Chapter 6

75.5K 1.8K 99
                                    

                

                                              *****

Binigyan ni Miisha ng tig-isang maliit na puting teddy bear stuff toy sina Claribel at Jesusa.

"Para sa amin to? Naku thank you ha!" masayang sabi ni Claribel habang pinipisil-pisil ang malambot na teddy bear.

"Hindi yan para sayo para kay Jacob yan!" kontra agad ni Miisha. "Ako muna ang taya sa regalo ngayon. Bukas ikaw naman."

"Ay akala ko pa naman sa amin na to," dismayadong sambit ni Jesusa habang kumukurap-kurap dahil nahihirapan na naman ito sa nakatabinging suot na salamin. "Kailangan ba talaga natin siyang bigyan ng stuff toys? Di ba para sa babae lang to baka naman maturn-off sa atin si Jacob?" nag-aalalang sabi nito.

"Kasama yan sa panliligaw. Ki babae o lalaki pareho lang yan. Iba pa rin ang pakiramdam kapag binigyan ka ng stuff toys ng manliligaw mo. Naniniwala akong plus points pa rin ito, " depensa ni Miisha.

"Sandali bakit kaming dalawa lang ni Jesusa ang may teddy bear? Nasaan yung sayo?" takang tanong ni Claribel nang mapansing walang bitbit na ireregalo ang kausap.

Ngumiti si Miisha at inilabas sa bag ang isang perfume. Nanlaki ang mga mata ng dalawang kasama.

"Whoah!" sabay na bulalas ng mga ito.

Mabilis na inagaw ni Claribel ang perfume at sinuring mabuti. "Wow Versace at ang malaking size pa talaga! Original ba to?" tanong nito habang inaamoy-amoy ang mamahaling pabango.

"Oo naman!" mayabang na sagot niya.

"Di ba ang mahal niyan?" sabat ni Jesusa.

Tumango siya at ngumisi. "Tingnan ko na lang kung tanggihan niya pa ang ibibigay ko sa kanya ngayon," taas noong wika niya.

"Magkano ba to?" tanong ni Claribel.

"Kulang-kulang 5k."

Napanganga ng ilang saglit si Claribel. "Grabe ginugulat mo kami Miisha ha! I didn't expect na ganito pala katindi ang tama mo kay Jacob. Gagastos ka ng ganito kalaking pera para lamang sa regalo. Sa susunod ano na ang ibibigay mo relos?" anito.

Napaisip siya. She bit her index finger nail and looked up. "Hmmm... pwede, magandang suggestion yan. Weakness din ba ng mga lalaki ang relos?" nakangiting tanong niya.

Nagkatinginan ang dalawang kausap.

"Ewan ko sayo!" sabay na sagot at irap ng mga ito.

"Last na tong pagbibigay mo ng mahal na regalo ha!" seryosong paalala ni Claribel. "You're cheating. Di ba ang usapan pare-pareho dapat tayo ng ibibigay kay Jacob? Kaya nga may the best angel win ang motto natin di ba?"

She's A Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon