My Lost Husband (Cousinhood S...

By HanjMie

603 5 1

Cousinhood Series 4: My Lost Husband Written by: Ji Mie Han (HanjMie) Ashley Cortez has everything in life. S... More

Chapter Spoiler
Questions
CHAPTER SPOILER TWO
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
MLH THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
CHAPTER FORTY-NINE
SPECIAL CHAPTER: LOST MEMORIES

CHAPTER TEN

2 0 0
By HanjMie

🌷🌷🌷

IT'S THE DAY! At kanina pa kinakabahan si Ashley sa maaring mangyari.

"Hey! Are you okay?" tanong ni Timothy.

Nagtaas siya ng tingin. Inaayos niya kasi ang suot nitong t-shirt. Tumikhim siya at umayos ng tayo. Pumantay siya dito.

"Kinakabahan lang. Sinabi kasi ng teacher namin na may ilang kilalang designer na graduate sa school na ito ang pupunta." Pag-amin niya dito.

Ngumiti ito at hinawakan ang kanyang buhok. "You be alright. May pagkasimple ang gawa mo pero mas maganda naman kaysa sa iba."

Tumingin ito sa mga kasama niyang designer student na nandoon din sa dressing room. Napatingin din siya at napangiti. Iba-ibang idea ang nandoon at tama si Kuya Tim, simple lang ang sa kanya pero agaw pansin.

Pinaghirapan niya ang suot nito ngayon. Isang painting canvas sa shirt ang suot ni Kuya Tim. She paints under ocean on his t-shirt while sunset ocean on his beach short. It was easy for her to paint. Ang nahirapan siya ay iyong sa cap na suot ngayon ni Kuya Tim. Hindi niya iyon binili. Talagang tinahi niya iyon. She even paints the slipper that he using.

"Thank you, Kuya." Ngumiti siya ng matamis dito.

"Be confident, okay. You work hard for this." Hinawakan nito ang buhok niya at bahagyang ginulo.

Nakasimangot niyang tinabig ang kamay nito. Muli niyang binalikan ang pag-aayos sa shirt nito. Mamaya ay inayos na din niya ang make up nito. Kuya Tim knows how-to walk-in runway. Nag-practice kasi ang mga ito kanina at napansin niyang magaling nga ang lalaki. Nang mag-usap ulit sila ng sinukatan niya ito ay sinabi nitong hindi na niya kailangan itong turuan sa paglakad sa runway. He knows what to do. Naniwala naman siya kaya hinayaan na lang niya. At hindi naman siya na disappoint. Nagulat pa nga siya. Sinabi nito na minsan na itong sumali sa ganoon kaya alam na nito ang gagawin.

"Cole can't make it today. Tumawag siya sa akin kagabi," sabi nito habang nasa standby area sila.

Napatingin ulit siya sa lalaki. Tumungo siya bilang tugon. Alam niya iyon dahil sinabi din naman ni Cole sa kanya kagabi. Nagpadala ito ng mensahe na may biglaan itong gagawin sa State. Bukas daw ito uuwi. Walang problema sa kanya iyon dahil alam niyang abalang tao ang pinsan. Sapat na ang ibinigay nitong tulong sa kanya.

"Ipapadala ko na lang iyong mga nakuha nating litrato ngayon sa kanya," aniya.

"Oh!" tumungo si Kuya Tim.

"Kuya..." tawag niya dito.

Napatingin sa kanya ang binata. "Ano iyon?"

"May nobya ka na ba?" She asks him.

Ngayon niya lang iyon na-isipan itanong sa lalaki. Ilang beses silang nagkita pero hindi pumasok sa isip niyang itanong iyon. Ngayon lang dahil napansin niyang kanina pa sulyap ng sulyap ang mga kasama niyang designer at mga model ng mga ito sa kanila. Lalo na at kalahati ng mga nandoon ay babae. They have those eyes that full of adoration. Well, hindi niya masisi ang mga ito. Ang gwapo naman kasi ni Kuya Timothy.

