She's A Bad Girl

Per Sweetmagnolia

4.4M 111K 10.2K

Miisha is a girl who's not afraid to take various paths. While Jacob is a guy who only takes a straight path... Més

She's A Bad Girl
Chapter 1
Chapter 1.2
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 (Final)
EPILOGUE

Chapter 35

70.6K 1.8K 193
Per Sweetmagnolia

               

                                                                 *****

Hawak ni Jacob ang isang bungkos ng mga bulaklak habang hinihintay si Miisha sa labas ng classroom nito. May mga lumalapit sa kanyang mga babae upang magbigay ng mga regalo ngunit tinatanggihan niya ang mga ito. From now onwards, he decided not to entertain admirers. At nakahanda na rin siyang ipakita sa buong campus ang totoong nararamdaman niya para sa nililigawang dalaga.

Paglabas ni Miisha ay agad niya itong sinalubong ng ngiti at masiglang bati. Nagulat ito because his presence was actually unannounced.  Walang pag-aalinlangang ibinigay niya dito ang dalang mga bulaklak kahit pa maraming mga matang nakatingin. Lahat halos ay nagulat at nagbulungan. Subalit anuman ang mga opinyon ng mga ito, he didn't care a bit. Opinyon lamang ni Miisha ang pinakamahalaga sa kanya.

Bakas sa mukha ng dalaga na nahihiya ito subalit nakangiting tinanggap pa rin nito ang mga bulaklak.

"S-Salamat. Bakit nga pala andito ka? Hindi ka ba busy?"

"Hinahanap-hanap ka na ng mga mata ko," he kidded.

Kahit pabiro ay kinilig pa rin si Miisha. Napakagat  siya sa labi at kunway patay malisyang binigyan ng tipid na ngiti ang manliligaw.

"It's lunchbreak, I'm here so we can grab a lunch together. Get used to it dahil plano kong gawin ito araw-araw."

Naglakad sila patungong canteen with Miisha wrapping the flowers with her arm. May mga pagkakataong nagkakadikit na ang kanilang mga braso na para bang kulang na lang ay maglakad sila ng magkahawak-kamay. Bagama't naasiwa ang dalaga sa mga nakatingin but she's undeniably ecstatic inside.

"Jacob why are you doing this in front of everybody?" di nakatiis na tanong niya. "Aren't you worried about your image now? I'm still your member in case you forgot," she remarked.

"Having a good image feels good but it is nothing compare to the satisfaction and happiness na nakukuha ko sa pagsunod sa kagustuhan ng puso ko... Isa pa, wala namang rule na bawal magmahal ng member. It was a rule I created to myself so I am also the one who has right to abolish it," he explained casually.

Again, she was lost for words.

Sa canteen, Jacob played a game with her habang omoorder sila ng pagkain. He tried to guess the food she'd buy at kapag nagkamali, siya ang magbabayad. However, everything he guessed was correct.

Natawa si Miisha na animo'y naaliw kasabay ng pagkubli sa katotohanang naantig siya. Ni sa hinagap ay hindi niya inakalang ganoon pala kalaking atensiyon ang lihim na ibinibigay sa kanya ng binata.

Magkatabi silang naupo sa mesa. Girls tried to approach Jacob to give some foods pero tumanggi ulit ang lalaki.

"Bakit di mo na tinatanggap?" taka ni Miisha.

"You was never happy about it."

"P-Papaano na ang mga admirers mo? I thought you don't want to disappoint them."

Tumingin si Jacob sa dalaga at binigyan ito ng isang simpleng ngiti. "I'd rather disappoint them than disappoint you," diretsahang pahayag niya.

Agad na lumundag ang puso ni Miisha. Dama niya ang pag-init ng kanyang mga pisngi. Upang huwag mahalata ang nag-uumapaw na kilig at saya, patay-malisya siyang sumipsip sa kanyang softdrinks.

"How are you and your mom? Nagkausap na ba kayo?" pangungumusta ng lalaki habang inililipat ang mga pagkain mula sa tray.

"She visited my apartment pero hindi naging maganda ang pag-uusap namin," may katamlayang sagot ng dalaga. "She invites me for a dinner tomorrow but I'm still thinking if I should go or not."

"Oh I see," simpleng tugon ng binata nang may kasamang tango.

Miisha was expecting more words from him but unusually, he remained silent about it. "Wala ka na bang ibang sasabihin?"

He shook his head.

"But what do you think? Pupunta ba ako o hindi?"

"It's up to you. Follow whatever your heart says," tipid na sagot nito.

Hindi satisfied si Miisha sa pahayag ng kausap. Naninibago siya na hindi ito nagbibigay ng mahabang opinyon. Hindi siya sanay. Parang may kulang. Di niya magawang magdesisyon unless Jacob completely share his thoughts.

"B-But I need to hear your opinion. Makakatulong ito sa aking pagdidesisyon."

Maamong tiningnan ni Jacob ang katabi. "You need to decide on your own dahil ikaw din naman ang makakasagot kung handa ka na ba talagang pakiharapan ng maayos ang nanay mo... I don't want to suggest anything. To be honest I want to apologize for what I did last time. You were hurt because of me and I'm sorry. I should have understood that you were not ready yet to face your mother," malumanay na paliwanag nya. "Do whatever you want to do basta nandito lang ako sa likod mo kung kailangan mo ng mahihingahan."

"S-Salamat and you don't really need to apologize. Actually, hindi ka naman talaga nagkamali. Deep inside gusto ko talagang puntahan ang nanay ko. I wanted to see her because I'm curious kung ano ang mararamdaman ko at yun nga nalaman ko na hindi pa rin ako handang kalimutan ang ginawa niyang pagpapabaya at pang-iiwan sa akin." She took a deep breath and played with her spoon with faraway look. "Siguro darating din ang panahon na matatanggap ko siya but not that soon. Right now, everytime I see her face, naalala ko lang ang mga kasalanan at pagkukulang niya sa akin," she said with a bitter smile.

"Maybe.. sabi nga nila time heals all wounds," may ngiting komento ni Jacob.

"Let's eat," masigla nang aya ni Miisha.

"Miisha I think there's one best solution para mabilis mong mapatawad ang nanay mo," ngingiti-ngiting wika ng binata.

"Paano?"

"Learn to fill your heart with love. Look around you baka may gusto ka nang mahalin."

Naniningkit ang mga matang tinitigan ni Miisha ang lalaki habang unti-unting lumalaki ang mga butas ng ilong. "...As of now, I'll stand to the saying 'time heals all wounds."

Tumawa si Jacob. "It's just a suggestion. You just said you need my opinion para makapagdesisyon ka."

"Not for that matter," pairap na sagot ng dalaga. "Alam kong subjective lahat ng lalabas diyan sa bibig mo pagdating sa bagay na yan."

Muling tumawa ang binata. Subalit natigil ang kanilang pag-uusap nang biglang sumulpot at naupo sa kanilang harapan sina Claribel at Jesusa. Humahangos ang mga ito habang namimilog ang mga matang nakatingin sa kanila.

Nakangangang tinitigan ni Claribel ang mga bulaklak na nakapatong sa mesa. "T-Totoo nga ang kumakalat na flash report. K-Kayo na ba talaga?"

"Hindi ah!" mariing tanggi ni Miisha.

"P-Pero bakit kalat na kalat ang balitang inabutan ka daw ni Jacob ng bulaklak at yan pa ata ang pruweba oh," taka naman ni Jesusa habang nakanguso sa mga bulaklak.

Tumawa si Jacob at siya na ang kusang sumagot sa dalawang may hindi humupa-hupang pagkagulat. "It's true that I gave her flowers pero yun ay dahil nililigawan ko siya at hindi dahil kami na."

Lalong lumaki ang pagkakaawang ng bibig ng dalawa.

"Ni-ni-nililigawan mo siya?" nauutal na bigkas ni Claribel.

Biglang napasandal ang matabang babae at kunway nahimatay. Ngunit agad din itong umayos ng upo at seryosong tumingin kay Miisha. "Huwag kang magkakamaling magpakipot. Sagutin mo na! Baka magbago pa ang isip. Maganda ka lang pero hindi ka ubod ng ganda para magdalawang-isip pa sa isang Jacob Anthony Marcelo!"

"T-Teka... ano yan sapilitan o takutan?" protesta ni Miisha.

"Pareho!" diretsong sagot ni Claribel. "Kung ayaw mo ako na lang ang sasagot sa kanya in behalf of you."

"Oo nga Miisha. Alalahanin mo, pinipilahan ng mga babae yan si Jacob baka nakakalimutan mong kabilang tayo dati sa mga babaeng yun," paalala ni Jesusa.

Binitawan ni Miisha ang kubyertos at gigil na tiningnan ang dalawang kaibigan. "Sandali nga muna! Baka gusto niyong mahiya ng kaunti. Nasa harap niyo lang yung lalaking tinutukoy niyo oh," sabay muwestra niya sa katabi.

"Pag ganitong chance na ang ibinigay sayo dapat wala ng hiya-hiya. Sunggab agad!" depensa ni Claribel.

Natatawang nilingon ni Jacob si Miisha. "You should listen to your friends."

Agad siyang sinimangutan ng dalaga. "Ayan ka na naman! Syumo-shortcut ka na naman!" reklamo nito.

Kinalabit siya ni Claribel. "Ako Jacob! Kung nag-iinarte si Miisha, ako, hindi kita hihindian!"

Binigyan niya ng asiwang ngiti ang matabang babae. "It's alright. I'm willing to wait...even if it takes years."

Nagkatinginan sina Claribel at Jesusa. Kinikilig na nag-apir ang mga ito.

"Confirm! In love nga sa prinsesa ng Secret Angels ang prinsipe ng Holy Hearts!" ani Claribel.

                                               ------

Tahimik na naglalakad si Miisha sa kanilang kalye. Kadarating niya lang mula eskwelahan. Tumanggi muna siyang magpahatid kay Jacob sapagkat alam niyang marami itong inaasikaso sa White Lambs.

Natigilan siya isang kanto mula sa kanyang apartment. Natanaw niya ang sasakyan ng ama at ang mga bodyguards nito sa tapat ng kanyang gate. Bigla siyang kinabahan, ano na naman kayang kamalasan meron sa gabing ito?

Dumiretso siya at binati agad siya ng mga bodyguards. Nakabukas na ang gate kaya't batid niyang nasa loob na ang magulang. Naabutan niya sa sala ang ama at si Wendy. Masayang sinalubong siya ng madrasta samantalang binigyan lamang siya ng isang simpleng tingin ng ama habang nakatayo't nakapamulsa sa pantalon. Iginagala nito ang mga mata sa buong kabahayan.

"Kumain ka na ba?" tanong sa kanya ni Wendy.

"Busog pa ako." Pagkakita sa malalamig na tingin ng tatay ay nawalan na siya ng gana.

"Are you happy living this way?" komento ng magulang.

Kelan ba naman naging importante sa inyo kung masaya ako o hindi? She thought.

"Anong meron? Bakit andito kayo?" walang paligoy-ligoy na tanong niya.

"Ipasok mo na yang bag mo sa kuwarto. Magpahinga ka muna kahit saglit," ani Wendy.

Sumunod si Miisha pero pagkalapag sa bag lumabas din agad siya ng kuwarto. Matapang na hinarap niya ang ama. "I know your busy so tell me quickly."

"You're going to vacate this apartment soon," dikta nito.

Ngumisi siya't nangatwiran. "Ako ang tumitira dito kaya ako ang masusunod kung anong klaseng bahay ang titirhan ko."

"Hindi mo na kailangang mangupahan... and you don't need to go to Holy Hearts anymore. You're transferring."

Napatanga si Miisha sa narinig.

"D-Dad..." unti-unting tumigas ang kanyang mukha. "You're unfair! We have an agreement na kapag naging maayos ang record ko sa Holy Hearts, I can do whatever I want. My grades are improving saka hindi pa nga natatapos ang sembreak. I still have time to prove myself more!" sunud-sunod na pangangatwiran niya.

"It has nothing to do with your grades... you're going to States at doon mo na ipagpapatuloy ang pag-aaral mo." Napalunok ang kongresman at pansamantalang umiwas ng tingin sa anak. "Sasama ka na sa nanay mo."

Tila nanigas sa panlalamig ang buong katawan ni Miisha. Naluluhang tiningnan niya ang ama nang may nangangalit na mga panga.

"I think mas mapapabuti ang lagay mo kung sa Amerika ka na maninirahan. Siguro ay mas mapapatino ka doon ng ina mo."

Nahimasmasan si Miisha sa matinding pagkabigla. Agad na nanlaki ang kanyang mga mata.

"NOOOOO!!!!" nanggagalaiti sa galit na sigaw niya. "Anong alam niyo kung ano ang makakabuti para sa akin?! Hindi na ako bata para diktahan niyo pa! I have the right to decide for myself now. KUNG NAGTUTURUAN KAYONG DALAWA SA AKIN THEN BETTER LEAVE ME ALONE.! KAYA KONG MABUHAY NG WALA KAYO PAREHO!"

"Where did you get the idea na kaya mo nang mabuhay mag-isa?!" mataas na ring boses na ika ng ama. "Look at yourself at sa lahat ng bagay na nakapaligid sayo. Every single penny that you spend still comes from purse! Anong alam mo sa buhay? You rebellious brat!"

"Kayo? Ano bang alam niyo sa akin?! WALA! PAREHO KAYONG WALANG ALAM DAHIL PAREHO KAYONG MAY SARI-SARILING BUHAY NA MAS INIINTINDI! Kaya pwede ba itira niyo naman sa akin ang katiting na karapatan na tumira kung saan ko gusto!"

"No. You'll go with your Mom. Kung paninindigan mo yang gusto mo. Then start living independently. Simula ngayon wala ka ng matatanggap ni isang sentimo mula sa akin! You pay for your school, apartment, clothes, foods at lahat ng mga kapritso mo diyan sa mga paintings mo!"

"Sige," matapang na sagot ni Miisha nang nakakuyom ang mga kamay habang nakatingin ng diretso sa mga mata ng tatay. "Patutunayan ko sa inyo na kaya kong mabuhay kahit wala ni katiting na tulong niyo na kung tutuusin ay obligasyon niyo naman! Magkanda lugmok-lugmok man ako, kakayanin ko huwag lang kayong mabigyan ng pagkakataong diktahan ako at paglaruan ang nararamdaman ko!"

Walang pasabing tumalikod siya at pumasok sa kuwarto. Pabalibag na pinagsaraduhan niya ng pinto ang kausap.

"MIISHA!" galit na tawag ng kongresman.

"Hon, tama na. Huwag mo naman masyadong bibiglain si Miisha. Give her time to think," malumanay na pag-alo ni Wendy sa kinakasama. "Di ba ang usapan naman natin ay desisyon pa rin niya ang masusunod?"

"No!" tiim bagang sagot ng lalaki. "I changed my mind. She needs to live away from her friends dahil dinidepende ng batang yan ang kinabukasan niya sa ibang tao. Kapag may nangyari ulit sa kaibigan niyang si Kathleen tiyak na magbabago na naman ang plano niyan sa buhay!" nakaduro sa pinto ng kuwartong wika nito.

"Hon-"

"This time, I forbid you to support that kid! Kaya malakas ang loob niyan dahil nandiyan ka para tumulong sa kanya. Tingnan lang natin kung hanggang saan niya kayang tumayo sa sariling mga paa!"

"Don't be too harsh to her," pakiusap ni Wendy.

"It's not being harsh. I'm teaching my daughter a lesson!" madiing depensa ng lalaki at pagkuway iritableng nilisan nito ang apartment.

Continua llegint

You'll Also Like

183K 2.9K 6
ALWAYS BE MY MISS NUMBER 1 SPECIAL CHAPTERS (MGA EKSENA AT BUHAY-MAG-ASAWA NINA NATHAN AT MILES BEFORE THE EPILOGUE IN ABMMN1 BOOK 2)
16.9K 308 13
Kung 'di namatay ang Mommy ni Juliet Catherina ay hindi siguro siya mahahatak ng half-brother niya papunta sa Sta. Agatha, isang liblib na bayan sa M...
144K 3.8K 61
BOOK 2 of Revenge On My Player Ex (COMPLETED) After their enchanted wedding proposal, Sheliah and Art flew to Paris to enjoy their lives and love eac...
3M 67.4K 58
Tucker Fanton's story with a bit of Trav Cai's. The playboy slash cool slash heartthrob will be dumped and challenged by a not so attractive girl fro...