He's A Casanova,She's A Gangs...

بواسطة faberchrystel

3M 52.8K 1.3K

---- This story is already complete but I unpublished it because I am currently revising it. Thank you for su... المزيد

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 15.5
Chapter 16
Chapter 16.5
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24

Chapter 23

44.4K 1.4K 18
بواسطة faberchrystel

Chapter 23

Summer's POV

Paglabas ko ng bar ay umupo muna ako sa bench na malapit dito. Medyo malamig pero sigurado naman ako na paparating na si Hunter.

To: Hunter

San kana?

After five minutes ay hindi pa rin siya dumadating. Tinignan ko ang phone ko pero wala rin siyang reply.
"Hi miss." nakangising sabi ng isang  lalaki. May itsura naman siya pero mukha siyang manyakis.

"Leave me alone." sabi ko at inirapan siya. Ngumisi na naman siya at lumapit pa sa akin.
"Pakipot ka pa.If I know, gusto mo rin naman."
Tumabi siya sa akin at inakbayan ako. Binalak niya pa nga ako halikan sa leeg pero hindi niya naituloy dahil agad ko siyang nasuntok sa mukha.

"I said leave me alone." sabi ko at pinanlakihan siya ng mata.
Nakita ko namang lumabas si Quinn mula doon sa bar. Nakakunot pa ang noo niya habang nakatingin doon sa lalaki. Nako iba pa naman magalit ang isang ito.

"She said leave her alone."
Siguro kung hindi ko lang kilala ito si Quinn ay natakot na rin ako eh. Yung itsura niya kasi parang kakainin niya yung lalaki.
"Sorry." sabi ng lalaki at agad tumakbo.

Lumambot naman ang ekspresyon ni Quinn at tumabi sa akin. Nagsindi pa siya ng sigarilyo kaya napairap ako.
"Ba't nandito ka pa?"

"Wala pa si Hunter eh. And can you please stop that? Ang baho kaya."
Napangiwi naman siya sa akin bago niya ito tinapon sa sahig at inapakan.

"Loko yun ah.Muntik ka na tuloy manyakin ng isang 'yon." naiiritang sambit niya. Napatingin ako ng bigla siyang tumay.
"Hatid na kita. And please, wag ka ng umangal."

Hinatid ako ni Quinn gamit ang motor niya. Inaya ko pa siyang magkape sa bahay pero mauuna na raw siya at may lakad pa siya. Tinignan ko naman ang phone ko pero wala pa ring text galing kay Hunter.

-----------------//

Gumising ako ng maaga para puntahan si Hunter sa condo niya at para sabay na din kaming pumasok. Nagdala pa ako ng kape at pancakes para may almusal siya.

Mabuti at sinabi niya sa akin ang passcode kaya hindi ko na kailangan magbuzzer.
Pagpasok ko ay wala pa ring sign ni Hunter kaya naisipan ko na pumunta sa kwarto niya. Bukas naman ang pinto dito.

Muntik ko ng mabitawan ang dala ko dahil sa nadatnan ko. Si Hunter natutulog at may katabi na babae. Walang damit pang-itaas si Hunter at tingin ko pati ang babaeng katabi niya.

Hindi na ako nagtagal doon at dumiretso na ako sa school. Pagdating doon ay nakita ko si Jack na nakapikit at may earphone sa tenga.
"Jack." tawag ko.
Dumilat naman siya at tinignan ako.

"Ba't ka umiiyak?" kunot noo na tanong niya. Hinubad niya din ang earphone niya at tumayo. Napansin ko na may luha na pala sa pisngi ko.

"Ah wala 'to. Napuwing lang ako." nakangiting sagot ko. Sinubukan kong pasiglahin ang boses ko.
"Bakit nga?" seryosong tanong niya.

Napatingin naman ako kay Keith na ngayon ay nakatingin sa aming dalawa. Napansin iyon ni Jack kaya hinila niya ako papunta tapat ng comfort room.
"Anong nangyari?"

"Nakita ko si Hunter may kasamang babae sa condo niya. Magkatabi sila sa kama at parehas silang topless." pagkatapos kong sabihin iyon ay napaiyak nalang ako.

"Ako ng bahala.Wag ka ng umiyak." seryosong sabi ni Jack at niyakap ako.

Inayos ko muna ang sarili ko bago kami bumalik sa room. Sakto naman dahil kakarating lang ni Hunter na papikit pikit pa. Pagkakita niya sa akin ay agad siyang ngumiti.

"Sorry, Sam. Hindi ko nasagot yung tawag mo."
Pilit akong ngumiti at tumabi sa kanya.
"Its okay."

"Im really sorry.Hindi tuloy kita nasundo."

"Really. Okay lang yun. Hinatid naman ako ni Quinn eh."sagot ko.
Magsasalita pa sana siya pero dumating na ang teacher kaya tumahimik na siya ay nakinig.

------------//

"Let's talk, Hunter." sabi ni Jack at sumulyap sandali sa amin bago naglakad paalis. Agad naman siyang sinundan ni Hunter. Kinalabit naman ako ni Hayato.

"Anong nangyari?" tanong niya at uminom ng soda. Nagkibit balikat naman ako at kumain na.

Amethyst's POV

Naka-receive ako ng tawag kay Lee, muntik na raw mabastos si Sam kagabi dahil inaantay niya si Hunter. Marunong naman lumaban si Sam, kaya lang pag seryoso lang siya at galit.

"Anong problema?" tanong niya. Umupo ako sa gilid at tumabi naman siya sa akin.
"Where are you last night?"tanong ko.

"Underground.Nakipag-racing ako."

"Ba't di kayo sabay ni Sam pumasok kanina?Galing daw siya sa condo mo eh." sunod na tanong ko. Alam ko naman ang sagot pero gusto ko na manggaling mismo sa kanya.
Bigla siyang napatingin sa akin. Bakas ang gulat sa mukha niya.

"Lasing ako kagabi. Hindi ko nasabayan si Sam kasi ano."
Hindi siya makasagot kaya napayuko siya.
"Nakita niya.kayo. Alam mo naman siguro kung gaano ka kagusto ni Sam. Panigurado ay sobra siyang nasaktan. Isa pa, muntik na siyang mabastos kagabi. Mabuti nalang at nandoon si Lee."

Napatingin naman siya ulit sa akin at hindi makapagsalita. Nakakunot pa ang noo niya. Tumayo na ako at bago ako magpaalam
"Problema niyo 'yan kaya ayusin niyo. Malaki ka na."

Dahil medyo tinatamad na akong pumasok ay tumambay muna ako sa coffee shop at nagbasa ng libro.
"Ate Amethyst!"

Napalingon naman agad ako nang marinig ko ang pangalan ko. Natatandaan ko siya. Siya yung kapatid ni Keith pero hindi ko matandaan ang pangalan niya.
"Zianne Kaye Park, Zheil's beautiful sister." pakilala niya at kumindat pa.

"Ah." sagot ko na lang at binaling ulit ang tingin sa libro ko. Naramdaman ko na umupo siya sa harap ko.
"I hear that kuya is courting you na ah." nakangiti pa rin siya.

Magsasalita pa sana siya pero dumating na ang order ko at ang kanya.
"Your so quiet naman. Don't be shy."

"Hindi ako nahihiya.Tahimik lang talaga ako." sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. Ang daldal naman niya.

"Sinagot mo na ba–"

"Kaye."
Napatingin naman ako nang biglang may nagsalita. Si Keith. Nakakunot pa ang noo niya habang nakatingin sa kapatid.
"Ba't mo ba siya kinukulit?"

Hindi niya sinagot ang tanong ng kapatid at tinaasan niya pa ng kilay ito.
"Kuya, ba't ka ba nandito? At ba't ka ba nangingialam?"

Napabuntong hininga naman agad si Keith at umiling.
"Kaye, are you leaving or I will call–"

"Im just joking lang naman.Im leaving, ciao." tumawa naman ito ng mahina at nagflying kiss pa kay Keith bago naglakad paalis.

"What's so funny?" nakasimangot na tanong niya sa akin. Umiling naman ako at tumingin na ulit sa libro ko.
"Ba't ka andito? May klase pa tayo."

"Tinatamad na ako."

Hunter's POV

Pagtapos ng klase ay nagpunta ako doon sa bar ni Quinn. Mabuti at pinapasok ako dahil kilala naman daw nila ako. Sinabi ng isang waiter na nasa taas raw si Quinn at kasama ang girlfriend sa kwarto niya.

Kumatok muna ako at hindi rin nagtagal pinagbuksan ako ng isang babae. Nakatitig lang siya sa akin at nanlalaki pa ang mata. Siguro ito ang girlfriend niya.
"Sino 'yan?" rinig ko na tanong ni Quinn.

Pagsilip ko ay hindi man lang siya tumingin sa akin dahil busy siya sa paglalaro ng video games. Pero dahil hindi siya sinagot ng babae ay tumingin siya sandali.
"Pasok."

"Ba't ka andito?" tanong nito na nasa monitor na naman ang tingin.
"Anong nangyari kay Sam?"
Kahit nakatagilid siya sa akin ay napansin ko ang pag ngisi niya.

"You're asking me, what happened to Drea?"-tanong niya.
"Yeah. Hindi ko siya nasundo kagabi dahil nalasing ako."

Pagtapos niyang magpipindot ay binagsak niya ang controller at tumayo para harapin ako. Hindi ko inasahan na susuntukin niya ako kaya hindi ako nakaiwas.
"Quinn!" sigaw ng babae na nag-aalala pa na nakatingin sa akin.

"Gago ka ba? Bakit hindi siya ang tanungin mo?" nanlalaking mata na tanong niya sa akin.
"Umayos ka. Alam ko marunong lumaban lumaban si Drea. Pero hindi niya deserve na paasahin."

Nanatili lang ako nakatingin sa kanya. Nang magising ako kanina ay nakatanggap ako ng message kay Doreen. Nagpapasalamat siya na pinatulog ko siya sa condo ko. Teka, sa kama ko ba siya natulog? At nakita iyon ni Sam?

"Umalis ka na nga bago pa masira ang araw ko sa pagmumukha mo." nakasimangot na sambit niya at umupo sa tabi ng girlfriend niya na kumakain ng pizza.
"Gago mas gwapo ako sayo." sabi ko kaya ngumiwi lang siya at sumenyas na umalis na ako.

"Quinn, pakilala mo naman ako sa kaibigan mo."
Aalis na sana ako pero narinig ko ang sinabi ng girlfriend niya.
"Rae, are you serious?" nakasimangot na tanong ni Quinn. Tumango naman ang babae at ngumiti kay Quinn kaya napabuntong hininga ito at nakakunot ang noo na nakatingin sa akin.

Nagkibit balikat naman ako kay Lee at ngumisi. Anong sinsabi niya na nakakasira ng araw ang mukha ko?
"Rae, si Hunter kaibigan ko.Hunter si Rae, girlfriend ko." walang gana na sabi niya. Pinagdiinan niya pa talaga ang girlfriend.

"Hi,Im Rae." nakangiting sabi ng babae at inabot ang kamay niya kaya napatingin naman sa kanya si Quinn at mukhang hindi makapaniwala.
"Hunter." sagot ko.

Pag-abot ko ay agad naman itong pinaghiwalay ni Quinn.
"Tama na yan. Alis na nga."

"Thanks, Quinn." nakangiting sambit ng babae at hinalikan ito sa pisngi. Agad naman napangiti si Quinn at inakbayan pa ito.

Minessage ako ni Hayato na nagpunta raw si Sam sa bar. Ala-sais pa lang nasa bar na siya? At bakit?

