Yes, I'm a Secret Agent ✓

By leorieisthename

20.8K 1.2K 432

Sa lahat ng biktima ng mapaglarong tadhana, isa si Alice sa mga iyon. Ang pangarap nyang trabaho ang maglalag... More

SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
WAKAS
Note - Must Read

Special Chapter

348 13 1
By leorieisthename

"Ikakasal ka na bukas ate, baka pwedeng hindi ka na magtrabaho ngayon at alalahanin ang magaganap bukas," usisa ni Andrea habang nagluluto siya ng pagkain at naghuhugas ako ng pinggan.

"Hayaan mo na, mag reresign naman na ako pagtapos ng kasal dahil iyon ang gusto nang kuya Brent mo." Saad ko sakanya.

Alas kwatro palang ng madaling araw at may tinanggap akong misyon kahapon lang kaya kailangan kong maghanda. Wala naman magagawa si Brent kundi samahan ako dahil nga nakatali na siya saakin.

Hindi naman sa hindi ako excited sa kasal, gusto ko lang sulitin ang nagtitirang panahon ko sa pagiging ako.

"Eh paano kung magka damage ka?"

"Anong damage? Tanga! Injured 'yon!" Asik ko.

Pinunasan ko ang kamay ko matapos maghugas ng pinggan. Kinuha ko ang tuwalya ko at nagtungo sa cr para maligo.

"Bilisan mong maligo, ate. Sabay na tayong kumain. Hihintayin kita," rinig ko pang sabi ni Andrea.

"Okay!" Mahinang tugon ko.

Hindi rin ako nagtagal maligo dahil malamig ang tubig. Hindi ko naman mimadali ang pagligo ko, sadyang mabilis lang ako.

Matapos kong lumabas sa banyo ay naabutan ko si Andrea ba nagwawalis ng sala.

"Anong nakain mo?" Tanong ko.

"Hah?"

"Hatdog."

"Eh kung iumpog ko kaya 'yang ulo mo, ate?"

"Eh kung bigwasan kaya kita?"

Binigyan niya ako ng masamang tingin bago pumunta sa lamesa para magsandok ng kakainin namin.

"Saan kayo ni kuya Brent mamaya?" Tanong niya.

"Mag iinspect lang kami. Sa girls dormitory ng isang campus. May mga babae raw na nasisilipan."

"Akala ko ba girls dormitory? Eh bat may nasisilipan?"

"Tanga ka? Malamang may sumisilip."

"Nagtatanong lang!" Hiyaw nya.

"Sige mag ingay ka pa. Pag sina Mama at Papa nagising ewan ko nalang sayo." Sabi ko.

"Nyenye! Anong oras kayo uuwi?" Tanong niya.

"Hindi ko alam. Hindi ako uuwi hangga't di ko nadadalaw ang ate Karren mo, alam mo na,"

"Kapag siguro nandito si ate Karren, kasal na rin sina nung crush niyang detective 'no?"

"Hindi rin. May nililigawan na si Sean kaya medyo malabo,"

"Ang ganda nung girlfriend ni kuya Sean 'no? Ang ganda ng taste ni kuya Sean." Sabi niya habang naka ngiti.

"Kaya nga niya ako nagustuhan noon diba?" Ngisi ko.

"Feelingera ka, tanga pa siguro si Kuya Sean nung mga panahon na 'yon." Sabi niya naman.

"Bwisit ka talaga 'no?"

"Ay ate, alam mo ba si kuya Jayrinn— 'yung schoolmate mo nung high school?"

"Oh ano?"

"Kasi diba dito siya nag collage? Nung collage siya may nireject siyang girl."

"Tapos?"

"Yung nireject niya, isang famous writer na pala ngayon. Alam mo, siguro nanghihinayang si kuya Jayrinn 'no?"

"Alam mo, napaka chismosa mo. Pati buhay ng iba pinakike-alaman mo."

"Ate alam mo ba may nalaman ako." Habol niya.

Hindi nauubusan ng sasabihin ah.

"Oh ano nanaman?"

"Naalala mo 'yung kinukwento ko sayo noon? Nung fourteen palang ako? Yung internet friend ko? Yung hindi ko na naka usap after 10 weeks?"

"Tapos?"

"Patay na pala 'yon, ate. Sayang, ang pogi pa naman nun. Crush ko nga dati eh."

"Saan mo nalaman?"

"Sa girlfriend ni kuya Sean,"

Tumayo ako nang matapos ko na ang kinakain ko.

"Anong oras kayo aalis?"

"Hintayin ko lang si Brent."

Nang lingawin ko ang orasan ay ala sais na pala ng umaga. Nagpalit na rin ako ng damit.

Longsleeve, itim na pantalon at boots. Ikinabit ko rin ang badge ko pati na rin ang Identity card ko.

Ilang saglit pa ay narinig ko na ang pagkatok sa pinto.

Si Andrea na ang nagbukas dahik nag aayos ako ng buhok.

"Hello," rinig kong bati ng pamilyar na boses.

"Napaka pormal naman ng suot niyo, kuya." Sabi ni Andrea.

"Where's your ate?"

"Nandoon, nag susuklay." Sabi pa niya.

Nakarinig ako ng footsteps kaya lihim akong napangiti.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko nalang ang mga braso niya sa beywang ko.

"Ang bango," bulong niya.

"Juicy cologne lang 'yan," biro ko.

Mahina siyang tumawa sa tainga ko kaya napatawa rin ako.

"Umagang umaga naglalandian kayo," rinig kong sabi ni Andrea.

Tumawa ng mahina si Brent at kumawala sa pagkakahawak sa beywang ko.

Umupo siya sa sofa at naghintay.

"Kumain kana?" Tanong ko.

"Yeah, tapos na." Sagot niya.

"Dala mo sasakyan mo?"

"Yup. Naka park lang sa baba."

"Tara na?" Sabi ko nang maayos ko na ang buhok ko.

"Hindi ka na mag memake up?"

"Bakit? Pangit ba ako?"

"No. You look fabulous even without make up." Sabi niya.

"Kaya kumalaki 'yang ulo ni ate eh," echos ni Andrea na nagtitiklop ng mga sinampay.

Bumukas ang pinto kwarto nina Mama at sabay silang lumabas.

"Good morning po, ma, pa." Bati ni Brent.

Kinagat ko naman ang pang ibabang labi ko dahil sa sinabi niya.

"Ang aga niyo namang umalis," sabi ni papa.

"Mag tatrabaho na po eh," sagot niya.

Nilapitan ako ni papa.

"Anak ikakasal ka na bukas," ngiti ni papa.

"Opo, pa."

"Wala ka bang balak dalawin ang kuya mo bago ka man lang humarap sa simbahan bukas?" Tanong ni papa.

Napayuko naman ako dahil doon. "Susubukan ko po mamaya," sagot ko nalang.

Niyakap ako ni papa. "Proud ako sayo, anak." Sabi ni papa at niyakap ako.

"Pa, bukas ang kasal. Bukas ka na rin umiyak." Sabi ni Andrea sa likod.

Nagtawanan naman kami.

"Alis na po kami, pa. May trabaho pa po kami eh," paalam ko.

Nagsimula kaming nagkalad palabas ng condo na tinutuluyan.

Pag dating sa parking lot ay sumakay na kami sa kotse siyang nakaparada.

"Ready kana?" Tanong niya.

"Oo naman. Last na 'to eh," sabi ko ng makasakay ako ng maayos.

Dadaan muna kami sa agency para kausapin si sir Ferrer ang kaso lang ay hindi na ako pinababa ni Brent kaya naghintay nalang ako sa loob ng kotse.

Hindi naman siya nagtagal doon dahil eksaktong alas otso ay nakabalik na siya.

"Let's go?" Usal niya.

"Hmm," tumango ako.

Nagsimula kaming bumyahe papunta sa campus kung saan kami mag iinspect.

Medyo na traffic pa pero kalauna'y nakarating din kami.

"Basta dito ka lang sa likod ko," bilin ni Brent.

"Baka siguro girls dormitory 'yon 'no?" Pilosopo ko.

"Paano kung mapano ka?"

"Excuse me, trabaho ko kaya 'yon."

"Fine," sabi niya.

Nagsimula kaming maglakad papunta sa main gate ng dormitory, hinarang pa kami ng guard pero dahil pinakitaan namin siya ng ID ay pinatuloy na rin kasi.

Nang makapasok ay isang medyo may edad na babae ang sumalubong saamin. Ito siguro ang mag hahatid namin sa dorm.

"Second floor 'yung room. Wala pang umaalis dahil mamayang alas diyes pa ang pasok nila," ngiting saad ng babae.

Gumamit kami ng hagdan papunta sa second floor.

"Kailan pa po may nangyayaring paninilip sa dorm?" Panimula ko habang naglalakad.

"Noomg nakaraang dalawang linggo lang, ma'am. Sa totoo niyan wala talaga kaming ideya kung sino, bigla nalang kasing lumapit saamin ang isang istudyante at sinabing mayroon siyang hubad na litrato nung nasa cr siya ng room." Paliwanag nito.

"Ilan ang nasa dorm?" Tanong naman ni Brent.

"Anim silang lahat," sagot nito.

Nang makarating sa dulong kwarto ay mayroon nang naghihintay roon na babae. Hindi na iyon teenager.

"Ito pala si Erica, siya 'yung nagmomonitor sa bawat kwarto rito sa second floor," sabi nito.

Ngumiti at bahagyang yumuko naman si Erica.

Kinatok ni Brent ang pinto at bumukas naman kaagad iyon.

"Ayan na sila," bulong pa nito sa mga kasama.

Nauna akong pumasok kasabay ng matandang babae. Nilingon ko si Brent na hinarangan ni Erica pero sinensayasan ito ng matanda kaya nakapasok na rin.

"Good morning ladies," ngiting bati ko.

"Officer, hindi niyo po kasama si detective Leshia?" Tanong ng isa.

"Naka leave siya," ngiti ko.

"Bago ang lahat, may I know your names?" Tanong ni Brent.

Nagtabi-tabi ang anim na babae.

Magaganda, makikinis at mapuputi sila. Walang isa sa kanila ang sumagot kaya binigyan ko sila ng ngiti para ipaalam na ayos lang ang lahat.

Ilang saglit pa, ang babaeng nasa gitna ay nagtaas ng kamay para magpakilala.

"A-ako po si Candy," sabi nito. Naka maong na short ito at plain white shirt, naka ponytail at may hawak na ballpen.

"Ako si Shayne," maikling sabi ng babaeng naka salamin na nakasuot ng hoodie at sa maikling shirt. Naka lugay ang buhok kinakamot ang palad.

"Shana, tsaka ito si Meya, pinsan ko." Sabi ng babaeng short haired na naka leggings at croped top.

Ang tinuro niya naman na si Meya ay naka sando at naka maong na pantalon, naka messy bun ang buhok at may hawak na notebook.

"I'm Garden." Maikling usal na nagbukas ng pinto para saamin kanina. Naka pambahay pa ito at halatang kagigising palang.

"Min." Sabi naman ng isa na nakabalot pa ng tuwalya ang buhok dahil sa bagong ligo.

"Ako si Alice, itong kasama ko si SP02 Brent. Kung may napapansin kayo or kung may maling bagay na napapansin niyo rito, pwede niyo saaming sabihin, okay?" Sabi ko.

Para lang akong kumakausap ng mga takot na bata.

Sa hindi inaasahan, biglang tumakbo si Shana patungo sa direksyon ko at niyakap ako, hindi kalaunan ay humihikbi na siya.

"Shana ano ba, nakakahiya." Bulong ni Meya pero sinenyasan ko siya na okay lang.

"Siya po kasi 'yung nakaka recieve ng madaming picture," paliwanag ni Min.

"Mag iinspect lang ako." Sabi ni Brent.

Humiwalay sa yakap si Shana at bumulong. "Tulungan niyo po kami,"

Nagsimula na rin akong mag ikot sa buong kwarto.

"May flashlight ba kayo?" Tanong ko habang tumitingin sa bawat sulok.

Inabutan ako ni Garden ng maliit na flashlight.

"Bakit ka may ganun? Diba ipinagbabawal na magkaroon nun dito?" Bulong ni Candy.

Doon palang sa sinabi ay napaharap ako sakanila.

"Bakit raw?" Tanong ko.

"Para hindi sila makalabas tuwing gabi, maraming nakakaalis kapag may dala silang ilaw," sagot ni Erica mula sa pinto.

Parang may mali.

Binuksan ko ang flashlight at tinutok sa bawat pader at bawat sulok. Natapat iyon sa laptop at bumungad ang deskop ni Candy.