Hindi makaka-ilang isa siyang foreigner. Mata palang nito ay nakakahalina na. Those gray eyes that looks like a doll. Matangkad ding tao ang lalaki. Mabuti na lang at matangkad din siya kaya hindi nakakahiyang madikit sa binata.

"I don't have one." Nakangiting sagot ni Kuya Timothy.

Nagulat siya sa sagot nito. "Bakit?" Mahina ang boses na tanong niya dito.

"Wala pa akong plano talaga. At saka, I want to focus on my career. Remember my dream?"

"Ya! I know." Idinikit niya ang sarili sa lalaki. "Sana iyong taong mahanap mo ay iyong talagang mamahalin ka kung sino ka, Kuya. Kung okay lang sa iyo ay ako ang kikilatis sa magiging kasintahan mo."

Mahinang tumawa si Kuya Timothy sa kanya. Umiling lang ito. Nalaman niya mula kay Alex na hindi pala maganda ng estado ng buhay ngayon ni Kuya Timothy. Lumalaban pala sa isang sakit ang ina ng lalaki. Kaya pala sobrang busy nito. Ito pala ang personal na nag-aalaga sa inang may sakit habang ang ama-amahan nito ang namamahala sa negosyo. Ang step-father ni Kuya Timothy at tumutulak dito na pumasok ng showbiz. He has this amazing voice. Minsan na nitong pinarinig iyon sa kanya at masasabi niyang napakaganda ng boses nito.

Kung talagang nais nitong pumasok ng showbiz bilang isang mang-aawit ay may pag-asa ito. Nalaman din kasi niya na marunong itong gumawa ng sariling kanta. Kuya Timothy is very talented. Magaling din ito sa art. Marami itong sinabing suggestion sa kanya habang ginagawa niya ang damit na suot nito.

Nang magsimula ang event ay lalong lumakas ang kaba sa puso ni Ashley. Nangingig ang kamay niya sa kaba. She praying that everything will be alright. Nasa audience kasi ang ilan sa mga kilalang fashion designer sa bansa. Sila kasi ang judge sa event na iyon. Nang si Kuya Timothy na ang naglakad ay bahagya siyang sumilip. Kuya Tim walk with so much confident. Walang emosyon sa mukha nito. Para talaga itong modelo.

Napangiti siya ng mapansin na masusing nakatingin ang mga judge sa damit na gawa niya. Nang bumalik ng back stage si Kuya Timothy ay mabilis niyang niyakap ito.

"You did great, Kuya. Ang galing mo." Masayang wika niya.

Gumanti na din ng yakap sa kanya si Kuya Timothy. She is so happy. May isang judge kasi siyang nakitang namangha sa gawa niya. Hindi siya pwedeng magkamali ng nakita. Poker face man ang ibang judge ay ayos lang. One is enough for her. May laban na siya.

Siya ang unang kumalas sa pagkakayakap kay Kuya Timothy. Hinarap niya ito at inayos ang damit na medyo gumulo.

"Ang galing mong rumampa. Para ka talagang modelo kanina." Kuminto niya.

"Thank you. It's my honor to wear your first creation. Come on. May isang ikot pa ako."

Tumungo siya. Inasikaso niya ulit ito. She re-touch his make-up. Sinuri niyang muli ang suot nitong damit. Siniguradong walang gusot iyon. At nang tinawag sila para mag-standby ay mabilis silang lumapit. Isang malalim ang hininga ang ginawa niya dahil kinakabahan na naman siya.

"Hey! Relax." Narinig niyang sabi ni Kuya Tim.

Tumungo siya. Nang suminyas ang staff ay isang malalim na paghinga ulit ang ginawa niya. Ini-abot ni Kuya Tim ang braso nito sa kanya. Napatingin siya sa binata. Isang ngiti ang nakalagay sa labi nito. Alam niya ang ibig nitong sabihin. Mabilis niyang ipinalupot ang braso at naglakad kasabay nito. She walks with a smile in her face. Kinakabahan pa rin siya pero dahil kasama at nakahawak siya kay Kuya Tim, mabilis iyong nawala. She walks with confident like him.

Nakasuot siya ng high heels para hindi masyadong malaki ang pagitan ng high nila ni Kuya. Tight blue jeans at iyong design shirt niya ang suot niya. Ibinagay niya iyon sa kay Kuya. Naka-insert ang t-shirt pero pansinin pa rin naman ang paint design noon. Wala siyang suot na cap kagaya ni Kuya pero may suot naman siyang kwentas na gawa sa bulaklak.

Huminto sila sa gitna ng stage dahil magsasalita ang host na siyang guro nila sa workshop na iyon. Maraming tao ang pumunta sa event na iyon at lahat ng mga iyon ay may karapatan na bumoto. 30 percent ay manggagaling sa audience habang ang 70 percent ay manggagaling sa judge na nandoon. Walang masyadong inaalala si Ashley sa magiging boto ng audiences dahil maliit lang na pursyento iyon. Ang inaalala niya ay iyong sa mga judge. Malaking impak ang boto ng mga ito. She lost once they won't vote for her.

Pagkatapos ng ilang minuto sa stage ay bumalik sila sa backstage. Doon ay hihintayin nila ang announcement ng nanalo. Naka-upo siya sa isang upuan ng hawakan ni Kuya Tim ang kamay niya at pinisil. He knows that she wants to win.


"CONGRATULATION, ASH!" Bati ni Alex sa kanya.

Nasa backstage na rin ito. They win. Nanalo siya. Sobrang saya niya ng makuha ang premyo kanina. Nayakap pa nga niya si Kuya Timothy kanina ng marinig ang pangalan niya. She is so happy. Malaking achievement na iyon sa kanya. Isa lang kasi ibig sabihin noon. Talagang may talent siya sa fashion.

"Thank you. I can't make it without your help." Niyakap niya ang pinsan.

Madalas man silang mag-asaran ni Alex ay lagi naman silang nandiyan sa isa't-isa. Si Alex ang unang pinsan na naging malapit sa kanya. Huli na kasi nila nakilala si Cole. Magdadalawang taon palang ng malaman nilang pinsan pala nila ang anak ng may-ari ng Redwave. Magulo kasi talaga ang pamilya nila noon. Lalo na ang nakaraan ng buhay ni Tita Ivy. She makes a huge decision marrying her husband, Tito Carl. Mukhang hindi naman pinagsisihan ni Tita Ivy ang desisyong iyon. Masaya ito sa piling ni Tito Carl.

"What did I do?" salubong ang kilay na tanong ni Alex ng kumalas siya sa pagkakayakap dito.

"You introduce Kuya Tim to me," aniya.

"Ahhh..." Tumingin si Alex sa lalaking nasa likuran niya.

Tumungo-tungo lang ito. May kahulugan na naman ang tingin nito sa lalaking nasa likuran niya. Papansinin na sana niya iyon ng may isang staff na lumapit sa kanila.

"Ms. Cortez, may nagpapabigay po." Ini-abot nito ang isang malaking bouquet ng pink tulips.

"Ha! Sa akin." Gulat niyang tanong. Tinanggap niya iyon kahit hindi pa sumasagot ang babae.

"Yes po." Ngumiti ito sa kanya.

"Sinong nagpapabigay?" Gulat niyang tanong dito.

"May card po diyan, Ms. Cortez." Itinuro nito ang isang maliit na card na naka-ipit.

Nang kinuha niya ang card ay tumalikod na ang babae at iniwan sila doon. Nagtatakang tiningnan niya ang nakasulat sa card.

'Congratulation – DLM'

Biglang bumilis ang tibok ng puso nya ng mabasa ang initial na nakasulat sa card. It was from Lorenzo. Hindi siya pwedeng magkamali dahil iyon ang minsan na niyang nakita sa binata. It's the beginning letter of his name. Iniikot niya ang paningin para hanapin ang lalaki pero hindi niya ito makita. Natigilan siya ng may kumuha ng card sa kamay niya. Nanlalaki ang mga mata niya ng sinundan iyon. Binasa ni Alex ang nakasulat at galit siyang pinagmasdan.

"DLM? Is it Daniel Lorenzo Madrigal? Sa kanya ba galing ang bulaklak na ito?" galit na tanong ni Alex.

Hindi siya sumagot. Anong sasabihin niya? Oo at mukhang kay Lorenzo nga galing ang bulaklak na iyon. O magsisinungaling siya. Pero kapag nagsinungaling siya ay malalaman pa rin ng pinsan. Walang nakakalusot na impormasyon sa kay Alex dahil marami itong kakilala.

"Who's Lorenzo?" tanong ni Kuya Tim.

Tumingin silang dalawa sa lalaki. May pagtataka sa mukha nito. Pinaglilipat pa nga nito ang tingin sa kanya at kay Alex.

"Who's Lorenzo? Kilala mo ba ang mga Madrigal, Kuya Tim?" Hindi nagbago ang tono ng boses ni Alex.

Tumungo si Kuya Tim. "Of course, they are part of the millionaire's family here in the Philippines."

"Kung ganoon ay kilala mo ang Presidente ngayon ng Madrid Empire?" Tumingin sa kanya si Alex.

Nakadama ng inis si Ashley sa pagkakasabi ng pinsan. Gusto niyang singhalan ito pero pinigilan niya ang sarili dahil may mga tao sa paligid. At nasa harap pa nila si Kuya Timothy na walang alam sa mga nangyari.

"The playboy?"

Napatingin siya bigla kay Kuya Timothy ng tanungin nito ang bagay na iyon. Hindi siya makapaniwala na alam nito ang tungkol sa bagay na iyon. Kailan pa nakilala ni Kuya ang mga Madrigal? Mukha naman nakuha ni Kuya Tim ang ibig sabihin ng tanong niya.

"We are in the same cycle. Hindi man ako sumasama sa pagtitipon ng dinadaluhan ng step father ko ay kilala ko pa rin ang mga taong nakakasalamuha niya. His father is one of those people who brought jewelry to us. Hindi na sila iba sa akin lalo na si Lorenzo na minsan ko ng nakita ng personal." Paliwanag ni Kuya Tim.

"Yap. Tama ka ng binanggit na tao. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang magpadala ng bulaklak kay Ashley pagkatapos ng nangyari sa pagitan nila. What he wants from you?"

"Wait? He is your ex?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Tim.

Mabilis siyang umiling dito. Nanindig ang balahibo niya sa uri ng tanong ng binata. Isang napaka-imposibleng maging ex-girlfriend siya ng playboy na iyon. Hindi isang tulad ni Lorenzo ang papatulan niya. She maybe a naughty and flirt sometime but she knows how to choose a right man for herself. Walang-wala si Lorenzo sa pinapangarap niyang lalaki.

"Kung ganoon ay a---"

"Ashley tried to flirt with him." Putol ni Alex sa iba pang-sasabihin ni Kuya Timothy.

"I'm not flirting with him." Mabilis niyang pagtanggi.

When did she flirt with him? Iyong sa restaurant ba? Ginulo lang naman niya ang lalaki habang may ka-date ito. Iyong sa beach, ito ang nakipag-flirt. Ginulo pa nga nito ang plano niyang paghigante para kay Cole. Iyong pagsunod niya sa lalaki pagkatapos ng nangyari sa beach? Gumanti lang naman siya sa ginawa nito.

"Hey! Wag na kayong mag-away dalawa." Pigil sa nagsisimula nilang bangayan ni Alex. Humarap sa kanya si Kuya Tim. "I know Lorenzo, Ashley. I suggest that you stay away from him. Hindi siya ang lalaki para sa iyo. You deserve a guy who can be with you always. Na ikaw ang sentro ng buhay niya at wala kang kahati sa pagmamahal niya."

Pinagkrus niya ang braso. "I know that. Umiiwas na nga ako sa kanya pero siya itong lumapit. He even volunteer to be my male model."

"How did he know that you need a male model?"

"My best friend is his younger brother." Sinimulan na niyang ligpitin ang kanyang gamit.

Nilapag niya ang bulaklak na bigay ni Lorenzo. Tinulungan naman siya ng dalawang lalaki.

"Dennis Madrigal is your best friend?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Tim.

"Yap. He is a great man." Mabilis niyang sabi.

She doesn't want Kuya Timothy to judge the man she meets months ago who already comfortable to her. Bihira siyang maging malapit sa isang tao ng ganoon kabilis. Dennis is one of those people who manage to stay at her crazy antics. Napaka-special ni Dennis para sa kanya.

"I know. I meet him once and he knows how to be get a trust of someone. Kung papipiliin ako between him and his older brother. I will choose Dennis."

Napangiti siya sa sinabi ni Kuya Timothy. Hindi naman nagsalita si Alex. Mukhang kalmado na ang pinsan kaya hindi na siya nagsalita pa. Iniwasan na din nil ani Kuya Timothy na pag-usapan si Lorenzo pagkatapos para di na uminit ang ulo ng pinsan. Nakahanap siya ng kakampi sa katauhan ni Kuya Tim. She wishes that they will meet again. Na hindi iyon ang huling pagkikita niya.

NAGMAMANEHO SI Ashley papunta sa isang lugar na importante sa kanya. Ilang buwan na siyang hindi nakapunta doon dahil sa naging abala sila ng pinsan at dahil na rin sa workshop niya. Kaya naman na-isipan niyang pumunta ngayon. Next week ay balik eskwela na siya. Graduating student na siya at ilang buwan na lang ay makakakuha na siya ng diploma at magsisimula na din siyang pag-aralan ang kompanya ng ama.

Nang marating ni Ashley ang isang gate na may mataas na pader ay malakas siyang bumusina. Hindi naman nagtagal ay may nagbukas ng gate. Binuksan niya ang bintana at kumuway sa nagbukas. Isang masayang ngiti ang nasilay sa labi ng lalaki. Gumante din ito ng ngiti sa kanya.

Ipinarada niya di kalayuan sa main building ang kanyang kotse. Mabilis naman na lumapit sa kanya ang lalaki. Nang lumabas siya ng kotse ay nasa harap na niya ito.

"Hi Kris. Kamusta ka na?" Ginulo niya ang buhok ng batang lalaki.

"Okay lang po ako, Ate Ashley. Buti po at napadalaw po kayo. Kamusta naman po kayo?" Masiglang sagot ng bata.

"Okay lang din naman ako. Masyado akong naging abala sa pag-aaral ko kaya hindi na ako nakapunta dito. Nasaan pala si Mother Mia?" tanong niya habang naglalakad papunta sa likuran ng kanyang kotse.

"Nasa loob po si Mother Superior. Siguradong matutuwa po iyon kapag nakita po niya kayo, Ate Ashley."

Napangiti siya. Binuksan niya ang trunk ng kanyang kotse. Mula doon ay isang hindi kalakihang box ang inilabas siya. Mga laruan iyon na nakuha niya sa mga pinsan. Binili niya iyon para sa mga batang nasa ampunan na iyon. Ibinigay niya ang kahon kay Kris. Mabilis naman tinanggap iyon ng binata.

"Mga bagong laruan na naman po ito, Ate?"

"Oo. Binili namin ng mga pinsan ko. Nagbigay din diyan iyong bago kong kaibigan. He wants to meet you too." Naalala niya ang sinabi ni Kuya Tim noong sinabi niya na may isang bahay ampunan siyang tinutulungan.

Tinanong kasi siya nito kung saan mapupunta ang premyo ng napanalunan niya. Sinabi niya na ibibigay niya iyon sa bahay ampunan na tinutulungan nilang magpinsan mula noon first year college sila. Ang mga bata sa bahay ampunan na iyon ang beneficiary nila. Sila ang nagpapaaral sa mga ito. Maliban pa sa foundation ng kompanya ni Cole at Alex ay may personal na tinutulungan ang mga pinsan.

Hindi iyon alam ng mga tao lalo na ng medya. They refuse to disclose that information to the public. Hindi naman kasi kailangan ipanladakan iyon sa mga tao. Masaya na silang nakakatulong sa mga batang nandoon.

Lumapit siya sa backseat ng kotse niya at kinuha doon ang biniling pagkain. Tatlong lagayan ng pansit at apat na spaghetti ang nandoon. May limang box naman ng cake ang meron din doon. Papakuha na lang niya iyon sa mga batang nandoon. Kinuha niya ang dalawang box ng cake. Iyon lang ang kaya niyang bitbitin.

"May pagkain ka din palang bitbit. Mukhang busog na busog na naman kami nito." Masayang sabi ni Kris.

"Kailan ba ako pumunta dito ng walang dalang pagkain, ha?" natatawang tanong niya sa binata.

Ngumiti lang si Kris. Naglakad na sila papasok sa malaking bahay. Nasa unahan niya si Kris na talagang pina-una niya dahil alam niyang mabigat ang hawak.

"Kamusta pala ang pag-aaral mo? May balak ka na bang kunin na kurso?" Tanong niya dito.

Nasa huling taon na nito sa high school. Ngayon ay dapat na nitong pag-isapan ang kukunin na kurso para ma-ipasok na din ito sa scholarship ng kompanya ni Cole o ni Alex.

"Meron na po, Ate Ashley. Balak ko pong kumuha ng engineer. Gusto ko pong makapasok sa kompanya ni Kuya Alex."

Napangiti siya sa sagot nito. Talagang hinahangaan ni Kris ang pinsan niyang iyon. Kapag sabay silang pumupunta doon ni Alex ay ito ang laging ka-usap ni Kris. Maraming kwentuhan ang dalawa at kulang pa ang isang araw. Masaya naman siya kapag nakikita iyon.

Narating nila ang kusina at nakita niyang nandoon ang isa sa mga madre at ang isang katuwang ng mga ito.

"Ashley, nandito ka pala. Kanina ka pa?" Naghugas ng kamay si Princess. Isa ito sa mga batang madre na nag-aalalaga sa mga bata.

"Kakarating ko lang po Mother Princess. May pagkain po bala sa loob ng kotse ko. Bukas po iyon at pwede niyo pong ipakuha," aniya.

"Ganoon ba. Mukhang sobra-sobra ang pagkain ngayon dito sa ampunan." Nahihiyang wika nito.

"Huh! Bakit naman po sobrang-sobra?" nagtatakang tanong niya.

Nasagot ang tanong niya ng may nasalita mula sa likuran niya.

"Mother, may extra plate po kayo diyan. Natapon po kasi ni Kate ang plato niya."

Nanigas si Ashley sa kinatatayuan ng marinig ang boses na iyon. Isang pamilyar na boses at ang boses din iyon ang huling boses na naiisip niyang maaring marinig sa lugar na iyon. Lalong napako sa kinatatayuan nito si Ashley ng banggitin ni Mother Princess ang pangalan ng lalaki.

"Lorenzo, nandoon sa kabinet. Pwede bang ikaw na lang ang kumuha?" 

🌷🌷🌷

HanjMie

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
1.2M 44.7K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
5.2K 194 39
It was game over for Solar. Inaamin niya, nahulog na siya. May nararamdaman na siya para kay Lucas. But she never thought she's the one who could tak...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...