Under The Shade (SeBy)

By wwiittyyccuuttiiee

163K 11.4K 2.8K

"You know what, I'm still curious." she said. Agad naman akong napabaling ng tingin sa kanya, nagtatanong ang... More

Author's Note
Prologo
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI (Labrei)
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII - GiaPhant
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI - 🌻
XLII- BeCka
XLIII
XLIV
XLV
XLVI
XLVII
XLVIII
XLIX
L
LI
LII
LIII
LIV
LV
LVI
LVII
LVIII
LIX
LX
LXI- PikaJem
LXII
LXIII
LXIV
LXV
LXVII
LXVIII
LXIX
LXX
LXXI
LXXII
LXXIII
LXXIV
LXXV
LXXVI
LXXVII
LXXVIII
LXXIX
LXXX
LXXXI
Epilogue
Special Chapter I

LXVI

1.3K 120 16
By wwiittyyccuuttiiee

"Family is not necessarily blood, but instead who you would bleed for."

--Unknown







ABELAINE TRINIDAD

"Abby, anak."

Mabilis ang hakbang na ginawa ko para makapasok agad sa kwarto ko para kumuha ng damit.

"Abby anong nangyari? Kamusta si Braelynn? Si Abea, ang kapatid mo anong nangyari sa kanya?"

Napalunok ako. Imbes na sagutin ang tanong niya, mas pinili kong ituon ang atensyon sa pagkuha ng mga damit ko. Kumuha narin ako ng di kaliitang bag at basta-basta ko na lang nilagay sa loob nun ang mga damit na inihanda ko.

"What are you doing Abelaine?"

Mabilis na nagsipatakan ang mga luha ko. Para itong ilog na walang tigil sa pagragasa.

"Abelaine I'm talking to you." mabilis niya kong hinawakan sa magkabilang balikat ko para lang iharap sa kanya. "What happened baby? Tell me, mommy is here."

I closed my eyes and put my head in her shoulder. Doon ko binuhos ang lahat ng luha ko.

"She almost d-die." garalgal na tugon ko. "Muntik na siyang mawala sa'min."

She put her hands in my back and gently caressing it. "Hush now honey. Calm down."

Marahan niya pang pinunasan ang luha sa pisngi ko at inayos niya rin ang buhok nang humiwalay ako ng pagkakayakap sa kanya. "You're strong. Alam kong malalagpasan mo lahat 'to." she smiled at me. "Nandito ako, kami. Hindi namin kayo iiwan."

Mas lalo akong naiyak. "You're not leaving, right?" I'm talking about her situation.

Mahigpit kong hinawakan ang dalawang kamay niya, habang patuloy sa pagpatak ang luha ko. "Promise me mom, hindi mo kami iiwan." I held her cheeks and wiped her tears using my thumb. "I will make you proud of me. Gagraduate na 'ko oh, konti na lang magiging Engineer na 'ko."

Hindi naman ako masamang tao para parusahan ng ganito, pero bakit? Did I deserve this?

"I..." she took a deep breath. "Promise." I know, she's lying.

Pekeng ngumiti ako. Sapat na sa'kin 'yon. Kahit na alam kong walang kasiguraduhan ang pangako niyang 'yon, okay na sa'kin.

Pinahid ko ang mga luha ko at tinuloy ang ginagawa kanina. Kinuha ko narin mga gamit ni Sela na naiwan niya dito sa bahay.

"Balitaan mo 'ko agad ha." mom said. "Hindi ako makakasama sayo kasi alam mo naman. Hindi pwede." she added.

I smile weakly and nodded at her. "I understand." Marahan ko namang dinampian ng halik ang noo niya. "Magpalakas ka mom. Sabay tayong aakyat sa stage sa Friday."

Walang kabig na niyakap niya 'ko. Sinubsob ko lang naman ang mukha ko sa balikat niya.

Saglit pa kaming nagtagal dito sa kwarto at saka kami sabay na bumaba sa sala. Naabutan pa namin si Frances at Coleen na tahimik lang habang may kanya-kanyang ginagawa.

"Oh my gosh." Coco reacted. "You’re devastated Ate Abby."

Napailing na lang ako at mabilis na nilapitan siya para halikan sa pisngi. "What's up?"

She smiled a little. "Tinawagan ako ni ninang." saglit pa niyang sinulyapan si mommy bago muling bumaling sa'kin. "Alam mo na, she was worried about you. Need kitang samahan."

Tipid na ngumiti lang ako, bago tingnan si Frances na mariing nakatingin sa'kin ngayon. "Dito ka lang muna bunso ah." I give a peck in her cheeks. "Bantayan mo si mommy."

She immediately nodded at me. "Take care, please."

Tumango lang naman ako sa kanya. Tiningnan ko pa ang nanay ko na hilam ang mga mata dahil sa pag-iyak niya.

Hindi rin nagtagal, lumabas na kami ni Coco. Bahagya pa kong nagulat ng bumungad sa'kin si Gabb na prenteng nakaupo dito sa gilid ng kalsada habang tahimik na naghihintay.

"Himala ata at may nakatagal sayo na driver?"

She just shrugged. "Magaling siya ee. Wala akong maipipintas." she replied. "Gabb."

Mabilis namang tumayo itong isa at nagpagpag pa ng pang-upo niya. "Okay na? Aalis na tayo?" she looked at me. "Magandang araw Ms. Abby."

Ngumiti ako bilang tugon. Pinagbuksan pa niya kami ng pintuan, nauna na kong pumasok sa loob, nangangalay narin kasi ako. Buong akala ko pa, susunod na si Coco pero iba ang nakita ko.

Siya na mismo ang nagsara ng pintuan dito sa backseat. Marahas pa niyang binuksan 'yong pintuan sa passenger seat at padabog na pumasok sa loob. Napamaang na lang ako. Anong nangyayari?

Kakamot-kamot ng ulong umupo naman si Gabb sa drivers seat at alanganin pang ngumiti sa'kin.

May naamoy akong malansa.

"Sa'n tayo?" Gabb asked.

"Hospital" tipid na sagot naman nitong pinsan ko.

Wala ng nagsalita sa'min. Tahimik lang akong nakatanaw dito sa bintana habang 'yong dalawang nasa unahan, mukhang nagpapakiramdaman.

"May party akong pupuntahan bukas." Coleen broke the silence. "Tingin mo, anong babagay sa'kin na damit?" she asked.

"Ako?"  parang ewan na sagot ni Gabb.

Napakunot noo ako. Hindi ko ugaling makinig sa usapan ng iba pero kasi, hindi ko mapigilan. Duh, tatlo kami dito.

"Anong ikaw?" nahihimigan ko pa ang pagtataka sa boses nitong pinsan ko.

"Ibig kong sabihin, ako 'yong tinatanong mo?"

"Abay malamang. Sino paba?"

Pinalobo ko ang pisngi para pigilan ang sariling wag mapangiti. Mabilis ko ring kinuha ang earphone ko at agad na pinalsak iyon sa tainga ko, pero hindi naglagay ng music. Minsan lang ako maging chismosa, pagbigyan na.

"Wala naman akong alam diyan sa mga damit na sinusuot mo." napawow ako. Para kasing iritable siya ng sabihin 'yon. Mukhang nakahanap ng katapat ang pinsan kong saksakan ng sungit. "Basta suotin mo lang sa tingin mo ay bagay sayo."

"Edi susuotin ko lahat?" Coleen replied. "Lahat bagay sa'kin Gabb, duh." I bet she's rolling her eyes right now.

Napangiwi ako. Shala, lakas ng loob magbuhat ng sariling bangko.

"Yabang nito. Pababain kita diyan ee." ganti naman nitong isa.

"Hoy for your information, sa akin itong sasakyan na minamaneho mo. Anong karapatan mo para pababain ako? Ha?" medyo may kalakasang sagot ni Coco.

"Paki ko? Ako naman nagmamaneho."

Gusto ko ng matawa ngayon. Hindi ko talaga alam kung saan kumukuha ng lakas ng loob si Gabb para sagut-sagutin itong isa. Gusto ko ang fighting spirit niya.

"Baka gusto mong sisantihin kita." Pananakot pa ng isa.

"Kaya mo?"

Palihim akong nagsumiksik dito sa gilid para hindi nila mapansin. Mahirap na, at baka kapag naalala nilang nandito ako, ay hindi na nila ituloy ang pagtatalo. Nawiwili pa naman ako sa mga naririnig ko.

"Hindi" mahinang sagot ni Coco. "Wala naman akong sinabing kaya ko ee."

Napangiti ako. Ang lambing ng boses niya ng sabihin niya 'yon. Akala mo maamong tupa ee.

"May gusto kabang kainin?" my cousin asked her.

"Ikaw"

Nanlaki ang mata ko. Anak ng! Ano daw? Tama ba ang narinig ko? Grabe, ang bold nila.

"H-ha?" parang tangang tanong naman ni Coleen.

"Ikaw kako bahala." she simply said.

My mouth slightly gape while my head nodded slowly. Ayun naman pala, si Coco naman pala bahala. Ayaw kasi ayusin ee.

"Bakit ako? Ee ikaw nga tinatanong ko." ganti nitong isa.

"Busog pa 'ko Coco." Gabb said. "Binigyan ako ni Miss Brei kanina ng pagkain bago ka dumating."

"Wait, what?" napalunok ako. Mukhang may mangyayaring gulo sa loob ng sasakyang ito. "Binigyan ka ng pagkain ni Brei?"

"Oo." simpleng sagot ni Gabb sa kanya. "Kaya busog pa ko ngayon." she added.

"Ah ganon? Kapag si Brei ang magbibigay sayo, walang pag-aalinlangan kang tatanggapin 'yon. Pero kapag ako, ang daming dahilan." nagpadaus-dos naman ako dito sa pwesto ko para hindi nila makita. "I hate you Gabb."

"Masamang tumanggi sa grasya Coleen. Kaya tinanggap ko 'yong bigay niya." she calmly said.

"Masamang tumanggi sa grasya? Pero tinatanggihan mo 'ko ngayon." gusto kong matawa. Akala mo ang lalim ng hinanakit niya ng sabihin 'yon. "I hate you talaga Gabb. Nakakainis ka."

I bit my lips hardly just to stopped myself from laughing.

"I'm just being a friendly here Coco. Wag kang malisyosa."

Napangiti ako. Hindi naman siya galit ng sabihin 'yon, ang hinahon pa nga niya ee. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mamangha. Siya lang ang bukod tanging nakayang sagut-sagutin si Coco ng ganyan.

"I'm not malisyosa Gabb." at ngayon nga, tumaas na ang tono nitong isa. "And you're what? Being friendly? To who?" pagpalatak niya. "To someone who's attractive?"

"Wait nga, did you find her attractive?"

"Of course!" napalunok ako. Paano ba ko sisingit sa usapan nila? "She's a great singer. Magaling din siya umarte pero mas magaling ako. She's cute yet quite small. But the most important thing is she have a sense of humor that 'cause everyone may like her." mahabang lintana niya. "She's almost perfect." bulong pa niya sa huli.

"But you're the only one perfect in my eyes Coleen." kalmadong banat nitong si Gabb. "Don't be jealous my boss ma'am. I'm only yours."

Napangiti ako. Bahagya ko pa ngang naitakip itong kamay ko sa mukha ko. Teka lang, wala naman sigurong masama kung kikiligin ako sa love life ng iba. Mukhang pinanganak naman ata ako para do'n.

"Wait, sa'n nga ulit tayo pupunta?" pag-iiba sa usapan ni Gabb.

"Sa Hospital." my cousin simply said.

"Anong gagawin natin sa Hospital?"

"Ihahatid si Ate Abby." Coco replied. "Wait, si Ate Abby!" at sa wakas, narealized na niyang nandito ako. Tss.

Hindi ko na sinira ang mood nila at  pasimple na lang akong umayos ng pagkakaupo at tinuon ang atensyon dito sa labas ng bintana, nagkunwaring wala akong narinig.

Buti na lang at hindi ko nakalimutang magpalsak ng earphone sa tainga ko. Malaking tuloy din ito.

"Mukhang hindi naman ata tayo narinig." rinig ko pang bulong ni Gabb.

"Sana nga."

Saglit pa kong pinagmasdan ng pinsan ko bago niya muling ibalik ang atensyon sa unahan. Napailing na lang ako habang may nakapaskil sa ngiti sa labi ko.

Mahabang katahimikan na ang namayani sa'min, hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa Hospital. Mabilis naman akong bumaba dala-dala ang mga gamit namin ni Sela.

"Abingot. Welcome back."

Napailing ako. Bakit sa lahat ng taong sasalubong sa'kin, siya pa? Char.

"Oh dalhin mo itong bag ko, para naman hindi lang pang-aasar ang maitutulong mo sa'kin." hinagis ko pa sa kanya itong bag ko na agad naman niyang nasalo.

"Oh, nandyan ka pala Cardo." Gia greeted her.

Inirapan lang naman siya isa na ikinangiti ko lang. "Mangha kana naman sa'kin. Hinay-hinay lang ate Gia, hindi kita mapapanagutan."

Ay wow. Naglaban ang dalawang mayabang.

"Oo nga't hinahangaan ka ng lahat Cardo." Gia replied, smirking at her. "Ibig sabihin lang nun, wala silang taste."

Napamaang ako. Teka lang, grabe 'yon!

"Aba't!"

"Teka lang, awat na." pumagitna na ko. Baka kung sa'n pa mapunta sagutan nila ee. "Kalmahan niyo lang." I added.

"Mauna na ko sa loob Abby." Gia said. "May pikon ee."

Rerebat pa sana itong pinsan ko, mabuti na lang mabilis siyang hinapit ni Gabb sa baywang para pigilan. Napangiti tuloy ako.

Naol may mahahapit. Hmp.

"Pasok na ko sa loob." pagpapaalam ko. "Hindi ba kayo sasama?"

"May pupuntahan lang kami saglit ni Gabb then babalik kami agad dito." Coco replied. "Take care ate Abby. Dito na kami." dinampian pa niya ko ng halik sa pisngi na ikinangiti ko lang.

"Thank you, boss ma'am." malaki ang pagkakangising tugon ko.

Natigilan naman 'yong dalawa. Pansin na pansin ko pa ang pagpula ng mukha nila dahilan para mapatawa ako. Kumaway na lang ako sa kanila bago tuluyang pumasok sa loob at sundan si Gia.

Pero hindi ko pa siya tuluyang nahahabol ng makita ko ang taong nakapag patigil sa'kin ngayon.

"Abby"

Napalunok ako. "Dad"

He inhaled deeply. "Can we talk?"

Natigilan ako. Sunod-sunod din ang paglunok na nagawa ko. Gusto ko siyang makausap, pero hindi ko alam kung handa ba ako.

Nabalik lang ako sa ulirat ng maramdaman ang mahinang tapik ni Gia sa balikat ko, bago niya kunin itong bag na dala ko.

"Ako na magdadala nito sa kanila. Mag-usap na kayo." she give me a reassuring smile. "You can do it."

Saglit pa niyang ningitian si Daddy bago kami tuluyang iwan. At sa pagkakataong 'to, sobra-sobra na ang kabang nararamdaman ko.

Nauna siyang naglakad patungo sa garden nitong Hospital, habang ako tahimik na nakasunod lang sa kanya.

"Yung batang nakabangga sa kanila." he started. "Tumakas siya."

Nanlaki ang mata ko. Gulat din akong napatingin sa kanya ngayon. "Tumakas?"

He nodded. "Oo." he took a deep breath. "Mukhang nilayo siya ng pamilya niya sa gulong nangyari."

I clenched my fist and gritted my teeth. What a coward! Tss. Wag lang siyang muling magpapakita sa'kin, dahil sinisiguro ko, sa kulungan ang deretso niya.

Huminga na lang ako ng malalim at nilanghap ang sariwang hangin. "You’re not." I gulped hard. "You're not my biological father, right?" buong tapang na saad ko.

Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya, tanging malalalim na paghinga lang niya ang naririnig ko ngayon.

Mas lalo akong binalot ng kaba. "Dad please, tell me the truth." pagsusumamo ko.

"Yes"

Para bombang biglang sumabog ang emosyon ko ng tuluyan na niyang sagutin ang tanong ko.

Bakit? Bakit ako pinaparusahan ng ganito?

Hindi ako masamang tao. Wala akong nasaktan na kapwa ko. Wala akong ginawan ng masama.

Pero bakit ako pinapahirapan ng ganito?

Bakit ba hindi na lang nila ako patayin ng tuluyan? Hindi 'yong unti-unti nila kong pinapatay sa ganitong paraan?

Kailangan ko ng makakapitan, pero sa pagkakataong 'to, hindi ko alam kung kanino ako kakapit.

Nauubos na 'ko. Pasuko na 'ko.

--------------------------------------------
Unedited...

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...