Lascivious Casanova (R-18) (E...

By IyaLee04

2.2M 56.8K 16.4K

Warning: Read At Your Own Risk! EXPLICIT AND MATURE CONTENT❗❗❗ Series 7 of 8 "Do you smoke?" natatawang tanon... More

Lascivious Casanova 01
Lascivious Casanova 02
Lascivious Casanova 03
Lascivious Casanova 04
Lascivious Casanova 05
Lascivious Casanova 06
Lascivious Casanova 07
Lascivious Casanova 08
Lascivious Casanova 09
Lascivious Casanova 10
Lascivious Casanova 11
Lascivious Casanova 12
Lascivious Casanova 13
Lascivious Casanova 14
Lascivioua Casanova 15
Lascivious Casanova 16
Lascivious Casanova 17
Lascivious Casanova 18
Lascivious Casanova 19
Lascivious Casanova 20
Lascivious Casanova 21
Lascivious Casanova 23
Lascivious Casanova 24
Lascivious Casanova 25
Lascivious Casanova 26
Lascivious Casanova 27
Lascivious Casanova 28
Lascivious Casanova 29
Lascivious Casanova 30
Lascivious Casanova 31
Lascivious Casanova 32
Lascivious Casanova 33
Lascivious Casanova 34
Lascivious Casanova 35
Lascivious Casanova 36
Lascivious Casanova 37
Lascivious Casanova 38
Lascivious Casanova 39
Lascivious Casanova 40
Lascivious Casanova 41
Lascivious Casanova 42
Lascivious Casanova 43
Lascivious Casanova 44
Lascivious Casanova 45
Lascivious Casanova 46
Lascivious Casanova 47
Lascivious Casanova 48
Lascivious Casanova 49
Lascivious Casanova 50
Lascivious Casanova 51
Lascivious Casanova 52
Lascivious Casanova 53
Lascivious Casanova 54
Lascivious Casanova 55
Lascivious Casanova 56
Lascivious Casanova 57
Lascivious Casanova 58
Lascivious Casanova 59
Lascivious Casanova 60
Lascivious Casanova 61
Lascivious Casanova 62
Lascivious Casanova 63
Lascivious Casanova 64
Lascivious Casanova 65
Lascivious Casanova 66
Lascivious Casanova 67
Lascivious Casanova 68
Lascivious Casanova 69
Lascivious Casanova 70
Lascivious Casanova 71
Lascivious Casanova 72
Lascivious Casanova 73
Lascivious Casanova 74
Lascivious Casanova 75
Lascivious Casanova 76
Lascivious Casanova 77
Lascivious Casanova 78

Lascivious Casanova 22

31.5K 762 295
By IyaLee04

(LC) Chapter 22

LASCIVIOUS CASANOVA
CHAPTER 22 TO 27
PUBLISHED NOW

Remember, wala pa tayo sa kalahati at wala pa sa first twist. Sana lang mapanindigan ko ang plot ni Jax. Na-p-pressure ako ng bahagya rito kay Jax lalo at may mga bakbakan scene na naman at doon ako mahina. Kaya wish me luck!🙈🙏

20K WORDS UPDATED TODAY. SAGAD NA ITO GUYS. ENJOY READING!💋

-----Miss IYA-----




Pagkatapos ng laro, nagpaalam na si Jax kay Levi. Malayo pa lang narinig ko na ang pagtunog ng sasakyan niya. I let him kiss me as soon as we slid inside his car. His kisses were hungry and aggressive. One of his hands went up and hurriedly lowered the strap of my dress.

Matigas siyang nagmura sa mga labi ko. Namalayan ko na lang na nakatanggal na ang hook ng bra ko nang wala pang isang segundo'y nakalapat na ang magaspang niyang palad sa sensitibong dibdib ko.

"Jax..." I tried to stop him but his kisses were getting more harsher. Nakulong lang ang boses ko sa mga halik niya nang subukan kong magsalita.

I want to stop him and tell him I don't want to give up my virginity inside the car. I feel like it's not decent. Gusto ko sa kama o kaya ay sa maayos na lugar. Sa walang makakahuli o makakaalam ng ginagawa namin. Gusto kong ma-experience iyon ngunit ayokong mahusgahan.

Pero paano ko siya pipigilan? Ni hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon na huminga, magsalita pa kaya?

He cursed loudly and deepened the kiss. Habang malalim niya akong hinahalikan, hinuhubad niya ang belt ng pantalon niya. Nagsimula na akong mag-panik sa isip. Ang dress na suot ko ay nakababa na hanggang sa ilalim ng aking dibdib. Maging ang suot kong bra na nasa harapan ang hook, nakatanggal na rin. Ang suot kong itim na underwear ay nakalitaw dahilan ng pagtaas ni Jax sa laylayan ng dress ko.

Napalunok ako at napatingin sa labas, sa windshield ng sasakyan nang pakawalan niya ang labi ko dahil naging abala sa paghuhubad. Narito pa rin sa parking lot nila Levi ang mga mamahaling sasakyan ng mga bisita niya. Pagbaling ko kay Jax, tapos na siya sa pagtanggal sa lock ng belt niya. Sinisimulan na niyang kalasin ang butones ng kanyang suot na pantalon.

"Are we... are we going to do it here? Nasa parking lot tayo, Jax," sabi ko upang ipaalala sa kanya dahil parang nakalimutan niya kung nasaan kami.

"They're still having fun. Hindi pa uuwi 'yang mga iyan," ni-recline niya ang upuan ko at tinulak ako pahiga. Patili ko siyang tinawag subalit abala naman siya ngayon sa pagtanggal ng t-shirt niya.

Pagkatanggal ng butones, hindi niya muna hinubad ang pantalon, inuna niya munang hubarin ang suot niyang t-shirt. Hinila niya iyon mula sa likod upang makapaghubad at ibalandra sa akin ang pulido at matigas niyang katawan.

Hindi ito ang unang beses na makikita ko siyang ganito. Gayunpama'y nakalimutan ko nang tumanggi nang maghubad siya. Tahimik akong nakahiga sa upuan kahit nang umangat siya. Pinaghiwalay niya ang mga hita ko at pumwesto paluhod sa aking upuan. Nakatukod ang isang kamay niya sa gilid ko para hindi siya mauntog sa bubong ng sasakyan. Tinitigan niya ako sa mga mata. Sumisigaw doon ang sobrang pagnanasa.

"Let's not use condom. I'll just withdraw."

Habang nagsasalita'y napatitig ako sa pagbuka ng mapupulang labi niya. Napakurap at nanlaki ang mga mata. Nagising ako mula sa pagkakatulala sa kanyang katawan. Itinukod ko ang aking isang siko sa upuan na kinahihigaan at agaran ang pag-iling sa kanya.

"Ayoko dito... Sa kwarto mo na lang, Jax."

Pinigilan niya ako sa balikat at itinulak ulit pahiga.

"Dito muna. Pagkatapos dito sa kwarto ko naman."

Napanganga ako at dalawang siko na ang gamit upang buhatin ang katawan. Nanlaki ang mga mata ko nang umamba siyang papatungan ako. Nakabukas na ang butones ng pantalon niya kaya't malinaw sa paningin ko ang nakabukol sa abuhing boxer briefs niya. Sa palagay ko'y wala siyang balak na hubarin ang pantalon.

Balak niyang gawin namin iyon sa sasakyan na nakadamit? Base sa kilos niya, halatang nagawa na niya ito sa ibang babae. Sanay na sanay at alam niya kasi kung paano kami pagkakasiyahin sa maliit na espasyo ng sasakyan. Pinigilan ko siya at buong lakas na itinulak sa dibdib. Napabalik siya sa kanyang upuan. Sinamantala ko iyon upang makaupo rin ako ng maayos.

"Ano?! Dalawang beses nating gagawin?"

Kunot noo at bakas ang irita sa mukha niya akong tinignan dahil sa pagtulak na ginawa ko. Hinuli niya sa pulso ang kamay kong pinantulak sa dibdib niya at inalis iyon doon.

"Anong dalawa? Maraming beses, Clementine!"

Nahilo yata ako sa sinabi niya. Hindi pa namin nagagawa, napapagod na ako. Anong gusto niya? Durugin ang mga buto buto ko sa unang araw na mararanasan ko iyon? Hindi ba niya alam ang salitang ingat at dahan dahan? Masiyado siyang marahas at mabilis na akala mo'y mauubusan.

"Ayokong gawin ang una ko dito! Kung gusto mo magkamay ka na lang diyan! Hindi muna ako magbibihis para mas ganahan ka!"

"W-what? What the fuck?! Are you serious?!"

Gulat na gulat niya akong tinignan. Marahil ay sinisiguro kung seryoso ako. Seryoso ako! Ayoko nga sa sasakyan! Pakiramdam ko ang bastos! Kahit hindi namin gusto ang isa't isa, ayoko namang sa ganitong lugar niya makukuha ang pagkabirhen ko! Sa sasakyan at sa parking lot pa ng kaibigan niya?!

"Ayaw mong gawin natin sa sasakyan. Pero gusto mong gawin natin sa banyo nila Peter?" puno ng sarkasmo ang paraan ng pagtatanong niya.

Laglag panga kong inayos ang damit ko. Nakaawang ang labi ko siyang hinarap.

"Hindi kasali iyon! Lasing ako no'n at kung nasa katinuan ako hindi ko gagawin iyon!"

"You were not very drunk that day-"

"Kahit anong sabihin mo hindi ako papayag na gawin natin iyon sa loob ng sasakyan! Kung pumayag 'yong mga babae mo ibahin mo ako!"

Matagal niya akong tinitigan. Napahilamos siya ng mukha at kalaunan ay padabog na nagbihis.

"Damn it! Bakit palagi na lang hindi natutuloy? We better talk about the day and place, Clementine! 'Yung wala nang iistorbo sa atin!"

Panay palatak siya at pagrereklamo. Nakahalukipkip ko siyang tinignan. Pasinghal na pinasuot niya sa akin ang seatbelt ko. Sinamaan niya ako ng tingin. Nagtiim bagang at nagbitaw ng huling mura bago paalisin ang sasakyan.

Pagkahatid niya sa akin, bagsak ang katawan ko sa higaan. Pakiramdam ko masiyado nang nagiging makasalanan ang katawan ko sa mga ginagawa namin ni Jax. Tumagilid ako. Pumikit at niyakap ang unan. Pinilit kong makatulog kahit pasingit singit ang mga eksenang naganap kanina.

"Naayos mo na ba ang magiging presyo ng mga t-shirt?" tanong ni Harry pagkabukas ko sa gate ng bahay kinaumagahan.

Tumango ako at naghikab. Walang messages si Jax ngayong umaga. Nagtataka lang ako dahil nitong nakaraan nasasanay na akong makatanggap ng mga mensaheng galing sa kanya. Kahit mga simpleng good morning lang naman iyon o good night. Kapag nasasanay pala sa mga gano'n nakakalungkot kapag biglang nawala.

"Sa susunod na araw na ang registration. Makakatulong ba kayo ni Irene?" tanong niya ulit nang magsimula kaming maglakad.

Tumango ako. Pagkarating sa arc, sa waiting shed unang dumirekta ang mga mata ko. Walang tao doon. Wala si Jax. Napatanong ako sa isip kung nagkasakit ba siya at hindi nakapasok? Pagkarating nga lang sa field, nasagot ang tanong ko.

Nakasandal ang freshman na babae sa bakod ng filed. Nakalapat sa bakod ang isang kamay ni Jax at kausap ang babae. Nagtama ang tingin namin pagkadaan namin ni Harry. Pairap siyang nag-iwas sa akin ng tingin at nginitian ang babae. Umawang ang mga labi ko at saglit na natigilan. Nagpatuloy din naman bago pa makahalata si Harry.

Nag-iisang linya ang mga labi ko dahil sa inis. Pagkaupo na pagkaupo, inilabas ko ang telepono ko. Mahigpit ang hawak ko sa phone at halos madurog ang screen dahil sa diin ng pag-type ko.

Me:

Sino 'yang kasama mo?!

Hindi ko na inisip kung bibigyan niya ng kahulugan ang tanong ko. Pagkatapos ng mga ginawa niya sa akin at pagkatapos ng nangyari sa bahay ng kaibigan niya, hindi niya ako papansinin?! Nagalit ba siya dahil hindi ko siya pinagbigyan sa sasakyan? Iyong lang, maghahanap na siya ng iba?!

Habang nagkaklase pasilip silip ako sa phone. Wala siyang reply. Imposibleng hindi niya natanggap ang text ko! Napairap ako at napapadalas ang pagbuntong hininga. Kahit ang mga kaibigan ko, napapansin iyon. Hindi lang sila nagsasalita. Nakapaskil siguro sa itsura ko na hindi ako pwedeng kausapin kahit nino.

Pagkatapos ng apat na klase, sa canteen kami dumiretso. Nakatanaw ako sa field at hinahanap si Jax habang nagtatype ng panibagong mensahe. Pangatlong beses ko na itong tanong kung nasaan siya at magreply siya. Wala siya sa field at kahit ang mga kaibigan niya'y hindi nagkalat ngayon dito. Wala akong ganang kumain at padabog ang pagnguya. Nagugulat si Irene sa tabi ko sa tuwing ibabagsak ko ng malakas ang kutsara.

Me:

Tuturuan kita ngayon. Nasaan ka?

Pagkatipa ay muli akong sumubo ng pagkain. Naghintay ako ng ilang minuto ngunit wala pa rin ni isang reply galing sa kanya. Napasinghap si Irene nang muli kong bitawan ang kutsara at mag-type ulit.

Me:

Huling text ko na ito! Kung hindi ka magrereply kakausapin ko ang Lola mo na si Miss Abadiano na lang ang ipalit sa akin para magturo sayo!

Padarag kong sinuklay ang aking buhok gamit ang mga daliri. Lingid sa akin na nasa akin na ang tingin ng mga kaibigan. Nawalan ako ng pakialam lalo nang mag-vibrate ang phone ko at makita sa screen ang pangalan ni Jax.

Jax:

Nasa likod ako. Nag-iinom.

Kaninang wala siyang reply, mainit ang ulo ko. Ngayong nagreply siya, hindi nabawasan iyon. Hindi nagbago ang mariin kong pagtipa.

Me:

Bakit ngayon ka lang nagreply?! Huwag mong idahilan na hindi mo nabasa ang mga messages ko, Jax!

Jax:

Hindi ko kasi maintindihan kung gusto mo ba talaga? Bakit kapag sabik na ako saka mo ako pinapatigil?

Paulit ulit kong binasa iyon at hindi kaagad nakapagreply. Kung gano'n, 'yong nangyari nga sa sasakyan ang dahilan ng hindi niya pagpansin sa akin.

Me:

Gusto ko nga. Hindi lang tumutugma 'yong panahon at oras. Tumatawag si tatay noon at kahapon ayoko sa sasakyan.

Medyo umayos ang pagtipa ko. Sumusubo ako ng pagkain habang naghihintay ng reply niya.

Jax:

Kung talagang gusto mo. Gawin natin ngayon sa bahay? Walang tao doon dahil nandito sa school si Lola. Kausap si Mrs. Montemayor.

Mabagal kong nginuya ang kasusubo lang na pagkain. Sa tuwing muntik na naming gawin iyon, hindi ako naaasiwa. Siguro dahil pareho kaming nadadala at wala nang panahon na mailang. Pero ngayon na pinag-uusapan, medyo awkward sa akin ang dating.

Jax:

Clementine? Ano? Gusto mo ba?

Me:

Nasaan ka ba? At sino nga 'yong kasama mong babae kanina?

Jax:

Nasa likod nga ako. Wala iyon. May ibinigay lang. Nakita kita kaya itinulak ko sa bakod.

Me:

Nasa likod ka? Ibig sabihin lasing ka?

Jax:

Hindi. Isang shot lang ako. Pampawala lang ng badtrip.

Me:

Kanino ka badtrip? Sa akin?

Tumaas ang kilay ko nang matagal siyang hindi nakapag-reply. Nang mag-vibrate naman at basahin ko ang reply niya'y binago niya ang usapan. Lalong tumaas ang kilay ko. Badtrip nga siya sa akin? Kasalanan ko ba na kung saan saan niya gustong gawin iyon? Kahit naman siguro sinong matinong babae hindi papayag na gawin iyon sa sasakyan!

Jax:

Ano? Gusto mo ba? Kung gusto mo, huwag ka na pumasok sa susunod na klase. Sa kwarto na lang tayo. Ihahatid kita kapag oras na ng uwian.

Napatitig ako sa phone at binilang sa isip kung ilan ang malilibanan kong lesson. Kung kakayanin ko bang habulin iyon.

"Hindi ka pa ba tapos kumain? Ipabalot mo na lang iyan. Magsisimula na ang klase," si Harry ang nangahas na kausapin ako.

Nakatayo na sila ngayon at mukhang handa na ang lahat na pumasok. Napatingin ako sa relong nasa pulso ko. Limang minuto na lang bago magsimula ang klase. Tiningala ko sila at pakunwaring sumubo ulit ng pagkain.

"Uubusin ko lang ito. Mauna na kayo. Susunod ako," dahilan ko na lang, kahit ang totoo wala akong balak na pumasok sa susunod na klase.

Tumango si Harry at niyaya na ang mga kasama namin. Sinundan ko pa sila ng tingin. Nang makalabas sila sa canteen, saka ako nagreply kay Jax.

Me:

Okay.

Jax:

Pupuntahan kita diyan.

Umiling ako kahit hindi niya nakikita at mabilis nagtipa ng sagot.

Me:

Hindi na. Ako na lang ang pupunta sayo.

Nang kumaonti ang mga estudyante saka ako lakad takbong nagtungo sa likod. Bumagal ang lakad ko nang makarinig ng ingay. Mayroon talahib kaya't hindi ko pa kita ang nangyayari. Napatakbo ako at muling napahinto ang mga paa nang bumungad si Jax at ang isang lalaki na nag-aaway. Naabutan ko ang huling malakas na suntok dito ni Jax bago sila mapaghiwalay.

"Pagkatapos ng ginawa mo mayabang ka pa rin? Kaya ako mas lalong nagagalit sayo dahil wala akong makitang kahit kaonting konsensya sayo sa ginawa mo!"

"Iyan lang ba ang ipinunta mo? Sana nakipagkita ka na lang sa akin sa restaurant para napag-usapan natin ito?"

Nakangisi siya at nakalabas ang malalim na dimple. Gayunpaman, hindi iyon magandang tingnan ngayon. Sa malademonyong ngisi niya, mas nagmukha 'yong marka ng pagiging delikado.

"Thank Levi for not inviting me to their house! Kung hindi-"

Malakas na tumawa si Jax at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ni Peter. Nakangisi niyang tinapunan ng tingin ang kaaway niya. Hawak ito ng mga lalaking hindi naka-uniporme. Sa palagay ko'y kasama ito ng kaaway ni Jax. Hindi ko alam kung paano sila nakapasok sa eskwelahan gayong hindi naman sila dito nag-aaral. Natanto ko nga lang na anak ng Mayor ito sa lugar nila Levi. Sa pagkakaalam ko'y sa Manila ito nag-aaral. Nagpupunta lang sa Mindoro sa tuwing nangangampanya ang magulang niya.

"Ano? Papatayin mo ako? Ilan taon mo na bang sinasabi iyan at bakit buhay pa rin ako?" Nakangisi siya at nang-uuyam sa kaaway ang boses. "Sa tingin mo ba matatakot ako sayo?"

Habang kumakawala ang kaaway ni Jax ay hindi sadyang mahagip ako ng tingin nito. Nagsalubong ang mga kilay nitong may bahid ng dugo na para bang kinikilala ako. Kalaunan ay ngumisi ito sa gawi ko. Isang beses akong napaatras at napahawak sa talahib na kinatataguan ko. Kalahating katawan ko lang ang kita dahil nabitin ang paghakbang ko nang makita silang nag-aaway.

"May kasama ka raw na babae," nakangisi ang labi nitong mayroon ding dugo. Hindi winawaglit ang tingin sa akin.

Kumunot ang noo ni Jax at mabilis na napatingin kung saan ako nakatayo. Nakitaan ko siya ng gulat sa mga mata. Umawang ang mga labi at halata sa itsura na hindi gustong naroon ako.

"Siya iyon. Tama ba ako? I heard her name is Clementine Alvarina?"

Nagtiim bagang si Jax. Tumigas ang titig niya sa akin at marahas na hinarap ang kaaway niyang lalaki.

"She had nothing to do with it!" Mariing nakakuyom ang mga kamao ni Jax at halata ang biglang lumitaw na takot sa mga mata.

"Lahat ng taong importante sayo kaaway ko na rin! So she was clearly involved in it!"

Pagak na tumawa si Jax at lumingon sa akin. Binasa niya ng dila ang labi niya at binalikan ng tingin ang kaharap.

"Important? She's just a schoolmate-"

"Really? Schoolmate lang? Kung idadamay ko pala siya wala kang pakialam?"

Napalunok si Jax at pumalag sa pagkakahawak ni Peter. Umawang ang labi niya at sinulyapan ako ulit. Nagtataka ko siyang tinignan nang biglang napuno ng takot ang mga mata niya habang nagtatagal na nakatingin sa akin. Nag-iwas siya ng tingin. Malamig ang mga mata niyang humarap ulit sa kaaway. Ano bang pinag-uusapan nila? Sinong idadamay? Ako? Saan?

"Touch her and I will kill you-"

"Oh? Akala ko ba schoolmate mo lang?"

"Damn you, Blaze!"

"Damn you too, Dawson! And I will bet she doesn't know what you did to Georgina! She'll hate you if she know what you did to your own-"

Bago pa maituloy ng kaaway niya ang sasabihin ay nakawala na si Jax sa pagkakahawak ni Peter at sinugod itong muli ng suntok. Hindi nangingialam ang mga kasama nila at sa halip ay pinipigilan lang sila. Napatakip ako ng mga kamay sa labi nang hindi nila mapigilan si Jax kahit pa halos tumalsik ang dugong nagmumula sa kaaway niya papunta sa uniporme niya.

Tumakbo ang isa sa mga kagrupo ni Jax. Takot na takot at nasisiguro kong hihingi ng tulong upang maawat si Jax. Hindi nagtagal, dumating ang mga guard. Kasunod nito ay ang mga estudyante na nagsimula nang makiusyuso.

Mabilis na naawat si Jax nang magtulong tulong ang mga kagrupo niya at mga guard na dumating. Itinayo nila ang halos mawalan na ng malay na lalaki. Inakay ito ng mga kasama at kahit sarado na ang isang mata ay nagawa pang magbanta kay Jax.

"High school pa lang marami ka nang atraso sa akin! Isang araw makakaganti rin ako sayo!"

Mabilis ang paghinga ni Jax. Tumingala siya at idiniin ang dalawang daliri sa mga mata. Pagbaba niya ng tingin, nilingon niya ako. Isang beses pa akong napaatras dahil nandoon pa rin ang dilim sa kanyang mga mata. Nagbuga siya ng malalim na paghinga at nagsimulang humakbang upang lapitan ako. Sa dibdib niya ako tumingin nang timigil siya sa harapan ko.

"Bakit nandito ka? Sabi ko ako na ang pupunta sayo," nang-aamo ang tono niya at parang alam na natakot ako sa nakita.

Ngayon ko lang siya nakitang makipag-away. Naririnig ko pero ni minsan hindi ko naabutan na ginawa niya. Nabigla ako. Paano kung wala silang kasama at hindi siya napigilan? Maaari niyang mapatay iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang subukan niyang hulihin ang kamay ko. Mabilis kong itinago sa likod iyon para hindi niya maabot.

"N-nagreply ako, Jax. Sabi ko ako na lang ang pupunta."

Marahan siyang tumango at hindi ako pinilit nang mapansin na inilayo ko sa kanya ang kamay ko.

"Uh, nagreply ka?"

Isinilid niya sa bulsa ang kanyang kamay na puno ng dugo at paglabas ay hawak na niya roon ang phone niya. Nakatanaw ako nang i-swipe niya iyon. Hindi pa niya nabuksan ang huling message ko. Bahagya niyang inilapit sa akin iyon para ipakita kahit alam niyang nakita ko na.

"Hindi ko pa nabasa," mahinang bigkas niya.

Nakatitig siya sa akin at tinitimbang ang magiging reaksyon ko. Binalik niya sa bulsa ang phone at magaan akong hinawakan sa braso. Napapiksi ako at alam kong naramdaman niya iyon.

"Natakot ba kita? Kalimutan mo na ang nakita mo. Matagal ko nang kaaway iyon. Nalaman sigurong umuwi ako dito."

Nag-angat ako ng tingin. Nahuli kong malamlam ang mga mata niyang niyuyuko ako.

"Bakit mo ginawa iyon? Muntik mo na siyang mapatay..."

Umawang mga labi niya ngunit sa huli ay itinikom niya ulit iyon at binasa ng dila. Hinawi ko ang kamay niyang nasa braso ko nang makita si Harry na papalapit. Umikot si Jax at tinalikuran ako upang tingnan kung saan ako nakatingin. Paglapit ni Harry, salitan niya kaming tiningnan ni Jax. Iniwanan niya ako ng makahulugan na tingin bago tumigil kay Jax ang mga mata.

"Pinapatawag ka sa disciplinary office ng Lola mo. Papunta na rin ang tatay ng nakaaway mo. Baka kasuhan ka o maaari ring mapag-usapan dahil parehong kilala ang mga pangalan niyo."

Hindi nagsalita si Jax. Nagpatuloy si Harry.

"Sumunod ka sa akin. Kung gusto mong maayos itong gulong ginawa mo-"

Nakapamulsang umiling si Jax. Nasa itsura niyang siya pa ang mayabang pagkatapos niyang mambugbog.

"Hindi na kailangan. Hindi ako pupunta dahil hindi naman ako ang nagsimula-"

"Sumunod ka na Jax," singit ko.

Sabay silang napabaling sa akin. Kung hindi sasama si Jax baka masampahan siya ng kaso. Nasa edad na siya at pwede na siyang makulong. Hindi niya pwedeng idahilan na ito ang nauna. Pambata lang na dahilan iyon. Halos hindi na makilala ang mukha ng nakaaway niya at siguradong sa hospital ang diretso no'n. Siya ang dehado dahil maliit na galos lang sa pisngi ang natamo niya.

"Clementine, hindi ako ang sumugod dito-"

"Kaya nga mas kailangan mong sumunod kay Harry para makapag paliwanag ka. Humingi ka na rin ng pasensya sa Lola mo at sa magulang ng nakaaway mo kahit hindi ikaw ang nauna."

Nanatili lang ang titig niya sa akin. Para bang nag-iisip kung gagawin ang sinabi ko. Nag-iwas siya ng tingin at muling ibinalik sa akin. Nang makitang hindi ko siya nilulubayan ng tingin, napabuntong hininga siya.

"Fine," sagot niya habang patango tangong nakatingin sa akin. "Tatawagan kita."

Continue Reading

You'll Also Like

4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
3.3M 299K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...