"Masasayang lang ang flashlight sa ginagawa niyo," sabi ni Candy.

Ngumisi ako ng palihim.

"Magtatama ang flashlight sa camera na matatapatan nito, malay mo hindi pala silip ang nagyayari kundi recording," ngisi ko.

Marinig ko ang bulungan ng ibang babae.

"There's nothing here," sabi ni Brent. "Sa banyo nalang ako," sabi nito.

"Ako na, banyo ng mga babae 'yan." Sabi ko.

Pumasok ng tuluyan ang matanda at si Erica para panoorin ako sa gagawin ko.

Maluwag ang banyo. Walang butas at may maliit na bintana sa taas, naka sindi ang ilaw at may shower pa.

"Sino ang huling naka recieve ng pictures?" Tanong ni Brent.

"Ako, kahapon lang." Sabi ni Candy.

"Kaya ka ba naka hoodie?" Tanong ko.

"Pinagsususpetsiyahan niyo ba ako? Babae kaming lahat dito oh!" Asik niya.

Hinarap ko siya gamit ang matatalim na mata.

"Nagtatanong lang ako. Malay mo naka hoodie ka dahil sa natrauma ka kahapon." Sabi ko.

Natahimik naman siya.

"May magagawa po ba kayo?" Tanong ni Min.

"Malapit nang magsimula ang klase ng mga bata, mabuti pa bumalik nalang kayo bukas," sabi ni Erica.

"Hindi na namin ipagpapabukas ang kaso, this case is solved." Sabi ni Brent.

Nagtama ang tingin namin at ngumiti sa isa't isa.

"Ibig sabihin, nandito ang naninilip saamin?" Tanong ni Shana.

Nginitian ko lang siya.

"Girls, pwede ba kayong pumasok dito sa cr?" Tanong ko.

Pumasok naman ang anim na babae.

"I'll close the light." Sabi ni Brent.

Aapila pa sana sila pero sinabi ko na okay lang.

Bahagyang isinara ni Brent ang pinto pero mayroon oaring liwanag.

"Hindi pinapapatay ang ilaw, nawawalan kasi lagi ng ilaw sa dorm na 'to tuwing gabi hanggang madaling araw at itong cr lang ang nakabukas ang ilaw." Sabi ni Meya.

"H'wag kayong mag alala, tapos na," bulong ko.

"I'll count," sabi ni Brent.

"One..."

"Two..."

"Three..."

Kasabay ng pagpatay ng ilaw.

"As you can see madalim dahil nakapatay ang ilaw. Madilim kahit umaga dahil maliit lang ang napapasukan ng liwanag." Sabi ko.

"What's the point?" Tanong ni Min.

"If you'll look every corner of this bathroom you will see a color red dot. Each corner has a recording camera. Ang mga picture na ipinapadala sainyo kaya nagmumukhang picture ay dahil mayroon din sa gitna ng pader." Sabi ko.

Binuksan ni Brent ang ilaw at nakangiting nakatingin saakin.

Nilapitan ko ang mga camera at tumulong si Shana para matanggal iyon. Nilapitan ko ang mga lalagyan ng shampoo at tinanggal iyong camera sa ilalim.

Mayroon rin sa mga skin care corner at sa tabi ng ilaw na kinaylangang pang batuhin ng posas para mahulog.

"Total of seven hidden camera," sabi ni Brent.

"Kung ganun, sino po ang nagsesend ng pictures gayong kami kami lang ang nandito sa dorm?" Tanong ni Meya.

"Dahil mayroong isa saatin ang may access sa mga camera, tama po ba miss Alice?" Tanong ni Garden.

"Pero hindi lang isa." Sabi ni Brent.

Ngumiti ako at sinenyasan na siya na ang magpaliwanag.

Isinarado ko muna ang pinto ng dorm at nilock iyon.

Naninigurado lang.

"As you can see, planado ang lahat," sabi ni Brent.

"Erica or should I say Ric is the person behind this,"

"Hah? Bakit ako?! Marangal akong nagtatrabaho rito oh!" Reklamo nito.

"Kapag nasa klase ang mga babae, ikaw ang nag momonitor ng bawat room. Kahit ilock nila ang dorm meron ka paring hawak na susi, mabubuksan mo parin. Also you told them not to close the light so that they won't notice the cameras. You told them that they're not allowed to use flashlight in this room so that they don't notice every trace." Ngisi ni Brent kay Erica.

"Wala kayong patunay!"

"Meron." Sabi uli ni Brent.

"You associate with one of the girls here in this room." Dagdag pa nito.

"Sino?" Tanong ni Shane.

"Candy," sabay naming sabi ni Garden.

"Sabi na eh! Sa una palang naghihinala na ako sayo! Kaya laging balot ang katawan mo kapag papasok ng banyo at dito ka lagi nagbibihis sa labas ng banyo! Parang wala lang rin sayo 'yung mga pictures na sinisend kapag nagpapanic kami. Hindi ka nga nalungkot o nabigla nung sinabi mo saamin na may nagsend rin sayo! Hindi lang namin tinignan dahil katawan mo 'yon!" Nagsimula ng umiyak si Garden.

"Hindi ako 'yon! Nagsisinungaling sila! Potangina babae ako!" Sigaw ni Candy.

Nagsimulang posasan ni Brent si Erica na hindi nagpumiglas.

"Ang sender ay si Candy at galing naman kay Erica ang pictures dahil sakanya naka monitor ang mga camera." Sabi ko.

"Sinungaling! Wala kayong ibedensiya!" Sigaw ni Candy.

"Nasa laptop mo. Nakita ko kanina sa laptop mo ang email ni Erica. Ten attachment at nakapaloob ang pangalan ni Meya na siyang susunod na papadalhan niyo ng pictures." Sabi ko.

"Hindi totoo 'yan!" Sigaw niya.

Kinuha ko ang laptop sa mesa at bumalik sa harap nila, kailangan pa ng passcode kaya inilapas ko na ang hacking drive na nasa bulsa ko. Ilang click lang ay nabuksan na. Kinalikot ko ang gmail at viola! Naroon ang pictures ni Meya.

Hindi na ito tinignan ni Brent at ng iba.

Namumuo naman ang luha ni Meya bago siya humakbang palapit kay Candy ay sinampal ito sa magkabilang pisngi.

"Stupid motherfucker!" Sigaw pa nito.

Inawat naman ito ng pinsan niya.

"Tangina mo Candy, kung wala lang mga police sa harap natin baka sinupalpal na kita," nagtitimping sabi ni Shayne.

Umiiyak naman si Candy.

Pinanood lang saglit namin siya hanggang sa namalayan kong nakalapit na siya saakin. Kinalmot niya ang braso ko.

Inawat ito ni Brent at pinosasan.

"Buti nalang at nag nineteen kana nung isang araw, kundi baka hundi kapa makulong," sabi ni Garden.

Dinala namin sila sa prisito at doon hinayaang magpaliwanag sa mga police. Si Sanha naman ay ginagamot ang sugat ko.

"Yan kasi, bida bida ka siguro," biro niya.

"Atleast tapos na." Sabi ko.

"Iyon na ang huli..." Bulong ko pa.
_____________

Sinundan ko ng tingin si kuya Adamson hanggang sa maka upo siya sa harap ko.

"Alice," sambit niya sa pangalan ko.

"Bagay sayo 'yang suot mo. Nagpapatunay na isa kang kriminal,"

"Alice—"

"Puro pangalan ko nalang ba ang kaya mong banggitin ngayon, hah?" Pigil sigaw ko.

"Sorry..." Pabulong na sabi niya.

"Kainin mo 'yang sorry mo!" Nangingilating asik ko.

"Alice, patawarin mo ako. Nagsisisi na ako ngayon." Paki usap niya.

Nagbabadyang mga luha kaagad ang pinigilan ko. Ayokong umiyak sa harap niya.

"Mababalik ba ng pagsisisi mo ang buhay ng bestfriend ko?" Halos pabulong na usal ko.

Sadyang traydor ang mga luha ko dahil kusa nalang iyong pumatak ng sunod sunod.

"Ginusto niya 'yon! Hindi siya mamamatay kung hindi siya lumapit saakin," depensa niya.

"Blinockmail mo siya!" Sigaw ko.

Ang ilang tao ay napalingon saamin pero hindi ko iyon pinansin.

"Kung hindi mo siya blinockmail sana kasama ko pa siya! Siya lang 'yung palaging nasa tabi ko sa tuwing hindi ko na kaya, bakit mo siya kinuha saakin?" Iyak ko.

