Under The Shade (SeBy)

By wwiittyyccuuttiiee

163K 11.4K 2.8K

"You know what, I'm still curious." she said. Agad naman akong napabaling ng tingin sa kanya, nagtatanong ang... More

Author's Note
Prologo
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI (Labrei)
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII - GiaPhant
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI - 🌻
XLII- BeCka
XLIII
XLIV
XLV
XLVI
XLVII
XLVIII
XLIX
L
LI
LII
LIII
LIV
LV
LVI
LVII
LVIII
LIX
LX
LXI- PikaJem
LXII
LXIII
LXIV
LXV
LXVI
LXVII
LXIX
LXX
LXXI
LXXII
LXXIII
LXXIV
LXXV
LXXVI
LXXVII
LXXVIII
LXXIX
LXXX
LXXXI
Epilogue
Special Chapter I

LXVIII

1.5K 148 43
By wwiittyyccuuttiiee


ABELAINE TRINIDAD

"Buti na lang maluwag ang daan. Hindi tayo mahuhuli."

"Kaya nga Dad." I heard Coco replied. "Mukhang mapapaaga pa ang dating natin."

Napahinga na lang ako ng malalim habang ang atensyon ay nakatuon sa labas ng bintana.

Graduation.

Ang napakahalagang okasyon para sa mga estudyanteng magtatapos. Pero para sa'kin, ito na ata ang pinaka worst. Mas gugustuhin ko pang humilata na lang buong magdamag sa kwarto ko at makipagtitigan sa puting kisame kaysa ang umattend sa seremonyang ito.

"Ate Abby"

Napalunok na lang ako. Paano ba? Paano  ba ko magiging masaya kung punong-puno ng lungkot ang puso ko?

"Ate Abby, uy."

Doon lang ako nabalik sa ulirat ko, ng maramdaman ko ang marahang pagsundot niya sa balikat ko.

"Are you alright?"

I cleared my throat. "Yeah, don't worry. I'm fine." I lied. I fucking lied.

"Alam kong mahirap ang sitwasyon mo ngayon iha, pero intindihin na lang natin." mahinahong sambit ni Tita. "Maghihintay si mommy mo sayo sa bahay niyo, nangako siya diba?" pampalubag loob pa niya sa'kin.

Hindi ako sumagot at mas piniling tumahimik na lang. Hindi narin naman sila nagsalita pa kaya mas naging pabor sa'kin ang katahimikan ngayon.

Hindi rin nagtagal, tuluyan na nga kaming nakarating sa pagdarausan ng seremonya. Kahit na ganito ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko parin maiwasang hindi mamangha. Matagal ko ng pangarap na makarating dito. Ito na 'yon.

Philippine International Convention Center.

Argh! Ang sarap magmura. Pangarap ko 'to potek!

"Tara na sa loob?"

Naramdaman ko pa ang marahang paghaplos ni Tita sa balikat ko. Tuluyan na kong napangiti.

"Tara na po."

Inilagay ko ang kamay sa baywang niya habang siya ay nakaakbay sa'kin. Punong-puno ng pagkamangha ang mata ko ng tuluyan na kaming makapasok sa loob. Gusto ko pa ngang maiyak, pinigilan ko lang. Nakakahiya ee.

"Trinidad!"

Nadako ang tingin ko kay Dana na nakangiting tumatakbo papalapit sa'kin. Napabitaw tuloy ako sa pagkakahawak kay tita at sinalubong ng yakap ang bruha.

"Ang ganda mo ngayon mare ah." puna niya. "Pa-kiss nga 'ko."

Napatawa ako. Parang tanga ang gaga. "Maghunus dili ka. Di tayo talo."

Napalingon naman ako kina tita na nakangiting nakatingin lang sa'min ngayon. "Si Dana po pala, kaibigan ko po."

"Magandang araw po Ma'am." magalang na bati naman nitong isa.

Binati lang din nila itong isa saka nagpaalam sa'kin para pumunta sa magiging pwesto nila.

Kinindatan pa nga ako ni Coco bago sumunod sa mommy niya. Walang patid tuloy ang pagkakangiti ko ngayon. Biglang nabuhay ang puso ko. Pero mas masaya sana kung sina mommy at daddy ang kasama ko dito.

"Si Gia? Wala paba?" I asked.

She shooked her head. "Wala pa nga ee." tugon naman niya. "Wag niyang sabihin na pati dito sa Graduation, late siya."

I chuckled and patted her head. "Malay mo nandiyan na 'yon mamaya. Hindi magpapahuli ang babaeng 'yon." siguraduhin niya lang talaga na dadating siya. Kundi sasabunutan ko siya ng bongga.

"Masa-.."

"Abby!"

Halos sabay pa kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon.

Napangiti naman ako. "She-.."

"OMG! Congrats sa'tin!" at dinambahan niya po ako.

Muntik pa kaming matumba, buti na lang at nahawakan agad ni Dana ang likod ko.

"This is it!" tili niya pa sa tainga ko.

Imbes na matawa, napangiwi na lang ako. Mukhang bugbog sarado ako mamaya pagkatapos ng seremonyang ito. Sheki palang ee, basag na eardrums ko.

"Dana baliko! Payakap ako bilis!"

Sunod na natuon naman ang pansin ko kay Lara habang yakap-yakap si Dana. Oo nga pala, nakalimutan ko, tropa nga pala sila.

At katulad ng mga nangyayari sa ganitong okasyon, halos libutin na namin ang buong lugar para lang batiin ang isa't isa. Nagkaroon pa nga ng kantyawan dahil sa pagbigla-biglang paghalik ni Yzabel sa pisngi ko. Hindi ko inaasahan 'yon.

"Congrats Abby." she greeted at me, smiling genuinely.

Ngumiti naman ako pabalik, kahit na pakiramdam ko, sobrang init na ng magkabilang pisngi ko. "Yeah, congrats din sayo Yzabel."

We're just staring each others eyes for a second, before we burst into laughter.

"Tama na 'yan." tinapik-tapik pa ni Dana ang braso ko. "Yung asawa mo oh, ang sama ng tingin sayo. Yari ka."

Mabilis pa sa alas kwatrong lumingon ako sa tinuturo nitong isa. At tama nga siya, nakataas ang kilay ni Marsela habang masamang nakatingin sa'kin. Napalunok tuloy ako. Ang ganda niya ngayon, pero mas maganda sana kung ngingitian niya ko. Hehe.

"Sela" alanganin ko naman siyang ningitian. "Ang ganda mo ngayon." baka lang naman makalusot. Hayaan niyo na.

She crossed her arms over her chest. "Na-late lang ako ng ilang minuto nagpapahalik kana kung kani-kanino."

Napalunok akong muli. Ayan na nga ba sinasabi ko ee.

"By the way." she cleared her throat and smile at me. "Congrats Abby." she said, smiling genuinely at me.

Lahat ng kabang nararamdaman ko ay mabilis na napalitan ng kilig. Bahagya pa nga akong siniko-siko nitong si Dana. Ang epal niya ah.

"Congrats love, ay este Sela." napakamot pa ko sa ulo ko dala ng kilig.

She just chuckled at me. Para tuloy akong ewan dito na hindi mapakali. Kilig na kilig ako.

Magsasalita pa sana ako ng bigla namang umepal ang emcee. Napanguso na lang tuloy ako. Wala na, panira ng moment.

"Babalik na ko sa pwesto ko." she said.

I sighed and nodded at her. Ayaw ko sana, kaso magsisimula na. "See you later."

Isang matamis na ngiti lang ang binigay niya sa'kin bago tumalikod at pumanhik sa pwesto niya.

Napahinga na lang ako ng malalim. Ba't ba ang hilig kong panoorin ang mga taong mahalaga sa'kin na naglalakad papalayo? Ang martyr ko naman ata masyado.

"Wala parin si Gia."

Nadako ang tingin ko sa kanya. Sobrang nakakunot na ang noo niya habang panay ang tipa sa cellphone. "Wala parin?"

Magsisimula na, wala parin siya?

"Oo, hindi siya nasagot sa tawag ko." tila stress na sambit niya.

Kinuha ko agad ang cellphone at tinawagan ang babaeng 'yon. Pero katulad ng sabi ni Dana, hindi siya nasagot. Bigla naman akong kinabahan.

Nasaan na ba siya?

Magsasalita pa sana siya kaso sinaway na kami na maupo na. Kaya kahit ayaw namin, naghiwalay na kami at pumunta na sa pwesto namin.

Wala naman akong tigil sa pagtawag kay Gia kahit na nagsisimula na ang seremonya. Grabe narin ang kabang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko, may hindi magandang mangyayari.

