Under The Shade (SeBy)

By wwiittyyccuuttiiee

163K 11.4K 2.8K

"You know what, I'm still curious." she said. Agad naman akong napabaling ng tingin sa kanya, nagtatanong ang... More

Author's Note
Prologo
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI (Labrei)
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII - GiaPhant
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI - 🌻
XLII- BeCka
XLIII
XLIV
XLV
XLVI
XLVII
XLVIII
XLIX
L
LI
LII
LIV
LV
LVI
LVII
LVIII
LIX
LX
LXI- PikaJem
LXII
LXIII
LXIV
LXV
LXVI
LXVII
LXVIII
LXIX
LXX
LXXI
LXXII
LXXIII
LXXIV
LXXV
LXXVI
LXXVII
LXXVIII
LXXIX
LXXX
LXXXI
Epilogue
Special Chapter I

LIII

1.4K 131 38
By wwiittyyccuuttiiee

"Having a broken heart is like falling off a horse. Most people will get back on, but some walk away too afraid of the pain to take another chance."

-- Unknown



MARSELA MARI GUIA

"Kuya" Napahinga ako ng malalim. Hindi ko kailangan umiyak ngayon, hindi pwede. "Pwede mo ba kong sunduin? Nandito ako sa waiting shed, sa labas ng University." tuloy-tuloy na saad ko.

( "Sure, no problem. Hintayin mo lang ako, patapos narin ako dito sa ginagawa ko." ) kalmadong sagot naman niya.

Nakagat ko ang ibabang labi. Naiiyak na ko. "Thank you." halos pabulong na sagot ko naman.

( "Are you alright? Bakit may pakiramdam ako na may nangyari sayong hindi maganda?" ) pahabol na tanong pa niya.

Napailing na lang ako kahit na hindi naman niya nakikita. "No, I'm fine." I gulped. "Hintayin na lang kita dito Kuya." hindi ko na hinintay pang makasagot siya at agad kong binaba ang tawag.

Sunod-sunod na paghinga ng malalim ang nagawa ko para lang kalmahin ang sarili ko. Ganon lang ang eksena ko ng maramdaman ko ang isang presensyang sobrang pamilyar sa'kin.

"Sela" humahangos na tawag niya sa'kin.

Masama ang tinging binigay ko sa kanya. Gusto ko makaramdam ng awa dahil sa itsura niya ngayon. Nagkalat ang dugo sa makinis niyang mukha maging sa damit niya na hindi ko alam kung saan niya nakuha. Paika-ika din siyang naglakad papalapit sa'kin habang humihinga ng malalim.

"Sela"

Napalunok ako. Para lang mapigilan ang sariling hindi mapaiyak. "Tapos kana ba? Tapos na ba kayo?" madiin at malamig na tanong ko. "Nasuot mo ba lahat ng damit mo? Wala kang nakalimutan?" sarkastikong dagdag ko pa.

Dahan-dahan naman siyang naupo habang ang mga mata ay sa'kin nakatuon. "Magpapaliwanag ako Marsela."

Pagak akong natawa. "Magpapaliwag? Para saan? Para patuloy na naman akong magpakatanga sayo?" mabilis kong inalis ang tingin sa kanya at mas tinuon na lang ang pansin sa mga sasakyang nadaan sa harap namin. "Anong silbi ng paliwanag mo kung durog na durog na 'ko?"

Para akong sinaksak ng ilang beses sa dibdib dahil sa nasaksihan ko sa kanilang dalawa. Hindi ko na hinintay pang makita nila kong dalawa at mas pinili ko na lang na tumakba palayo, at ito nga dito  ako dinala ng mga paa ko kung saan nagsimula ang sa aming dalawa.

"Walang nangyari sa'min. Mali ang iniisip mo." rinig na rinig ko ang malalalalim na paghinga niya habang sinasambit ang mga salitang 'yon.

Pagak lang akong natawa. "And do you expect me to believe that?"

"Yes" she immediately replied.

Dahil sa sinabi niyang' 'yon mabilis ko siyang tiningnan. "Really?"

"Sela alam kong maiintindihan mo ko kung hahayaan mong magpaliwanag ako sayo." akmang aabutin pa niya ang kamay ko ng mabilis ko naman itong iniwas.

Ayaw ko na ee. Ayaw ko ng bigya pa ng dahilan  ang sarili kong masaktan muli. "Then, explain Abelaine." at tinraydor na naman ang mata ko dahil sa sunod-sunod na pagbagsak ng luha ko. "Makikinig ako."

Pero ilang minuto na ang nakakalipas hindi parin siya nagsasalita. Mataman lang siyang nakatingin sa'kin habang nanggigilid ang luha. Di kalaunan ay siya na mismo ang nagbawi ng tingin sa'kin at mas piniling yumuko na lang. "I'm sorry." bulong niya pero sapat lang para marinig ko.

Marahas kong pinunas ang luhang patuloy na umaagos sa pisngi ko. Pero para lang akong tanga dito dahil wala namang nangyayari. Kada punas ko, may babagsak na namang luha. "See? Hindi mo na nga maipaliwanag sa'kin ngayon mismo ang nangyari." mabibigat ang paghinga na nagawa ko. "Bakit Abelaine? Bakit tayo naging g-ganito?" garalgal na tanong ko.

Napatingin na lang ako sa kalangitan ng wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Mapait akong napangiti. Mukhang kampi ang panahon ngayon sa sakit na nararamdaman ko.

"Kayang kitang intindihin Abelaine, pero hindi palagi." madiin kong nakagat ang labi wag lang makagawa ng malakas na iyak.

Mariin na napapikit pa ako nang marinig ko ang mahihinang paghikbi niya. "H-hindi ko sinasadya Sela." garalgal na tugon niya. "Hindi ko sinasadya." mahinang dagdag pa niya.

Napayuko ako. At hinayaang tumulo ng tumulo ang luha ko dito sa tuhod ko. Grabe rin ang diin ng pagkakakagat ko sa labi ko para lang hindi mapahagulgol ng malakas. Pakiramdam ko pa nga, hirap na hirap na akong makahinga ngayon.

"Akala ko ba, ako p-palagi? Sa lahat ng sitwasyon at sa lahat ng pagkakataon?" nahihirapang tanong ko sa kanya.

"Lahat ng sinabi at pinaramdam ko sayo ay totoo." ganting sagot niya. "Malinis ang motibo ko sayo una pa lang."

I gulped hard. "Then why are you hurting me so bad?" buong tapang ko siyang tiningnan na katulad ko kanina, ay nakayuko rin. "Ano ba talaga 'ko sayo? Panandaliang saya? Kilig? Init? Ano Abelaine?" gusto ko siyang saktan ngayon. Gustong-gusto ko siyang pagsasampalin para kahit papaano, mabalik ko sa kanya ang sakit na nararamdaman ko. Pero hindi ko magawa, hinang-hina ako. "Ano?" tanong ko pa sa namamaos na boses.

"Sela hindi." maagap na sagot niya. "Kahit kailan hindi ka naging panandalian sa'kin." she added.

Inirapan ko siya. Ayan na naman siya, magsasabi na naman siya ng kung anu-anong salita para ano? Para umasa na naman ako. "You know what, it's amazing how can you break my heart and I can still love you with all the little pieces." naghihinang napangiti ako. "But I'm tired Abelaine." and yes, I cried so hard. "I'm tired of all this shits."

"Sela no." marahas niya pang pinunasan ang pisnging basang-basa na dahil sa luha niya. "Maaayos natin 'to. Kaya nating ayusin 'to. Just." she reached for my hand. "Trust me, p-please."

I shook my head while my tears still flowing in my face. "How can I trust you this time Abby?" sunod-sunod na paglunok ang nagawa ko habang nakatingin sa nagsusumamong mata niya. "I trusted you yet you tricked me."

"Sela please, don't." halos yumuyugyog na ang balikat niya dahil sa sobrang iyak.

I smiled weakly. "I focused too much fixing you but I lost myself."

Hindi ko lubos inaasahan na luluhod siya ngayon sa harap ko habang patuloy na umaagos ang luha. "I'll do better this time Sela." she cried out loud. "Aayusin ko pag-aaral ko, ang buhay ko, papasok na ko bukas. Tatapusin ko ang kung ano mang connection namin ni Rans." napaiwas ako ng tingin. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang nakikita siyang ganito.

"Kung kinakailangan na ako ang magluluto ng umagahan mo, gagawin ko. Ako narin maglalaba ng damit mo, ako na maglilinis ng bahay, ako na maghuhugas ng pinggan. Lahat 'yan gagawin ko pag kasal na tayo, wag mo lang ako iwan Sela." she put her head in my knees. "Don't leave me, I'm begging you."

Nahigit ko ang paghinga ko. "I'm sorry Abby, pero wala na akong nakikitang dahilan para ipaglaban ka pa." madiin kong hinawakan ang kamay niya para lang alisin sa pagkakawak sa'kin. "Ikaw 'yung naging pahinga ko noong panahong napapagod ako, pero napagod nadin ako sayo."

"Paano na 'yung mga pangako ko sayo? 'Yung mga p-pangarap nating dalawa? Pano na 'yon?" nahihirapang saad niya.

Naitakip ko ang dalawang palad sa mukhang habang kagat-kagat ang labi. "I want a rest, I want to breath Abelaine. And I want to choose myself this time. I wanna change myself but I can't do that if I'm still committed to you." mariin akong napapikit bago tuluyang tumayo at lumayo sa kanya. "Waiting for you everyday is like waiting for rain in a drought, useless and disappointing."

"Sela please." nagsusumamong pakiusap niya.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin ngayon. Kung lalapitan ba siya para punasan ang luhang nahahaluan na ng dugo dahil sa sugat niya sa ulo, o iiwanan na siya ng tuluyan.

Pero nasagot lang katanungan kong iyon ng matanaw ko ang sasakyan ni Kuya. Napangiti na lang ako.

"In your hesitations Abelaine, I found my answer." my lips started to shake again. "I won't beg for your heart anymore. You keep yours, and I'll keep mine." buong pasyang dagdag ko.

Kitang-kita ko ang pagbagsak ng balikat niya matapos kong sabihin 'yon. Pero hindi nun mababago ang desisyon ko.

Huminga ako ng malalim. "We're done."

At kasabay ng muling pag-agos ng luha ko ay siyang pagdating ni kuya. Walang salitang lumabas sa'kin at mabilis ko siyang tinalikuran at agad na sumakay sa sasakyan.

At doon ko muling ibinuhos ang lahat ng luha ko. Ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Hindi talaga nagkakamali ang senses ko pagdating sa inyo ng ate mo." kuya said and started to drive again.

Inabutan pa niya 'ko ng isang box ng tissue na agad kong tinanggap. At sa huling pagkakataon, tiningnan ko siya. Pinagmasdan ko ang mga mata niyang punong-puno ng lungkot ngayon, hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin ko.

"Ang unfair 'no kuya, they always choose the girl who can play with them. But never the girl that always love, support, and stays with them through their ups and downs." sambit ko sa namamaos na boses.

Narinig ko naman pagtikhim ni kuya. "Your heartbreaks solidify my decisions not to ever enter in a relationship." he seriously said. "It sucks." matabang na dagdag pa niya.

Hindi ko na siya sinagot pa at mas tinuon na lang ang atensyon sa labas ng bintana habang patuloy na umaagos ang luha.

"People make mistakes, even the people we love." he suddenly said. "And you cannot protect yourself from sadness, without protecting yourself from happiness."

Sukat doon ay mabilis akong napatingin sa kanya, nagtatanong ang mga mata.

"Siguro 'yun ang unfair sa mundong 'to, hindi ka pwede maging masaya basta-basta dahil kaakibat nun ay kalungkutan." sinulyapan pa niya ko para lang ngitian ng nakakaunawa.

Napayuko na lang ako at pinagmasdan ang kamay kong may bahid pa ng konting dugo. Dahan-dahan ko 'yung pinunasan gamit itong tissue ni kuya.

I inhaled deeply. Pain is the only thing that’s telling me, I'm still alive. My lips formed into a weak smile. Maybe he's right. Ang unfair nga naman ng lahat ng bagay may kapalit.

And maybe, we have to hurt in order to know, fall in order to grow, lose in order to gain because all of lifes lessons are taught through pain. 'Cause we cannot learn without a pain.

How ironic that the hottest love has the coldest end?



-----------------------------------------

A/N: I already miss Yan Wei and You Yi. A ah 😭

Unedited...

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...