The Wayward Son in Aklan

By LenaBuncaras

451K 20.6K 8.2K

Raising a kid is a difficult task for Sandro, especially if the child is not his own. When adoption is the on... More

The Wayward Son in Aklan
PROLOGUE
Bukang-Liwayway 1998
Kabanata 1: Ang Bitter
Kabanata 2: Ang Best Friend
Kabanata 3: Ang Buntis
Kabanata 4: Ang Kapal
Kabanata 5: Ang Demanding
Kabanata 6: Ang Anak
Kabanata 7: Ang Aksidente
Kabanata 8: Ang Ulila
Wayward Son, 1998
Kabanata 9: Ang Dalawang Tita
Kabanata 10: Ang Girl Crush
Kabanata 11: Ang Sakit sa Ulo
Kabanata 12: Ang Ka-Buddy
Kabanata 13: Ang Pagbangon
Kabanata 14: Ang Instant Mommy
Kabanata 15: Ang Celebration
Kabanata 16. Ang Birthday
Kabanata 17: Ang Demonyo
Kabanata 18: Ang Init
Kabanata 19: Ang Pag-alis
Kabanata 20: Ang Surprise
Kabanata 21: Ang Kababata
Kabanata 22. Ang Mahal
Kabanata 23. Ang Anghel
Kabanata 24. Ang In Denial
Kabanata 25. Ang Honest Naman
Kabanata 26: Ang Nega
Kabanata 27. Ang Lasing
Kabanata 28: Ang Stress
Kabanata 30: Ang Takot
Kabanata 31. Ang Dalawang Ama
Kabanata 32. Ang Parents
Kabanata 33. Ang Malas Talaga
Kabanata 34. Ang Blessing
Kabanata 35. Ang Ending (lol)
Special Chapter: Alyna (First Part)
Special Chapter: Alyna (Second Part)
Special Chapter: Alyna (Last Part)

Kabanata 29: Ang Karapatan

7.2K 423 203
By LenaBuncaras

Ayokong tumingin sa mga magulang ni Yayo. Nakatuon lang ako lagi kay Chamee mula nang maupo kami sa mesa para mananghalian.

Nararamdaman ko namang may gusto silang sabihin kasi kung tingnan nila 'ko, para silang mga leon na nakakita ng pagkain at naghihintay lang makatulog ang biktima para lasmuin nila.

"Babi, itatawag ko si Mima," sabi ni Chamee sa tabi ko habang tutok na tutok sa kinakain niyang laman ng talaba. Hinihimay pa niya kaya lalong hindi ko maatim na panoorin. Para kasing nakakatakot kainin.

Hindi ako kumakain ng talaba kaya nakontento na 'ko sa sinigang na hipon.

"Babi, sasabi ni Mima, ipe-play kami."

"Mamaya, uuwi rin si Mima, 'nak." Hinalikan ko siya sa sentido saka ko inubos ang natitirang laman ng plato ko bago pa 'ko mawalan ng gana.

"Sandro, bukas nga pala ang alis n'yo, ano?" sabi ni Tatay Joel. Sinulyapan ko lang siya saka ako tumango.

"Tapos naman na po yung coverage ni Alyna rito."

"Si Chamee nga pala, baka puwedeng paiwan mo na lang dito."

Inaasahan ko na pero mas nakakabuwisit pala kapag narito na.

"Hintayin na lang po natin si Alyna bago tayo mag-usap tungkol diyan."

"Bakit naman? Anak naman ni Geneva si Chamee."

Nag-angat na 'ko ng tingin at pinilit kong huwag mainis sa pinag-uusapan namin. "May karapatan naman po si Alyna na makisali sa usapan kasi siya ang kilalang nanay ng anak ko. Hindi po ako magdedesisyon hangga't hindi ko naririnig ang side niya."

Narinig kong napabuntonghininga ang matatanda sa mesa.

Mukhang magbabalot-balot na 'ko mamaya, a.

Ayokong painitin nang sobra ang ulo ko. Hinintay ko talagang makauwi si Alyna kaya nagkulong kami ni Chamee sa loob ng kuwarto namin. Gumawa ako ng lineart ng farm saka ilang hayop sa paint application ko sa phone at sinabihan ko siyang kulayan 'yon para maabala siya. Dumapa lang siya sa kama at doon ako naupo sa likod niya para mabantayan.

"Babi, itatawag ko si Mima," sabi ni Chamee habang akyat-baba ang paggamit sa Stylus. Hindi naman niya nakukulayan nang maayos ang pinakukulayan ko. Mas tinamad pa nga. "Mi-miss ko na si Mima ko."

"Miss ko na rin si Mima kaya dapat color-an mabuti ni Mimi ang animals sa farm para makabalik agad si Mima namin."

"Opo!" Mas lalo na tuloy siyang ginanahang lagyan ng kulay ang sketch na gawa ko.

Kumuha agad ako ng panali niya sa buhok doon sa may side table kasi kahit naka-headband siya, bumabagsak pa rin ang buhok niya sa mukha.

"Mimi, ubusin mo na 'tong gatas mo. Malamig na 'to." Inabot ko rin sa kanya yung basong nangangalahati pa lang ang laman. Kanina pa 'to sa mesa, hindi pa rin niya nauubos.

Inubos niya nang isang inuman lang ang laman ng baso saka ibinalik sa 'kin. "Babi, gusto ko chocolate."

"Bibili tayo ng chocolate bukas, 'nak. Maraming-marami."

"Yehey! Ta's gusto ko gummy worm!"

"Si Mima, may gummy worm. Mamaya, hihingi tayo pagbalik niya."

Bumalik ako sa puwesto ko sa likod ni Chamee saka ko inalis ang headband niya. "Mimi, sino'ng mas love mo: si Babi o si Lolo Joel?"

"Babi!"

Dapat lang.

Tinipon ko lahat ng buhok niya hanggang ituktok saka itinali. Mahaba ang buhok ni Chamee kahit medyo manipis. Gusto nga ni Alyna na paiklian kaso ayoko. Gusto kong mahaba lang kasi mabilis ko siyang napapatulog kapag nasusuklayan ko. Kapag hindi, sabay kaming mapupuyat kalalaro niya ng Fruit Ninja sa phone.

Abala ako sa pag-aayos ng buhok ni Chamee nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto.

"Mimi, nandito na si Mimaaaa!"

"MIMA!"

Naputol ang ngiti ko nang ibato sa dibdib ko ni Chamee yung phone na hawak niya saka tumalon paalis sa kama.

"Aray, ha." Sapo-sapo ko ang dibdib kong kumirot nang bahagya. Itong batang 'to, nasasanay 'to.

Tumayo na 'ko at sinalubong si Alyna na yakap-yakap na si Chamee.

"Mi-miss kita, Mima!"

"Miss din ni Mima si Mimi! Kiss mo si Mima, dali!" Saglit namang yumuko si Alyna para halikan sa labi ang anak ko.

"Alyna."

"Hmm?" Napatingin agad siya sa 'kin.

"Ano kasi . . ."

"Sandro."

Sabay pa kaming napalingon sa may pintuan. Matipid ang ngiti sa amin ni Yayo.

Ay, buhay.

"Doon daw muna tayo sa kabila sabi ni Tatay," aya ni Yayo.

"Why? What's happening?" tanong pa ni Alyna.

Ngayon pa lang, parang ayoko nang magsalita.

Dala namin si Chamee doon sa loob ng bahay nina Yayo. Nasa kusina na naman kami, nakapaikot na sila roon sa may mesa. Sabi ko kay Alyna, kakausapin daw kami tungkol kay Chamee kasi nga ipaiiwan daw sa Aklan. Kahit siya, nagulat din.

Pagdating namin doon, may dalawang blangkong upuan na nakapaharap sa kanilang matatanda roon. Sakto na ang upuan kasi wala yung mga bata.

"Maupo kayo," alok ng nanay ni Yayo.

Para akong bibitayin, ang lakas ng kalabog ng dibdib ko.

"Babi, gusto ko gummy worm," sabi ni Chamee kaya binalaan ko na agad.

"'Nak, huwag muna maingay, ha? Mag-uusap lang kami nina Lolo."

Damang-dama ko ang tingin nilang lahat. Putaragis talaga. Ang sabi ko, dadalaw lang e.

"Babalik na kayo bukas sa Maynila. 'Ka ko, baka puwedeng paiwan muna sa 'min dito ang apo ko," sabi ng nanay ni Yayo. "Ang sabi naman ni Sandro, hihintayin daw si Ma'am Alyna bago magdesisyon."

"Okay po," sagot naman ng katabi ko. "Pero . . . ano po kasi . . . balak po talaga namin, bibisita lang. Sabi ko nga po kay Sandro, karapatan n'yo 'yon bilang kamag-anak and karapatan din po 'yon ni Chamee bilang kadugo po ninyo. Nag-agree naman po kami roon bago kami pumunta rito."

"E ayun nga. Ang amin lang, gusto naming makasama ang apo namin. Hindi naman kami puwedeng bumiyahe ng Maynila. Matanda na kami, wala rin kaming pamasahe. Kayo, mukhang nakakaluwag-luwag naman kayo, puwedeng kayo na lang ang dumalaw rito."

"Hindi naman ho ako papayag doon," kontra ko agad. "Anak ko ho ito, bakit ako ang kailangang dumalaw?"

Alam ba ng mga 'to ang sinasabi nila?

"Alangan namang kami?" sagot agad nitong kuya ni Yayo.

Bigla akong natawa nang mahina sa isinagot sa 'kin. Kung puwede lang itaob 'tong malaking mesa sa harapan namin, kanina ko pa ginawa.

"Hindi ho tayo magkakasundo rito, 'Nay," katwiran ko. "Ang anak ko ho, ako ang magpapalaki—"

"Kaya rin naman naming palakihin ang bata. Magsusustento ka naman bilang ama."

"Bakit ako magsusustento?!"

"Huwag mong pagtataasan ng boses ang nanay ko," awat agad ni Crisanto kaya nalipat agad sa kanya ang tingin ko.

"Paanong hindi ako magtataas ng boses, mga katwiran n'yo, bulok!"

"Sandro." Napalingon agad ako kay Alyna na salubong na ang kilay.

"Ilabas mo muna si Chamee," utos ko agad.

"No."

"Alyna, ilabas mo muna 'yan dito, sige na."

Nagbuntonghininga siya saka tumango sa 'kin.

Yung init ng ulo ko, tumataas na naman e. Magsusustento ako sa batang kaya ko namang palakihin mag-isa? Bakit?

"Hindi ho tayo nagkakaintindihan e." Sinubukan ko nang maging mahinahon hangga't kaya pa ng pasensiya ko. "Nandito kami para dumalaw, hindi para ipamigay ang anak ko."

"Wala ka namang ipamimigay, hijo," sagot ni Tatay Joel. "Ang amin lang, gusto rin naman naming makasama ang apo namin kay Geneva."

"Hindi ko ho iiwan dito ang anak ko."

"May trabaho ka naman sa Maynila, di ba?" sagot ni Crisanto. "Paano mo maaasikaso yung anak ni Ging-ging, baka wala ka nang oras. Di ba, abala kayo lagi sa mga shooting-shooting na ganyan?"

Ito na naman kami. Ito na naman kami! Lalo akong nabubuwisit sa usapan.

"Baka mapabayaan mo ang anak ni Ging-ging."

"Yayo, pasensiya ka na, ha," sabi ko kay Yayo habang tinuturo ang kanang gilid. "Yung anak mo, sampung taon na, kasinlaki ng anak ko. Si Carmiline, tatlo pa lang. Kung yung anak ko ang mukha ng napabayaang bata, ano na lang ang tawag n'yo sa mga pinsan niya?"

"Sinusumbatan mo ba kami?" sagot na naman nitong kapatid na kanina pa 'ko nabubuwisit dito, babatuhin ko na 'to ng upuan e.

"Ang punto ko, bakit kailangang kunin ang anak ko?"

"Apo rin namin 'yon, hijo. Anak 'yon ni Geneva."

"Anak nga ho ni Geneva, hindi ko naman inaalis 'yon sa usapan! Pero inilalayo n'yo ang anak ko sa 'kin."

"Magsusustento ka nga—"

"Bakit nga—putang ina."

"Andoy . . ." Lumapit na sa 'kin si Yayo saka ako hinawakan sa braso.

Napatayo na 'ko sa upuan ko habang dinuduro ang sahig.

"Nandito kami ng anak ko . . . kasi pinilit ako ni Alyna na hanapin kayo. Kasi kung ako lang, doon ko lang siya dadalhin sa lola niya sa Maynila. Hindi . . . ako . . . nandito . . . para ipamigay ang anak ko!"

"Apo rin namin 'yon. May karapatan din kami."

"Apo n'yo pala e bakit hindi ninyo hinanap?!"

"Andoy, huwag ka nang sumagot."

"Hindi pa ipinapanganak 'yang si Carmiline, inaalagaan ko na 'yan! Hindi kayo ang namroblema sa paghahanap ng pinaglilihian ng nanay niyan! Ako ang nag-alaga kay Geneva habang nasa trabaho ang tatay ng batang 'yan, kaya huwag n'yo 'kong lalabanan ng karapatan n'yo kasi may karapatan din ako!"

"Babiiii . . . ba't ikaw gagalit . . .?"

Napalingon na lang ako sa may bandang pinto ng kusina. Biglang bumigat ang paghinga ko nang makitang yakap-yakap ni Alyna si Chamee habang umiiyak yung anak ko at gustong tumakbo papunta sa 'min.

"Ibig sabihin, alam mo kung nasaan si Geneva noong naglayas siya?"

"Andoy . . ."

"Sandali, ano yung sinabi mong nasa trabaho ang tatay ng apo ko?"

"Hindi ho si Sandro ang tunay na tatay ni Chamee."

"Alyna, isa," saway ko agad. Dinuro ko na siya. "Huwag kang magsasalita."

"Ibang lalaki po ang nakabuntis kay Geneva."

"Sabi nang—"

"Dapat naman nilang malaman 'yon, Sandro. Inampon mo lang naman si Chamee. Kung gusto nilang iwan dito yung bata, ipaiwan mo, pero hindi ka magsusustento. Hindi mo naman 'to tunay na anak."

Ayoko na. Ayoko na, putang ina, ayoko na.

"Alyna, please lang. Doon muna kayo ni Chamee sa labas. Sige na."

"Sandro—"

"Sige na!"

"Babi koooo. Mima, si Babi ko, niaaway siyaaa . . ."

"Doon tayo sa labas, Mimi."

"Babi!"

Hindi ako makapag-isip nang maayos. Ang bigat ng ulo ko. Sinubukan kong huminga nang komportable habang tahimik pa kaming lahat. Napapikit ako nang mariin habang takip-takip ang mata.

"Babi ko!"

Saglit akong napaatras nang may yumakap sa baywang ko. Pagtingin ko sa ibaba, sa akin na umiiyak si Chamee.

"Babi, 'wag na ikaw gagalit . . . di na kukulit si Mimi . . . 'wag na ikaw gagalit . . ."

Pinigil kong huwag maluha kaso wala rin. Napapunas na lang ako ng mata saka ko siya kinarga.

"Babi, di na bad si Mimi, di na 'ko kukulit . . . Babi, 'wag na ikaw iiyak."

"Oo, 'nak. Hindi na iiyak si Babi." Punas-punas ko ang mata ko nang talikuran silang lahat. Ayoko nang makipagtalo.

Walang kukuha sa 'kin ng anak ko. Kung gusto nilang kunin sa 'kin si Chamee, magkakamatayan muna kami.

Pagsalubong ko kay Alyna, umiiyak na rin siya.

"Nakita mo na'ng ginawa mo? Sinabihan na kita, di ba?"

Dumeretso na agad kami sa kuwarto. Inilapag ko si Chamee sa kama saka ko inayos ang lahat ng gamit namin. Tinipon ko lahat ng nasa mesa saka yung mga laruan ni Chamee na nasa sahig.

"Sandro, hindi naman ganito yung gusto kong mangyari."

"E ano?!"

Naibato ko ang bag na buhat ko sa kama.

"Sinabihan na kita! Pero kung ano ang gusto mo, 'yon ang nasusunod! Pati si Chamee, dinadamay mo!"

"Babiiii . . ."

"Karapatan ni Chamee at karapatan ng pamilya ni Gen na makilala ang isa't isa!"

"Ngayon, ito na! Nakilala na! Ano, masaya ka na?"

"Babi, 'wag na ikaw gagalit kay Mima!"

"You're being unfair! Nagiging selfish ka na naman, Sandro!"

"Selfish? Ako pa ang selfish ngayon? Kung selfish ako, iniwan ko na lang din sa ampunan 'yan si Carmiline para unahin ang sarili ko! Tatlong taon, Alyna, tatlong taon! Buong buhay ko, diyan lang sa batang 'yan umikot, 'tapos ngayon, ako pa ang selfish? Naririnig mo ba 'yang sarili mo?"

Kinuha ko na rin ang lahat ng gamit na naiwan sa banyo. Kahit basa pa yung iba, inalis ko na lang ang laman ng mga plastic bag ng mga pagkain namin para doon ilipat.

"Mima, 'wag na ikaw iiyak . . . di na bad si Mimi, di na ako kukulit, 'wag na ikaw iiyak."

"Andoy? Ma'am Alyna?"

Hindi ko na inabala ang sarili kong lingunin si Yayo sa may pintuan. Itinambak ko na lang lahat ng gamit namin ni Chamee sa malaking bag na dala ko at sa ibang bag at maletang dala namin.

"Yayo, sorry, ha?" narinig kong sabi ni Alyna.

Wala na 'kong pakialam sa kahit na sino. Basta aalis na kami rito ng anak ko.

"Carmiline, tara na." Binuhat ko na siya kasama ng mga gamit namin.

"Sandro, where are you going?"

"Andoy, saglit lang. Hayaan mo munang magpaliwanag sina Tatay."

Tuloy-tuloy akong lumabas ng kuwarto saka sila sumunod sa 'kin.

"Andoy, huwag kang padalos-dalos."

"Yayo, pakisabi sa mga magulang mo, kung gusto nilang makuha si Chamee sa 'kin, ilaban nila yung bata sa korte. Pumunta sila ng Maynila, doon kami mag-uusap-usap."

"Sandro, wait nga." Hinarangan agad ni Alyna ang daan ko. "Can you please calm down first? Hindi pa tapos yung usapan, puwedeng pakinggan mo muna kami? We can talk about this!"

"Alyna, please lang. Kung ayaw mong magkalimutan na tayo, umalis ka diyan. Hindi ako matatahimik hangga't nandito kami ng anak ko."

Hindi siya nakaimik kaya nilampasan ko na lang siya. May mga nakikita ang dulo ng mata ko na mga tao sa labas pero hindi naman kami pinigilan.

Kahit doon sa labas ng gate, may mga nakikiusyoso na rin. Narinig yata ang sigawan namin sa loob.

Maglalakad pa lang sana ako para makalayo nang may saktong dumaan na tricycle. Pinara ko agad para makasakay kami ni Chamee.

"Manong, pahatid ho sa may terminal papuntang airport."

Isinakay ko sa ibabaw ng tricycle yung maleta saka ilang bag. Kinandong ko na lang si Chamee pag-upo namin sa loob.

"Babi, saan na si Mima?"

"Huwag mo munang hanapin si Mima, 'nak. Uuwi na tayo sa 'tin."


Continue Reading

You'll Also Like

6.4K 257 68
|| third installment of "habit series" || Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother...
82.7K 1K 29
"Hindi ako kabit, matagal na siyang akin," mariin na sabi ni Donna sa kanyang Best Friend na si Cecilia, ang asawa ng kanyang minamahal. "Really? But...
1.3M 57.3K 103
(Finished) Stella Dominguez works during the day and goes to law school every night - well, after her law classes, she parties at clubs to have some...
32.2K 2.2K 33
Mataas ang standard sa lalaki. Check. Gusto ng mala-pocketbook na love life. Check. Medyo may hang-up pa sa past. Check na check. Iyan ang mga dahila...