The Wayward Son in Aklan

By LenaBuncaras

451K 20.6K 8.2K

Raising a kid is a difficult task for Sandro, especially if the child is not his own. When adoption is the on... More

The Wayward Son in Aklan
PROLOGUE
Bukang-Liwayway 1998
Kabanata 1: Ang Bitter
Kabanata 2: Ang Best Friend
Kabanata 3: Ang Buntis
Kabanata 4: Ang Kapal
Kabanata 5: Ang Demanding
Kabanata 6: Ang Anak
Kabanata 7: Ang Aksidente
Kabanata 8: Ang Ulila
Wayward Son, 1998
Kabanata 9: Ang Dalawang Tita
Kabanata 10: Ang Girl Crush
Kabanata 12: Ang Ka-Buddy
Kabanata 13: Ang Pagbangon
Kabanata 14: Ang Instant Mommy
Kabanata 15: Ang Celebration
Kabanata 16. Ang Birthday
Kabanata 17: Ang Demonyo
Kabanata 18: Ang Init
Kabanata 19: Ang Pag-alis
Kabanata 20: Ang Surprise
Kabanata 21: Ang Kababata
Kabanata 22. Ang Mahal
Kabanata 23. Ang Anghel
Kabanata 24. Ang In Denial
Kabanata 25. Ang Honest Naman
Kabanata 26: Ang Nega
Kabanata 27. Ang Lasing
Kabanata 28: Ang Stress
Kabanata 29: Ang Karapatan
Kabanata 30: Ang Takot
Kabanata 31. Ang Dalawang Ama
Kabanata 32. Ang Parents
Kabanata 33. Ang Malas Talaga
Kabanata 34. Ang Blessing
Kabanata 35. Ang Ending (lol)
Special Chapter: Alyna (First Part)
Special Chapter: Alyna (Second Part)
Special Chapter: Alyna (Last Part)

Kabanata 11: Ang Sakit sa Ulo

9.9K 535 236
By LenaBuncaras


Nagpasabi na 'ko kay Alyna habang maaga pa na wala siyang maaabutan sa apartment. Sabi ko nga, magkita na lang kami sa SM Fairview total, okay lang naman daw kay Tita Mayla na bantayan muna si Chamee. Sabi ko na lang din na bibili ako ng gatas ng bata kasi paubos na ang stock sa bahay.

Sa totoo lang, kinakabahan ako e. Never ko pa kasing nakita si Alyna, yung personal. Madalas, video meeting lang sa Skype o kaya video sa chat. Kaya nga para akong timang na nakanganga lang nang maabutan ko siyang kumakain ng fries sa food court.

"Bruh! Here!" Kaway pa siya nang kaway na para bang hindi ko siya makikita sa upuan niya.

Nakasuot lang siya ng puting polo na long sleeves, yung manipis na nakabukas lahat ng butones, 'tapos may itim na sando sa loob. Nakatirintas din yung buhok niya na dikit sa anit pero lampas ang haba sa dibdib. Una kong napansin yung relo niyang panlalaki. Yung itim na G-Shock na may gold sa rim. Pero meeeeen, 'tang ina. Akala ko, cute lang siya sa video, pero sa personal, mas cute siya. Partida, wala pa siyang makeup nito.

Taragis, yung puso ko, parang gusto ko na lang ialay rito agad-agad, a.

"Grabe, ang haggard ko, bruh! Sorry, ang pangit ko. Ang hangin sa labas, super." 'Tapos nagpunas pa siya ng mukha gamit yung manggas ng damit niya. "Nakakapagod mag-travel."

Pota, kung 'yan na ang pangit niya, ano na lang ang itatawag ko sa mga hindi kasing-cute niya? Mukha siyang ball-jointed doll. 'Tapos yung boses niya sa personal, mas sweet kaysa sa video.

"You like?" alok pa niya sa fries na kinakain niya. "Nag-lunch ka na ba? Gusto mo bang dito mag-lunch o sa bahay n'yo? Saan na yung baby ng best friend mo?"

"Si Chamee ba?" Nag-iwas ako ng tingin, at pagbaba ng mata ko sa mesa, may laptop nang naroon nakapatong at nakabukas. Wow, hindi talaga 'to takot gumastos. Nakabili na agad ng gamit niya. "Magkano bili mo?" pagturo ko sa laptop.

"Ito lang ang available nila ritong MacBook. Hindi naman siya sobrang mahal. 59,000 lang siya."

Lang. 59,000 lang.

Nanlalata ako sa lahat ng lumalabas sa bibig ng babaeng 'to. Sobrang cute ni Lyn, sa totoo lang. Pero kung papipiliin ako kung si Alyna o si Gen, kay Gen na lang ako. Bugbog ang pagkalalaki ko sa babaeng 'to. Ang high maintenance masyado.

"Bibili dapat ako ng gatas ni Chamee," sabi ko na lang. "Gusto mo bang dito muna 'tapos hintayin mo 'ko? O doon—"

"Sama 'ko!"

Yung ngiti ko, hindi ko na natuloy. Ang energetic niya. Partida, pagod pa raw siya sa biyahe.

"Okay, sige. Yung mga gamit mo pala?" Hinanap ko agad kung nasaan ang mga bagahe niya.

"Pinaiwan ko muna sa baggage counter sa loob ng grocery." Ipinakita niya agad yung number card niya ng Hypermarket.

"Tara na," aya ko. Pinanood ko siyang tumayo at hindi na ako nagulat na hindi siya ganoon katangkad. Hanggang ibaba ng balikat ko lang siya. Nakasuot pala siya ng maikling maong na shorts saka hi-cut Converse na black and white.

Ang simple lang niyang manamit pero nagsusumigaw yung vibes sa kanya na anak-mayaman siya. Nakakailang tabihan, parang ang basura kong tao.

"Ang tangkad mo sa personal, OMG!" Paglapit niya sa akin, inunat agad niya ang kanang braso niya para abutin ang tuktok ng ulo ko. Tumalon-talon pa siya para maabot lang ang ibabaw ng ulo ko.

"Tigilan mo nga 'yan." Kinuha ko agad ang braso niya saka ko ibinaba. "Doon na, dali. Naghihintay si Chamee sa bahay. Pinabantayan ko lang sa mama ni Pol 'yon." Ako na rin ang kumuha ng laptop niyang nakapatong sa mesa.

"Okay! Doon na tayo sa grocery!" sigaw niya 'tapos naglakad siya na parang zombie na nakalahad ang mga kamay sa harapan.

Cute nga si Lyn pero grabe siya. Nakakatakot kasama. Parang gusto laging gumagawa ng eskandalo.

"Tigilan mo 'yan, Lyn, mukha kang timang." Hinabol ko siya at ibinaba ko ang mga kamay niya. Parang timang talaga. Akala ko, masakit na sa ulo si Gen. Doble pala 'to!

"Why?" malakas pa niyang tanong. "Alam mo, sobrang serious m—"

Inilibot ko agad ang braso ko sa balikat niya saka ko tinakpan ang bibig. Napakaingay!

"Tama na, tama na. Magsasalita pa e."

Tangay-tangay ko si Alyna papasok ng grocery habang dakma-dakma ang mukha niya. Siguro, kung pakakawalan ko 'to, bigla 'tong pupulas 'tapos magkakalat sa loob. Hindi kaya mahuli kami ng guard nito?

Mahina siyang humahagikgik pagpasok namin sa loob. Dumaan agad kami sa bandang harapan, doon sa hilera ng mga gatas ng baby na malapit sa mga bilihan din ng gamit ng bata.

"Alam mo, Lyn, puwede kang mag-behave. Oo, alam mo 'yon?" Pagtapat namin sa stall, dumampot agad ako ng isang box.

"Tatluhin mo na!" sabi agad niya 'tapos kumuha pa ng dalawang box.

"Wala 'kong pera!"

"Gift ko kay Baby Chamee!"

"Gift? Kutos, gusto mo?" Umamba ako ng kutos sa kanya saka ko inagaw yung dalawang box para isauli. "Ikaw, mabuti hindi ka pinagagalitan, ang likot-likot mo."

"Basta akin 'to!" Isang box ang bagong inagaw niya na nasa dulo ng stall. "Gift ko sa baby."

Natirik lang ang mata ko kasi ang tigas ng ulo. "Bahala ka diyan." Napailing ako. "Mabuti nakabili ka ng laptop mo. Akala ko ba, galing kang Batanes? Saan ka kumuha ng pera? Nag-credit card ka?"

Umiling agad siya. "Nakapag-withdraw naman ako kanina."

"Magkano, kalahating milyon?"

"200 lang. Over ka naman."

Kapag si Alyna ang nagbabanggit ng salitang lang, parang gusto ko na lang mag-amok dito 'tapos magdedeklara ako ng holdup sa kanya.

"Ang gastos mo," nakangiwi kong sinabi saka pumunta papuntang counter 7.

"Ito lang bibilhin mo? Hindi ka maggo-grocery?"

"Kaka-grocery lang namin noong Miyerkules. Saka puwede ba, 'wag kang bili nang bili ng hindi mo naman kailangan."

Ito si Alyna, crush ko talaga 'to. Ang cute kasi, 'tang ina, ang sarap gawing keychain ta's ibubulsa ko lagi.

Kaso nga lang, natatakot ako rito. Tanga lang ang babangga rito kahit mukha 'tong manika e. Siya yung masarap kaibiganin pero ayokong kaibiganin talaga. Ang cute nitong maging syota pero baka kapag inaya ko ng date 'to sa karinderya, bilhin nito buong karinderya e. Saka matigas ang ulo. Kung ano ang gusto niya, 'yon ang masusunod. Hindi mo makokontrol kahit gustuhin mo. Kabaligtaran pa nga. Gusto niya, ikaw ang susunod sa kanya. Kapag hindi ka sumunod, bahala ka sa buhay mo, hindi ka kawalan.

Ang tagal ko nang under ng team niya, buntis pa lang si Gen. Pota, luhod kung luhod kami rito e. Pero hindi naman niya ipinararamdaman na bossy siya o dapat respetuhin siya nang sobra gaya ng mama niyang boss din namin. Para lang siyang spoiled brat na batang pinasusuweldo kaming lahat.

Mabait naman siya. Sobra nga kung tutuusin. May toxic traits lang talaga na hindi bagay sa mga ma-ego kasi tatablahin at tatablahin talaga niya. Kung hindi lang ako alipin ng pera, hindi ko talaga kakausapin 'to nang matagal e. Kinikilabutan kasi ako kapag nasa gitna na kami ng usapan. Parang kayang bumili ng kaluluwa ng tao kapag ginusto niya.

"Hi, Kuya! Ito po yung number!" Inilapag niya sa counter yung number tag para sa mga gamit niya. Para siyang batang bumibili ng kendi sa tindahan.

Ang cute niya talaga, ang sarap iuwi.

"Thank you po! Have a nice day po sa inyo!"

Tiningnan ko ang mga dala niya. Isang backpack lang saka isang lunchbag.

Akala ko, nakamaleta 'to.

"Ito lang ang dala mo?" tanong ko pa pagkuha ko sa gamit niya.

"Pina-deliver ko sa Tagaytay kanina yung iba kong dala. May damit ako diyan saka mga pasalubong. Nandiyan din yung damo na request mo."

"Hindi ka mabiro, 'no?" sabi ko habang nakangiwi. "Tara sa terminal."

Eksakto namang labasan ng Hypermarket ang daan palabas ng mall. Sabi ko, tatawag na lang kami ng taxi, kaso hindi pa man ako nakakatapak sa pila, naghatak na agad ng T-shirt ko si Alyna.

"Bruh, gusto ko n'on!" Turo-turo niya yung hepa lane sa tapat.

"Ha?" Sumimangot agad ako at nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya saka doon sa hepa lane. "Madumi d'on! Magkasakit ka pa."

"Hindi 'yan, tara na!"

Ay, pota. Bili na kaya ako ng lubid at nang maigapos ko na 'to?

"Dali, dali, Sandro, aaah!"

Hatak-hatak niya 'ko habang nakikisabay kami sa mga tumatawid sa mahabang kalsada. Nakahinto naman sa tabi namin yung naglalakihang bus at jeep na papuntang Bulacan. Ewan ko kung bakit tili nang tili 'tong babaeng 'to.

"Tumahimik ka nga! Ang ingay mo, Lyn. Isako kita diyan, makita mo." Tinitingnan ko yung mga kasabay naming tawa nang tawa sa kanya. Para kasing timang!

"Hahaha! Ang saya ko."

Ako, hindi. Kaunting-kaunti na lang, tatakpan ko na ng plastic bag 'to sa ulo para hindi na makapag-ingay e.

"Sandro, gusto ko nito, o!"

"Saglit!" Hinatak niya agad ang braso ko hanggang mapahinto kami sa nagtitinda ng calamares. May ilang nakapalibot doon na nagtutusok-tusok din at kumakain na.

Ang daming tao sa hepa lane. Tirik pa ang araw kasi alas-tres pasado na. Naghalo na ang tao sa kalsada. Mga trabahanteng kumakain, mga estudyante sa OLFU Hilltop, mga pasaherong bumababa sa bus at jeep na ang hinto talaga ay sa SM mismo.

"Kuya, magkano po 'to?" tanong agad ni Lyn habang inaabutan ni Manong ng clear cup saka stick.

"Tres lang," sagot ni Manong na naghahalo ng piniprito niya.

Gusto ko rin naman ng calamares kaso kasi si Alyna, baka yung bituka nito, hindi tumatanggap ng pagkaing kalye. Baka maospital pa 'to. E nasa hepa lane nga kami. HEPA. 'Matic na 'yon!

"Gusto mo, Sandro?" alok pa niya habang ipinakikita ang mga natusok na niyang nasa cup na naliligo sa sukâ.

"Kapag sinikmura ka niyan, malayo ang ospital sa bahay, ha?"

"Ang KJ mo talaga."

"Yung sikmura mo, tanungin mo rin, baka KJ din 'yan."

"Kuya, ito po bayad. Ten pieces po ito." Nag-abot siya ng fifty pesos kay Manong. Mabuti may barya 'to. Akala ko, mananampal ng libo-libo e.

Hinatak niya agad ako palapit doon sa tabi ng 7-Eleven na katapat kung saan kami tumawid.

"Ang sarap naman nito," sabi niya habang nguya-nguya ang isang katutusok lang na hiwa.

"Marumi rin 'yan, baka lang gusto mong alamin."

Imbes na sumagot, nagtusok lang din siya 'tapos itinapat sa bibig ko. "Kain ka rin para hindi lang ako ang maoospital."

"Ang galing! Nandamay ka pa!"

"Kainin mo na." Idinuldol pa niya sa mukha ko kaya napaatras-atras ako nang ilang ulit. "Kakainin mo o sisikmuraan kita?"

"Nanakot ka pa talaga e, 'no?" Sa huli, isinubo ko na lang din ang pinakakain niya.

Nakasimangot lang ako habang nguya-nguya ang nilunod niya sa sukang calamares. Masarap naman talaga 'to kaso kasi ako naman ang kumakain. Sanay ang sikmura ko sa pagkaing kalsada. E siya? Baka ma-food poison pa siya, sabihin pa ng pamilya niya, nilason ko siya.

"Bayan, Glori, Bayan!"

Inginuso ko agad yung barker na nagtatawag.

"Tara na. Deretso tayong Bayan." Pinara ko agad yung jeep at pinagmadali ko siya sa pagsakay. Wala pang laman kaya sabi ko, doon na kami sa dulo sa likod ng driver.

Taga-Tagaytay kasi 'to si Alyna. Hindi pa 'ko nakakapunta roon, nakukuwento lang niya. Minsan, doon siya nagpo-photoshoot 'tapos ise-send niya sa 'kin yung picture, ako ang mag-e-edit saka layout, 'tapos ready to print na para sa magazine.

Karamihan ng mga shot niya, nakikita ko talaga sa magazine saka diyaryo. Binabalita niya 'yan minsan sa GC. Ako naman, dadayuhin ko sa book stores o kaya sa supermarket para makita ang kopya. Kasi madalas, mga kasama ko rin sa trabaho ang katulong niya sa setup.

Sasabihin niya, itong location ang next na pupuntahan. Dito gagawa ng article. Ganito ang concept. Magpo-promote ng tourism, mga ganoon. Sa akin ang graphic designing. Siya ang nagtse-check ng quality bago ipasa sa EIC nila. Ang EIC naman nila sa publication, yung mama niya na executive editor din sa Manila Times. Pag-research ko ng tungkol sa pamilya nila, halos lahat ng background photo nila, parang palasyo. Yung bahay nila sa Tagaytay, parang bahay ng bilyonaryo. Naka-chandelier saka ang lawak. 'Tapos laging may perlas na suot yung mama niya sa bawat photo.

Basta kapag nakikita ko, sinasabi ko sa sarili ko, 'wag akong lalapit kay Lyn kasi baka sampalin ako ng ginto sa mukha ng nanay niya. Hindi naman mukhang mahadera kasi mukhang mabait talaga . Kaso talagang kung mukhang señorita si Lyn, ako naman yung hardinero.

"Kuya, saang ruta po ito?" tanong ni Alyna habang ngumunguya at kausap yung barker.

"Pa-Bayan ho ito, ma'am. Saan ho ba kayo?"

"Sa Bayan po. Tama ba?" tanong pa niya sa 'kin.

"Hm." Tumango lang ako nang isang beses.

"Yung Bayan po ba rito, parang capital po ba siya ng city? Business capital, I mean."

Hala siya, p're. Parang alam ko na'ng patutunguhan nito, a.

"Hindi ho ako sigurado, ma'am, e. Pero may talipapa ho doon. Saan ho ba kayo dapat bababa?"

"Ito pong kasama ko, Kuya, nasa Bayan daw sila as of the moment," pagturo niya sa 'kin. "Magkano po pamasahe from SM to Bayan?"

"Siyete lang ho, ma'am."

"Isang sakay lang po 'yon?"

"Opo, ma'am."

Dinukot agad ni Lyn yung sukli niyang beynte kanina sa bilihan ng calamares. "Ito po yung bayad namin, Kuya."

Pag-abot niya, tumanaw agad siya mula sa harapang windshield 'tapos pumaling sa akin para sundan ng tingin ang daan.

"May Assembly Hall pala dito ng Jehovah's Witnesses."

Alam ko, Catholic si Lyn. Pero malawak kasi ang sakop ng Assembly Hall, takaw-atensiyon talaga. Doon sa tapat ng Assembly Hall ang hintuan ng mga jeep galing dulo ng Zabarte pauwi sa amin.

Para siyang batang tingin nang tingin sa bintana. Minsan, magtatanong sa barker tungkol sa daan. 'Tapos mapupunta sa pagkain, sa pinakamalapit na simbahan, sa pinaka-signature ng lugar.

Doon pa lang, sigurado na akong dumayo 'to para lang sa magazine article e.

Pagbaba namin sa terminal bago mag-Glori, hinawakan ko agad siya sa balikat saka isinukbit ko sa harap ang backpack niya. Mahirap na, baka manakawan e, libo-libo yata ang laman ng bag niya.

"Okay, so ito yung talipapa nila. Terminal din, 'no?" puna niya kasi ang daming nakaparadang jeep sa paligid. "Ang daming ukay-ukay. Sa Olivarez, meron talagang ukayan doon na parang mall. Saka ang mura ng mga damit dito, ha. 3 for 100 lang yung sando, wow!"

Kahit akbay ko siya, hindi talaga natinag, dumoon talaga sa bilihan ng damit.

"Ate, cotton 'to?" tanong pa niya habang dinadama ang kalidad ng tela ng mga nakasampay na damit doon. "Ay, hindi," sagot niya sa sariling tanong. "Pero ang ganda, stretchable yung tela. Itong dolphin shorts, Ate, fifty isa?"

"Oo. Ito saka ito, singkuwenta isa. Itong jersey, isandaan. Itong maong, two hundred," sagot ng ale habang binabagsak ang mga kamay sa mga nakapatong-patong na damit na nakatupi roon.

"Sa factory po galing ito?"

"Sa amin ho. Kami ang nagtatahi. Nandiyan lang yung tahian namin sa likod." Itinuro pa ng ale yung likod nga niya.

"Oh! That's so cool. Pabili po ako nitong sando saka nitong shorts."

Gulat na gulat ako nang ibaba ang tingin sa kanya.

Aba! Talagang mamimili siya, ha!

Siya pa ang pumili ng mga kulay. Dalawang puting sando na manipis ang strap saka isang itim. Sa shorts, talagang pinili niya kasi may ibang may mahahabang sinulid pa. Yung iba, siya na ang pumigtal.

Nagulat din ako na may mga barya siya. Nasobrahan na yata ako sa panonood ng telenobela. Akala ko, babanat siya ng keep the change 'tapos limang libo ang bayad.

"Ang mura ng mga damit dito sa inyo, ha. Although, mura lang din naman sa ibang place, pero sila yung maker e."

"'Buti nagsusuot ka ng mumurahin," sabi ko habang natatanaw na ang bahay nina Tita Mayla.

"Support local business, siyempre. 'Yan lang ang source of income nila e. Saka nasa nagsusuot naman 'yan. Hindi naman need na lahat ng damit, branded."

Kung may isang bagay akong bilib talaga kay Alyna, ito na 'yon. Hindi siya pihikan din pagdating sa gamit. At hindi pa naman siya nagrereklamo na kumukulo na ang tiyan niya dahil sa calamares.

"Tita May!" sigaw ko agad kasi nandoon sila sa labas ni Chamee.

"O!" Nagulat yata siya na may kasama ako. Nakatanggap agad ako ng nagdududang tingin sa kanya. "Naglayas din ba 'yan?"

Pinandilatan ko lang ang lupa at hindi na sumagot.

"Hi po! I'm Lyn, Tita. QA Specialist and project manager po ako ng isang local magazine sa Cavite. Friend and workmate po ako ni Sandro. My deep condolences po sa nangyari sa anak n'yo."

Ang daming sinabi! Puwede naman sabihing "Ako po si Lyn, friend ni Sandro" lang. Ang daldal talaga kahit kailan.

"First time ko lang po dito sa lugar, and I didn't expect the rural vibes. Akala ko, urbanized na siyang buo," dagdag na naman niya. "Okay lang po ba kayo rito? Hindi ba siya prone sa dengue or something? Masukal po kasi sa ibang part. Ang daming puno."

"Hindi naman. Ayos lang kami. May dala kang gamit?" tanong ni Tita.

"Galing po kasi akong Batanes kaninang umaga. Kalalapag ko lang sa Manila. And I tried to contact Sandro for a three-day stay. Nasa Tagaytay po kasi ang office saka bahay ko kaso may issues sa bahay kaya, in the meantime, dito muna ako sa kanya."

Nanlaki agad ang mga mata ko nang yakapin niya ang braso ko habang nakangisi pa.

"Hindi ka girlfriend?"

"Hindi po," kaswal niyang sagot, wala man lang second thought!

"Hindi ka nililigawan?"

"Tita naman." Ako na ang nag-react. Sa lahat ng cute na babaeng nakilala ko, si Alyna lang ang hindi ko tatangkaing ligawan kahit pa tutukan ako ng baril sa ulo. Kasi kapag tinangka ko, may tututok talaga ng baril sa ulo ko.

"Duda po ako kung liligawan ako. Ito po ba si Baby Chamee? Hala, ang cute niya!" Nilapitan niya agad si Chamee na namimilog ang matang nakatingin sa kanya. "Ang cute-cute mo naman, baby."

Siguro, ubos na ang energy ko ngayong araw, yung kay Lyn, hindi pa nababawasan.

"Gusto mong dumoon muna sa loob?" tanong ni Tita.

"Hindi po, dito na lang po ako sa labas," sagot ni Alyna. "Gaano po pala katagal ito?" tanong niya habang itinuturo yung lamay sa likod.

"Bukas, ililigpit na rin 'yan."

"Oh. Then, deretso na po sa ano. . . ."

"Oo."

"I see." Tumango-tango pa siya 'tapos pumaling sa akin. "I need my camera."

"Tita, ilalapag ko lang 'to sa loob, ha? Kunin ko na rin si Chamee," paalam ko at nang makapahinga naman si Tita Mayla. Hinawakan ko sa tuktok ng ulo niya si Alyna saka ko inginuso ang bahay. "Doon ka sa loob magkalkal. Baka sumambulat yung pera mo rito sa labas, magkagulo pa."

Ngayon pa lang, kinakabahan na ako kasi nandito si Lyn. Akala ko, si Chamee lang ang magiging sakit ko sa ulo, dadagdag pa pala 'to.

♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

390K 15.2K 98
#Wattys2021 Action Rank #6 Kyran Zin Valencia , The Mysterious Student of Marcus International School. Beneath her Intelligence and Benevolent exte...
12.6K 350 23
One hot summer. Two flirty strangers. Together. But until when? +++ Weather Series 2 "Take a chance. Because you never know how absolutely perfect...
Hello, Lili By Babi✨

Science Fiction

3.7K 160 13
The time goes to the future where life is vain in technologies, where history is important and inventors from the past were distinct. Time travel bec...
1.2M 51.5K 59
C O M P L E T E D Trigger Warning: anxiety attack, depressive episodes, rape content, physical abuse, psychotic episodes, eating disorder, child abus...