Stallion #50: Trigger Samanie...

By Sonia_Francesca

40.5K 1.3K 177

Enjoy reading ^_^ More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18

Part 19

5.8K 117 54
By Sonia_Francesca

IPINASYA NI Jeuliette na lalayo na siya sa tukso para hindi na siya magkasala pa nang husto. Kung hindi niya iyon gagawin, siguradong siya ang magigisa sa sarili niyang mantika. Tucking her long hair on her baseball cap, she went out.

"Aalis ka?"

Malakas siyang napasinghap nang marinig ang boses ni Trigger. Prenteng nakaupo na ito sa couch sa front porch at may hawak na broadsheet. Nakasuot na rin ito ng t-shirt nito.

Deym.

"Ahm, oo." Kinalma muna niya ang nagwawala niyang puso saka muling nagsalita. "Nakalimutan ni Mommy na magpabili ng mga groceries kay Aling Maring bago niya ipinatapon kung saan ang mga katulong namin. Wala tuloy stocks ngayon dito sa bahay kaya ako na ang bibili."

"Samahan na kita."

"No need. Kaya ko na iyon."

"Hindi ko puwedeng balewalain ang pinirmahan kong kontrata nang bilhin ako ng mommy mo for the whole week. Nakalagay doon na tutulungan kita sa lahat ng gagawin mo, whether you ask for it or not." Tumayo na ito at may kung anong kinuha sa bulsa ng pantalon. "Plus, I got your car key. Let's go?"

"You don't have to do that. I'm sure pagod ka na sa paglilinis mo ng kotse at sa garden."

"Wala iyon. Sanay ako sa mga gawaing bahay dahil ang Mommy namin, alipin kami nun sa bahay namin." Iminuwestra nito ang daan papuntang garahe. "Ladies first."

Hindi pa man siya nakakaisang hakbang ay humirit na naman siya. But Trigger wouldn't accept 'no' for an answer. Kaya marahan siya nitong itinulak mula sa likuran niya.

"Masanay ka ng lagi akong nakabuntot sa iyo kaya, let's go."

Wala na nga siyang nagawa kundi ang sumunod dito. Kunsabagay, nawalan na rin siya ng kakayahang tumanggi. Ganyan kahina ang puso niya rito. He opened the door for her and he went at the driver's seat.

"Where to?" tanong nito nang buhayin ang makina.

"Sa grocery store."

"Maraming grocery store sa Pilipinas. Saan tayo banda?"

"Sa unang grocery store na madadaanan natin."

"Roger."

They had a relatively peaceful trip. Yun nga lang, siya ang hindi mapakali. Ayaw tumigil ng puso niya sa kakukulit sa kanya na sulyapan ang napakaguwapong nilalang sa kanyang tabi. Masakit na ang leeg niya dahil sa nakatingin lang siya sa labas ng bintana ng kotse. Hindi siya lilingon dito. Kapag ginawa niya iyon, baka ipagkanulo na naman siya ng kanyang sarili. Asar na nga siya. Hindi kasi talaga siya makatanggi sa kaway ng pag-ibig.

Because she was so much inlove with this man.

"Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" mayamaya'y tanong nito.

"Okay lang." Nang may maalala siya at wala sa loob na napabaling siya rito. "Binuhat mo ba ako papuntang kuwarto ko?"

"Hindi naman kita puwedeng hayaang matulog na lang sa kusina. I hope you don't mind."

Mind? Sa laki niyang iyon, nagawa siya nitong buhatin hanggang sa silid niya. Napakasira ulo naman niya kung magagalit pa siya sa ginawa nito.

"Salamat. Pasensiya na na sa istorbo."

"Huwag kang magpasalamat. Kasama iyon sa binayaran ng mommy mo." Binuntutan nito ng tawa ang sinabi nito kaya hindi naging pangit ang dating sa kanya.

"Talagang sumali si Mommy sa auction na iyon sa Stallion Riding Club?"

"Yeah. Wala ka ba nung ginanap iyon?"

"Wala. Maaga akong umalis dahil may mga naiwan pa akong trabaho sa opisina na kailangan kong tapusin."

"I see. Kaya pala hindi kita nakita doon."

Muntik na siyang masamid sa narinig. "H-hinahanap mo ako?"

"Oo."

"Bakit?"

Hindi ito sumagot. Bagkus ay nanatili lang ang mga mata nito sa dinaraanan nila. Napansin niyang masyado yatang malaim ang iniisip nito nang mga sandaling iyon. Mali ba ang naging tanong niya? Teka, ano naman ang mali dun? E tungkol din naman sa kanya iyon, hindi ba?

"We're here," anunsiyo nito. Papasok na sila noon sa parking lot ng isang grocery supermarket.

Maraming tao sa supermarket nang araw na iyon. Palibhasa, Sabado at karamihan ay ganong araw ang grocery day ng mga tao. Si Trigger na ang kumuha ng grocery cart para sa kanila.

"So, saan ang uunahin natin?" Wala na ang bakas ng kakaibang emosyong nakita niya rito kanina bago sila nakarating doon.

"Doon siguro muna tayo sa meat section."

"Okay."

"A, Trigger."

"Hmm?"

"Ahm...ayos ka lang ba?"

"Oo naman. Bakit mo naitanong?"

