Chapter 39

57K 1.7K 108
                                    

       

*****


Sa sinehan. Nakasubsob si Miisha sa balikat ni Jacob habang tinatakpan ng kamay ang gilid ng mata.


"Tapos na ba?" mahinang tanong niya.


"Hindi pa," sagot ng lalaki.


Napaigtad siya nang marinig ang isang malakas na tili. Ipinikit niya lalo ang mga mata at diniinan ang pagtatago ng mukha sa balikat ng binata.


"Ano hindi pa rin ba tapos?" inip nang sabi niya.


"It's finished."


Saka lamang niya ibinalik ang mga mata sa pelikula at umayos ng upo.


"Anong nangyari?" bulong niya sa katabi.


Tiningnan siya ng masama ni Jacob. "You refused to watch it tapos panay naman tanong mo kung anong nangyari."


"Eh nakakatakot kasi."


"Matatakutin ka pala, bakit horror ang pinili mo?"


"Eh mas exciting at my thrill," katwiran niya.


Muling nagkaroon ng nakakatakot na eksena. Mabilis agad siyang na nagkubli sa braso ng katabi. Subalit nang matapos ang parteng nakakatakot ay umayos din agad siya ng upo. Di niya na kinulit ang kasama tungkol sa kung anong nangyari dahil tila malapit na itong mainis. Kalmado na ulit niyang itinutok ang atensiyon sa panonood.


Maya-maya lamang ay nakaramdam siya ng kamay na marahang gumagapang sa kanyang likuran. Tinaasan niya ng kilay si Jacob at pagkuway pinaningkitan ng mga mata. She had warned him that though they're already in a relationship, she's still not very comfortable with physical intimacy. Pero hindi nakuha sa tingin ang boyfriend. Ikinawit pa rin nito ang kamay sa kanyang beywang.


"Since maya't maya ka namang napapakapit sa akin, ako na ang kusang yayakap sayo during scary parts," katwiran pa nito.


She pouted and removed his arms from her waist. "Hindi na ako matatakot," desididong sabi niya.


"Okay," simpleng sagot ni Jacob sabay hingang malalim at sandal ng mabuti sa upuan.


"EEEEEEEEEEEEEIIIIII!!!!" 


Dumagundong ang malakas at nakakagulat na tunog sa sinehan kasabay ng malakas na tili ng bidang babae.


Napaiktad si Miisha. Napatili rin siya. Mabilis siyang yumakap kay Jacob at sumubsob sa dibdib nito. "Eeeeei!"


"I told you so," ngingiti-ngiting sambit ng lalaki.


She's A Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon