akong ngumiti at tumango. Hindi na niya inalis ang braso sa bewang ko. Pagkapasok namin sa loob ng drugstore saka ako nilukob ng hiya. Sa pharmacy counter niya ako dinala. May pila at halos lahat matatanda. Agaw pansin ang itsura ni Jax na kahit mga may edad na ay napapalingon sa kanya. Pagkatapos siyang tingnan ng mga ito, bumababa sa akin ang mga mata nila, partikular sa kamay ni Jax na nasa bewang ko. Pagkatapos kaming titigan, napapasimangot sila.

Kumapit ako sa dulo ng t-shirt ni Jax. Hinila ko iyon para yukuin niya ako at balingan ako dahil paikot ikot sa loob ng drugstore ang tingin niya. Duda ako kung napansin niya ang iginawad na tingin sa amin ng matatandang nakapila. Parang wala kasi siyang pakialam. Hanggang sa pila hapit hapit niya ako sa bewang. Nagawa pa niyang ayusin ang buhok ko nang yukuin ako.

"Bakit? May gusto kang ipabili? Nagugutom ka?"

Umiling ako. Narinig nang nasa harapan namin na nagsalita si Jax kaya halos mabali ang leeg nito para lang lingunin kami. May balak pa yatang makinig sa pag-uusapan namin. Hindi ako umimik. Kahit nahihiya sa lapit ng katawan namin ni Jax, lalo pa akong nagsumiksik sa kanya sa hiya. Ipinantay ko ang mukha ko sa dibdib niya para maitago ako. Gumalaw ang braso niya at dinala sa likod ko nang humarap ako sa kanya. Nakadungaw siya sa akin at hinihintay akong magsalita. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Nagmistula kasi kaming nagyayakapan dahil sa ginawa niya.

"Jax, sa susunod na lang kaya tayo bumili?" Tukoy ko sa pregnancy test na napagkasunduan naming bilhin kapag umayos ang panahon. Nahihiya akong bumili lalo at may ilang pumila na rin sa likod namin.

"Bakit sa susunod pa kung nandito na tayo? Ngayon na tayo bumili ng pregnancy test. Para malaman natin kung nabuntis kita-"

"Jax..." Mahinang saway ko. Halos mapunit ko ang damit niya sa paghila ko. Pumikit ako ng mariin. Naka-uniform ako 'tapos halos isigaw niyang pregnancy test ang bibilhin namin! Kainin na lang sana ako ng tiles, ngayon na!

Hindi ko na nagawang salubungin ang mata kahit nino. Nakatago ako sa dibdib ni Jax hanggang sa maubos ang nakapila sa harapan. Hiyang hiya ako. Sana pala nagpa-iwan na lang ako sa sasakyan at si Jax na lang ang pinabili ko. Nang kami na, ngumiti sa amin ang pharmacist na nasa counter.

"Give me ten pregnancy test," walang kagatol gatol na saad ni Jax.

Pinanuod ko ang babae sa counter. Walang malisya sa mga mata nito at pakiwari ko'y sanay na siya. Ngumiti sa akin ang babae. Patalikod na siya nang muli ko siyang tinawag. Nilingon ko ang kasunod namin sa pila. May kausap iyon sa telepono at abala kaya nagawa kong magtanong sa babae kung ano ba ang pwedeng inumin para hindi mabuntis kung hindi nakapag-condom. Namumula ako habang nagsasalita. Sanay akong mag-report sa harapan ng libong estudyante pero hindi ako sanay magtanong tungkol sa ganitong bagay. Mabuti na lang at mabait naman itong nasa counter.

"If you don't want to get pregnant. I'll advice you to take a contraceptive pills, Ma'am."

"Contraceptive pills? Paano po ba inumin iyon?"

"May instruction po sa loob kung paano niyo iinumin." Ngumiti siya sa akin.

Nasa likuran ko si Jax na kanina pa tahimik na nakikinig. Nakahawak ang dalawang kamay ko sa counter. Samantalang si Jax, ang isang braso niya'y nakaikot sa bewang ko papunta sa aking tiyan. Ang isang kamay niya'y nasa tabi ng mga kamay ko na nakahawak sa counter. Nakaabang ang mga mata niya sa akin nang ikiling ko ang ulo ko para kunin ang opinyon niya. Nagkatinginan kami. Hindi pa ako nagsasalita, umiling na siya. Pinutol niya ang tinginan namin at hinarap ang babaeng nasa counter.

"We don't need a contraceptive pills. Just give me the damn pregnancy test-"

"Kukuha po ako ng pills! Bigyan mo kami ng pills at pregnancy test!" Putol ko kay Jax.

Nilingon ko ulit siya sa aking likod. Nakaawang ang labi niya dahil sa naputol na salita. Nasa itsura niyang hindi pabor sa gusto kong pag-inom ng pills.

"You don't have to drink that. That might have a side effect-"

"Baka mabuntis ako!"

"We'll use condom-"

"Paano kung katulad noong una at pangalawa na wala kang dala? Nasa sasakyan mo iyon, 'di ba? Dapat kasi naglalagay ka sa bulsa mo! O sa kwarto mo!"

"I have in my wallet. I have in my room-"

"Ang sabi mo, wala!"

"Nakalimutan ko kung saan ko nailagay sa kwarto. Nasa sasakyan din ang wallet ko..."

Nanulis ang labi ko. Hindi ako kumbinsido.

"Paano mo nakalimutan kung ikaw ang nagtago no'n?"

Salitan niyang tiningnan ang mga mata ko. Ang kamay niyang nakalapat sa tiyan ko ay hinila ako. Bumunggo ang likod ko sa dibdib niya. Binaluktot niya ang katawan niya ng kaonti para magpantay ang mukha namin at makabulong siya mula sa aking likuran.

"Alright... I won't forget next time. Just cancel the pills."

Hindi ako nagsalita. Tinitigan ko lang siya. Tinatantiya ko kung nagsasabi ba siya ng totoo. Sobrang dalang dala ba siya sa ginagawa namin para makalimutan niya kung saan niya nailagay? Pwede ring sinadya niya na hindi gumamit? Kaya lang, palaging sumisingit sa akin na hindi niya naman siguro gugustuhin na makabuntis.

Girlfriend niya ako pero sa palagay ko hindi pa siya handang maging ama. Lalo naman ako. Hindi niya pa nga naaayos ang sarili niya, 'tapos magpapamilya pa siya? Boyfriend ko siya pero hindi ko pa nakikita sa kanya na magiging tatay siya balang araw ng mga anak ko.

Gusto ko pa sanang makipagtalo pero na-distract ako nang kagatin niya ang ibabang labi niya habang nakikipaglabanan ng titig sa akin. Namula iyon lalo nang padaanan niya ng ngipin. Bumakat ang ngipin niya roon dahil sa sobrang lambot. Napalunok ako at naisip na inaakit niya ako para mapapayag.

"I'm serious, baby. Cancel it."

Continue Reading

You'll Also Like

227K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.5M 99.2K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.