Part 11

1.5K 60 2
                                    

ABALA PA RIN sa paghahanap ng malulusutan si Jeuliette para ma-crack ang security code ng Stallion Riding Club sa kanyang ever-reliable laptop computer.  Mabuti na lang at naka-wifi ang buong restaurant na iyon.  Doon sila nagkita ng kaibigang si Annamae pagkatapos siya nitong tawagan sa kanyang opisina. 
Matapos nitong paglaruan ang paborito niyang Stallion Shampoo na bagong bili pa niya, saka niya inungkat ang tungkol sa nagbabagong buhay nito.  Noong nakaraang linggo kasi nang mag-usap sila, parang gusto na nitong magbigti dahil sa problema nito tungkol sa ultimatum na ibinigay ng ama nito rito.
"Siyanga pala, Annamae.  Ano na ang nangyari roon sa pakikibaka mong maging single?  Okay na ba?"
"Oo.  Nakapagharap ako kina Mommy ng boyfriend.  Naniwala naman sila dahil magaling ang nakuha kong magpanggap."  Napabuntunghininga ito.  "Pero kailangan ko na ring magsabi kina Mommy.  Na wala pa talaga akong balak mag-asawa."
"Kailan mo ba balak?"
"Baka bukas.  Mag-iipon lang ako ng tapang."
"Kailan ka pa natutong maging duwag?"
Natigilan ito.  Napailing na lang siya.  Mukhang tama ang assessment niya rito tungkol sa nararamdaman nito sa lalaking nakita niyang kausap nito noong nakaraang linggo.  Her friend was inlove with that guy.
"I should call Jigger," mayamaya'y wika nito
"Who?"
"Jigger.  Isa rin siya sa Stallion Riding Club member na nagprisintang tulungan ako sa problema ko."
"Ah."  Of course she knew him.  Knew him well enough to ignore his existence.
"Lately I've been thinking a lot of things about my life."
"Ows?"
"Parang...parang sawa na ako ng walang ginagawa.  I wanted something to do.  Ano kaya ang puwede kong gawin?"
"Magtrabaho ka sa kumpanya ninyo," suhestiyon niya.  Its about time na seryosohin na nito ang buhay.  "Kailangan na ng tatay mo ng katulong sa pagpapatakbo ng negosyo ninyo."
"Naisip ko nga rin iyan.  Pero wala akong alam sa pagnenegosyo."
"E, di magpaturo ka sa tatay mo.  Kaya mo iyon.  Tapos ka naman ng Business Management, hindi ba?  Madali ka ng matututo nun."
Sabay pa silang napalingon nito sa entrance door ng restaurant na iyon.  Ewan nga lang niya kung pareho sila ng dahilan ng kaibigan kung bakit nakuha ng mga bagong dating ang kanyang atensyon.  Because right over there were two of the most handsome people mere mortals could ever see.  Kilala niya ang isa sa mga ito.  Pero wala siyang balak na ipaalam sa mundo na kilala nga niya iyon.  Highschool pa lang siya nang tumigil na ang isip niya na kilalanin ang existence ng taong iyon dahil sa malaking atraso nito sa kanya. 
He may have the same face as Trigger.  Pero hanggang doon lang ang pagkakapareho ng mga ito. 
"Pipo..." sambit nito.
"Ah, so that's the guy," wika niya.  "Nakuha mo rin pala siya.  Magaling, magaling, magaling."  Hindi man lang siya nito pinansin.  "Lapitan mo na," sulsol pa ng kaibigan.
"Ano naman ang sasabihin ko?"
"Nagkasama kayo sa Stallion Riding Club.  That was enough reason para kumustahin mo siya."
"Paano kapag hindi niya ako pinansin?"
"Ano ba ang nangyayari sa iyo, Annamae?  Bakit ganyan na ang attitude mo?  Where's your rebel side?  'Yun bang go lang ng go.  Ha?"
"Wala na.  Naglaho na.  Mula nang makilala ko ang lalaking iyon."
"What?"
"I'm inlove with him."
"Ay, patay tayo diyan."
Halata ang kakaibang frustation ng kaibigan nang damputin nito ang kanyang Stallion Shampoo at ipukpok iyon sa ulo nito.  Parang gusto niyang matawa na maawa rito. 
"Jeuliette, what's wrong with me?"
"Nothing.  You just fell inlove."  Naiiling na lang niyang ibinalik ang atensyon niya sa kanyang laptop.  "Well, if you love him, why don't you tell him?"
"Yeah, right.  Ano ang sasabihin ko sa kanya?  'Yo, dude.  Ah lab yu'.  Ganon?"
"Subukan mo.  At nang matapos na iyang kadramahan mo.  Nangingilo na ako sa iyo, eh.  Magtatapat ka lang, hindi mo pa magawa."
"Bakit ikaw, kaya mong magtapat sa harap mismo ng taong mahal mo?"
"Ay naku, kung meron lang akong mahal ngayon, ide-demo ko pa mismo sa iyo kung paano magtapat ng effective."  Nilingon niya ang direksyon ng dalawang lalaking bagong dating.  "Go to him, Annamae.  Sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo at bahala na siyang mag-deal dun.  Basta ikaw, nasabi mo na.  Sigurado akong matatahimik ka na rin ang kunsensiya mo nun."
At mukhang pumasok naman sa isip nito ang kanyang sinasabi.  Sa wakas.  Nagbilang ito saka bumuntunghininga.  Her friend must really be inlove with that Pipo guy to have come up with so much courage to face the man of her dreams. 
"Okay, I'm ready—"
"Annamae."
Ang mga magulang nito ang nasa tabi na ng table nila ngayon.  Napalakas yata masyado ang pagbati ni Annamae sa mga magulang nito kaya hindi na kataka-takang napalingon din sa kanila sina Pipo at ang kasama nito.  Hindi iyon nakaligtas sa mga mata ng mga magulang ng kaibigan.
"Oh, you and Jigger have a date?" tanong ng kanyang ina na nakatingin na rin sa direksyon ng table ng dalawang binata.  "Tamang-tama, why don't we all have lunch together?  Isama na rin natin si Jeuliette.  The more, the merrier.  Come on, come on."

Stallion #50: Trigger Samaniego (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon