Part 15

1.7K 65 4
                                    

"ANAK NG lolo nyang kalbo!"

Sabay na napakislot sina Jeuliette at Annamae nang malakas na ipukpok ni Nova ang kamay nito sa ibabaw ng mesa. Kasalukuyan sila noong nasa kusina ng bahay nila. Niyaya niya ang dalawang kaibigan upang makapag-bonding. Ngayong nalalapit na ang kasal nina Annamae at Pipo, gusto niyang magkasama naman sila ng mas mahaba-habang oras bago man lang lumagay sa tahimik ang isa sa kanila. Mami-miss kasi talaga niya ito.

"Ang sira ulong Jigger na iyon!" patuloy na litanya ni Nova. "Buwisit talaga siya! Sayang at hindi ko siya naabutan doon sa Stallion Guesthouse. Natunugan siguro ako ng ungas na iyon na nakilala ko na siya. Hah!"

"Ano pa ba ang ikinagagalit mo, Nova?" Binigyan niya ito ng isang baso ng tubig. "Nakaganti ka na rin naman, hindi ba? Noong engagement party nina Annamae at Pipo, napalo mo na siya ng drumsticks mo."

"Oo nga. Ang kaso, kulang pa rin." Tinanggap nito ang tubig. "Dapat pala, yung buong drumset na ang ipinalo ko sa kanya. Baka sakali, makuntento ako ng mga...one-fourth ng buhay ko."

"Bakit ba ang laki ng galit mo kay Jigger? Mukha naman siyang mabait, ah."

"Parang gusto kong kalimutang kaibigan kita dahil sa sinabi mong iyan, Annamae," wika niya na agad sinang-ayunan ni Nova. "Walang mabait kahit na sa kaliit-liitang himaymay ng taong iyon."

"Babait na si Lucifer. Pero ang Jigger na iyon, nunca. Kaya huwag kang magpapaniwala sa nakikita mo sa mukha nun. He's a snake of the first order!"

"Nova," baling niya sa kaibigan. "Huwag mo namang ikumpara sa mga pobreng ahas ang lalaking iyon. Dahil ang mga ahas, kahit paano ay, ano..." Nag-isip siya ng tamang adjective na angkop sa hayop. Wala siyang maisip. "Basta. Para sa akin mas matino pa ang mga ahas sa mundo kaysa sa kanya."

Napailing na lang si Annamae. Ang babaeng ito, palibhasa nagmamahal lang at malapit ng ikasal, kaya mabait na ang tingin nito kahit sa sira ulong kakambal ni Trigger.

Ah, Trigger. Now there's a guy everyone should be praising about.

"Nagkita na kami ni Trigger."

Napalingon sa kanya ang mga kaibigan. They were her college buddies. Magkakasama sila sa isang college orgazation na walang ginawa kundi ang sumigaw laban sa kaapihan ng mga mahihirap. In short, mga aktibista sila noon. Since hindi lang naman puro rally ang inaatupag nila noon, nagkaroon sila ng pagkakataong magkakilala nang husto hanggang sa tuluyan na nga silang maging magkaibigan. Kaya hanggang ngayon ay magkakasama pa rin sila.

"Nagkita na kayo?" tanong ni Nova.

"You know, ngayon ko lang naalala nang magkita kayo ni Jigger sa restaurant noong nakasabay nating kumain sina Daddy ay wala ka man lang naging reaksyon sa kanya."

"Well, we both know how much she hated Jigger," wika ni Nova. "Pero matanong ko lang, Jeuliette, ilang beses ka ng nakapunta ng Stallion Riding Club, hinid ba? Noong nagkaroon kayo ng photoshoot doon at nung practice ng marriage proposal ni Pipo kay Annamae. Hindi ba kayo nagkita man lang doon ni Trigger kahit minsan?"

Hindi siya makasagot. Naalala kasi niya ang ilang beses na pagkukrus ng landas nila ni Trigger. Hindi tuloy niya maiwasang mapangiti. Lalo na 'yung huling eksena nila nang ihatid siya nito sa kanyang suite matapos na kung ano-anong kapalpakan ang naranasan niya nang araw na iyon.

Nakangiti niyang idinampi sa kanyang pisngi ang mga palad niya nang maramdaman ang pag-iinit ng mga iyon. nawala lang siya sa pagdi-daydreaming niya nang malakas siyang tampalin ni Nova sa balikat.

"Hoy, tama na munang kamanyakan iyan. Magkuwento ka naman. Share-share tayo rito."

"Aray naman." Pinalo din niya ang kaibigan. "Magkukuwento naman ako, bakit nakapalo ka pa?"

Stallion #50: Trigger Samaniego (On Going)Where stories live. Discover now