Part 4

1.9K 66 12
                                    

NAGLALAKAD NA si Jeuliette papuntang library para sa kanyang assignment.  Wala silang klase nang oras na iyon dahil nag karoon ng biglaang meeting ang mga teachers nila.  Kaya nga parang mga nakawalang unggoy ang mga kaklase niya, pati na rin ang ibang estudyante, sa sobrang gulo at ingay ng mga ito.  Kaya ipinasya niyang magpunta na lang library para kahit paano ay mapakinabangan naman niya ang libre niyang oras.  Bukod pa sa matatahimik ang kanyang mundo. 
Ngunit may nakakuha ng atensyon niya nang papunta na siya sa library.  Parang may naririnig siyang nag-aaway.  Wala siyang balak na pakialam pero parang may kung anong puwersang tumutulak sa kanya na alamin kung ano ang kaguluhang iyon.  And that’s when she saw Jigger and Trigger fighting.  Subalit imbes na tumawag ng aawat sa mga ito ay napatanga na lang siya sa dalawa.  Wala siyang nabalitaan na kasali sa anong sports ang mga ito kaya ang makitang aktuwal na naglalaban ang mga ito, gamit ang tila kung ilang forms of Martial Arts, wala siyang nagawa kundi ang humanga sa napakapulidong kilos ng mga ito.  Flawless.  That’s the right term.  Beautiful.  Flawless.  Daig pa ng mga ito ang mga varsity players ng Martial Arts team ng school nila.
“Aray!” malakas na nagmura si Jigger nang tamaan ito sa sikmura ng sipa ni Trigger, bago nito sinugod ang kakambal.  “Akala mo ikaw lang, ha?”
Tinamaan din sa tagiliran si Trigger.  Napasinghap siya nang bumagsak ito sa ma-bermudang bahagi na iyon ng likod ng library.  Hindi nga lang niya nagawang lapitan ang mga ito dahil baka isipin ng mga ito na masyado siyang pakialamera.
Dapat siguro ay tumawag na ako ng aawat sa kanila…
Patalikod na talaga siya ang marinig niya ang palitan ng galit na mga salita ng mga ito.
“Masyadong kang pakialamero, Trigger!  Sinabi ko bang makialam ka sa problema namin ni Cynthia?  Nang dahil sa iyo, nagkagulo kami ni Maricel!”
Iimpit siyang napaiktad nang bumalandra ang katawan ni Jigger sa lupa.  Nilapitan ito ni Trigger para sa ikalawang pag-atake.
“Dati ka ng magulo, Jigger.  Ano ba ang bago sa ginawa ko?”
“Damn you, Trigger!  Hindi ka dapat nakikialam sa mga bagay na wala kang kinalaman!”  Nasangga ni Jigger ang ikalawang pag-atake ni Trigger kaya ang huli naman ang humalik sa lupa.
Dinaluhong ito ni Jigger at dahil mabilis ding kumilos ang kakambal nito ay nagpang-abot ang dalawa.  They both had grabbed each other’s neck for a firm armlock.
“What do you want me to do, Jigger?  Pabayaan ko si Cynthia na umiyak na lang ng umiyak?”
“Hindi mo na problema iyon!”
“Hindi ako bato para hindi maawa sa kanya!”
“I don’t love her anymore!”
“Then break up with her gently!”
“What the heck do you know about us?  Kaya hindi ka dapat nakialam!  Hindi ka dapat nagpanggap na ako para lang aluin si Cynthia!  She was crying because we broke up!  She will get over it soon enough!  Ngayon binigyan mo lang siya ng dahilan para mag-cling pa sa feelings niya sa akin dahil inakala niyang may pag-asa pang magkabalikan pa kami!  Nang dahil sa kagagawan mo!  Lumala pa iyon nang makita kayo ni Maricel…at marinig ka niya habang nagpapanggap kang ako!  nagmukha akong tanga sa harap ni maricel dahil wala akong kaalam-alam sa mga sinasabi niya, before she broke up with me!”
“Then why didn’t you just tell her it your twin she saw and heard?”  Tumama ang isang suntok nito sa pisngi ni Jigger.
“I already told her!”  Gumanti si Jigger at tinamaan si Trigger.  “But she never believed me.”
Parehong hinahabol ng mga ito ang kani-kanilang hininga ngunit wala ng sumusugod sa kanila.  They were just huffing and eyeing each other.  Malakas ang kutob niyang may nasabi si Jigger na nakapagpatahimik sa mga ito.  Kinubkob ng awa ang puso niya para sa dalawa.  Tila nararamdaman niya ang sama ng loob ng mga ito dahil walang naniniwala sa mga ito na magkaibang tao sila.  People just refused to separate them from each other.
“I’m sick and tired of this,” mayamaya’y wika ni Jigger.
“Yeah.”  Hinihingal na sumalampak sa lupa si Trigger at hinayaan ang sariling tuluyang bumagsak.  “Kung iisang tao lang ang tingin nila sa atin, so be it.  I don’t give a damn anymore.”
“Gamitin na lang natin iyon sa advantage natin.”
“Alright.”
Dinampot ni Jigger ang backpack na itinapon lang nito basta sa isang tabi at isinukbit iyon sa balikat nito.  Pagkatapos ay ang isang backpack naman ang kinuha nito at inilapag sa tabi ng kakambal nito.
“Anong oras natin susunduin si Karding sa school niya mamaya?”
“Dalaga na raw si Diosa, Jigger.  Kaya hindi na raw niya kailangan ng taga-sundo.”
“So, anong oras nga natin siya susunduin?”
Sinulyapan ni Trigger ang wristwatch nito.  “Ala-una na lang.”
“Okay.  Magkita na lang tayo sa labas ng gate mamaya.”
Medyo nakahinga na rin siya ng maluwag sa naging takbo ng usapan ng mga ito.  Kaya ipinasya niyang iwan na ang magkakambal.  Baka kasi mahuli pa siya nitong nakikinig sa usapan ng may usapan, ma-badshot pa siya kay Trigger.  Didiretso na lang siya sa library at kung magkakaroon pa sila ng pagkakataon ng huli na magkausap uli, saka na lang niya aalamin ang kalagayan nito.
May lumagpas sa kanyang binatilyong tumatakbo.  Nagulat siya nang makilala ang likuran niyon kaya tinawag niya ito.
“Jigger!”
When he turned to her, doon lang niya nalaman na mali siya ng pangalang tinawag.  “I’m…I’m sorry—“
“I am Jigger.”  And then he continued running away.
Gusto sana niya itong habulin pero mabilis na itong nakalayo.  Hindi na niya maaabutan.  Bagsak ang mga balikat niya habang sinusundan na lang ito ng kanyang paningin.
“You’re calling me?”  Nilingon niya ang nagsalita sa kanyang tabi.  “You want something from Jigger?”
“Magso-sorry lang sana ako kay Trigger.”
“Magso-sorry ka sa akin?”
“Jigger.”
“Hmm, nakalimutan kong kayang-kaya mo nga pala kaming makilala ni Trigger sa isa’t isa.”  He adjusted the backpack on his shoulders.  “Sensitive pa kami masyado sa isyu ng pagkakamali ng mga tao sa amin.  Kaya siguradong masama ang loob nun sa iyo.  Pero mas malamabot ang puso nun kaysa sa akin.  Patatawarin ka nun, especially now that you, two, are close enough.”
Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mukha kaya sigurado rin siyang namumula na ang mga pisngi niya.  Hindi siya nagkamali dahil napansin iyon ni Jigger.
“You like him, huh.  Oh, well.  Goodluck.”
Hindi siya makatingin ng diretso rito.  “You…don’t mind?”
“Ikaw ang unang naka-distinguished sa amin sa isa’t isa.  Gusto ko ang mga taong nakakagawa nun.”  He patted her on her head.  “Kung wala ka lang gusto kay Trigger, baka niligawan na kita.”
Then he started walking away.  Naiwan siyang nakatanga na lang dito.  Tama ba iyong narinig niya?  Na liligawan daw siya nito kung sakaling wala siyang gusto sa kakambal nito?  Ilang sandali pa niyang pinag-isipan iyon.  Nang marinig ang pagtunog ng bell sa kanilang paaralan ay mabilis na siyang bumalik sa kanilang klase.  Umpisa na kasi uli ng susunod nilang subject.
Hihingi ako ng sorry sa iyo, Trigger.  Pangako, I’ll make it up to you.

Stallion #50: Trigger Samaniego (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon