Stallion #50: Trigger Samanie...

By Sonia_Francesca

40.5K 1.3K 177

Enjoy reading ^_^ More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19

Part 14

2K 66 12
By Sonia_Francesca

"ANG SABI ni Kester, wala ka naman daw seryosong pinsala. Pero sa susunod, maghinay-hinay ka na sa pag-inom. Nakakahiya na magiging disable ka lang nang dahil sa pag-inom ng tubig. Modelo ka pa naman."

"Yes, Angelo."

Mabait ang pakiramdam ni Jeuliette nang mga sandaling iyon kaya hindi niya masagot-sagot si Angelo. Nasa tabi kasi niya si Trigger.

"Ikaw naman kasi, Angelo, dapat binabantayan mo ang mga alaga mo at nang walang napapahamak sa kanila."

"They're old enough, Trigger. And I don't think magugustuhan nilang minamando sila, lalo na itong si Jeuliette."

"I can take care of myself," wika niya sa wakas. "Simpleng aksidente lang ang nangyari sa akin kanina. Hind na iyon muulit."

"Dapat lang. I don't want any casualties among my models while we're still here."

"Angelo." Isang lalaking naka-riding club uniform ang kapapasok lang ngayon ng clinic at inakbayan ito. "Para kang pari na nagsesermon. Cool ka lang."

"Pinangangalagaan ko lang ang mga alaga kong modelo, Reigan."

"Sinong model? Ako ba ang tinutukoy mo? Kunsabagay, pangrampa nga naman ang kakisigan ko—"

"He's talking about Jeuliette," singit ni Trigger. "And me, of course."

"Kailan ka pa naging modelo?"

"Ikaw, kailan ka rin naging modelo?"

Tumawa lang ang dalawang lalaki at nag-high five. Iiling-iling na lang na nagpaalam si Angelo matapos siyang bigyan pa ng ilang paalala.

"Masyado yatang stiff ngayon si Angelo Exel Formosa natin," puna ni Reigan. "Ikaw, Trigger, anong drama mo ngayon, ha?"

"I saved someone. Kaya mo iyon?"

"I'm a doctor. Sisiw na lang sa akin iyon."

"Oo nga naman," sang-ayon naman agad ni Trigger.

Binalingan siya ni Reigan. "Is that true?"

Tumango lang siya. Eksaheradong sumimangot si Reigan. Tumawa naman si Trigger saka bumaling sa kanya.

"Okay ka na?" Tumango lang uli siya. "Kung meron ka pang kakaibang nararamdaman, huwag kang mahihiyang sabihin. Well-equipped naman itong clinic namin dito at pinakamagagaling na doktor sa bansa ang mga doktor namin dito."

"Oo." Parang ipis na naipit ang boses niya nang sumagot siya. Kaya tinakpan na lang niya ang kanyang bibig at tumango.

Natawa na lang si Reigan. Ngumiti lang si Trigger. Mabilis niyang nakalimutan ang kanyang kahihiyan. Lalo na nang mapansin niyang mataman siyang piinagmamasdan nito. Dumagundong ang tibok ng kanyang puso. No one had ever looked at her that way.

"Have we met before?" tanong nito. "I think I know you..."

Binalot ng kaba ang dibdib niya. Nakilala na ba siya nito sa wakas? Shucks. Hindi siya nakapaghanda ngayon—

"Alam kong nagkita na tayo doon sa fashion show na dinaluhan ninyo ni Angelo," patuloy nito. "Pero sa tingin ko, meron pang ibang dahilan kung bakit parang nakilala na kita noon."

"Trigger," untag ni Reigan. "Hindi ba't iyan din ang linya mo kay Liezel noong nakaraang araw? Diskarte mo talaga, bulok."

Liezel? Who's Liezel? Girlfriend nito? Pero wala pa siyang nakakalap na impormasyon na may bago itong kasintahan ngayon. Hindi nito kinumpirma ang sinabi ni Reigan. Nanatili lang kasi itong pinagmamasdan siya ng maigi.

"I'm not Liezel," aniya.

"I know." And then he lightly touched her dishevelled hair. "I thought..."

He let her hair go, watched her face once again before getting up from his seat. Tinapik nito sa balikat si Reigan.

"Pakibantayan ng maigi si Jeuliette, pare."

"May asawa na ako."

"Doktor ka."

"Pedia ako. Si Kester dapat ang pinagbibilinan mo sa kanya. O kaya si Cloud."

Tumunog ang cellphone ni Trigger. Tiningnan lang nito iyon at hinayaang nag-iingay. "Maghahanap lang ako ng nurse na libre para sa iyo, Jeuliette."

"A, hindi na kailangan. Maayos na ang lagay ko." Patayo na rin sana siya sa kinauupuan niya nang muling bumaling sa kanya si Trigger. Napaupo tuloy siya uli sa puwesto niya. "Okay lang talaga ako. Nasamid lang ako kanina. Katangahan, eh. Pasensya na."

Tumango-tango lang si Trigger saka tuluyan ng nagpaalam. Kausap na nito ang nasa kabilang linya ng nag-iingay na cellphone paglabas nito ng clinic. Saka lang niya na-realize na kanina pa pala niya pinipigilan ang normal niyang paghinga.

"Something was wrong with Trigger today," narinig niyang sambit ni Reigan. "Hindi siya nangungulit."

"Hindi naman talaga makulit si Trigger. Ang kakambal lang niya iyon." Bsinalingan siya nito. "Talaga naman, hindi ba? That twin of his was evil."

Lalong nagkaroon ng pagtataka sa mukha nito. "May weird din sa iyo."

"Lahat naman ng tao may ka-weird-uhan sa katawan."

"Pero hindi lahat ng tao nagiging madaldal lang pag wala si Trigger sa harap nila."

Nagkibit lang siya ng balikat. Nang may pumasok na naman sa clinic na iyon.

"O, Trigger, may nakalimutan ka?" tanong ni Reigan.

Nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila ng doktor ang bagong dating. Pagkatapos ay ngumiti na ito sa kanya. "Yeah, I forgot Jeuliette."

Tumayo na rin siya at nilagpasan lang ito paglabas niya. Saka naman niya nakasalubong si Trigger. Sa pagkataranta ay bumangga tuloy siya sa solidong pader. Ngingisi-ngisi lang ang kakambal nito ay naglakad na lang basta sa loob ng clinic at may kung anong kinuha sa lalagyan ng mga cottobuds.

"Penge, ha? Salamat," anito kay Reigan na gulong-gulo na ang itsura. Iyon lang at pagkatapos ay tahimik na rin itong umalis.

"Ewan," sambit ni Reigan. "Pagbuhulin ko kayong magkakambal, eh!"

"Jeuliette, ayos ka lang?"

"O-oo." Hinaplos-haplos niya ang nasaktang noo saka natataranta pa rin na nagpatuloy sa paglalakad. Distracted pa nga yata talaga siya dahil sa biglaang pagsulpot uli ni Trigger sa harap niya kaya hindi na niya napansin ang isang halaman sa daraanan niya. Bumangga na naman siya roon at sa pagkakataong iyon, hindi na siya naging ganon kasuwerte. Bumagsak na siya sa sementadong sahig kasama ng pobreng halaman matapos marinig ang isang malakas na ingay.

"What are you doing?"

She steadied herself and through her dishivelled hair that was caught in the between the leaves of the poor plant she just smashed to the floor, she saw Stallion Riding Club's sole owner Reid Alleje looked down at her with a knotted forehead.

"Who are you?" patuloy nitong tanong. "Hindi yata kita kilala."

"She's with me," singit ni Trigger nang isa-isa nitong alisin sa pagkakabuhok ang mahaba niyang buhok sa mga dahon. "Mukhang hindi maganda ang epekto ng pagkakabangga mo sa pader, ah."

"Hindi! Ah..." Inayos niya ang salaming pangmata. "Ayos lang ako. Ayos lang talaga ako, pramis."

"Jeuliette—"

"Pramis talaga!"

"Okay, sige. Ihahatid na lang kita sa suite mo para makasigurado tayong hindi ka na madidisgrasya ulit."

"Hinid na kailangan—"

"Hindi mo ba narinig ang reputasyon namin dito ni Jigger? Malapit na kaming maipakulong dahil sa kakulitan namin. Kaya kung ako sa iyo..." Inalalayan na siya nitong makatayo. "Huwag ka ng kumontra. Mapapagod ka lang."

"Trigger."

"Yes, Reid?"

"Alagaan mo ngang mabuti iyang girlfriend mo. At nang hindi kung ano-ano ang pinagkakaabalahan."

"Yes, Reid," natatawang sagot na lang ni Trigger.

Girlfriend? Siya ang tinutukoy ni Reid, hindi ba? At pumayag si Trigger?

They were still sitting on the cemented floor when Reid left them. Naka-squat sa tabi niya si Trigger habang patuloy nitong inaalis ang ilan pang mga dahon na sumabit sa kanyang buhok.

"Ayos ka na?"

Tumango lang siya. Hindi niya inaasahan ang sumunod nitong ginawa nang walang sere-seremonya na lang siya nitong binuhat mula sa sahig.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...