Under The Shade (SeBy)

By wwiittyyccuuttiiee

163K 11.4K 2.8K

"You know what, I'm still curious." she said. Agad naman akong napabaling ng tingin sa kanya, nagtatanong ang... More

Author's Note
Prologo
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI (Labrei)
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII - GiaPhant
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI - 🌻
XLII- BeCka
XLIII
XLIV
XLV
XLVI
XLVII
XLVIII
XLIX
L
LI
LII
LIII
LIV
LV
LVI
LVII
LVIII
LIX
LX
LXI- PikaJem
LXII
LXIII
LXIV
LXV
LXVI
LXVII
LXVIII
LXIX
LXX
LXXI
LXXIII
LXXIV
LXXV
LXXVI
LXXVII
LXXVIII
LXXIX
LXXX
LXXXI
Epilogue
Special Chapter I

LXXII

1.4K 137 19
By wwiittyyccuuttiiee


ABELAINE TRINIDAD

"I'll pretend that I can see her." she said. "That's the plan."

Napangiti ako habang nakatitig sa kanya. Wala naman sigurong masama kung ang cute niya ngayon sa paningin ko diba?

Kasi naman, sino bang hindi matutuwa sa kanya? Nakaharap siya sa salamin habang kinakausap ang sarili.

Ilang beses pa siyang kumatok sa salamin. "You can do it Gia. Acting lang ang gagawin mo. Magaling ka dun."

Napatawa na lang ako habang napapakamot sa ulo ko. "Psst. Okay kana ba?" pagtawag ko sa pansin niya. "Guinevere"

Dahan-dahan naman ang pagkilos na ginawa niya para makaharap sa'kin. "I'm" she breath hardly. "Nervous"

I chuckled. "Ang isang Guinevere Muse, kinakabahan. Wow. Bago 'yon ah."

Mabilis ang paghakbang na ginawa ko para lapitan siya. Inayos ko na rin ang suot niya at bahagyang pinagpagan 'yon. "Wala ka namang dapat ikakaba." I jokingly pinched her nose. "Naturuan kana ni Coco diba?"

She immediately nodded. "Oo, kaso hindi ko parin maiwasang hindi kabahan." sagot pa niya. "Paano kung madapa ako? Matapilok, mauntog, nakakahiya."

Napahagikhik na lang ako at marahang tinapik ang ulo niya. "You can do this. Settled na ang lahat, ikaw na lang ang kulang." pag-aalalo ko pa sa kanya.

She took a deep breath. "Yeah, thank you." halos pabulong na sambit pa niya. "Actually, I can't trust myself right now. But I'll do this, cause I trust you Abby."

Saglit pa kong natigilan pero ngumiti rin kalaunan. Tinapik-tapik ko pa ang braso niya. "I trust you a lot Guinevere. Kaya dapat lang na magtiwala ka rin sa sarili mo."

Maliit na bagay lang 'tong ginagawa ko para kanya kumpara sa mga nagawa niya para sa'kin.

"Ako ang magsisilbing mata mo Gia habang nandito ka." punong-puno ng sinseridad na dagdag ko pa. "Papatirin lang kita pero hindi kita papabayaan." pagpapatuloy ko.

Marahan naman niya kong tinulak sa braso dahilan para mapatawa ako. "Sige lang, subukan mo 'kong patirin tatadyakan talaga kita." ganti niya

Napatawa pa ako bago siya akbayan. "Tara na nga. Baka nagagalit na si Madam Belle at wala pa tayo."

Tinawanan lang naman niya ko bilang tugon. Akmang gagamitin pa niya ang tungkod ng mabilis ko 'yong inagaw sa kanya.

"Hindi mo na muna 'to kailangan. I told you, ako ang magsisilbing mata mo." I tapped her head. "Trust me my friend."

Nakangiting inakbayan din niya ko. "Siguraduhin mong hindi ako matatapilok Trinidad ah. Bubutasin ko talaga 'yang bunbunan mo."

I laughed hard. "Sige lang, magbutasan tayo ng bunbunan dito. Game ako."

"Gaga" natatawang ganti pa niya.

Tatawa-tawa kaming naglakad patungo sa sasakyan. Katulad nga ng pinangako ko, ako ang nagsilbing mata niya. Puno ng pag-iingat ko siyang inalalayan hanggang sa makahinto na kami sa tapat ng sasakyan ko.

Pinagbuksan ko pa siya ng pintuan. "Oh, mag-ingat. Dahan-dahan lang." paalala ko pa.

Hinawakan ko pa siya sa ulo niya. Baka kasi mauntog siya ee. Mahirap na baka pati siya mawalan ng alaala. Tss.

Nang masigurong okay na ang lagay niya, mabilis akog tumakbo sa kabilang side nitong sasakyan para pumwesto sa drivers seat. Hindi ko pa naayos itong seat belt ko ng bigla namang mag-alburuto 'yong cellphone ko.

Mabilis kong kinuha 'yon para sagutin ang tawag ni Marsela.

"Hello baby, uminom kana ba ng gatas mo?" bungad ko.

( "Oh talaga ba Abelaine? Tatawa na ba 'ko? Ha?" ) tila nag-aalburutong sagot naman niya.

Napatawa naman ako. Ang cute niya. Sarap iuwi sa bahay at ikulong magdamag sa kwarto. "Kung sa'kin ka masaya, edi tumawa ka." I replied.

( "Tigil-tigilan mo 'ko ah. Nasaan na ba kayo?" ) pag-iiba niya agad sa usapan.

Ngumiti lang naman ako. "Paalis pa lang. Easy ka lang diyan Marsela. Wag mo masyadong ipahalata na gusto mo na kong makita." malaki ang pagkakangiting sambit ko.

( "Sa lahat ng taong nakilala ko, ikaw ang may pinaka makapal ang mukha." ) barumbadong tugon pa niya.

Hindi ko naman napigilan ang malakas na mapatawa. Napansin ko pa ang pagkunot ng noo ni Gia.

Huminga ako ng malalim. "Nandiyan na ba kayo?" pag-iiba ko sa usapan.

( "Yeah. She was wearing a purple dress." )

I nodded and start the engine. "Okay madam, noted."

( "Nagmamaneho kaba Abby?" ) tanong pa niya.

Ngumiti naman akong muli. Lalo na ng tuluyan na kaming naka-usad. "Yes po."

"Okay, ibababa ko na 'to. Drive safely, okay?" paalala niya pa.

Wala tuloy patid ang pagkakangiti ko ngayon. Nakagat ko pa nga ang ibabang labi. Lagi niya kong pinapakilig sa mga simpleng salita lang niya. Kakainis.

"Yes, I will." I replied

( "Okay bye. I love you." )

Impit naman akong napatili. Ang kilig ko, abot na hanggang Japan. Argh. "Ahh I love you more baby, muah muah chup chup." hala Abelaine? Parang tanga.

Malakas na tawa naman ang narinig ko mula sa kanya. Walang duda, ako nga ang kasiyahan ng babaeng ito.

( "Para kang basag diyan. Sige na, bye na." ) Natatawang binaba naman niya ang tawag.

Napahinga na lang tuloy ako ng malalim at mas tinuon na lang ang pansin sa daan.

"Ang corny mo Abby. Anong muah muah chup chup?" ay may epal pala kong kasama.

Imbes na mainis, tumawa na lang ako. "Kiss 'yon. Hindi mo ba 'yon alam?"

Nagpapalatak pa siya. "Hindi, at wala akong balak alamin." seryosong sagot naman niya.

I shook my head in disbelief. "Your girl was wearing a purple dress daw."

She nodded slowly. "Okay, ako ng bahala."

Namayani naman na ang katahimikan sa aming dalawa. Ang focus ko ngayon ay nasa daan lang. Habang ang babaeng ito, hindi mapakali at panay ang kalikot sa suot niyang damit.

Napailing na lang tuloy ako.

"Okay ka lang diyan? Para kang kiti-kiti na hindi mapakali." saad ko

She sighed. "I'm nervous." mahinang sagot niya pero sapat lang para marinig ko. "Tell me Abby, maayos ba ang itsura ko? Ang porma ko, okay ba?"

Napatawa naman ako. "Chill lang. Wala namang problema sa suot mo, pogi ka parin."

She laughed. "Crush mo na naman ako. Ikaw talaga. Wala naman taluhan. Hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo." natatawang tugon pa niya.

Mabilis kong dinampot itong box ng tissue at agad na hinagis sa kanya. Tumama lang 'yon sa mukha niya na ikinatawa naming dalawa.

"Kung makapal ang mukha ko, mas makapal ang mukha mo." barumbadong tugon ko.

Tinawanan niya ulit ako. Ang laki tuloy ng pagkakangiti ko. Ang saya sa pakiramdam ng ganito. Yung masaya lang kami, nagbabardagulan sa loob ng sasakyan.

"Tingin mo, anong pwedeng sabihin ko sa kanya mamaya?" tanong pa niya.

Huminga ako ng malalim. "Yayain mo magpakasal." parang tangang sagot ko naman.

Naalala ko kasi 'yong nangyari sa'min ni Sela kagabi. Para tuloy akong nasa alapaap hanggang ngayon. Ang sarap talaga mabuhay kung siya ang kasama sa araw-araw.

"Niyaya ko na siya noon, kaso busted ako." nakangusong sagot niya. "Straight daw siya."

Napatawa naman ako. "Si Sela din naman ah, straight din 'yan." I took a quick glance at her. "Noong hindi pa niya 'ko nakikilala."

She chuckled. "Sana all masaya."

Tipid akong ngumiti. Oo nga, sana all masaya. Hay.

Namayani na muli ang katahimikan sa aming dalawa. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela. Ngayon lang ulit nag sink-in sa'kin ang lahat ng problema ko sa buhay. Nakakatakot maging mag-isa. Doon ko lagi naaalala ang mga hinaing ko sa buhay.

"Abby"

I gulped hard. "Hmm?"

"Ayaw ko talagang iwan ka." sambit niya. "Iiwan kana nga ni Sela tapos iiwan din kita. Kung kailan kailangan mo ko sa tabi mo saka naman nangyari ang ganito." mahabang lintana niya. "Patawarin mo 'ko."

Napatawa ako ng mahina, para itago ang sakit na nararamdaman ko. "Okay lang naman. Sanay na 'kong maiwan." bulong ko pa sa huli.

"Ha?"

I chuckled and shooked my head. Wala ng bago kung aalis sila at iiwan ako. Iniwan ako ng totoong ama ko nasa sinapupunan pa lang ako ni mommy. Iniwan din ako ni mommy saktong graduation ko. Ano pang bago kung iiwan din nila ko?

Sanayan lang 'yan. Patibayan lang ng loob.

"Dito na tayo." paglihis ko sa usapan.

Naghanap lang ako ng maayos na parking bago ko patayin ang makina. Natanaw ko pa nga agad si Marsela kasama si Dana na matamang naghihintay sa'min.

"Ano? Tara na?"

She inhaled deeply. "Pwede bang ibahin na lang natin ang plano?" ramdam ko pa ang kaba sa kanya. "Dalhin niyo na lang kaming dalawa sa isang isla. Mukhang mas maganda 'yon ee."

Napatawa naman ako. "Surak. Kung kailan nandito na tayo saka mo pa naisip na mag-ibang plano." marahan ko pa siyang tinapik sa balikat niya. "Tara na, kaya mo 'yan."

'Yan lang ang huling sinabi ko bago tuluyang bumaba dito sa sasakyan. Mabilis din ang pagkilos na ginawa ko para pagbuksan siya. Natawa pa nga ako dahil ang lamig ng kamay niya.

Kinakabahan nga ang gaga.

Inakbayan ko siya. "You can do it."

She let out a heavy sigh. "Yeah, tara na."

Magkaakbay kaming pumunta sa kinaroroonan nila. Napangiti pa nga si Dana nang makita kami, pero si Sela, tinaasan lang ako ng kilay.

Ang gandang bungad naman talaga.

"Ang tagal niyo ah." bungad niya. "Muntik ng mamuti ang mata namin kakahintay sa inyo." she even crossed her arms over her chest.

Alanganing tumawa na lang ako. Napaka sungit naman ng magandang dilag na 'to. "Pasensya na love. Ang bagal ni Gia ee."

Mahinang siniko pa ko nitong babaeng akbay ko. "Hoy anong ako? Ikaw kaya ang mabagal."

Syempre, hindi ako nagpatalo at siniko ko rin siya pabalik. "Ikaw kaya Gia. Ang bagal mo kum-.."

"Wag na kayong magtalo na dalawa. Parehas kayong pagong kung kumilos." pagsaway pa sa'min ni Dana.

Napakamot ako sa ulo ko. Oo nga, ba't ba parehas pa kaming nagtatalo?

"She's here na. Pumasok kana sa loob." seryosong sambit pa ni Sela kay Gia.

Marahan ko namang tinapik ang balikat nitong kaibigan ko. "Pasok kana." I kissed her temple. "Isang table ang pagitan nating dalawa. Nandito lang ako."

Marahas naman siyang napabuntong hininga bago tumango. "Salamat Abby"

Ngumiti lang ako. "Wag mong kakalimutan mga tinuro namin sayo." mahina ko pa siyang tinulak para maka-usad siya. "Go, talk to her."

Walang namutawing salita ang binitawan niya at dere-deretso siya sa pagpasok sa resto na akala mo'y nakikita niya ang dinadaanan niya.

Napangiti na lang ako. Kaibigan ko 'yan!

"Kayong dalawa, pumasok na din kayo." hindi na ko naka-imik ng si Dana na mismo ang tumulak sa'min ni Sela.

Sinamaan ko pa nga ng tingin ang gaga. Muntik na kasing matumba itong isa, buti na lang nahawakan ko agad siya.

"Tara na." sambit ko.

Inalalayan ko lang siya hanggang sa tuluyan kaming makaupo sa pwesto namin. Nadako pa nga ang tingin ko kina Lara at Sheki na nasa bandang likuran ng upuan nina Gia, habang si Belle at Alice ay nasa gilid nila.

Sunod ko namang tiningnan ang pwesto nina Gia. Napangiti pa ko ng makitang natawa ang dalawa.

"Papasang artista si Gia." biglang saad naman nitong kasama ko.

Nakangiting ngumiti ako sa kanya. "Oo, at papasa ka ring asawa ko." then, I winked at her.

At dahil nga saksakan siya ng sungit ngayon, tinaasan lang niya ko ng kilay. "Talaga ba Abelaine?"

Mabilis naman akong tumango sa kanya, di pa ko nakuntento at agad ko ring inangat ang kamay ko kung nasan ang singsing na binigay niya sa'kin.

"Nagproposed ka sa'kin kagabi. Remember?" malaki ang pagkakangising sagot ko.

She chuckled. "Wala ata ako sa sarili ko  kagabi."

Napahagalpak ako ng tawa. Ang cute niya. Ang sarap niyang pugpugin ng halik. "Sela"

"Hmm?"

Huminga ako ng malalim. "Wag ka munang magsalita. Hayaan mo munang matapos ang lahat ng sasabihin ko sayo."

Mabilis na nabura ang pagkakangiti at kunot noong nakatingin na sa'kin ngayon. Napahinga na lang muli ako ng malalim habang kinukurot-kurot ang kamay dito sa ilalim ng table.

"Walang nangyari sa'min ni Rans." I started.

Ngayon ko lang kasi naalala, hindi ko pa pala napapaliwanag ang lahat sa kanya. At sa tingin ko naman, ito na ang tamang oras para do'n.

Katulad nga ng sinabi ko, hindi siya nagsalita. Gulat lang ang makikita ko sa kanya. Napalunok na lang ako bago ipagpatuloy ang sasabihin ko.

Sinabi ko sa kanya lahat habang nakatingin sa mga mata niya. Lahat-lahat, wala akong kinalimutan. Lahat ng kailangan at dapat niyang malaman, sinabi ko.

"Sorry, hindi ko agad nasabi sayo." Napahinga pa ko ng malalim.

Hindi naman siya agad naka-imik. Mataman lang siyang nakatingin sa'kin. Kinabahan pa nga ako. Baka kasi, magalit na naman siya.

"Actually" she cleared her throat. "Alam ko na lahat 'yan."

Nagulat ako. Teka lang, alam niya? All this time alam niya? "Paano?"

Tipid ang ngiting pinakawalan niya. "Kinausap ko si Rans. Pinuntahan ko siya sa Hospital noon." she took a deep breath. "Gusto ko rin ng clarification Abelaine. Hindi ako umasa na sayo ko makukuha 'yon kaya ako na mismo ang kumausap kay Rans." mahabang lintana niya.

Nanghihinang napasandal ako dito sa upuan ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Kaya pala ang dali lang para sa kanya ang patawarin ako.

"I'm sorry." she almost whispered.

Hindi ko magawang sagutin siya. Para akong naputulan ng dila ngayon. Nakakainis.

"Alam mo bang inis na inis ako sayo." mahinang tinawanan pa niya ko. "May paiyak-iyak pa 'ko sa shed wala ka naman palang ginawang kasalanan." then she rolled her eyes at me. "Ba't kasi napipi ka? Hindi ka nagsalita nun."

Nahihiyang napakamot ako sa kilay ko. "Ee ikaw kasi, basta mo na lang ako pinagbintangan sa bagay na hindi ko naman ginawa." nakangusong sambit ko. Medyo nagtampo kaya ako sa kanya nun. Hmp.

"Kaya nga nagsosorry na 'ko ee."  at wow. Siya pa may ganang irapan ako. "Sino ba kasing matinong tao ang basta-basta na lang maghuhubad sa harap ng ex niya?"

Tumawa ako. "Ahm, ako?"

At dahil nga, mali ang sagot ko. Nakatanggap ako ng masamang tingin mula sa kanya. Napalunok naman ako.

"Seriously Abelaine?"

Napalunok akong muli. Nakakatakot naman po siya. "Kakagising ko lang nun. Wala pa ko sa wisyo nun." teka, tama naman 'yong palusot ko diba?

Pero mukhang mali dahil tinaasan niya ko ng kilay. Hay buhay. Marahas na napabuntong hininga na lang ako. "Okay, I'm sorry. What should I do to make you feel better and see a smile on your face again?" kalmadong sambit ko.

She was staring at me for a moment before her lips formed into a sweet smile. "Nothing." she inhaled deeply.

Huminga naman ako ng malalim. "Do you still love me?"

Isang matamis na ngiti ang tinugon niya sa'kin at walang pag-aalinlangang tumango. "Yes baby, you just pissed me off."

I chuckled. Bakit kapag siya ang nagsasabi ng ganon, kilig na kilig na agad ako? Ang effortless niya magpakilig ah.

"Hindi ako makakapagtagal dito." saad niya pa.

Napaayos naman ako ng pagkakaupo. Nataranta naman ako bigla. "Bakit?"

Tipid ang ngiting binigay niya sa'kin. "Pupunta kaming Laguna ngayon. Dadalaw kina lola." she started. "Gusto sana kitang isama kaso." saglit pa siyang sumulyap sa pwesto nina Gia bago muling ibalik ang tingin sa'kin. "Mukhang hindi pa pwede."

Pati tuloy ako nanghinayang. Sayang ee. "Ngayon na ba?"

Tumango siya. "Oo"

Napalunok na lang ako. Saglit ko lang pala siya makakasama ngayon. "Siguro, bawi na lang ako next life?"

Tinawanan naman niya ko. "Pwede rin."

We're just staring at each others eyes before we burst into laughter. Nakuha pa namin ang atensyon nina Lara pero ningitian ko na lang sila.

"Tara, ihatid na kita sa labas."

She smile and nodded at me. "Tara."

Saglit ko pang sinulyapan si Gia na nakangiting nakikipag-usap ngayon kay Ella. Napangiti rin ako. Kung hindi mo alam ang kalagayan niya, iisipin mo talagang hindi siya nagpapanggap at totoong nakikita niya si Ella.

Ang galing niya. Nakakaproud siya.

Si Dana agad ang natanaw ko pagkalabas na pagkalabas namin ng resto. Prente siyang nakaupo sa hood ng sasakyan niya habang may nakapalsak na earphone sa tainga.

"Si Kuya."

Sunod na dumako ang tingin ko sa sasakyan ng kuya ilang hakbang lang ang layo sa'min. Lihim na napahinga na lang ako ng malalim. "Tara"

Walang pasabing hinawakan ko siya sa kamay niya at magkahawak kamay kaming lumapit sa kinaroroonan ng kuya niya.

"Kuya"

Napahigpit ang hawak ko sa kamay niya. Pwede bang wag ko na siyang bitawan? Dito na lang siya.

"Tara na ba?" he looked at me, smiling. "Abby, kamusta?"

Nahigit ko lang ang paghinga ko saka siya ningitian. "Okay lang naman. Aalis na ba kayo?"

Nakakaunawang ngumiti siya sa'kin. "Yeah"

I inhaled deeply. "Ingat kayo." then my gaze turn to my girl. "Ingat ka, update me okay?"

I was literally caught off guard when she immediately give a peck in my lips. "Yes, I will."

Pigil ang sariling hindi ako mapangiti ngayon. Nakakainis. Masyado niya kong binibigla. Ang puso ko tuloy, hindi na mapakali ngayon.

"Ang haharot, jusko." natatawang sambit pa ng kuya niya.

Natawa na lang din kami ni Sela. Ako na mismo ang nagbukas ng pintuan para sa kanya. Bahagya pa akong umatras para makaalis sila ng tuluyan.

"Mag-iingat kayo." paalala ko pa.

Tumango lang naman sa'kin ang kuya niya, habang siya matamang nakatingin sa'kin ngayon.

Ngumiti naman ako bilang tugon, then I mouthed "I love you". Kaya ang magandang dilag na 'to ang laki ng ngiti sa'kin ngayon. Nag-flying kiss pa nga siya bago tuluyang umaandar ang sasakyan nila.

Natatawang hinabol ko lang sila ng tingin.

Hay Marsela, mahal na mahal kita.

"May pupuntahan siya?"

Kahit hindi ko lingunin ang nagsalita na 'yon, kilalang-kilala ko kung sino siya. "Oo."

"Abby" she tapped my back. "Nakikiramay ako."

Natigilan ako at gulat siyang tiningnan. Hindi ko sinabi sa kanya ang nangyayari sa pamilya ko. Kahit ni isa sa kanila, wala akong sinabihan.

"Ngayong araw ko lang nalaman ang nangyari sa mommy mo." nakakaunawang ngumiti siya sa'kin. "I'm sorry for what happened."

I took a deep breath and nodded at her. Wala naman akong dapat na isagot sa kanya.

"Wala kabang balak sabihin sa kanila?" she paused intentionally. "Kay Sela? Kay Gia?" she continued.

Pagak akong tumawa. "Hindi na." napabuntong hininga pa ako seryosong tiningnan siya. "Ayaw kong bigyan ng dahilan si Gia para hindi niya ituloy ang pagpapagamot sa ibang bansa."

Dahil kapag nalaman niya ang kalagayan ko, panigurado hindi na aalis 'yon.

"At ayaw ko ring bigyan ng dahilan si Marsela para manatili pa rito at piliin ako laban sa pangarap niya." tipid akomg ngumiti.



"Ayaw kong maging hadlang sa mga plano nila."





----------------------------
Unedited...

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...