"Alice naman," bulong niya na ani mo'y pinapatahan ako.

"Si Karren nalang 'yung nag iisang kaligayahan ko noon...." Usal ko. "Napaka damot mo..." Dagdag ko pa.

Nanatiling tahimik kami sa lamesa hanggang sa inayos ko na ang sarili ko. Pinagpagan ko ang sarili ko at tumalikod sakanya. Bago ako tuluyang naglakad ay may huling litanya ako sakanya.

"Ikakasal na ako bukas. Hindi ka imbetado, ipinapaalam ko lang dahil sa kuya kita."

Paglabas ko ay sinalubong ako ni Brent.

Niyakap niya ako kaya lalo akong naiyak.

"It's okay. Everything's fine now." Bulong niya.

_________________

"Hello Karren," bungad ko.

"OMG ka ba hah? Ikakasal na ako!" Pigil tuwang sabi ko.

"Alam mo, nakalagay parin 'yung pangalan mo sa listahan ng mga bridesmaid. Special pa 'yung pangalan mo doon, ibang font. Gusto mo 'yon?" Tumawa siya.

"Magdidilim na, Karren. Masaya ba diyan? Kahit ba gabi na, maliwanag parin?"

"Sa bawat araw na lumilipas, hindi ko alam kung bakit hinahanap ko 'yung mga kwento mo. Ang daldal mo kasi eh, nasanay tuloy ako." Pinahid ko ang may alikabok na lapida niya.

"Tagal na nating 'di nagkikita, sundan kaya kita diyan?" Ngiti ko.

"Oh siya, hindi na ako magtatagal dito. Naghihintay na rin kasi si Brent sa sasakyan at baka naiinip na." Tumayo ako at pinagpagan ang tuhod ko.

"Silipin mo nalang ang kasal ko bukas hah?" Sabi ko.

Ngumiti ako bago ko siya talikuran.

Naging mabilis ang oras, naka uwi kami ng ligtas. Hindi na rin nagtagal si Brent sa condo namin dahil magpeprepare pa raw siya para bukas.

"Ate try mo kayang mag run away bride," usal ni Andrea habang inaayos ang higaan namin.

"Siraulo ka ba?"

"Sa movie lang kasi ako nakakanood ng ganon. Gusto ko rin makakita in real life," sabi niya.

"Alam mo, matulog ka nalang." Sabi ko.

"Ikaw ren, ate. Alas kwarto darating ang mag aayos sayo. Dapat naka ligo kana nun," sabi ni Alice.

"Oo na,"

Ihiniga ko ang sarili ko sa kama at tumabi naman si Andrea.

"Hindi bagay 'yung apelyedo ni kuya Brent. Dapat Najera nalang, mas bagay." Sabi niya.

"Desisyon ka?"

"Hehe," sabi niya.

"Matulog kana nga,"

Naging tahimik ang buong kwarto hanggang sa tuluyan na akong binalot ng antok.

__________________

"Sure ka na ba diyan? Iwan kana namin dito?" Sabi ni Joy.

"Kinakabahan ako," bulong ko.

"Ready kana?" Si Sanha.

"Hindi pa, h'wag niyo munang buksan." Sabi ko pa.

"Hindi ka pa pala ready, bukas kana magpakasal," saad naman ni Joy.

"Sige dito nalang muna kami, kapag naglalakad kana lang sa altar nalang kami papasok. Manonood kami dito." Sabi ni Sanha.

"Oh sumenyas na si Ash, ready na?" Sabi ni Joy.

Huminga ako ng malalim. Hinawakan nila ang kamay ko para mabawasan ang kaba ko. Nang bitawan nila ang kamay ko ay nagsimula ng bumukas ang malaking pinto ng simbahan.

Bago ako naglakad, nakita ko si Brent sa dulo ng lalakaran ko.

Sa oras na magkatabi kami, paniguradong iisa na kami.

Ngumiti ako at nagsimulang maglakad.

At ang siremonya ng kasal ay magsisimula na.

End

Continue Reading

You'll Also Like

56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
253K 6.7K 60
"Prologue" Palagi mo siyang kasama... Araw araw nakikita mo yung mukha niya... Possible bang ma in love ka sa kanya? O mairita ka lng sa mga gin...
4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
20.2M 702K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...