Under The Shade (SeBy)

By wwiittyyccuuttiiee

163K 11.4K 2.8K

"You know what, I'm still curious." she said. Agad naman akong napabaling ng tingin sa kanya, nagtatanong ang... More

Author's Note
Prologo
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI (Labrei)
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII - GiaPhant
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI - 🌻
XLII- BeCka
XLIII
XLIV
XLV
XLVI
XLVII
XLVIII
XLIX
L
LI
LII
LIII
LIV
LV
LVI
LVII
LVIII
LIX
LX
LXI- PikaJem
LXII
LXIII
LXIV
LXV
LXVI
LXVII
LXVIII
LXIX
LXX
LXXI
LXXII
LXXIII
LXXIV
LXXV
LXXVI
LXXVII
LXXVIII
LXXIX
LXXX
LXXXI
Epilogue
Special Chapter I

XIX

1.9K 128 28
By wwiittyyccuuttiiee


MARSELA MARI GUIA

"Class dismissed."

Napahinga ako ng malalim. Napaub-ob pa nga ako sa desk ko dala ng pagod.

Gosh. Tapos na. Tapos na ang unang subject ko para sa araw na 'to. Muntik ng sumabog ang utak ko grabe. Hindi ko talaga akalain kung paano ko nagagawang hindi tuluyang mapatulog sa sobrang haba ng klase ko. Two hours and thirty minutes, grabeng torture sa'kin 'yun.

"Buti na lang pangarap ko maging bitch na tita balang araw." at katulad ko, nakasalampak din ang ulo ni Belle sa desk. "May dahilan ako para magpatuloy sa lintek na pag-aaral na 'to." she added.

Gusto kong matawa pero miski pag ngiti, kinatatamaran ko na. Napapagod na kasi ako. Biruin mo, unang subject palang namin 'to sa araw na ito pero grabeng ubos na agad ang powers.

"Well, I'm proud of myself bitches." then Sheki flipped her hair. "Hindi ako nakaramdam ng gutom sa loob ng dalawang oras at trenta minutos." parang batang sambit niya pa.

Napatawa na lang ako ng mahina at saka pumikit. Medyo kulang din ang tulog ko kagabi. Kaya ang ganap, panay ang hikab ko kanina. Tapos bigla namang nagpaquiz si Sir, hindi lang isa, hindi din dalawa, kundi tatlo. Hindi man lang siya naawa sa'min. Talagang sinulit niya ang mahabang oras para pahirapan kami.

"Ano bang ganap niyong dalawa?" rinig ko pang tanong ni Shekinah. "Kulang ba kayo sa tulog? Mukha na kayong panda sa sobrang laki ng eyebags niyo." she added.

Napahinga na lang muli ako ng malalim bago humalumbaba at humarap sa mga bruha.

"Hindi ako agad nakatulog kagabi." walang ganang sagot ni Belle. "Alas kwatro na nga ata ako dinapuan ng antok." pagpapatuloy niya pa.

My brows furrowed. Alas kwatro? Grabeng pasakit naman niyan. "Insomnia?" I asked.

But she just shrugged. Halata nga ang pagkapuyat sa kanya. At mukhang konti na lang, maniniwala na ko kay Sheki na mukha na kaming panda. Tss.

"Wala kang insomnia Belle." mabilis na pagsingit nitong isa. "Pero wifi meron." she shooked her head. "Pagbukas ko ng Facebook ko kanina, puro shared post mo lang naman ang laman ng news feed ko. Kaya sa tingin ko, magdamag kang tumambay sa mga social media accounts mo." mahabang lintana niya.

Hindi makapaniwalang nilingon ko si Belle na nakatulis na ang nguso ngayon. Doon lang ako tuluyang napatawa. Kaya naman pala puyat ang gaga.

"Kaya naman pala Belle." panggagatong ko pa.

But she just rolled her eyes. Napatawa pa kami ng malakas nitong si Sheki. Nakakatawa lang kasi pag-iitsura ni Belle, para siyang batang nagtatampo dahil napagalitan. Ang cute.

"Ee ikaw Marsela?" at ngayon nga po, na sa'kin ang atensyon ng luka. "Bakit ka puyat? Wag mo sabihing insomnia din o wifi?"

I chuckled. "Sorry to say hindi wifi. Pinapatay na ni mama ang wifi kapag tulugan na."  baka daw kasi hindi na ko matulog kung hindi niya papatayin ang wifi. "Hindi lang talaga ako nakatulog agad."

"Bakit? Nagkape ka ba bago matulog?" kunot noong tanong ni Belle.

I shooked my head in response. "Nope." I replied, popping the "P"

"Baka naman may umiisip sayo kagabi kaya hindi ka agad nakatulog." may kalakasang sambit ni Bonitah. "Baka iniisip ka ni Abby." talagang nagtaas baba pa siya ng kilay ng sabihin niya 'yun.

Parang may sariling buhay naman ang labi ko at napangiti ako. Tumikhim na lang ako para hindi ipahalata sa kanila na napapangiti ako. Baka asarin na naman ako ng mga ito ee, hindi ko alam ang isasagot ko kung sakali.

"Yiiee Sela ah." at ayan na nga, nagsisimula na sila. "Maiba tayo." Napataas ako ng kilay. Bakit parang nagkabuhay ata ang mga 'to? "Ano bang score niyo ni Abby?" Belle asked, smiling from ear to ear.

My brows furrowed and bit the inside of my cheeks to stopped myself from smiling. "We're friends." totoo naman ah. Magkaibigan lang naman kami.

Ee bakit ka napapangiti Marsela? Argh. Wala lang. Pati ba pagngiti ko big deal na din?

Teka, bakit ba ko nakikipagtalo sa sarili ko? Umay.

"Talaga? Friends lang?" ang laki pa ng pagkakangisi ng gaga. Kakainis tuloy.

Inirapan ko naman siya at agad na inayos ang pagkakaupo ko. Wait lang, naiinitan ako. Patay ba ang aircon? "Oo naman. We're just friends." I paused and looked at them. "Nothing more, nothing less." I added. I'm telling the truth, duh.

"Kung ano ba 'yung lagi nating pinag-uusapan ganon din kayo?" Belle asked, and like Sheki, she's smiling at me.

Napakunot noo naman ako. "Oo naman. Kung ano din 'yung turingan namin, katulad lang ng sa'tin." pagpapaliwanag ko pa.

Ang malisyosa talaga ng dalawang 'to. Mabuti na nga lang at silang dalawa lang nandito, dahil kung pati si Lara kasama namin, bago wala na kong makuhang isasagot pa sa kanila.

"Hindi ba siya nagsasabi sayo nung mga pa-fall na lines ba." at tumawa pa talaga ang gaga. "Yung mga ganon."

Nahigit ko ang paghinga ko. Jusko. Mukhang hindi ko na magugustuhan ang magiging daloy ng pag-uusap naming 'to. "Minsan" tama naman diba? Minsan ang hilig niya kong asarin ng mga ganong bagay.

"Hindi ka kinikilig?" Sheki asked. "I, mean, wala lang sayo? Parang wapakels lang, ganon?"

Mabilis naman na kumunot ang noo ko dahil sa narinig. Parang ewan talaga 'tong mga ito. "No, hindi ako kinikilig." buong pasya kong sagot. Basta ang alam ko hindi. Walang pwedeng umangal. "Saka, ayaw ko din kiligin sa kanya." at ewan ko kung bakit. Tss.

"Bakit naman?" hindi ko alam pero naiirita ako sa sobrang laki ng ngiti nila. "Natatakot kabang mahulog ka sa kanya?" dagdag pa niya.

My eyes widened. What the hell? "Of course not! Ano bang klaseng tanong 'yan Shekinah?" parang tanga lang. Kung anu-anong pinapasok nila sa isip nila.

"Edi, hindi ka natatakot mahulog sa kanya. Ibig sabihin." pasimple pang sumulyap si Belle kay Sheki na sobrang laki ng ngiti sa'kin ngayon bago ako muling tingnan. "Willing kang ma-fall kay Abby. Kasi diba, tinanggi mo kanina na natatakot kang mahulog sa kanya?"

Mabilis kong dinampot 'yung notebook ko na nakapatong lang  dito sa desk at inis na pinaghahampas sila. Ang mga bwisit na 'to, tinawanan lang naman ako. Nakakainis. Sobrang init ng buong mukha ko ngayon. Pakiramdam ko tuloy, pulang-pula na 'ko.

"Alam niyo mga bwisit kayo." inirapan ko naman sila na mas lalong ikinatawa lang nitong dalawa. "Tigil-tigilan niyo 'ko ah."

"Okay, stop na." Sheki said, still laughing at me. "Pero may isa pa kong tanong."

Napahinga naman ako ng malalim. "Siguraduhin mong magugustuhan ko yang tanong mo ah." pananakot ko, pero ang bruha, tinawanan lang ako. Nahahawa na ata itong dalawa kay Abelaine.

"Nag-kiss na kayo?" walang pagdadalawang isip na tanong niya.

Literal na nanlaki ang mata ko, at bahagya ding umawang ang labi ko. At sa mga oras na 'to, ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Bigla kasing sumagi sa isip ko 'yung nangyari sa probinsiya nina Belle.

"Kiss?" I asked nervously.

She immediately nodded. "Oo, kiss." she paused intentionally. "Kasi diba, sina Lara at Alice, kinikiss tayo sa noo. Tapos kami naman ni Belle, sa pisngi mo. Kaya tinatanong ka namin kung pati ba siya ganon din sayo?" page-elaborate niya pa.

I nodded slowly and sighed in relief. 'Yun naman pala ang ibig niyang sabihin." "Saan ba? Kung hinahalikan niya ko  sa pisngi ko o sa noo ko?" paglilinaw ko.

Pero ang mga gaga, biglang kumunot ang noo habang nakatingin sa'kin. Pasalit-salit naman ang tingin ko sa kanila. May nasabi ba kong mali?

"Bakit Sela? Hindi ba do'n? May iba paba?" Belle asked

Sukat sa narinig, mabilis na nanlaki ang mata ko. Oh my gosh. Marsela, you're digging your own grave. Damn it.

"Ahm, ano." I uttered. Damn you self. Ako lang talaga ang bukod tanging nagpapahamak sa sarili ko. "Sa ano." ee wala kong maisip na palusot.

"Don't tell me." isang nakakalokong ngisi naman ang iginawad sa'kin ni Sheki. "Sa labi ka niya hinalikan?" and that's it. I'm doomed.

Mabilis akong tumayo at isinukbit ang bag ko sa balikat ko. Ayaw ko na. Gusto ko ng umalis sa kinalulugmukan ko ngayon. "Mauuna na 'ko. May hahanapin pa pala kong libro sa library." oo, palusot ko 'yan.

"Hoy Sela! Di pa tayo tapos." at nagtawanan pa ang mga lukaret.

Hindi ko na sila pinansin at tuluyan ko na silang iniwan do'n. May awa pa naman ako sa sarili ko kahit papaano.

Pero saktong kakalabas ko lang ng room ko, ng agad naman akong napahinto dahil sa bumungad sa'kin. Muntik ko pa nga siyang mabunggo buti na lang mabilis ako.

"Sela" she greeted me. "Aalis ka?"

Napalunok ako. Ano ba naman 'yan! Bakit ngayon ka pa susulpot? Napaka wrong timing mo talaga kahit kailan. "Ah oo." I gulped hard. "Anong ginagawa mo dito Abby?"

Her lips formed into a cute smile. "Ikaw." walang pagdadalawang isip na sagot niya. "Ikaw pinunta ko dito." dagdag pa niya.

Napalunok akong muli. Napahigpit din ang hawak ko sa strap ng bag ko. Sa tingin ko, kung gusto ko pang mabuhay ng matagal, iwasan ko na agad ang babaeng ito. Baka kasi habang nagkikita kami, tuluyan na kong magkasakit sa puso dahil laging nag-aalburuto ang puso ko.

"At ano namang kailangan mo sa'kin?" buti na lang talaga, hindi uso sa'kin ang mapautal kapag kinakabahan.

Isang hakbang naman ang nagawa ko paurong ng mas lumapit pa siya sa'kin. "Wala lang." she smiled sweetly. "Alam mo ba, hindi nakukumpleto ang araw ko kapag hindi kita nakikita."

I mentally cursed. Anak ng tinapa talaga naman oh. Hindi ko na alam kung ilang beses na ba akong napamura sa isipan ko. Bakit ba ganito ang babaeng ito? Napaka lakas naman ata ng tama niya sa utak.

"Hoy, lumayo ka nga. Ayan kana naman ee, ang lapit mo na naman." bahagya ko pa siyang tinulak papalayo gamit ang index finger ko. "Tigilan mo ko Abelaine ah. Hindi mo 'ko madadaan sa mabubulaklak mong salita." hindi talaga, hindi. Sigurado ako do'n.

Hindi nga ba talaga Marsela? Argh! Naman ee.

Mas lalo lang nagkagulo ang mga alaga ko sa tiyan ng marinig ko ang mahinhin niyang tawa. Bakit kapag siya ang natawa, ang sarap pakinggan. Ang ganda parin niya. Pero kapag ako, mapapasabi ka na lang na "Ang ganda-ganda mong babae, pero tawa mo pangkargador." hustisya naman. Tss.

"I'm just kidding Sela." she chuckled again. "May pinuntahan si Gia dito sa Department niyo, sinamahan ko lang." hindi ba niya nangangalay ang panga niya kakangiti? "At saka, naisipan ko lang puntahan ka. Tutal nandito narin naman ako."

I nodded slowly, inhaled deeply trying to calm myself. "Papunta akong library actually." nagpalusot na lang rin naman ako kina Sheki, bakit hindi pa sulitin diba?

"Why? Mag-aaral o magpapahinga?" nakangising tanong niya.

Nakatanggap naman siya ng irap sa'kin. "Isang beses lang ako nagpahinga sa library. Grabe ka sa'kin ah."

Hindi na ko nagulat pa ng tawanan niya ko. Sanay na ko dyan. Sa bawat araw na magkasama kaming dalawa, walang eksena na hindi siya tumawa. Sobrang healthy na siguro ng jaw niya. "May tanong pala ko Sela."

Hindi ko alam pero napairap ako. Kotang-kota na ko sa katanungan na 'yan. "Pwede bang tanggihan ko 'yang tanong mong 'yan?"

But she just laughed at me and shooked her head. "Ano ba talagang gusto mo sa buhay mo? Yung gusto mong ma-achieve." she finally asked.

Natigilan naman ako. Mataman lang akong nakatingin sa kanya habang mariing nag-iisip. Ano nga ba? "Syempre, gusto ko makatapos. Get a stable job." pagsisimula ko. Napasandal na ko ng tuluyan sa pader habang nag-iisip parin. "All I want is a true happiness, and of course a peace of mind."

She was staring at me for a second before she nodded slowly. "Well, then I can give a true happiness that you want Sela." she paused and give me a best smile of hers. "And a peace of mind also."

Para akong tangang natuod na dito. Gulat na gulat din akong nakatingin sa kanya ngayon. Ang babaeng ito, napaka gulo. Hindi ko na alam kung ano ba ang lagi niyang pinupunto.

At saka, naguguluhan narin ako.

Akmang sasagot na sana ako ng may inabot siya sa'king papel. Para naman akong ewan na nagpasalit-salit ang tingin sa papel at sa kanya. "Ano 'yan?"

She just smiled at me. "Kunin mo."

Kahit nag-aalangan, ginawa ko ang gusto niya. Kinuha ko yung papel at walang pagdadalawang isip na binuklat. Napakunot noo pa nga ako ng mapagtanto kung anong klaseng papel itong binigay niya sa'kin.

"Resume?" paniniguro ko. "Bakit? Magtatrabaho ka? At saka, bakit sa'kin mo binibigay?" mukha bang hiring ako?

"Mag-aapply sana ako." she simply said.

Mas lalo namang kumunot ang noo ko dahil sa narinig. "Saan?" baka naman kasi, sinasabi niya lang sa'kin na balak niya magtrabaho.

Isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya. "Sayo." she replied. "Mag-aapply sana ko sayo, bilang kahati ng twin pack mo balang araw."


My jaw dropped. What the fuck?





------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...