Chapter 12

90.4K 2.2K 159
                                    

            

                                                           *****

"Botany is also known as plant science. This is a branch of biology that originated when ancient people started to study herbalism-"

Titig na titig lamang si Miisha kay Jacob habang nirereview siya nito sa science. Napapangiti siya sa isipan. Pakiramdam niya'y nakasakay siya sa mga ulap habang pinagmamasdan ang mukha nito. Bakit yata sa bawat araw na dumadaan ay pagwapo ito ng pagwapo sa mga paningin niya? Ngayon niya lang ba unti-unting na-aapreciate ang kagandahang lalaki nito na matagal ng kinababaliwan ng mga kababaihan?

Ang kinis ng mukha, parang ang sarap kurutin. Ang pula ng mga labi, nakakagigil kagatin. Tapos ang ilong matangos na maliit, ang sarap pisilin. Haaay.... sana araw-araw science ang nirereview nila.

"Miisha nakikinig ka ba?!" biglang tigil sa pagbabasa ng lalaki sabay titig nito sa kanya.

"Huh?" natatauhang sambit niya.

Mabilis na sinampal niya ng mahina ang magkabilaang pisngi upang magkaroon ng dahilan kung sakali mang namula ang mga ito at agad na nagkunwaring ginigising ang sarili mula sa pagkakabagot.

"Nagdi-daydreaming ka ba habang nagpapakahirap akong magbasa nitong libro para sayo?" nakakunot ang noong sabi ni Jacob.

"A-Ako? Magdi-daydreaming? Ano naman ang idi-daydream ko? N-Nakikinig kaya ako," tanggi niya habang dinidiktahan ang sariling huwag magpanic.

"Sige nga kung nakikinig ka ano yung binasa ko?"

Nag-isip siya ng ilang saglit at mabilisang piniga ang utak sa natatandaang mga salitang binanggit ng lalaki.

"Bo-botany! Tama sabi mo botany!" namimilog ang mga matang ika niya.

He raised and eyebrow and folded his arms. "What about botany?"

Nag-isip ulit siya nang madalian habang napapakagat sa labi. Obvious na ramdam ng kausap na nangangapa siya sa sasabihin. Surely, she heard something about herbals.

She clicked her fingers with a beaming smile. "Ang botany ay isang uri ng gamot! It's a type of herbal medicine!" tila siguradong-siguradong sagot niya.

"MIISHA!"

Napaatras siya sa lakas ng sigaw ng kaharap.

"You're not listening! Magseseryoso ka ba o hindi?! Why do I even spend my time teaching you with this high school stuff?!" napipikong salita ng lalaki.

Mula sa pagkakalutang sa alapaap parang bigla na lang siyang lumagapak ng malakas sa lupa nang maramdaman ang namimintong mga pang-iinsulto ng kausap. Kaya imbes na mapahiya sa pagkakabuko ay sinimangutan pa niya si Jacob.

"Ano ba kasi yang botany na yan? Ma-aapply ko ba yan sa Fine Arts?" mahinang reklamo niya.

She's A Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon