Under The Shade (SeBy)

By wwiittyyccuuttiiee

163K 11.4K 2.8K

"You know what, I'm still curious." she said. Agad naman akong napabaling ng tingin sa kanya, nagtatanong ang... More

Author's Note
Prologo
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI (Labrei)
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII - GiaPhant
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI - 🌻
XLII- BeCka
XLIII
XLIV
XLV
XLVI
XLVII
XLVIII
XLIX
L
LI
LII
LIII
LIV
LV
LVI
LVII
LVIII
LIX
LX
LXI- PikaJem
LXII
LXIII
LXIV
LXV
LXVI
LXVII
LXVIII
LXIX
LXX
LXXI
LXXII
LXXIII
LXXIV
LXXV
LXXVI
LXXVII
LXXVIII
LXXX
LXXXI
Epilogue
Special Chapter I

LXXIX

1.4K 129 10
By wwiittyyccuuttiiee


ABELAINE TRINIDAD

"Wala na ba tayong nakalimutan?"

Napahinga ako ng malalim. Napapadiin din ang pagkakahawak ko sa folder na dala ko dala ng kaba. "Wala na ata."

Feeling ko, kakapusin ako ng paghinga. Ngayon lang ulit ako kinabahan ng ganito. Jusko lang.

"Tara na?"

Napalunok ako at dahan-dahang tumango sa kanya. "Yeah, tara na."

Mabibigat ang paghakbang na ginawa namin habang papunta sa building kung saan gaganapin ang pagsusulit.

Wala naman akong ibang ginawa kundi ang magdasal ng taimtim dito habang hawak-hawak ang lapis ko.

Ayaw ko 'mang aminin pero iba ang kaba ko ngayon. Para bang mayroong mangyayaring hindi ko aasahan.

Wag naman sana.

"Parang matatae ako sa sobrang kaba ko." she whispered.

I chuckled and took a deep breath. "Ako nga rin ee." bahagya ko pa siyang nilingon. "Hindi ako mapakali."

"Sino ba kasing nagsabi na magtake ako ng kursong may board exam?" atungal pa ng gaga.

Napatawa tuloy ako. May kahinaan ko rin siyang tinulak gamit ang katawan ko. Ngayon pa niya naisipang umangal.

"Makakapasa tayo diba?" parang batang sambit niya.

Napangiti ako. Kanina pa kami madaling araw nandito. Ang dami din naming pinagdaanan para lang mapunta sa sitwasyong ito. Hindi naman siguro magiging madaya ang kapalaran ngayon.

"Oo, makakapasa tayo." desisyon ako. Wag kayong epal.

"Tara na."

Nauna na siyang pumasok sa loob. Habang ako, ito mabibigat ang paghinga na nagawa. Akmang susunod narin ako sa kanya ng bigla namang tumunog ang cellphone ko.

Napakamot na lang tuloy ako sa batok at agad na kinuha ang cellphone ko.

"Hello"

( "Ate!" )

Natigilan ako. Sinilip ko rin agad itong cellphone ko para lang masiguro kung si Abea nga ang kausap ko. At oo nga, si Abea nga.

Himala ata at naalala niya 'ko.

( "Alam kong nasa sitwasyon ka kung saan matutupad mo na ang pangarap mo, pero ate." ) rinig na rinig ko ang malalalim niyang paghinga. ( "May problema tayo." )

Napalunok ako. Napansin ko pa ang nagtatakang tingin sa'kin ni Dana.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ito siguro ang totoong dahilan kung bakit iba ang kabang nararamdaman ko kanina pa.

Huminga pa ko ng malalim. "Anong problema?"

( "Si Daddy." ) Damn it. ( "He tried to kill himself." ) pagpapatuloy niya.

Mariin akong napapikit. Nararamdaman ko din ang panginginig ng buong kalamnan ko lalong-lalo na ang kamay ko.

Lintek na buhay ito. Kailan ba matatapos ang problema ko?

( "Ate, si D-daddy." ) and now, she's crying for hamburgers sake!

Naibaba ko ang tawag. Naiyukom ko pa ang kamay ko habang pinipigilan ang sariling wag maiyak.

Bakit ngayon pa?

"Abby? Hindi ka paba papasok?"

Napahinga ako ng malalim at buong tapang siyang tiningnan. Kinuha ko rin ang kamay niya para ilagay doon ang lapis ko.

"May pupuntahan lang ako." I gulped hard. "Babalik ako agad." Of course I'm lying.

Her brows furrowed. "Ha? Saan ka pupunta? Magsisimula na tayo maya-maya."

Umiling ako sa kanya. Napadiin na nga rin ang hawak ko sa kamay niya. "Babalik ako."

"Sasamahan kita."

"No" maagap kong tugon. "Mag-exam ka."  tuluyan ko ng binitawan ang kamay niya. "Mauna kana."

Hindi ko na siya hinayaan pang makatanggi at agad ko siyang tinalikuran.

"Trinidad!" rinig ko pang pagtawag niya sa'kin.

Pero hindi ako lumingon. Lakad takbo ang ginawa ko para lang makalabas agad habang pumapatak ang luha ko.

Bakit ba sa araw-araw na ginawa ng kapalaran, araw-araw din niya ko binibigyan ng pagpipilian?

Nakakainis.

Gusto kong unahin ang sarili ko ngayon pero hindi ko magawa-gawa. Para bang isang napaka laking kasalanan para sa'kin ang pabayaan sila.

Wala sa sariling binaybay ko ang daan patungong Hospital. Hindi na 'ko nag-abala pang punasan ang luha ko dahil baliwala rin naman.

Hanggang sa makahinto ako sa Hospital, walang tigil sa pagpatak ang luha ko. Ang bigat pa nga ng paghakbang na ginagawa ko ngayon.

Gusto kong pumihit patalikod para bumalik at mag-exam pero gusto kong malaman ang kalagayan ng tatay ko.

Ang bwisit lang.

Malayo pa lang, natanaw ko na agad ang mga kapatid kong tahimik na nakaupo sa labas. Napahinga na lang ako ng malalim at mabilis ang paghakbang na ginawa para makalapit sa kanila.

"Abea" Napalunok pa 'ko. "Frances"

Kamuntikan pa kong mabuwal sa pagkakatayo ko ng madambang yumakap sa'kin si Frances habang umiiyak.

Marahan kong hinagod ang likod niya habang napapahinga pa ng malalim.

"He's stable na." Abea said all of sudden. "Mabuti na lang naitakbo namin siya agad dito." she added.

Akbay-akbay ko si Frances na umupo ako sa tabi nila. "What happened?" mahinang tanong ko sapat lang para marinig nila.

"Here"

Mabilis kong tiningnan itong gamot na inabot niya sa'kin at isang cutter. Nahigit ko na lang bigla ang paghinga ko at ilang beses rin akong napamura sa isipan ko.

Jusko lang. Bakit ba kami umabot sa ganito?

Hindi ako nakasagot. Tahimik lang kaming tatlo habang may malalalim na iniisip.

"How can we start again?" Frances broke the silence. "Nakakamiss 'yong dating tayo." she looked at me and smiled weakly. "Yung buo."

Napayuko ako. Naituon ko lang ang pansin ko sa kamay kong magkadaop ngayon.

Paano nga ba? Paano nga ba kami makakapagsimula ulit? Lalo na ngayon, na lahat kami ay durog na durog na.

Napabuntong hininga na lang ako at saka tumayo. "Magpapahangin lang ako saglit."

Hindi ko na sila hinintay pang makapagsalita at agad ko silang iniwan do'n. At kasabay ng paghakbang na ginagawa ko ay siyang pagpatak ng luha ko.

Ang unfair talaga ng mundo pagdating sa'kin. Bakit ba lagi na lang ako? Ang daya ah.

Dere-deretso lang ako sa paglalakad. Nakakabangga na 'ko pero hindi na ko nag-atubiling humingi ng pasensya sa kanila.

Hinang-hina ako para pagtuunan pa sila ng pansin.

"Ang daya." bulong ko sa kawalan habang patuloy na umaagos ang luha. "Ang daya talaga." dagdag maktol ko pa.

Marahas akong napapahid ng mukha gamit ang palad ko. Hanggang ngayon talaga hindi ko alam kung saan ako nagkamali para parusahan ako ng ganito.

Napahinto lang ako sa paglalakad ng makarinig ng malalakas na busina mula sa sasakyan. At bago pa ko makakakilos, may kung anong bagay ang tumama sa'kin, dahilan para lamunin ako ng dilim.

Mukhang ito na ang pahinga na matagal ko ng hinihiling.




-------





Puti...

'Yan ang agad na bumungad sa'kin pagdilat na pagdilat ng mata ko. Mariin akong napapikit.

Nasan ba 'ko? Pata-...

"Hindi ka pa patay gaga ka."

Dahan-dahan ang pagkilos na ginawa ko para lingunin ang nagmamay-ari ng boses na 'yon.

"Kamusta kana? Tinatawag na ni Abea ang Doctor."

Napakurap-kurap ako. "L-lara?"

Akmang babangon na sana ako ng maagap naman niya kong napigilan. Magsasalita pa sana ako kaso bigla namang lumabas si Sheki mula sa Restroom.

Teka, anong ginagawa nila dito?

"Ay teka, gising kana?" Sheki asked. "Bakit nagising ka agad? Tulog ka ulit bilis."

Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa ba. Pero in the end, inirapan ko siya habang nakangiti.

Napalunok pa 'ko. "Nauuhaw ako." mahinang sambit ko.

Mabilis namang kumilos si Lara para ikuha ako ng tubig at agad na inabot sa'kin.

Tuluyan na rin akong umupo habang inaalalayan ako nitong isa.

"May bad news at good news ako sayo." Lara said all of sudden. "Ang bad news, ako 'yong nakabangga sayo. At ang good news naman, nahanap kita, nahanap ka namin." she added.

Napalunok akong muli. "Anong ibig mong sabihin?"

Hindi na niya natuloy ang dapat na sasabihin nang dumating na ang Doctor ko. Napahinga na lang ako ng malalim habang nakikinig sa sinasabi niya. Kahit ang totoo, wala akong naiintindihan.

Lumilipad ang isipan ko. Para akong nagka-amnesia at walang maalala.

"Tatlong araw ka ng walang malay." Sheki suddenly said.

Napalunok akong muli at buong tapang na tiningnan sila. Pinagmasdan ko pa silang dalawa. Pumuti si Sheki pero ang height, ayaw ko na lang mag talk. Habang si Lara naman, ganon parin. Mukhang barumbado na anumang oras pwede akong tanggalan ng hangin sa katawan.

"Ang unfair mo Abelaine, alam mo ba 'yon?" Sheki seriously said.

My brows furrowed. "Unfair?" At saan naman ako naging unfair?

"Ang unfair mo sa part na tinapos mo ang pagkakaibigan natin kasabay ng pagtatapos natin sa Kolehiyo." she crossed her arms over her chest. "Wag mong sabihing porket umalis si Marsela ay kakalimutan mo narin kami. Sasampalin talaga kita." dagdag pa niya.

Nahihiyang napayuko ako. Ngayon lang nagsink-in sa'kin ang lahat. Hindi ko na sila nagawang kausapin pa mula ng umalis si Sela.

Nakakahiya aminin pero ang tanga ko nga sa part na 'yon.

"Ang tagal kana sa'kin pinapahanap ni Marsela." Lara said. "Mabuti na lang pala balak mong magpakamatay at ako ang nakasagasa sayo."

Nakagat ko ang ibabang labi dala ng hiya. "I'm sorry." I almost whispered.

"Here"

She handed me a envelope. Nanginginig ang kamay na kinuha ko 'yon para tingnan ang laman nun.

"Baka kasi nawalan ka ng dahilan para mabuhay." kalmadong sambit ni Sheki. "Binibigyan ka lang namin ng dahilan."

Tuluyan ng bumagsak ang luha ko pagkakita ko pa lang sa picture ni Sela kasama si Braelynn.

Naitakip ko nga rin ang palad ko sa mukha ko habang pinipigilan ang sariling wag makagawa ng malakas na iyak.

"Hinihintay ka nila." Lara said.

I cried hard. Paano?

Paano ko sila nagawang kalimutan?


I'm sorry...







-----------------------------------
Unedited...

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...