Under The Shade (SeBy)

By wwiittyyccuuttiiee

163K 11.4K 2.8K

"You know what, I'm still curious." she said. Agad naman akong napabaling ng tingin sa kanya, nagtatanong ang... More

Author's Note
Prologo
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI (Labrei)
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII - GiaPhant
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI - 🌻
XLII- BeCka
XLIII
XLIV
XLV
XLVI
XLVII
XLVIII
XLIX
L
LI
LII
LIII
LIV
LV
LVI
LVII
LVIII
LIX
LX
LXI- PikaJem
LXII
LXIII
LXIV
LXV
LXVI
LXVII
LXVIII
LXIX
LXX
LXXI
LXXII
LXXIII
LXXV
LXXVI
LXXVII
LXXVIII
LXXIX
LXXX
LXXXI
Epilogue
Special Chapter I

LXXIV

1.3K 120 23
By wwiittyyccuuttiiee


ABELAINE TRINIDAD

Isinangga ko ang braso sa mata ko pagtapak na pagtapak namin dito sa rooftop.

Napapaluha pa nga ako dala ng hangin na nagmumula sa elesi ng Helicopter na nakaabang ngayon sa'min.

"Abby!" sigaw niya.

Mabilis naman akong napalingon sa kanya. Yakap-yakap niya ang sarili.

"Oh? Bakit?" ganting sigaw ko.

Matamis na ngiti naman ang iginawad niya sa'kin, dahilan para kumirot ang puso ko.

Walang pagdadalawang isip na aaminin ko, mamimiss ko ang gagang 'to.

"Pwede ba ko maging ninang ni Braelynn?" sigaw niya pa ulit.

Napangiti ako. Bahagya ring nanginginig ang labi ko na anumang oras mapapaiyak na ko. "Oo naman. Kukunin naman talaga kitang ninang niya ee."

Mas lalo namang lumapad ang pagkakangiti niya sa'kin. "Salamat." she tapped my head. "I'm gonna miss you Abelaine."

Tuluyan ng bumagsak ang luha ko. Sobrang diin narin ng pagkakagat ko sa ibabang labi para hindi makagawa ng hikbi.

Napalunok pa ako habang hirap na hirap sa paghinga. "Mamimiss din kita." nahigit ko muli ang paghinga ko. "Magpagaling ka ah."

She immediately nodded at me. "Oo naman. Babalik pa ko dito ee." nakangiting tugon niya. "Dana! Ikaw ng bahala sa kanya ah."

Napayuko ako, at hinayaan lang ang luhang dumaloy sa pisngi ko. Magdamag akong umiyak kagabi dahil sa pag-alis ni Sela, pati ba naman ngayon? Nakakainis na ah.

"Masusunod master!" sigaw  din naman nitong isa.

Inis na pinahid ko lang ang pisngi ko na basang-basa ng luha ngayon. Buong tapang kong tiningnan ang kaibigan ko na yakap-yakap ngayon ni Dana.

Naiiyak tuloy ulit ako. Ngayon lang kami magkakahiwalay ng ganito katagal. Hindi ako sanay na hindi ko siya nakikita.

"Abby!"

Naiyukom ko ang kamao ko para lang mapigilan ang sariling mapaiyak muli. Walang pasabing hinila ko siya papalapit sa'kin para yakapin ng mahigpit.

"Mag-iingat ka do'n Guinevere." bulong ko. "Wag kang tatawid mag-isa sa kalsada, baka masagasaan ka, tatanga-tanga ka pa naman." dagdag ko pa.

Malakas na tinawanan lang niya ako habang tinatapik-tapik ang likod ko. Ganon lang eksena naming dalawa ng ilang minuto hanggang sa ako na mismo ang humiwalay sa yakapan namin.

Ginulo ko pa ang buhok niya.

"Hanggang sa muling pagkikita damuho." umiiyak na sambit ko.

