The Wayward Son in Aklan

By LenaBuncaras

451K 20.6K 8.2K

Raising a kid is a difficult task for Sandro, especially if the child is not his own. When adoption is the on... More

The Wayward Son in Aklan
PROLOGUE
Bukang-Liwayway 1998
Kabanata 1: Ang Bitter
Kabanata 2: Ang Best Friend
Kabanata 3: Ang Buntis
Kabanata 4: Ang Kapal
Kabanata 5: Ang Demanding
Kabanata 6: Ang Anak
Kabanata 7: Ang Aksidente
Kabanata 8: Ang Ulila
Wayward Son, 1998
Kabanata 9: Ang Dalawang Tita
Kabanata 10: Ang Girl Crush
Kabanata 11: Ang Sakit sa Ulo
Kabanata 12: Ang Ka-Buddy
Kabanata 13: Ang Pagbangon
Kabanata 14: Ang Instant Mommy
Kabanata 15: Ang Celebration
Kabanata 16. Ang Birthday
Kabanata 17: Ang Demonyo
Kabanata 19: Ang Pag-alis
Kabanata 20: Ang Surprise
Kabanata 21: Ang Kababata
Kabanata 22. Ang Mahal
Kabanata 23. Ang Anghel
Kabanata 24. Ang In Denial
Kabanata 25. Ang Honest Naman
Kabanata 26: Ang Nega
Kabanata 27. Ang Lasing
Kabanata 28: Ang Stress
Kabanata 29: Ang Karapatan
Kabanata 30: Ang Takot
Kabanata 31. Ang Dalawang Ama
Kabanata 32. Ang Parents
Kabanata 33. Ang Malas Talaga
Kabanata 34. Ang Blessing
Kabanata 35. Ang Ending (lol)
Special Chapter: Alyna (First Part)
Special Chapter: Alyna (Second Part)
Special Chapter: Alyna (Last Part)

Kabanata 18: Ang Init

10.3K 535 292
By LenaBuncaras


Madalas sa madalas, alas-dose ng gabi, gising pa 'ko kasi nakakausap ko ang ilang member ng team nang ganitong oras for revisions ng layout. Ang proofreader naman namin, night owl kaya hanggang alas-dos, mulat pa.

At dahil naka-leave ako hanggang bukas, wala akong hahawakang trabaho sa ngayon. Kaya nga kahit alas-dose na, naglalaro pa rin ako ng Call of Duty sa phone habang nagpapaantok.

Patay ang ilaw kasi mabilis magising si Chamee kapag maliwanag. Pumuwesto ako sa gilid ng mesa katapat ng balcony para may ilaw ako kahit paano mula sa katapat na poste. Nag-mute na lang ako para hindi gaanong maingay. Kung may maingay man, tunog lang ng pag-buzz ng air cooler sa tent ni Chamee ang maririnig.

Nasa kalagitnaan ako ng laro nang biglang bumangon si Alyna. Napasulyap lang ako sa kanya habang mukha siyang Sadako. Ni hindi talaga niya inayos ang buhok niya kahit pag-alis niya sa kama.

"Huy," bati ko pa kasi baka naglalakad nang tulog.

Hindi naman ako pinansin, naglakad lang papuntang kitchen counter. Nilingon ko agad, baka kasi kung ano-ano ang ginagawa. Kumuha siya ng baso saka nagbukas ng mini ref sa bandang likuran ko.

Baka nauhaw kaya napabangon.

Binalikan ko na lang ang nilalaro ko at nagulat ako, dead na pala ang character ko. Napakamot tuloy ako ng ulo.

Nag-out na lang ako sa COD at nag-check ng GC. Ang huling message doon, mga chat ni Alyna. Puro picture nila ni Chamee sa Kenny Rogers. Sila kasi ang magkatabi. Para ngang wala ako roon kanina. Mukha kasi silang mag-inang matagal na hindi nagkita. Sila lang ang nagkakaintindihan.


Noemi Chi

Kyutie naman ni Baby Chameee

Pakurot sa pisngi!!!

Quinn Mark

Gagawa din ako ng ganyan someday

Jokoi Lopez

Pre hanap ka muna ng tataniman ng binhi mo

Quinn Mark

Dapat ba maghahanap muna? E bat si Sandro nakagawa kahit walang tinaniman


Mga tarantado talaga 'to.

Nagpatay na lang ako ng data saka ko inilapag sa mesa ang phone ko. Saglit lang akong nag-inat pero napahinto ako nang may maramdaman akong lumapit sa 'kin.

"Hoy—" Hindi ko na nalakasan pa ang sinasabi ko nang itawid ni Alyna ang isa niyang binti sa kaliwang gilid ko bago naupo sa kandungan ko paharap sa 'kin.

"Inaantok pa 'ko," sabi niya bago ipinalibot ang mga braso sa may batok ko at doon isinubsob ang mukha niya sa leeg ko na naman.

Eto na nga ba'ng sinasabi ko e. May sa ahas talaga 'tong babaeng 'to. Kung hindi nanggagapang, nanlilingkis e.

"Alyna." Tinapik ko siya sa bandang hita. "Bumalik ka r'on sa kama."

"Inaantok ako."

"Inaantok ka pala, e di, mahiga ka r'on."

Hindi siya sumagot.

"Ay, put—" Gumapang ang kilabot mula sa braso papunta sa batok ko nang bigla niyang kagatin ang ibaba ng kanang tainga ko. Out of reflex ko siyang nahawakan sa balikat para ilayo agad. Pinandidilatan ko lang siya habang nakanguso lang siya at nakasimangot sa 'kin.

"May problema ka ba, Lyn?" tanong ko agad kasi ang hilig niyang mangganito e. "Ano ba, mag-usap nga tayo."

Hindi siya sumagot. Tinitigan ko lang siya habang tinatamaan siya ng ilaw sa labas. Biglang lumungkot ang mukha niya habang nakayuko.

Hindi ko na sigurado kung inaantok lang ba 'to, nag-iinarte, may problema, o ano e.

"Huy, ano na?" tanong ko pa habang sinusuklay palikod ang buhok niyang bagsak nang bagsak sa mukha niya.

Sabog ba 'to?

"Inaantok pa 'ko," malungkot niyang sinabi habang nakanguso.

Inaantok pala 'to, e di matulog! Nakakabuwisit naman 'to kausap.

"Mukha ba 'kong kama?" sabi ko na lang. "Bumalik ka na d'on sa higaan at matulog ka na. Hindi ka makali, a."

Bigla siyang bumuntonghininga saka ako tinitigan sa mata.

"Ano na naman?" tanong ko.

Wala na naman siyang sinabi. Akma pa sana siyang lalapit nang hawakan ko agad siya sa magkabilang pisngi para pigilan sa balak niya.

"O? O? Manghahalik ka?" tanong ko pa. "Pumayag ako?"

Sumimangot lang siya habang nakatitig sa akin.

Kapag ba tuwing madaling-araw, sinasapian 'to? Kawawa naman yung mga kasama nito sa bahay.

"Cute ba 'ko?" tanong niya, at yung boses niya, sobrang hinhin na malungkot na nagpapaawa na ewan. Basta tunog nasaktang tuta!

Ano ba 'to? Topak nito na naman?

"Nananaginip ka ba, Lyn? Matulog ka na kaya muna."

"Kiss mo 'ko."

"Para?"

Bigla na naman siyang sumimangot.

Ano ba'ng hini-hits nito at ganito 'to kasabog?

"Isa lang," pamimilit na naman niya. Ito, kakaltukan ko na talaga 'to e. Syota ko ba 'to at ganito 'to mag-inarte?

"Bumalik ka na sa kama. Dali na. Baka magising pa si Chamee, ang ingay nating dalawa." Pinalo ko na naman siya sa hita saka inginuso yung kama para bumalik siya roon.

Umalis na rin siya sa pagkakaupo sa 'kin at bumalik na nga sa kama.

'Yan, mabuti naman at marunong sumunod.

Sinundan ko siya ng tingin. Pagsampa niya sa kama, imbes na mahiga, nagsumiksik lang sa sulok habang namamaluktot ng upo.

Anak ng kamote talaga, oo. Tinotoyo na naman ba 'to?

"Alyna, umayos ka diyan. Akala ko ba, inaantok ka?"

Hindi siya namansin. Sumandal lang pagilid sa may dingding habang niyayakap ang binti.

Kulang ba 'to sa aruga at nagkakaganito 'to?

"Ay, buhay." Kakamot-kamot ako ng ulo nang lumapit ako sa may kama. "Alyna." Pag-upo ko sa higaan niya, bigla siyang umurong at umalis.

Litong-lito naman ako sa buhay ko habang sinusundan siya ng tingin papunta sa kusina. Napaawang na lang ang bibig ko habang kunot ang noo nang doon naman siya tumalungko sa ibaba ng lababo at cabinet.

Diyos ko naman. Hatinggabi na hatinggabi, iniinartehan ako nito?

Umalis ulit ako sa kama at nilapitan siya. "Alyna, ano ba'ng problema mo?"

Tatayo na sana siya para umalis na naman pero hinarang ko agad ang daan niya sa kaliwa ko. Ipinatong ko sa may counter ng lababo ang palad ko para hindi siya makadaan. Susubukan pa sana niya sa kanan pero hinarang ko na rin ang braso ko patukod sa may cabinet.

Nakatingin lang siya sa gilid habang nakasimangot at kurot-kurot ang laylayan ng T-shirt kong hiniram niya.

Ano ba'ng trip nito? Gusto niya, lalambingin ko siya? Syota ko ba siya?

"Huy." Hinawakan ko siya sa baba at inangat nang kaunti ang mukha para ipatingin sa 'kin pero yung mata niya, hindi inalis talaga ang pagkakatingin sa gilid. "Lyn."

Tinabig lang niya yung kamay ko saka akmang aalis ulit kaya sinalo ko na ng hawak ang baywang niya.

"Ano ba, may problema ka ba?" tanong ko na naman.

"Wala."

"Wala e bakit ismid ka nang ismid diyan?"

"Matutulog na lang ako."

Ako na ang napapabuntonghininga sa inaasal niya.

Yung nangyari sa amin three years ago, hindi na namin na-bring up 'yon. Para lang 'yong isang gabi na nainitan siya, na pinatulan ko ang init niya, then that's it. Hindi na namin napag-usapan ang tungkol doon pagkatapos kong ma-confirm na hindi naman siya buntis pagkalipas ng isang buwan. At ayoko 'yong maulit. Kaso bakit naman kasi . . .

"Isa lang." Hinapit ko siya sa baywang at walang hirap kong iangat paupo sa may cabinet. Hindi ko na hinintay ang salita niya, basta isinilid ko ang kaliwang palad ko sa bandang leeg niya at saka siya hinalikan.

Tatlong taon. Unang beses kahit noong nakaraang tatlong taon na may nangyari sa amin . . . unang beses ko pa lang siyang mahahalikan.

Ang lambot ng labi niya. Parang dinadaanan ng koryente ang batok ko pababa sa gulugod. Saglit lang iyon at dampi lang pero parang hinigop niya ang lahat ng hangin sa baga ko at hindi ako agad nakahinga nang maayos.

Paglayo ko nang bahagya sa kanya, naabutan ko siyang nakatitig sa akin.

Ayoko talaga ng itsura ni Alyna kapag nasa di-gaanong maliwanag na lugar kasi putang ina . . .

"Isa lang." Inilapit ko pa siya lalo sa katawan ko habang pilit kong binabawi ang hangin ko mula sa labi niya. Gumuguhit patungong ibaba ang init ko sa katawan habang naririnig ko ang mahinang ungol niya.

Kaya nga ayoko siyang pumupunta rito sa bahay.

"Tsk! Doon nga tayo sa banyo."

Ibinaba ko siya sa counter at tinangay ko sa likod ng katapat na pinto.

Kinuha ko ang laylayan ng damit niya at mabilis iyong hinubad.

"'Wag kang maingay," babala ko agad habang sinusunod nang alisin ang pang-ibaba niya.

Siya naman ang tumulong hubarin ang mga damit ko.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang relasyon naming dalawa ni Alyna, pero sa mga ganitong pagkakataon, nawawalan na 'ko ng pakialam sa mundo.

Pinasadahan ko ng palad ang likod niya. Ang init niya ngayon. Hindi ko alam kung malamig lang ba sa bahay o ano.

Ang kinis ng balat niya saka ang bango pa. Ang sarap kagatin sa leeg.

Saglit ko siyang tinitigan sa mata para malaman ko kung itutuloy pa ba namin 'to. Kahit sumasakit na ang puson ko, aalamin ko pa rin baka mamaya, nananaginip lang 'to.

"Dahan-dahanin mo lang pagpasok, ha?" sabi niya habang inaangkla na ang mga braso sa may batok ko.

Gising. Nag-demand pa.

Inalalay ko siya sa may kitchen sink para mag-abot kaming dalawa.

Natatakot akong hawakan siya, pero hinahanap din naman siya ng katawan ko. Hindi ko alam kung ilang beses kong sinasabi sa isipan ko na ngayon na lang ulit, 'tapos hindi na.

Na hindi ako ready, pero nandito na kami kaya bahala na.

Kung saan-saan na gumala ang kamay ko pagapang sa makinis niyang balat na ang sarap pasadahan ng palad.

Pagpasok ko, napalakas nang kaunti ang ungol niya kaya sinalo ko agad ng halik bago ko pa marinig na umiyak si Chamee sa labas.

Ilang taon din, iniwas-iwasan ko 'to kasi hindi madaling palakihin si Chamee. Ayokong gawin ang pagkakamali ni Pol kay Gen. Pero kada kalmot ni Alyna sa likod ko habang pinipilit niyang huwag mag-ingay, sinasabi ko na lang sa sarili ko na kapag nasundan si Chamee, paninindigan ko na talaga 'to.

Pero nang malapit ko nang maramdamang sasabog na ako, hinugot ko agad at hinayaang saluhin ng sahig ang init ng katawan ko. Hindi ko pa rin kaya.

Naipatong ko ang noo ko sa balikat ni Alyna na naghahabol ng hangin at nanatili sa pagkakaupo sa bahagi ng sink na naka-tiles.

Isa lang. Hindi na ako uulit.

Naipatong ko ang magkabila kong palad sa sink at saka ako nag-angat ng tingin. Nasalubong ko ang titig ni Alyna habang kagat-kagat niya ang labi niya. Mukha pa siyang iiyak.

Parang gusto kong manisi na gusto kong magpasalamat na hindi ko alam.

Naipasada ko na lang ang dila ko sa labi bago nagbuntonghininga.

Hinawakan ko siya sa likod ng ulo saka ko dinampian ng halik sa noo. "Maligo ka muna, baka matuyuan ka ng pawis."

Hinawakan ko siya sa baywang na namamawis din saka ko binuhat paibaba, paiwas sa kalat ko sa sahig.

Hinatak ko yung bath towel sa likuran ko saka ko ibinalot sa kanya.

"Kukuha ako ng damit mo, dito ka muna."


♥♥♥


Sa pagkakataong 'to, wala na 'kong ibang puwedeng murahin kundi sarili ko lang. Pero hindi naman ako nagsisisi, ginusto naman naming pareho yung ginawa namin.

Saglit akong nag-imis ng mga basang damit sa laundry para isasampay ko na lang pagkaumaga sa balcony. Pagbalik ko sa loob, naabutan kong naka-indian seat sa sahig si Alyna habang bino-blow dry ang basang buhok niya. Hindi ko na rin siya pinahiram ng panibagong T-shirt mula sa 'kin. Pinagbihis ko na lang siya ng asul na sando saka sobrang ikling shorts.

"Akin nga." Kinuha ko ang hair dryer sa kanya saka ako pumuwesto sa bandang likuran niya para tulungan siya sa pagpapatuyo ng buhok.

Sanay na sanay ako sa ganito dahil si Chamee, kapag bagong ligo, ayokong nagkakalat ng basa sa sahig. Kaya bumili ako ng hair blower para natutuyo agad ang buhok ng bata.

Binuhaghag ko ang likurang parte ng buhok ni Alyna para matuyo pati ilalim.

Gaya noong unang beses na may nangyari sa 'min, tahimik lang siya. Parang walang nangyaring kung ano. Hindi na rin ako umaasa na magre-react pa siya, para kasing gusto lang niyang maglabas ng init ng katawan. Baka nga dapat na 'kong masanay sa ganoong ugali niya.

"O, tuyo na rito." Pinatay ko na ang blower at binunot sa plug saka ko inilapag sa ibabaw ng drawer na nasa gilid lang namin. "Akin na 'yan." Kinuha ko sa kanya yung suklay saka ko sinuklayan ang buhok niyang hanggang itaas ng baywang ang haba.

Ang bango niya talaga. Umiikot sa hangin ang tamis ng amoy. Parang bulaklak.

Pagkatapos ko siyang suklayan, humarap siya sa 'kin habang nakangiti.

Mabuti naman at nakangiti na siya. Akala ko, tinotoyo pa rin e.

"Thank you, Sandro." Tumayo na rin siya at akala ko, dederetso na agad sa kama. Nagulat na lang ako nang hawakan ako sa may panga saka ipinatingala sa kanya. Napapikit-pikit na lang ako nang manghalik na naman. "Tabi tayo matulog."

"Doon ako sa itaas," sabi ko agad.

"Sige naaa."

Iniligpit ko na ang suklay saka towel na ginamit niya at naabutan ko pa siyang nakangisi sa akin habang nakalahad ang braso paharap. Parang nanghihingi pa ng yakap.

"Tabi tayo."

Nagpamaywang agad ako habang nakangiwi sa kanya. "Kapag nagtatabi tayo, may hindi magandang nangyayari."

"Sige naaaa."

"Ayoko."

"Please poooo."

"Alam mo, nagagaya si Chamee sa 'yo."

"Pleeeease! Please po, Babi."

Ay, buhay. Bakit ba 'ko pumayag papasukin 'to rito sa pamamahay ko?

"'Wag mo 'kong gagapangin, ha? Nakaisa ka na."

Tinawanan lang niya 'ko nang mahina pero tumango naman siya.

Dinuro ko na lang siya para magbanta. "Kapag mamaya, naku talaga."

Kinuha ko na lang ang unan ko sa itaas at ibinaba sa tabi ng unan niya. "Umurong ka d'on."

"Yay!"

"Para kang bata."

Ala-una pasado na. Kapag mamaya, nanggapang na naman 'to, doon na 'ko makikitulog sa castle ni Chamee.

Pagkahiga ko pa lang, ginawa na niyang unan ang kaliwang balikat ko at nangyakap na naman. Sabi nang—

"Ang clingy mo, 'no?" sabi ko saka inayos ang pagkakahiga ko kasi pareho kaming mangangalay sa ginagawa niya.

"Good night, Sandro."

"Matulog, ha. Kung hindi, ia-uppercut na kita para makatulog ka."


♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

470K 34.7K 8
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
2.3K 60 5
Chasing Series #4 Estrella Mailein Diaz is a boyish girl because, since they separated her second boyfriend? she has never had a boyfriend but, she...
94.2K 6.5K 21
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
29.9K 248 77
An Epistolary Novel Feb. 05. 2021 Feb. 24. 2021