Pagkarating ko doon ay nilibot agad ng mata ko ang paligid. Nakita ko si Sam na tumatawa kasama ang isang lalaki. At dikit na dikit pa sila.

Summer's POV

Pagkauwi ko ay nagpalit lang ako ng damit at umalis para pumunta ng bar. Nagsuot lang ako ng itim na bestida at high heels. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang nakita ko. Masakit.

"Yung pinakamatapang." utos ko sa bartender na nagpupunas ng baso.
"Pero sabi po ni Sir Kyo, hindi po kayo pwede–"

Napailing naman ako. Akala naman nila ay bata pa ako.
"Bibigyan mo ba ako o mawawalan ka ng trabaho?" naiinip na tanong ko. Lumaki naman ang mata niya.

"Sorry po."
Mabilis siyang tumalikod at humanap ng alak. May mga hinalo pa siya bago niya ito inabot sa akin.
"Hey."
Napatingin ako sa lalaki na tumabi sa akin. Cute naman siya pero syempre mas cute si Hunter. Ngumiti pa ito sa akin.

"Im Matthew." nakangiting sabi niya at inabot ang kamay niya. Kinuha ko naman ito.
"Andrea."

"Bakit mag-isa ka lang?" tanong niya at sinenyasan pa ang bartender na abutan siya ng maiinom. Nagkibit balikat lamang ako.

"May problema ba?Di ba boyfriend mo si Evan Gyo?"
Nagtataka naman ako na tumingin sa kanya. Medyo nahihilo na rin ako. Tanga lang, Sam? Pinakamatapang ka pa ah.
"How did–"

"Lagi akong nandito sa bar niyo. Minsan nakikita kitang kasama yung Evan Gyo at iba pa." nakangiting sagot nito na hindi man lang pinatapos ang tanong ko.
"Ah. Teka–"

Agad na nanlaki ang mata ko dahil bigla bumagsak si Matthew sa sahig. Ang ilang tao sa bar ay napatingin din. Medyo nahihilo na talaga ako kaya hindi ko maaninag masyado ang sumuntok sa kanya. Magtatanong na sana ako pero hinila ako nito papunta sa labas.

Hunter's POV

"Bakit mo siya sinuntok?" tanong niya habang nakakunot ang noo. Napaiwas naman ako ng tingin.
"Masyadong malapit ang gagong 'yon. Nagseselos ako."
Sobrang nag-init ang ulo ko nang makita ko kung gaano kalapit kanina ang lalaki na iyon. Alam naman niyang akin si Sam pero kung maka-aligid siya.
Agad ako napatingin ng tumawa siya.

"Are you kidding me?"
Teka, hindi ba siya naniniwala? Napakunot ang noo ko.
"I'm serious, Summer Andrea."

Ngumiwi naman siya at dinuro pa ako pero bago pa siya makapagsalita ay agad ko siya sinalo dahil muntik na siya bumagsak sa sahig.

-------------//

Nilapag ko siya sa kama niya at kinumutan. Aalis na sana ako ng bigla niya hilahin ang pulso ko. Pagtingin ko ay nakadilat na siya pero may tumutulong luha sa mga mata niya.
"Hey." tawag ko at umupo sa tabi niya.

"Hunter, I know you don't love me. Pero bakit ganon? I saw you with someone."
Hindi niya matuloy ang sasabihin niya dahil umiiyak na naman siya. Kung ano ano kasi ang ginagawa ng babae na iyon. Tss.

"Sam, I like you. And I'm still on the process of loving you. Listen, yung nakita mo kanina, it's just a misunderstanding. Walang nangyari sa amin ng babae na iyon."
Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin.

"How can I believe you?" tanong niya.

"Bukas na bukas kakausapin natin ang babae na iyon. Sam, please believe me."

-----------------//

Summer's POV

Paggising ko ay may naamoy ako na mabango. Teka, diba nasa bar ako? Ba't nandito na ako ngayon sa condo? Ganoon pa rin naman ang suot ko. Napatayo ako pero agad din na napahawak sa ulo ko.
"Aish."

"Good morning." nakangiting bati sa akin ni Hunter na may dala pang tray. Agad na napakunot ang noo ko.
"Bakit ka nandito?"

"Sabay tayong papasok." sagot nito na nakangiti pa rin. Nilapag niya pa ang tray sa sa lamesa.

"Kaya ko na sarili ko, di ba nga–"
Agad ako napatigil sa pagsasalita ng bigla niya ako yakapin.
"Im sorry."
Hindi ako nagsalita at hinintay lang ang sasabihin niya.

"I told you last night, mali ang nakita mo. Walang nangyari sa amin ng babaeng 'yon."
Tinignan ko lang siya.
"I already promised you. Pupuntahan natin siya mamaya."

"Pupuntahan natin siya?"

"Yes. Sam, trust me. I'm not like that." sagot niya at hinalikan ako sa noo.
"Now, eat and take a bath. Sabay tayong papasok."

Sabay kaming pumasok ni Hunter. Nung uwian, sinabi ni Hunter na nasa coffee shop na raw yung babae. Pagdating namin ay may nakita kami na babae na kumakain ng cake.

"Doreen." bati ni Hunter kaya napatingin ito. Nakangiti ito pero mukhang kagagaling lang nito sa pag-iyak.
"Hey Evan.Siya ba yung girlfriend mo?" tanong niya ng nakangiti. Ngumiti naman si Hunter at inakbayan ako bago ako inalalayan na umupo.

"Yes .Now,explain."

"Okay okay.Miss Andrea, I'm really sorry. Nag-away kasi kami ng boyfriend ko nung isang araw. Tapos nakita ko 'to si Hunter sa underground. Medyo nakainom ako at sakto kasi nakainom rin siya kaya pinilit ko siya na pasamahin ako sa condo niya. Syempre, makulit ako kaya sinundan ko siya. Uhm, actually I tried to kiss him but lagi niya tinutulak ang mukha ko. Walang nangyari sa amin dahil pag hinahawakan ko siya kahit tulog siya ay tinutulak niya ako. Ang by the way, I'm not naked that time. Sumakto lang na ang suot ko ay tube kaya mukhang nakahubad ako. I'm really sorry."
Habang nagkkwento siya ay napapakunot ang noo ko. Kaya siguro mukhang siyang natatakot sa akin. Aba dapat lang.

Ang sexy kaya nitong si Doreen pero tinatanggihan lang ni Hunter? Loyal ah. Ngumiti naman ako at umiling.
"Uhm okay. But please, miss, don't try to do that again baka umatake ang pagiging bichesa ko."
Awkward naman siyang ngumiti at tumango tango. Si Hunter naman na nasa tabi ko ay nagpipigil ng tawa.

"Alis na kami." sabi ni Hunter at hinawakan ang kamay ko. Nag-wave naman ako kay Doreen at nagwave din siya sa akin pabalik.

----------------------x

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

12.3M 99.3K 65
IKAW NA LANG BA ANG NBSB SA BARKADA?.. BAKIT DI MO I-TRY ANG GUMAWA NG IYONG FACEBOOK BOYFRIEND...? MAKAKAPAG PALIT KA PA NG STATUS MULA SINGLE INTO...
108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
39K 797 8
ang buhay ay hiram lang . dimo alam kung kailan ba ito babawiin . siguro maaaring ngayon? bukas? sa makalawa? o sa susunod na araw? walang ibang mak...
150K 1.2K 5
𝑀𝓎 𝐹𝒶𝒸𝑒𝒷𝑜𝑜𝓀 𝐵𝑜𝓎𝒻𝓇𝒾𝑒𝓃𝒹 𝒾𝓈 𝒶 𝒮𝓊𝓅𝑒𝓇𝓈𝓉𝒶𝓇~ Najina Medina wanted to live apart from the chaotic reality of life, mas gusto n...