The Wayward Son in Aklan

By LenaBuncaras

451K 20.6K 8.2K

Raising a kid is a difficult task for Sandro, especially if the child is not his own. When adoption is the on... More

The Wayward Son in Aklan
PROLOGUE
Bukang-Liwayway 1998
Kabanata 1: Ang Bitter
Kabanata 3: Ang Buntis
Kabanata 4: Ang Kapal
Kabanata 5: Ang Demanding
Kabanata 6: Ang Anak
Kabanata 7: Ang Aksidente
Kabanata 8: Ang Ulila
Wayward Son, 1998
Kabanata 9: Ang Dalawang Tita
Kabanata 10: Ang Girl Crush
Kabanata 11: Ang Sakit sa Ulo
Kabanata 12: Ang Ka-Buddy
Kabanata 13: Ang Pagbangon
Kabanata 14: Ang Instant Mommy
Kabanata 15: Ang Celebration
Kabanata 16. Ang Birthday
Kabanata 17: Ang Demonyo
Kabanata 18: Ang Init
Kabanata 19: Ang Pag-alis
Kabanata 20: Ang Surprise
Kabanata 21: Ang Kababata
Kabanata 22. Ang Mahal
Kabanata 23. Ang Anghel
Kabanata 24. Ang In Denial
Kabanata 25. Ang Honest Naman
Kabanata 26: Ang Nega
Kabanata 27. Ang Lasing
Kabanata 28: Ang Stress
Kabanata 29: Ang Karapatan
Kabanata 30: Ang Takot
Kabanata 31. Ang Dalawang Ama
Kabanata 32. Ang Parents
Kabanata 33. Ang Malas Talaga
Kabanata 34. Ang Blessing
Kabanata 35. Ang Ending (lol)
Special Chapter: Alyna (First Part)
Special Chapter: Alyna (Second Part)
Special Chapter: Alyna (Last Part)

Kabanata 2: Ang Best Friend

9.2K 547 444
By LenaBuncaras

Munting Nayon, Caloocan. July 9, 2014


May pagkakataon talaga na gusto kong batuhin ng mesa sa mukha 'tong si Pol. Ako, tanggap ko namang gago ako. Pero si Pol?

"'Tol, ako nahihilo sa 'yo e." Binato ko na lang siya ng face towel na nakakalat sa higaan ko. Kanina pa ako nguya nang nguya ng Chippy na bili rin niya pangmeryenda sana kaso mukhang hindi na niya makakain.

Kanina pa kasi lakad nang lakad, parang pusang hindi matae. Tinanong ko kung nangholdap ba o nakapatay, hindi naman daw. Basta kagat-kagat lang ang hinlalaki habang sinasabunutan ang sarili, sarap sampigahin.

"'Tol, hindi pa kasi nagre-reply si Geneva e."

"O, tapos?"

"'Tol, baka pinalayas na 'yon sa kanila."

"E bakit palalayasin?"

"Ewan ko, 'tol."

Sa wakas, naupo na rin siya sa monobloc sa may mesa. Kaso pinagdiskitahan naman agad ang touchsreen niyang hindi naman umiilaw para sa sagot ni Gen pero bukas pa rin siya nang bukas.

"'Tol, kung nag-aalala ka, bakit hindi mo puntahan sa kanila?"

"Hindi ko alam bahay n'on, 'tol."

Napahinto ako sa pagsubo habang nakatingin sa kanya at nagtatanong kung seryoso ba siya.

Naging sila 'tapos hindi niya alam kung saan ang bahay?

"Bakit hindi mo inalam?" naiirita ko nang tanong.

"E ayaw nga niyang sabihin kasi nga, makikita raw kami ng tita niya."

Eto si Gen, maganda sana, bobo lang din kung minsan e. Kahit pa makita, ano naman? Bakit hindi nito sinabi kay Pol kung nasaan siya eksaktong nakatira? Ano? Magtatago pa rin ba ng relasyon niya sa kanila?

"Pol, sana bago naging kayo, inalam mo muna kung saan nakatira, di ba?" Binato ko agad siya ng piraso ng Chippy saka ako nagpatuloy sa pagkain. "Ewan ko sa inyong dalawa, mga katarantaduhan n'yo sagad e."

Dinampot ko agad yung bili rin niyang Royal na meryenda rin sana niya kaso ayaw niyang galawin.

"'Tol, umiiyak kasi si Gen kagabi. Buntis yata."

Bigla akong nasamid sa sinabi ni Pol. Humatak agad ako ng kung anong labahan sa tabi-tabi saka pinampunas sa bibig ko. 'King inang 'yan. Ano na namang pinagsasasabi ng tarantadong 'to?

"'Tol, pa'no 'yon?" tanong pa niyang animal siya.

"Bobo! Ako pa tatanungin mo niyan, gago ka ba?"

Nagbalik na naman siya sa pagsabunot sa sarili habang tinatawagan yung syota niyang isa ring bobo.

Pati ako nadamay sa stress ng tarantadong 'to. E hindi raw niya alam saan ang bahay ni Gen, e ako alam ko.

Malas ko nga, alam ko.

Kalagitnaan ng gabi, talagang dumayo kami sa Phase 11 sa may sementeryo para lang abangan si Gen. Makadala pa ako ng tubo, para akong makikipagbasagan ng mukha sa mga holdaper doon.

Tumambay kami sa may bakery sa tapat ng bahay na maganda. Nag-chat na raw si tanga kay Gen, sabi lumabas muna kung nasa bahay para makapag-usap sila.

Si Gen kasi, nakikipisan 'to sa mga tita niya. Ang pamilya kasi nito, nasa Aklan. Nagpaiwan siya rito sa Maynila kasi nga nagma-masteral. Hindi alam ng pamilya na iba ang mina-master ng anak.

Pasado alas-onse, para kaming gago ni Pol na nakaabang sa labasan habang naghihintay sa syota niyang syota ko sana kung sinagot lang ako. Pero sa ganitong kaso? Nagpapasalamat akong hindi ko naging syota 'to.

"'Tol, nandiyan na." Pinalo-palo pa ako sa balikat ni Pol kaya hinampas ko na lang ng tubo sa hita niya. Mahina lang naman, at kung magpapakagago siya sa harapan ko, lalakasan ko na talaga.

Lumabas din si Gen sa bahay nila at palingon-lingon sa paligid. Pagkakita niya sa amin, hindi siya talaga dumeretso sa bakery. Dumoon siya papunta sa madilim na eskinita, sa looban pa talaga. Yung alam niyang hindi siya makikita ng kahit na sino.

E di sunod naman kami ni gago sa kanya. Nagbukas agad ako ng flashlight ng phone para hindi kami matisod sa pathwalk na bako-bako at may kanal sa ilalim.

Nagtago kami sa likod ng punong langka. Mukha kaming naglalaro ng taguan, parang mga tanga.

"Labs, okay ka lang?"

Kung puwede lang magkaroon ng laser beam ang mata ko, malamang kanina pa sila natunaw sa pathwalk.

Niyakap ni Pol si Gen 'tapos hinawakan sa pisngi. Nakakadiri panoorin. Gumilid na lang ako para hindi ko sila makita nang maayos.

"Ano'ng sabi ng tita mo?" tanong ni Pol.

"Ayoko na sa bahay, Paul."

"Pinagalitan ka ba?"

"Nag-empake na 'ko kanina."

Napalingon agad ako kay Gen dahil sa sinabi niya.

"Saan ka pupunta?" sabay pa naming tanong ni Pol.

Umiling lang siya. "Hindi ko alam. Basta ayoko na sa bahay."

"Sshh. Ako'ng bahala sa 'yo," sabi pa nitong kumag kong kasama sa bahay.

"'Tol, alam mo, 'king ina mo." Tinuluyan ko na siyang paluin sa hita para sermunan. "Hindi ka nga makabili ng matinong brief, ikaw pa bahala diyan?"

Biglang humagulhol si Gen kaya siya naman ang pinandilatan ko ng mata.

Aba! Baka gusto niya, siya sunod kong hambalusin ng hawak ko!

"'Tol, ano ka ba naman?" Inalo-alo niya agad si Gen.

Akala naman, masosolusyunan ng pag-iyak 'tong problema nila. Ang tanga talaga, nakakabuwisit.

"Kunin mo lahat ng gamit mo. Doon ka muna sa bahay, ha?" sabi agad ni Pol.

Ito si Pol, kung hindi ko lang talaga best friend 'to, isinangla ko na 'to kay Satanas e.

Wala na 'kong nagawa. Nagsalita na e. Kinuha ni Gen ang mga gamit niya sa bahay, palihim na lumabas sa kanila dala ang bag niya, 'tapos umalis na kami.

Sumakay kami ng jeep na wala halos laman. Doon ako napuwesto sa dulo. Katapat ko sila sa kabilang upuan. Nakasandig lang ang ulo ni Gen sa balikat ni Pol at kandong-kandong nito ang bag ng syota niya.

Habang tumatagal na nakikita ko sila, hindi ko na nararamdaman na na-in love ako rito kay Gen e. Ang bobo kasi, ang sarap balibagin ng mesa.

Pag-uwi namin sa bahay, hindi ko mabilang kung ilang buntonghininga ang ginawa ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"O, saan mo patutulugin 'yan?" tanong ko pa habang nakatingin kay Pol na nag-iimis ng mga kalat na damit sa puwesto ko!

"'Tol, dito muna kami sa ibaba."

"Pol! Putaragis na anak ka ng ina mo. Paladesisyon ka, a. Pumayag ako?"

Bigla na namang umiyak si Gen! Kung di ka ba naman anak ng pitumpu't pitong puting tupa, oo!

Gusto ko nang magsabi ng masasamang mga words sa mga anak ng teteng na 'to.

"Alam n'yo, gusto ko nang magtawag ng baranggay." Padabog akong umupo sa may mesa saka ako nagsalin ng tubig para sana mainom ko't nanunuyo ang lalamunan ko sa pinaggagagawa ng mga 'to.

"Bawi ako sa 'yo, 'tol. Salamat, ha?" Pag-angat ko ng baso, kinuha agad iyon ni Pol saka inabot kay Gen.

Nakaawang lang ang bibig ko habang pinanonood na inumin ni Gen ang inumin ko.

Hindi kaya makapatay ako nito ngayong gabi?

"Sorry, hindi ko talaga ine-expect," umiiyak na sabi ni Gen. Kahit ako, gusto ko na ring maiyak sa stress na ibinibigay nilang dalawa sa 'kin.

"Pero ano'ng nararamdaman mo? Ano yung sinend mo kagabi?"

"Two months na kasi akong hindi dinadatnan. Hindi ko alam."

"Tanga," bulong ko at nagsalin na naman ng tubig sa panibagong baso.

"Inaano ba kita, ha?" sigaw niya sa 'kin. "Kanina ka pa, hindi ka naman nakakatulong!"

"At ako pa ang hindi nakakatulong? Ako nagdala kay Pol sa bahay mo, baka lang gusto mong malaman!" sigaw ko rin. "Makakapunta ba 'yan sa inyo e hindi mo nga sinabi diyan kung saan ka nakatira!"

"Sandro, 'wag mo namang sigawan—"

"Pol, kung puwede lang, ha. Kung puwede lang, pakitahi ng bibig niyan. Baka mainis ako diyan, balibagin ko 'yan ng upuan."

"Ang sama ng ugali mo!"

"A, talaga! 'Tagal na!" sagot ko rin kay Gen saka ko ininom ang tubig ko nang tatlong lagukan lang. Ibinagsak ko ang baso sa mesa saka ako naglakad papuntang pintuan. "Ayusin n'yo 'yan, ha. Nagbabayad ako ng renta sa bahay na 'to. May karapatan ako kung sino ang titira dito at sino ang hindi."

Saka ko ibinagsak ang pinto para tumambay na lang sa labas para makapagpahangin. Baka lalo lang akong mabuwisit sa loob, gibain ko pa yung apartment namin.


♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 47.5K 77
Galit at puno ng hinanakit si Joy nang malaman niyang ipapakasal siya ng kanyang ama sa isang estrangherong lalaki. Hindi niya maunawaan ang dahilan...
29.9K 248 77
An Epistolary Novel Feb. 05. 2021 Feb. 24. 2021
Hello, Lili By Babi✨

Science Fiction

3.7K 160 13
The time goes to the future where life is vain in technologies, where history is important and inventors from the past were distinct. Time travel bec...
1.2M 51.5K 59
C O M P L E T E D Trigger Warning: anxiety attack, depressive episodes, rape content, physical abuse, psychotic episodes, eating disorder, child abus...