My Lost Husband (Cousinhood S...

By HanjMie

603 5 1

Cousinhood Series 4: My Lost Husband Written by: Ji Mie Han (HanjMie) Ashley Cortez has everything in life. S... More

Chapter Spoiler
Questions
CHAPTER SPOILER TWO
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
MLH THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
CHAPTER FORTY-NINE
SPECIAL CHAPTER: LOST MEMORIES

CHAPTER EIGHT

5 0 0
By HanjMie


🌷🌷🌷

PALABAS PA LANG ng gate si Ashley ng mapansin niya ang isang pamilyar na kotse. Nagtagpo ang kilay niya. Napansin din niya ang lalaking nakasandal sa kotse nito. Gustong tumaas ng kilay ni Ashley pero pinigilan niya.

'Anong ginagawa niya dito? May susunduin ba siyang babae? O iyong babae din noong nakaraan?' She asks herself.

Pero agad din inalis ni Ashley ang tumatakbo sa isipan. Wala dapat siyang paki-alam kung nandoon ang lalaki. Dapat niya itong layuan. Pagkatapos ng nangyari sa Pampanga ay masinsinan siya pinaki-usapan ng kanyang Tita Ivy na wag gumawa ng kalukuhan kay Lorenzo. Nakarating pala dito ang ginawa niya sa binata. Nasisigurado niyang si Cole ang nagsabi sa matanda kaya naman ay nakapagdesisyon na din siya na wag ng gumanti dito.

Masunurin siyang bata pagdating kay Tita Ivy. Naging pangalawang ina na kasi ito sa kanya. Maayos naman ang relasyon niya sa kanyang magulang. Kaya nga hinahayaan siya ng mga ito sa kursong gusto niyang kunin kahit pa nga na dapat ay business management ang kukunin. She is the only heir and it's her responsibility to manage the company but her parents let her be who she wants to be. Hindi man maganda ang relasyon ng kanyang ama at ni Tita Ivy ay ayos hindi siya pinipigilan ng mga ito na makihalubilo sa pamilya Saavadra.

Naglakad na si Ashley papunta sa hintayan niya. Dadaanan siya ngayon ng pinsan. May pupuntahan daw sila. It's summer but she needs to go to school for some activity. May summer workshop na inoffer ang school kaya naman nag-apply. Kasama niya ang mga kaklase niya. Sa dulo kasi ng workshop ay isang summer collection runway ang gagawin. She needs to do her best para mapansin ang gawa niyang damit.

Malapit na siya sa hintayan ng mapansin na sumunod sa kanya si Lorenzo. Gustong tumaas ng kilay niya ngunit pinigilan niya ang sarili. Hindi siya pwedeng magpakita ng emosyon sa lalaking ito. She has nothing to do with him. Kailangan niyang umiwas para hindi magalit sa kanya si Tita Ivy. Kung si Alex lang naman ay wala siyang paki-alam dahil hanggang galit lang naman ito.

"Ashley!" narinig niyang tawag ni Lorenzo.

Binaliwala niya ito. Bakit siya nito tinatawag. Wag nitong sabihin na siya ang hinihintay nito. Nakarating na siya sa hintayan ng maabutan siya ng binata.

"Ashley Cortez."

Binigyan niya ito ng nagtatanong na tingin. Alam niyang walang emosyon ang kanyang mukha ng mga sandaling iyon. Gusto niyang ipakita dito na wala na siyang paki-alam pa sa nangyari sa kanila noon.

"Can I talk to you?" Ngumiti pa ang lalaki sa kanya.

"About what?"

Tumingin ito sa paligid. Wala naman tao doon. May kalayuan din ang kinatatayuan niya sa guard ng eskwelehan. Tumikhim ito at ibinalik ang tingin sa kanya.

"Can we talk somewhere else? Hindi ko kasi masabi dito," anito.

Pinagkrus niya ang dalawa niyang braso sa harap ng kanyang dibdib. "I'm sorry but I have an important things to do. Kung may gusto kang sabihin ay sabihin mo na dito. I'm ready to listen."

Nagdalawang isip ang lalaki pero mukhang napansin nito na seryuso siya sa sinabi na hindi siya sasama dito. No one can force her.

"I... I..."

Tumaas ang kilay niya ng ma-utal ito. For the first time ay naging ganoon ang binata sa kanya. Now, she wonders what he got into.

"Kung hindi mo masabi sa harap ko ay sabihin mo na lang kay Dennis. You can ask him my contact number." Tinalikuran niya ito at kinuha ang phone sa sling bag.

"Dennis won't give your contact number to me."

Bumalik ang tingin niya ng marinig ang sinabi nito. May pagtataka sa mukha niya.

"What did you say? Bakit naman gagawin iyon ni Dennis?"

"He told me to stay away from you. He said that I shouldn't get involve to someone like you." Ito naman ang nagkrus ng braso sa dibdib.

"What? Bakit?" Now she her curiosity strike again.

Bakit naman iyon gagawin ni Dennis? Hindi nga siya nito pinagsasabihin tungkol sa kapatid nito. Well, noong isang beses lang naman. Pagkatapos noon ay hindi na nila pinag-usapan ito. Pinagsabihan lang siya nito na hindi dapat niya pag-ukulan ng kahit anong interest ang kapatid.

"He is afraid that I might hurt you. Na baka isama kita sa mga listahan ng mga naging babae ko sa buhay," wika ng binata habang seryusong nakatingin sa kanya.

Bahagyang bumuka na labi niya. Mamaya pa ay tumawa siya ng bahagya. Iyon talaga ng rason ni Dennis. She can't believe her best friend will do that to his brother. Tumigil siya sa pagtawa ng mapansin ang pagbabago sa mukha ng binata.

"Look, Mr. Madrigal. You are not my type and you will never be. Hindi isang tulad mo ang bibigyan ko ng interest. I already told your brother that. I just want to mess up with you and I already apologize for that. Now, you don't need to associate with me anymore. You can't leave me alone now. I won't bother you also. It's that already clear?"

"It's not clear with me."

Nagsalubong ang kilay niya. "What do you mean?"

"I want to know you more now, Ashley." Inilahad nito ang kamay sa harap niya. "I want to be your friend."

Napatingin siya sa kamay nito. Tumawa siya ng bahagyan dito. "You want to be my friend? Are you trying to make me laugh, Mr. Madrigal?"

Umiling ito. "I'm not joking. I really want to be friend with you. Can we give it a try?"

Napatingin siya sa kamay nitong nakalahad pa rin. Tumaas lang ang kilay. Naghihinala siya sa motibo ng lalaking ito. Hindi niya kayang lubusang magtiwala sa lalaki dahil na rin sa nangyari sa kanila noon. After all, he stole her first kiss.

"Okay. But give me a reason why should I accept your friendship? I mean, after what happen to us, I think we can't be friends."

Natigilan ang lalaki. Umiwas din ito ng tingin. Lalo siyang nagtaka dito. Hindi ito makapagbigay ng rason o hindi nito ma-ibigay ang rason. Lalo lumaki ang hinala niya sa lalaki. May binabalak ito sa kanya.

"Forget it. Let's not be friends, Mr. Madrigal. Sapat na din naman sa akin na ang kapatid mo ang kaibigan ko sa pamilya niyo. I hope this will be the last time you come to me." Tinalikuran na niya ito at papara na sana ng taxi ng mabilis nitong hawakan ang braso niya. Napapiksi siya dito.

Tumaas naman ang kamay nito ng bigyan niya ito ng masamang tingin. Anong karapatan nitong hawakan siya?

"I'm sorry," anito. Nasa mukha nito ang sinseredad sa paghingi ng tawad.

Bumuntong hininga siya at inilagay ang dalawang kamay sa likuran. "Look, Mr. Madrigal. Sina---"

"Lorenzo... You can call me Lorenzo. Mr. Madrigal is too formal for me. Pakiramdam ko ay napakatanda kong tao kapag tinawag mo akong Mr. Madrigal." Putol nito sa iba pa niyang sasabihin.

Gustong iikot ni Ashley ang mga mata. Lorenzo is getting to her nerve. Nagsisimula na siyang ma-inis sa lalaki. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. Kailangan niyang habaan ang pasensya dahil sa ginawa niyang pangako kay Tita Ivy. Hindi niya pwedeng baliin ang pangakong iyon.

"Whatever! Can you just leave me alone?" Mataray na niyang sabi dito.

Tinalikuran na niya ang binata at nagsimulang magsulat ng mensahe sa pinsan. She wanted to get out there and stay away from Lorenzo.

"I want to know the real Ashley. That's the reason why I want to be friend with you."

Napahinto siya sa pagsusulat ng mensahe ng marinig ang sinabi ng binata. Nais niyang lumingon dito pero pinigilan niya ang sarili. Alam niyang nakasulat sa mukha niya ang isang emosyon na hindi niya pwedeng ipakita dito. Bigla din kasing bumilis ang tibok ng kanyang puso.

"Sinabi sa akin ni Dennis na ibang-iba ka sa pinapakita mo ugali sa ibang tao. I'm curios of what kind of person Ashley Cortez is. I want to know you more because I want too. I want to be friends with you and to reconcile with you. To be honest, I come here to say..." Isang malalim na paghinga ang narinig niya. "...to say I'm sorry to you."

Doon na tumingin si Ashley kay Lorenzo. Nakayuko ito pero nagtaas din ng tingin. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Natigilan si Ashley. Bakit iyon ang nakikita niyang emosyon sa mga mata ng lalaki? He is sincere. Nakikita niya ang katutuhanan sa mga mata nito. Humigpit ang pagkakahawak ni Ashley sa kanyang sling bag. Biglang ayaw mag-function ng kanyang utak. Natutuliro siya sa sinabi ng binata. Tumikhim siya at umiwas ng tingin.

Hind niya alam kung anong sasabihin sa binata. Sa unang pagkakataon ay nawalan ng sasabihin ang isang tulad niya. This is way impossible but it really happening. What happen to her? It's just a word from this man. Simpleng paghingi lang ng tawad iyon. Gusto lang siya nitong makilala. Walang special doon. Ilang beses na huminga ng malalim si Ashley para kuntrolin ang sarili.

"Let's be friend, Ashley Cortez."

Nanlaki ang mga mata ni Ashley ng makita ang gwapong mukha ni Lorenzo na sobrang lapit sa kanya. Ashley feels her world suddenly stop and there's fireworks around here. Napalunok siya bigla. Tuluyan na naging tuliro ang kanyang isipan. Bakit kasi napakalapit nito? Bakit ang gwapo at ang bango ng lalaki?

"Ashley!" tawag ni Lorenzo ngunit naging musika iyon sa pandinig ni Ashley.

Hindi niya maalis ang tingin sa lalaki. Kahit pagkurap yata ay hindi niya magawa dahil natatakot siyang baka mawala sa paningin niya ang lalaki. Isang malakas na busina ang nagpagising kay Ashley. Napakurap ng ilang beses ang dalaga na parang nagising sa isang magandang panaginip.

"Ash!"

Ang tawag na iyon ng pinsan ang siyang nakakuha ng atensyon ni Ashley. Napatingin siya sa pinsan na ngayon ay kakalabas lang ng kotse nito. Seryuso ang mukha nito. Huminga siya ng malalim.

"Let's go." Sigaw ni Alex.

Lumingon siya kay Lorenzo na nakatingin din pala sa kanya. Hindi siya nagsalita at tinalikuran lang ito. Lumapit siya sa pinsan na masamang nakatingin na ngayon kay Lorenzo. Alam na din kasi ni Alex ang ginawa ng binata sa kanya noong nagkita sila sa Pangasinan. Cole told him. Wala naman kasing matatago sa kanilang magpinsan.

"Ashley." Tawag ni Lorenzo na siyang nagpahinto sa kanya sa pagbukas ng pinto ng kotse.

Hindi niya napigilan ang sarili na napatingin sa lalaki. Isang ngiti ang ibinigay nito. Hindi nito pinansin ang galit na tingin ng kanyang pinsan.

"I get your answer when we meet again. Think about it."

Napatingin siya sa pinsan. Ganoon din ang ginawa ni Alex ngunit ang mga tingin nito ay nagtatanong. Mabilis siyang umiwas ng tingin sa pinsan at pumasok ng kotse. Pinigilan niya ang sarili na mapatingin sa gawi ni Lorenzo. Mukhang mahabang paliwanagan na naman ang gagawin niya sa pinsan. At siguradong makakarating ang pangyayaring ito sa Tita Ivy niya.

"CAN YOU BE MY MODEL FOR this project?" Nakiki-usap na tanong ni Ashley kay Dennis.

Nasa opisina siya ngayon ng binata. Pumunta siya doon pagkatapos ng workshop niya. Sinabihan sila ng Prof nila na kailangan nilang kumuha ng model para sa gagawin nilang summer runway. Bawal silang kumuha ng model at bayaran ito ng mahal. Hindi sila pwedeng maglabas ng malaking pera. She needs to find a model this week. Sisimulan na din dapat niyang gawin ang damit para dito. May isang buwan na lang kasi sila para gawin iyon.

"I can't. Maraming akong project ngayon, Ashley," sagot ng kaibigan.

Hindi man lang siya nito magawang sulyapan. Marami ka talaga itong ginagawa ngayon. Pansin na pansin sa mga papeles na nakatayo sa mesa nito. Bumuntong hinga siya at kinuha ang isang magazine. Binuklat niya iyon. Hindi niya pwedeng pilitin ang lalaki dahil na-iintindihan niya ang sitwasyon nito. Iyon din kasi ang rason kung bakit hindi si Alex ang unang choice niya. Maraming ginagawwa ngayon sa opisina ang pinsan. Kapag ganitong summer break ay nakatuon ang atensyon nito sa negosyo ng pamilya.

Wala naman sa bansa si Cole kaya hindi niya ito mapaki-usapan. Well, kahit naman nasa bansa ang pinsan niyang iyon ay hindi din ito pwede. Cole doesn't want to be expose with other people. Ito ang pinakapribado sa kanilang magpinsan. Muli siyang huminga ng malalim. Si Knight sana ang pakiki-usapan niya pero nalaman niya mula kay Tita Ivy kanina na nag-part time job sa ospina ang kaibigan at ngayon ay abala sa pagtulong sa ama nito.

She have no other choice but her best friend pero busy din pa ito. Mas marami pa nga yata itong ginagawa kaysa sa kay Alex. Ibinaba niya ng hawak na magazine at napatingin sa kaibigan. Nakatutok ang mga mata nito sa papeles na hawak. Huminga siya ng malalim. Tumayo siya at lumapit dito.

"Do you know someone to be my model?" Nagbabakasakali siya na baka may-alam ito dahil sa mall ito ng tatrabaho.

Nagtaas ng tingin si Dennis. Binitiwan nito ang hawak na papeles. Huminga din ito ng malalim.

"I'm sorry but I don't know someone. May mga kakilala ako pero malaki ang talent fee nila. Ang sabi mo nga ay iyong hindi mo kailangan magbayad ng mahal. I'm sorry but I can help you." Apologitic na wika nito.

Nakasimangot na umupo siya sa visitor chair na nasa tabi ng mesa. "Kahit iyong mga kakilala mo kahit hindi model. I can teach them how to ramp. Please, just help me with this one?"

She is literary begging to her best friend. Hindi siya ganoon klaseng tao pero pagdating sa kaibigan ay ayos lang. Alam naman niyang hindi siya nito kayang husgahan. Napahawak sa batok nito ang binata. She pout her lips. Pinagdikit din niya ang dalawang kamay.

"Ash...." Dennis also sound begging to her.

"Just this one, please!"

"Bakit hindi ka sa mga pinsan mo humingi ng tulong? I think they can help you with this one."

"Alex is busy with Kingstate. Nasa State naman ngayon si Cole. At saka, mga kilalang tao ang kaibigan ni Alex. He can't help me." Alam niya na iyon ang itatanong nito.

Napapikit ng mariin ang binata. Para bang sinasabi nito na 'nagtanong pa ako'. Gusto niyang tumawa ng malakas pero pinigilan niya ang sarili. Baka hindi siya nito tulungan kapag nakita nitong natutuwa siya na nahihirapan din ito. Ito ang nagustuhan niya sa ugali ni Dennis. He is ready to help her. Handa itong tumulong sa problema niya. Kaya naman hindi niya pinagsisihan na naging kaibigan ito. Well, tanging ito lang naman ang totoo niyang kaibigan.

"I wi---"

Hindi niya natapos ang sasabihin ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang matangkad na lalaki. Nakatingin ito sa hawak na papeles at hindi siya nito napansin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Ashley ng makita kung gaano kagwapo ni Lorenzo sa suot na business suit. Pansin na pansin ang malapad nitong balikat. Naalala niya ang nangyari noong nakaraang araw. Gusto niyang suntukin ang sarili dahil napatulala siya sa harap ng binata.

"Dennis, what can you say about the project of Mr. Soriano? Gusto niyang ipa---" Napatigil sa pagsasalita si Lorenzo ng magtagpo ang kanilang mga mata.

Ashley wanted to smile but she stops herself. Mabilis siyang umiwas ng tingin. Hindi din siya tumingin kay Dennis dahil natatakot siyang makita ang reaksyon sa mukha nito. She composes herself to hide her feeling. Masyadong mabilis ang tibok ng kanyang puso at hindi pwdeng mapansin iyon ng dalawang lalaking kasama ngayon.

"I already read that document. It's not okay with me. Masyadong malaking halaga ang gusto niyang gamitin sa project na ito. At saka na-isip ko na hindi mall ang agad na pupuntahan ng mga tao kapag galing sila ng airport. Usually, people go to their hotel to check in."

"That's what also I was thinking. He will insist this project on the board meeting. Pupunta ka ba?" Naramdaman niyang sumulyap sa kanya ang lalaki.

Nararamdaman niya kasi ang init ng titig nito sa likuran niya. Ashley is trying to be cool. Nagkunwari siyang walang narinig sa usapan ng magkapatid. Tumayo siya at bumalik sa pagkaka-upo sa mahabang sofa. Kahit hindi siya lumingon ay nasisigurado niyang sinundan siya ng tingin ng dalawa.

"I will be there. May kailangan din akong sabihin sa board. Expansion for the mall in Davao is under negotiation. May ilang taong tumangging ibinta ang lupa nila sa atin."

"Okay! Kung ganoon ay hihintayin na lang kita mamaya sa main office. Mas pina-aga nila ang meeting ngayon. Be there before three pm."

"I will. I already cancel my meeting. By the way, talk to Dad about you project in South Cotabato. Balak mong mag-negotiation sa airport doon para magkaroon tayo ng international flight, right?"

"Yes. I heard from other pilot that there's no direct flight from China, Japan at Korean. Mas mabuti pa nga yata at Aklan na maliit lang na lugar."

"Well, maganda ang binabalak mong project. The company will gain a lot if we get this one. Just tell Dad about your plan."

"I will."

Namayani ang katahimikan pagkatapos sabihin iyon ni Lorenzo. Naging mapanuri naman si Ashley sa paligid. Pinakiramdaman niya ang dalawang lalaki. Narinig niyang tumikhim si Lorenzo.

"Hello, Ashley. Nandito ka pala?" narinig niyang tanong ni Lorenzo.

"She is here to disturb me again." Natatawang wika ni Dennis.

Nagtaas siya ng tingin at sinamaan ng tingin ang kaibigan. Napasimangot siya sa sinabi nito. Ngumiti lang at umiling si Dennis. Tumingin ito sa kapatid na nakatingin pa din sa kanya.

"Kuya, pupunta na lang ako sa opisina mo mamaya. Tatapusin ko na lang ilang papeles dito sa opisina ko."

Tumingin si Lorenzo sa kapatid. "Okay. Let's talk again before the meeting. I don't want Mr. Soriano to get the approval of the board for this project."

Tinunguan lang ni Dennis ang kapatid nito. Alam niyang pinapaalis na ni Dennis ang kapatid nito pero mukhang wala pang balak si Lorenzo dahil ibinalik nito ang tingin sa kanya.

"May kailangna ka kay Dennis. Maari ko bang malaman?"

Natigilan si Ashley sa magalang na pagkakatanong nito. Parang ibang tao ang kaharap niya ng mga sandaling iyon. Sinulyapan niya ang kaibigan. Nakapamasid lang ito at naghihintay ng sagot mula sa kanya. Nais niyang tuloy singhalan ito. Akala ba niya ay ayaw nitong maging malapit siya sa Kuya nito, bakit hindi siya nito tulungan. Tumikhim siya at sinalubong ang tingin ng lalaki.

"I'm asking him to be my model. May gaganapin kasing Summer Runway sa school. Kailangan ko ng model para sa gagawin kung damit," sagot niya.

"Really?"

"Yes."

Tumingin si Lorenzo kay Dennis. May naglalarong mapanuksong ngiti sa labi nito. Nagtatanong din ang tingin nito sa kapatid.

"And I told her I'm not doing it. Masyado akong maraming ginagawa para pagbigyan siya," wika ng kaibigan.

"Kung ganoon ay wala ka pangma-isip na magiging model mo?" Tanong ni Lorenzo ng bumalik ang mga tingin nito sa kanya.

"Sad to say, yes." Inis siyang tumingin sa kaibigan.

Tumawa lang si Dennis at ibinalik ang tingin sa papeles na binabasa kanina. Sinamaan niya ng tingin ang kaibgan. Walanghiya talaga ito. Hindi man lang nito matulungan ang kaibigan.

"I can be your model."

Sabay silang napatingin ni Dennis kay Lorenzo. May ngiti sa labi nito habang nakatingin sa kanya.

Ito? Magiging model niya?

🌷🌷🌷

HanjMie

Continue Reading

You'll Also Like

4.2M 245K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
22.9K 344 18
Gumalaw ang kanyang balakang, umindayog, kumembot. She dance seductively, as she took off her clothes one by one. They throw money on the stage where...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
218K 3.9K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...