Dapat pa ba niyang ungkatin ang mga napansin niya kanina? Maganda ang mood nila ngayon. Panatag na rin siya kahit paano. Wala ng dahilan para gumawa pa siya ng isang bagay na sisira sa magaang mood na iyon.

"Wala naman," sagot niya sa wakas. "Doon na tayo."

Sa meat section, pati si Trigger ay nakisali sa pagpili niya ng mga bibilhing karne. At mukhang alam nito kung ano ang ginagawa dahil paminsan-minsan ay nagtatanong din ito ng mga ilang bagay tungkol sa produktong iniinspeksyon. Samantalang kapag sila ng mommy niya ang bumibili roon, basta kung ano ang nasa label ng meat products ay iyon na ang pinaniniwalaan niya. Katwiran niya, kapag pumalpak iyon ay nariyan naman ang magaling abogadang si Nova.

"Okay na ba ang lahat ng iyan?" tanong nito mayamaya. "Wala ng kulang? Dapat may dala kang listahan kapag nagpupunta ka ng grocery para hindi ka nahihirapan sa kung ano ang bibilhin mo."

"May listahan ako. Na kay Aling Maring nga lang. At wala siya ngayon sa bahay dahil pinagbakasyon siya ni Mommy kasama ng ibang katulong."

"Bakit daw?"

"Para daw makapagsolo tayo." Mabilis niyang itinakip sa kanyang bibig ang kamay niya. "I'm...ah...wala akong sinabi. Wala kang narinig."

"Wala kang sinabi. Wala akong narinig. Areglado."

She knew he was just being a gentleman because she could see the way he was suppressing his smile. And he was being sooooo cute!

"Where to next, Yeti?"

Yeti. He called her Yeti again. Sweet. Lalo na ngayong nakamasid lang ito sa kanya na tila ba gandang-ganda ito sa kanya. Samantalang para nga siyang sinabunutan ng sampung bakla dahil magulo ang kanyang buhok na mostly ay inipit lang niya sa suot na bullcap.

"Ah, excuse me, Sir?"

Isang babae ang nakangiting umistorbo kay Trigger. Na hindi naman alintana ng lalaki dahil magiliw pa nga nito iyong hinarap. "Yes?"

"Pasensiya na sa istorbo. Pero isa ka ba dun sa mga naging models ng Stallion Shampoo commercial?"

"Hmm, matagal na iyon, ah."

Lumiwanag ang mukha ng babae. At doon lang din niya napansin na hindi lang ito ang umaali-aligid kay Trigger nang mga sandaling iyon. Meron pa nga siyang nakita na hindi na yata nakatiis at kinuhaan na talaga ng larawan ang binata gamit ang camera phone nito.

"So, ikaw nga ang isa sa mga iyon?"

"Parang ganon na nga."

Impit na tumili ang babae. At tila nakisabay na rin ang ibang babaeng nagmamasid-masid lang kanina. Ngayon ay nakakakuha ng atensyon ang munting kaguluhang iyon mula sa ibang customer ng naturang supermarket.

"Pa-picture naman tayo, Sir! Crush na crush kita doon sa commercial, eh! Akala ko nga hindi ka totoo!"

"Sir, ako rin! Pa-picture din!"

"Kami rin!"

Handa naman magbigay si Trigger. Kahit na nga sabay-sabay na halos magpa-picture ang mga babae, ready ang ngiti nito sa lahat ng may hawak ng camera. That smile that he gave to the people around him. Bahagyang napakunod ang kanyang noo. Paano kayang parang magkaiba ang ngiti na ibinibigay nito sa mga taong iyon sa ngiti nito kapag nagtatama ang mga paningin nila.?

Ilang minuto rin ang itinigal ng photo session sa meat section na iyon ng supermarket. Ni minsan, hindi niya kinakitaan ng pagkainip o pagkainis si Trigger. In fact, nakikipagbiruan pa nga ito at nakikipaglandian minsan sa mga babaeng lumapit dito.

"Ang bait mo pala," wika ng isa sa mga babae. "May asawa ka na? Sana wala pa."

"Wala pa naman, awa ng Diyos," biro ng binata.

"Ay, sosyal! E, girlfriend, meron na?"

"Marami."

"Sosyal pa rin!" sigaw ng isa pa sa mga ito. "Puwede kaya kaming sumali sa mga girlfriends mo? Mabait kami."

Nakipagtawanan lang din sa mga ito si Trigger. "Depende iyan sa isasagot ng girlfriend ko ngayon."

May girlfriend ito ngayon? Pero ang pagkakaalam niya...Kunsabagay, halos dalawang linggo rin siyang naburo sa kanyang trabaho na hindi na niya nagawa pang i-monitor ang mga whereabouts nito. Actually, talagang nakalimutan na niya ang gawain niyang iyon mula nang muli silang magkasama ni Trigger. Kaya siguro, hindi na niya nalaman ang tungkol sa pagkakaroon nito ng bagong kasintahan.

Napayuko na lang siya at kinutingting ang kanyang cellphone kahit wala naman siyang ka-text.

"Sinong girlfriend mo ba ang tatanungin namin?"

Tawagan na kaya niya si Teofy? Para kahit paano ay may taga-aliw siya ngayon?

"'Yung girlfriend ko ngayon."

Namalayan na lang niyang wala na sa kanyang kamay ang hawak niyang cellphone. Naagaw na pala iyon ni Trigger.

"Hello," nakangiti nitong bati saka siya inakbayan. "Heto. Girlfriend ko."

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...