Part 13

1.6K 64 10
                                    

"STALLION RIDING CLUB."

Inilibot ni Jeuliette ang kanyang mga mata sa kabuuan napakagandang lugar na iyon sa isang bahagi ng Tagaytay. Matatanaw mula sa kinaroroonan niya sa harapan ng Lakeside Café ang breathtaking view ng Taal Lake. Tamang-tama lang ang lokasyon iyon para sa photoshoot nila. Katatapos lang ng session nila with the photographers kaya ngayon ay libre na silang gawin ang gusto nilang gawin. Ang iba niyang kasamahang mga modelong babae ay naging abala sa pagha-hunting ng mga guwapong club members na nagkalat sa paligid ng malawak na lupain na iyon. Siya naman ay kapiling pa rin ang pinakamamahal niyang laptop computer na ngayon ay mas lalo niyang minahal dahil sa wakas ay nakapasok na rin siya sa central database ng Stallion Riding Club.

Funny how she managed to cracked the code and be inside the club itself at the same time.

Huuu! Magaling lang talaga ako.

Saglit siyang na-distract kanina nang mapansin niya si Nadja, ang may-ari ng Picka-Picka Souvenir Shop sa naturang riding club. Madali na lang niyang malaman ang lahat ng may kinalaman sa SRC ngayong may access na siya sa database nito. Idagdag ang pagiging observant niya, madali na rin niyang nalaman na may espesyal na namamagitan sa kanilang pokerfaced boss at kay Nadja.

Napalingon siya sa itinuro niyang puwesto ng kanyang mahal sa may veranda ng naturang café and restaurant. Naroon pa rin si Trigger at masayang nakikipagkuwentuhan sa mga kapwa nito club members at ilang babaeng kasama ng mga ito roon. Halos magdadalawang linggo na rin mula nang huli silang nagkita nito ng harapan at hanggang ngayon, hindi pa rin niya makalimutan ang napakagandang pagkakataong iyon. Kung paano niyang napatunayan sa kanyang sarili na ito pa rin talaga ang tanging lalaki sa puso niya.

In-adjust niya ang salaming pangmata at hinawi ang mahaba niyang buhok na nakawala na sa pagkakatali niya dahil sa lakas ng hangin doon.

"Hi, Trigger. How are you? Ang guwapo mo talaga kahit sa malayo. Pero mas dapat malaman ng mga tao kung gaano kabuti ang puso mo sa kabila ng guwapong mukhang iyan. I miss you, by the way. I really do. Sana okay ka lang diyan." Pansamantala niyang iniwan ang paglalakbay sa database ng SRC at dinampot ang bottle water sa kanyang tabi. "Alam mo bang nagkita na rin kami ng lalaking kamukha mo? He was still the jerk I knew from highschool."

Nababaliw na nga yata siya. Dahil kahit sa malayo ay kinakausap niya ito. Pero mas mabuti na ang ganong kaysa naman pigilan niya ang nararamdaman niya. Nagawa na niya iyon dati dahil nga gusto na rin niya itong kalimutan. Ang nangyari, nakalimutan lang niya ang naging kasalanan nito sa kanya ngunit hindi ang damdamin niya rito. Kaya sa huli, bahala na si Batman pero hahayaan na lang niya ang kanyang puso na magmahal hangga't gusto nito. It's the least thing she could do for her loving heart.

She was drinking her water when Trigger seemed to notice someone was looking at him. And turned to her direction. Napatunganga na lang siya habang hawak sa bibig ang kanyang iniinom. Nang ngumiti ito at kumaway sa kanya, nasamid nang wala sa oras at naramdaman na lang niya ang pagpasok ng tubig sa kanyang nostrils. Lumabas sa ilong niya ang tubig saka siya inihit ng matinding ubo. Agad naman siyang dinamayan ng mga kasamahan niyang modelo na malapit lang sa kanya. Akala talaga niya ay mamamatay na siya nang marinig ang boses na iyon.

"Are you okay?"

She looked up and came face to face with the most handsome man in her life. Trigger Samaniego.

"Miss, are you okay?" ulit nito. "May clinic kami rito. Gusto mo bang dalhin kita doon?"

Ilang sandali rin siyang nakatitig na lang dito habang nangangati ang kanyang lalamunan.

Trigger—

Bigla siyang napaubo ng malakas. Bahagyang napapikit na lang ang binata nang bumuga siya sa mukha nito.

"I'll take that as a yes," wika nito saka siya inalalayang makatayo.

Stallion #50: Trigger Samaniego (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon