Part 3

2K 65 5
                                    

ABALA SA harap ng computer si Jeuliette.  Break time na nila sa school pero hinid pa rin niya magawang iwan ang kanyang ginagawa kaya nga nagpaiwan na muna siya sa computer room nila.  Halos dalawang buwan pa lang ang nakakalipas nang mag-umpisa sila sa kanilang subject na computer.  At fascinated na talaga siya sa teknolohiyang iyon.  Kaya nga mula nang makahawak siya ng computer, kulang na lang ay itali niya iyon sa katawan niya.  She’d been asking her mother to buy her her own computer.  Ang sabi lang ng groovy niyang ina, ‘ano iyon?’.  Pero baka raw sa katapusan ng buwan ay magkaroon na siya ng computer niya.  Sa ngayon, tutuklasin na muna niya ang lahat ng puwede niyang malaman tungkol doon.  Naging past time na nga niya iyon kaya madalas, kapag recess time, nagpapakalunod siya sa harap ng computer imbes na kumakain.
May narinig niyang malakas na tumikhim sa likuran niya.  Hindi niya iyon pinansin.  Aalis naman siguro iyon kapag hindi niya nilingon—
“Busy, ah.”
Tila nanigas ang mga daliri niya sa pagpitada ng keyboard nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.  Nagdedeliryo na yata siya.  Ngunit sa kanyang unti-unting paglingon sa tabi niya ay mas lalo pa yatang nanlamig ang buo niyang katawan.  Dahil ang nag-iisang taong inaasahan niyang makikita nang mga oras na iyon ay heto na nga sa kanyang tabi.
Si Trigger Samaniego.  Nakaupo ito sa isang silyang nahila nito kung saan.  At ngayon ay malapit na nga ito sa kanya.  Malapit na malapit.  ‘Yung sobrang lapit na parang puwede na niyang halikan ang pisngi nito habang nagpapakalunod siya sa bango nito.
“Wow.  Ang galing mo pala sa computer, Yeti.  Pinag-aaralan pa lang namin ang program na ito pero ikaw, sisiw na lang sa iyo.  And to think na first year ka pa lang samantalang fourth year na kami.”
“Ah…”
“Alam mo bang lagi akong bokya sa mga tests namin sa computer?  Nakakatamad naman kasi.  Tingin ko para lang sa mga tamad itong computer.”
Ay, ganon?  Aray ko po…
Napalingon ito sa kanya.  “Ah, sorry.  I didn’t mean to offend you or anything.  Ang ibig ko lang sabihin, para lang sa mga walang magawa…ah…”  He gave her a sheepish smile.  Her heart gave up once again.  “Sorry...ang totoo, talagang wala lang akong alam sa computer.  ‘Yun lang.”  Ikinumpas nito ang kamay.  “Shing!  Shing!  He-he.”
Napakurap-kurap na lang siya.  “Did you just make…a joke?”
“No.”
“Oh.”
And then he just laughed.  At gaya pa rin ng dati, tila nilipad na rin ng hangin ang anong iniisip niya nang mga sandaling iyon.  Lalo na nang bahagya nitong kurutin ang kanyang pisngi. 
“You’re really cute, Yeti.  Oo nga pala.  Hope you don’t mind if I call you ‘Yeti’.  Masyado kasing mahaba ‘yung Jeuliette.  Bagay naman sa iyo.  Parehong cute.”
Damang-dama niya ang pag-iinit ng kanyang mukha kaya siguradong namumulang parang kamatis na naman ang mga pisngi niya.  At, as usual, wala na naman siyang masabi.
“Naiinitan ka?”
“H-ha?”
“Namumula kasi ang pisngi mo.  Wait, lalakasan ko ang aircon.”
“Huwag na…”
Ngunit nakatayo na ito at nakalapit sa aircon.  Wala siyang nagawa kundi ang pagmasdan ito ng buong paghanga.  She had never seen such a boy who exudes so much confidence it actually made him even more handsome in her eyes.  Kaya nga sa kabila ng mas malamig na paligid ngayon ng computer laboratory nila, nararamdaman pa niya ang pag-iinit ng kanyang mukha.  Lalo nang bumaling ito sa kanya.
“Okay na?”  Tumango na lang siya.
Natahimik na naman siya nang bumalik ito sa tabi niya.  ngunit doon din niya napansin ang nameplate sa breast pocket ng suot nitong polo uniform.  J. Samaniego.
“Bakit suot mo ang uniform ni Jigger?”
“Hmm?  Oh.”  Sinipat muna nito ang tinutukoy niya bago sumagot.  “Maybe because I am Jigger.”
“No, you’re not.  You’re Trigger.  Bakit mo ba gustong-gustong mapagkamalang si Jigger?”
Pinagmasdan lang siya nito.  At parang gusto niyang lumubog na sa kinauupuan niya nang mga sandaling iyon.  Napakadaldal talaga niya kahit kailan.  Ngayon tuloy, siguradong pakialamera at atrimitida na ang tingin nito sa kanya.  Bakit ba kasi pinakikialaman pa niya ang mga bagay na wala namang kinalaman sa kanya?
Ibinaling na lang tuloy niya sa computer screen ang kanyang atensyon.  Ngunit parang hindi na rin naman gumagana ang utak niya dahil halos hindi na nga niya alam kung ano ang kaharap niyang iyon at kung nasaan na siya.  Basta ang alam niya, galit na sa kanya si Trigger.
“Can I ask you something, Yeti?”
Mariin siyang napapikit at napahinto sa pagtipa ng kung ano-anong letra sa computer.  “I’m sorry!  I’m really sorry!”
“Sorry?  Para saan?”
“Hindi ako dapat nakikialam sa mga gusto ninyong gawing magkakambal.  I’m really sorry—“
“A, iyon ba?  Don’t worry.  Wala sa akin iyon.  In fact, natutuwa pa nga ako.  At tungkol doon ang gusto kong itanong.”
Unti-unti niya itong nilingon.  “Hindi ka…galit?”
“Huwag mong itatago ang mukha mo, Yeti.  Maganda ka.”  With that ever gorgeous smile on his handsome face, he reached out his hands to her face and tucked her hair behind her ears.    “As for your earlier question, no.  Hindi ako galit.  Bakit mo naman naisip na magagalit ako?”
Wala na.  Talagang lusaw na lusaw na ang puso niya rito.  At mukhang wala ng pag-asa pang tumino uli iyon hangga’t ito ang nasa harap niya.
“Nasabi ko na sa iyo noong unang beses tayong nagkita na natutuwa akong may isang taong kaya kaming kilalanin ni Jigger,” wika nito.  “Ikaw nga iyon.  Kaya bakit ako magagalit?”  Hinawakan nito ang nameplate sa polo nito.  “May sakit ngayon si Jigger.  May test pa naman sila sa Geometry at hindi puwedeng um-absent kaya ako na muna ang pina-attend niya sa test.  Wala namang naging problema dahil hindi naman nakahalata ang teacher nila.  Ang magiging problema lang, baka magulat ang teacher nila kapag naka-perfect score siya sa math.”
Magkaiba nga naman kasi ng section ang magkakambal kahit halos pareho lang ng talino at kahinaan ang mga ito.  Ang pagkakaalam niya, ayon na rin sa mga balitang nasasagap niya sa mga babaeng may gusto sa mga ito sa kanilang paaralan ayaw malito ng mga ito ang kani-kanilang mga teacher kaya sila na ang nagpasyang maghiwalay ng klase.
May kinuha ito sa bag nito.  Isang nakabalot na burger.  “Here.  Sa iyo na lang.”
“Naku, huwag na.  Salamat na lang—“
Nawala na siya ng imik nang kunin nito ang kamay niya at ilagay sa palad niya ang burger.  “This is a thank-you gift.  Salamat dahil nakilala mo ako, Yeti.  Pero curious lang ako.  Paano mo nga pala kami nadi-distinguished ni Jigger sa isa’t isa?”
“Ah…”  Napalunok siya habang nakamasid sa kamay nitong nakahawak pa rin sa kamay niya. 
Syet!  Kahit hawakan mo pa ang kamay ko habambuhay, ipagpapasalamat ko pa iyon! 
O, ha?  Nakapagmura siya ng wala sa oras dahil lang doon.
“A-ano…’yung sagot dun sa tanong mo…hindi ko rin talaga alam kung paano ko kayong nakikilala ni Jigger.  Basta lang kapag nakikita ko kayo, magkaibang tao ang nakikita ko.”
“Talaga?  Hmm,  I’ll tell that to Jigger.”  And then he gave her a sideway glance, as if he was really glad of seeing her.  “That was really nice, Yeti.  Siguradong matutuwa sa iyo ang Mommy namin kapag nalaman niya iyang sinabi mo.”  Pinansin nito ang hawak pa rin nitong kamay niya.  “And you have a really nice hand.  Masipag ka siguro, ano?”
In short, magaspang ang kamay niya.  Mabilis niyang binawi ang kanyang kamay at pilit na itinago iyon.  Hinayaan na lang siya nito at ibinaling na lang sa computer monitor ang atensyon.
“Ang galing mo talaga,” wika uli nito sa tabi niya.  “Noong first year ako, nanginginig pa ang mga daliri ko nang lumapit ako sa computer.  Pakiramdam ko kasi kakainin ako nun.  Pero ikaw, look.  Nagawa mo ang program na pinag-aaralan pa ng mga bobong fourth years na tulad ko.”
“Hindi ka naman bobo.”
He turned to her with the still present smile on his handsome face.  “You’re flattering me too much.  Thank you.”
At ang reaksyon ng kanyang puso?  Wala lang.  Ano pa nga ba, kundi ang mataranta.  “Ahm, m-madali lang naman ito…”
“Puwede mo akong turuan?  Gusto kong maunahan ang mga kaklase ko sa computer subject namin.  Para naman matuwa-tuwa sa akin ang teacher namin.”  Sinulyapan nito ang relogn pambisig.  “Habang wala pa ang mga kurimaw kong kaklase.  Okay lang ba, Yeti?”
Yeti.  He gave her a petname.  Ilan lang ba sa school nila ang nilapitan nito at binigyan ng petname?  Wala.  Siya lang siguro.  Cute.  Kaya sino siya para tanggihan ang lalaking itinatangi ng musmos niyang puso?  Sunod-sunod siyang tumango.  Buong puso niya itong tuturuan ng lahat ng nalalaman niya kung iyon ang makakapagpasaya rito. 
“Madali lang naman ito,” wika niya na may kakaibang sigla at galak sa kanyang puso.  “Kapag nagamay mo na ang mga commands, hindi ka na mahihirapan sa paggawa ng sarili mong greeting cards.”
“I sure hope so.”  Humarap ito sa isa pang computer at hinanap ang computer program na ginagamit niya.  “Paano ba iyan?”
Excited niya itong tinuruan.  Nakakatuwang isipin na sa kabila ng malaking agwat ng kanilang taon sa highschool, meron pa rin palang mga bagay silang puwedeng magkasundo.  At sa school subject pa.  Pag-uwi niya mamaya, magdadasal talaga siya para magpasalamat sa Diyos sa napakagandang biyaya na natanggap niya nang mga oras na iyon. 
She must have been a really good girl to deserve such ‘gift’. 
“Hey, nagawa ko na rin sa wakas,” sambit ni Trigger nang sumandal ito sa kinauupuan nito upang ipakita sa kanya ang ginawa nitong greeting card sa computer nito.  “Look.  What do you think?”
She did.  And she almost fainted when she saw what he had written in his virtual greeting card.  Sinabi kasi niya na gawin nitong pattern ang ginawa niyang card.  At sinunod naman siya nito.  Pero hindi niya akalaing iyon ang magiging resulta ng lahat.
Dahil sa card niya, ang ginawa niyang sample ay ‘just tell me you love me’ ang nakasulat.  Habang sa card nito, tumataginting na ‘I love you’ ang nakasulat.
“Ayos ba?” tanong nito.  “Maganda?”
Just tell me you love me.
I love you.
Bahagya pa siya nitong tinapik.  “I know you’re speechless of my progress.  Pero sana kahit paano, magsalita ka naman.  I still want to hear what you think of my work.”
“Its ah…its good.”
He smiled proudly smiled as he turned his attention back on his work.  “Hmm, sa wakas, matutuwa na rin sa akin ang teacher namin sa computer.”
“Matutuwa iyon sigurado.”
“Yeah.”  Tumango-tango pa ito saka siya binalingan.  He was still smiling as he watched her.  “Thank you, Jeuliette.”
Nagregodon na naman ang puso niya.  “Walang anoman.”
“Magaling ako sa mga numero.  Iyon ang ipinagmamalaki ko.  Kaya kung nahihirapan ka sa mga Math subjects mo, tawagin mo lang ako.  Tuturuan kita sa abot ng makakaya at maaalala ko.”
Oh, what a sweet boy… “Salamat.”
“Huwag mo na muna akong pasalamatan.  Magpapaturo pa kasi ako sa iyo.  Sana okay lang.  Okay lang ba?  Wala kasi talaga akong tiyaga sa mga computers.  Inaantok ako sa subject namin na ito.  Sa iyo nga lang ako nakapag-pay attention.  Bakit kaya?”
“Baka malabo mag-explain ang teacher mo.”
“Oo nga.  Mas masarap kang pakinggan na mag-explain.  At mas cute ka sa teacher ko.”
Gaya ng gawain ng mga computers, sini-save niya ang lahat ng sinasabi nito sa kanya.  Dahil sigurado siyang iyon na ang magiging inspirasyon niya buong buhay niya. 
Narinig na nila ang pag-ring ng bell.  Umpisa na naman ng klase.  Kailangan na rin nilang maghiwalay dahil ang klase na nito ang susunod na gagamit ng computer laboratory.  Kailangan na rin niyang pumunta sa susunod niyang klase.
“Goodluck, Trigger.   Sana nga makatulong sa iyo ang mga itinuro ko.”
“I’m sure it would.  Ako na.”  Kinuha nito ang mga libro niya.  “Ihahatid na kita.”
“H-ha?”
“Hanggang pinto lang ng computer lab.  Klase na kasi namin ang susunod dito kaya di na ako makakatakas para ihatid ka pa hanggang classroom ninyo.”
“Salamat.”
Tila lumulutang ang mga paa niya habang naglalakad patungo sa pinto.  Kahit kailan ay hindi niya naisip na darating ang ganitong pagkakataon sa buhay niya.  Kung saan makakasama niya ang binatilyong nagkaroon na ng malaking bahagi sa kanyang batang puso. 
If this was what they call puppy love, then so be it.  She was inlove with Trigger Samaniego.
“Wait, nakalimutan mo ang burger mo.”  Binalikan ni Trigger ang naiwan niyang pagkain na ibinigay nito.  “Here.  Kumain ka na muna bago ka pumasok sa susunod mong klase.”
“Oo, sige.”  Itinaas niya ang ibinigay nitong burger.  “Salamat uli dito.”
“You’re welcome.”  Bago pa siya makasagot ay nakalapit na ito nang husto sa kanya at naidampi na nito ang mga labi nito sa kanyang pisngi.  “Salamat din, Yeti.”
Oh, goodness!
He kissed her.
He just kissed her!

******Kung naiinip sa slow update: complete ebook with ending available here  https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/1427/STA00050---Stallion-Series-50--Trigger-Samaniego-1

Stallion #50: Trigger Samaniego (On Going)Where stories live. Discover now