Part 12

1.5K 67 4
                                    

TENSYONADO ANG mesa nilang iyon.  Dahil na rin sa nararamdaman ni Jeuliette na mga tinginan nina Pipo at Annamae.  Which was not a good idea, since ang alam ng mga magulang ng kanyang kaibigan ay ang lalaking katabi nito ang kasintahan nito.  Well, nagpapanggap lang na magkasintahan ang mga ito para nga makalusot si Annamae sa ultimatum ng ama nito ngunit nagiging kumplikado na ang lahat lalo na ngayong mahal na nga ng kaibigan niya ang pasimuno ng lahat ng iyon.  Si Pipo.
Men, sambit niya sa isip.  Sometimes, they can be the dumbest creature on the planet. 
Hindi kasi ina-anticipate ng mga ito ang mga posibilidad na magkagustuhan ang lalaki at babae once na napunta sila sa isang sitwasyon at nagkaroon ng pagkakataon na magkasama at magkakilala.  Mabuti na lang at hindi siya naging lalaki.
At ang extra’ng lalaki naman na ito, napakagaling umarte.  Parang totoong-totoo nga na magkasintahan sila ni Annamae.  Dahilan naman iyon upang magselos nang husto si Pipo.
Men, sambit uli niya sa isip.  Sometimes they can looked cute on their darnest acts.  And I was ONLY talking about Pipo.
Dahil wala siyang pakialam dun sa isa.  Nang mapag-usapan ang tungkol sa kasal nina Jigger at Annamae, nag-walkout si Pipo.  Sumunod ang kaibigan niya nang magpalusot itong magsi-CR.  Naiwan silang apat.  Ipinagpatuloy lang niya ang kanyang pagkain habang nagkukuwentuhan ang mag-asawang matanda. 
“Mukhang matatapos na ang papel ko rito, ah.”
Sinulyapan niya ang katabi.  Ayaw na sana niya itong kausapin dahil baka hindi siya matunawan.  Pinagbigyan lang niya ang light conversation kanina dahil binibigyan niya ng pagkakataong magkausap, kahit pasimple, sina Pipo at Annamae.  Ngayong wala na ang dalawa, talagang hindi na niya ito susulyapan man lang sana.  Pero kabastusan naman kung iyon ang gagawin niya.  Kaya siguro, idedemanda na lang niya ito kapag hindi siya natunawan.  Magaling namang abogada ang kaibigan niyang si Nova. 
“Papel?”
“You’re observant.  You know what I mean.”
“No.”  Mahina lang ang usapan nila kaya hindi naman sila naririnig ng mag-asawang Ronquillo.  “Huwag mo na muna siguro akong kausapin, Mister.  Baka kasi kung ano pa ang isipin nina Tito Roldan.”
“Okay.”  Umayos naman ito ng upo sa silya nito.  He had crossed his arms over his chest as he looked at her again.  “Its been a while, Jeuliette.  Kumusta ka na?”
Nagkibit lang siya ng balikat.  “Baka hindi ako ang Jeuliette na kilala mo.  Pasensya na pero hindi kita kilala.”
“Hmm, so hanggang ngayon pala ay malaki pa rin ang galit mo sa akin.  Puwede pa ba akong mag-apologize sa nagawa kong kapalpakan noon sa inyo ni Trigger?”
Kung puwede nga lang manaksak ng tinidor, ginawa na niya.  At sisiguraduhin niyang sa ngala-ngala nito tatama ang tinidor na gagamitin niya laban dito. 
“Sorry, hindi ko alam ang sinasabi mo.”
“I’ll tell Trigger about this then.”
Sa narinig ay wala siyang nagawa kundi ang lingunin ito.  Pero wala pa rin siyang balak na makipaglapit dito.
“Fine.  You’re forgiven.  Satisfied?”
Ngumiti lang ito.  “Si Trigger pa rin ang weakest point mo, Yeti.  Kaya madali kang mahuli.”
“Okay.”  Ipinagpatuloy na uli niya ang kanyang pagkain. 
“Do you know Trigger’s getting married by the end of this month?”
“Yeah, right.”
“You don’t believe me?”
“I also don’t trust you.”
“I’m Trigger’s twin.  I know all about him.”
“I’m your worst nightmare.  I know more about him than you do.”  Binalingan niya ito saka binigyan ng ngiting aso.  “Hindi magpapakasal si Trigger dahil wala nga siyang girlfriend ngayon.”
“Paano mong nalaman iyan?”
“Matalino ako, eh.”
“Are you stalking him?”
“I would never stoop down to that level.”  Napakunot ang kanyang noo nang ma-realize na masyado ng matagal na nakikipag-usap siya sa kulugong ito.  “Pasensiya na.  Pero kasi hindi na ako makakain ng maayos.”
“Go ahead.”  Ipinagpatuloy na niya ang pagkain.  “Pero talagang hindi pa kayo nagkikita ni Trigger?”
Hindi na siya sumagot.  Para lang hindi na humaba pa uli ang usapan.  Wala siyang kabalak-balak na maging close dito kahit ito pa ang kakambal ng pangatlo sa pinakamamahal niyang tao sa mundo.
“Kunsabagay, hindi ka na rin naman maalala ni Trigger kahit magkaharap pa kayo ngayon.  Ewan ko rin sa isang iyon.  Nag-away ba kayo bago ‘yung insidenteng iyon sa pathway ng school natin dati?”
“I don’t know.”
“That’s really strange.  To think na si Trigger ang tipo ng taong hindi madaling makalimot sa mga taong dumaraan sa buhay niya.  Unless may ginawa iyong mali sa kanya.”
“Okay.”
Natahimik na rin ito sa wakas.  Minsan na niyang pinakinggan ang mga sinasabi nito at wala iyong naidulot sa kanya kundi sakit ng puso.  Kaya hinding-hindi na siya maniniwala rito kahit kailan.   Mukhang nakahalata na rin naman ito ng malamig niyang pagtrato rito.  Good, at least hindi ito kasing manhid gaya ng iniisip niya.
Tumunog ang kanyang telepono.  Si Nova ang tumatawag.  “Hello?”
“Nasaan ka?”
“Bakit?”
“Ako ang unang nagtanong.”
Kahit kailan talaga, demanding ang bruhang ito.  “Sa restaurant.  Bakit?”
“Kasama mo pa rin si Annamae?  Tinawagan ako nun kanina, eh.  Kaso nasa Makati RTC ako at may ipinapatapong congressman sa Bilibid.  Kumusta ang usapan ninyo?  Ayos na ba siya?  Kung problemado pa rin siya, sabihin mo, gahasain na ‘yung Pipo na iyon.  At hayaan na lang niya sa mga kuko ko si Jigger Samaniego.”
Napalingon siya sa nananahimik na lalaki sa katabi niyang upuan.  Oo nga pala, muntik na niyang makalimutan na may isang tao ring mas malaki ang galit para sa lalaking ito kaysa sa kanya. 
“Speaking of that guy, he’s here beside me.”
“Who?  Pipo?”
“No.  The other one.”
Tumawa lang ito sa kabilang linya.  “Talagang hindi mo maatim na banggitin man lang ang pangalan niya, ha?  Kunsabagay, kahit ako—wait, you mean…Jigger was there with you?  Bakit kasama mo ang ungas na iyan?  Lumayo ka sa kanya!  Babaho ang kamay mo!”
“Gusto mo siyang kausapin?”
“Bakit?  Platinum ba katumbas ng bawat salita niya?  Sige, put him on the phone.”
Ibinigay niya sa nagtatakang binata ang cellphone niya.  “Gusto ka raw makausap ng kaibigan ko.”
“Sino?”
“Nova.”
Agad nangulubot ang makinis nitong noo nang magsalubong ang mga kilay nito.  Pati ang walang kupas na ngiti sa mga labi nito ay parang bulang naglaho nang marinig ang pangalang binanggit niya.  Madalas banggitin noon pa man ni Nova kung gaano kalaki ang galit nito sa kakambal ni Trigger.  Pero ni minsan ay wala itong binanggit na dahilan kung bakit.  Sa nakikita niyang reaksyon ngayon ng lalaki, inisip baka may nakaraan ang mga ito.  And most probably, kagagawan iyon lahat ng kakambal ni Trigger.
Nasaksihan pa niya ang lalong pagdilim ng ekspresyon ng mukha nito habang pinakikinggan ang nasa kabilang linya.  Inabot lang siguro ng ilang segundo bago nito ibinalik sa kanya ang cellphone niya.  Pagkatapos ay walang imik pa rin itong tumayo at magalang na nagpaalam sa mag-asawang Ronquillo.  Tatanungin sana niya ang kaibigan kung ano ang sinabi nito at nag-walkout ng ganon ang lalaking iyon.  Pero hindi pa man lumalapat sa tenga niya ang cellphone ay naririnig na niya ang pagdadaldal ni Nova sa kabilang linya.
“Mabuti na lang at nahilig kang kumain ng okra at saluyot noong kabataan mo,” patuloy ni Nova.  “Madulas ka.  Dahil kung hindi, matagal na kitang natiyempuhan at naipatapon sa Bilibid kasama ng mga sira ulong politiko ng bansang ito—“
“Nova, wala na siya.”
“Ha?  Hello?  Jeuliette?  Nasaan na ang timawag iyon?  Hindi pa ako tapos sa litanya ko—nakuuuu!  Matiyempuhan ko lang talaga ang impaktong iyon, hahatawin ko siya ng drumsticks ko!”
“Goodluck.  Pakibatok na rin ako sa kanya.”
“Sige, ‘bye.”
Dial tone na lang ang maririnig mula sa kabilang linya.  Napabuntunghininga na lang siya.  Hanggang ngayon, naloloka pa rin siya sa pagiging no-nonsense at straight-to-the-point ni Nova.  Hindi na ito nagpapaligoy-ligoy pa kapag may gusto ito at ayaw.
Nag-excuse na rin ang ama ni Annamae para magpunta sa men’s room.
“Hija,” baling sa kanya ni MRs. Ronquillo.  “That Pipo guy, was he…inlove with my daughter?”
Oh, brother.  Mukhang hindi lang siya ang nakahalata sa mga pangyayari kanina.  “Bakit naman ho ninyo naitanong iyan?”
“Nakikita ko kasi kung paano niya tingnan si Annamae kanina pa.  Alam ko ang indikasyon ng mga taong nagmamahal dahil ako man ay nagmamahal din.”
“Tita, nasagot na po ninyo ang tanong ninyo.”
“Oh.”
“May problema ho ba?”
“Well…Annamae was getting married so, that’s a bit of a problem.”
“Huwag na ho ninyong intindihin iyan, Tita.  Kung hindi naman kikilos si Pipo para makialam kina Annamae at Ji—at sa boyfriend niya, wala hong magiging problema, hindi ba?”
“You’re right.”
Pero napansin niyang tila malalim pa rin ang iniisip nito.  “Tita, kung sakaling si Pipo ang makatuluyan ng anak ninyo, tututol ba kayo?”
“Of course not.  Kung saan masaya si Annamae, doon din kami.  Si Pipo man iyon o si Jigger.”
Magdiwang ka na, Annamae.  Your mother just gave her blessing for you and Pipo.
“Kayo ba ni Jigger, walang relasyon?”
“Wala naman ho.  May napansin din kayo sa kanya?”
“He looks worried.”
“Kanino?”
“Sino ba ang tinitingnan niya nang mawala si Annamae?”
Tatawa ba siya o maaasar?  Maaasar na lang siguro.  Pagkatapos ay tumawa na rin siya para hindi naman mapahiya ang matandang babae.  Pero kaasar talaga ang sinabi nito, ha?  Worried daw sa kanya ang lalaking iyon.  Tse!

Stallion #50: Trigger Samaniego (On Going)Where stories live. Discover now