Marahas naman niyang pinahid ang pisngi habang natatawa pa. "Hanggang sa muling pagkikita asungot."

She cupped my face and gently kissed my forehead. "Kung may problema ka, tawagan mo agad ako. Bulag lang hindi ako pero hindi bingi. Okay?"

Mabilis akong tumango sa kanya. Nakakainis. Walang tigil ang luha ko ngayon sa pagpatak. Akala ko pa naman hindi na ko iiyak ngayon kasi naubos ko na kagabi. Hindi parin pala.

"Si Ella." she paused intentionally. "Pakitingnan na lang siya para sa'kin ah. Kung sakaling magmamahal siya ng ibang tao, hayaan niyo lang." her lips started to shake. "Wag niyo siyang pigilan sa bagay na ikakasaya niya." dagdag pa niya.

Hindi ako sumagot at mas piniling tahimik na tumango na lang. Hindi ko din naman kasi alam kung ano ba ang dapat na isagot sa kanya.

"See you soonest Trinidad." marahan pa niyang tinapik ang pisngi bago ako pakawalan, at agad na lumapit sa daddy niya.

Tinanguan lang naman ako ni tito na ginantihan ko ng tipid na ngiti.

Nakahabol lang naman ang tingin ko sa kanilang dalawa hanggang sa tuluyan na silang maka-akyat sa Helicopter. Nakurot ko pa ang ibabang labi at habang umiiyak.

Kung pwede lang sumama, sasama talaga ako.

At ng tuluyan na silang nakaalis, doon lang ako napahagulgol ng malakas. Naramdaman ko pa ang marahang paghawak ni Dana sa balikat ko.

"Ano? Shot ba?"

Kahit umiiyak, napatawa ako. Parang tanga 'to. Nage-emote ako ee. "Surak. Hindi ako nag-iinom." tugon ko pa sa namamaos na tono.

Tinawanan naman niya ko bago akbayan. "Maggatas ka na lang. Crying baby." pang-aasar pa niya.

At dahil nga nasa mood ako, inipit ko ang leeg niya sa pigitan ng kili-kili ko at braso saka siya kinutusan sa ulo.

"Bubutasin ko 'yang bunbunan mo. Crying baby pala ah." puno ng panggigil na saad ko.

"Aray ko Abby! Bitawan mo 'ko." maktol pa niya.

Napatawa na lang ako saka siya binitawan. "Libre mo na lang ako kape." desisyon na sambit ko. "Tara na."

Wala naman siyang nagawa kundi ang sumunod na nga lang sa'kin. Napahinga na lang ako ng malalim.

Sana kayanin ko ang lintek na kalungkutan na 'to.

---

"Sobrang gusto ko talaga ang kape." kalmadong sambit niya. "Hindi ka iiwan ng kape, kahit sa burol mo kasama mo siya." she added.

Napatawa naman ako ng mahina habang napapailing pa. "Excited ka naman ata mamatay."

Saglit pa kumunot ang noo niya bago tumawa rin. Sumimsim na lang ako dito sa kape ko at tinuon ang pansin sa labas. Unti-unti ng dumidilim ang kalangitan. Napahinga na lang ako ng malalim. Ang bilis ng oras, parang kanina lang kakagising ko palang, tapos ngayon pagabi na agad.

"Abby?"

I took a deep breath and looked at her. "Hmm?"

"Kung ikaw papipiliin, ano mas gusto mo? Mag-alaga ng dragon, o maging dragon?" parang tangang tanong niya.

Mabuti na lang at hindi ako nainom ng itanong niya sa'kin. Baka nabugahan ko na siya ng kape ngayon. Kainaman.

"Ano bang klaseng tanong 'yan?" kunot noong sambit ko pa.

Pero ang babaeng ito, nagkibit balikat lang at saka humalumbaba. "Naisip ko lang bigla."

I shooked my head in disbelief. "Syempre doon na 'ko sa makapag-alaga ng dragon." pagsakay ko naman sa katangahan niya. "Yung parang si Hiccup tapos magkakaroon ako ng sariling Toothless." okay, nilamon na 'ko ng How to Train your Dragon. Tss.

"Ako gusto ko maging dragon mismo." ang lapad pa ng ngiti niya ng sabihin niya 'yan. "Tapos bubugahan kita ng apoy. Rawr!"

Napatawa naman ako at inis na hinagis sa kanya itong tissue. "Gaga ka talaga."

She laughed. "Ubusin mo na nga 'yan, para makauwi na tayo." tatawa-tawang tugon naman niya. "Nagiging siraulo ako kapag ikaw ang kasama ko."

Napatawa akong muli. Nakakakuha na nga ako ng atensyon ng ibang customer na nandito pero hayaan na. Ngayon lang ulit ako nakatawa ng ganito pagbigyan niyo na.

Katulad nga ng sinabi niya, inubos ko na itong kape ko. Maligamgam na rin naman kaya hindi na mabilis ko lang na naubos.

"Wait lang, bibilhan ko lang ng cake 'yong pamangkin ko."

Ngumiti ako. "Hintayin na lang kita sa parking."

Tanging pagtango lang naman ang tinugon niya sa'kin kaya nagdere-deretso labas na agad ako. Napahinga pa nga ako ng malalim ng tuluyan kong malanghap ang polluted na hangin. Charot.

Nahilot ko pa ang batok ko dala ng pagod. Wala naman ako masyadong ginawa ngayong araw. Tanging pag-iyak lang ang ginawa ko kaya marahil, pagod na pagod ako.

Buti nga hindi na pugto ang mata ko, hindi katulad kanina na kulang na lang isipin ng mga taong nakakakita sa'kin na baka sinugod ako ng isang batalyon na bubuyog dahil sa sobrang maga ng mata ko.

"Let me go, please."

Hindi ko na natuloy ang akmang pagbukas sa pintuan ng sasakyan ni Dana ng marinig ko ang ingay na 'yon. Hindi kalayuan dito sa pwesto ko, tanaw na tanaw ko ang isang babae habang napapaligiran ito ng dalawang lalaki.

Inis na napakamot ako ng ulo at agad na lumapit sa kinaroroonan nila.

"Ibigay mo na kasi sa'min Miss." rinig ko pang sambit nung mokong. "Cellphone at pera ang kailangan ko, hindi ang pag-iyak mo."

Natigilan ako saglit hindi kalayuan sa kanila. Teka, holdap pala 'yong nangyayari dito? Anak ng? Nasan ba si Dana? Ang tagal naman ata niya.

Sa sobrang taranta ko, kumuha ako ng hindi kalakihang bato at malakas na binato 'yong gago na may hawak na kutsilyo. Buti na lang hindi ako duling. Tinamaan ko siya sa tagiliran ee.

Mabilis ang pagkilos na ginawa ko para itulak 'yong isang lalaki na nakahawak sa kanya. Hinila ko narin papalapit sa'kin itong babaeng ito na walang tigil sa kakaiyak ngayon.

Sige Miss, iyak ka lang. Baka sakaling maawa sayo 'tong mga holdapers at bigyan ka ng bente para sa pamasahe.

Nahigit ko ang paghinga ko, lalo na nung nakatapat na sa'kin ang kutsilyo nitong isa. Mukhang maling ideya ata ang nagawa ko.

"Nakikialam ka." masama ang timpla na sambit niya.

Napalunok naman ako. "Mga boss naman kasi, malamang makikialam ako. Dalawa kayo oh, isa lang 'to." turo ko dito sa babaeng nasa likod ko. "Luging-lugi. Masyado niyong kinakawawa itong isa."

"Ah ganon?" at ngayon nga po, nakangisi na ang gago. "Dalawa na kayo, patas na tayo."

Nanlaki ang mata ko. "Hindi ganon ang ibig kong sab-.."

Nanghina ako bigla. Sino ba namang hindi manghihina kung basta-basta ka na lang sinaksak sa tiyan.

Muntik pa kong mabuwal sa pagkakatayo ko, buti na lang nahawakan ako nitong babaeng niligtas ko.

"Patas na. Masyado kang nakikialam."

Akmang aambahan niya pa ulit ako ng saksak ng marinig ko na ang boses ni Dana, dahilan para magsitakbuhan ang mga gago.

Napangiwi na lang ako habang hawak-hawak ang tiyan kong may tama ngayon.

Ang sakit punyemas. Ganito pala pakiramdam ng masaksak. Ang sakit.

"Abby? Okay ka lang?" she held my shoulder. "Hala pota may saksak ka." at ngayon nga, nagsisimula na siyang mataranta.

"Dadalhin kita sa Hospital." rinig ko namang sambit nitong babaeng nasa likod ko.

Umiling ako. "Parang awa niyo na, kotang-kota na ko sa Hospital. Wala na akong balak bumalik do'n." at saka ko tiningnan itong kaibigan ko na maluha-luha na ngayon. "Hindi pa ko mamamatay kupal ka. Wag kang umiyak diyan." parang tanga talaga 'to.

She just scratched her head. "Sorry, nagpapractice lang."

Napailing na lang ako. "Ihatid mo na 'ko sa bahay. Please." namamanhid na ang katawan ko.

Hindi naman siya nag-atubili at mabilis ngunit maingat na pagkilos ang ginawa niya. Inalalayan niya ko hanggang sa makarating kami sa sasakyan. Napapikit na lang ako habang hawak-hawak parin itong sugat ko.

"Here, ilagay mo 'to sa sugat mo."

Kunot noong tiningnan ko ang nagsalita na 'yon. Binuksan ni Dana ang ilaw dito sa backseat kaya kitang-kita ko ang mukha niya.

Bakit ngayon ko lang napansin na may angking ganda pala itong iyakin na 'to?

"Para mapigilan natin ang pagdudugo." saad niya pa.

Hindi na ako nag-abalang sagutin pa siya at mas pinili ko na lang na manahimik habang ang atensyon ay nasa labas ng bintana.

Sobrang bilis ng pagpapatakbo ni Dana. Akala mo'y biyaheng langit na 'tong pupuntahan namin. Grabe.

Halos trenta minutos pa ang ginugol namin sa biyahe bago kami tuluyang nakahinto dito sa tapat ng bahay.

At katulad nga kanina, inalalayan lang ako ng kaibigan ko hanggang sa makapasok kami sa loob.

"Nasan ang mga kasama mo dito?" nagtatakang tanong niya.

Dahan-dahan pa niya kong inalalayan hanggang sa makaupo ako sa sofa.

Tipid akong ngumiti. "Si Frances, nasa bahay nina Lola. Si Abea naman, nasa condo niya." napangiwi ako. Bigla kasing kumirot itong sugat ko. "Si Daddy, nasa office niya siguro."

Simula ng mailibing si mommy kahapon, doon na nagpalipas ng gabi si Abea sa condo niya. Habang si Frances nagkulong sa kwarto niya. Sinundo lang siya ni Lola kanina kaya nandon siya sa kanila ngayon. Habang ang tatay ko, hindi ko na alam kung nasaan. Hindi ko nga naabutan 'yon kanina paggising ko.

"Teka, may first aid kit ba kayo dito?"

Sobrang lamig ng pawis ko ngayon.  Grabe rin ang kabang nararamdaman ko ngayon. "Sa kusina." tanging nasabi ko na lang.

Mabilis na umalis si Dana para tumungo sa kusina. Akmang ipipikit ko na sana itong mata ko ng may magsalita na naman.

"Wait lang."

Kunot noong tiningnan ko siya. Siya na naman? Sumama pala siya sa'min?

"Pwede mo bang tanggalin 'yang jacket mo? Kailangan natin malinis 'yang sugat mo." dagdag pa niya.

Hindi ako sumagot, seryosong tiningnan ko lang siya.

"Registered Nurse ako, kaya wala ka dapat ikapag-alala." pampalubog loob niya.

Napahinga na lang ako ng malalim at dahan-dahang inalis itong jacket ko. Tinulungan pa nga niya ko.

"Titingnan ko 'yong sugat mo ah." kalmadong saad pa niya.

Napalunok ako. Hindi dahil sa pagkailang ng dahan-dahan niyang itaas ang damit ko kundi dahil sa pagdaloy ng kirot sa kaibuturan ko.

Ang sakit ee.

"Okay." she inhaled deeply.

"Ito na! Dala ko na!"

Saktong pagdating ni Dana, sinimulan ng linisan ang sugat ko. Wala naman akong ibang ginawa kundi ang panoorin siya. Pasalit-salit lang ang tingin ko sa sugat ko at sa kanya.

"Mabubuhay paba ng matagal ang kaibigan ko?" Dana asked.

Inirapan ko itong gaga. Habang itong isa, mahinhing tumatawa ngayon. "Aabot pa siya ng ilang taon. Wag ka mag-alala."

Sinulyapan naman niya ko dahilan para mabilis akong magbawi ng tingin.

"Cherprang"

My brows furrowed then I met her gaze. "Ha?"

She smiled sweetly. "I'm Cherprang."

Bahagya lang umawang ang labi ko para lang isara ulit. Sunod-sunod din ang paglunok na nagawa ko habang nakatingin sa mga mata niya. Para akong nalulunod na hindi maintindihan.

Maganda siya. Maamo ang mukha. Maputi. May katangusan ang ilong.

At parang kumikislap ang mata niya habang nakatingin sa'kin.

"Oh every time I see you~. Jinggang bunghisohing. Tililing juwishang giging shung jung shang kang."

Doon lang ako nabalik sa ulirat ko ng marinig ang boses ni Dana. Parang basag, may sariling lyrics ang gaga.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Napapano ka diyan?"

Pero tinawanan naman niya ko. "Ay sorry, akala ko nasa K-drama ako." nagtaas baba pa siya ng kilay sa'kin habang ningunguso si Cherprang. "Ayiee."

Sa sobrang hiya ko, mabilis kong kinuha itong alcohol at inis na binato 'yon sa gaga. Pero ang bruha, nailagan agad 'yon. At tatawa-tawa pa kaming iniwan dito sa sala.

"Wag ka masyadong gumalaw."

Tumikhim naman ako. "Salamat" hindi makatingin sa kanya na sagot ko.

She smiled at me. "No, ako ang dapat magpasalamat sayo." she paused intentionally. "Thank you for sav-.."

Hindi na niya natuloy ang dapat na sasabihin dahil sa biglang pagtunog ng cellphone ko. Mabilis ko naman 'yong kinuha. At halos maging kamukha ng ugat ng puno ang noo dahil sa pagkunot nito.

Si Dana, siya ang tumawag. Tapos biglang in-end din agad.

"Who's that?"

Tiningnan ko siya. "Ha?"

Saglit naman niya kong tiningnan bago muling ibalik ang atensyon sa'kin. "Yung wallpaper mo. Ang cute nung baby."

Napatingin ako sa cellphone ko. At parang bulang biglang nawala ang lahat ng lungkot ko ng makita ang wallpaper ko.

Kaming tatlo nina Sela at Braelynn, noong Graduation na si Lara mismo ang kumuha.

Marahan ko na lang hinaplos itong screen ng cellphone ko.

"Ito ba?" I took a deep breath and looked at her.

"Mag-ina ko."





-----------------------------------------
Unedited....

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...