The Wayward Son in Aklan

By LenaBuncaras

451K 20.6K 8.2K

Raising a kid is a difficult task for Sandro, especially if the child is not his own. When adoption is the on... More

The Wayward Son in Aklan
PROLOGUE
Bukang-Liwayway 1998
Kabanata 1: Ang Bitter
Kabanata 2: Ang Best Friend
Kabanata 3: Ang Buntis
Kabanata 4: Ang Kapal
Kabanata 5: Ang Demanding
Kabanata 6: Ang Anak
Kabanata 7: Ang Aksidente
Kabanata 8: Ang Ulila
Wayward Son, 1998
Kabanata 9: Ang Dalawang Tita
Kabanata 10: Ang Girl Crush
Kabanata 11: Ang Sakit sa Ulo
Kabanata 12: Ang Ka-Buddy
Kabanata 13: Ang Pagbangon
Kabanata 14: Ang Instant Mommy
Kabanata 15: Ang Celebration
Kabanata 16. Ang Birthday
Kabanata 17: Ang Demonyo
Kabanata 18: Ang Init
Kabanata 19: Ang Pag-alis
Kabanata 20: Ang Surprise
Kabanata 21: Ang Kababata
Kabanata 22. Ang Mahal
Kabanata 23. Ang Anghel
Kabanata 24. Ang In Denial
Kabanata 25. Ang Honest Naman
Kabanata 26: Ang Nega
Kabanata 27. Ang Lasing
Kabanata 28: Ang Stress
Kabanata 29: Ang Karapatan
Kabanata 30: Ang Takot
Kabanata 31. Ang Dalawang Ama
Kabanata 32. Ang Parents
Kabanata 33. Ang Malas Talaga
Kabanata 34. Ang Blessing
Kabanata 35. Ang Ending (lol)
Special Chapter: Alyna (Second Part)
Special Chapter: Alyna (Last Part)

Special Chapter: Alyna (First Part)

10.9K 438 94
By LenaBuncaras

This part is dedicated to wineji


♥♥♥


"Carmiline, tara na."

I tried to stop him bago pa siya makalabas pero tinabig lang niya ang kamay ko. "Sandro, where are you going?"

Even Yayo was preventing him from going away. "Andoy, saglit lang. Hayaan mo munang magpaliwanag sina Tatay."

And there I stopped. Ano'ng magpapaliwanag ang sinasabi nito ni Yayo?

Nagmamadali akong sumunod sa kanila, and Yayo was blocking Sandro's way habang umiiyak pa rin si Chamee.

"Andoy, huwag kang padalos-dalos."

"Yayo, pakisabi sa mga magulang mo, kung gusto nilang makuha si Chamee sa 'kin, ilaban nila yung bata sa korte. Pumunta sila ng Maynila, doon kami mag-uusap-usap."

Tumakbo na agad ako to block the hall. "Sandro, wait nga." I stood in front of him para lang tumigil siya. "Can you please calm down first? Hindi pa tapos yung usapan, puwedeng pakinggan mo muna kami? We can talk about this!"

"Alyna, please lang. Kung ayaw mong magkalimutan na tayo, umalis ka diyan. Hindi ako matatahimik hangga't nandito kami ng anak ko."

Kung ayaw mong magkalimutan na tayo, umalis ka diyan.

That left me dumbfounded. Hindi na ako nakapagsalita, hindi ko na rin siya naawat sa pag-alis.

I was having a goosebumps, at kahit lingunin sila ni Chamee, hindi ko na rin nagawa.

Palaging mainitin ang ulo ni Sandro, and I'm used to that. Palagi niya 'kong pinagagalitan about almost anything but this was a different case.

He was crying out of anger. I cried out of pity.

Gusto ko lang namang i-settle niya ang relationship ni Chamee sa mga tunay nitong mga kadugo kasi 'yon ang tama. Paikot-ikutin man niya ang mundo, pamilya pa rin ni Chamee ang ipinunta namin dito, and he should let me talk to them first.

"Sasama ka, ha?"

"Oo nga!"

"Ayusin mo buhay mo. Kapag nagkagulo r'on, ikaw paaayusin ko ng lahat."

Napalingon na lang ako sa may bakod nang makarinig ako ng motor na papalayo.

"Ma'am Alyna, sorry talaga."

Naghawi agad ako ng basang pisngi saka huminga nang malalim. "It's okay. Ako na lang ang kakausap sa parents mo."

She nodded. "Sige ho."

I was the one responsible for Sandro and Chamee dito sa Aklan, and I should fix whatever issues na naiwan nilang dalawa. I understand that Sandro was just mad and was overprotective of his rights para kay Chamee, but the mere fact na iniwan niyang hanging ang issue na dapat sino-solve ngayon na mismo, lalo lang niyang pinalalalâ ang lahat.

I went back sa dining area and saw Yayo's family deliberating about what happened earlier. At dapat lang na pag-usapan nila itong mabuti kasi hindi ko gusto ang ipinararating ng intention nila kay Chamee.

"Ma'am Alyna," Tatay Joel called, and I sat down again sa puwestong naiwan ko kanina. "Sana ho ay naiintindihan n'yo kami. Gusto rin ho naming makasama ang apo namin."

My gaze shifted to Crisanto na kanina pa pinag-iinitan si Sandro. "Ano yung sinabi n'on na iba ang nakabuntis kay Ging-ging?"

"Best friend ni Sandro ang tunay na ama ni Chamee. Siya ang kasama ni Geneva sa aksidente. Naiwan lang si Chamee kay Sandro kasi kilala rin ni Sandro ang lola ng bata sa father side."

"Ibig sabihin ba, hindi si Andoy ang tatay ng anak ni Ging-ging?" tanong ni Yayo, para lang ma-clarify ang point ko.

I nodded and looked at Tatay Joel. "Hindi ho responsibility ni Sandro na magsustento kay Chamee kasi hindi sila magkadugo. He takes care of Chamee out of compassion. Kung may dapat hong magsustento rito, kayo ho dapat 'yon."

"Ay, bakit naman kami?" sagot agad ni Crisanto.

"Kasi kine-claim n'yo na kamag-anak n'yo si Chamee." I pointed out Tatay Joel. "Kine-claim na apo ni Tatay Joel ang anak ni Geneva kay Paul John. Then dapat, kayo ang magbigay sa bata ng financial support hindi si Sandro kasi hindi nga sila magkaano-ano in the first place. I will convinced Sandro na iwan dito si Carmiline para kayo ang mag-alaga. Responsibility n'yo 'yon kasi pamilya kayo, hindi ho ba? Kayo ang kadugo, kayo ang magpalaki, kayo ang gumastos."

"Ma," Crisanto interfered again. "Kung uwa it maitao nga kuwarta iya, pabay-e niyo ron idto sa Maynila." (Kung walang ibibigay na pera dito, hayaan n'yo na 'yan doon sa Maynila.)

"Apo ko man to." (Apo ko rin 'yon.)

"Ano ing ipakaon idto, uwa ngani kita it makaon iya." (Ano'ng ipapakain mo doon, wala nga tayong makain dito.)

As much as I wanted to inform them na naiintindihan ko sila kasi madalas ako sa Bora dati, hindi ko na lang ipinaalam para hindi sila lalong ma-pressure.

Sobrang obvious na nila. Tingin naman nila sa amin, hindi alam ang gusto nilang mangyari? Kung si Daddy ang kasama namin dito, for sure, kanina pa 'yon tumatawa.

"Kung iiwan dito ang apo ko, susuportahan pa rin ba ni Sandro?" tanong ng mama ni Yayo.

"Three years po, kami ni Sandro ang gumastos for Chamee. If you were to ask me about the financial support, kung babawiin n'yo po si Chamee sa amin, babawiin din po namin ang lahat ng nagastos namin para sa bata. Unfair ho kasi 'yon na gumagastos kami sa hindi naman namin responsabilidad."

"E kayo naman ang gumastos, pakialam ba namin doon?" Crisanto butted in again, and I was starting to get annoyed with this man.

I really don't get this guy. Mukhang pera.

"Yeah, ano'ng pakialam n'yo? Kasi kadugo n'yo si Chamee," sagot ko rin sa kanya. "Now, if you will insist na kunin si Chamee sa amin then malalaman natin ngayon kung hanggang saan po aabot ang pakialam ninyo. Since kayo ang kamag-anak at hindi naman po ninyo inalagaan si Chamee after Geneva died, then maniningil na po kami. Kung hindi po ninyo mababayaran at tumatanggi kayo sa child support, dadalhin na po namin ito sa korte."

"Ma'am, bakit naman ho aabot sa korte?" Tatay Joel asked, and I was torn between my anger dito sa anak nilang intrimitido and sa fact na apo talaga nila si Chamee.

We were here in the subject matter. Yes, apo nila. But I promised to Sandro na ise-settle ko ang lahat ng issues na mae-encounter namin dito sa Aklan, and they should cooperate.

I know, wala silang pera. And I know that I was using their financial status for my advantage, pero wala akong magagawa. Kung hindi sila madadaan sa takot, then ready kami to face the court. Ang dami naming lawyer. Wala namang problema.

"Alam ko naman po na gusto ninyong makasama si Chamee, naiintindihan po namin 'yon. Kaya nga malaya po kayong makadalaw sa Manila."

"Paano nga dadalaw, wala nga kaming pera," sagot ulit ni Crisanto. At kung ako rin si Sandro, kanina ko pa 'to sinipa sa bibig. Super ingay, kalalaking tao.

"Problema pa ba namin 'yon?" reklamo ko rin sa kanya. "Hinihingan n'yo ng sustento si Sandro, why? Sabihin n'yo lang kung gusto n'yo ng pera. Tayo ang mag-usap, huwag n'yo nang idamay si Sandro. Pera lang pala ang gusto n'yo e, magkano ba?"

"Ma'am Alyna, hindi naman ho ganyan ang pamilya ko," Yayo said, and I calmed myself kasi talagang halata naman ang intention ng pamilya niya.

Whatever. I stood up and eyed each one of them. "Nirerespeto ko po ang pagiging kadugo ninyo ni Chamee that's why I'm telling you na kung gusto ninyong ilaban ang rights ninyo for the kid, magkita po tayo sa korte. Wala po kaming ibibigay na pera sa inyo para sa bata. Kung manalo man po kayo dahil kadugo n'yo nga, hindi na po namin responsibility si Carmiline. Kayo ang magpalaki, kayo ang mag-alaga, kayo ang gumastos. Pag-isipan n'yo pong mabuti 'to."

Bumalik na ako sa room namin at kinuha ko agad ang phone ko para i-check kung nasaan na sina Sandro.

I was locating Sandro's device malapit sa Aklan State University. Malapit lang 'to sa may rotonda sa Malogo. Malayo pa sila sa airport.

Inipon ko ang lahat ng gamit ko saka mga pasalubong sanang naiwan—o iniwan—ni Sandro.

I wanted to feel bad because he left me here para lang takasan ang family issues related to Chamee, but it was better this way. He needed to breath. Kahit din naman ako, maiinis, lalo na sa kapatid ni Yayo.

"Ma'am Alyna."

Napatingin ako sa pintuan and I saw Yayo standing behind the door.

"Gusto ko lang humingi ng tawad sa inasta ni Kuya. Gusto lang nina Tatay makasama pa nang mas matagal si Chamee."

"And I'm giving them options. Ilaban nila sa korte. Kaya n'yo naman e. Kayo ang kadugo. Hindi naman namin ipinagdadamot ang bata. Ang amin lang, we can compromise, basta huwag lang sasabihin na iiwan dito para sa sustento because we can take care of the child."

I wore my backpack and grab my suitcase. Kailangan ko pang habulin sina Sandro kahit na walang flight na available today pabalik ng Manila.

"Walang pambayad ng abogado sina Tatay."

I secretly grinned. Of couse, wala! Although, puwede silang manghingi ng tulong sa PAO or sa municipal's office or even sa DSWD, but I doubt na alam nila 'yon. Saka hindi naman namin ipinagdadamot si Chamee. Puwede naman nilang dalawin any time sa Manila.

Kung hindi lang pinainit ang ulo ko ng kapatid ni Yayo, probably, ako pa ang mag-alok ng travel to Manila nila just to see Chamee. But nope. I changed my mind na. Baka yung pamasahe, perahin lang nila.

Lumabas na agad ako at nakasalubong ko roon sa harapan ng bahay sina Tatay Joel kasama yung nakakabuwisit niyang anak.

"Ma'am, humihingi ho ako ng pasensiya, pero baka ho puwedeng mapag-usapan ito."

Saglit akong huminto sa tapat ng gate. "Tatay Joel, makikita n'yo si Chamee kung gugustuhin n'yo. Alam ko pong pamilya kayo kaya po binibigyan ko kayo ng option. Kami po, nagmamagandang-loob lang. Huwag n'yo po sanang masamain 'to."

"Maayos naman ho yung apo namin sa inyo, ma'am, di ho ba?"

"Manggaranon man sanda ron, 'Tay. Mabahoe ro manahon sa imong apo." (Mayaman naman 'yan sila, 'Tay. Malaki mamanahin n'ong apo mo.)

"Kahit ano naman pong mangyari, anak pa rin namin ni Sandro si Chamee." I shifted my gaze to Crisanto. "And please, kung ano man ro kuwarta nga buyot it unga, halin man kay Sandro o kakon, uwa ako naila nga may magpakialam it para kana lang—pamilya man nana o bukon. If you want money, paghirapan n'yo. Hindi 'yang asa lang kayo sa meron."

I saw how shocked Crisanto was, and he should be. Tingin naman niya, walang nakakaintindi sa kanya rito.

Lumabas na agad ako sa kanila at naglakad sa kalsada. I better call a service first.

"Hello?"

"Good day, this Macy's Rent-a-Car, how may I help you?"

"Nagpa-book ako ng service last Saturday sa inyo. May schedule ako for today. Puwede ba 'kong masundo sa may baranggay hall ng Polo?"

"Okay, ma'am, let me check the availability of our drivers."

"Thank you."

Pagbaba ko ng tawag, saglit akong lumingon para sana magtanong at nakita ko agad si Yayo na nakasunod sa 'kin.

"Yes?" I asked, in case may pahabol pa sila.

"Ma'am, sabi ho ni Tatay, ihatid ko raw ho kayo sa may sakayan."

"Okay! Better." Maglalakad na sana ulit ako nang maalala ko ang itatanong ko sana. "Anyway, saan ang nearest courier branch n'yo rito? Magpapadala lang ako ng gamit."


♥♥♥


The locator stopped sa nadaanan naming hotel pagkagaling sa LBC. Ginabi na nga kami kasi sabi ko nga kay Yayo, pakunswelo na rin sa abala namin, bumili ako ng pang-hapunan nila. Saka binigyan ko rin si Yayo ng kaunting allowance kasi nakita ko ang status nila ni Marvic, hindi 'yon ganoon kaganda.

We were lucky kasi may budget kami. But what about them, di ba?

"Ma'am Alyna, sigurado ho ba kayong nandito sina Andoy?" tanong niya habang nilalakad namin ang tahimik na hallway.

"Unless, Sandro left his phone here, for sure nandito sila."

I was tracking Sandro phone's nang maka-receive ako ng picture from him.

I smiled because it wasn't him kundi si Chamee na nasa lower view ang camera. It looked like Sandro didn't allow her to call me kaya nagtatakas ng picture.

Ang smart naman ng baby ko.

Stopped and called Yayo. "Nandito sila."

Umurong ako nang kaunti sa gilid ng pinto. Tiningnan ako ni Yayo habang tinuturo ang kaharap niyang pinto.

"Knock."

"O-opo."

Kumatok nga siya. And I was busy checking up on Chamee's selfies sa chat malayo sa pinto. Nag-send agad ako ng video message.

"Hi, Baby!" I waved a bit and sent her a flying kiss.

I can't talk to Chamee through chats kaya I have to speak talaga para magkaintindihan kami.

I saw Yayo walking toward me kaya napaayos ako ng tayo and I hid my phone agad sa bulsa.

I crossed my arms and waited for her to walk past me. I shifted my gaze to Sandro and I felt my disappointment again kasi iniwan niya 'ko kina Yayo mag-isa.

"Mauna na ako, Ma'am Alyna. Salamat ho sa paghatid dito."

I nodded and pointed the hall para sa pag-uwi niya. "Magpahatid ka sa van. Sinabi ko nang hintayin ka pabalik sa inyo."

"Salamat ho. Ingat kayo pag-uwi."

Hinintay ko na lang siyang makaalis bago ko ibalik ang tingin kay Sandro. I really wanted to punch him in the face kung hindi lang talaga makikita ni Chamee.

"I am disappointed in you, Sandro. You should have listened to me first."

I was disappointed not only because he left me doon sa family ni Chamee, but my disappointment extended dahil tumatakas na naman siya. If escaping is just his defense mechanism to avoid emotional pain, then hindi sa lahat ng pagkakataon, puro na lang siya nang siya. Hindi ba niya alam na may naiiwan siya sa lugar na tinatakasan niya?

His selfishness will only put him into trouble.

And I doubt naisip niya 'yon bago niya 'ko iniwan.



♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
29.9K 248 77
An Epistolary Novel Feb. 05. 2021 Feb. 24. 2021
930K 29.3K 111
(Finished) When Sierra Evans, a popular 'it' girl, suddenly receives a message from Orion Lincoln Velasco, her boyfriend's younger brother. The messa...
479K 35K 8
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...