Part 5

1.5K 62 8
                                    

ABALA NA naman si Jeuliette sa harap ng computer nang maramdaman niyang may umupo sa kanyang tabi.  When she turned, her heart almost jumped out of her chest. 
“Trigger!”
“Hel-low,” nakangiti nitong bati.  “Mukhang busy ka na naman, ah.  Masama ang sobrang dedicated sa pag-aaral, Yeti.  Nakakatunaw iyan ng utak.”
Yeti.  He had called her again on that endearing voice of his.  Parang gusto niyang umiyak.  Halos tatlong araw din itong hindi nagpakita sa kanya sa ‘tagpuan’ nila roon sa computer lab.  Inisip na nga niyang tuluyan na itong nagalita sa kanya dahil sa nagawa niyang pagkakamali ng pagtawag dito ng Jigger.  Kaya ang makita ito ngayon sa kanyang tabi, nakangiti at tila ba napakasigla, binalot na naman ng kakaibang damdaming iyon ang kanyang munting puso.
“H-hindi naman ako nag-aaral masyado…”  Isinara niya ang apat na makakapal na libro sa harap niya.  “Ahm…ngayon ka lang yata uli naligaw dito.”
“Yeah.  Medyo busy lang ng konti.”
Iyon lang ang sinabi nito at hindi na nag-offer pa ng anomang explanation.  Kaya hinayaan na lang niya.  Sino nga ba naman kasi siya para mag-usisa sa buhay nito?
Kinuha niya ang baon niyang sandwich na hindi naman niya nagalaw dahil sa pagiging abala niya sa harap ng computer.  “Sa iyo na lang, Trigger.  Don’t worry, hindi ko pa iyan nababawasan.”
“Uy, thank you.”  Kinuha nito iyon at agad kinain.  “Masarap, huh.  Ikaw ang gumawa?”
“Hindi.  Ang mommy ko.”
“Nice.  Sa bahay din namin, si Mommy ang gustong-gusto naming gumagawa ng kahit na anong kakainin namin.”  He put his free hand at the back of her chair and motioned the computer screen with his other hand.  “Bago?  As usual, hindi ko na naman alam iyan.  Paturo naman.  Para ako uli ang magaling sa klase namin sa computer.”
Binuntutan pa nito iyon ng tawa kaya naman walang nagawa ang puso niya kundi ang mahulog na naman dito.  And he was just so close she could almost breathed in his scent.  Hay, hinding-hindi na yata niya makakalimutan ang bango nito.
Bumaling ito sa kanya.  Nataranta siya dahil biglang umariba ang tibok ng kanyang puso.  Tumayo tuloy siyang bigla.
“Kukuha lang ako ng papel para mag-print,” palusot niya.  She stood up and went to the take some papers.
“Bakit hindi mo suot ang sapatos mo?”
“Ha?”  Tiningnan niya ang sarili niyang mga paa.  Naka-medyas lang kasi siya.  “A…presko kasi kapag nakayapak lang dito sa computer lab.”
“Ganon ba?” 
Akala niya ay pagtatawanan siya nito sa weird niyang habit na iyon.  Pero nagulat siya nang hubarin din nito ang sapatos nito at ikiniskis ang naka-medyas na mga paa sa sementadong sahig na tila ba tini-testing iyon.
“Hmm, oo nga, ano?” wika nito.  “I should do this more often.  Nakaka-relax.”
“Naku, huwag.”  Lumapit na siya sa puwesto nito para mag-print.  “Baka mapasma k—ay, kabayo!”
Lumipad sa ere ang mga hawak niyang papel nang madulas siya at mabitawan ang mga iyon.  Napapikit na lang tuloy siya habang hinihintay ang paglagabog ng katawan niya sa madulas na sahig.  Pero hindi iyon nangyari. 
“Ops!” narinig niyang malakas na sambit ni Trigger. 
She opened her eyes and saw that gorgeous rare smile of his once again.  May bonus pa.  Dahil nasalo siya nito.
“Gotcha!”
Ngunit hindi yata balanse ang pagkakatayo nito at pagkakahawak sa kanya, isama na rin ang naka-medyas nitong mga paa, kaya nadulas na rin ito at tuluyan silang bumagsak sa sahig.  Hindi nga lang siya gaanong nasaktan dahil nasuportahan ng mga braso nito ang likod niya, at ng mga kamay nito ang ulo niya para hindi mauntog sa sementadong sahig.  In short, ito ang sumalo lahat ng bigat nila. 
“Aray…” narinig niyang daing nitong halatang pilit na itinatago.
Mabilis siyang tumayo upang asikasuhin ito.  “Naku!  Trigger!  Sorry!  Naku!  A-anong gagawin ko—“
“Its okay.”  Unti-unti na itong naupo na rin.  “I’m fine.”
“Hindi!  Nasaktan ka—sorry!”
Hindi niya alam kung ano ang uunahing inspeksyunin dito.  Natataranta na kasi talaga siya.  Batid niyang batak ang katawan nito sa exercise base na rin sa nakita niyang kundisyon nito noong makipagbugbugan ito sa kakambal nito three days ago.  Pero hindi rin naman basta-basta ang bigat niya.  Baka may kung anong nadurog sa buto nito. 
“Naku, paano ba ito…” 
“Yeti.”
“Dapat siguro magpatawag na ako ng nurse dito.  Teka, hindi ka ba nahihilo?  Ang mga braso mo, baka hindi mo na maigalaw ang mga iyan.  Bakit mo pa kasi ako sinalo?”
“Yeti.”
“Okay lang naman sa akin na bumagsak dahil kasalanan ko iyon.  Nasaktan ka pa tuloy nang dahil sa akin.  Ano ang sasabihin ko sa parents mo kapag nalaman nilang may nangyaring hindi maganda sa iyo?  Paano kapag hindi ka na nakapagsalita?”
“Ha?”
“Basta!”  Kailangan na talaga niyang tumawag ng tulong.  “Dito ka lang.  Tatawag lang ako ng nurse.  O duktor.  Huwag kang mag-aalala, hindi ako papayag na may mangyaring masama sa iyo…”
Napatingin na lang siya rito nang hawakan nito ang mga kamay niya at ilapat iyon sa isa nitong kamay. 
“This one hurts,” wika nito.  “But just a tiny bit.  The rest, I’m okay.  Kaya huwag ka ng mag-panic.” 
Nanatili lang siyang nakatingin sa kamay nitong nakapatong sa mga kamay niyang nakapatong sa kamay nito.  Ang gulo.  Pero masaya.  Tinapik-tapik nito ang kanya niya.
“Okay?”
Tumango lang siya.  Wala na kasi siyang ibang masabi pa.  Masyado ng na-overpower ng nararamdaman niya ang isip niya.  All she could do now, was just feel everything.  From the fast beatings of her heart, to that overwhelming emotion she was having.
Kung ganito ang ma-inlove, then kahit  sa batang pag-iisip niya, tinatanggap niya ang damdaming iyon.  She was inlove with Trigger Samaniego.
“Yeti, libre ka ba sa Sabado?”
“Ha?”
“Sa Sabado, wala ka bang gagawin?”
Tila mabibingi na siya sa lakas ng tibok ng kanyang puso.  “W-wala naman.  Bakit…?”
“Labas tayo.  Treat ko.”
You mean like a…date?  “A-anong meron?”
Teka, dapat bang itinatanong pa iyon?
“Wala naman,” sagot ni Ttrigger.  “Gusto lang kitang i-treat.  A, oo.  Bilang pasasalamat nga pala sa lahat ng naitulong mo sa akin sa computer subject namin.  Kung hindi dahil sa iyo, baka lumalagapak na ang lahat ng grades ko ngayon doon.”
Naramdaman niya ang pagbagsak ng puso niya sa mga sinabi nito.  Subalit pinigilan pa rin niya ang kanyang sarili na ma-depress.  So what if it wasn’t actually a date?  At least, makakasama niya si Trigger ng buong araw.  Ilan lang ba sa mga estudyante ng paaralan nilang iyon ang magkakaroon ng ganong pagkakataon?  Baka nga siya na ang pinakamasuwerteng babaeng nabubuhay ngayon sa balat ng lupa dahil ang binatilyong itinatangi niya ay niyaya siyang lumabas.
“Sige, okay lang.”
“Good.”  Tumayo na ito at tinulungan siyang tumayo.  “Sana hindi ka makulitan sa akin.”
“Hindi naman siguro…”  Tumunog na ang bell.  Tapos na ang breaktime at kailangan na niyang umalis ng computer lab dahil ang klase na nina Trigger ang susunod doon.
He picked up her things for her.  “Here.  Huwag mong kalilimutan sa Sabado, ha?  It’s a date.”
Yey!  It’s a date! 
He handed her her things and walked her towards the door.  Pero bago siya makalabas ay pinigilan siya nito sandali.
“Bakit lagi mong hinahayaang takpan ng buhok mo ang mukha mo?  Wait…”  May kinuha itong panyo sa likod ng bulsa ng pantalon nito.  Pagkatapos ay ipinusod nito ang buhok niya gamit ang panyo nito.  “There.”
He turned to face her.  Napangiti na naman ito nang humarap sa kanya.
“Sabi na nga ba at maganda ka.  Huwag mo na uli itatago ang mukha mo, ha?”  He lightly touched a finger to her chin.  “Para lagi kong nakikita.”
Well, naturally, gugulong ang puso niya sa tuwa.  At mas lalo pang madadagdagan ang dahilan niya kung bakit nagmamahal ng ganito ang batang puso niya.
Bumukas ang pinto.
“Trigger?” tanong ng estudyanteng babae na naroon. 
“Yeah.”  He held the door open for the girl.  “Nauna ka yata ngayon.”
“Siguro dahil hindi ka na naman sumabay sa akin na magmiryenda.”  Tiningnan siya nito.  “Sino siya?  Pinsan mo?”
“No.  First year student siya na henyo sa computer.  Siya ang ikinukuwento ko sa iyong tagapaligtas ko sa computer subject natin.”  Inakbayan pa siya ni Trigger.  “This is Jeuliette.  Yeti for cute.  Yeti, this is Macy, my girlfriend.”
What?  Nagulantang ang mundo niya.  Girlfriend?
“Hello,” nakangiting bati sa kanya ni Macy.  “Mabuti at nagagawa mong mapagtiyagaang turuan itong si Trigger.  Ang hirap pagpaliwanagan niyan, alam mo ba?  Kaya nga nagulat kami nang manguna siyang bigla sa computer subject namin.  Nagpapiyesta tuloy ang teacher namin.”
“Okay lang.”  Hinawi niya ang buhok niyang hindi nasakop ng pagkakapusod ni Trigger sa panyo nito.  “A, sige.  Mauuna na ako.  May klase pa kasi ako.”
“Sige, ingat.”
Dire-diretso na siyang nagtungo sa kanyang classroom.  Manhid na ang pakiramdam niya.  At sa bawat paghakbang niya palayo sa binatilyong minahal ng musmos niyang puso, nararamdaman di niya ang unti-unting pagkadurog niyon.
Ito ba ang tinatawag niyang pagkabigo?
Asar.  Pinahid niya ang mainit na likidong namalisbis sa kanyang pisngi.  Masakit pala…

Stallion #50: Trigger Samaniego (On Going)Where stories live. Discover now