Under The Shade (SeBy)

By wwiittyyccuuttiiee

163K 11.4K 2.8K

"You know what, I'm still curious." she said. Agad naman akong napabaling ng tingin sa kanya, nagtatanong ang... More

Author's Note
Prologo
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI (Labrei)
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII - GiaPhant
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI - 🌻
XLII- BeCka
XLIII
XLIV
XLV
XLVI
XLVII
XLVIII
XLIX
L
LI
LII
LIII
LV
LVI
LVII
LVIII
LIX
LX
LXI- PikaJem
LXII
LXIII
LXIV
LXV
LXVI
LXVII
LXVIII
LXIX
LXX
LXXI
LXXII
LXXIII
LXXIV
LXXV
LXXVI
LXXVII
LXXVIII
LXXIX
LXXX
LXXXI
Epilogue
Special Chapter I

LIV

1.4K 138 29
By wwiittyyccuuttiiee


ABELAINE TRINIDAD

"Update me, okay?"

Kukurap-kurap ang matang tumango ako sa kanya. "Yes, I promise."

Matamis na ngiti pa ang ginawad niya sa'kin at saka marahang hinaplos ang pisngi ko bago tuluyang lisanin ang kwartong 'to.

Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang makalabas dito sa kwarto. Hindi ko naman napigilan ang mapahinga ng malalim.

"Napaka ganda nga niya talaga." punong-puno pa ng paghanga sa boses ni Rans ng sabihin niya 'yon.

Nakangiting binalik ko ang tingin sa kanya. "Oo, sobra." lahat ata ng bagay sa kanya ay maganda. Wala nga akong maipipintas kay Marsela. "Kaya magpapasalamat ako sayo at diyan sa boyfriend mo." mabilis ko pang sinulyapan si Justin na nakataas na ang kilay sa'kin ngayon. "Kung hindi niyo kami niloko, hindi ko makikilala si Sela. Salamat parin." nakangiting dagdag ko.

Mahinang tinawanan naman ako nitong babaeng prenteng nakaupo dito sa higaan niya. "Wag mo ng pakawalan 'yan, gold na 'yan ee."

Hindi ko na siya sinagot bagkus tinawanan na lang. Hangga't maari, at hangga't kaya ko, hindi ko siya hahayaang mawala sa'kin.

Namayani ang mahabang katahimikan sa'ming tatlo. At sa mga oras na 'to, hindi ako manhid para hindi maramdaman na parang may kakaiba sa kanilang dalawa. Parehas silang hindi makatingin sa isa't isa.

Napakamot na lang ako sa noo ko bago tumikhim. "Ano ba talagang nangyari?" pagbasag ko sa mahabang katahimikan. "Bakit parang may pakiramdam ako na may iba pang nangyari bukod sa pagka-aksidente mo?" dagdag ko pa.

Mas lalo lang niya pinatunayan sa'kin na may mali nga dahil sa biglang pagka-ilap ng mga mata. Huminga ako ng malalim at marahang hinawakan ang kamay ng babaeng minsan ko ng minahal. "What happened Rans? You can tell me."

She staring at me intently. Pansin na pansin ko rin ang sunod-sunod na paglunok na nagawa niya, na para bang may pinipigilan siyang emosyon na ayaw niyang ilabas.

"I lost him Abelaine." pero bigo siya. Dahil pagkasabi niya ng mga katagang 'yon, ay siyang pagbuhos ng luha niya. "My  b-baby, I lost him."

Napatuwid ako ng pagkakaupo ko. Bahagya namang umawang ang labi ko para lang isara ulit. "What?" medyo pumiyok pa 'ko ng itanong 'yon.

"She was pregnant when that accident happened." Justin said all of sudden. Bakas na bakas ang lungkot at sakit sa mga boses niya ng sabihin niya 'yon.

Tuluyan na kong natameme. Para akong naputulan ng dila ngayon. Hindi ko magawang magsalita. Naghihinang napasandal na lang ako dito sa upuan ko habang nakatingin kay Rans na tahimik na umiiyak ngayon.

Kaya pala sobrang pugto ng mata niya nang dumating kami. Ganon pala talaga ang totoong nangyari.

Napalunok na lang ako. "Gaano." I paused and inhaled deeply. "Gaano katagal ka ng buntis?"

Sinulyapan naman niya ko para lang tipid na ngumiti. "Dalawang buwan na."

Literal na napatampal ako sa noo ko. Bigla akong na-stress. Jusko lang. Parang may nakabara pa sa lalamunan ko dahil miski ang paglunok, hirap akong gawin. Hindi ko naman kasi inaasahan na ganito ang malalaman ko sa kanila. Hindi ito pumasok sa isipan ko.

"Matagal narin kaming nakakatanggap ng death threats." seryosong sambit ni Justin dahilan para lingunin ko siya.

Napakunot noo naman ako. "Death threats? At kanino naman galing?"

"Hindi namin alam." Si Rans na ang sumagot. "Siguro, galing sa mga kakumpetensya ni Daddy sa business." dagdag pa niya.

Napahinga muli ako ng malalim. Isa lang 'yan sa dahilan kung bakit ayaw kong pumasok sa ganyang klaseng trabaho. Kung hindi ako ang mapapahamak, pwedeng ang pamilya ko.

"Then, what's your plan?" pagtatanong ko pa.

"Plan?" pagak pa siyang natawa dahilan para napakunot muli ang noo ko. "I don't think I need a plan." her lips formed into a weak smile. "I'm dying Abelaine, alam mo 'yan."

Nanghihinang napayuko ako. Oo nga pala, ako ang kasama niya sa bawat Chemotherapy na nagawa niya, noong kami pa.

"Lalabas muna 'ko." nahihimigan ko pa ang pamamaos sa boses ni Justin ng sabihin niya 'yon.

"Wala namang nangyari ee." she cried again. "Pinabagal lang ng mga gamot ang buhay ko, pero in the end mamamatay din naman pala 'ko."

"Rans." Naalerto ako. Mabilis kong inabot ang kamay niya at hinawakan ito ng mahigpit. "Don't say that, mabubuhay ka. Makakasurvive ka, you can defeat them."

She shook her head, still flowing the tears in her face. "I can't Abby." she sobbed. "Nasa Survival rate na 'ko kung saan mahirap ng malabanan itong sakit ko."

Tuluyan ng bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit lang.

"At saka, ayaw ko narin. Pagod na ko Abby. Pagod na kong gabi-gabi kong iniinda itong masakit sa'kin." she looked up, and smiled. "Pagod na pagod na 'ko."

Napayuko na lang ako at doon mas piniling ilabas lahat ng luha ko. Oo, niloko niya ko, sinaktan niya 'ko, pero hindi naman niya siguro deserve ang ganito.

-----

Hihikab-hikab ang naglalakad ngayon dito sa Hallway. Anong oras na ba ko nakatulog kagabi? Madaling araw na nga ata. Bukod kasi sa hindi ako dinalaw ng antok, binantayan ko rin si baby kagabi, madaling araw na kasi hindi pa natutulog yung bata, si Sela naman tulog na tulog kagabi. Kaya imbes na gisingin siya, ako na lang nagbantay sa bata.

Hindi pa ko tuluyang nakakapasok sa loob ng room ko ng biglang mag-alburuto naman itong cellphone ko. Wala sa sariling kinuha ko 'yon at sinagot ang tawag.

"Hello, sino 'to?" tanong ko pa sa tila nanglalambot na boses.

( "Abby si Justin 'to, nasan ka?" )

Kumunot ang noo ko. Para kasing hirap na hirap siyang magsalita ng sabihin niya 'yon. "Nasa school bakit?"

( "Puntahan mo si Rans please. May um-ambush sa'kin. Mat ta-..." )

Hindi ko hinayaang matapos niya ang dapat na sasabihin at agad akong kumaripas ng takbo. Hindi ko nga alam kung napatay ko ba ang tawag.

Dere-deretso lang ako sa pagtakbo hanggang sa labas at agad na pumara ng jeep.

"Manong, baka naman po pwedeng pakibilisan niyo yung pagpapatakbo?" kanina pa kasi ako nandito sa jeep. Ang bagal ni kuyang driver magmaneho. Grabe.

"Iha baka maaksidente tayo, at saka malapit ka narin naman bumaba, maghintay ka na lang diyan." kalmadong sagot niya sa'kin.

Napairap ako. At talaga kasing sumipol-sipol pa siya habang namumulot ng pasahero.

Ilang minuto pa ang hinintay ko bago tuluyang huminto itong jeep sa tapat ng Hospital kung nasan si Rans. Halos patakbo pa nga akong bumaba dito sa jeep at patakbong pumasok sa loob. Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko ngayon. Ayaw kong mahuli ng dating. Jusko.

Halos pabalibag kong binuksan itong pintuan ng kwarto niya dahilan para kunot noong tingnan ako ni Rans pati narin ng nurse niya.

"Abby? May humahabol ba sayo?" nagtatakang tanong niya.

Habol ang hiningang nilapitan ko naman siya. Bahagya ko ding sinipat ang itsura niya. "Okay ka lang ba? Wala bang pumunta dito na ibang tao? Si Justin, tumawag ba sayo?" Sunod-sunod na tanong ko.

Napansin ko pa ang pagtinginan nilang dalawa nung nurse bago ako tingnan. "Hindi pa siya sa'kin natawag, at wala namang pumunta ditong ibang tao maliban dito sa nurse ko." sagot niya.

I sighed in relief. "Good good."

Pagod na pagod akong naupo. Napapaypay pa ko gamit ang palad ko dahil sa sobrang init. May aircon naman, pero init na init parin ako. Ikaw ba naman tumakbo ng tumakbo. Tss.

Hindi rin naman nagtagal at lumabas narin yung nurse niya, pero kapalit nun ay si Justin. Mabilis akong napatayo ng makita ang kaitsurahan niya. "Gago anong nangyari sayo?" nanlalaki ang matang tanong ko.

May gasa siya sa ulo habang puro sugat naman ang mukha niya. "Napagtripan diyan sa kanto." pasimple pa niya kong tinanguan bago dumertso kay Rans. "Hey, kamusta ka?"

"Puro bangas ka love." nag-aalalang sambit nitong isa.

Literal na napairap ako. "Love, ang corny. Kadiri." may kalakasang sambit ko para marinig nila.

At gaya nga ng inaasahan ko, tiningnan nila kong dalawa na para bang anumang oras tatawa na sila. Napairap na lang ako bago kunin itong bag ko. "Tutal nandito kana rin naman, babalik na ko sa school."

Pero ang dalawang ulaga na 'to, wala man lang reaksyon. Marahas na napakamot na lang ako sa ulo ko at inis na bumalik sa pagkakaupo. "Fine, dito muna 'ko." hay bwisit.

-----

"Abby, hindi kaba hinahanap sa inyo? Halos dito kana tumira." sambit niya.

Saglit ko lang siyang tiningnan bago ko ibalik ang atensyon dito sa magazine na hawak ko.

"Si Sela, hindi kaba niya hinahanap?" pag tatanong pa niya.

Sukat doon, ay marahas kong sinara itong magazine na hawak ko at seryosong tiningnan siya. "Wag ka nang magtanong ng magtanong Rans. Ang mahalaga, may naiiwan sayo dito para bantayan ka." I took a deep breath. "Si Sela? Alam ko naiintindihan niya ko kung bakit halos dito na ko tumira sayo." dagdag ko pa.

Kulang-kulang isang linggo o dalawang linggo na kong dito naglalagi sa kanya. Salitan kami ni Justin sa pagbabantay sa kanya. Hindi naman kasi namin siya pwedeng iwan dahil delikado. Hanggang ngayon, nakakatanggap parin kami ng death threats. May isang pagkakataon pa nga na nakatanggap kami ng fetus ng sanggol.

At feeling ko, ako ang mababaliw sa nangyayari ngayon. Jusko.

At mula din nun, nasaksihan ko kung gaano siya maghirap gabi-gabi. Narinig ko kung gaano kalakas ang daing niya sa tuwing nasakit ang katawan niya. Nakakainis lang dahil wala akong magawa.

"Oh kumain muna kayo."

Nabaling lang ang atensyon naming dalawa kay Justin na kakapasok lang dito habang may dala-dalang pagkain.

Hindi ko siya sinagot at tumayo na lang. "Lalabas muna ko."

Mabilis ang pagkilos na ginawa ko para makalabas ng kwartong 'yon. Tila naghihinang napaupo pa ko sa mahabang upuan dito lang din sa labas ng kwarto niya. Hindi rin naman nagtagal at agad ding sumunod sa'kin si ungas at, umupo dito sa tabi ko.

"May bad news akong nasagap Abby."

I inhaled deeply. Bad news na naman. "Pwede bang wag mo ng sabihin? Stress na stress na 'ko."

Pero dahil saksakan ng kulit ang lalaking ito, hindi niya ko pinakinggan at tinuloy na ang balak balita niya. "Wala na sila. Ang mga magulang ni Rans, wala na." he finally said.

Nanlalaki ang matang napatingin ako sa kanya. "Seryoso?"

He took a deep breath and nodded. "Yeah, plane crash." tipid na sagot niya.

Naihilamos ko ang palad sa mukha ko. Akala ko pa naman makakahinga na ko ng maluwag dahil uuwi na sina tito. Pero hindi rin pala. Mas lalo lang naging kumplikado ang lahat.

"Hindi ko alam kung pano sasabihin kay Rans ang nangyari sa mga magulang niya." at katulad ko, stress narin siya. "Mukhang babagsak din ako ngayong sem." dagdag pa niya.

Tipid na ngumiti ako. "Kahit ako, mukhang hindi ako makakapag martsa  sa graduation."

At mukhang kailangan ko ng sabihin kay Sela ang totoo. Sana lang, mahintay pa niya ko.

-----

Dahan-dahan at puno ng pag-iingat ang bawat paghakbang na ginagawa ko makarating lang sa kwarto ko. Ayaw kong makagawa ng ingay para malaman nina mommy na nandito ako. Panigurado, masasabon ako ng mga 'yon dahil ngayon lang ako nakauwi.

"Ayaw kong malaman nila."

Natigilan ako ng marinig ang boses ng nanay ko, ng tumapat ako sa pintuan nitong kwarto nila. Napakunot noo pa ko dahil parang umiiyak siya ngayon.

"Ronnie ayaw kong masaktan sila." dahan-dahan naman ang pagkilos na nagawa ko para sumandal sa pader kung saan katabi ang bukas na pintuan ng kwarto. "Ayaw kong i-iwan sila." garalgal na dagdag niya.

"Hey hon, listen to me first. Hindi mo sila iiwan kasi hindi ka naman mawawala." malambing na sagot pa ni Daddy. "Gagaling ka, sabay nating lalabanan 'yang sakit mo. Okay? Don't cry."

"I'm dying." she almost whispered.

Nabitawan ko ang hawak na bag dahil sa narinig. Walang namutawi sa'king salita at agad akong kumaripas ng takbo papaalis sa lugar na 'yon habang patuloy na umaagos ang luha ko.

No, hindi pwedeng mangyari ang nasa isip ko. Bakit ba isa-isa silang pinagpaplanuhan na mawala sa'kin?

Bakit?

-----

"Abby gising. Tanghali na."

I groaned. Inis na napakamot pa ko sa buhok ko bago bumangon. At pangit na mukha lang ni Justin ang bumungad sa'kin.

"Oh, ito damit mo. Magbihis ka, o kaya maligo ka." dagdag pa niya.

Hindi ko na siya nagawang sagutin dahil agad siyang pumasok sa banyo. Akmang babalik naman ako sa paghiga ng makarinig ako ng tikhim mula dito sa isa ko pang kasama.

At katulad ko, mukhang kakagising lang din niya, sobrang gulo ng buhok niya.

"Magbihis kana, babalik ka pa ng higa ah." natatawang sambit niya.

Inirapan ko lang siya at saka tuluyan na ngang bumangon. Tiniklop ko pa itong kumot na ginamit ko at isa-isang hinubad itong saplot ko sa harap niya, maliban lang sa mga undies ko.

"Akala ko ba uuwi ka sa inyo kagabi? Bakit dito ka natulog?" nagtatakang tanong naman niya.

Hindi ko siya sinagot at mas piniling tumahimik na lang. Pagkatapos kong marinig ang pag-uusap ng mga magulang ko, dinala ako ng paa ko sa bahay nina Sela. Pero hindi ko magawang pumasok dahil miski ang veranda niya, nakalock na. Kaya ang ending, dito na lang ako pumunta.

"Hoy Abby?" pagtawag pa niya sa'kin.

Tipid na ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon. At saktong pagtapos ko sa pagbibihis ay siyang malakas na pagbukas nitong pintuan.

Kumunot pa ang noo ko ng bumungad sa'kin si Lara na may nanlilisik na mata. "Lara?"

"Gago ka!"

At halos tumilapon pa ko dito sa sofa dahil sa malakas na pagsuntok niya sa'kin.

"Oh my god! Justin!" malaka na sigaw ni Rans.

Babangon pa sana ako ng mabilis niya kong sinipa sa sikmura at agad na pumatong sa'kin. Lahat ng suntok na binibigay niya at pinipigilan ko. Kaya halos  sa braso ko lang tumatama ang kamay niya.

"Napaka gago mo Abby! Para kay Sela 'to." galit na galit na saad niya

"Lara!"

Nakahinga lang ako ng maluwag dahil sa tulong ni Justin. Agad niyang inilayo sa'kin itong isa.

"Ano pang hinihintay mo? Takbo na!" halos pasigaw na sabi sa'kin ni Justin.

Walang pagdadalawang isip na tumakbo ako papalabas ng kwartong 'yon. Napansin ko pa itong folder na nasa labas ng kwarto. At dahil do'n, isang masamang idea ang pumasok sa isipan ko.

Mabilis ang pagtakbo na ginawa ko hanggang sa tuluyan akong makalabas dito sa Hospital. Napalinga-linga ako para hanapin si Sela pero wala akong nakita.

"Sela" halos pabulong sa hangin na sambit ko.

At katulad kanina, tumakbo ulit ako. Isang lugar lang alam kong pupuntahan niya. Halos makipagpatintero na ko sa mga sasakyan at sa mga taong nakakasalubong ko para lang mabilis na makarating sa lugar na 'yon.

Hanggang sa maramdaman ko itong kalsada dahil sa malakas na pagtilapon ko. Napaikot na lang ako dahil sa sakit ng ulo ko.

"Miss! Miss! Okay ka lang? Bakit ka naman bigla tumawid? Dadalhin kita sa Hospital."

Hindi ko siya sinagot bagkus dahan-dahan akong bumangon at saka muling tinahak ang daan papunta sa lugar na 'yon.

"Miss!"

Napahawak na lang ako sa bandang tagiliran dahil sa pagkirot nito. Ramdam na ramdam ko din ang mainit na likidong umaagos sa noo ko pababa sa leeg ko.

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa pangalawang pagkakataon, bumagsak na naman ako. Nabangga na naman ako. Bwisit. Hindi ko naman napigilan ang sariling hindi mapasigaw sa kadahilanang nagulungan ng motor ang binti ko.

Pero katulad ko, nawalan ng balanse ang nagmamaneho ng motor na 'yon at agad ding natumba.

"Hoy! Kung magpapakamatay ka, wag mo kaming idamay!"

Buong lakas ang binigay ko para lang makabangon ulit. Hindi ko na sila pinagtuunan pa ng pansin at mabilis akong umalis sa eksena na 'yon.

"Hoy bumalik ka dito! Bastos 'tong batang 'to!"

Umiikot ang paninging pinagpatuloy ko ang paglalakad ko. Hanggang sa tuluyan ko ng matanaw ang babaeng nagbigay buhay sa mundo ko. Hindi ko ininda ang sakit ng binti ko at mabilis akong tumakbo para lang makalapit sa kanya.

"Sela" humahangos na pagtawag ko sa kanya.

Gusto kong ipaliwanag ang lahat sa kanya. Gusto kong ipaintindi ang lahat ng nangyari. Pero huli na. Nahuli ako dahil nakapagdesisyon na siya.

Binigyan ko siya ng dahilan para tuluyan akong bitawan.

"We're done."

Hindi ko na siya nagawang pigilan pa ng mabilis tumalikod sa'kin at agad na sumakay sa kotse ng kuya niya.

Nakasunod lang ang tingin ko sa sasakyan na 'yon habang patuloy na umaagos ang luha ko.

Mapait akong napangiti. We're done and I'm done too.

Kasabay ng tuluyan nilang pagkawala sa paningin ko, ay siyang pagsara ng mga mata ko. Naramdaman ko pa ang pagbagsak ko sa semento bago ako tuluyang lamunin ng dilim.

-----

Napa-ingit ako ng makaramdam ako ng hapdi sa bandang ulo ko. Dahan-dahan ko ring minulat ang mata ko para lang mabungaran ang isang tao, sobrang pamilyar sa'kin.

"Ba! She's awake na!"

My brows furrowed. "Ella?"

Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at agad akong bumangon. Napangiwi pa nga ako ng maramdaman ang pananakit ng buong katawan ko miski ang ulo ko.

"Hey hey! Calm down scumbag! Wag ka munang bumangon." agad na pagpigil sa'kin ni Gia.

Pero hindi ko siyang pinakinggan. "Kailangan kong puntahan si Sela."

"Pero hindi pa magaling mga sugat mo. Hindi pa nga kami tapos na gamutin ka." kalmadong sagot sa'kin ni Elle.

"Ipagpabukas mo na lang 'yan Abby, kailangan mong magpahinga ngayon. Kailangan ka din namin dalhin sa Hospital." segunda pa ng kaibigan ko. "Ayaw tumigil ng pagdudugo ng ulo mo."

Mabilis akong umiling sa kanya. Paika-ika pa kong lumapit sa closet niya para manghiram ng jacket niya. "Pupuntahan ko si Sela." buong pasyang sagot ko.

"Malakas ang ulan, baka mabinat ka." at ngayon, nababakasan ko ang pag-aalala sa tono ng kaibigan ko.

Peke akong ngumiti at buong tapang na tiningnan siya. "Kahit si kamatayan pa ang humarang sa'kin, pupuntahan ko parin siya."

Hintayin mo lang ako Marsela, darating ako.



----------------------------------------

Unedited...

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...