Under The Shade (SeBy)

By wwiittyyccuuttiiee

163K 11.4K 2.8K

"You know what, I'm still curious." she said. Agad naman akong napabaling ng tingin sa kanya, nagtatanong ang... More

Author's Note
Prologo
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI (Labrei)
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII - GiaPhant
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI - 🌻
XLII- BeCka
XLIII
XLIV
XLV
XLVI
XLVII
XLVIII
XLIX
L
LI
LII
LIII
LIV
LV
LVI
LVII
LVIII
LIX
LX
LXI- PikaJem
LXII
LXIII
LXIV
LXV
LXVI
LXVII
LXVIII
LXIX
LXX
LXXI
LXXII
LXXIII
LXXIV
LXXV
LXXVI
LXXVIII
LXXIX
LXXX
LXXXI
Epilogue
Special Chapter I

LXXVII

1.5K 135 69
By wwiittyyccuuttiiee


ABELAINE TRINIDAD



"Hi" nakangiting bati niya sa'kin.

Napaayos naman ako ng pagkakatayo ko at alanganing ngumiti sa kanya. "Hello" napalunok akong muli. "Anong atin madam?"

Hindi siya sumagot sa'kin bagkus inangat niya lang ang dala-dalang paper bag. Kumunot tuloy ang noo ko.

"Malakas ang kutob ko na hindi makakapunta." she said. "Kaya ako na lang nagdala sayo nito."

I nodded slowly. Kaya naman pala nandito siya. Napatikhim tuloy ako. "Halika, pasok ka."

Nilakihan ko pa ang pagkakabukas ng gate para tuluyan siyang makapasok sa loob. Pero hindi pa kami nakakausad ng maalala ko ang pwesto ni Daddy do'n.

Mabilis tuloy ang pagkilos na ginawa ko para maharangan si Cherprang. Ano ba namang buhat 'to, oo!

"Teka lang." maagap na pagpigil ko sa kanya dahilan para magsalubong ang perpektong kilay niya. "Bigyan mo 'ko ng sampung minuto. May lilinisin lang ako."

She shooked her head. "Tutulungan na kita."

Akmang hahakbang pa sana siya ng mabilis ko siyang pinigilan. "Wag na." nakakahiya ee. Maabutan pa niyang wasted ang tatay ko. "Dito ka lang, hintayin mo 'ko dito. Sampung minuto lang Cherprang."

Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at agad akong kumaripas ng takbo sa loob. Napahinga pa ko ng malalim.

Ba't ba 'ko nagmamadali? Umay ah.

"Daddy" marahan ko pa siyang tinapik sa, balikat niya, pero tanging pag-ungot lang ang nakuha ko mula sa kanya.

Napanguso tuloy ako. "Hay buhay."

No choice ako kundi ang buhatin siya. Isinandal ko lang siya sa likod ko, habang habol ang hiningang inaalalayan ko siya papunta sa kwarto niya.

Anak ng punyemas talaga. Hindi ko akalain na magiging kargador ako ng wala sa oras.

Nahigit ko ang paghinga ko ng tuluyan kong maitapak ang paa dito mismo sa harap ng kwarto nila.

Ang bigat niya. Paano ba nakaya ni mommy ang kabigatan niya? Grabe.

Nakahinga lang ako maluwag ng tuluyan ko siyang naihiga sa kama niya. Habol hiningang napaupo ako sa lapag.

Napagod ako jusmiyo. Nanlambot din ako.

Nang masiguro kong maayos na ang lagay niya, agad akong bumalik sa baba para sunduin si Cherprang.

Pero iba ang nadatnan ko.

Gusto kong matawa. Parang takot na takot ang mukha ng bruha habang kaharap si Tofu, na inaangilan siya ngayon.

Napakamot na lang ako sa noo ko at agad na binuhat itong alaga ko para kalmahin.

"Kumalma ka Tofu. Bisita ko 'yan." marahan ko pang hinaplos-haplos ang likod niya.

"Grabe. Mag-aalaga ka na lang, bakit tigre pa?"

Napatawa naman ako. Hindi na 'ko nag-abalang sagutin siya, at inilagay ko lang itong cute kong alaga sa higaan niya.

"Dito ka muna. Behave, okay?"

Tinapik ko pa ang ulo niya bago ko balikan itong bisita ko.

"Ang cute niya 'no." natatawang bigkas ko.

Inirapan naman niya ko. "Ang cute nga, kaso muntik na kong lapain."

Napatawa na lang akong muli. "Hindi ka lalapain niyan, may taste ang alaga ko 'no."

She raised her brow at me. "Ay wow, talaga lang ah?"

Nakangiting umiling na lang ako. "Halika, pasok ka sa loob."

Iginiya ko na siya papasok sa loob. Malinis naman ang bahay, wala akong dapat ikabahala.

"Ito oh."

Nahihiyang tinanggap ko naman itong paper bag. Nakakahiya ee. Plano ko talaga pumunta sa kanila. Kaso nga lang, may alaga akong lasing.

"Ano." tumikhim ako. "Salamat at pasensya na."

Mahinang tinawanan lang naman niya ko. "Hindi ako natanggap ng pasensya at salamat Abby." she paused and smirked at me. "Pero kiss, oo."

Tinawanan ko lang siya at habang napapailing. "Pasensya na, hindi ako nadadala sa ganyan."

"Ang daya." maktol pa niya.

Hindi na ko sumagot at tumungo na lang sa kusina para ayusin itong dinala niya. Naramdaman ko pa ang pagsunod niya sa'kin dito pero hinayaan ko na lang.

"Ano pa lang meron?" tanong ko pa. "Sino may birthday?"

"Ako" she simply said.

Natigil ako sa pagsasalin ng pagkain dito sa plato at gulat na tiningnan siya. Teka, birthday niya? Seryoso? Ba't hindi ko alam?

Napalunok ako. Grabe, mas lalong nadagdagan ang pagkapahiya ko. "Seryoso? Walang halong biro?" baka lang naman kasi nagbibiro siya diba.

"Oo gagi birthday ko talaga ngayon." tipid pa siyang ngumiti sa'kin.

Napangiwi naman ako. Nakakahiya talaga. "Ah ano." I cleared my throat. "Bakit hindi ko alam?" Seriously Abelaine? Nagawa mo pang itanong sa kanya 'yan.

"Hindi ka naman nagtatanong ee." simpleng tugon niya. "At saka, hindi ka naman interesado."

Nahigit ko ang paghinga ko. Mukhang maling desisyon nga ang itanong pa 'yon. Ang insensitive mo Abby, sobra.

Mas pinili ko na lang na tumahimik at tapusin itong ginagawa ko. Hindi ko narin siya tiningnan. Mas lalo lang akong makakaramdam ng hiya at konsensya.

"Abby"

Lihim akong huminga ng malalim saka siya tiningnan. "Hmm?"

Ngumiti naman siya sa'kin. "Sa Pool tayo."

Bahagyang kumunot ang noo ko. Nagtataka man, tumango na lang ako. "Tara"

Ako na nagbitbit lahat ng pagkain na dala niya at iginiya siya papunta sa Pool. Buti na lang pala at napalinis ko 'to kahapon.

Halos sabay pa kaming umupo dito sa gilid ng Pool at binabad ang paa sa tubig. Nilagay ko narin sa tabi naman itong mga pagkain.

Tumikhim muli ako. "Ikaw ba nagluto nito?"

Mabilis naman siyang tumango sa'kin. "Oo" she smiled at me. "Baka hindi mo alam, magaling ako magluto. Pwedeng-pwede ako maging asawa mo."

Dinaan ko na lang sa tawa ang biro niya. Napaka dami niyang baon, hindi ba siya nauubusan?

"Magaling din naman ang asawa ko." ganting sagot ko.

Mabilis na nabura ang pagkakangiti niya at tinaasan ako ng kilay. "Talaga ba? Anong kaya niyang lutuin?" panghahamon pa niya.

Saglit ko lang nilunok itong Shanghai na kinakain ko at saka ngumiti. "Hotdog, Bacon, Itlog." I giggled. "Sinaing."

Malakas na pagtawa ang kumawala sa kanya. Miski ako, natawa rin. Nakakamiss na ang babaeng 'yon. Wala akong mapirot na pisngi.

"Bwisit" she laughed again.

Huminga ako ng malalim. Napangiti narin ako habang nilalaro ang tubig gamit ang paa ko. Ngayon ko lang din narealized, hindi pa pala ko nagpapalit ng damit buhat kaninang umaga.

Eww, disgorsting sheyt.

Pasimple kong inamoy ang sarili. Hindi pa naman ako mabaho. Amoy Johnson Baby Powder nga ee.

"Do you believe in soulmates Abelaine?" pagtatanong niya pa.

Nagkibit balikat naman ako. Hindi ko naman kasi talaga alam. Minsan naniniwala, minsan hindi. "Hindi ko alam ee."

She nodded slowly. "You made me believe in soulmates Abby." mahinang sambit niya sapat lang para marinig ko.

Tipid akong ngumiti at tumingin sa kalangitan. "But soulmates aren't supposed to be together."

Maybe yan ang reason kung bakit nahihirapan akong maniwala dyan.

"How about her?" she's talking about Sela.

I took a deep breath and looked at her, smiling genuinely. "She's not my soulmate. She's my greatest love."

Kasi naghatian kami sa Greatest White.

Gusto ko sana idagdag, kaso wag na.

Wala naman akong nakuhang sagot mula sa kanya kaya mas pinili ko na lang na ituon ang pansin sa pool.

Walang araw na hindi ko naiisip sina Sela. Kamusta na kaya ang babaeng 'yon? Malaki na kaya si Braelynn? Nakakamiss. Ang sarap nilang sundan.

"Your lips look so lonely. Would they like to meet mine?" she said out of nowhere.

Gulat akong napatingin sa kanya, pero di kalaunan ay napangiti na lang. "Ayaw ko."  umiling-iling pa 'ko. "Si Tofu na lang papahalik ko sayo, wild din naman 'yon."

She chuckled. "Letche ka."

Napabuntong hininga pa ko bago muling sumubo ng pagkain. "Cherprang"

"Yes po?"

Tipid akong ngumiti. "Have you ever fall in love?" wala sa sariling tanong ko.

"Yes" mabilis ngunit tipid niyang sagot sa'kin. "Ikaw? Have you ever fall out of love?" ganting tanong pa niya.

My brows furrowed. "Hindi pa."

Nakakapagtaka lang dahil ngumiti siya sa'kin na para bang nang-aasar. Bigla tuloy akong nagulumihanan sa kanya.

"Falling out of love is perhaps more powerful than falling in love." she met my gaze. "Paano kung sa kabila ng paghihintay mo, hindi na pala ikaw?"

Natigilan ako. Oo naasar ako. Gusto ko tuloy siyang lunurin ngayon. Nakakapunyeta lang.

Napahinga na lang ako ng malalim para kalmahin ang sarili. Naihagod ko rin ang kamay mo sa buhok ko.

"Hindi masasayang ang paghihintay ko." madiin ang bawat salitang bigkas ko sa kanya. "Malaki ang tiwala ko kay Marsela."

Hindi ako bingi para hindi marinig ang pagtawa niya. Nakakaasar ang babaeng 'to ngayon. Ipapalapa ko na talaga siya sa alaga ko.

"Nakausap mo na ba buhat ng umalis siya?" nakangising tanong niya.

Napanguso ako at inis na inirapan siya. "Hindi pa."

Wala akong lakas ng loob para tawagan siya. Nagpalit nga ako ng number ee. Hindi ko alam kung bakit. Nasiraan lang ata ako ng bait noong umalis sila.

Kaya mula ng umalis siya at hanggang ngayon, hindi ko pa siya nakakausap.

"Then, I dare you Abelaine."

Kunot noong tiningnan ko siya. "Ha?"

But she just laughed at me. "Call her. Kapag sinagot niya ang tawag mo, titigil na 'ko sa pangungulit sayo." she paused, looked me in my eyes. "Pero kapag hindi niya sinagot, itutuloy ko ang balak kong panliligaw sayo." seryosong pagtatapos niya.

Napamaang ako. Anak ng teteng? Seryoso? Tatanggi na sana ako kaso tinaasan niya ko ng kilay.

Ano ba namang klase ng buhay meron ako? Argh! Ang inam.

No choice kong kinuha ang cellphone ko at agad na hinahanap ang pangalan niya sa Contacts ko. Nanginginig pa na tinawagan ko 'yon.

Napasubo ata ako.

"I'm nervous." she whispered.

I giggled. "Me too."

Sunod-sunod na paglunok ang nagawa ko. Ang lakas din ng kabog ng dibdib ko ngayon. Ngayon ko lang ulit maririnig ang boses niya. Nakakakaba, pero nakaka-excite.

Pero mas lalong dumoble ang kabang nararamdaman ko ng makarinig ako ng ingay mula sa kabilang linya.

( "Hello?" )

Natigalgal ako.

Si Sela!

Naiyukom ko ang kamao ko. Feeling ko pa, hirap na hirap ako sa paghinga ngayon. Gusto kong maiyak.

( " Ahm, Hello? Who's this?" )

Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Se-..."

Hindi ko na nagawang ituloy ang dapat na sasabihin nang mabilis niyang hinablot ang cellphone ko para ihagis sa Pool. Literal na nanlaki ang mata ko.

T-ngina?

Pakiramdam ko, tumaas lahat ng dugo ko sa ulo ko. Inis na tiningnan ko siya.

And before I could even utter a word, I felt her lips against mine.

Nanlaki lalo ang mata ko.


T-ngina ulit!





------------------------------------------
Unedited...

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...