Beauty and the Beast

By hyunjiwon_sg4ever

288K 7.5K 588

Fairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to mak... More

Simula
#1: She's the Beauty of the Beast
#2: Flashback
#3: Ang Paglayas
#4: The Beast
#5: Yung Katabing Bahay
#6: Reality
#7: Rason
#8: Know Him Better
#9: Lumuhod?
#10: Effect
#11: Confuse
#12: Iisang Bubong
#13: 6417
#14: Three Years Ago
#15: Anino
#16: His Mom
#17: Three Hours
#18: Marry Me
#19: JAIL
#20: Celebrating Alone
#21: Beauty and the Beast
#22: Ma Femme
#23: Darryl Castro
#24: Offer
#25: Magic Words
#26: Kiss
#27: Hindi Bagay
#28: Selfish
#29: Obsession
#30: Fear
#31: Stay
#33: Surrender
#34: Under a Curse
#35: First Love
#36: Friendly Kiss
#37: Hindi Pwede
#38: Blueprint
#39: Layuan Mo
#40: Fine
#41: Totoo
#42: Tayong Dalawa
#43: Sai
#44: Anything
#45: Promise
#46: Naaalala
#47: Hate
#48: Wala Na
#49: Right Time
#50: Goodbye
Wakas
Untold #1
Untold #2

#32: His Secret

4.7K 130 12
By hyunjiwon_sg4ever

Kabanata 32: His Secret

 

-Saerin Gail’s POV-

 

Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko papunta sa mukha ni Jared at marahan ko itong hinaplos. He’s still sleeping, sobrang payapa ng mukha niya ngayon na animo’y para siyang isang anghel. I gently traced his eyebrows pababa sa matangos niyang ilong pababa pero napatigil ako nung mapatingin ako sa labi niya. Halos mahigit ko yung paghinga ko sa mga naiisip ko, gosh! Bakit bigla kong naalala yung mga halik niya?

Inilayo ko ang kamay ko sa mukha niya nanatili pa rin ang tingin ko sa kanya kasabay noon ang sunod-sunod na mga tanong sa isipan ko. Paanong ang isang maamong mukha na ito ay kayang maging isang halimaw? Paanong ang isang tulad niya ay kayang mahalin ang isang tulad ko? Tama ba na ako ang nasa tabi niya ngayon?

Bahagya siyang gumalaw palapit sa akin pero natanggal na yung pagkakayakap niya sa akin. Bumuntong hininga ako, sa wakas. Kanina pa kasi ako gising pero hindi naman ako makatayo dahil sa yakap niya. Marahan akong umusog palayo sa kanya para hindi siya magising. Kailangan ko na rin kasing bumangon kasi maghahanda pa ako ng almusal namin.

Pero hindi pa man ako nakakalayo sa kanya ay bigla kong naramdaman ang kamay niya sa may baywang ko. I sighed exasperatedly and looked at him, nakapikit pa rin siya. Mas lalo niyang inilapit yung sarili niya sa akin at mahigpit akong niyakap.

“Jared?” tawag ko sa kanya sabay ng marahang pag-alog sa kanya.

“Hmmmm” aniya at mas sinuksok pa yung sarili sa akin. Napairap na lang ako sa kawalan at sinubukan siyang itulak palayo sa akin.

“Gumising ka na, tanghali na kaya” sabi ko sa kanya habang inaalog pa rin siya.

“Fi-five minutes pa” sabi niya at muli na naman akong niyakap ng mahigpit. Bumuntong hininga ako habang sinusubukan pa ring tanggalin yung yakap niya na akala mo naman iiwan siya. Nagugutom na kaya ako kaya kailangan na naming bumangon!

“Jared naman!” singhal ko sa kanya. “Nagugutom na ako!” sigaw ko kaya naman bigla niyang naidilat yung mata niya. Tamad niya akong tinignan sandali pero ngumiti din siya sa akin.

“Good morning” he huskily said as he grinned at me.

“Walang good morning sa taong gutom kaya tanggalin mo na yung pagkakayakap mo sa akin at bumangon na tayo” mataray na sabi ko sa kanya. Pero sa halip na sundin ako ay mas lalo niya pang hinigpitan yung yakap niya sa akin.

“Kiss mo muna ako” nang-aasar na sabi niya habang nakanguso.

“Mukha mo!” singhal ko sa kanya.

“Okay, I’ll sleep” he playfully said then he closed his eyes. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at sinimulan siyang alugin ng marahas. Bahala siya diyan.

“Gumising ka na! Ano ba?!” sigaw ko.

“Bahala ka, hindi tayo babangon dito” aniya habang nakapikit pa rin “Isang kiss lang naman baby. Tss.” Medyo nakabusangot na sabi niya.

“Nakakainis ka Jared” inis na sabi ko at bumuntong hininga. Bahala na nga.

Inilapit ko yung mukha ko sa mukha niya at marahang pinaglapat yung labi naming dalawa ng mga ilang segundo tapos nilayo ko rin. Nangiti naman ang loko at marahang idinilat ang mata niya, inirapan ko naman siya pero nanatili pa rin yung ngiti niyang tagumpay.

“Tara na, nagugutom ka na eh” aniya at mas nauna pa siyang bumangon sa akin.

Napailing na lang ako at bumangon na rin. Pumasok si Jared doon sa banyo niya dito sa kwarto niya samantalagang ako naman ay napatingin doon sa salamin. Napapikit na lang ako sa inis nung makita ko yung gulo-gulo kong buhok at yung haggard kong mukha. Napailing na lang ako habang inaayos ko yung buhok ko gamit yung kamay ko.

Pumayag na akong matulog sa tabi niya mula ngayon, dahil na rin sa kondisyon niya. Hindi ko pa rin alam kung anong mangyayari sa mga susunod pero gagawin ko talaga yung best ko para matulungan si Jared. I need to help him so that we can go back to our normal lives. Hindi siya makapasok sa kumpanya nila dahil sa kondisyon niya, hindi rin naman ako makapasok sa school dahil din sa kondisyon niya. Sa ngayon, kailangang palagi akong nasa tabi niya. Buti na lang at nagawan ng paraan nila Mama na hindi muna ako pumasok sa school.

Lumabas ako ng kwarto at agad na pumunta sa kwarto ko para gawin na rin yung mga daily morning activities ko.

***

Tahimik lang akong naghihiwa ng carrots nung bigla kong maramdaman na may yumakap sa akin ng mahigpit mula sa likod kaya napatigil ako sa ginagawa ko. Nilapag ko yung kutsilyo at binalingan siya ng tingin. He’s looking at me like a kid.

“Bakit ang ganda mo Gail? Kaya maraming nagkakagusto sa’yo eh” sabi niya habang nakatingin sa mukha ko. Inirapan ko siya at kumalas mula sa yakap niya. Nilingon ko siya at tinignan.

“Bakit ang gwapo mo Jared? Hindi mo ba alam na sobrang dami ng nagkakagusto sa’yo?” sarkastikong tanong ko sa kanya. Ngumisi siya sa akin at hinawi niya yung buhok kong medyo humaharang sa mukha ko.

“Ikaw kasi ang gusto ko wala ng iba” aniya at bumaba ang isang kamay niya sa baywang ko. “Pero kasi ikaw, natatakot ako na baka hindi mo ako gusto, Gail, na baka bigla mo na lang akong iwan kapag napagod ka na sa akin” malungkot na wika niya. “Maybe you can find someone better than me, maybe you’ll leave me” sabi niya at mas nilapit niya pa ang sarili sa akin.

“Asawa mo na ako eh” mahinang sabi ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit tapos ay bahagya siyang humiwalay sa akin at bahagya ring ngumiti.

“Mahal na mahal kita, Gail” he said, sincerely. “Do you love me too?” desperadong tanong niya.

Napalunok ako sa tanong niyang iyon. I know I love him, I really love him. But why can’t I say it back? Parang natatakot ako? Nakatingin lang ako sa kanya habang siya ay desperadong nag-aantay ng sagot ko. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko sa mga sandaling ito para hindi ko masagot ang tanong niya.

“You? You don’t love me?” bigong tanong niya.

Mahigpit kong hinawakan ang damit niya gamit ang dalawa kong kamay at hinatak siya palapit sa akin at tsaka siya hinalikan. Hihiwalay na sana ako sa kanya nung hinapit niya ako mula sa likod at sinimulan ulit halikan, yung mas malalim at mas nakakapanghina. And my hear went crazy. Muli ko na namang naipikit ang mata ko para damhin iyon.

Sobrang kilabot ang naramdaman ko ng haplusin niya ang likod ko. Napaatras ako at napasandal sa table. Nung humiwalay siya sa akin ay pareho naming habol-habol ang hininga namin. Ayoko na! Bakit ba kasi ako nagpapadala sa mga ganito?

Bigla akong nakaramdam ng matinding hiya kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya. He grinned and held me closer again to him and hugged me again. Hinaplos niya na rin yung buhok ko. I closed my eyes and feel his hug. I unconsciously hugged him back.

“How can I prove that you’re really mine?” mahinang tanong niya sa akin.

“Ma-mahal kita Jared” I almost whispered but then I know he heard it.

Kumalas siya sa yakap at tinignan ako. Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang noo ko. Napangiti naman ako sa ginawa niyang iyon. Nung humiwalay siya sa akin ay ngumiti ako sa kanya at ibinalik ang atensyon ko sa carrots na nakasaksi sa landian naming dalawa ni Jared. Grabe. Sa pagkakaalala ko nagugutom na ako eh.

Nang hawakan ko yung kutsilyo ay bigla na lang akong nagulat ng hawakan niya yung kamay ko na nakahawak doon sa kutsilyo kaya nabitawan ko tuloy iyon. Sinamaan ko siya ng tingin pero nakangisi lang siya sa akin at kinuha yung kutsilyo at pinagpatuloy yung paghihiwa sa carrots.

“Ako na ang magluluto ng almusal” he said then he winked. “Madami kang halik na binigay sa akin ngayon, napaisip tuloy ako kung kailan mo ako bibigyan ng anak” pagkasabi niya nun ay humalakhak siya. Bigla naman akong namula sa sinabi niya.

“Tumigil ka nga diyan Jared!” singhal ko sa kanya.

“I want a baby… from you Gail. Our baby” seryosong sabi niya kasabay ng paghinto niya sa paghiwa. Tumingin siya sandali sa akin at bahagyang ngumiti tapos ay ipinagpatuloy ang paghihiwa.

Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Nakamasid lang ako sa kanya, iniisip ko yung sinabi niya. I suddenly thought about what will happen to both of us in the future? Para kasing magulo, walang kasiguraduhan ang mga mangyayari, magkaiba kasi kaming dalawa ni Jared.

Sinundan ko ng tingin si Jared habang abala na siya sa pagluluto. Hindi pa rin ako makapaniwala sa kalagayan ngayon ni Jared. Mula nung makilala ko siya, hindi ko mahahalata na may ganito pala siyang sakit. It’s something I thought that was normal but it’s not.

“Why do you have that disorder, Jared?” I unconsciously asked.

Napatigil siya at tumingin sa akin. Inilapag niya yung sandok sa kaldero at tumingin sa akin ng seryoso. He’s about to say something but he stopped himself. Huminga siya ng malalim at mariing napapikit.

“I don’t know” tipid na sagot niya tapos ay ibinalik niya ulit ang atensyon sa niluluto.

Hindi ko alam pero parang hindi ako satisfied sa sinabi niya. I looked at him and the questions that I still have in mind are popping out. I know it’s hard to stay with him right now, but I’ll look for answers as I help him. Alam kong may dahilan ang lahat ng ito. Dahilan na dapat kong malaman.

“Uhm, si Potchie? Yung asong bigay sa’yo ni Sandra? Bakit hindi mo na lang dito yun patirahin? Ang cute niya kasi eh” bigla kong nasabi.

I suddenly remember that dog! Yung muntik ng lumapa sa akin dati! Pero ang cute kasi nun eh.

“Sht!”

Nagulat ako nung biglang mahulog yung sandok na hawak ni Jared at mukhang napaso din siya sa niluluto niya. Tumayo ako at lumapit sa kanya para alamin kung okay lang ba siya.

“A-ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ko sa kanya habang siya naman ay nakatuon ang atensyon sa kamay niyang napaso.

Hinawakan ko yung kamay niya at marahang hinatak palapit sa akin para tignan kung malala ba yung pagkakapaso niya. Good thing, hindi naman. Namumula lang naman yung parte ng kamay niyang napaso.

“Ano ba naman yan?” inis na sabi ko at marahang hinipan yung kamay niya. “Ako na nga lang gagawa niyan, kinakabahan naman ako sa’yo eh” sabi ko sabay tingin sa kanya. Natigilan ako nung mapansin kong nakatingin lang siya sa akin.

“Ba-bakit?” tanong ko nung makaramdam ako ng pagka-ilang.

Minsan talaga kinakabahan ako sa mga ganitong actions ni Jared eh. Yung tipong hindi mo alam ang susunod niyang gagawin, kung maganda ba o hindi. But then I still trust him, na hindi niya ako ipapahamak. I want to prove that my decision to stay with him is right.

“You still don’t know everything about me” mahina pero seryosong sabi niya sa akin. Bigla naman akong kinabahan dahil sa tono niyang iyon. Huminga siya ng malalim at ipinatong ang dalawang kamay niya sa magkabilang balikat ko at malalim akong tinignan. “But then I prefer you to not know everything about me”

Palihim akong napalunok sa mga sandaling iyon.

“Why I can’t?” nanghihinang tanong ko.

“May mga bagay na hindi mo na dapat malaman pa, Gail, mga bagay na alam kong pwedeng maging dahilan para lumayo ka sa akin. Hindi mo na dapat pa malaman ang mga iyon” aniya pagkatapos ay iniwan na niya ako.

Hindi ko siya maintindihan.

Hindi ko pa rin ma-absorb yung mga sinabi niya. Iniwan niya akong naguguluhan sa kanya sa mga sandaling ito. Huminga ako ng malalim at mariing napapikit.

If he doesn’t want me to know everything about him then I will find everything about him. Hindi naman pwedeng ganito, ngayong kasama ko siya, kung gusto ko siyang tulungan then dapat malaman ko lahat-lahat ng tungkol sa kanya. I need to know everything whether it’s good or bad.

Tumingin ako sa sala kung saan nakaupo siya sa couch ngayon habang nakasandal at nakatingin sa kisame. Mula ng maaksidente siya, nagiging iba na talaga ang kinikilos niya. Mas nakakatakot at naging mas misteryoso niya pa sa akin. And that’s really bothering me that’s why I need to know everything. I really want to help him.

Napailing na lang ako at itinuon na yung atensyon sa niluluto naming di na matapos-tapos. Kinuha ko yung sandok at chineck kung okay na ba yung Menudo, good thing at mukhang luto na siya kaya tinikman ko na ito at nung okay na ay pinatay ko na yung stove.

“Oy, okay na! Kain na tayo” sigaw ko at pilit na pinasigla yung mood namin na parang masyadong seryoso. Nilingon naman niya ako at bahagya siyang ngumiti at tumayo na rin.

***

Pumasok ako sa kwarto ni Jared para ilagay yung mga damit niyang bagong laba sa cabinet. Wala kasi siya dahil namimili siya ng mga kailangan namin dito sa bahay. Gusto ko sanang ako na lang ang bumili pero hindi siya pumapayag, and I think part iyon ng kondisyon niya.

Nasobrahan na talaga yung pagiging possessive niya sa akin na yung tipong parang pakiramdam ko ngayon makukulong na ako sa bahay na ‘to forever. Hindi na talaga ako nakakalabas ng bahay simula nung umuwi kami dito at natatakot na rin ako na baka hindi na nga niya talaga ako palabasin.

Bumuntong hininga na lang ako sabay lapag ng mga damit niya sa kama. Okay? So paano ko ba ‘to gagawin? Hindi ko naman kasi ‘to ginagawa, ngayon lang dahil inutusan niya ako pero hindi naman niya sinabi sa akin kung paano ko yun gagawin.

Lumapit ako doon sa closet niya at binuksan iyon. Nawindang nga ako kasi sobrang ayos ng pagkakalagay ng mga damit niya. Baka mamaya masira ko yung ayos. Pero hayaan na nga, sabi niya ‘to eh, edi sundin. Bahala siya kapag nagkamali ako. Mwahahaha! Joke!

Sinimulan ko ng kumuha ng ilang mga damit niya na pinatong ko sa kama at inilagay doon. Kahit papaano naman ay maayos ang pagkakalagay ko at sinusundan ko lang yung ayos ng mga damit na nandoon na. Ipinapatuloy ko lang yung ginagawa ko hanggang sa matapos ko lahat.

“Yan! Ayos naman” proud na sabi ko sa sarili ko.

Pinasadahan ko pa ng tingin yung buong damitan niya at talaga namang proud ako sa sarili ko nung makita kong maayos ang pagkakalagay ko. Pwede na akong housewife! Hahaha.

Sinara ko na yung closet niya at aalis na sana nung may mapansin akong maliit na drawer sa ibabang parte ng closet niya. May mga drawer din kasi doon sa gilid pero mga abubot din ang mga nakalagay doon. Nakita ko rin kasi kanina pero hindi ko lang talaga pinansin itong nasa baba.

Umupo ako sa may sahig at marahang binuksan ang drawer na ‘yon. May mga folder at envelope agad akong nakita, mukhang matagal na ring hindi nabubuksan ‘tong drawer na ‘to. Kumuha ako ng isa at tinignan ito, mostly puro files ata ito ng company nila. Ibinalik ko ito at medyo hinalungkat pa yung loob ng drawer dahil mukhang marami itong laman. Maybe I can find something here that can answer some of my questions right?

Bigla akong nakaramdam ng kaba nung makakita ako ng isang envelope na may nakalagay na pangalan ng isang ospital na mukhang sa ibang bansa. Mukhang luma na rin ang folder na iyon kaya naman maingat ko itong binuksan.

Bigla akong napatakip ng bibig nung matuklasan ko kung ano yung laman ng envelope. Mga mental records… ni Jared. Twelve years old ang nakalagay na edad niya unang file na tinignan ko. Huminga ako ng malalim at bigla akong napapikit dahil bigla akong kinabahan ngayon. Oh God, I don’t want to read this.

Dahil nung hindi ko kayang basahin yung nandoon ay minabuti kong ibalik na lang ang mga iyon sa envelope pero may nakapa akong maliit na bagay doon, kinuha ko iyon kasama ng isang picture na nandoon din sa envelope.

Tinignan ko yung picture at nakita ko ang isang bata na siguro ay si Jared kasama ang isang aso. Tinignan ko yung itsura ng aso at hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan. This dog seems to be familiar, para bang nakita ko na ito noon.

O baka naman nakakita na ako ng tulad nito? Magkakamukha naman kasi yung ibang mga aso di ba?

Tinignan ko yung mga maliit na bagay na hawak ko rin at napansin ko na para itong isang recorder. Recorder? Tinignan ko kung gagana pa ba ‘to. Mukhang okay pa naman siya. Pinindot ko yung on nun at nagulat ako nung gumana siya.

“What’s your dog’s name?”

 

Natigilan ako nung marinig koi yon, boses iyon ng isang babae.

“Chaw-chaw, he’s my pet” ani ng isang batang lalaki.

Hindi ko alam pero bigla akong nanlamig sa mga sandaling ito. Si Jared ba iyon?

“How long is that dog with you?”

 

“Since when I was six years old”

“Okay. Do you love your pet?”

 

“Yes, I do love him”

“Hmm, okay so where is him right now?”

 

“He’s staying behind our house, at our garden”

 

“Why is he there? Why didn’t you bring him with you here?”

 

“Because he can’t go with me,”

 

“Why?”

 

“Because he’s sleeping”

 

“You can wake him up, right?”

 

“No. He can’t wake up anymore, I won’t let him!” halos pagalit na sabi noong bata sa tape recorder.

Nagulat naman ako sa outburst niyang iyon. He’s voice seems to be scary.

“Why?” the woman asked.

Bigla namang tumindi yung kabang nararamdaman ko ngayon. Halos hindi na rin ako makahinga ng maayos dahil sa mga naririnig ko.

“He’ll leave me when he’s awake, he’ll try to look for her, and he’ll going to leave me too” sabi nung bata at bigla itong tumawa… ng nakakatakot. “That’s why I can’t let him stay awake, he can’t” sabi nito sa isang nakakatakot na tono. Napalunok ako.

