Lascivious Casanova (R-18) (E...

By IyaLee04

2.4M 60.1K 16.8K

Warning: Read At Your Own Risk! EXPLICIT AND MATURE CONTENT❗❗❗ Series 7 of 8 "Do you smoke?" natatawang tanon... More

Lascivious Casanova 01
Lascivious Casanova 02
Lascivious Casanova 03
Lascivious Casanova 04
Lascivious Casanova 05
Lascivious Casanova 06
Lascivious Casanova 07
Lascivious Casanova 08
Lascivious Casanova 09
Lascivious Casanova 10
Lascivious Casanova 11
Lascivious Casanova 12
Lascivious Casanova 13
Lascivious Casanova 14
Lascivioua Casanova 15
Lascivious Casanova 16
Lascivious Casanova 17
Lascivious Casanova 18
Lascivious Casanova 19
Lascivious Casanova 20
Lascivious Casanova 21
Lascivious Casanova 22
Lascivious Casanova 23
Lascivious Casanova 24
Lascivious Casanova 25
Lascivious Casanova 26
Lascivious Casanova 27
Lascivious Casanova 28
Lascivious Casanova 30
Lascivious Casanova 31
Lascivious Casanova 32
Lascivious Casanova 33
Lascivious Casanova 34
Lascivious Casanova 35
Lascivious Casanova 36
Lascivious Casanova 37
Lascivious Casanova 38
Lascivious Casanova 39
Lascivious Casanova 40
Lascivious Casanova 41
Lascivious Casanova 42
Lascivious Casanova 43
Lascivious Casanova 44
Lascivious Casanova 45
Lascivious Casanova 46
Lascivious Casanova 47
Lascivious Casanova 48
Lascivious Casanova 49
Lascivious Casanova 50
Lascivious Casanova 51
Lascivious Casanova 52
Lascivious Casanova 53
Lascivious Casanova 54
Lascivious Casanova 55
Lascivious Casanova 56
Lascivious Casanova 57
Lascivious Casanova 58
Lascivious Casanova 59
Lascivious Casanova 60
Lascivious Casanova 61
Lascivious Casanova 62
Lascivious Casanova 63
Lascivious Casanova 64
Lascivious Casanova 65
Lascivious Casanova 66
Lascivious Casanova 67
Lascivious Casanova 68
Lascivious Casanova 69
Lascivious Casanova 70
Lascivious Casanova 71
Lascivious Casanova 72
Lascivious Casanova 73
Lascivious Casanova 74
Lascivious Casanova 75
Lascivious Casanova 76
Lascivious Casanova 77
Lascivious Casanova 78
Lascivious Casanova 79
Lascivious Casanova 80
Lascivious Casanova 81
Lascivious Casanova 82
Lascivious Casanova 83
A NOTE FROM MISS IYA

Lascivious Casanova 29

37.8K 819 146
By IyaLee04

(LC) Chapter 29

CHAPTER 29, 30 & 31
PUBLISHED NOW

Kung may mga estudyante rito na nagbabasa at may experience na. Remember na bawal walang supot ha? For safety dahil di niyo sigurado kung malinis ba ang partner niyo. Delikado rin sa future lalo kung hindi pa handa sa pagpapamilya. Kung may virgin naman na nagbabasa ng mga story ko, kalma lang. Puro kalandian pa lang sila rito kaya huwag gagayahin. Haha.

Enjoy Reading!

-----Miss IYA-----










"After you wash up, go to bed. I will clean our clothes after I call your parents."

"Ikaw ang maglalaba?"

Tinanguan niya ako.

"Yeah. Just take a bath here. I can do the laundry."

Kusang tumaas ang kilay ko at may pagdududa siyang tiningnan. Kumunot ang noo niya. Nairita yata sa kapansin pansin na pagdududa ko sa gagawin niya.

"Marunong ka?" Hindi ko napigilang maibulalas.

Wala sa itsura niyang nakapaglaba na siya. Sa tingin ko nga'y pati boxers niya'y katulong nila ang naglalaba. Pansin ko ang pag-iwas niyang bumaba ang tingin sa katawan ko. Dumistansya rin siya pagkabitaw sa aking kamay. Nilingon niya ang pinto ng banyo na para bang gusto niya nang lumabas dahil hindi siya kumportable na magkasama kami rito. Maikli ang suot ko na dress at naka-paa lang ako. Malamig sa paa ang tiles ng banyo lalo't basa dahil kaliligo niya lang.

"Magtatanong ako sa ibaba kung paano labhan. Baka magmantsa kasi ang dugo kung hindi ko lilinisin kaagad."

"Magtatanong ka pa? Ako na lang kaya? Mahihirapan kang alisin ang dugo. Dalhin mo na lang dito. Isasabay ko na lang sa pagligo-"

"Ako na. Kaya ko na iyon."

Gusto ko pa sana siyang pigilan dahil naroon ang bra ko at nakakahiya kung pati iyon lalabhan niya. Subalit hinayaan ko na rin nang lagpasan niya ako. Kung magtatalo pa kami kung sino ang maglalaba baka mapurnada ng ilang sandali ang pagtawag niya sa mga magulang ko. Malakas ang ulan at kung magtatagal pa akong hindi nakakauwi baka suungin ni tatay ang ulan at gawin ang lahat para lang makatawid sa baha.

Pagkabihis ni Jax, lumabas siya. Saka pa lang ako kumilos para maghubad. Habang nagtatanggal ng damit, pakiramdam ko may nanunuod sa akin dahil sa malinaw na babasaging dingding ng banyo. Ni walang harang kahit pantakip lang sa pribadong katawan.

Malaki ang banyo niya at maluwag. Sa kanan na bahagi ay ang nakabukod na elongated smart toilet seat na sa palagay ko'y kakainin ako kung gagamitin ko. Sa kaliwa ay ang malaking bathtub jacuzzi. Mayroong tv roon. Mayroon ring ilang mga toiletries sa sink at sa harapan ay malaking salamin. Ang vertical blinds ay nasa magkabilang gilid. Siya lang naman ang gumagamit nito kaya siguro hindi niya ginagalaw o isinasara.

Napalabi ako nang makitang puro shower gel na panlalaki ang narito. Sa mga gamit niya pa lang masasabi ko nang hindi siya nagdadala ng babae rito. Itinaas ko ang aking isang kamay upang haplusin ang aking mga labi. Nagpigil ako ng ngiti. Pero sa huli, nakagat ko rin ang ibabang labi at hindi napigilan ang humaplos na mainit na bagay sa dibdib ko. Hindi ko alam na ganito ang pakiramdam na magkaroon ng unang boyfriend. Nakaka-excite at nakakagaan sa pakiramdam.

Kung gano'n pala, ako ang unang babae na nadala niya rito? Ako rin ang unang girlfriend niya at kung pinayagan ko'y gusto niya pang ipaalam sa lahat? My heart thumps loudly as I bit my lower lip harder. From no boyfriend since birth then suddenly there's someone I can call boyfriend and someone who can call me his girlfriend. Kahit hindi ko pag-isipan ng mabuti, masasabi ko sa kilos at salita niya na seryoso siya sa akin. Inalis ko ang ngipin na nakabaon sa aking ibabang labi at nagsimula nang pakialaman ang mga gamit niyang panligo.

Masiyado siyang maarte sa mga gamit sa katawan. Kahit naman noon, unang pasok pa lang niya agaw pansin na ang itsura at mga gamit niya. Hindi na iyon kataka taka dahil alam ng lahat na galing siya sa mayamang pamilya. Mas malinis pa yata siya kaysa sa akin. Mukhang dalawa o tatlong beses siyang maligo sa loob ng isang araw. Samantalang ako, kaya kong hindi maligo ng dalawang araw kapag walang lakad at nasa bahay lang.

Nakabukod ang malalaking bote ng shower gel niya, shower soap, shampoo, conditioner, at iba't ibang gamit sa banyo na hindi ko alam kung para saan. Nakaayos iyon lahat katulad kung gaano ka-organize ang mga gamit niya sa kwarto at sala. Mula sa pintuang gawa sa mamahaling kahoy, hanggang sa pagpasok sa loob ng kwarto niya, at hanggang dito sa banyo ay nagsusumigaw ang karangyaan.

Kami nina Harry, iisa lang ang sabon sa buong katawan, iisa rin ang sabon ng buong pamilya, ganoon rin sa shampoo na sa sachet lang at hinahati pa para umabot ng ilang araw. Ang buong bahay namin ay pinagtiyagaan lang na gawin ni tatay upang may matuluyan. Hindi katulad nitong sobrang laking mansion na hindi ko maisip kung gaano kalaki ang ginastos para lang mabuo.

Napakarami pa nilang tauhan kahit dadalawa lang naman sila ng Senyora. Napapaisip nga ako kung nagkakakitaan pa ba sila sa laki ng mansion na ito. Ibang iba talaga ang kinalakihan naming dalawa. Napangiti ulit ako at naisip na kahit magkaiba kami ng estado sa buhay hindi naging hadlang iyon para maging boyfriend ko siya.

Habang nagsasabon pinakiramdaman ko ang sarili ko. Masakit pa rin ang gitnang bahagi ng aking katawan pero nakatayo naman na ako at nakapaglakad. Malamang dahil napahinga ko ang katawan kanina sa kama habang naliligo si Jax. Hindi pa rin nawawala ang pangangalay ko. Ganoon din na hindi na mawala sa isipan ko ang nangyari. Mabigat ang buong katawan ko kaya't bago pa bumigay ang mga tuhod, nagmadali na akong maligo.

Nagising ako sa matigas na mura at pag-uga ng kama. Hindi ko kaagad naalala kung nasaan ako. Kung hindi ko pa nakita ang pagbukas sa lamp shade ni Jax, iisipin ko na nasa sarili akong kwarto. Pagkatapos maligo, humiga ako. Nakatulog ako dahil sa bigat ng pakiramdam at nagising sa nagpapanic na mura ni Jax.

Namulatan kong nagmamadali siyang magbihis. Gulo gulo pa ang buhok at nasa mata na kagigising lang. Hindi ko alam kung bakit siya nagmamadali. Nang lumabas siya sa kwarto, pumikit ulit ako. Hinila ko ang kumot na nakabalot sa akin nang makaramdam ng panginginig. Nang mainitan ang katawan sa makapal na kumot, muli akong nakatulog.

"Hmm..." Umungot ako sa malamig na bagay na dumampi sa aking noo.

Gusto kong tingnan kung ano iyon ngunit hindi ko magawang maimulat ang namimigat na talukap ng mga mata. Ayaw ko pang gumising. Hinahatak ako ng antok kaya't nahahati ang diwa ko sa nangyayari sa kwarto at sa sulok ng madilim kong panaginip.

Nakarinig ako ng ingay. Tunog iyon ng nagkalaglag na gamit. Pinilit ko nang imulat ang mga mata dahil doon. Nakaharap ako sa gilid nang magising. Nasa sahig si Jax, sa gilid ng kama. Nasa harapan niya ay medicine box na kakaunti ang laman. Nagkalat sa sahig ang ibang laman no'n.

"Shit..." Pabulong na mura niya at inabot ang telepono sa gilid ng kama. Hindi niya iyon inilagay sa tenga at hinayaan lang na naka-loud speaker habang patuloy siya sa pagkalkal sa medicine box.

"Good morning, Sir-"

"Bring me medicine," mabilis na putol niya sa tingin ko'y katulong na tinawagan.

"Anong gamot po, Sir?"

Kumunot ang noo ni Jax. Muli siyang naghanap sa medicine box. Kahit lamp shade lang ang nakabukas na ilaw, nakita ko na puro pang gamot sa sugat ang naroon. Siguro dahil mahilig siyang makipagbasag ulo kaya't ang mga naroon ay first aid kit para sa mga sugat.

"Ano ba ang gamot sa lagnat?" Tunog walang ideya na tanong niya.

"Paracetamol, Sir?"

"Kung iyon ang gamot, iyon ang dalhin mo."

"Kayo po ba ang iinom, Sir? Magpapadala rin po ba kayo ng soup o kahit anong pagkain?"

"Kahit ano... Dalhin mo ang kahit anong kailangan kapag may sakit... Pakibilisan!"

"Yes, Sir!"

Isinarado niya ang medicine box. Tumayo siya at ibinalik iyon sa banyo. Masakit ang ulo ko ngunit pinilit kong umupo para alamin kung bakit tarantang taranta ang kilos niya. Ayon sa digital clock na nakahimlay sa side table ay madaling araw pa. Yumuko ako upang babain ng tingin ang suot kong maluwag na v-neck shirt. Basang basa ako ng pawis. Nag-angat ako ng tingin pagkalabas niya sa banyo. Saglit siyang natigilan sa pinto nang makita akong gising na't nakaupo. Nang matauhan, mabilis niya akong dinaluhan.

"Just stay in our bed. You have a fever, Clementine."

"Nilalagnat ako?" Takang tanong ko at hinayaan siyang hawakan ako sa balikat upang pabalikin ako sa pagkakahiga sa kama.

Sumakit ang lalamunan ko nang subukan kong magsalita. Paos na paos ang boses ko. Marahan kong itinaas ang aking kamay upang dalhin sa aking leeg at noo. Sobrang init ko na kahit sarili kong kamay muntik nang mapaso. Pumikit ako ng mariin nang makaramdam ng pagkahilo.

Narinig ko siyang pumalatak at nagmura. Nagmamadali niya akong iniwan sa kama. Pagdilat ko'y naabutan ko siyang kapapatay lang sa aircon at papasok sa walk in closet niya. Hindi pa umabot ng ilang segundo, lumabas siya na may bitbit na damit.

Lumapit siya sa kama. Hinawakan niya ako sa braso at inangat paupo. Pinasandal niya ako sa malambot na headboard. Nalaman ko kaagad na para sa akin ang damit nang hubaran niya ako at bihisan. Basang basa ako ng pawis. Kung hindi niya gagawin iyon baka mas lumala ang sakit ko.

"Kung hindi bababa ang lagnat mo pagkainom mo ng gamot. Magpapatawag na ako ng Doctor."

Nakatitig ako sa kanya habang binibihisan niya ako. Pagkalabas ko sa banyo kanina, nakahanda sa kama ang t-shirt niya at boxer short. Wala akong damit kaya't naintindihan ko na inihanda niya iyon para suotin ko. Nang hubaran niya ako'y wala akong suot na bra kaya't nakalantad sa harapan niya ang malulusog at tayong tayo na dibdib ko. Hinahanap ko kung anong epekto sa kanya ng hubad na katawan ko. Nang magtama ang mga mata namin, napatunayan kong nagpipigil siya. Ni hindi niya magawang ibaba ang mga mata sa dibdib ko.

"Bakit ako nilagnat?" Natutunaw ako sa ikinikilos at ginagawa niya. Pakiramdam ko sobrang importante ko para mataranta siya ng ganito dahil lang nilalagnat ako.

Ramdam ko ang dumagdag na init sa aking katawan dahil sa pagpipigil na ginagawa niya. Para niya akong anak na binibihisan at walang malisya. Ngunit ang totoo, nag-iigtingan ang panga niya, naglalabasan ang ugat sa braso at leeg bilang patunay na kabaliktaran ng walang malisya ang nararamdaman niya.

Nagtataka rin ako dahil maayos pa naman ako kanina sa eskwelahan. Kung magkakasakit ako dapat mararamdaman ko iyon buong araw bago magkasakit. Nakatulong pa nga ako kay Mrs. Emboltura sa workroom. Hindi rin naman ako ganoon kahina na maulanan lang nagkakasakit na.

"Bakit ako nilagnat?" Ulit ko.

"Hindi ko alam sayo," sagot niyang hindi makatingin sa akin. Tumayo siya ng maayos at nasa ibang direksyon ang tingin. "Sa sala lang ako. Hihintayin ko 'yong gamot."

Tinitigan ko ang malapad niyang likod. Binuksan niya ang pinto ng kwarto at sinulyapan ako. Nang magkatinginan kami, nag-iwas ulit siya. Lumabas siya sa kwarto at sinarado ang pinto.

Kalaunan, natanto kong dahil siguro sa ginawa namin sa kubo? Pagkatapos namin saka lang naman bumigat ang katawan ko dahil sa pagod at sa ginawa niyang biglaan na pagpasok sa akin. Alam niyang kasalanan niya kaya siguro hindi makatingin?

Hinawi ko ang makapal na comforter paalis sa aking katawan. Ibinaba ko sa kama ang mga paa at pinilit tumayo para makasilip sa pinto. Maliit na siwang lang ang ginawa ko. Nasa sala siya. Nakapamulsa sa suot niyang checkered boxer shorts habang nakaupo. Nakasandal sa sandalan ng sofa at nakabagsak din ang likod ng ulo sa sandalan. Nakapikit siya at mukhang inaantok pa. Madaling araw pa at nasisiguro kong maikli lang ang naging tulog niya.

Napalabi ako at napahanga na kahit ganito lang ang suot at bagong gising, ang gwapo pa rin niyang masdan. Wala yata siyang anggulo na panget. Kahit magulo ang buhok at narurumihan sa field kapag naglalaro masarap pa rin siya sa mata.

Okay, inaamin ko. Kahit galit ako sa kanya noon, hindi ko naman maitatanggi iyon. Kahit noong napapa-away siya at mayroong sugat o band aid sa mukha'y hindi nakakabawas sa gandang lalaki niya. Mas nakakadagdag appeal pa nga dahil naaastigan sa kanya ang mga kapwa kamag-aral namin na babae. Katulad na lang ni Irene na simula nang masayaran siya ng tingin, hindi na nawala ang paghanga.

Napa-atras ako ng kaonti nang dumilat siya at napatayo. Akala ko babalik siya sa kwarto ngunit sa halip ay sa pinto siya nagtungo. Sa katititig ko sa kanya, hindi ko namalayan na mayroon na pa lang kumatok o nag-door bell. Kung hindi pa siya kumilos, hindi matatapos ang titig ko sa kanya.

"Lola?" Nakakunot noo siya at mukhang si Senyora ang napagbuksan ng pinto. "Pakilagay doon." Tinuro ni Jax ang center table. Pumasok doon ang katulong. Inilapag ang tray at mabilis din na lumabas.

"May sakit ka, Apo?" Narinig ko na may pag-aalalang tanong ng Senyora sa pinto. Hinarangan ito si Jax at tanging katulong lang ang pinayagan na pumasok.

"Hindi ako, La!"

Halata ang irita sa boses ni Jax nang subukan siyang hawakan ng Lola niya para alamin kung may sakit siya. Maliit lang ang pagkakabukas ko sa pinto pero sapat na ito para masilip ko sila na hindi ako nakikita.

"Bakit nagpadala ka ng gamot? Sinong may sakit?"

"Hindi nga ako. Si Clementine-"

"Nandito siya? Bakit magkasama kayo sa kwarto? Ang sabi mo kagabi nasa isa sa mga guest room siya?" Sumilip ang lola niya sa loob kaya kahit hindi ako makikita nito'y napa-atras ako para magtago.

"Lola!"

Kinagat ko ang ibabang labi ko at sa palagay ko'y pinipigilan niya ang Lola niya na pumasok. It was in his voice that he was stressed with his own grandmother. Animo'y bata ito na sinasaway niya at nakikipag-patintero.

"Bakit nagkasakit? Anong ginawa mo? Alam ba ni Caroline at Gary ito?" May pagdududa sa boses ng matanda. Kahit hindi ko nakikita'y nai-itsura ko itong nakakunot ang noo at nakalabas ang ilang kulubot sa mukha.

"Wala akong ginawa! Nabasa kami ng ulan! Nakausap ko na ang mga magulang niya! Alam nila na dito siya matutulog!" si Jax na naiinis na sa Lola niya dahil sa marami nitong tanong.

"May sugat ba siya? May katulong na nagsabi sa akin na nagtanong ka raw kung paano maglaba ng may dugong mga damit? May pambabae at kilala kong kay Clementine iyon! Alam ba ng mga magulang niyan na nasa kwarto mo siya?!"

Pumikit ako ng mariin. Dapat talaga ako na ang naglaba at dito na lang sa loob isinampay! Kahit sinong makakita hindi iisipin na pagmamay-ari iyon ni Jax lalo't naroon ang bra ko! Dumilat ako at kinagat ang ibabang labi ko. Sumilip ulit ako at kinabahan sa tanong ng Senyora.

Natatakot ako na baka magsumbong siya na nasa kwarto ako ni Jax. Kung kukumprontahin ako ng mga magulang ko, wala akong pagpipilian kundi aminin sa kanila na kami na ni Jax. Ngayon pa lang nasisiguro kong hindi sila papayag. Ngayon pa lang nababasa ko na ang malaking disappointment sa mga mata nila.

Mahirap lang kami at walang yaman, ngunit mayaman sa dignidad ang mga magulang ko. Especially my father, he's a man of dignity and unbending principle. Kahit hindi niya mahal si nanay noon, pinanagutan niya nang mabuntis niya. Tunay niya lang na minahal nang ipinanganak ako.

"Bakit? Sasabihin niyo?"

Napangiwi ako. Kung kausapin niya kasi ang Lola niya parang tropa niya lang. May halo pang pagbabanta at pananakot doon.

"Sasabihin ko sa guest room ko pinatulog! Pero dalhin mo muna ako sa kanya! Kakausapin ko siya!"

"Lola!"

Nanlaki ang mga mata ko nang magpumilit na pumasok ang Senyora kahit nakaharang sa pinto si Jax. Nakapasok siya sa loob ng sala. Mabuti at nahawakan siya ni Jax bago pa magdire-diretso sa kwarto.

"Nasa kwarto mo ba? Bakit nasa kwarto mo? Anong ginagawa niyo sa kwarto?"

"Wala nga!"

"Naku! Kapag nalaman ko na may nangyayari sa inyo isusumbong kita sa mga magulang niyan! Hindi pwedeng hindi kayo magpapakasal!"

"Kung sasabihin niyo ngayon sa tingin niyo ba papayag ang mga magulang niya na sa akin ikasal ang anak nila? Wala akong trabaho! Hindi pa ako tapos mag-aral!"

Napahawak ako sa aking leeg. Tinutuyuan ako ng lalamunan sa pinag-uusapan nila. Bakit may kasal? Gusto ko ang pakiramdam na mayroong boyfriend pero wala pa akong balak na magpakasal sa ganitong edad.

"Kaya nga dapat magbago ka na! Hindi ka na bumabata, apo! Dapat binibigyan mo na nga ako ng apo sa tuhod ngayon!"

"Lola!'

"Aminin mo na! May nangyayari sa inyo? May relasyon ba kayo kaya dito siya natutulog?"

"Wala ngang nangyari! Wala kaming relasyon! Huwag ka nang pumasok, La! Ako nang bahala na mag-alaga sa kanya!" Nagsisigawan silang mag-lola at nagtutulakan sa pintuan.

"Nasaan nga siya?"

Nakaramdam ako ng hiya. Hindi niya pala alam na sa kwarto ako ni Jax natutulog. Noong unang beses na narito ako nang malasing ako, ang alam siguro ng Senyora ay sa guest room din ako nakitulog.

"Natutulog sa kwarto ko! Ako na nga po ang bahala! Magigising pa siya sa ingay niyo! Ang kulit naman!" Sabay malakas na tulak palabas sa Lola niya at walang galang na sinaraduhan ito ng pinto.

I bit my lower lip and quietly close the door when I saw him walk closer to the tray. Nagmamadali akong bumalik sa kama at pumikit. Ang bilis ng tibok ng puso ko at pinagpapawisan ako dahil sa pagpapanggap na tulog nang bumukas ang pinto. Nawala ang sakit ng ulo ko at naging alerto sa nangyayari sa loob ng kwarto. Nawala yata ang lagnat ko sa pakikinig sa pag-uusap ng mag-lola.

Pinakiramdaman ko ang walang ingay na pagbukas niya sa pinto. Sinubukan ko siyang silipin. Nakatalikod siya sa akin. Hawak ang tray sa isang kamay at ang isang kamay ay maingat na nakahawak sa door knob upang isara iyon.

Napanguso ako. Maingat ang bawat galaw niya, akala siguro niya'y natutulog ako. Pumikit ulit ako bago pa siya pumihit paharap. Ilan sandali lang, naramdaman ko ang paglundo ng gilid ng kama. Naupo siya roon at pinunasan ang pawis ko sa noo. Hindi ko na napigilang dumilat. Bukod sa mainit ang katawan ko dahil sa lagnat, nag-iinit din ang pakiramdam ko dahil sa pag-aalaga niya. Nagtama ang mga mata namin.

"How are you feeling?"

Nagpatuloy siya sa pagpupunas sa noo ko. Hindi ko mapigilang mapalabi. Bakit parang ang sarap niyang mag-alaga? Sa palagay ko, sa buong buhay niya ngayon lang siya naglaba, ngayon lang din nag-alaga ng may sakit. Nakuha man niya ang una ko, marami rin naman akong nakuha na una niya.

Nakatitig lang ako sa kanya. Tumigil siya sa pagpunas sa noo ko nang mapansin na hindi ako sumagot at nakatitig lang sa ginagawa niya.

"Bakit?"

Nakataas ang makakapal na kilay niya nang magtanong siya, nagtataka. Bahagya siyang bumaba at itinukod ang mga kamay sa gilid ko. Ikinulong niya ako sa pagitan ng kama at katawan niya. Magkapantay na ang mga mukha namin. Siya na ngayon ang nakatitig sa akin. Pinamulahan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko at kailangan ko na yatang masanay na ganito.

"What's with those stares, huh?"

Hinayaan niyang nakabuka ang bibig niya at inilabas ang dila sa gilid ng kanyang labi. I opened my lips and can't help but remember what that tongue did to me. Napakaliit na parte ng katawan pero ang daming nagagawa. Pinigilan ko ang sarili ko at pinilit na sa mga mata niya lang tumingin. Hindi ako nakapagsalita at tinitigan lang ulit siya. Sa loob lang ng isang araw ang laki ng nagbago sa akin. Mga simple lang na ginagawa niya, namamangha na ako.

"Kanina pa ako nagpipigil sa kubo pa lang dahil hindi sapat sa akin ang isa, Clementine. I want unlimited fvck with my girlfriend. But you are wounded and you may not be able to take another hard thrust from me. Kaya huwag mo akong titigan ng ganyan. Baka hindi na ako makapagpigil."

Kahit hindi niya sabihin alam ko naman ang ginagawa niyang pagpipigil. Sa kubo pa lang. Sa paraan ng paghaplos niya sa korte ng hubad na bewang ko ramdam kong gusto niyang ulitin. Kaninang binibihisan niya ako nakalaman sa mga mata niya ang kaparehong emosyon bago niya ako dalhin sa kubo. Sa kabila ng mga iyon, hindi siya sumubok na gawin ulit sa akin.

"Tingin ko... tingin ko kaya ko naman?" Wala sa loob na bigkas ko.

Nagsalubong ang kilay niya.

"Kaya mo na ano?" Naging matigas ang boses niya. Na parang alam niya ang tinutukoy ko at gusto niya lang na iklaro ko ang sinabi ko.

Napalunok ako at binalot ng kahihiyan. Ang totoo kasi, kahit katatapos lang namin sa kubo kanina at masakit pa ang katawan ko gusto kong ulitin iyon. Naghihintay lang ako na siya ang mauna lalo at malakas ang ulan. Naisip ko na hindi kami makakaalis kaagad kaya maraming beses namin na gagawin ni Jax iyon. Panay lang ang haplos niya at panay halik ng mababaw sa balat ko pero hindi naman nagsasalita para yayain ako hanggang sa nakatulog na nga ako. Ginising niya lang ako nang dumating na si Peter.

"Kaya mo na ano?" Aniya na pinipilit akong sabihin ang gusto kong mangyari.

Kinagat ko ng mariin ang ibabang labi ko. Nasabi ko na, hindi ito titigil kung hindi ko itutuloy ang sinasabi ko. Binitawan ko ang ibabang labi at humugot ng lakas ng loob bago magsalita. Sa sinabi ko kasi parang ako pa ang nagyaya at hindi nakapagpigil. Samantalang siya ang lalaki pero mas kinaya niyang pigilan ang sarili niya. Nakabantay ang madilim na mata niya sa pagbuka ng bibig ko.

"Hindi na kasi gaanong masakit... I think... I can take another hard thrust-"

Hindi niya ako pinatapos. Inangat niya ang bewang ko at hinatak pababa ang suot kong boxer shorts niya. Napanganga ako sa mabilis niyang pagkilos. Wala na akong saplot sa ibabang katawan at malaking nakaparte na ang mga hita ko. Lumuhod siya at pumusisyon sa pagitan ng aking mga hita.

"You have taken me to the limit. If I hurt you again, it's your fault." He warns me as he takes off his shirt.

Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 104K 76
A better life for her family-that's what Xena Peña Vega wants. Nang pumanaw ang kanyang ama, siya na ang nagtaguyod sa pamilya nila sa kahit na anong...
4.9M 95.4K 26
Twenty-five year old Mikaezra Sanya Gozar caught her long time boyfriend cheating on her with her best friend. Devastated, heartbroken, and jobless...
1.3M 44.9K 28
(COMPLETED) Alexandra Sarmiento always wanted to end up with a woman, and even though she could feel attraction towards men, she couldn't imagine hav...
2M 40.5K 18
The sexy and gorgeous secret agent named Miranda Lucille Gozar has everything aside from her killer looks. She's gifted and possesses skills that mos...