HIDDEN SEVEN

Por Arthreens

4.2K 1.8K 1.2K

∆∆∆ !UNDER EDITING! ∆∆∆ ∆∆ MAJOR CHANGES ALERT! ∆∆ ∆∆∆ !HIATUS! ∆∆∆ Some pa... Mais

PLEASE READ!
Author's Note
Prologue
TB Chapter 1: CLUB
TB Chapter 2: VARIANT
TB Chapter 3: Room 207
TB Chapter 4: Introduce Yourself
TB Chapter 5: Bato-bato Pik!
TB Chapter 6: He's Back!
TB Chapter 7: Couple?!
TB Chapter 8: General Cleaning
TB Chapter 9: Pares/Mami
TB Chapter 10: Stupid Girl
Author's Note
TB Chapter 11: Caisy
TB Chapter 12: Friend
TB Chapter 13: Tsismosa
TB Chapter 14: Awkward
TB Chapter 15: Absent
TB Chapter 16: Josh
TB Chapter 17: His Family
TB Chapter 18: Encourage
TB Chapter 19: Plan
TB Chapter 20: Muntik na!
Covers 💕
TB Chapter 21: Neo
TB Chapter 23: Perya
TB Chapter 24: Penalty
TB Chapter 25: Party
TB Chapter 26: Allan
TB Chapter 27: Payt
TB Chapter 28: Again
TB Chapter 29: Talk to Talk
TB Chapter 30: Agreement
TB Chapter 31: Preparation
TB Chapter 32: Gathering

TB Chapter 22: Opening!

34 15 2
Por Arthreens

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!









Chapter 22

Phia's PoV

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama at tulalang nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Hanggang ngayon, naiinis pa rin ako dahil sa pangbibwisit nitong si Neo.

Eh paano ba naman? Ang lakas mang-asar. Tinanong ko lang naman kung sino yung Nika? Tapos yung loko tinanong ako ng 'Bakit?' at nag-assume pa na kung nagseselos daw ba ako?

Bakit naman ako magseselos? Siraulo ba siya? Curious lang naman ako pero syempre hindi pa rin ako natinag at nagtanong na lang sa iba kung kilala ba nila yung Nika.

Salamat naman dahil may napagkuhanan ako ng matinong impormasyon sa isang matinong tao.

Hindi naman ganon katino si Ian pero parang ganon na nga. Ang sabi niya, nakababatang kapatid daw ni Neo yung Nika, nalaman niya raw 'yon nang minsa'y magkwento sa kanya si Neo.

Sabagay, nasa iisang club lang naman sila kaya hindi na nakapagtataka kung kilala nila ang isa't-isa.

"Why are you still awake?" tanong ni Kuya pagkapasok niya ng kwarto ko. Di man lang kumatok, bigla-biglang pumapasok.

"Becauseofthegravityoftheearth." mabilis na sabi ko dahilan para mapakunot siya ng noo.

"What did you say?" inis na tanong niya at di ko na lang pinansin.

"Ano palang kailangan mo? Bakit nandito ka na naman sa kwarto ko?" sunod-sunod kong tanong.

Di talaga ako galit.....

Tumikhim muna siya bago magsalita. "I...I...I want you to come with me." utal na sabi niya. Sigurado akong kalokohan na naman toh.

Hiyang hiya sa sarili kala mo di gumagawa ng kalokohan.....

"San?" agad na tanong ko.

Napabuntong hininga naman siya na para bang kailangan niyang mag-ingat sa kung anuman ang bibitawan niyang salita sa akin.

"Well.....it's just some gatherings that I need to attend...." sagot niya at napatigil saglit.

"And?" pagpapatuloy ko dahil napakatagal niyang ituloy ang sinasabi niya.

"And....yeah, I need you to come with me. After all, you're pretending to be my girlfriend." sagot niya at syempre umangal ako.

"Tsk, required bang may jowa tuwing pupunta sa mga gatherings?" inis na sabi ko. Bakit ba kase pumayag ako na magpanggap na jowa niya? Kainis.

Saglit lang.....ayon sa naaalala ko, wala naman kaming napagkasunduan na magpapanggap akong jowa niya, diba?

Oo nga!

"Ayokong sumama. Tyaka may napagkasunduan ba tayo na magpapanggap akong jowa mo?" pagtataray ko sa kanya. "Pinaglagpas ko lang yung nakaraan dahil kailangan. Tama na, kota ka na." dagdag ko pa.

"Wala nga tayong napagkasunduan but everyone in the university knows about us, especially her. So, there's nothing we can do but to pretend." sagot niya naman.

"Psh. To save your ass." inis na bulong ko. Parang hindi ko naman alam noh? Na dahil kay Caisy kaya niya ako pinagpapanggap tyaka para na rin mailigtas ko siya mula sa kahihiyan.

Nagtataka nga ako kung bakit tinuturing pa rin akong kaibigan ni Caisy kahit na alam niya na jowa ko yung ex niya, feeling ko kase mahal niya pa rin si Kuya so parang ang awkward lang tingnan. Isa pa, hindi niya alam na pagkukunwari lang ang ginagawa namin.

Hayss, ako talaga ang naiipit dito eh.

"Don't worry, your presence is not free. I'll pay you as long as you agree." biglang sabi niya at parang nagdalawang isip tuloy ako.

Sayang din yung ibabayad niya, pwede ko na 'yon ipangdagdag sa ibibigay ko kay Neo para sa pagpapagamot ng mama niya.

Alam na alam niya talaga kung paano ako mapapapayag.....

"Pag-iisipan ko." sagot ko at akmang aalis na siya nang magsalita ako ulit.

"Payag na ako. Para san ba kase 'yan?" dagdag ko pa at natawa naman siya.

Mabilis magbago isip ko....

-----

Kinabukasan. Tanghali na akong nagising dahil sa pagchichikahan namin ni Kuya para don sa gathering daw na pupuntahan niya at required daw na may kasamang jowa.

Syempre, pumayag ako sa isang kundisyon na hindi libre ang pagpunta ko don.

Ano siya? Gold?

Para naman kahit papaano, mabawas bawasan ang mga atraso niya sa'kin. Pagpanggapin ba naman akong jowa niya eh. Idagdag niya pa yung mga fan girls niya na naiinis sa akin sa school na akala mo naman ang gaganda na dinaig pa ata ni Balmond sa itsura.

Kahit na tanghali na akong nagising ay nakahiga pa rin ako sa kama. Tamad na tamad bumangon pero mamaya may pupuntahan pa 'yan.

Nag-eexplore ako sa cellphone ko dahil nga nangako ako kay Neo na tutulungan ko siyang maghanap ng part time job.

Scroll...

Scroll...

Scroll...

Napatingin ako sa oras sa cellphone ko. Saktong 12 noon na pero wala pa rin akong mahanap na ads para sa mga naghahanap ng trabaho. Meron naman akong nakikita pero hindi pwede ang minors.

Hayss, akala ko magiging madali lang ang paghahanap pero joke lang pala.

Ilang minuto pa ang lumipas ay napagpasyahan ko na rin tumayo mula sa kama at sobrang sakit na ng ulo ko.

'Yan sige, selpon pa....

Dumiretso ako ng banyo at naligo. Nang matapos ay nagbihis ako at lumabas ng kwarto. Nagkasalubong pa kami ni Kuya sa hagdan at malalim ang tinginan sa isa't isa, muka kaming tanga in short.

Nagpauna na akong bumaba at nakita si Mama na naglilinis sa sala.

"Ma!" masayang bungad ko at agad namang kumunot ang noo ni Mama nang makita niya ako.

"Mabuti naman nagising ka na? Anong oras na ha?! Tanghali ka na namang nagising?! Ano na naman bang pinaggagagawa mo kagabi at nagpuyat ka na naman?! Lagi ka na lang nakatutok dyan sa cellphone mo?! Iniintindi mo ba yung mga gawain mo sa school?! Naku, Phia kapag kinuha ko ang card mo at mababa ang mga grado mo lagot ka talaga sakin bata ka!" mahabang sermon sa akin ni Mama habang pabagsak na nilalagay sa karton ang mga nililigpit niyang gamit.

First sign....

"Kung saan-saan ka pa pumupunta?! Hindi ka man lang tumulong maglinis dito sa bahay?! Pagod na nga ako galing trabaho tapos pag-uwi ako pa ang maglilinis?!" dagdag niya pa at hindi naman ako makaimik.

Hindi ko naman na kailangan pang magpaliwanag dahil baka lalo lang magalit si Mama. Kapag ganito na kase ang senaryo, ang kailangan ko lang gawin ay ang manahimik.

Nasira ang katahimikan nang lumabas si Kuya mula sa kusina at may dala-dalang brownies na sa tingin ko ay gawa ni Mama.

"Tita, tama na 'yan. Iniistress niyo lang ang sarili niyo. Malaki na 'yan si Phia, makitid lang talaga utak. Ako na ang bahala sa kanya kapag may ginawa na naman siyang kalokohan." pagpigil sa kanya ni Kuya. Waw....siya pa nga ang nagpapasok sa'kin sa mga kalokohan niya eh, galing ah!

Tyaka kapag kay Mama siya nakikipag-usap, pure Filipino language gamit niya pero kapag ako, nag-e-english siya? Hustisya!

Halos dumugo na nga ilong ko sa pag-iintindi.....

Napabuntong hininga naman si Mama. "Pinagsasabihan kita hindi lang para sermonan kundi para ipaalam sa'yo lahat ng mga maling gawain mo na nakikita ko. Malaki ka na, dapat nag-iisip ka na ng makakatulong sa'yo para sa kinabukasan mo. Paano na lang kung wala na ako? Wala ng magtuturo at magsasabi sa'yo ng mga mali mo....kaya sana naman ayusin mo ang buhay mo para kung mawala man ako, panatag na ang loob ko at hindi ko na kailangan pa na mag-alala sa'yo." mahinahong dagdag niya pa.

Maya-maya lang ay naramdaman kong may mga likido na nag-uunahan sa pagdausdos pababa sa pisngi ko. Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa sinabi ni Mama.

Paano kung magkatotoo yung sinabi niya na baka mawala na siya? Hindi ko kakayanin!

Bigla ko na lang sinunggaban ng yakap si Mama habang umiiyak, naramdaman ko namang niyakap din ako ni Mama pabalik.

Ilang minuto lang ang lumipas ay umepal na naman si Kuya. "Tita, tara kain muna tayo. Mamaya niyo na lang ituloy ang pagliligpit, tutulungan naman kayo ni Phia." pag-aalok niya habang dala-dala ang isang paper bag na sa tingin ko ay mga pagkain ang laman.

Pinadeliver niya ata....

"O sige na. Tama na ang drama kumain muna tayo lalong-lalo ka na, Phia. Hindi ka pa naman nag-almusal." sabi ni Mama habang itinatabi ang mga karton sa gilid.

-----

Kasalukuyan na kaming naglilinis at syempre kailangan ko na talagang magsipag dahil nga sa nangyari kanina.

Tama na ang pagiging perwisyo.....

Nasa kalagitnaan kami ng paglilinis nang biglang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may tumatawag.

"Vice Pres Mayor?" sambit ni Kuya habang nakatingin sa phone kong tumutunog. Mabilis ko namang hinablot 'yon at sinagot.

"Hello?" panimula ko.

["Asan ka na? Anong oras na? Malapit na ang opening ng resto ni Josh, ikaw na lang ang hinihintay namin."] tuloy-tuloy na sabi ni Levor mula sa kabilang linya.

"Huh? Bakit? Anong oras na ba? Maaga pa naman---!" napatigil ako sa pagsasalita nang mapatingin ako sa wall clock namin. "Ayy gagstu..." mahinang sambit ko.

Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa paglilinis. Akala ko maaga pa, ambilis naman ng oras.

Tanghali na kase nagising....

"P-papunta na ako....saglit lang!" dagdag ko pa at agad na ibinaba ang tawag.

"Bakit? Anong meron?" tanong ni Kuya sa'kin at hindi ko naman na siya nasagot dahil nagmamadali na ako.

Patakbo akong umakyat ng hagdan at dumiretso ng kwarto ko para magbihis. Naligo naman na ako kanina kaya palit palit na lang muna.

Wala pang limang minuto ay tapos na akong magbihis at dali-daling bumaba. "Ma! Magkikita lang kami ni Kiara, inimbita niya ako kumain sa labas! Bye!" pagpapaalam ko at lumabas na ng bahay. Hindi ko pa kase nasasabi sa kanila na sa resto talaga nila Josh ako pumupunta.

Pumara ako ng taxi sa may kanto at agad naman akong nakasakay, wala pang kalahating oras ay nakarating na ako sa resto. Binubungangaan ko kase yung driver na bilisan ang andar ng kotse.

Lakad takbo ang ginagawa ko dahil hindi ako binaba ng driver sa mismong resto at kailangan ko pang maglakad para lang makarating ako doon.

Nainis siguro sa'kin yung driver.....

"Hayss, nakakahiya! Super late na akoo! Ewan ko kung makakaabot pa ba ako sa opening!" inis na sambit ko habang naglalakad.

Malayo pa lang ay tanaw ko na sina Kiara at ang mga kupal na nag-aantay sa labas ng resto, kumaway naman ako para makita nila ako.

"Phia! Ang tagal mooo!" sigaw ng babaita habang tumatakbo palapit sakin.

"Pasensya na, anong oras na kase ako nagising tyaka pinaglinis pa ako sa bahay kaya naman hindi ko na namalayan yung oras." pagpapaliwanag ko naman at tumingin sa likuran niya. "Nag-start na ba?" tanong ko at napatingin muli sa kanya.

"May 10 minutes pa, buti nakaabot ka." sagot niya naman.

Niyaya na niya akong pumasok sa loob at gaya ng unang punta ko rito ay hangang-hanga talaga ako dahil sa mga disenyo nito. Lalo na ngayon na mas nadagdagan pa.

Pumunta ako sa may counter at naabutan kong nag-aayos sina Josh at Allan ng mga gamit sa cashier. Tinignan ko naman ang menu at kakaibang mga salita ang nababasa ko.

"Anong salita ba yung nakalagay sa menu? Hindi ko maintindihan...." tanong ko kay Kiara na katabi ko lang.

"It's an Italian words." biglang sabi ng kung sino at napatingin naman kami sa kanya.

"Lagi-lagi ka na lang talaga sumusulpot, Gent. Alam mo 'yon?" inis na sabi ni Kiara.

Hindi naman siya pinansin ni Gent at tinuloy na lang ang pagsasalita. Pinaliwanag niya ang ibig sabihin ng mga salita pero syempre kaunti lang ang natandaan ko.

Ang masasabi ko lang.....kahanga-hanga talaga ang mga pangalan ng mga ibebenta nila rito sa resto dahil maliban sa madali lang itong bigkasin kahit na iba ang lengguwahe, napaka-unique rin ng lasa at itsura nito dahil pinatikim na samin ni Levor yung mga nasa menu nung nakaraan. Kaya sa tingin ko, hindi ito magiging problema kapag bibili na ang mga customer.

Inabot kami ng ilang minuto bago siya matapos magpaliwanag. "Ahh 'yon pala..." kunwaring pagsang-ayon ko.

Nabaling sa iba ang atensyon ko nang tawagin na kami nila Josh dahil magsisimula na raw ang opening.

Lumabas kami ng resto bago pumwesto sa magkabilang side at nasa gitna naman si Josh para mag-announce. Napansin kong may iilang tao rin na lumalapit sa pwesto namin para maghintay ng opening.

"Magandang araw sa inyong lahat! Kayo ay aking iniimbitahan sa aming mini resto. Hindi ito mabubuo kundi dahil sa mga kaibigan ko na sumuporta sa akin pati na rin sa pamilya ko na aking naging inspirasyon." panimula niya.

"Hindi ko na ito patatagalin pa baka gutom na kayo! Simulan na natin ang opening!" dagdag niya pa. Buti na lang marunong siya mag-entertain ng mga tao. Sabagay, actor siya ng Theatre Club sa University.

Napansin ko lang na parang marami ata ang dumalo ngayon. May mga estudyante rin akong nakita.

Sinimulan niya naman gupitin ang ribbon at binuksan ang entrance para makapasok ang mga dumalo.

Pumasok na rin kami sa loob at may mga pamilyar na muka akong nakikita. Sa tingin ko, yung grupo ng mga teenager sa may bandang dulo ay mga kasama ni Josh sa Club nila.

Nakita ko rin sina Grace at Dave na kasama ni Kiara kaya naman lumapit ako sa kanila. "Phia, saan ka galing?" salubong sa'kin ni Kiara.

"Dyan lang sa tabi." sagot ko naman. "Buti nakapunta kayong dalawa." baling ko kay Grace at Dave.

"Ayaw nga sana sumama ni Dave, pinilit ko lang." sabi naman ni Grace at napatingin kay Dave na tamad na nakaupo.

Ilang minuto lang ang lumipas ay inihahatid na nila Josh ang mga order ng mga customer. Lahat ng kupal ay tumutulong sa paghahatid at napansin kong parang dumadami ang mga customer na dumarating kaya naman napagpasyahan kong puntahan sila sa loob.

"Kiara, dito lang kayo ah. Puntahan ko lang sila sa loob." pagpapaalam ko at tumango naman siya.

"Kailangan niyo ba ng tulong?" tanong ko kay Allan na nasa may cashier.

"Pasok ka sa loob." sabi niya naman dahil busy siya sa pagiging cashier.

Pumasok naman ako sa loob at nakita kong nagluluto si Levor at Ian. Si Neo naman at si Josh ay ang naghahatid at nagche-check ng mga orders. Si Gent naman ay taga-hugas ng pinggan kaya naman tinulungan ko na siya.

"Ako na magpupunas nito." sabi ko at hinablot sa kanya ang pinggan. Maya-maya lang ay natapos na kaming maghugas at nakita kong pumasok si Josh sa kusina.

"Guys, kailangan namin ng tulong sa paghahatid ng orders." sabi niya at agad naman akong nag-volunteer para tumulong.

Iniabot niya sa'kin ang tray at sinabi ang table number nito. Agad naman akong pumunta roon.

"Ito na po ang order niyo!" masiglang bati ko at inilapag ang mga order nila.

Habang nilalapag ko ang mga order, syempre hindi ko maiiwasan makinig sa usapan nila.

Marites na rin ako....

"Alam mo ba? Nakita ko kanina yung sinasabi nilang gwapo don sa may cashier!" panimula nung isa habang kinikilig.

"Talaga? Anong itsura?" tanong naman nung isa.

"Gwapo nga, paulit-ulit." mataray na sabi naman nung isa.

"Tyaka meron pa, yung naghahatid ng mga orders. Gwapo rin!" kinikilig na sabi naman nung isa pa.

"Thank you for visiting our resto! Come again!" paalam ko at umalis na roon habang natatawa.

Wala lang, basta natatawa lang ako. Nagkakaroon kami ng customer dahil sa itsura ng mga kupal. Aba, itsura lang pala nila ay pwede ng pagkakitaan.

Napatigil ako sa pagbubungisngis nang may humatak sa'kin at nakita ko naman si Kiara na takang nakatingin sa'kin.

"Nawala ka lang saglit, naging waiter ka na ah." sarkastikong sabi niya at natawa naman ako.

"Sobrang busy sa loob tyaka lalo pang dumadami ang customer kaya tinulungan ko na rin sila para mas madali." katwiran ko at napansin kong kumakain na rin pala sila.

"Phia! Bumalik ka na dito! Bilis!" sigaw ni Josh kaya naman nagpaalam na ako sa kanila.

"Kiara, balik na ako don. Tinatawag na ako." dali-daling sabi ko.

"Sge sge!" sagot niya naman at bumalik na sa pagkain.

Halos naikot ko na ang buong resto dahil sa paghahatid ng mga orders, tumulong na rin si Kiara dahil kinailangan si Neo sa kusina. Ako at si Josh na lang ang naiwan sa paghahatid ng mga orders.

Napansin ko rin na tumutulong na rin si Grace na maglinis ng mga table pagkatapos kumain ng mga customer. Si Dave naman, chill lang.

Pumatak ang oras sa ala-singko ng gabi ay napagpasyahan ng isara ang resto. Sapat na yung mga customer kanina para sa unang araw.

Lahat kami ay nakasalampak sa mga upuan at pagod na pagod tapos ito namang si Dave na chill chill lang ay nakakairitang tingnan.

"Dinner muna kayo." sabi ni Josh at ibinaba sa lamesa ang mga putahe. Bigla tuloy akong nagutom.

Hindi na kami nagdalawang isip at nilantakan na ang mga pagkain, napansin kong nakikikain din 'tong si Dave.

Ayos ah! Chill chill lang siya kanina tapos makikikain siya na akala mo napagod? Aba!

Kasalukuyan akong kumakain nang bigla akong kalabitin ni Neo dahilan para mabulunan ako.

Napunta ata yung kanin sa ilong ko....

"Sorry, Ate Phibss." sabi niya habang iniaabot ang baso ng tubig sa'kin. Kinuha ko naman kaagad 'yon at ininom.

"Ano ba kase 'yon?" inis na sabi ko naman matapos uminom.

"Tatanong ko lang sana kung nakahanap ka na ba?" tanong niya at agad ko namang nakuha ang sinasabi niya.

"Hindi pa eh. Ang hirap nga maghanap." malungkot na sagot ko naman. Kase naman ang hirap maghanap ng trabaho para sa isang minor, hindi naman kase pwede magtrabaho ang menor de edad. Ayoko naman siyang pigilan dahil wala naman ako sa posisyon para gawin 'yon tyaka nakikita ko namang determinado talaga siyang magtrabaho kaya nagpasya na lang akong tulungan siya.

"Ay saglit lang, bago ko makalimutan." agad na sabi ko at kinuha ang bag ko. "Ito oh, 'yan yung ipinangako ko sa'yo na magbibigay ako ng konting tulong para sa mama mo." dagdag ko pang sabi at patagong iniabot sa kanya ang sobre.

Baka kase makita ng mga kupal.

Patago niya naman itong sinilip at medyo nagulat pa. "S-salamat." nakangiting sabi niya habang nakatingin pa rin sa ibinigay ko. Hindi na ako nagtataka sa naging reaksyon niya dahil malaki-laking pera ang ibinigay ko at ako rin ay nagulat kung bakit ako nagbigay ng ganoong kalaking pera.

Mga nasa 25k ata 'yon....

Sa totoo lang, isang linggo kong pinag-ipunan 'yan. Yung iba nakuha ko kay Kuya hihi. May kasunduan kase kami tapos nung pumayag ako, binigyan niya kaagad ako.

Real quick.

Nabalik ako sa reyalidad nang mapansin kong nagmi-meeting sina Josh, Allan, Ian at Levor. Ewan ko kung tungkol saan 'yon?

At dahil tsismosa na rin ako katulad ng mga nasa school, lumapit ako sa kanila at naki-tsismis.

"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ko at sabay-sabay naman silang napatingin sa'kin.

"Gumagawa kami ng posters para sa job hiring dito sa resto. Alam mo naman na hindi natin kaya na tayo-tayo lang ang magtrabaho dito sa resto dahil may mga pasok tayo sa school." mahabang paliwanag ni Josh at napatango-tango naman ako.

Tama nga naman.

Tumingin naman ako sa may laptop at nakita kong nag-eedit si Ian para sa poster. Yung tatlo naman ay puro business na ang pinag-uusapan. Dedma na lang, wala naman akong alam dyan.

Napansin ko namang tapos na pala sila kumain at syempre kami din kaya naman nagligpit na lang ako ng mga kinainan, tinulungan naman ako ni Gent.

Matapos magligpit ay dinala na namin ang mga hugasan sa kitchen at inilagay sa lababo. Napansin kong nagpa-iwan sa Gent at mukang siya ang maghuhugas ng pinggan.

Bigla na lang akong napangisi nang may maisip na kalokohan. "Hep! Tigil mo 'yan! Kilala ko kung sino ang karapat-dapat na maghugas niyan." pagpigil ko sa kanya habang nakangisi na tatawa-tawa.

Lumabas kami ng kusina at dumiretso naman ako kay Dave na hayahay habang nakasuot ng earphone. "Psst." tawag ko sa kanya sabay kalabit. Tinignan niya naman ako at inirapan.

Aba, pairap-irap pang nalalaman!

Hinila ko naman ang earphone niya dahil sa inis. "What do you want?" salubong ang kilay na sabi niya.

"Maghugas ka ng pinggan." agad na sagot ko naman at mas lalo pang nagsalubong ang kilay niya. "Wag ka ng umangal, pinagkainan mo din 'yon." dagdag ko pa. Akala mo ah, chill chill ka nga lang kanina.

"Oo nga." pagsang-ayon ni Kiara. Nayss, may kakampi bwahahaha.

Inasar-asar naman namin siya ni Kiara kaya naman inis siyang napatayo at sinamahan ko naman siya papuntang kusina. "This way, sir. Hinihintay ka na ng mga pinggan mo." pang-iinis ko pa.

"Tsk." inis na singhal niya at naglakad papuntang kusina. Agad naman siyang nagsimula nang makarating kami doon. Kung titignan, mukang marami-rami ang huhugasan niya. Tsk...tsk...tsk, isa na namang kawawang nilalang.

Lalabas na sana ako ng kusina ngunit parang nag-aalinlangan pa ako. Tangina naman, ayoko na maghugas ng pinggan.

Wala sa sariling bumalik ako at inis na hinablot kay Dave ang sinasabunan niyang plato, nagulat naman siya dahil dito.

Hayss, bwisit. Paano ba tanggihan ang sarili? Masyado ka ng matulungin self.

"What the hell are you doing?" singhal naman nung isa. Ang daming tanong, hindi na lang maghugas. Pasalamat na lang siya tinulungan ko pa siya, kapag ako nagbago isip.

Mabilis pa naman magbago isip ko....

Hindi ko siya pinapansin kaya naman tinuloy niya na lang ang ginagawa hanggang sa matapos kami.

Wews, ang dami non ah!

"Tapos na kayo?" tanong ni Josh pagkapasok niya sa kusina. Tumango naman kaming dalawa at sabay-sabay na kaming lumabas.

Napansin kong malinis na rin ang mga lamesa at upuan na kinainan dahil nakataob na ang mga upuan sa ibabaw ng lamesa. Napansin ko rin na nasa labas na pala sila.

Lumabas kami at agad namang iniabot sa akin ni Kiara ang bag ko. "Uuwi na tayo, hinihintay lang natin yung sasakyan." sabi naman sa'kin ni Kiara at tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

Habang naghihintay ay naramdaman kong may tumabi sa'kin at nakita ko naman si Neo na may hawak na papel.

"Ano 'yan?" tanong ko at tinuro ang hawak niya.

"Yung.....ipapamigay nila Josh para sa job hiring dito sa resto." sagot niya at napatango-tango naman ako----!

Napatigil ako sa pagtango nang may mapagtanto. Oo tama, 'yon nga!

Bigla ko namang hinablot ang papel na hawak ni Neo at binasa ang mga nakalagay dito.

Nakalagay dito ang lahat ng detalye para sa mga mag-aapply, paano kung pag-applayin ko kaya si Neo?

"Neo, mag--" napatigil ako sa pagsasalita nang bigla siyang sumabat.

"Wag. Hindi pa ako komportable na malaman nila ang tungkol sa'kin." pagdadahilan niya.

Napabuntong-hininga naman ako. "Wag ka ngang ganyan. Kahit naman malaman nila ang tungkol sa'yo, wala naman atang problema sa kanila. Nakita mo naman siguro kung paano nila tinulungan si Josh di ba?" pangangatwiran ko naman.

"Oo, sa kanila wala naman sigurong problema pero kasi....." sabi niya at napatigil saglit.

"Kasi?" sambit ko habang takang nakatingin sa kanya.

"Kasi baka kumalat sa school yung tungkol sa pagiging working student ko. Baka bulihin na naman ako ng mga kaklase ko. Lalo na't maraming estudyante galing sa school natin ang pumupunta sa resto." mahabang paliwanag niya.

"Wag mo silang alalahanin! Hindi naman nila buhay iyang sa'yo, isipin mo na lang na ginagawa mo 'yon para sa pamilya mo.....okay?" pagsalungat ko sa kanya at pilit naman siyang napatango.

Inakbayan ko naman siya. "Huwag ka mag-alala, kapag may nang-bully sa'yo......tawagin mo lang kami, tuturuan ko ng leksyon iyang mga pisting 'yan!" dagdag ko pa at nakita ko namang napangiti siya.

Sakto naman ay dumating na ang sasakyan na maghahatid samin ni Kiara. "Sige na. Uuwi na kami, ingat kayo ah!" paalam ko at sumakay na sa sasakyan bago ito umandar paalis.

"May hindi ka ata sinasabi sa'kin?" nakataas ang kilay na tanong ni Kiara. Syempre, wala akong choice kundi ikwento sa kanya ang tungkol kay Neo.

"Talaga?" reaksyon niya matapos kong magkwento sa kanya.

Kahit na mabunganga 'yan si Kiara, sigurado naman akong hindi niya ipagsasabi sa iba ang kwinento ko sa kanya.

"Grabe, ang sipag pala ng bulinggit na 'yon kahit hindi halata? HAHAHA." pagbibiro niya.

"Sabi ko nga, mag-apply siya don sa resto tutal hiring naman tyaka mas magiging madali 'yon sa kanya dahil kilala niya naman ang may-ari." sabi ko naman.

"Oo nga eh kaso ayaw niya lang talaga malaman ng ibang tao ang tungkol sa kanya, lalo na sa school. Naiinis na talaga ako sa mga tsismosa don, ang sarap nilang tanggalan ng dila." naiinis na sabi niya naman. Naikwento ko rin kase sa kanya kung bakit ayaw ni Neo magtrabaho don sa resto.

"What if? Kausapin ko si Dad na bigyan siya ng trabaho sa Mall?" tanong niya at natuwa naman ako ngunit binawi ko rin dahil sigurado namang mas maraming makakakilala kay Neo don.

Natuon ang atensyon namin sa phone niya nang bigla itong tumunog, sinagot niya naman ito. Nakatingin lang ko sa bintana habang may kausap siya sa kabilang linya.

"Oo na, Ma! Pauwi na ako!" pagpapaalam niya at ibinaba ang tawag.

"Bakit tumawag si Tita?" curious na tanong ko sa kanya.

"Bilisan ko raw umuwi, inaantay daw nila ako. May importante raw kaming pag-uusapan." nakasimangot na sagot niya naman. Mukang seryosong bagay ata ang pag-uusapan nila.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami sa harap ng bahay ko. Bumaba naman ako ng kotse at nagpasalamat sa kanya.

Pumasok na ako ng gate at malayo pa lang ay kita ko na ang salubong na kilay ni Mama habang nakatayo siya sa may pinto.

Lagot na naman....

Lumapit ako sa kanya at bago ko makalimutan ay nagtabi ako ng pasalubong para kay mama galing sa resto. Sigurado akong magugustuhan ni Mama 'to.

"Ma! May pasalubong ako sa'yo!" masiglang sabi ko at dinedma ang masamang tingin sa'kin ni Mama.

"Ano na naman 'yan?" mataray na sabi ni Mama. Inabot ko naman sa kanya ang dala ko.

"Galing 'yan sa restaurant na kinainan namin ni Kiara! Masarap 'yan!" sabi ko naman at dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay.

Nadatnan ko naman si Kuya na umiinom ng kape habang nanonood ng TV, hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso paakyat papunta sa kwarto.

Humiga na ako sa kama matapos maligo. Sa tuwing aalis talaga ako, lagi akong pagod kapag uuwi lalo na ngayong araw. Naglinis pa naman ako dito sa bahay bago umalis.

Sana naman tanggapin na ni Neo yung trabaho don sa resto para naman di na siya mamoblema sa paghahanap ng trabaho.

-----

Kinabukasan, medyo maaga-aga akong nagising dahil sasamahan ko si Mama magpa-laundry at mag-grocery.

Ang sarap pa lang maglakad-lakad tuwing umaga! Ngayon ko lang ulit toh naranasan!

Pumunta muna kami sa laundry shop at iniwan ang mga damit, babalikan na lang namin mamaya pagkatapos namin mag-grocery.

Tatawid sana kami ng pedestrian nang biglang may pumarada na kotseng itim sa harap namin.

Teka, kay Kuya toh ah!

Unti-unting bumaba ang salamin ng kotse at bumungad ang muka ni Kuya na nakatingin samin.

"Tita, sakay na kayo. Sasamahan ko na ho kayo sa pupuntahan niyo." sabi niya at hindi naman kami nagdalawang-isip pa. 'Yan na naman siya sa full tagalog version niya kapag kausap si Mama.

Inihatid niya kami sa malapit na grocery at ibinaba sa may entrance.

"Susunod na lang po ako sa loob." pahabol na sabi ni Kuya at pinaandar paalis ang sasakyan.

Pumasok na kami ni Mama sa grocery at namili. Kasalukuyan akong nagtutulak ng cart habang si Mama naman ay namimili ng mga bibilhin.

Ilang minuto lang ang lumipas parang may nararamdaman akong kakaiba. Yung parang may nakatingin sa'yo at tataas ang balahibo mo dahil sa kaba. Parang naramdaman ko na ito dati.

Saan ko nga ba 'to ulit naramdaman?

Napaigtad ako nang may kumalabit sa akin at si Mama lang pala. "Bakit, Ma?" sambit ko.

"Phia, pakiabot mo nga nito....masyado itong mataas." sabi ni Mama at itinuro ang de latang pinapakuha niya.

Medyo mataas nga tulad ng sabi ni Mama pero kaya naman siguro. Naghanap naman ako ng matutungtungan at sinigurado ko pa na hindi ito gagalaw para hindi ako mahulog.

"Dahan-dahan lang, Phia. Baka madulas ka." paalala ni Mama habang nakaalalay.

Sinubukan kong abutin ang lata ngunit hindi ito gaanong abot ng kamay ko.

"Hindi ko maabot, Ma. Kailangan kong umusog ng konti." sambit ko at sinubukan kong umusog sa kabila.

Salamat naman dahil nakuha ko na ang de lata at iniabot ko ito kay Mama. Umalis si Mama sa pagkaka-alalay kaya naman biglang umalog ang kinatatayuan ko dahilan ng pagkabagsak ko.

"Waaaahh!" sigaw ko at napapikit ng mariin.

Kung oras ko na, sana naman tanggapin pa ako ni San Pedro sa langit!

Maya-maya lang ay naimulat ko ang mata ko nang wala akong maramdaman na kalabog o sakit man sa katawan. Napatingin ako sa isang lalaki na nakatalikod habang nakasandal ako sa likod niya. Ramdam ko ang matigas at brusko niyang likuran.

Mahilig siguro siyang magwork-out.....

Hindi ko naman makita ang muka niya dahil nakasuot siya ng mask na itim pati na rin ang damit niya ay ganoon din. Tinulungan niya naman akong makatayo ng maayos sa tinutungtungan ko at nananatili naman siyang nakayuko.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya habang iniaayos niya ang nagulo kong buhok. Bakit parang iba ang pakiramdam ko sa kanya?

Hindi ko maipaliwanag....

Narinig ko pang natawa siya bago magpaalam sa akin nang walang sinasabi at tulala lang akong nakatingin sa kanya habang naglalakad siya paalis.

Nabalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ni Mama at lumapit sa'kin para alalayan akong makababa.

"Ayos ka lang, Phia? May nangyari ba? May narinig akong sumigaw." alalang sabi ni Mama habang pinapagpag ang dumi sa damit ko.