Napabuntong hininga na lang ako. Nakakainis lang. Miski text wala akong nareceieve galing sa kanya. Nasaan na ba kasi siya? Wag niyang sabihing tinanghali siya ng gising? Nakakaurat talaga ang babaeng 'yon.

Wala sa sariling sinandal ko na lang ang likod sa upuan at mariing pumikit.

Naiiyak ako sa di malamang dahilan. Hindi ko kasama ang mga magulang ko, pati ba naman best friend ko, wala rin. Ano ba namang klaseng buhay 'to!

--------------

"Sino po." I took a deep breath. "Sino po ang tatay ko? Nasaan po siya?"

Dahil sa sobrang katahimikan dito sa pwesto namin, rinig na rinig ko ang malalim niyang paghinga. "Honestly, I don't know where he is." he paused. "Iniwan niya ang mommy mo noong nalaman niyang buntis siya sayo. I'm sorry to say, but your father is a fucking coward."

Naiyukom ko ang kamao ko habang patuloy na rumaragasa ang luha ko.

"Mahal na mahal ko ang mommy. At mahal na mahal kita katulad ng pagmamahal ko sa kanya." he put his hand in my hand. "Abelaine, hindi man dugo't laman ko ang dumadaloy sayo, anak parin kita."

Ramdam ko pa ang panginginig ng kamay niya nang hawakan niya ang ulo ko. "Anak kita, at walang makakapagpabago do'n."

Nanghihinang sinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya at doon umiyak ng umiyak.

"D-dad."

He kissed my temple. "I'm here honey. Daddy is here."

--------------

I looked up, trying not to fall my tears but it just won't stop. Para itong ulang bigla na lang bumuhos. Napayuko na lang tuloy ako at marahas na pinahid ang pisngi kong basang-basa na ng luha.

Nakakainis. Napaka iyakin ko naman ata ngayon.

Akala ko tapos na ko sa ganitong eksena. Hindi pa pala. Mukhang magsisimula palang ang lahat ng kalbaryo ko sa buhay.

--------------

"Mom"

Hindi ko alam kung saan ako mas masasaktan. Sa kaisipang hindi ko siya makakasama ngayong araw o dito sa nakikita kong paghihirap niya ngayon.

"Sweetie."

Kahit nahihirapan, nagawa niya paring bumangon para abutin ako. Pakiramdam ko tuloy, sinaksak ang puso ko ng ilang beses.

Napalunok na lang ako. "Paalis na po kami."

Sobrang lamlam na ng mata niya ngayon. Para bang anumang bibigay na 'yon at pipikit. "Sorry, hindi ako makakasama."

Ngumiti ako. Pilit kong pinasigla ang itsura ko para lang ipakita sa kanyang ayos lang. "It's fine with me." I held her hand. "Promise me one thing mommy, hihintayin mo 'ko." I bit the inside of my cheeks. "Hintayin mo ko mom ha."

Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko dahilan para mapapikit ako. Kung ako ang papipiliin, hindi ako aalis. Mas pipiliin kong dito na lang sa bahay at bantayan siya.

"Hihintayin kita." she said weakly.

I gulped hard and give a peck in her forehead. "Dito na po ako."

At bago ko tuluyang lisanin ang kwartong kinauupahan niya, binigyan ko pa siya ng mahigpit na yakap.

Hintayin mo 'ko mom.

--------------

"Abelaine Trinidad."

Nahihirapan man, nagawa ko paring ngumiti sa harap ng maraming tao at ipakita sa kanila na masaya ako.

Natanaw ko pa ang mga kaibigan kong malaki ang pagkakangiti sa'kin ngayon habang naglalakad sa aisle.

At kasabay ng pagtanggap ko ng karangalan sa pagtatapos, ay ang pagpatak muli ng luha ko.

Para akong buntis na iyakin. Nakakabwisit talaga.

"Congratulations Graduates!"

Napuno ng sigawan ang buong center. Mayroong mga dambahan pa habang umiiyak. Napapailing na lang tuloy ako. Ang drama nila.

Ay wow. Nagsalita ang hindi madrama.

"Abelaine!"

Kamuntikan ba kong masubson dito sa upuan ng dambahan na naman ako. Pero sa pagkakataong 'to hindi na si Sheki, si Belle naman.

"Ang ganda mo mare! Pwede ba kitang agawin kay Marsela?" sinipat-sipat pa niya ang mukha ko.

Napatawa na lang tuloy ako. Magkaibigan nga sila ni Sheki. Parehas magulo.

"Belle wag ka ng maki-epal diyan. Maghanap ka ng sayo. Makiki-agaw ka pa ee." barumbadong sagot naman ni Lara.

"Picture tayo! Bilis!"

Hindi ko na nagawang umangal pa ng kaladkarin na ko ng mga 'to. At halos mangalay ang panga ko kakangiti sa camera.

"Marsela! Wag kang pabebe, picture kayo ni Abby."

Natameme ako. Teka lang, kailangan mangbigla?

"Isama niyo si Braelynn." segunda naman ni Ate Aya

Napalunok ako. Tatanggi pa sana ako kaso marahang tinapik ni Lara ang balikat ko. "Pahiram ako cellphone mo. Wag ka ng magtanong, ibigay mo na sa'kin."

Kahit nag-aalinlangan, inabot ko sa kanya itong cellphone ko. Pakiramdam ko, sobrang pula na ng buong mukha ko.

"Gusto mo ba siyang buhatin?" may kahinaang tanong niya.

Ngumiti ako. "Okay lang ba?"

She smile and nodded at me. "Oo naman. Here."

Kahit kinakabahan, nagawa kong buhatin si Braelynn. Walang patid ang pagkakangiti ko ngayon. Gusto kong maiyak, kaso naisip ko, ang drama na naman. Tss.

"Ang ganda niyo pareho." bulong niya.

I giggled. "Na-inlove kana naman sa'kin Marsela. Ikalma mo lang, sayong-sayo ako."

Kahit irapan niya ko, halatang-halata parin ang pagpipigil niya sa sariling wag mapangiti. "Ang kapal mo talaga kahit kailan."

Napatawa naman ako. Sasagot pa sana ako ng makarinig kaming dalawa ng camera shutter. Gulat na napatingin ako sa dalawang babaeng salarin.

"Ang sweet niyo ee." Sheki said, smiling genuinely.

Napangiti na lang ako. Hindi rin naman pala masama ang araw na 'to para sa'kin. Pero sana nga hindi talaga.

Ng matapos kami sa ginagawa, saglit ko pang nilaro si Braelynn bago ibalik kay Sela. Nakakatuwa nga dahil nagagawa ng ngumiti ng linggit na 'to. Ang cute niya, sarap ibulsa.

"Congrats Abby."

Tinitigan ko siya. "Congrats Doc."

Mahinang tinawanan lang niya ko dahilan para mapangiti ako. May mangilan-ngilan naring umaalis dito. Pero ito kaming dalawa, nagtitigan at parehong ayaw magpatalo.

Kung hindi pa dadating ang kuya niya, malamang walang titibag sa staring contest naming dalawa.

"Congrats Abby." he greeted me.

I smile. "Thank you."

Ngumiti lang naman siya sa'kin bago ibaling ang tingin sa kapatid. "Let's go?"

She smile at nodded. "See you soonest Abelaine."

Nahigit ko ang paghinga ko. "Yeah, see you soonest."

Binigyan ko pa ng mainit na halik sa noo si Braelynn. At sa huling pagkakataon, niyakap ko ang babaeng nakapag pabago ng buhay ko.

"Mag-iingat ka." paalala niya.

I gulped. "Hihintayin kita ah." I reached her hand and gently pinched it. "Mahal na mahal kita." halos pabulong na sambit ko.

Hindi ako bulag para hindi mapansin ang panggigilid ng luha niya. "Babalik ako."

Awtomatikong pumikit ang mga mata ko ng maramdaman ko ang labi niyang dumampi sa labi ko.

"Babalikan kita Abelaine."

Saglit lang ang halik na 'yon at agad siyang humiwalay sa'kin. Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya. Lalo na ng unti-unti siyang tumalikod at maglakad papalayo sa'kin.

Napayuko na lang ako habang pinipigilan ang sariling wag mapaiyak.

Don't leave me Sela. Stay, please.

I closed my eyes and took a deep breath. Calm down scumbag. Tama na ang kakaiyak. Wag mong sirain ang kagandahan mo ngayong araw.

"Ayaw kong sirain ang mood mo Trinidad, pero kasi alam ko na kung nasaan si Gia."

Mabilis akong nagmulat ng mata at mabilis na tiningnan siya. Napakunot noo pa nga ako.

Ang putla niya, at parang anumang oras iiyak na siya dahil sa mamula-mula niyang mga mata.

Bigla naman akong binalot ng kaba.

"Abby, si Gia."





----------------------------------------
Unedited...

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...