Part 16

1.5K 76 8
                                    

MASAKIT ANG ulo ni Jeuliette. Naparami yata ang inom niya sa party na dinaluhan nila pagkatapos ng fashion show nila sa Makati. Nahihilo na rin siya kaya hindi na siya nagmaneho pauwi at kumuha na lang ng taxi saka nagpahatid sa kanila. Tahimik ang kabuuan ng bahay nila. Wala kasi ang kanyang ina. Nakakapagtaka lang na parang wala rin yata ang mga katulong nila. Tulog na siguro.

Ganito silang mag-ina tuwing kaarawan niya. Hindi sila nagkikita. Nakasanayan na nila iyon kaya okay na rin sa kanya. Tumawag na rin ang Mommy niya kanina na magbabakasyon nga raw ito sa France ng isang linggo. Nagtungo siya sa kusina at nang buksan niya ang ilaw doon ay tumambad sa kanya ang isang eksenang hindi niya akalaing mangyayari sa buong buhay niya. Sa ibabaw ng mesa ay naroon ang isang naka-arranged na candlelit dinner. At nakatayo sa tabi ng mesa ay ang isang pamilyar na lalaki.

"Trigger?" Nanlalabo na ang paningin niya pero kilalang-kilala niya ang napakaguwapong mukhang iyon na nakangiting nakamasid na sa kanya ngayon.

"Magandang gabi."

"Paano kang nakapasok dito? Paano mong nalaman dito ako nakatira?"

"Bago ko sagutin iyan, ang mabuti pa maupo ka na muna." Inalalayan siya nito sa isang silya. Hindi na siya tumanggi. Pagkatapos ay lumitaw sa harap niya ang isang bungkos ng bulaklak. "Your mommy said today's your birthday. So...happy birthday."

"T-thank you."

Tinanggap niya ang mga bulaklak habang hindi inaalis ang kanyang atensyon kay Trigger. Nananaginip lang yata siya. Kung ganon, isang napakagandang panaginip niyon.

Ito mismo ang naghain ng pagkain niya. "Ang sabi ng mommy mo, hindi ka raw nakakatulog ng maayos hangga't hindi ka nakakakain sa gabi. So I cooked your favorite dish."

"You can cook?"

"Yep. Hindi lang ako magaling na negosyante." Nagsalin naman ito ng champagne sa kopita niya. "Isa rin akong magaling na cook."

"That's really nice, Trigger." Napakagaan ng pakiramdam niya sa kabila ng pagkirot ng kanyang sintido. Kinusot niya ang namumungay niyang mga mata saka muli itong binalingan. Napangiti siya nang makitang hindi ito naglaho sa kanyang paningin. "Are you really Trigger?"

He matched her smile. "No."

"Nah. You are Trigger. I'm a bit drunk but I know that smile. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ngiting iyan. Pati na rin ang bango mo. I know your scent. And that timbre in your voice. Magkaiba kayo ng kakambal mo. Kahit kailan din, hinding-hindi mo hinahayaang ma-disappoint sa iyo ang kahit na sino, lalo na ang mga babae."

"Ang dami mo yatang alam tungkol sa akin." Naupo na ito sa isa pang silya sa tabi niya. "Ito ang ikalawang pagkakataon na may nakapag-distinguished sa amin ni Jigger ng tama."

Tumango-tango lang siya dahilan upang umikot na naman ang paningin niya. Pero wala pa siyang balak na mawala agad ang magandang panaginip na iyon kaya pilit niyang nilabanan ang antok niya.

Tinusok niya ng tinidor ang isang piraso ng maliit na karne sa kanyang plato at isinubo iyon. "Masarap. Magaling kang magluto, Trigger."

"Thank you."

"Ikaw naman." Sinubuan niya ito.

"Ikaw na lang. Kumain na ako."

Itinuloy na lang niya ang pagkain. "You know, I never celebrate my birthday. Not since my father died. Birthday ko kasi nang mamatay si Daddy sa isang aksidente. Kaya kami ni Mommy, napagpasyahan naming iwasan na lang ang araw na ito para hindi na namin maalala ang malungkot na pangyayaring iyon."

"I'm sorry. Hindi ko alam..."

"Its okay. Sabi mo nga, hindi mo alam." Natigil siya sa pagkain. "Nakalimutan ko ng masarap pa rin palang mag-celebrate ng birthday. Usually kasi, matutulog lang ako pagkatapos kong magburo sa trabaho maghapon. Ngayon, may kasama na ako. Salamat, Trigger. I appreciate this a lot."

"You should thank your mother. Siya ang nagpadala sa akin dito."

"Okay. Sige, paggising ko, magpapasalamat ako sa kanya."

Natawa lang ito. "Wait here. May surprise pa ako sa iyo."

"Meron pa?"

"Meron pa." He gently wiped away something from the side of her mouth.

Tumayo ito at nagtungo sa labas ng kusina. Hindi na mapuknat ang ngiti sa kanyang mga labi nang balingan ang nakahain sa kanyang harapan. She never had a candlelit dinner in the middle of the brightly lightened kitchen before. But this was the best ever. Siguro dahil ang kasama niya nang mga sandaling ay ang lalaking patuloy niyang minahal sa paglipas ng panahon.

Muntik pa siyang mapasigaw nang biglang mamatay ang ilaw. Pero hindi na niya kailangan pang matakot nang marinig ang boses ni Trigger. Kumakanta ito ng 'Happy Birthday' song. Ilang sandali pa ay lumitaw na uli ito, bitbit ang isang cake na may tatlong kandila sa gitna na siyang tanging nagbibigay ng ilaw sa kanila ngayon sa kusina.

"Happy birthday...happy birthday..." Lumapit na ito sa kanya. "Happy birthday to you..."

Sobrang tuwa ang naramdaman niya nang mga sandaling iyon. Sa loob ng napakaraming taon, ngayon na lang uli siya naaawitan ng birthday song at nakatanggap ng birthday cake. Naluluha na tuloy siya.

"Blow the candles," udyok ni Trigger. "Mamaya ka na umiyak."

"Heh." Tinampal lang niya ito sa braso. "May itinatago ka palang boses sa pagkanta. Itago mo na lang iyan, ha?"

He touched a finger on the cake and wiped it on her nose. "Mag-wish ka muna bago ka manlait diyan."

Hinayaan na lang niya ang cake sa kanyang ilong at pumikit. "I wish...pagmulat ko ng mga mata ko, nariyan pa rin si Trigger sa harap ko."

Her wish was granted when she was greeted by Trigger's handsome smiling face as she opened her eyes. Ikinulong niya sa kanyang mga palad ang mukhang iyon. Marahan pa niyang tinapik-tapik iyon para lang makasigurong hindi iyon agad maglalaho.

"You seem so real," sambit niya. "But I'll take you as you are, Trigger Samaniego. Whether you're a dream or for real." And then she planted a kiss on his lips. "Happy birthday to me."

"Hmm."

"Hilo na ako. Bye." Basta na lang niya ibinagsak ang ulo sa mesa at ipinikit ang kanyang mga mata. Tuluyan na siyang sumuko sa kaway ng antok.

Gayunpaman, naramdaman pa rin niya ang pag-angat ng katawan niya sa kinauupuan niya. She breathed in that familiar masculine scent as she wrapped her arms around the one who was carrying her.

"Trigger...I miss you..."

Stallion #50: Trigger Samaniego (On Going)Where stories live. Discover now