Chapter 23

74.6K 1.9K 205
                                    

                                                       

                                                               ****

Sumisilip si Miisha sa entrance ng hall kung saan gaganapin ang annual ball. Thirty minutes late na siya sa call time pero nag-aalangan pa rin siyang pumasok. Maaga pa para sa aktuwal na oras ng party pero dahil organizer sila, they are required to be at the venue an hour earlier. Naroroon na halos lahat ng mga ka-miyembro.

She saw Jacob and Laarni who are instructing and helping some members in decorating the place. Natanaw niya na rin sina Jesusa at Claribel na nag-aayos ng mga monoblock chairs sa bawat mesa. Sa kabila ng mga ginagawang pag-aayos, everyone is already preapared for the ball and wearing their formal outfits nicely.

Pinagpapawisan ng malamig ang kanyang mga palad.Natatakot siyang pagtawanan. Nagsisisi siya kung bakit nagpadala sa pang-eenganyo ni Wendy. Pinagbigyan niya itong bihisan at ayusan siya. Sabi nito ay gumanda daw siya pero di siya naniniwala sapagkat hindi naman ito nagsasabi ng mga pangit na bagay pagdating sa kanya.  Basta ang alam niya nang humarap siya sa salamin ay ibang tao ang nakita niya.

Sa tindi ng pag-aalinlanga'y naisipan niyang bumalik sa sasakyan ni Wendy. Magpapalit siya ng mas komportableng damit. Tinawagan niya ang madra-madrastahan na balikan siya ngunit habang kausap ito't naglalakad sa pasilyo, natanaw niya ang paparating na si Kyle. Makakasalubong niya ang lalaki! Bigla siyang tumalikod at agad na naglakad papabalik ng  hall. Naguluhan siya kung ano ba talaga ang gagawin.

"Wendy huwag na lang. O-Okay na ...babalik na ako ng hall," tarantang sabi niya sabay lagay ng phone sa pouch bag.

Mahigpit na ikinuyom niya ang mga kamay. Pagkuway pinagkiskis niya ang mga palad upang matanggal ang panlalamig ng mga ito. Humugot siya ng isang napakalalim na buntong-hininga sabay buga ng hangin. Nilakasan niya ang loob. Bakit nga naman siya mahihiya eh halos lahat naman ng mga babaeng naroroon ay kaparehas niya ng tema ng damit tapos naka-formal suits din naman ang mga lalaki? 

Iwas-atensiyon at nakayukong pumasok siya ng hall. Walang ingay siyang tumungo sa kinaroroonan nina Claribel at Jesusa. Dumistansiya siya ng kaunti sa mga kaibigan na noo'y wala pa ring malay sa pagdating niya. Pasimple siyang tumulong sa pag-aayos ng mga silya.

"Miss!" Tawag ni Claribel. "Kami ang nakatoka dito. Sa iba ka na lang tumulong."

Nag-angat ng mukha si Miisha at biglang nanlaki ang mga mata ni Claribel nang makilala ang babae.

"My goodness to greatness!!! Ikaw ba yan Miisha?!"

"Shh! Huwag kayong maingay," mahinang awat ni Miisha sabay ingus sa kaibigang tila hindi alintana ng extra large size na katawan ang suot nitong hapit na hapit na apple green tube long gown. "Huwag mo akong pagtatawanan, susuntukin kita," pananakot niya sa napapatangang kausap habang pinandidilatan ito ng mga mata.

"Oh my god Miisha is that you?!" napapangangang komento ni Jesusa.

"Isa ka pa! Huwag kang magbibiro ng hindi maganda. Pag ganitong nakablush on at nakadress ako, saksakan ako ng sensitive!" 

She's A Bad GirlWhere stories live. Discover now