Chapter 40

67.1K 2.1K 200
                                    


*****


Payapang nakaupo si Miisha sa damuhang nalililiman ng isang malaking puno. Nag-aaral siya para sa paparating na eksam. Desidido siyang pagbutihan pa lao ang pag-aaral para huwag nang madagdagan pa ang rason ng ama para patigilin siya't ipagtulakan patungong Amerika.


"Ay!" Nagulat siya nang may mga kamay na pumiring sa kanyang mga mata.


"Jacob I know it's you. I can smell you."


He removed his hand at nakangiting tumabi sa kanya. "Ganyan mo na ba ako kamahal ngayon? Amoy pa lang ay nakikilala mo na," biro nito.


"Ba't andito ka? Hindi mo pa breaktime ah," taka niya.


Tumingala ang binata at humingang malalim. " Wala, na-miss lang kita," simpleng sagot nito habang nakapatong ang mga braso sa tuhod.


"Naku huwag mo nga akong bolahin... Yung totoo. Don't tell me natututo ka na ring mag-eskapo sa klase. Uy hindi ako ang nagturo sayo niyan ha!"


Pumutol ng damo ang binata at nang-aasar na pinangkiliti ito sa pisngi ng nakangusong girlfriend. "Our professor didn't arrive."


"Ano ba Jacob itigil mo yan!" nakikiliting sabi ng babae sabay iwas sa kanyang mukha. "Paano mo nalamang andito ako?"


"Nakasalubong ko sina Claribel. Itinuro ka nila."


Lumingon si Miisha sa direksiyon ng pinaglisanan ng mga kaibigan. "Hmp! Yung mga yun talaga ang dadaldal."


Pinaningkitan ni Jacob ang dalaga. " Ayaw mo na ba akong kasama ha? Ha? Ha?" sabay lapit nito ng mukha na animo'y nakahanda ng halikan ang kausap.


Iniwas ni Miisha ang pisngi sabay nag-aalalang lumingon sa paligid na baka may nakakita sa kanila. " Siyempre gusto. Kaya lang nag-aaral kasi ako," malumanay na sagot niya sabay ipit ng buhok sa tenga.


"Ano naman ngayon kung nag-aaral ka?"


"Hindi kasi ako makapagconcentrate pag nandiyan ka eh," medyo nahihiyang pag-amin niya.


Walang paalam na tinanggal ni Jacob ang nakapatong na libro sa mga hita ng dalaga sabay higa sa kandungan nito. "Get used to my presence. Masyado ka kasing kinikilig kapag katabi ako."


Nanlaki ang mga mata ni Miisha sa pagkakahiga ng lalaki sa mga hita niya. "Jacob anong ginagawa mo? Maraming makakakita sa atin," tarantang wika niya.


"Wala akong pakialam. You said you only want to keep the relationship from our parents kaya bakit pati sa harap ng ibang estudyante ay kailangan kong magkunwari."


"Paano kung makarating ito kay Dean Fuentes?"


She's A Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon