Under The Shade (SeBy)

By wwiittyyccuuttiiee

163K 11.4K 2.8K

"You know what, I'm still curious." she said. Agad naman akong napabaling ng tingin sa kanya, nagtatanong ang... More

Author's Note
Prologo
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIV
XXV
XXVI (Labrei)
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII - GiaPhant
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI - 🌻
XLII- BeCka
XLIII
XLIV
XLV
XLVI
XLVII
XLVIII
XLIX
L
LI
LII
LIII
LIV
LV
LVI
LVII
LVIII
LIX
LX
LXI- PikaJem
LXII
LXIII
LXIV
LXV
LXVI
LXVII
LXVIII
LXIX
LXX
LXXI
LXXII
LXXIII
LXXIV
LXXV
LXXVI
LXXVII
LXXVIII
LXXIX
LXXX
LXXXI
Epilogue
Special Chapter I

XXIII

1.8K 142 22
By wwiittyyccuuttiiee


MARSELA MARI GUIA

"Bakit dalawa ang kidney ng isang tao?" Shekinah asked.

Naibaba ko ang hawak na libro para lingunin sila. "Kasi kailangan pati sa kidney by pair." parang ewan naman na sagot ni Lang.

"Gaga hindi." pagsingit pa ni Belle. "Kaya dalawa ang kidney natin kasi ibebente ko 'yung isa." maangas na sagot niya. "Need ko pangbili ng ticket para sa concert ng MNL48." she added.

Natatawang napailing na lang ako. Tapos na kasi klase namin, tapos tinamad kaming kumain kaya tumambay muna kami dito sa room. Dala siguro ng pagod kaya naging ganyan ang takbo ng usapan ng mga 'yan.

"Ang hihina niyo naman." wow, ang yabang. "Syempre parang love life din ang kidney natin." prenteng dagdag pa ni bonitah. "Kaya nawawala o umaalis ang isang kidney, ay dahil nag-away sila ng isa, hindi niya makaya ang sakit kaya mas pinili na lang niya ang umalis." mahabang lintanya niya.

Natatawang naihampas ko sa braso niya itong notebook na nasa desk ko lang. "Edi wow Shekinah. Ang mais natin ahh." I shooked my and head in disbelief.

"Ee bakit naman dalawa ang kamay kamay natin?" napatingin naman kami kay Ate Alice ng bigla itong magsalita.

Simula kasi ng klase kanina, hindi siya nakibo. Sa aming magkakaibigan, siya ang pinaka seryoso sa pag-aaral, kaya malamang siya din ang pinaka matalino.

"Para kapag naputol ang kanan, may kaliwa pa." prenteng sagot ni Lang. "Yang mga tanong niyo, nakakagutom. Tara na nga lang sa canteen."

Aangal pa sana si Ate Alice ng mabilis na tumayo na si Lang at nag-inat-inat. Napailing na lang tuloy kami saka tumayo na din para mag-ayos ng gamit.

Ang babaeng 'yun, napaka saksakan ng bugnutin. Akala mo talaga laging may dalaw ee. Tss.

Tahimik lang na binabaybay namin ang kahabaan ng hallway patungong canteen. Hindi pa kami nakakalayo ng bigla namang magsalita itong katabi ko.

"Ang sakit ng leeg ko, grabe." maktol naman ni Belle habang hawak pa ang leeg niya.

Hindi naman ako nagdalawang isip na akbyan siya, at saka bumulong ng, "Mas masakit kung walang leeg. Kaya hayaan mo na."

At mabining kurot sa tagiliran ang natanggap ko na ikinangiwi ko na lang. Masakit ee. Grabe pa naman siya kung mangurot. Parang dala pati laman.

"Wait lang." Lara suddenly said.

Lahat naman kami, natigilan dito at kunot noong nakatingin kay Lara na namumula na ngayon. "Uy bakit?" ako na ang nagtanong.

"Doon na lang tayo sa may fountain dumaan." she simply said. "Ayaw ko dito." dagdag pa niya.

Mas lalo namang kumunot ang noo ko dahil sa narinig. Ano bang nangyayari sa babaeng ito? "Bakit doon? Akala ko ba gutom kana?" siya nga nagyaya sa'min na pumuntang canteen diba. "Ee mas malayo kung sa may fountain tayo dadaan."

"Sela's right." Sheki agreed. "Konting lakad na nga lang natin nasa canteen na tayo ee."

Pero ang babaeng ito, hindi man lang kami nagawang pakinggan bagkus nagsimula na siyang maglakad. Napailing na lang at napabuntong hininga. Ang hirap talaga basahin minsan ni Lara. Sala sa lamig, sala sa init.

"Buti na lang hindi ko pa nakakalimutang kaibigan ko siya." Ate Alice said, thennshe shooked her head in disbelief. "Tara na nga."

Hindi na din naman kami umangal pa at sumunod na lang kami doon sa dalawa. Pero kahit ganon, hindi ko parin maiwasang hindi magtaka. Nakakapagtaka  naman kasi talaga. Para bang may ayaw siyang makita o iniiwasan.

"Oy Sela" natuon naman ang pansin ko kay Shekinah ng ipulupot niya ang kamay niya sa braso ko. "Nakasalubong ko pala si Abby kahapon, ang daming dalang gamit." she said. "Mukhang busy nga ang mga lukaret sa thesis nila."

Tahimik lang akong nakikinig. Kunware walang pakialam pero deep inside, natutuwa.

Mahigit dalawang linggo na din kasi ang lumipas mula ng hindi na kami magka-usap ng babaeng 'yun. Natapos na din ang renovation ng canteen sa Department nila kaya hindi na namin sila nakakasama. At dalawang linggo na din ang lumipas mula ng puntahan ko siya sa bahay nila na hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba.

Hanggang ngayon kasi, hindi ko parin alam kung saan ba ko nakakuha ng lakas ng loob para gawin ang bagay na 'yun. Nakakahiya lang. Kung pwede nga lang hilingin na sana bumuka ang lupa at kainin ako, hiniling ko na.

Dumating pa nga ako sa point na sana hindi muna magtagpo ang landas naming dalawa kasi hindi ko alam kung paano siya haharapin. At mukhang tinupad nga ng maykapal ang aking hiling. Ni magkita o magkasalubong kami ng babaeng 'yun, hindi nangyari. Hindi ko na din siya nadadatnan sa waiting shed o ang makita siyang mapadaan do'n, hindi na nangyayari.

"Ano naman sabi sayo ni Abby?" Belle asked her. "Ako kasi bihira ko na lang siya makita, pati din si Gia." she added and put her arms in my shoulder. "Nagpapakadalubhasa ang mga bruha." natatawang dagdag pa niya.

Napailing na lang ako. Ayaw ko man, pero hiniling ko na sana ako na lang si Sheki. Tss.

"Wala namang sinabi mars, ngumiti lang sa'kin." Shekinah replied.

"Wait, speaking of, si Abby 'yun oh."

Kahit ayaw ko, wala akong nagawa kundi ang lumingon sa tinuro ni Belle. At sa kauna-unahang pagkakataon makalipas ang dalawang linggo, nakita ko ulit siya. Nakita ko ulit ang matatamis na ngiti niya. Kasama niya si Gia do'n at, wait, si Yzabel?

"Alice! Mauna na kayo ni Lang sa canteen, susunod kami." rinig ko pang sigaw nitong si Sheki kay Ate Alice.

Para lang akong tanga dito na nagpatianod ng hilahin nila ko papunta sa pwesto nila. Gusto ko mang umangal, hindi ko magawa. Napako lang ang tingin ko sa isang babaeng masayang tumatawa kasama ang mga kaibigan.

"Hoy mga bakla!" Sheki greeted them.

Sunod-sunod na paglunok ang nagawa ko ng ako ang una niyang tingnan. Tipid na ngiti lang ang binigay ko saka nagbaling ng tingin kay Gia na nakangiti din pala sa'kin ngayon.

"Kamusta thesis natin?" malaki ang pagkakangiting tanong ni Belle.

"Easy as pie." Abby replied, with a pride. Napailing na lang ako sa loob-loob ko, ang hambog, grabe. "Saan pala punta niyo?"

"Canteen." Sheki simply said. "Nauna na sina Alice at Lara do'n, natanaw kasi namin kayo kaya sumaglit kami." dagdag pa niya.

Napagdesisyunan ko na lang na maupo sa tabi ni Gia ng makaramdam ako ng ngalay.

"Kamusta ka Sela?" nakangiting tanong niya sa'kin.

Nagkibit balikat naman ako saka siya tugunan ng isang ngiti. "Ayos lang." I took a quick glance at her. "Maganda parin katulad ng dati." minsan lang naman maging mahangin ee, sulitin ko na

Mahinang napatawa naman siya dahilan para mapailing ako. Minsan lang din makausap ng matino itong si Gia, kaya sulitin na din. Dahil mamaya pustahan magiging pilya na naman ang babaeng 'to.

"So, kamusta naman ang nagdaang araw ng isang magandang Sela?" nakangising tanong  niya

I chuckled. Parang ewan ee. "Gusto mo ba talagang malaman?" mapanghamon na tugon ko. "Gusto mo bang isa-isahin ko ang nangyari sa'kin nitong nagdaang araw?" I added.

But she just laughed at me. "Hindi na kailangan." bahagya pa kong nagulat ng mabilis niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Alam ko naman na ang tanging makakabuo lang ng araw mo, ay ang makita ako." she tapped the tip of my nose using her finger. "Crush mo siguro ako Marsela."

Napamaang ako. Ay wow, ang kapal. Agad kong nilagay ang daliri ko sa noo niya para itulak siya papalayo sa'kin. Masyado siyang malapit. "Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo Gia." I paused. "Saka maghunus dili ka, masama ang magmura."

Napailing na lang ako ng tawanan niya ko ng malakas. 'Yung tipong pati atensyon nitong mga kasama naming nandito, nakuha niya. Nagulat pa  ko ng magtama ang paningin namin ni Abby, saglit lang 'yun dahil mabilis din akong nag-iwas.

"Hoy para sabihin ko sayo, crushable ako Sela." may kalakasan pa niyang hinampas ang braso ko na ikinatawa ko na lang.

Taas kilay ko siyang tiningnan. "Walang silbi 'yan kung hindi naman kita crush." barumbadong sagot ko.

At katulad kanina, tanging pagngiti lang ang ginawa niya. "Kasi si Abelaine lang ang nag-iisang gusto mo." tinaas baba pa niya ang kilay pagkatapos sabihin 'yun. "Kaya lang, hindi ka naman crush ng isa kaya wala ding silbi."

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis. At dahil nga naiinis ako, madiing kinurot ko siya sa braso niya, yung madiin na tipong matutuklap ang balat niya.

"Ouch Sela! What the fuck?" she hissed.

I rolled my eyes at her. "I'm not everyone's cup of tea, but I don't drink coffee, so fuck them." agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko dito, pero bago ko siya iwan, nilingon ko pa siya. And I give my deadliest stare I have. "And lastly, fuck you Gia." that was the thing I've said before I left her dumbfounded.

Biglang nag-init ang ulo ko. Nakakainis lang. Ngayon ko lang naramdaman 'yung inis na gusto ko makapanakit. Bwisit ng 'yan.

"So kayong dalawa partner sa thesis niyo?" rinig kong tanong ni Belle nang makarating ako sa pwesto nila.

Kulang na lang tumaas ang kilay ko dahil sa narinig, buti na lang napigilan ko.

Nakangiting tumango naman si Yzabel, habang ang isa ay matamang nakatingin sa'kin. Walang pagdadalawang isip na inirapan ko siya dahilan para kumunot ang noo niya.

"Yup, we're partners." she said, smiling sweetly.

"Hindi naman ba ta-.."

"Actually, hindi lang sa thesis sila magpartner." she cut her off.

Parang may sariling buhay ang kilay ko at kusa itong tumaas ng marinig ko ang pangit na boses na 'yun. Nakakairita din ang ngiti niya. Kung kay Abby, nakakahawa at nakakagaan ng loob ang ngiti, pero itong si Gia, nakakairita. Ang sarap lang lamutakin ng mukha niya ngayon.

She smirked at me. "Magiging magpartner din sila pagdating sa pagbuo ng mga pangarap nila." she paused and smile mischievously. "Soon, they'll become a couple, diba Yzabel?"

Hindi ko na hinintay pang makasagot si Yzabel at mabilis kong hinawakan ang mga braso nitong mga kaibigan ko. "Mauuna na kami. Baka hinihintay na kami nina Lara."

Inis na inirapan ko pa ang babaeng 'yun saka ko kinaladkad paalis sa lugar na 'yun ang dalawang babaeng ito.

Nakakainis. Sobrang nakakainis. Ang sarap nilang pagbuhulin. Lalo na si Abelaine. Panay lang titig, ano? Hanggang doon lang kaya niya? Hanggang titig na lang siya? Dukutin ko mata niya ee.

Partners daw sila. Oh edi wow. Sila na. Sila na talaga. Tss.

"Hoy Sela, teka lang madadapa ako." hindi ko pinansin ang maktol ni Belle bagkus mas lalo ko pa silang hinila.

Ganon lang ang eksena naming tatlo hanggang sa tuluyan na kaming makapasok sa canteen. Nabungaran pa namin ang dalawang matamlay na naghihintay na para bang inip na inip na sila. Doon ko lang naman binitawan  sina Belle at Sheki saka ako pabalyang naupo sa silya, katapat lang ni Lara.

Inis pa na nilagay ko ang bag ko sa lamesa, pinatong doon ang baba ko at saka mariing pumikit. Naiinis ako. Sobra-sobra akong naiinis. Bwisit talaga.

"Anong nangyari sayo Marsela?" rinig kong tanong ni Lara sa nagtatakang boses. "Bad mood ka?"

Hindi ko siya sinagot. Tahimik lang ako dito habang mabibigat na paghinga ang pinapakawalan.

"Anong nangyari diyan Sheki?" rinig kong tanong ni Ate Alice.

"Di ko nga rin alam ee. Bigla na lang naging ganyan yan." kahit nakapikit ako ngayon, ramdam na ramdam ko ang mga titig nila.

Napahinga na lang ako ng malalim. "Ang unfair ni Abby." napanguso ako.

Ang unfair naman talaga niya. Ang sarap nilang pag-untugin ni Gia, tapos ang sarap naman nilang pagbuhulin ni Yzabel. Partner sila diba? Edi sagarin na. Tss.

"Unfair?" nahihimigan ko pa ang pagtataka sa boses ni Belle ng itanong niya 'yun. "At bakit naman naging unfair si Abby?" she asked again.

Again, I inhaled deeply, trying to calm myself. Baka pati sila madamay sa init ng ulo ko. "Ang unfair niya lang sa part na sinabi niya sa'kin na baka hindi na kami makapag-usap masyado kasi magiging busy na siya sa thesis sila." matabang na sagot ko. Thesis daw, hampas ko sa mukha niya yung thesis na 'yun. Hmp! "Hindi naman thesis yung pinagkakaabalahan niya ee." kundi si Yzabel. Bwisit talaga.

"And what's the matter Sela?" Ate Alice asked.

My brows furrowed while my still closed. "May pabigay-bigay pa siya sa'kin ng resume kasi mag-aapply daw siyang kahati ko sa twin pack balang araw, ee yun naman pala nililigawan niya 'yung isa." walang kapreno-preno kong sagot. "Ang paasa niya lang, bwisit siya." may kahinaang dagdag ko.

Kung may pagkakataon talaga na magkakaharap kaming dalawa, 'yung kaming dalawa lang talaga, ay nako. Sasampigahin ko siya.

"Wait nga!" malakas na sambit ni Shekinah "Ginawa niya 'yun? 'Yung sa resume at twin pack eme?"

Inis na nagpapadyak dito saka tunango. "Oo" malamig na tugon ko. "May pasabi-sabi pa siyang special ako sa kanya, ee soon naman pala magiging sila na ni Yzabel." naisubsob ko ang mukha ko sa bag ko at doon nilabas ang inis. "Hampas ko kaya sa ulo niya 'yung book na binili ko." dagdag ko pa.

Nakakainis talaga siya. Sobra. Ayaw ko ng makita siyang muli. Naiirita lang ako.

"Teka nga, magkalinawan nga tayo." at ngayon nga, boses na ni Lara ang narinig ko. "Ano naman sayo kung nililigawan nga ni Abby 'yung Yzabel?" she paused. "Kayo ba para maghimutok ka diyan?"

Sukat doon ay mabilis akong napamulat at umayos ng upo. "Duh Lara." maarteng tugon ko at may kasama pang irap. "Matapos niya kong halik-halikan, mababalitaan ko na lang nililigawan na niya si Yzabel?" I hissed at her. Damn that woman. "Ang kapal ng mukha niya, sobra." madiing dagdag ko.

Pero ilang segundo na ang nagdaan, wala parin akong narinig na tugon sa kanila. Kunot noong tiningan ko sila isa-isa. Anong nangyari?

"Hoy! Hindi na kayo kumibo diyan?" kunot noong tanong ko.

Mabilis na kinuha ni Sheki ang isang basong tubig at parang uhaw na uhaw siyang inubos 'yun. Mas lalo tuloy kumunot ang noo ko.

"A-anong sabi mo?" nauutal pang tanong ni Belle. "Hinalikan ka ni Abby?"

"Correction Belle." Lara paused and smirked at me. "Hinalik-halikan which mean, paulit-ulit."

Pasalit-salit ang tingin ko sa kanilang lima. Gulat na gulat ang mukha ni Ate Alice at Belle, habang si Sheki namumutla pa ang mukha habang matamang nakatingin sa'kin, pero si Lara, prenteng nakaupo lang, nakatukod ang siko sa lamesa at nakahalumbabang nakatingin sa'kin habang malapad ang pagkakangiti.

Sunod-sunod na paglunok ang nagawa ko ng mapagtanto ko ang kagagahang ginawa ko. "Ahm, a-ano." I uttered. Damn it. Wala akong sinabi, wala silang narinig. Wala.

Ee mommy! Nasabi ko! Argh!

"I thought, you're straight as a pole?" Lara asked, smirking at me. "Naol straight as a pole."

I slapped my forehead. Gosh Sela. Kailangan ko ng malalim na hukay para sa libingan ko. Paki na lang, salamat.





-----------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...