Under The Shade (SeBy)

By wwiittyyccuuttiiee

163K 11.4K 2.8K

"You know what, I'm still curious." she said. Agad naman akong napabaling ng tingin sa kanya, nagtatanong ang... More

Author's Note
Prologo
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI (Labrei)
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII - GiaPhant
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI - 🌻
XLII- BeCka
XLIII
XLIV
XLV
XLVI
XLVII
XLVIII
XLIX
L
LI
LII
LIII
LIV
LV
LVI
LVII
LVIII
LIX
LX
LXI- PikaJem
LXII
LXIII
LXIV
LXV
LXVI
LXVII
LXVIII
LXIX
LXX
LXXI
LXXII
LXXIII
LXXIV
LXXV
LXXVI
LXXVII
LXXVIII
LXXIX
LXXX
LXXXI
Epilogue
Special Chapter I

XXXVII

1.7K 132 18
By wwiittyyccuuttiiee


MARSELA MARI GUIA

"Where are you Abby?"

( "I'm on my way bebi. Chill lang, okay?" )

Napairap na lang ako sa kawalan. "Bilisan mo. Hindi ako makakapasok hangga't na sa'yo I.D ko."

'Yan lang ang huling sinabi ko sa kanya bago ibaba ang tawag. Stress na napasulyap ako sa relos ko. Gosh. Konting-konti na lang late na talaga ako.

Kung hindi ka ba naman saksakan ng ewan Marsela. Sa lahat pa ng maiiwan ko sa kanila, I.D ko pa. Naharang tuloy ako ng guard kanina. Nakakahiya. Akala ko din kasi may suot na 'kong I.D, wala pa pala. Tss.

20 minutes pa, sana umabot ang babaeng 'yun.

Wala naman akong ibang gagawin dito kundi ang maghintay na nga lang. Alangan namang magwala ako dito diba. Parang tanga lang.

Nasa ganon naman akong eksena ng biglang may humintong sasakyan sa harap ko. Bahagya pa kong nagulat ng makilala kung sino ang nagmamay-ari ng kotseng 'yun.

His brows furrowed. "Sela?"

Napalunok ako. "Kuya Ro-.." alanganin pa kong ngumiti sa kanya nang mapansin ko ang suot niyang damit. "Sir" bati ko.

But he just laughed at sat beside me. Pasimple na lang akong umusod ng konti. Masyado kasi siyang malapit, hindi ako sanay.

"Anong ginagawa mo dito?" He asked, smiling at me.

Pigil ang sariling hindi ko siya matingnan. Ewan ko ba, parang iba na ang pakiramdam ko kapag nandiya. Para bang naiilang ako na hindi maintindihan.

"Hinihintay ko si Abby." I replied. "Naiwan ko sa kanya 'yung I.D ko." dagdag ko pa.

Hindi naman ako nakarinig ng sagot mula sa kanya kaya nagtatakang sinulyapan ko siya. Mataman lang siyang nakatingin sa'kin na para bang ang lalim ng iniisip niya. Napakunot noo tuloy ako. "Sir?"

Nalaman ko kasi kay Kuya na prof pala 'tong si Kuya Robi dito. He's licensed Engineer na, pero gusto niya din daw kasi magturo kaya pinagsasabay niya ang dalawang propesyon.

"Abby? You mean, si Trinidad?" he asked.

I nodded at him. "Yes" agad naman akong nag-iwas ng tingin.

Grabe siya makatitig. Parang hinahalukay buong pagkatao ko. Ganoon din naman si Abby, pero kapag kay Abby, sobrang kampante ako, pero sa kanya? Ewan ko ba. Naiilang ako na hindi ko alam. Ang gulo.

"Bakit nasa kanya I.D mo?" he asked.

Napaayos naman ako ng pagkakaupo at pasimpleng umusod ulit papalayo sa kanya. "Naiwan ko sa kanila kahapon." I simply said.

"At bakit nasa kanila ka kahapon?"

Sukat doon ay mabilis ko siyang tiningnan, grabe pa ang pagpipigil ko sa sarili ko na wag siyang mataasan ng kilay. "Wait lang." I inhaled deeply, trying to calm myself. "Why did you asked?"

His brows furrowed. "I just wanted to know." then he cleared his throat. "And I just wanted to make sure that you're safe whoever you are with."

Dahan-dahan naman akong tumango habang mataman siyang pinagmamasdan. "Well, as far as I know, you're my brother's friend, not mine." agad ko namang sinukbit sa balikat ko ang bag ko. "And I don't own an explanation to you. I'll go ahead Sir, excuse me." hindi ko na siya hinintay pang makasagot at agad ko siyang iniwan do'n.

Bigla akong nainis ee. Kapag nabubwisit pa naman ako, wala talaga akong sinasanto. Tss.

Hindi pa ko tuluyang nakakalapit sa may gate nang may matanaw na kong isang napaka pamilyar na tao. Tinaasan ko lang siya ng kilay nang tuluyan na 'kong makalapit sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?"

She just shrugged. "Nakakahiyang lumapit sa inyo ee. Baka makaistorbo ako." she plainly said.

Napakunot noo ako. Ano bang pinagsasasabi ng babaeng 'to? "Oh, 'yung I.D mo."

Hindi naman ako nakapalag ng siya na mismo ang magsuot ng I.D ko sa leeg ko. Siya na din ang nag-ayos, inipit niya pa sa ilalim ng kwelyo ko ng blouse ko. "Makakapasok kana mahal na prinsesa." she added.

Pabirong hinampas ko siya sa braso niya. Hindi ko mawari kung nagbibiro ba siya ngayon o ano. Ang seryoso kasi ng mukha niya. Ito lang 'yung kauna-unahang pagkakataon na hindi matamis niyang ngiti ang bumungad sa'kin. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapaisip.

"Are you alright?" may pag-aalala sa tanong ko.

Saglit pa niyang pinagpag itong uniform ko bago tumingin sa'kin. "Oo naman." she simply said. "Halika na, ihahatid na rin kita sa room mo."

Aangal pa sana ako kaso mabilis niyang kinuha itong iilang librong dala ko at nauna ng maglakad. Hindi makapaniwalang nakatingin lang ako sa ngayon sa likod niya, wow lang talaga? Ano bang problema ng babaeng 'to?

Imbes na mag-isip ng kung anu-ano dito, mabilis ang paghakbang na ginawa ko para sundan siya. Marahan pa 'kong napahawak sa braso niya ng magkapantay kaming dalawa.

"Abby?" alanganin kong pagtawag sa kanya.

"Hmm?" she hummed.

I pout. "Masama gising mo?" yun lang kasi naiisip kong dahilan ngayon kung bakit masama ang timpla niya.

She took a quick glance at me. "Hindi" tipid na sagot niya.

Inis na napakamot na lang ako sa ilong ko. Hindi daw? Ee halos mapanisan na siya ng laway dito dahil hindi man lang niya ko kinakausap. Ang sarap niyang sampigahin. Nakakairita.

"Hindi kaba nakainom ng kape kaya masama mood mo?" parang tangang tanong ko naman.

Natutop ko naman ang labi ko nang tingnan niya ko na para bang naiirita na siya. "Stop asking some stupid question Marsela." she coldly said. "Will you?"

Seryosong nakipagtitigan lang ako sa kanya. Ganon lang eksena naming dalawa ng mapagdesisyunan kong bawiin sa kanya 'yung mga libro ko. "Umuwi ka na lang muna. Matulog ka ulit, napaka init ng ulo mo." and then, I walked out.

Nakakainis lang kaya. Hindi naman ako manghuhula para hulaan kung ano bang pinuputok ng butsi niya. Ayaw agad sabihin sa'kin kung anong problema niya, puro siya hindi. Hampas ko sa mukha niya 'tong hawak kong libro ee. Nakakagigil siya.

Halos kumpleto na lahat dito sa room nang dumating ako. Parang ako na nga lang ata ang wala pa ee. Pasalampak naman akong umupo sa upuan ko, pabalang ko din na ibinaba itong libro ko sa desk dahilan para makuha ko ang atensyon nina Sheki.

"Ops, someone woke up in the wrong side of bed." I heard Lara said.

Dahil doon, sinamaan ko siya ng tingin. "Wag mo ko simulan Layar ah." pananakot ko naman sa kanya, kaso ang gagang 'to, tinawanan lang ako.

"Bakit na high blood ka Sela?" Belle asked. "At saka, muntik ka ng ma-late ah." dagdag pa niya.

Tila stress akong napasandal sa upuan ko. Nakaka-stress naman talaga ang araw ko ngayon. Magmula paggising ko ng umaga, hanggang ngayon. Tss.

Mabilis ang pagtakbo ng oras. Halos sunod-sunod din ang klase ngayon kaya pagod narin. Pre-finals exam na kasi sa isang araw kaya sobrang busy na ng bawat estudyante at maging mga profs.

Napahilot lang ako sa leeg ko saka isukbit ang bag ko sa balikat ko, tila nanlalambot ko pang kinuha itong libro ko. Napagod ako, physically and mentally. Gosh.

"Tara na, gusto ko na mahiga." at katulad ko, nanlalamot din si Belle. "Feeling ko anumang oras bibigay na 'tong katawan ko dahil sa sobrang pagod." she added.

Magkaakbay silang dalawa ni Lara na lumabas nitong room, habang ako nandito lang sa likod. Hindi naman ako nagulat pa ng pagkalabas ko nitong room, mukha agad ni Abelaine ang bubungaran ko.  Gusto ko siyang irapan pero dahil pagod ako, hindi ko na tinuloy.

"Sela" and now, she's calm.

Huminga lang ako ng malalim at saka inabot sa kanya itong books ko. "Tara na?"

Kahit nag-aalangan, kinuha niya parin itong libro ko. Akmang iiwan ko na siya do'n ng mabilis naman niyang nahawakan itong kamay ko para pigilan. Kunot noong tiningnan ko lang siya.

"What?" walang ganang tanong ko pa dito.

She was just staring at me for a while before her lips formed into a genuine smile. "My actions weren't meant to hurt you and I am determined that my following actions are meant to make it up to you." she sincerely said. "What can I do to make you smile again?" and now, she's holding the both of my hands.

Bahagya lang umawang ang labi ko para lang isara ulit. Bigla akong nawalan ng sasabihin sa kanya.

"Kaya naman pala bad mood buong maghapon, magka-away." nahihimigan ko pa ang pang-aasar sa tono ni Belle.

"Kiss lang katapat niyan Abby." segunda pa ni Lara. "O, kaya naman donut. Wag lang siopao, galit 'yan sa mga kamukha niya ee."

Inis na kinuha ko ulit kay Abby yung libro ko, akmang ibabato ko naman 'yun kay Lara ng maagap akong napigilan nitong isa.

"Chill" she chuckled. "Ang hot mo masyado."

I rolled my eyes at her then flipped my hair. "I know that Abelaine." sinamaan ko pa ng tingin ang mga kaibigan kong malaki ang pagkakangisi sa'kin ngayon. "Tara na nga." at saka ko kinaladkad paalis si Abby do'n.

Narinig ko pa ang malalakas na pagtawa ng dalawa na ikinairap ko na lang. Ang kukulit nila ee.

"Gusto mo ba ng donut?" she suddenly asked.

Sukat doon ay nilingon ko siya para lang samaan ng tingin. "Nang-aasar kaba o ano?"

Nanlaki naman ang mata ng babaeng 'to at itinaas pa ang dalawang kamay na akala mo'y sumusuko. "I'm not Marsela. I'm just asking you."

I took a deep breath and looked away. "No, need. I'm not hungry." may kahinaag sagot ko sapat lang para marinig niya.

Hindi naman siya sumagot sa'kin bagkus marahan lang niyang hinawakan ang kamay ko. Kahit papaano, kumalma narin naman ang sistema ko. Isama pa ang may kalakasang ihip ng hangin ngayon. Nililipad tuloy ang buhok ko.

Tahimik lang naman kaming naglalakad ngayon. Tanging busina ng mga sasakyang nadaan lang ang maririnig ngayon. Ganyan lang ang eksena naming dalawa ng may maisip akong itanong sa kanya.

"Exam na sa susunod na araw ah." I started. "Nakapag review kana ba?"

But she just shrugged. "I don't need that bebi. Kaya kong pumasa ng hindi nagrereview." ang hambog, grabe.

I shooked my head in disbelief. "Ang yabang mo. Paano ka kaya nakakapasa kung hindi ka nagrereview diyan?" tanong ko pa.

Saglit pa kong natigilan nang ayusin niya ang buhok niya mula sa pagkakagulo nito dahil sa hampas ng hangin. "Nasa Diyos ang awa Marsela, kaya ako nakapasa."

Natatawang hinampas ko lang siya sa braso niya. "Para kang ulaga diyan."

Hindi naman siya sumagot sa'kin at tanging pagtawa lang ang tinugon. Wala na ulit nagsalita sa'ming dalawa, tahimik lang naming binabaybay itong daan. Hindi naman awkward, kaya ayos lang. Para bang ang gaan-gaan parin ng atmosphere sa'ming dalawa.

Ganon lang kami hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa bahay. "Pumasok kana muna, maaga pa naman."

Hindi ko na siya hinayaan pang maka-angal at agad ko na siyang hinila papasok sa loob.

"Mom?" nagpalinga-linga pa ko para hanapin ang nanay ko kaso bigo ko.

"Mommy nakauwi na ko." may kalakasang sigaw ko pa. Kaso wala kaming nakuhang sagot kay mommy. Napakamot na lang tuloy ako sa noo ko.

"Nasan sila?" she asked.

I just shrugged. "Hindi ko alam." binaba ko lang saglit itong bag ko sa sofa bago siya tingnan. "Ikukuha muna kita ng maiinom."

Pumanhik lang ako sa kusina para ikuha siya ng maiinom. Hindi naman ako nagulat nang sumunod siya sa'kin dito.

"Hindi kaya nilayasan ka ng mommy mo?" she said all of sudden. "Baka daw kasi sobrang pas-..."

"Manahimik ka Trinidad." binato ko naman sa kanya itong potholder na nadampot ko. "Magsisimula kana naman."

Pero ang babaeng 'to, tinawanan lang ako. Tanging pag-irap lang ang tinugon ko sa kanya at saka inabot sa kanya itong isang basong juice. Kumuha na din ako ng tinapay at naglagay sa platito saka binigay sa kanya. Hindi naman siya tumanggi at nakangiting sinimulan lang ang pagkain niya. Napapailing na lang tuloy ako.

"How did you come out Abby?" I asked out of nowhere.

Saglit naman niyang nilunok ang pagkaing nasa bibig saka sumagot. "Simple lang, sinabi ko sa kanila na I like girls, and my dad said he like girls too." prenteng sagot niya.

Parang tanga naman ako dito na nakanganga lang habang nakatingin sa kanya. "Ganon lang? I mean, okay agad sa kanila?" nakakagulat lang. Kasi 'yung iba diba, sobrang nahirapan sila kasi hindi matanggap-tanggap ng family nila.

"Yes" nakatingin lang ako sa kanya nang tumayo siya mula sa pagkakaupo at agad na lumapit sa'kin. "Tikman mo, parang may kulang."

My brows furrowed. "Anong kulang?"  she's talking about the juice that I made for her.

"Tamis" sumimsim pa ulit siya sa juice na hawak bago muling tumingin sa'kin.

Napailing na lang ako. Akmang kukunin ko na sa kanya 'yung baso ng maagap niya kong napigilan. At bago pa ko makapag react sa ginawa ko, naramdaman ko na lang bigla ang marahan na pagdampi ng labi niya sa labi ko.

Saglit lang 'yun at agad din siyang humiwalay sa'kin.

"Tikman mo, kulang paba sa tamis?" and now, she's smirking at me.

Hindi naman ako sumagot sa kanya. Natameme lang ako habang nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya, miski nga ang ibuka ang labi ko hindi ko magawa-gawa.

Pero ang babaeng ito, nagawa pa kong tawanan. "Sela, natu-..."


"Ehem"

Halos sabay pa kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na 'yun. Nakataas ang kilay ni ate Aya ang nabungaran ko. Kaya ang siste, mabilis kong nilunok itong juice na pinainom sa'kin ni Abby gamit ang labi niya.

Oo, ang burara. Ayaw ko ngang lunukin kaso natakot ako bigla.

"Ate" Kabadong pagtawag ko sa kanya.

Hindi naman siya sumagot agad bagkus seryoso lang ang mukha niya habang nagpapasalit-salit ang tingin sa'min ni Abby. Binalot tuloy ng kaba ang dibdib ko. Teka lang naman.

"Remember our golden rule Marsela." madiin ang bawat salitang sambit niya.

Sunod-sunod ang paglunok na nagawa ko. Alam na alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Huminga lang ako ng malalim at saka sumagot ng, "No sex inside this house." may kahinaang sagot ko pero sapat lang para marinig nila.

Silang dalawa ni Kuya nakaisip ng rule na 'yan. Ewan ko ba sa dalawang 'to at pati 'yun, naiisip.

"Hindi na, nag-iba na." she replied.

My brows furrowed. Nag-iba na? Ee bakit hindi ko alam?

Nakita ko naman ang pasimpleng pagsulyap niya kay Abby bago muling binalik ang tingin sa'kin. "No sex until you get married." she crossed her arms over her chest. "Understand?"

Kahit naguguluhan, tumango na lang ako. Pinasadahan pa niya kami ng tingin ni Abby bago kami iwan dito.

Nahihiyang napakamot na lang ako sa noo ko. Ako ang nahiya sa kanya.

"No sex daw." nahihimigan ko pa ang panghihinayang sa boses nitong katabi ko. "Sayang" she added.

Inis na hinampas ko siya sa braso niya ikinatawa niya lang naman.

Ngayon sigurado na 'ko, masasabi kong malas nga ako ngayong araw na 'to.








-------------------------------

A/N:  I just had a hard time to typed this chapter 'coz I'm not feeling well.

Good night people.

Unedited...

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...