Part 18

1.5K 52 2
                                    

"MOMMY, ANO bang kalokohan itong ginawa mo? Bakit ipinadala mo rito si Trigger?!"

Halos madurog na ni Jeuliette ang reciever ng telepono habang walang tigil siya sa pagparoon at parito sa malawak na sala ng kanilang bahay. Tinawagan na niya ang ina nang magbalik na si Trigger sa garahe upang ituloy ang naudlot nitong ginagawa roon.

"Yes, dear? Nagustuhan mo ba ang regalo ko para birthday mo?"

"Mommy!"

"What? Hindi mo type? Hmm, dapat pala ay inilagay ko siya sa isang malaking box at ipina-giftwrap. Para mas suspense, di ba?"

"Mommy, naman! Hindi ito nakakatawa! Paalisin mo si Trigger dito! Ibalik mo siya sa kung saan mo man siya nadampot!" Bigla siyang may naalala. "Wait, ang sabi niya, napanalunan mo raw siya sa isang charity auction."

"Yes."

"Naroon kayo nang magkaroon ng auction sina Tamara para sa inaanak ni Polly?" Naikuwento lang sa kanya iyon ni Annamae nang dalawin siya nito sa kanyang opisina.

"Yes."

"Paano kayong nakapasok ng Stallion Riding Club? Mahigpit ang security doon, ah."

"Hija, did you forget your cousin Winry? Her husband is a club member. That handsome man got me in."

Oo nga pala. "How about Trigger? How did you know about him?"

"From your highschool days. And of course, narinig ko ang pag-uusap ninyo noon nina Nova at Annamae diyan sa bahay." Napabuntunghininga na lang ito. "Hija, alam kong masyado akong nakikialam sa buhay mo. But I only want to see you happy. Masyado ng matagal na pinagtataguan mo ang kahapon mo. Its time you face it up, dear. Because that's the only time you will be happy."

"Mommy—"

"Because the only one who could make you happy is your past, Jeuliette. Also known as Trigger Samaniego."

The only one who could make me happy is my past. And my past is Trigger Samaniego. It was her turn to sigh.

"Its not that easy, Mommy."

"Madali lang iyan. Just forget about your fear and accept him again in your life."

"Mahirap masaktan, Mommy."

"I know, honey. But sometimes, it's the only way we learn about life."

Minsan, buwisit ang buhay. Bakit kailangang sa ganong paraan pa dapat matuto ang mga tao?

"I have to go, dear. May massage session pa kami ng Tita Aurelia mo. You'll be fine. As for Trigger, he is such a gentleman kaya hindi ako natatakot na iwan kayong dalawa riyan sa bahay. Kung may mangyari man sa inyo, mas pabor sa akin iyon. Gusto ko ng magkaapo ng magaganda at guwapo."

"Mommy!" Tumawa lang ito at naputol na ang linya. Hindi talaga siya makapaniwala sa nanay niyang iyon. Talagang kinukunsinti pa ang nananahimik na kahalayan sa isip niya.

Sinilip niya si Trigger mula sa bintana na malapit sa kanya. Abala pa rin ito sa paglilinis ng kotse niyang hindi na niya nagamit kagabi. And damn those hot, hot body! Napakagat-labi na lang siya nang pasadahan ng mapagpala niyang mga mata ang katawan nitong wala na namang suot na t-shirt. He had a sculptured body from waist up. Naka-maong pants kasi ito kaya hindi niya mabistay ang ibabang bahagi nito pero mukhang hindi na rin niya kailangang makitang wala itong suot na pantalon para lang malaman na maganda rin ang makikita niya roon.

Mabilis niyang tinalikuran ang kanyang pagsilay. "Ano ka ba naman, Jeuliette? Nakakadiri ka! Naninilip ka na ngayon ng lalaki!"

Pero kasi... Hindi rin siya nakatiis at muling sinilip si Trigger. She never really thought that washing cars could give a man such a sexy edge. Kaya marahil, hindi na kataka-takang ilang beses ng may napapalingon na mga babae sa garahe niya. At hindi rin iilang beses na may iba pa nga na saglit na napapahinto kapag nakita si Trigger. Ganon kalakas ang appeal nito na kahit sa paghuhugas ng sasakyan ay nagagawa pa rin nitong mang-akit ng walang kahirap-hirap.

Sana, araw-araw na lang ay tag-init.

Bumalik siya ng kusina at kumuha ng maiinom para rito.

"Palamig ka muna, Trigger."

Nilingon siya nito at muntik na siyang kumaripas ng takbo pabalik ng kanyang kuwarto at magkulong doon. A handsome guy washing cars was such a disarming sight. At hindi siya exception sa mga babaeng nahuhulog ang puso sa pangitaing ito ngayon sa harap niya.

"Thanks."

Nakasunod pa rin ang mga mata niya kahit sa ginagawa nitong pag-inom lang. Look at that hot body! Aw! Sobra ng kamunduhan itong pumapasok sa isip niya. Kailangan na niyang lumayo at alisin ang lahat ng makamundong isiping iyon.

"Yeti."

"Huh?"

"Puwedeng makahingi ng isa pa? Pasensiya na, nakakauhaw kasi talaga. Hindi lang ako makabalik ng kusina kanina dahil ang dumi ko na. Baka madumihan ang bahay ninyo."

"Madumi?" Muling namaybay ang mga mata nito sa malapad at matipuno nitong dibdib. "Aba'y kung ganyan din lang naman ang definition mo ng marumi, sige, magpakadumi ka na lang lagi."

Narinig niya itong malakas na tumikhim. When her eyes went up to his face, she was greeted by the sexiest smile and eyes that ever existed on this freakin' world. He knew she was talking, and looking, at his sculptured chest! Deym!

Agad niyang naramdaman ang mabilis na pag-iinit ng kanyang mukha.

"Kukuhalangulitakongmaiinommo." Kahit siya ay hindi naintindihan ang kanyang sinabi kaya tumikhim na rin siya at tumingala. "Kukuha lang ulit ako ng maiinom mo. Sige."

"Yeti."

Dahil may kasalanan, mariin siyang napapikit at mabilis na nagpaumanhin. "I know, I'm sorry. Hindi dapat kita tinitingnan ng ganyan. Pasensiya na, talaga kasing hindi ko maiwasan. Pero wala akong intensyong masama, I swear. Hinding-hindi na ako titingin uli sa iyo, pangako—"

"Nakalimutan mo ang baso ko."

"Ha?" Doon lang siya dumilat. Trigger was handing out to her his glass. And she was telling him straight up that she was actually watching his hot body.

Yeboi! Break it down...

Mabilis niyang kinuha ang baso nito at nagmartsa na papasok ng bahay.

Stallion #50: Trigger Samaniego (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon