The Casanova Got Me Pregnant

By LadyCode

4.8M 92.9K 22.5K

I'm just an ordinary girl who fell in love with a casanova. Lahat ng babae kaagaw ko. Pag sexy at maganda nap... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Author's note:
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter 2
QUESTION AND ANSWER
Author's Note
Special Chapter 3

Last Special Chapter

37.6K 1.2K 388
By LadyCode

Naalimpungatan ako noong madaling araw dahil sa lamig na nararamdaman ko. Hindi naman nakaswitch iyong aircon pero nilalamig pa rin ako. Kumuha ako ng makapal na kumot sa cabinet at ikinumot iyon sa sarili ko bago natulog ulit. Pakiramdam ko ilang oras pa lang ang tulog ko pero tumunog na ang alarm ko kaya kahit sobrang sakit ng ulo ko at mabigat ang katawan ko, bumangon pa rin ako sa kama.

Damn. It feels really cold. Mainit ang katawan ko pero nilalamig ako. Ang weird lang.

"Sheila, gising na ba ang asawa ko?" tanong ko kay Sheila na naabutan ko sa may kusina

"Sinilip ko kanina, Sir. Tulog pa po si Ma'am. Kinain din niya iyon dinner na ginawa niyo kagabi pero hindi niya naubos."

It made me feel better knowing that my wife is eating her meals that I've cooked for her. Kahit sa pagluluto man lang ay maramdaman niya na may nagmamahal sa kanya.

"Sir, tumawag pala si Sir Enrique kanina lang. Kinukumusta kayong dalawa ni Ma'am." imporma niya sa akin

"I'll just call him later. Kumusta naman ang pakiramdam ng asawa ko? Nakikipag-usap na ba siya sa'yo?" tanong ko muli sa kanya habang nilalabas ang mga ingredients para sa iluluto ko

Umiling siya sa akin, "Tahimik lang siya, Sir. Tsaka laging nakatulala lang."

"Hindi naman ba siya nagwawala? O umiiyak?"

Napaisip ito saglit bago sumagot, "Hindi naman nagwawala si Ma'am, Sir. Umiiyak lang minsan."

I bitterly smiled at myself. This is one of the reason why I can't approach her again. She stopped being hysterical since she came back here. Maybe this house gives her a sense of protection, assurance, comfort and belonging.

"Sir, ayos lang ba kayo? Namumutla po kayo, e."

Nakangiting tumango ako sa kanya at sinabing ayos lang ako. Sumisigla ako dahil ipagluluto ko ulit ang misis ko.

"Ang swerte po ni Ma'am sainyo, Sir." biglang sambit ni Sheila

"Swerte talaga si Ma'am!" biglang litaw naman ni Paula na may dalang laundry basket

"Kayo talaga, ako ang maswerte sa asawa ko, no. Binalikan pa rin ako kahit ang babaero ko at manloloko ako noon. Tapos binigyan pa niya ako ng tatlong anak, o diba." natatawang kwento ko sa kanila

"Syempre maswerte ka din kay Ma'am kasi mapagmahal!" dagdag ni Paula

"Damit ba 'yan ni Scarlett?" tanong ko nang makita ko iyong damit sa basket na dala niya

"Yes na yes, Sir! Papalitan ko rin mamaya iyong mga bedsheets ni Ma'am." sagot niya sa akin

Mabilis na pinunasan ko ang kamay ko at kinuha ang basket na dala niya. Buti na lang at hindi siya umangal ngayon.

"Ako na ang maglalaba nitong damit ng asawa ko. Pwede bang mamaya ka na pang magpalit ng bedsheets niya? Gusto ko sanang sumama at tumulong maglinis sa kwarto niya." napapakamot sa batok na sabi ko dahil medyo nahihiya na ako sa kanila

"Pwedeng-pwede, Sir! Pero hindi lang ako sigurado kung magkukulong lang ngayon si Ma'am sa kwarto niya. Tanungin ko siya kung gusto niyang magpahangin sa garden." masiglang sabi ni Paula

"Salamat, Paula. Tsaka pwede bang picturan mo din siya mamaya pag nasa garden. Papalitan ko wallpaper ko." lulubus-lubusin ko na ang paghingi ng pabor sa kaniya habang may kapal pa ako ng mukha

"Ay sige, Sir! Tapos send ko sa'yo. May infrared ka ba, Sir?"

Bigla siyang binatukan ni Sheila, "Tungaw ka talaga! Bluetooth na ang uso ngayon."

"Ay wala ako non. Yung keypad keypad pa ang cellphone ko. Tingnan mo, may snakes pa 'to." tumatawang sabi nito sabay labas ng cellphone niya at pinakita pa talaga niya ang games niya sa phone

"I'll call someone to buy you a new phone. Itong phone ko na lang ang gamitin mo." pinakita ko sa kanya ang phone ko at mabilis na tinuruan siya paano magpicture

"Kita ang pores ko, Sir! Wacky tayo! Wacky! Teka, Sheila. Wag ka ng magwacky. Mukha ka ng nakawacky!" pang-aasar nito kay Sheila

Natawa na lang ako sa kalokohan nilang dalawa. Hinayaan ko na lang silang mag-asaran habang pinagpapatuloy ko ang pagluluto ko. Nagluluto ako ng garlic fried rice at tapa para sa breakfast ni Scarlett. Tapsilog for my lovely wife. Syempre iyong tapa ako rin ang gumawa. Thank you vloggers for doing those videos for this ignorant husband.

Syempre dahil gusto ko laging special ang pagkain ng asawa ko, lagi iyong may magandang presentation. Pinicturan ko pa iyon tapos sinend ko sa group chat namin ng mga anak ko. Ang sarap siguro magsulat ng note para sa asawa ko kaso baka malaman niya na nandito ako at paalisin niya ako. O kaya naman hindi siya kumain. She needs to gain weight and gain her strength.

Nagmessage ako sa group chat namin at tinanong sila,

[Pag nagsulat ako ng note na ang sabi "Barya ka ba? Kasi umaga pa lang, kailangan na kita." Malalaman ba ng mommy niyo na ako 'yon?]

Natuwa ako dahil ang bilis nilang magseen tapos nagreact sila ng "Haha" doon sa message ko bago magreply.

Meghan: Dad, that's so corny and old! 🤣🤣

Niall: Saan mo nanaman na-search 'yan, dad? Mom will probably find out that it was you! Damn, I still can't stop laughing!

Adam: LMAO. Hindi na uso ang pick up lines ngayon. Tsaka sa mga gwapong katulad natin, hindi natin kailangan niyan kasi tayo ang dapat habulin ng mgaaaaaaaaa&/82&:$!!.€]7:/. Tangina, nabatukan ako. Balakajan, dad!

Meghan: Good job, sister in law!

Niall: Tangina ka talaga, Adam! Bakit ba kambal kita?! Binatukan din ako, e! Kasalanan mo 'to! Sabi ng asawa ko wag ko daw tawanan si dad.

Me: Mga wala talaga kayong kwenta! Hindi kayo nakatulong! Ipagulpi ko kayong kambal dyan sa mga asawa niyo, e!

Adam & Niall: May paboritong anak!

Meghan: Kamukha kasi ako ni mommy. Duuuuh! Anyway, dad that was really corny pero ilagay mo na lang pero ipasulat mo sa iba para di mahalata ni mommy.

Buti na lang talaga at may sense kausap itong baby girl ko. Kung alam ko lang na walang kwenta kausap 'tong mga ugok na 'to, sana pala pinunas ko na lang sila sa kumot! Kung nasa harap ko lang 'tong dalawang 'to, nabatukan ko na sila ng sampu. May mga anak na't lahat-lahat pero parang hindi naman tumanda ang mga isip!

Hinayaan ko na lang silang mag-asaran sa group chat namin dahil ako ay busy sa pag-asikaso sa asawa ko. Kumuha ako ng pink na sticky note tsaka ballpen tas nagpasulat ako kay Sheila. Hindi makapaniwalang tinignan ako ni Sheila na nagpipigil din ng tawa.

"Sige, tawa ka. Bawas sweldo mo saken." pananakot ko sa kanya pero syempre biro lang 'yon

Lakihan ko pa sweldo nila dahil lagi nila akong tinutulungan sa asawa ko. Ako ang nagdala ng tray at nakasunod ako kay Sheila na magchecheck kung gising na si Scarlett. Kumatok muna si Sheila at noong walang sumagot tsaka siya pumasok at tinignan si Scarlett. Sinenyasan niya ako na tulog pa ang asawa ko kaya pumasok ako agad at iniwan ko ang tray kay Sheila na lumabas naman sa kwarto. Hindi ko sinarado ang pinto para makalabas ako agad mamaya at baka maghysterical nanaman siya pag nakita ako kaya kakaripas ako ng takbo palabas.

Maingat akong lumuhod sa tapat ni Scarlett na mahimbing na natutulog. Inipit ko sa likod ng tenga niya ang ilang hibla ng buhok niya na tumabing sa mukha niya. Saglit kong pinagmasdan ang mukha niya bago ko siya binigyan ng magaang halik sa noo.

"Good morning, baby. I love you always and forever. I will never give up on us. I will take you back no matter what."

Binigyan ko siya ulit ng magaang halik sa noo bago lumabas sa kwarto niya. Gusto ko pang magtagal doon at pagmasdan ang natutulog niyang mukha pero alam kong ayaw niya iyon at hindi niya gugustuhing makita ako. Binalik namin ang tray ng pagkain sa kusina at binilin ko na lang sa kanila na initin na lang iyon pag nagising ang asawa ko. Sinamahan ko silang mag-ayos sa kusina bago ko sinalang iyong mga maduming damit ni Scarlett sa washing machine.

Namimigat nanaman ang talukap ng mga mata ko at sakit ng katawan ko kaya bumalik muna ako sa kwarto ko. Gusto ko sanang humiga na pero naligo muna ako ng mabilis dahil sobrang naiinitan naman ako ngayon. Naupo ako sa kama ko nang makapagbihis ako at nilipag ko sa gilid ko ang first aid kit. Pinagmasdan ko ang kamay kong may mga peklat ng paso at sugat galing sa kutsilyo.

This is nothing if it's for my wife. It's all worth it. I am taking my wife back. But if she's really determined not to go back, then I'll just stay hidden like this. Sapat na sa akin na nagagawa ko ang lahat ng ito para sa kanya kahit na hindi niya alam ang mga sakripisyo ko. I don't need anyone's recognition, even my wife's. I just want to be by her side and love her secretly like this.

"Fuck, ang liit liit mo pero ang sakit sakit mo." inis na sabi ko sa maliit na sugat sa daliri ko

Nilagyan ko iyon ng ointment pati iyong maliit na paso ko. Hindi ko talaga alam minsan kung paano ako nagkakapaso o nagkakasugat. Naglagay ako ng maliit band aid sa mga daliri ko na may paso at sugat bago itago iyong first aid kit. It's a bit funny to see my hands like this. Wala akong ibang nahahawakan noon maliban sa mga papeles na nasa mesa ko. Pero ngayon, sandok, kawali, at kaserola ang hawak ko. Minsan walis at vacuum naman pero nakakatuwa pa lang matutong maglinis at magluto.

Nagset ako ng alarm para magising ako mamaya pag natapos na iyong washing machine para maisampay ko iyong nilalaba ko.

Naalala kong hindi ko pa pala natawagan si Kuya Enrique kaya tinawagan ko muna siya bago ako matulog. Nakakailang ring pa lang pero sinagot na niya iyon kaagad.

[Sup?] tipid na bungad niya sa akin

"My wife is doing alright despite her condition." maikling pagbabalita ko sa kanya

[How about you?] tanong niya na ikinagulat ko dahil hindi naman siya usually nagtatanong sa akin ng ganyan o kung kumusta na ako, he's always nonchalant towards me

"I'm alright." tipid na sagot ko

He sighed, [Hang in there, Miller.]

It feels weird to get cheered up by my brother in law who pointed a gun at me and threatened to kill me in the past. But I guess, it really cheered me up.

"Thank you. It was very difficult but I can do anything for my wife."

[Are you sick?] biglang tanong niya sa'kin

"Sick? Nah, I'm not. Why?" nakakunot-noong sagot ko

[Your voice sounds like you're dying out there.] he said nonchalantly

"Are you picking a fight?" maangas na tanong ko sa kanya

[Maybe. I'm bored.] he sighed and I can imagine him shrugging his shoulders

Isa din itong walang sense kausap minsan. Nagpaalam na lang ako sa kanya dahil baka mamaya makipag-away talaga siya sa akin. Ayoko nga makipag-away doon, parang Mafia Boss yon kung umasta e. Baka mamaya mafia nga siya edi nabawasan pa ang mga araw ko na mabuhay kasama ang asawa ko.

I groaned when my phone rang. Agad ko iyong pinatay dahil sobrang sakit ng ulo ko. I can't even open my eyes from the pain. Ilang beses pa iyong tumunog na agad kong pinatay. I put it on silent and tried sleeping again. Pero agad akong napabangon nang makitang madilim na sa labas.

Fuck! Muntik na akong mabuwal dahil sa biglaang pagbangon ko, buti na lang at naitukod ko sa dingding ang kamay ko. Sobrang sama ng pakiramdam ko pero ko iyon ininda at ipinagsawalang-bahala. I didn't cook my wife's lunch. Napatay ko ata kanina iyong alarm ko. Wala ring gumising sa akin kaninang hapon, usapan namin na tutulong akong maglinis sa kwarto ni Scarlett.

Dinatnan ko sa kusina si Sheila na nagluluto. Gulat na gulat ito nang makita ako at maging si Paula na kakapasok lang din sa kusina.

"Naglunch ba si Scarlett kanina?" agad na tanong ko sa kanila

Nagtinginan ang dalawa at sabay na napayuko.

"Pinagluto po namin si Ma'am kasi nakita naming tulog pa kayo at mukhang masama ang pakiramdam niyo kaya hindi na rin namin kayo ginising kanina. Hindi rin po lumabas ng kwarto si Ma'am ngayon." mabilis na paliwanag ni Paula

"Kumain ba ang asawa ko?" pag-uulit ko sa tanong ko kanina

"Hindi po binawasan ni Ma'am iyong pagkain na niluto namin." sagot ni Sheila

Mariin akong napapikit dahil sa inis sa sarili ko. Napaubo ako bigla dahil nangangati rin ang lalamunan ko. Agad nila akong inabutan ng tubig.

"Sir, ayos lang ba kayo?" sabay na tanong nila sa akin

"Ayos lang ako. Nagdinner na ba siya?" tanong ko nang matapos kong inumin ang tubig

"Nagluluto pa lang po kami, Sir."

I sighed, "Next time, just wake me up. Ako na ang magluluto para sa asawa ko."

Tinulungan nila akong i-prepare ang mga ingredients na gagamitin ko. Nagsimula akong magchop ng mga gulay at karne. Iyong mabilis lang lutuin ang iluluto ko para makakain agad si Scarlett, baka nagugutom na iyon dahil hindi siya naglunch kanina. Syempre tulad ng nakagawian ko, may presentation ulit iyon at litrato. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang pagkain na niluto ko. Sana magustuhan niya ang luto ko.

Dinala namin iyon ni Sheila sa kwarto ni Scarlett pero nanatili ako sa labas at sinigurado kong hindi ako makikita ng asawa ko.

"Ma'am, iiwan ko na lang ba itong pagkain dito sa mesa?" rinig kong tanong ni Paula sa kanya

Sumilip ako sa maliit na away sa may pinto para makita si Scarlett. Bibihira ko lang siyang nakikita na gising at nagsasalita kaya sobra akong matutuwa.

"I'll eat it now."

Napapikit ako at halos maluha nang marinig kong muli ang malumanay na boses ng asawa ko.

Damn, I missed her so much.

Nandito lang siya sa bahay at pinto lang ang pagitan namin dalawa pero parang napakalayo pa rin niya. Naupo ako sa sahig at sumandal sa pintuan. I messaged Paula.

'Please talk to her more and let me hear her voice.'

Mukhang nabasa naman iyon ni Paula dahil pinipilit niyang magtanong sa asawa ko na parang tango at iling lang ang sagot dahil hindi ko na naririnig ang boses niya.

"Ma'am, ayaw niyo ba ng lunch kanina?"

"Hmmm." tipid na sagot ng asawa ko at alam kong tumango siya habang sinasabi iyon

"Iyong breakfast, ma'am? Masarap, 'no?"

"Yeah, like it."

Tumalon ang puso ko dahil sa sinagot niya. Para akong teenager ulit na nagkakacrush.

"Niluto iyon na may halong pagmamahal kaya masarap. Tinapon mo iyong note namin, ma'am?"

"No."

"Kinilig ka ba don sa note namin, ma'am?"

Namayani ang saglit na katahimikan sa kanila bago muling nagsalita ang asawa ko.

"No, it was corny." parang may sumuntok sa dibdib ko nang marinig ang pagcrack ng boses niya

Is she crying again? Did I made her cry again?

"Hala, ma'am. Bakit ka umiiyak?"

"It was like how husband cheer me up."

Gustung-gusto kong tumakbo sa tabi niya at yakapin siya ng mahigpit. Pero hindi niya gustong lapitan ko siya. She will hate herself again.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at agad na nilisan ang lugar na iyon. I don't want to hear her crying. It breaks my heart that I can't even comfort my wife in times like this.

Naramdaman ko ang mainit na likido na lumabas sa ilong ko kaya agad ko iyong pinunasan gamit ang panyo ko. I wasn't sure what it was so I checked my hanky and saw that it was blood. Mas sumama ang pakiramdam ko at nanlalabo ang paningin ko.

Damn.

"Sir! Sir! Ayos ka lang ba? Sir! Paula! Paula! Ma'am! Ma'am Scarlett!"

"Don't call my wife." nanghihinang sabi ko sa kanya

I heard a commotion before I blacked out.

SOBRANG sakit ng katawan ko nang magising ako. Hindi ko na kailangan magtanong kung nasaan ako dahil alam kong nasa hospital ako. Amoy pa lang ng paligid, alam ko ng hospital. Halos isang taon pabalik-balik sa hospital si Scarlett kaya hindi ko kailanman makakalimutan ang amoy na 'to.

Pinilit kong bumangon pero hindi ako makabangon dahil masakit ang katawan ko kaya nanatili na lang akong nakahiga. Lumingon ako sa paligid at nakita ang kambal na prenteng nakaupo habang nanonood ng TV.

"Hoy, kambal." tawag ko sa kanila

Bored silang sabay na lumingon sa akin at tahimik na tumango. Binato ko sila ng nadampot kong tissue box dahil sa asal nila.

"Hindi niyo man lang ba ako kakamustahin? Mga ungas na 'to."

Lumingon sila ulit sa akin. Nangalumbaba si Adam at nagkrus naman ang mga braso ni Niall.

"Trangkaso lang daw 'yan. Bakit kasi hindi ka nakikinig sa amin? Tinawagan kami nila Paula kahapon at sinabing masama pakiramdam mo. Tinawagan ka namin at nagtext sa'yo, sinabi namin magpahinga ka diba?" lintanya ni Adam

"Hindi ka nanaman nagbasa ng text namin, 'no? Dad, ilang ulit ko ba sasabihin sa'yo na magpahinga ka naman? Sabi ng doktor, masyado mo daw pinagod ang sarili mo at mukhang wala kang sapat na tulog nitong mga nakaraang buwan. Isipin mo ang edad mo, hindi ka na bumabata." sermon din sa akin ni Niall

"Kung kailan ka tumanda, doon naman tumigas ang ulo mo." gatong naman ni Adam

"Ano ngayon? Edi nabisto ka ni mommy na nandon sa bahay?" sabi nanaman ni Niall

Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Niall. Malakas akong napamura dahil siguradong galit ang asawa ko sa akin. What will I do now?

"Dad, alam namin na gusto mong ibalik si mommy pero paano naman ang sarili mo? You have to take care of yourself, too. You're being too selfless." pangaral sa akin ni Niall

"Why don't you just give yourself some space from mom? Unwind for a bit. We'll take care of mom." suhestiyon naman ni Adam

"Parang sinabi mo na rin sa akin na huwag huminga ng ilang araw." malamig na sagot ko sa kanilang dalawa

Sabay silang tumingin sa cellphone nila at nagtinginan na ipinagtaka ko. Magtatanong pa sana ako nang mabilis silang tumayo at lumapit sa akin. Naupo si Adam at agad na tinakpan ang bibig ko.

"What the hell is this, Adam?" I tried taking his hand off when they both "sshh-ed" me and I heard a familiar voice that made my heart skip a beat

"N-Niall. A-Adam."

Hindi ko magawang igalaw ang katawan ko at parang nalunok ko na rin ang dila ko. Hindi ko nakikita ang mga bagong dating dahil natatakpan sila ng kambal ngayon.

I heard Meghan's voice while crying, "Daaaaad!"

Bigla siyang lumitaw sa tabi ko, pinaalis niya si Adam at siya ang naupo doon. Kaya nakatayo ngayon ang kambal at hinaharangan ang kama ko na parang mga bodyguard.

"Daddy! I can't accept this! Hindi ko kayang mawala si daddy!" umiiyak na sabi ni Meghan pero wala naman luha sa mata niya at kumindat pa sa akin

Teka, mamamatay? Ako? Akala ko ba trangkaso?

"What are you doing here, mom?" malamig na tanong ni Niall na ikinagulat ko, gusto ko sana siyang suntukin pero hinawakan ni Meghan ang kamay ko at sinamaan ako ng tingin

Pinagkakaisahan ako ng mga batang 'to. Ano bang trip nila? Ginagalit lang nila ang mommy nila.

I heard my wife sobbed and damn, I really want to punch my son for making my wife cry!

"Behave, dad. Or else, you'll never get her back." bulong ni Meghan sa akin na may halong pagbabanta kaya nanahimik na lang ako

"Your husband is dying, so there's no need for you to come here, Scarlett. Gusto mo na siyang iwan, diba? Let's go." I heard Enrique said

Damn! Tingnan mo 'tong bayaw ko, akala ko ba friends na kami!

"Kuya! Go away!" I heard my wife screamed

I flinched at her screamed. My body almost reacted to grab her for a tight hug. I don't want to see my wife being hysterical again and almost losing her sanity.

Hindi ko alam na tahimik na pala akong umiiyak, napansin ko lang iyon nang punasan ni Meghan ang mata ko at ngumiti sa akin ng malungkot. She started crying, too. Sinubsob niya sa balikat ko ang mukha niya kaya ginamit ko ang kabilang kamay ko para haplusin ang ulo niya.

"No, Scarlett! You are pushing your own family away from you! Ano bang gusto mong mangyari?! See your husband in a coffin?! Mahigit ng dalawang taon na naghihirap ang asawa mo sa'yo! He supported you throughout his life with your career and passion in modelling! But you're ruining your own family because of that career that's already in the past!"

I've never heard Kuya Enrique talk so loud and talk so long like this.

Hindi ko alam kung anong nangyayari dahil siguro slow talaga ako pero pakiramdam ko pinagkakaisahan nila ang asawa ko. It's not Scarlett's fault that she's having all those feelings of unworthiness. But was it me who keeps escalating those negative feelings?

Lagi niya akong pinapalayo sa kanya dahil mas lumalala ang nararamdaman niya na tungkol sa pagkatao niya. Am I preventing her from freeing herself from those painful chains? Ako ba ang talaga ang pumipigil sa kanya para maramdaman niyang siya pa rin naman si Scarlett Lewis. She's having an extreme identity crisis but I kept telling her that she belongs to me. That she is Scarlett Miller, not Scarlett Lewis.

Pinilit kong bumangon at hinawi ang kambal sa harapan ko. Umalis naman silang dalawa pero nanatili sila malapit sa tabi ko. I can't gather my courage look at my wife right now. I felt like it was me who pushed her too far to be like this. Should I have just let her go when she asked me to? Kalayaan at space ang hinihingi niya pero hindi ko iyon kailanman binigay sa kanya mula nang matapos ang surgery at therapies niya.

"J-Jack..."

Hindi ko napigilan ang pagbuhos ng luha ko. Lahat ng naipon sa dibdib ko at lahat ng luhang pinipigilan ko, biglang bumuhos iyon lahat. I love her so much that I can't let her go.

"C-Can you leave us alone?" my wife asked politely

Lumabas silang lahat sa kwarto ko at kaming dalawa na lang ng asawa ko ang naiwan sa loob. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o gagawin ko. She's my wife for more than thirty years but she feels like a stranger to me now.

Tinuyo ko ang luha sa pisngi ko at nanatili akong nakayuko. I was staring and playing at my ring on my finger. There was never a day that I regretted that I married my wife. I hope she feels the same as me.

"Am I still not good enough?"

Hindi ko napigilan muli ang luha ko nang tanungin ko iyon sa kanya. It was me who actually feels unworthy of her all these years because of what I did to her in the past.

"Jack, I'm sorry. I'm sorry."

She ran towards me and gave me a warm hug. Hindi ko alam kung para saan ang yakap na iyon. Is this a goodbye hug? A comfort hug?

Wala akong ibang pinapanalangin araw-araw kundi ang makasama ang pamilya ko hanggang sa bawian ako ng buhay. Na masulit ko ang panahon na kasama ko sila at lalo na ang asawa ko.

"I'm sorry." paulit-paulit na iyak niya habang nakayakap sa akin ng mahigpit

"Scarlett, there was never a day that I stopped loving you."

"I know. I'm sorry. It's my fault." she sobbed

I gently held her arms and pulled away from her hug. I dried her tears and smiled at her sadly.

"Scarlett, pinapalaya na kita."

Saglit siyang natulala at bumuhos muli ang masaganang luha sa pisngi niya. Pinagsusuntok niya ang dibdib ko habang umiiyak.

"No! Bakit noong pinapalayo kita, ayaw mong umalis?! Pero ngayon, pinapalaya mo ako?! Are you stupid?! You cooked for me! Did my laundry! Baked for me! Prepared my every single damn meal! Visit my room when I'm asleep! I know all of them! I know! Paula and Sheila told me everything! Takot na takot ako sa araw-araw na gigising ako na wala ka sa tabi ko pero mas natatakot ako na mismo ang mamg-iwan sa akin at magtaboy sa akin. Dahil ganito na ako, hindi na ako 'yong dating Scarlett na maipagmamalaki mo sa lahat!"

"Hindi kita pinakasalan para ipagmalaki sa ibang tao, Scarlett! I chose to marry you because that's how much I love you! I want to be tied to you forever! Ganyan ba kababa ang tingin mo sa pagmamahal ko sa'yo?" I felt so insulted

"I didn't insult you nor your love for me. It's just that, you're old but you're still handsome! You might look at other women who has a boobs! I don't have it! They removed it!" pumalahaw ulit siya sa iyak

Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako. I was so sure of letting her go just a few minutes ago, but I just changed my mind.

Hinawakan ko ang ulo niya at mariin siyang hinalikan sa labi. Hinawakan ko ang dibdib niya bago ako humiwalay sa kanya.

"I don't care even if you don't have this anymore."

My hands travelled down and I cupped her folds. I playfully smirked at her.

"Even if you change this into a dick. I will still love you."

Natigil ang iyak niya at ngayon ay namumula na ang pisngi niya na parang kamatis. Niyakap ko siya ulit at hinalikan sa ulo. Nababaliw ako sa babaeng 'to.

"Are you alright now?" I asked her gently

She gently shook her head and I can feel her body shaking from anxiety.

"Trust me this time, baby. Please, let's do this together." she relunctantly nodded her head

"But you're dying." she suddenly sobbed

"Ah, forget about that. Trangkaso lang 'to. Our kids we're pranking you."

"Do they hate me?"

"No, our kids will never hate you."

"You will never leave me for another woman who has boobs, right? Or to a woman who has a long hair?"

"I love your hair and I love your body."

Nakatulog kaming magkatabi sa hospital bed ko. It still feels like a dream, hugging my wife like this again.

Nagconsult kami sa doktor nang pumayag si Scarlett na gawin iyon. During her therapy, she's still being hysterical sometimes. Pero ang kaibahan ngayon ay hindi na niya ako tinataboy palayo. The psychiatrist advised us to slowly redeem her self-esteem and find something as a new hobby. We tried everything for her to be confident on herself again. Ilang buwan din ang lumipas bago nagsimulang magkaroon ng improvement kay Scarlett. We found a new hobby, it's fishing. Nagfifishing kami palagi at nagcacamping para maaliw siya. It was a great help to her.

"Jack! I caught a fish!"

"Wow! Let's grill it!"

My wife is really beautiful.

"Jack! It's a gala night with aspiring models!"

"Do you wanna go?"

"Yes!"

She proved to us that she is Scarlett Lewis-Miller. Madapa man siya, gagapang pa rin siya pabalik para makatayo ulit.

This amazing woman is my wife, my one and only partner in life. This life is not enough for me to show my love for her.

The casanova has finally retired.





~  *  ~  *  ~  *  ~  * ~

I am actually crying while writing this very last chapter. Hindi ko na dapat gagawin 'to but I just want to give Jack some moments and to show how much he loves Scarlett until the end. Pero umiiyak talaga ako from Special Chapter 3 hanggang dito while listening to SB19's "Hanggang sa Huli" song.

The start of this story may not be good but I still want thank everyone for reading till the end. Thank you so much!

- L a d  y  C o d e

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 54.4K 34
Orion La Croix is a ruthless man with an ugly past and filthy dark secret, but when it comes to his baby doll, he will do everything just for her, ev...
266K 4.4K 29
Don't Play With Me Series 1: Don't Play With me, Doctor In a family it is inevitable that someone will deviate in the footsteps of being an entrepren...
290K 9.1K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
6.9M 140K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...