“What did you do to your dog? Why is he still sleeping?” tanong ng babae dahilan para lalo pa akong kabahan. May naiisip na ako sa mga sandaling iyon pero sana mali ang hinala ko. Sana.

“I killed my dog so he won’t leave me”

Bigla akong nabitawan yung recorder at picture na hawak ko at halos bumagsak na ako. Napatakip ako ng bibig at halos mapaurong ako palayo sa mga iyon. Bumilis na ang paghinga ko at sobrang kinakapos na ako sa hangin. Nanlalamig at nanghihina na rin ako.

Halos yakapin ko na ang sarili ko sa mga sandaling iyon. Natatakot ako ngayon. Sobra.

Napatingin ako sa mga nakakalat sa sahig. Halos taranta akong lumapit doon at inayos lahat yung mga papel na nakalat ko at ibinalik lahat sa envelope pati na rin yung picture at recorder. Ibinalik ko iyon sa drawer at inayos lahat para hindi niya malamang pinakialaman ko iyon. Hindi niya pwedeng malamang may nalaman ako ngayon.

He can’t.

Nang maayos ko ay agad akong lumayo doon hanggang sa mapasandal ako pagitan ng kama at ng side table. Niyakap ko yung mga tuhod ko at doon umiyak. Hindi ko alam pero natatakot na talaga ako ngayon.

Gusto kong umalis, lumayo mula sa kanya. Possible pa kaya niyang magawa iyon ngayon? Kung nagawa niya noon, baka magawa rin niya ngayon. Kung aalis ba ako ngayon papayagan niya ba ako? Will he let me go? Kaya ba gusto niya akong umalis noong umuwi kami dito?

Mariin akong napapikit habang hinahayaang mangibabaw lahat ng nararamdaman ko. Ang dami kong gustong gawin, pero nangingibabaw talaga ngayon yung takot.

“Now, you know” isang malamig na boses ang narinig ko.

Napatingala ako at napatingin sa kung saan nanggaling ang boses na iyon. Kinabahan ako lalo ng makita ko si Jared na malamig din ang tingin sa akin. Humakbang siya palapit sa akin kaya halos magpanic ako at mapaatras pero wala na pala akong maatrasan. Umiyak na lang ako hanggang sa makarating siya sa harapan ko. Bahagya siyang umupo para matapatan ako inangat niya yung kamay niya papunta sa pisngi ko at pinunasan yung mga luha ko.

“Sabi ko naman sa’yo, may mga bagay na hindi mo na dapat pang malaman” malumanay na sabi niya at mas inilapit niya pa yung sarili niya sa akin. Halos umatras naman ako at parang ayokong hawakan niya ako dahil sa takot na nararamdaman ko.

“Pa-payagan mo pa ba akong umalis?” I cried. Halos tumigil yung pagtibok ng puso ko nung maging matalim ang tingin niya sa akin.

“Gusto mo na akong iwan ngayon?” malamig na tanong niya sa akin. Napapikit na lang ako nung mas nilapit niya pa yung ulo niya sa akin hanggang sa maramdaman ko ang paghinga niya sa may tainga ko.

“I won’t let you leave me, not now, not anymore” marahang bulong niya sa akin. I closed my eyes and cried silently. “Ayokong maulit ang nagawa ko noon, Gail. Ayoko.” Aniya at humiwalay siya sa akin.

“I’ll give you a reason for you not to leave” sabi niya at nahintakutan ako nung makita kong maglabas siya ng… maliit na kutsilyo.

***

Author’s Note: Hindi po ito horror or thriller story. At hindi rin po ata ito nangyayari sa totoong buhay. Mehehe. This is purely my imagination.  

Continue Reading

You'll Also Like

404K 6.7K 58
Totoo naman talaga ang kasabihan na, pag nagmahal ka kaakibat na nito ang sakit. Eh, paano kung kagaya ka ni Chandra? Nanggaling sa masaya at perpek...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
214K 7.4K 59
Dahil ba mahal kita noon... Mahal parin kita ngayon? Hindi ba pwedeng nasiraan lang ako noon at natauhan na ngayon? ---- Is this really the end? or M...
123K 2.4K 34
Angel With A Shotgun Series #5: Margaux, The Lost Smile Margaux is diagnosed of gelotophobia; the fear of smile and laughter. Since her childhood day...