Her Paid Husband ★ (On-Going...

By modernbinibini

325K 4.9K 530

[Asher Gabrielle Becker Alvarez' Story] Sa kagustuhan na manirahan ng permanente ni Asherina sa America haba... More

Her Paid Husband(On-Hold)
One ★ - What a coincidence
Two ★ - I'll be your husband, Ina.
Three ★ - Offering myself to be your Paid Husband
Four ★ - Slowly falling for him
Five ★ - Totoo sa sarili niya
Six ★ - Sana
Seven ★ - Hindi pa ako handang masaktan ulit
Eight ★ - Good Morning, Wife
Nine ★ - Jealous
Ten ★ - On This Day
Eleven ★ - Two of Us
Twelve ★ - Dinner Group Date
Thirteen ★ - Christmas Celebration
Fourteen ★ - Pinakamamahal
Fifteen ★ - Philippines
Sixteen ★ - Untitled
Seventeen ★ - Truth
Eighteen ★ - Buong Puso
Nineteen ★ - Hiding
Twenty ★ - It's All About Us
Twenty - One ★ - Family
Twenty - Two ★ - Childhood Sweetheart
Twenty - Three ★ - Pancit Canton
Twenty - five ★ - Giligans
Twenty - Six ★ - One-Zero
Twenty Seven ★ - Midnight Date
Twenty Eight ★ - Identity

Twenty - Four ★ - I love you more

8K 212 31
By modernbinibini

AFTER 12345678910 YEAAAAAAAAAAAARS! MAY UPDATE NA ULIT AKO!! HORRRRAAAAAYYY! AYUN, NAGING BUSY PO KASI AKO SA THESIS NAMIN., NGAYONG SUMMER NAMAN PO AY MAGGING BUSY AKO SA OJT NAMIN, NAWA'Y MASUPORTAHAN NIYO PARIN AKO <3 

Short and Lame update. Sorry pows.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter Twenty-Four

Maaga akong nagising sa kadahilanang ‘eto na yung araw na pinaka-iintay ko, ‘yong perfect time na inaabangan ko simula pa noong narealize ko ang bagay na ‘yon. Kaarawan na ni Asher. Halos hindi ko na nakigisingan si Asher sa tabi ko ng magising ako. Pagpunta ko sa kusina ay nakakita ako ng sticky note sa may kitchen table.

“Good morning Wifey, have a great day ahead! Maaga akong pumasok para makapagdinner tayo mamaya kasama sila nanay.

P.S. iloveyou – walang space kasi bawal sumingit sa pag-ibig ko para sa’yo. – Asher”

Nang mabasa ko ang sticky note na iniwan niya ay napangiti agad ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nagsimulang tumawag sa mga kaibigan ko at kaibigan niya, pati na rin sa family niya. Mga alas-diyes na ng umaga dumating ang mga kaibigan ko dala dala ang mga pinag-grocery ko sa kanila. Samantalang habang nagluluto kami ng ihahanda mamaya ay dumating naman ‘yong mga kaibigan niya na may dala dalang mga tables and chairs, pati na tents na maaaring pagsilungan ng mga lulutuing pagkain.

Simpleng salo-salo lamang ang inihanda ko para sa kanyang kaarawan, ang gusto niya lang naman ay makasama ang pamilya niya pati na ang ilang mga kaibigan namin kaya naman iyon ang gagawin ko. Sana lang ay matuwa at maapreciate niya ang effort ko pati na ng mga nagmamahal sa kanya. Pagkatapos iset-up nila Jem at Kirk iyong mga table and chairs ay nagpunta naman sila malapit na party needs store upang bumili ng mga LED Balloon, samantalang abala naman ang mga kaibigan kong sila Dana, Kristine, at Macy sa pag-piprint ng mga pictures na meron ako sa cellphone ko.

Gusto ko kasing nakasabit iyong mga litrato namin sa dulo ng tali ng balloon. Iyong tipong makikita niya yung pictures namin, tapos doon sa tatlong malalaking balloons ay nakalagay ang surprise ko para sa kanya. Hindi ko pa nasusubukang gumawa ng ganitong klaseng ka-cornyhan pero sana ay maging maganda parin ang kalalabasan. Nahihiya nga ako sa gagawin kong surprise sa kanya, kasi pakiramdam ko hindi ko matatapatan ‘yong surprise niya noon sa akin. Noong hinarana niya ako sa Disneyland, napagkadaming tao doon pero hindi siya nahiya habang ginagawa ‘yon.

“Sigurado ka ba sa gagawin mo?” alanganing tanongsa akin ni Macy. Ngumiti lamang ako at tumango. Siguradong sigurado na ako kahit ano pang mangyari. Sabi nila, wala namang masama kung susubukan mo basta handa kang tanggapin ang maaaring kalabasan ng iyog gagawin. And yes, bago pa man ako sa humantong sa ganitong desisyon ay ilang beses ko ng naisip ang mga pwedeng mangyari pagkatapos nito.

Halos anong oras na rin ng matapos kaming mag-ayos ng para sa mamaya. Handa na iyong pagkain, pati na iyong balloons, pati na rin yung sasabihin. Miski ang magulang at kapatid niya dumating na siya nalang ang iniintay.

“Ready ka na?” tanong ni Dana sa akin. Nakangiti itong nakasilip na pintuan ng silid kung saan ako nag-aayos ng sarili ko. Kanina pa ako ngiti ng ngiti sa mga taong kasama ko dito sa loob ng bahay. Para tuloy akong tanga pero ayos lang naman sa akin. Para naman sa ikasasaya namin ni Asher ang gagawin ko.

 

 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Asher’s POV

Marahil ay hindi na naman namalayan ni Ina ang oras kaya naman sarado pa ang mga ilaw. Nawili na naman ang isang ‘yon sa panonood ng Korean drama at mga kung anu-anong love stories. napagkaHopeless Romantic talaga ng isang ‘yon. Napailing nalang ako ng buksan ko ang pintuan ng bahay.

“HAPPY BIRTHDAY ASHER!!” nagulat nalang ako ng bumukas ang ilaw at makarinig ng malakas na pagbati. Tiningnan ko ang mga bumati sa akin at napangiti ako ng makita ko ang mga kaibigan ko at ni Ina, pati na ang mga magulang at kapatid ko. Dahil doon ay agad nalipat ang atensyon ko sa mga balloon na may nakasabit na mga pictures namin mula noong nasa Amerika pa kami at habang nandito kami sa Pilipinas.

“Where’s Ina?” iyon ang agad ang tanong ko sa kanila. Dahan dahan naman silang naghati sa gitna doon nakita ko ang babaeng pinakamamahal ko na may hawak na malaking kulay pulang lobo. Nakangiti siyang naglakad papunta sa pwesto ko at sinalubong ako ng masayang masaya.

“Happy Birthday hubby” sabi nito sabay yakap sa akin. Ginantihan ko naman ang kanyang mahigpit na yakap. Sa tuwing mayayakap ko ang asawa ko, agad na gumagaan ang pakiramdam ko. Yung energy level ko, biglang nagiging full kapag kasama ko na siya. Corny mang pakinggan pero mula ng dumating siya sa buhay ko ay siya na ang naging source ng kasiyahan at dahilan kung bakit siguro ako nabubuhay dito sa mundong ibabaw.

“Thank you, wifey. Thank you very much” sabi ko rito. Kumawala ako sa pagkakayakap ko sa kanya upang magpasalamat rin sa mga taong tumulong sa kanya para sa ganitong surpresa sa akin.

“Happy birthday son” sabi ni Tatay. Tumango ako at nagpasalamat sa kanya.

“Happy birthday, baby” sabi naman ni Nanay. Naluluha pa ito pero mababakas mo ang kasiyahan sa kanyang mata. Matanda na’t may asawa na ako pero baby parin ang turing sa akin ng magulang ko, lalong lalo na si nanay.

“Thank you po” sabi ko sa kanila at niyakap sila ng magkasabay. Miski ang mga kapatid ko ay lumapit din sa akin upang batiin ako at tulad ng ginawa ko sa magulang ko ay nagpasalamat din ako sa kanila. Pagkatapos ng mga kapatid ko ay ‘yong mga kaibigan naman namin ang lumapit at bumati sa akin. Masaya ako dahil nandito at kasama kong magcelebrate ang mga taong malalapit sa buhay ko.

Pagkatapos ng batian ay kumain kami ng sabay sabay. Masayang masaya ang naging celebrasyon ng kaarawan ko. Halos lahat ng nakahanda ay niluto ni Ina kaya naman tuwang tuwa si nanay dahil alam niyang hindi ako napapabayaan ng asawa ko.

“Happy birthday ulit, pre” bati ni Kirk at Jem sa akin. Halos katatapos lang namin magcelebrate at napagpasyahan na nilang umalis dahil may pasok pa ulit bukas. Kasama nila ang kaibigan ni Ina na sila Dana, Kristine, at Macy. Ihahatid ng mga kaibigan ko ang kaibigan ni Ina.

“Salamat, pre” sabi ko sa mga ito.

“Ingat kayo, text kayo kapag nakauwi na kayo” rinig kong sabi ni Ina sa kanyang mga kaibigan. Nauna ng umuwi ang nanay at tatay pati na ang mga kapatid ko dahil may maaga silang lakad bukas.

Nang makauwi na ang lahat ay kami nalang ng asawa ko ang natira dito sa bahay. Napagkasunduan naming bukas nalang kami magliligpit nang iba pang kalat dahil pagod na rin kami.

“Are you happy?” tanong ni Ina habang magkayakap kaming nakahiga sa kwarto.

“Sobra sobrang kasiyahan ang nararamdaman ko dahil kasama kita, ang mga kaibigan natin, pati ang magulang ko” sabi ko sa kanya.

“Did I make your birthday memorable?”

“Super” sabi ko rito sabay tingin sa kanya at halik sa noo niya, napapikit naman siya dahil sa ginawa ko.

“Thank you, wifey. I love you”

“I love you more, hubby”

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 48.9K 40
Heartbreakers Series #2: Leion Eleazar Zendejas Despite being popular because of his academic standing and good looks, Leion Eleazar Zendejas was a s...
603K 25K 46
Heartbreakers Series #5: Tavian Giovanni Romero Si Frida Louisse Suarez ay dati nang estudyante ng Torrero University pero dahil sa isang pangyayari...
1.3M 57.3K 103
(Finished) Stella Dominguez works during the day and goes to law school every night - well, after her law classes, she parties at clubs to have some...
1.5M 62.5K 101
(Finished) After partying so hard and getting drunk at her older brother's wedding, Sky Velasco didn't expect she'd create a lot of scandalous moment...