Under The Shade (SeBy)

By wwiittyyccuuttiiee

163K 11.4K 2.8K

"You know what, I'm still curious." she said. Agad naman akong napabaling ng tingin sa kanya, nagtatanong ang... More

Author's Note
Prologo
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI (Labrei)
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII - GiaPhant
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI - 🌻
XLII- BeCka
XLIII
XLIV
XLV
XLVI
XLVII
XLVIII
XLIX
L
LI
LII
LIII
LIV
LV
LVI
LVII
LVIII
LIX
LX
LXI- PikaJem
LXII
LXIII
LXIV
LXV
LXVI
LXVII
LXVIII
LXIX
LXX
LXXI
LXXII
LXXIII
LXXIV
LXXV
LXXVI
LXXVII
LXXVIII
LXXIX
LXXX
LXXXI
Epilogue
Special Chapter I

XI

1.9K 114 14
By wwiittyyccuuttiiee


MARSELA MARI GUIA

Nailibot ko ang tingin ko ng tuluyan na kaming makapasok dito sa loob ng karinderya, kung saan ako dinala ni Abby.

Ayos lang naman dito. Hindi gaanong malaki, hindi din gaanong maliit. Sakto lang kumbaga. At saka, malinis. Maganda ang pagkaka-arrange ng mga upuan at lamesa. Napangiti na lang ako sa loob-loob ko. Mukhang maganda nga ang taste ni Abby pagdating sa ganitong bagay.

"Ayun, may bakante pa. Tara do'n."

Hindi naman na ako umangal pa ng marahan niya kong hinila papalapit sa bakanteng upuan. Bahagya pa din akong nagulat ng ipaghila niya 'ko ng upuan.

Gusto kong ngumiti sa kanya, pero mas nangibabaw ang kabang nararamdaman ko.

Nakakainis. Lately, napapansin ko madalas akong kabahan na bagay na hindi naman nangyayari sa'kin noon.

Mukhang kailangan ko na magpatingin sa espesiyalista.

"Teka, oorder lang ako. Dito ka muna."

Tanging pagtango na lang ang tinugon ko sa kanya. At katulad ng ginawa ko kanina pagkapasok na pagkapasok namin dito, nilibot ko ulit ang paningin ko.

Madaming taong nandito. Karamihan nga katulad pa namin na estudyante din. 'Yung iba ka-schoolmate namin. Siguro malaki na ang kita ng karinderya na 'to, sa mga estudyante palang ang lakas na nila ee.

Hindi din naman nagtagal at dumating na si Abby. May mga dala na siyang pagkain. Mainit-init pa ang kanin, umuusok ee.

Napatuon lang ang pansin ko sa ulam na nilapag niya dito sa mesa.

"Kilawin." I paused. "And puso burger?"

Mabilis siyang tumango sa'kin saka naupo sa harap ko. "Hindi kaba nakain niyan?"

Agad akong umiling bilang sagot. "Nakain syempre, tao ako ee."

Kung tutuusin, ngayon lang ulit ako makakapag-ulam niyan. Matagal-tagal na din 'yung huling kain ko niyan.

Tahimik naman kaming kumakaing dalawa dito. Ni hindi nga namin magawang magsulyapan 'man lang. Tama siya, masarap nga. Mukhang mapapaulit ako dito ah.

"Hindi kaba sanay kumain sa ganito?" she started.

Nagkibit balikat naman ako. "Sanay naman. Kaso pag kumakain ako sa ganito, kasama ko sina kuya." umayos naman ako ng pagkakaupo at agad na ngumiti sa kanya. "Lalo na pag nag crave kami sa lomi o goto. Kahit na hatinggabi na, lalabas pa kami para kumain nun." nakangiting dagdag ko.

Katulad ko, ngumiti din siya sa'kin. "May malapit na lomihan sa bahay namin. Dadalhin pala kita minsan do'on."

Napakagat labi ako parg pigilan ang sariling mapatili. Wala lang, natuwa lang ako bigla.

"Pero syempre, dapat libre mo." pagpapatuloy niya pa.

Inis na tinapakan ko ang paa niya sa ilalim ng lamesa. Napaka bwisit niya talaga minsan ee.

Kaya 'yung dapat na isusubo niyang ulam, hindi na natuloy dahil sa ginawa ko. Napatawa na lang tuloy ako sa loob-loob ko.

"Bakit mo naman tinapakan 'yong paa ko? Ang sakit ah." agad na angal niya.

I rolled my eyes at her. "Sorry, hindi ko alam na paa mo pala 'yon."

But she just made a face. Natatawang napailing na lang tuloy ako saka nagpatuloy sa pagkain.

Napanguso ako at hindi maiwasang hindi mapapikit. Bakit ang sarap? Kainis.

"Ang sarap 'no." nakangiting saad niya. "Ganyang-ganyan din ang itsura ko kahapon pagkatikim na pagkatikim ko ng pagkain." she added.

Saglit ko lang nilunok ang pagkaing nasa bibig ko at saka ngumiti sa kanya. "Bakit parang ngayon ko lang nalaman na may karinderya pala dito?" nagtatakang tanong ko.

Nakakadaan naman kasi ako dito kapag uuwi. Kaya nagtataka lang ako, bakit hindi ko 'to nakikita man lang dito?

"Bagong tayo lang daw sila dito ee." agad namang sagot niya.

I nodded slowly. Kaya pala. So bale, nagsisimula palang sila. "Kakasimula palang nila dito pero ang dami na agad nilang customer." namamanghang tugon ko.

"Masarap kasi mga luto nila. Kaya siguro binabalik-balikan." she replied.

Agad akong tumango bilang pagsang-ayon. "Oo, saka ang linis din nila."

Nailibot ko ulit ang tingin ko dito sa kabuuan. Ang galing lang ng pagkakaset up nila dito sa pwesto. Kung mapapalago siguro nila itong karinderya, baka mas lalong dumami ang customer nila.

Binalik ko naman ang tingin sa kanya. Nakatingin din pala siya sa'kin. Dinaan ko na lang tuloy sa pagtikhim ang gulat na naramdaman ko. "Ikaw? Sanay ka kumain sa ganito?"

She smiled. "Oo." saka naman siya sumubo ng kilawin niya. "Lagi akong nakain sa mga karinderya na nadadanan ko. Pero syempre nag-iingat parin naman ako." sagot niya pa.

Dahan-dahan akong tumango bago ipagpatuloy muli ang pagkain. Sobrang sulit ng bayad namin. Hindi naman siya ganon kamahalan kaya pasok na pasok sa budget.

Ng may maalala ako, agad ko siyang hinarap. "Abby, pwede magtanong?"

She just took a quick glance at me. "You're already asking Marsela."

Inis na inirapan ko siya. Napaka talaga ng babaeng 'to. "Then, can I ask some specific questions?" yes, with S. Baka kasi mapadami ang tanong ko. Para wala na agad siyang angal.

Isang nakakalokong ngisi lang ang tinugon niya sa'kin dahilan para mas irapan ko siya lalo. Minsan talaga, ang nakakatuwa siyang kasama. Madalas nakakairita.

"Spill it Marsela.",

I cleared my throat. "Sino  pala 'yung kasama mo kanina? Sa labas ng room." walang kagatol-gatol na tanong ko.

Curious lang ako. Wala naman siguro masama kung magtatanong ako diba.

Bahagya namang kumunot ang noo niya, pero di kalaunan ay ngumiti siya sa'kin.

"Ah, si Yzabel ba?"

My brows furrowed. "Maybe? Di ko alam. Kaya nga tinatanong ko sayo kung sino siya kasi di ko kilala." ang gulo niya kausap.

Sumandal naman siya sa upuan niya at ngumiti sa'kin. Hindi ko masabi kung anong klaseng ngiti 'yun. Basta ang alam ko, nailang ako bigla.

Para kasing may iba ee.

"Why did you asked?" she ask, smiling at me.

I gulped hard and looked at my food. "I'm just, curious. But don't worry, you don't need to answer that."

Akmang susubo ulit ako ng pagkain ko ng magsalita naman ulit siya.

"Yeah, she's Yzabel. Classmate ko noon." at hindi parin nabubura ang ngiti niyang 'yun habang nakatingin sa'kin. "She used to be my partner in design."

Napatango akong muli. Panay na ang tango ko kanina pa ahh. Baka naman sumakit na ang leeg ko nito. Tss.

"She's" I paused intentionally. "Beautiful" I continued.

Totoo ang sinabi ko. Nagaganda ako sa kanya. Para bang kahit malayo pa lang siya, ang lakas na ng dating niya.

"Yeah, she is." she replied, still smiling at me.

Napapailing na lang ako sa loob-loob ko. Ang weird talaga ng babaeng ito. Kung hindi ko siya kilala, malamang iisipin kong nababaliw na siya.

"Bakit mo pala na-open ang topic about sa kanya?" at opo, nakangiti parin siya.

Saglit ko siyang sinulyapan saka napaayos ng pagkakaupo. "Wala lang. Naisip ko lang bigla." I'm not lying. Duh.

"Do you like her?" at ngayon po, mapang-asar na ngiti na ang binibigay niya sa'kin.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapakunot noo. Ano daw? Ako? Gusto si Yzabel? Nah, that's not my thing.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong sayo niyan?" pagbabalik ko ng tanong sa kanya.

At sa kauna-unahang pagkakataon, tinaasan niya ko ng kilay. Hindi ko naman napigilan ang mapangisi. Bagay naman pala sa kanya ang ganyang itsura. Mas lalong lumakas ang dating niya.

"Well, she's a fine lady. Everyone will like her." she said.

I smirked at her. "Even you?"

But she just laughed. "Except me Marsela."

Mabilis nabura ang pagkakangisi at seryosong tiningnan lang siya. Ganon din naman siya sa'kin, seryoso lang siyang nakatingin.

"But why?" mahinang tanong ko sapat lang para marinig niya.

"Lets just say." she took a deep breath. "She's not my type."

Bahagya lang umawang ang labi ko para lang isara ulit. Bigla akong nawalan ng sasabihin. Mataman lang kaming nakatingin sa mata ng isa't-isa.

"Yeah, I like girls." she cleared her throat. "But mostly, I like chinita girls." tinaas baba pa niya 'yung kilay niya.

At kung gaano kabilis magbago ang mood niya, ganon kabilis nanlaki ang mata ko. Mukhang nabasa naman niya ang nasa isip ko na sisipain ko ang paa niya sa ilalim ng mesa, kaya agad siyang naka-iwas. Wala tuloy akong nagawa kundi ang mapa-irap na lang.

Chinita kasi ako. At ang lakas mang-asar ng babaeng ito.

I cleared my throat. "Anyways." tinuon ko ang pansin sa pagkain ko. Pero si Abby, malulutong na tawa ang pinakawalan kaya nahihiyang napapangiti tuloy ako dito.

"Stop laughing Abby." inis na saad ko.

"I'm sorry, hindi ko napigilan." she laughed hard. "Sobrang pula mo Marsela. Talaga bang pati ikaw kikiligin sa'kin?" nakangiting saad niya.

Napamaang naman ako na para bang hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Medyo ang hangin mo sa part na 'yun Abelaine."

Malakas na tawa lang ang tinugon niya sa'kin. Habang ako, pakiramdam ko pulang-pula na ang buong mukha ko. Wala tuloy sa oras na napainom ako ng tubig.

Bigla akong nauhaw ee.

"Trinidad?"

Doon lang natigil sa pagtawa itong kasama ko at kunot noong nilingon ang tumawag ng pangalan niya. Pati din naman ako, nilingon ko ang nagmamay-ari ng boses na 'yun na bagay na hindi ko dapat ginawa.

Nagtataka tuloy ang tingin niyang nagpapabalik-balik ang tingin sa'ming dalawa.

"Hey, Dana." ganting bati naman nitong isa.

Saglit lang ngumiti sa'kin si Dana bago muling humarap kay Abelaine. "Dito ka din pala nakain?"

"Ah oo, kakakita ko palang kahapon dito sa karinderya ee." she replied. "Ikaw? Dito ka din nakain?" 

Hindi ko na lang sila tiningnan pa at mas tinuon na lang ang pansin ko sa pagkain. Natigilan pa nga ako ng mapansing wala na kong ulam.

Ubos na agad? Bakit parang hindi ko namalayan?

"Oo, noong isang araw pa 'ko nakain dito." rinig kong sagot ni Dana. "Magkakilala pala kayong dalawa." hindi 'yun tanong, kundi statement.

At ng dahil sa narinig ko, agad akong napatingin sa kanilang dalawa. "Yeah, we're friends." ako na ang sumagot at matamis na ngumiti sa kanya.

Tropa siya ni Lara. Kaya kilala niya 'ko. Mabait naman si Dana, maloko din katulad ni Lara.

At katulad nga ng sinabi ko, maloko siya kaya nakakalokong ngisi ang iginawad niya sa'kin. "Sana all friend." she looked at Abby. "Friend na niyayaya kumain sa labas."

Mabilis akong napa-iwas ng tingin at napatikhim. Ang mga tao talaga ngayon. Hay nako.

"Hindi ko naman akalain na perfect couple pala ang Engineering at MedTe-.."

"Diba kakain ka pa? Dito kana sa'min makiupo. Mukhang gutom kana ee. Kung anu-ano ng nasasabi mo." pagputol ni Abby sa kung anong dapat na sasabihin ni Dana.

"Ay hindi na. May awa pa kong natitira para sa sarili ko." natatawang sagot naman ng isa.

At kahit ako, natawa din. Ang babaeng 'to. Ibang klase din. Bagay talaga sila magsama ni Lara.

"Mauuna na 'ko Abby, Sela." 

Tanging ngiti lang ang tinugon ko sa kanya bago siya pumihit patalikod. Natatawang napapailing naman itong kasama ko saka siya umayos ng upo.

"Pagpasensyahan mo na si Dana, ganon lang talaga 'yon, maloko."

I chuckled. "Okay lang. Sanay na din naman ako." natuon naman ang pansin ko sa plato naming dalawa. "Ikaw ba naman ang kasama maghapon sina Shekinah, tingnan lang natin kung hindi ka masanay." natatawang dagdag ko.

Pati siya natawa din dahil sa sinabi ko. Napailing na lang ako bago napagpasyahang ubusin itong natitirang pagkain na nasa harap ko.

Kaso lang, wala na pala 'kong ulam.

"Oh, wala ka ng ulam?" natatawang tanong naman nitong kasama ko.

Napanguso ako. "Oo, hindi ko nga namalayan na naubos ko na pala."

But she just laughed at me. "Ibang klase ka Sela."

I pout and laughed. Nakakainis. Mabuti sana kung kanin ang naunang naubos ee. Kaso ulam. Napadok naman ang mata ko sa plato ni Abby. Wala na siyang kanin, pero may natitira pang ulam. Napangiti ako.

"Hoy Abby, tutal wala ka na namang kanin." I cleared my throat and looked at her. "Sa'kin na lang 'yang puso mo." walang kagatol-gatol na tanong ko.

Mabilis na nabura ang pagkakangiti at gulat na napatingin sa'kin. Napakunot noo naman ako at matamang naghihintay ng tugon niya. Kaso ilang minuto na ang lumipas at hindi parin siya nakibo.

Napanguso ako ulit bago siya kalbitin. "Hoy Abby."

Doon lang naman siya natauhan at agad na uminom ng tubig, naubos pa nga niya 'yung isang basong tubig niya. "Ano nga ulit 'yun?"

Napahinga ako ng malalim. "Yung puso mo kako, sa'kin na lang." pag-uulit ko pa.

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako o ano, pero kasi kitang-kita ko kung paano unti-unting mamula ang buong mukha niya.

Agad din niyang iniwasan ang tingin ko na para bang nahihiya siya sa'kin. Napakunot noo tuloy ako.

Ano bang nagyayari sa babaeng ito?

"Hala Abby anong nangyari sayo? Hindi kana kumibo dyan." nagtatakang tugon ko.

Alanganing ngumiti naman siya sa'kin na napapakamot pa sa kilay niya. "Ano kasi Sela." she inhaled deeply. "Anong puso ba kasi tinutukoy mo?"

My brows furrowed. Ano paba sa tingin niya. "Edi 'yung puso mo nga." mariing pagpipilit ko.

Gulat..

'Yan ang rumehistro sa magandang mukha niya habang nakatitig sa'kin.

At doon ko lang napagtanto ang katangahang nagawa ko.

Sobrang diin pa ng pagkakakagat ko sa labi ko na para bang anumang oras, dudugo na 'to.

Nakakahiya.. Sobrang nakakahiya.


Pakiramdam ko sobrang pula na ng buong mukha ko dahil sa katangahang nagawa ko. Ramdam na ramdam ko din ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Argh! 'Yung puso burger ang tinutukoy ko!

'Yung ulam! Hindi 'yung mismong puso niya.

Ano ba 'yan!







-----------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...