Under The Shade (SeBy)

By wwiittyyccuuttiiee

163K 11.4K 2.8K

"You know what, I'm still curious." she said. Agad naman akong napabaling ng tingin sa kanya, nagtatanong ang... More

Author's Note
Prologo
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI (Labrei)
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII - GiaPhant
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI - 🌻
XLII- BeCka
XLIII
XLIV
XLV
XLVI
XLVII
XLVIII
XLIX
L
LI
LII
LIII
LIV
LV
LVI
LVII
LVIII
LX
LXI- PikaJem
LXII
LXIII
LXIV
LXV
LXVI
LXVII
LXVIII
LXIX
LXX
LXXI
LXXII
LXXIII
LXXIV
LXXV
LXXVI
LXXVII
LXXVIII
LXXIX
LXXX
LXXXI
Epilogue
Special Chapter I

LIX

1.5K 140 26
By wwiittyyccuuttiiee


MARSELA MARI GUIA

"Tongits ako!"

Napanganga ako. "Agad-agad?" hindi ko naman maiwasang ang pagtaas ng tono ko. "Kakasimula lang natin ah, tongits ka agad?" grabe, ang daya niya.

"Ganito talaga maglaro ang mga pro." mayabang na tugon pa niya. Nagkibit balikat pa nga siya habang kinukuha 'yong mga taya namin.

Nanlulumong nailapag ko itong baraha ko. Kanina pa kami nagsimulang maglaro nito, at kanina parin ako natatalo. Sayang ang taya, sayang ang dalawang piso. Hmp. Pangdagdag bayad ko narin sana 'yon sa grab.

"Oh taya ulit, bilis." dagdag pa niya.

Saglit naman akong napairap bago naglapag muli ng dalawang piso. Napanguso pa nga ako. Sana naman manalo na 'ko ngayon diba. Bawat barya mahalaga.

"Lasapin mo lang ang pagkapanalo mo Lara, dahil sa pagkakataong 'to, ako naman." mapanghamon na sambit ni Shekinah.

Napailing na lang ako bago ayusin ang barahang hawak ko. Bakit ko ba naisipang sumali sa kanila kahit na hindi naman ako ganon kagalingan dito?

Dapat pala kina Belle na lang ako sumali, tamang chismisan lang ginagawa nila. At di hamak na mas madali 'yon kumpara dito. Hay buhay.

"Queen." bagsak ni Lara.

Bigla naman akong nabuhayan dahil sa binagsak niya. Ang laki tuloy ng pagkakangisi ko ngayon. "Chow"

Ang yabang ko pa nung kinuha ko 'yong Queen na binaba niya at inilagay sa harap ko para gawing bahay.

"Ay wow. May humahabol ah." natatawang sambit ni Chokinah.

Napatawa din tuloy ako at mayabang na napapahid ng pawis sa noo ko. "Walang mananalo sa inyong dalawa, kasi na sa'kin ang huling halakhalak." grabe. Ang yabang.

"Saka mo sabihin sa'kin 'yan kapag nabawi mo na 'yong twelve pesos mo." barumbadong sagot ni Lara.

Inirapan ko siya. Ang sarap niyang tuktukan. Kakainis. "Wag kang mayabang Layar." nagbaba muli ako ng pinakamataas kong baraha. "Baka 'yang kayabangan mo ang maging dahilan ng pagkatalo mo." I added.

Hindi naman siya sumagot. Tahimik lang kaming naglalaro dito. Akala mo mga professional na manlalaro ee. Talagang kumukunot pa ang noo ng bawat isa sa'min. Nakakatawa lang.

"Ano 'yang ginagawa niyo?"

Saglit ko lang siya nilingon bago agad na ibalik ang atensyon dito sa mga barahang nasa harap ko.

Naramdaman ko pa nga ang pag-upo niya sa tabi ko pero ipinagsawalang bahala ko na lamang. "Ito nagsusugal." tipid na sagot ko. "Sumusugal ako dito sa punyetang pagmamahal ko sayo." wala sa sariling dagdag ko pa.

Marahas ko pang binaba itong isa ko pang bahay nang mapansing wala na silang maidudugtong pa dito.

"Sana all marunong sumugal." nahihimigan ko pa ang pagngisi sa boses ng Sheki nang sabihin niya 'yon.

Kunot noong tiningnan ko tuloy sila. Nakangisi ng malaki ang dalawang ungas kong kaibigan, habang itong babaeng katabi ko, kulang na lang maging kamukha na ang kamatis dahil sa sobrang pula ng mukha niya.

"Okay ka lang?" nagtatakang tanong ko.

Akmang magsasalita na siya ng bigla namang sumingit itong isa. "Pano magiging okay 'yan, ee sabihin mo ba namang sumusugal ka para sa pagmamahal mo sa kanya, malamang mangangamatis 'yang mukha ni Abby." barumbadong pagsingit ni Lara. "Ako 'man sabihan ng ganun, magiging ganyan din ako." iiling-iling na dagdag pa niya.

Natigilan ako. Sinabi ko ba talaga 'yon? Agad kong naibaba ang lahat ng cards na hawak ko ng tuluyan kong mapagtantong sinabi ko nga 'yon.

Sunod-sunod na paglunok din ang nagawa ko. "Ahm." I cleared my throat. "Ikaw na lang maglaro Abby, palit ka sa'kin. Ayaw ko na ee."

Walang pagdadalawang isip na tumayo ako at iniwan sila do'n.

"Hoy Marsela! Bumalik ka dito wag kang madaya!" pahabol na sigaw pa ni Bonitah.

Hindi ko siya pinansin. Tumakbo pa nga ako para tuluyang makapasok sa loob. Nakakainis lang. Buhat noon hanggang ngayon, ako lang lagi ang naglalaglag sa sarili ko. Kakabwisit.

"Oh? Ba't parang pawis na pawis ka?" bungad sa'kin ni Belle.

Huminga lang ako ng malalim at pasalampak na naupo sa sofa, sa tabi niya. "Wala, mainit sa garden." pagsisinungaling ko.

"Mainit? Ang hangin kaya sa labas Sela." tugon niya.

Napairap na lang ako sa kawalan. "Wag ka ng umepal diyan Belle. Kapag sinabi kong mainit, mainit." napakamot pa nga ako sa ulo ko. Bigla akong na-stress jusko lang.

Pero ang bruhang 'to, tinawanan ako. Pati tuloy si Ate Alice napatingin nadin sa'kin. "Mainit talaga?" naaamoy ko na magsisimula na namang mang-asar ang babaeng 'to. "Oh baka naman nainitan ka lang kasi sinundan ka ni Abby do'n?"

Inis na hinampas ko sa kanya itong unan na nadampot ko. Sakto naman at tumama 'yon sa mukha niya. "Manahimik ka. Hindi ako natutuwa sa mga lumalabas diyan sa bibig mo." iritableng tugon ko.

Hindi man lang nakaramdam ng takot ang gaga dahil mas lalo lang siyang natawa ngayon. Di rin siya nagpatalo at hinampas din niya ako ng unan na tumama naman sa ulo ko. Napangiwi na lang tuloy ako sa huli.

"Kayo na ba ulit?" Ate Alice asked.

Umayos ako ng pagkakaupo at saka umiling sa kanya. "Hindi po."

"Hindi pa daw." pagsingit ni Belle.

Siniko ko siya sa tagiliran niya. "Maglinis ka nga ng  tainga mo. Ang bingi ah." ang layo ng "po" sa "pa". Nako talaga.

Pero dahil bwisit siya, tinawanan lang niya ko. Miski itong isa, tumawa rin. "Wala ka ng balak balikan siya?" pagtatanong niya pa ulit.

Napahinga ako ng malalim. "Honestly, hindi ko talaga alam." nayakap ko pa itong unan na hawak ko. "Hindi ko pa naiisip na pumasok muli sa isang relasyon. Parang mas gusto kong sarili ko muna ang mahalin ko, pati narin si Braelynn." kalmadong dagdag ko pa.

Totoo naman ee. Sa ngayon, ang priority ko ay sarili ko muna, pag-aaral ko at si Braelynn.

"Pero mahal mo pa siya diba?" at ngayon nga, seryoso na si Belle.

Ngumiti ako. 'Yung ngiting hindi pilit at totoo. "Oo naman." hindi naman ako tanga para magsinungaling sa sarili ko at sa kanila na hindi ko na siya mahal. "Ayaw kong bumalik kay Abby kung alam kong puro pagdududa pa ang nasa puso ko." natuon ko naman ang pansin dito sa unan at pinaglaruan na lang ang zipper nun.

"Kung babalik ako sa kanya, gusto ko buo na ang pagtitiwala ko. Gusto ko na buo na ang puso ko." mapait akong napangiti. "I can't trust myself right now. At ayaw kong magpadalos-dalos sa desisyon ko." I paused intentionally.

"Mahal ko siya pero oras na siguro para mahalin ko muna ang sarili ko." dagdag ko pa.

Walang nagsalita sa kanilang dalawa. Tanging malalalim na paghinga namin ang maririnig ngayon dito sa sala.

Hindi rin naman nagtagal pa ang katahimikan na 'yon at nagsalita muli si Ate Alice.

"Yung nabanggit mo sa'min dati na scholarship abroad, matutuloy ka ba do'n?" pag-iiba niya sa usapan.

Mabilis ko siyang tiningnan, at ngumiti ng malaki habang tumatango. "Yup." I answered, popping the "P". "Nakapasa na 'ko." malaki ang pagkakangiting dagdag ko pa.

"Talaga? Congrats." Bati niya pa sa'kin. At katulad ko, sobrang laki din ng pagkakangiti niya.

"So, kayong dalawa pala ang mahihiwalay sa'tin?" Belle suddenly said.

Parang bulang mabilis na nawala ang pagkakangiti ko at tiningnan siya. Alam kong ayaw niyang ipahalata, pero napansin ko kasi ang paglunkot ng boses niya.

"Normal paba 'ko kung sasabihin kong namimiss ko na agad kayo?" dagdag pa niya.

Napatawa naman ako. Malambing na sinandal ko rin ang ulo ko sa balikat niya at pumikit. "Wag kang malungkot diyan." I inhaled deeply. "Dadalhan na lang kita ng kano. Bet mo?"

Naramdaman ko naman ang pagyugyog ng balikat niya. "Ayaw ko. Baka di ko kayanin." parang tangang sagot niya. "Pass na lang."

Napatawa ako. Pass daw ang gaga.

----

"Ang sarap ng luto ni Tita." nakangiting sambit ni Shekinah. Hinihimas-himas pa niya ang tiyan habang nakapulupot ang kamay sa braso ni Lara. "Pakisabi uulit ako ah."

Napatawa naman ako. "May bayad na sa susunod." biro ko naman.

Hindi naman siya nagpadaig at ngumisi lang sa'kin. "Bakit ikaw hindi marunong magluto?"

Inirapan ko siya. "Marunong ako 'no."

"Talaga ba?" pagsingit naman ni Belle sa usapan. "Sige nga, anong kaya mong lutuin?" mapanghamon na tanong niya.

"Itlog, hotdog, bacon." napaisip pa ko. Ano pabang kaya kong lutuin? "Sinaing." I proudly said.

Pero ang mga gagang ito, bumulanghit ng tawa. Halos lahat sila, miski si Gia at Abelaine, tawang-tawa rin.

Inis na napakamot ako sa noo ko. Bigla naman akong nahiya.

May mga ilan pa kaming nakakasalubong na napapatingin sa'min dahil nga ang iingay nila. Ihahatid ko kasi sila hanggang sakayan.

"Magaling. Marunong nga." pang-aasar pa ni Gia. "Ee ano namang dapat inuuna sa paggigisa para sa adobong manok? Sibuyas o bawang?" tanong niya pa.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at ngumisi ng malaki. "Sarili muna." malayo sa putukan na sagot ko.

At katulad kanina, pinagtawanan na naman ako ng mga 'to. Napatulis na lang tuloy ang nguso ko. Ako ata ang trip nila ngayon. Hmp.

Napalingon naman ako sa likuran ko para tingnan 'yong dalawa. Busy sa cellphone si Gia habang itong isa, nakatingin lang sa kawalan na para bang ang lalim ng iniisip niya.

Napahinga na lang ako ng malalim saka napagdesisyunang pumantay sa kanya sa paglalakad.

I cleared my throat to catch her attention, at hindi naman ako nabigo. Medyo nagulat pa nga siya nang nakitang katabi na pala niya ko.

"Kamusta na pilay mo?" mahinang tanong ko sapat lang para marinig niya.

"Okay naman. Malayo sa bituka." she simply said.

Napailing na lang ako at pasimpleng pinasadahan ng tingin ang paa niya. Ganon parin naman siya, paika-ika parin. "Hindi kaba nahihirapan?"

"Bakit? Papasanin mo ba ko kapag sinabi kong oo nahihirapan ako."

Umawang ang labi ko, bago bigyan siya ng mabining kurot sa tagiliran niya. "Kapal mo ah."

Tinawanan naman ako ng babaeng 'to. "May aaminin pala 'ko sayo."

Kumunot ang noo ko. "Ano?"

Pero mas lalo lang kumunot ang noo ko nang hawakan niya ang kamay ko, para sabay kaming tumigil sa paglalakad.

"Abby?"

Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa mga kaibigan naming nauuna na at hindi man lang kami namamalayan dito sa likod.

"Hoy Abby!" may kalakasang pagtawag ko.

Doon lang niya ko nagawang tingnan. Nakangiti pa siya sa'kin na akala mo'y sobrang saya niya.

"Ano kako 'yong aaminin mo?" pagtatanong ko pa.

Ngumiti lang siya sa'kin ng nalaki. "May gusto ka sa'kin." prenteng tugon niya.

Kumunot muli ang noo ko, pero di kalaunan ay nanlaki rin agad ang mata ko saka siya irapan. "Ang kapal mo talaga kahit kailan."

Pero ang babaeng 'to tinawanan lang ako. Napaka saya naman ata niya?

Nakatingin lang ako sa kanya ng hubarin niya ang suot na jacket. Akala ko nga isusuot niya sa'kin 'yon dahil pinwesto niya 'yon sa likod ko pero hindi ganon ang nangyari.

"Sela" she almost whispered.

Napalunok ako. Bakit parang, alam ko na ang mangyayari? "B-bakit?"

Nakaramdam naman ako ng kaba ng iangat niya 'yong jacket niya hanggang sa ulunan ko.

"May nanakawin lang ako saglit."

Napamaang ako. "Ha? Nana-..."

And before I could finish what I was about to say, I could already feel her lips on my lip.

Sobrang laki na ng mata ko ngayon. So, magnanakaw na pala siya ngayon?





-----------------------------
Unedited....

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...