Muntik lang naman ako mahulog dahil sa'yo, Ma.

Buti na lang, may sumalo sa'kin....

"Ayos lang ako, Ma." sambit ko habang hinahanap ang lalaking naka-itim na jacket na tumulong sa'kin.

Di ko man lang siya napasalamatan.....

"Sigurado ka? Ayos ka lang?" paninigurado niya at tumango naman ako. Pinuntahan niya naman ang cart at iniayos ang mga bilihin.

Kasalukuyan kong hinahanap ang misteryosong lalaki ngunit may nahagip ang paningin ko na parisukat na papel at nasa sahig ito. Pinulot ko naman ito dahil sa kuryosidad.

Isa pala itong litrato at makikita ang isang batang babae na sobrang laki ng ngiti habang may hawak na lobo sa kanyang kamay at may yakap na teddy bear naman sa kabila.

Cute siya.....

Napansin ko namang may nakasulat sa likod nito, nakasulat ang date at panahon nung araw na kinuha ang litratong ito ngunit hindi ako sigurado kung 'yon nga ang sinasabi rito.

09/01/**
Sunny Day

Sino kayang may-ari nito? Siguro.....oo nga! Agad naman akong lumingon-lingon sa paligid para hanapin ang lalaking naka-jacket na itim.

Siya siguro ang may-ari nitong litrato!

Natigilan ako nang may tumawag sa'kin at nakita ko si Kuya na kasama si Mama. Nag-alinlangan naman ako kung itatago ko ba ang litrato o iiwan ko kung saan ko ito nakuha baka kase balikan niya pa.

Mukang nagmamadali si Kuya kaya naman itinago ko na lang ito sa bulsa ko at dali-daling lumapit sa kanya.

"K-kanina ka pa ba nandyan?" hinihingal na tanong ko sa kanya.

"I just arrived." sagot niya naman at inaya na ako sa may counter dahil pumunta na roon si Mama.

Kung kailan tapos na kami mag-grocery tyaka lang siya bumalik.

Hapon na ng makauwi kami sa bahay. Sa labas na kami kumain ng lunch kaya naman hindi na nagluto si Mama.

Kasalukuyan naming inaayos ang mga pinamili at naalala ko ulit ang tungkol sa litrato kaya naman hindi ko naiwasang magtanong.

"Ma?" tawag ko.

"Bakit?" tanong niya habang inilalabas ang mga pinamili sa eco bag.

"May napansin ka ba kanina sa grocery store na lalaking may suot na jacket at face mask na itim?" tanong ko naman.

Napa-isip naman siya saglit at sumagot. "Wala." sagot niya.

"Sure ka, Ma?" dagdag ko pa.

"Wala nga." may halong inis na sabi niya. "Nako, Phia! Tumigil ka na nga sa katatanong mo, ayusin mo na iyang mga 'yan sa storage." dagdag niya pa at ginawa ko naman ang sinabi niya.

-----

Umakyat na ako sa kwarto ko nang matapos kaming mag-ayos. Naupo naman ako sa study table at inilabas ang litrato mula sa bulsa.

Sa tuwing titingnan ko ang litrato ay parang may nagtutulak sa akin na hanapin ko ang may-ari nito at may kakaiba talaga akong pakiramdam sa taong 'yon.

Napabagsak ako ng ulo sa table dahilan ng pagkalabog nito at napansin kong may makinang na lumitaw mula sa kahon na nasa desk ko.

Kinuha ko naman iyon at nakita ang isang bracelet na may nakaukit na 'Cai'. Naalala kong ito yung napulot ko na dahilan ng pagkadulas ko nung time na pinag-pyestahan kami ng mga tsismosa sa school.

Ngayon ko lang ulit toh nakita, naitago ko pala 'to.

Saglit lang.....

Parang pamilyar 'tong pangalan sa bracelet...

Sino nga ba ulit 'yon?

Agad akong napatayo mula sa pagkaka-upo nang mapagtanto kung sino ang may-ari ng bracelet. Watdapak!

"Si Caisy ang may-ari ng bracelet na'to?!" singhal ko at hindi makapaniwala habang nakatingin sa kumikinang na bagay.








_______________________________________

Sorry for the wrong grammars and typos!

Don't forget to vote, comment and share! Love Lots!

===Edited===

Continuar a ler

Também vai Gostar

KALBE SAPLANAN OK Por Ebru

Ficção Adolescente

16.9M 651K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...
37.1K 1.6K 13
သူဌေးရဲ့သားနဲ့ ဒရိုင်ဘာရဲ့ မြေးတို့ကြားက တစ်ယောက်က နီးစပ်အောင်ကြိုးစားနေပြီး သူ့ရဲ့ ကြိုးစားပုံ ကြိုးစားနည်းက မမှန်တော့ အဝေးကို တွန်းပို့နေသလို ဖြစ်န...
Older Brothers | ✔ Por M a r y

Ficção Adolescente

4.6M 136K 52
After her mother's death Lilith gets a new legal guardian, her older brother. With no knowledge of having four other older brothers, Lilith is send...
50.8K 2.1K 19
"Show me somethin' different once, I come from where there's no love." COPYRIGHT 23. #1 ATLANTA 05/01/2024 🏆