MADNESS IN LIFE

By RonneSerene

1.6K 221 57

"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapo... More

DISCLAIMER
SIMULA
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
WAKAS

54

6 2 0
By RonneSerene


Syrone:
Your email address?

I started to type while arranging my some papers. Bahagyang tumagilid ang ulo ko.

Ako:
beindzrosanethecatwoman@gmail.com
If something wrong happened again. Please report to Inspector Colima. Do not put yourself in danger.

Pumihit ako ng malalim na paghinga at muling pinagpatuloy ang pagsusulat. Kung mabasa man agad nila ito, sana hindi sila magalit.

“Valentina!”

May kumatok sa pinto kasabay no'n ang pagdungaw ng ulo ni Havier. Magulo ang buhok niya at bahagya pang nakapikit ang mga mata niya.

Pasimple kong tinabunan ng libro ang mga papel na sinusulatan ko.

“Bakit?” I asked.

“Why happened last night? I can't remember anything. May nangyari ba? I asked Manang Lucy, she said na ikaw ang may dala sa akin pauwi.”

“Utos mo..”

“Is that so?” umangat pa ang kilay niya. “Anyways, mamayang 12 midnight ang flight natin. Sure ka na bang sasama ka?”

“Oo.”

“There's no turning back, Valentina.”

Tumango lang ako. Ito na nga ako at hinahanda ang sarili ko sa anumang posibleng mangyayari mamaya. Hindi ko na kinibo pa si Havier, lumabas na ito ng kwarto ko.

Ayos din pa lang nalasing siya kahapon. At least, nalaman ko kung ano talaga ang nararamdaman niya. Pati pala sa akin, may sama siya ng loob.

I opened my messenger account and called Aven. Mabuti na lang naka-online siya.

“Open your cam,” he said while sharing his cam. Bahagya akong natawa dahil mukha siyang sabog.

“Naistorbo ba kita?”

“Nope,” turan niya sabay iling. “That was my last game and going to sleep na. Why did you call?”

I decided to share my cam. Nakita ko siyang ngumiti.

“Where's Arion, Anjoe, Ava and Rozzene? Can I talk to them?”

“Hmm, why?”

“May sasabihin lang ako sa inyo.”

“Okay, wait. I'm gonna call them. Just wait here.”

Inalis niya ang suot niyang airpods at tumayo papaalis. Wala pang isang minuto bumalik na siya kasunod ang apat.

Kapansin-pansin ang nakabusangot na mukha ni Arion. Nagkakamot pa ito ng batok. Palihim akong napangiti.

“Stupid spoiled brat!” Nakita kong may inayos si Aven. “Kakausip tayo ni Rosane. Ayaw mo ba? Kung ayaw mo, feel free to leave my room, Arion!”

“You idiot!” Arion exclaimed. “Si Ate Rosane pala iyan, hindi mo naman sinabi agad! At saka para saan ang pangbabatok mo kanina?”

Nakita kong dumungaw si Anjoe. Ngumiti naman ako sa kaniya.

“Hi!” I said. “Kumusta?”

“It's been a while, Rosane. I'm perfectly fine. How about you?”

“Ayos naman.”

“Hoy, akin na 'yan. Ako naman!” si Ava. Ito naman ngayon ang tumapat sa camera. “Hi, Ate Rosane!”

“Hello, Ava.”

She smiled genuinely. “Kailan po tayo magme-meet, Ate?”

“When nga ba, Ate Rosane? I'm so bored here!” singit ni Arion. “Palagi na lang kaming nakatutok sa libro!”

“Of course, Arion! Next month na ang exam. You must study!”

“Shut up, Kuya Aven!”

“Shut up you too!”

“Enough!” awat naman ni Anjoe. Narinig kong tumawa si Ava. Napakamot ako ng ulo at natatawang umiling sa kanila. Bigla namang lumitaw si Rozzene sa camera.

She smirked. “Why did you call?”

“Just wanna talk and see you all.”

“I prefer a meet up than a video call.”

“Gano'n?” tila napahiya pa ako.

She nodded at me. Inayos niya ang suot niyang eye-glasses.

“Ano kasi—” natigil ako sa pagsasalita nang ma-disconnected na ang tawag. Kumunot ang noo ko. Pinutol siguro ni Rozzene o mahina lang 'tong net ko?

Napabuntong hininga ako. Nag-logged out na lang ako at saka pinagpatuloy ang pagsusulat ng letter.  Ilang letter lang naman ang gagawin ko at ipapaabot ko na lang mamaya kay Gariel kapag dumaan ako sa kanila.

Napatingin ako sa wall clock, mag-aalas tres pa lang ng hapon. Pinauwi na kasi ako kanina ni Madame Aika kaya hindi na ako nakapagtrabaho. Inako lahat ni Ohne ang mga trabaho ko.

Hindi ko rin inaasahan na darating si Ariess kanina sa resto. He was shocked when he saw Ohne.

“You're working here, Rosane?”

“Oo.”

“And Gabrielle's cousin?”

“Oo, bakit?”

Nakakagulat lang dahil mayaman siya, right? I thought he was busy by doing some other stuffs not like this,” ani Ariess. Mukhang hindi siya makapaniwalang nagta-trabaho ang isang Duero. Hindi na lang ako kumibo pa sa kaniya. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko, eh.

“Rosane!” Hinabol ako ni Ariess palabas ng resto. Napahinto ako sa paglalakad. Nilingon ko siya.

“Bakit?”

Iniiwasan mo ba 'ko?”

“Ha?” kunot-noo'ng tanong ko.

Iniiwasan mo ba ako?”

“Bakit naman kita iiwasan?”

“Porque ba umamin ako sa 'yo, Rosane, iiwasan mo na ako?” pagtatanong niya. “Hindi naman kita pinipilit na gustuhin ako pero bakit iniiwasan mo ako?”

“Hindi kita iniiwasan.”

“Alam ko naman... Hindi mo kailangang ipagkaila, Rosane. You don't like me...”

Ano bang nangyayari sa lalaking 'to? Ano bang nais niyang iparating? Na wala akong gusto sa kaniya?

Well, totoo naman.

“I really like you a lot, Rosane. I'll do everything just to make you mine...”

I sighed.

Tumango-tango na lang ako sa kaniya. Masakit ang ulo ko at wala ako sa mood makipag-usap. Sumabay pa ang pakiramdam na parang nahihilo ako.

Napabalik ako sa realidad dahil bigla akong nakaramdam ng gutom. Bumababa ako sa kusina. Naabutan kong naghuhugas ng mga pinggan ang isa sa mga kasambahay.

“May kailangan po kayo, Ma'am?” tanong niya. “Nagugutom po kayo? Ipaghahanda ko po kayo ng pagkain.”

“Hindi na po,” saad ko. “Ako na po ang bahala sa pagkain ko.”

“Sige po, Ma'am.”

Nagtimpla lang ako ng kape. May nakita akong slice bread kaya gumawa ako ng sandwich. Naisipan kong tumambay sa gazebo.

Alam mo 'yun? Tamang emote-emote lang habang nagkakape tapos ang dami mong mare-realize sa buhay.

Tama ba ang desisyon kong 'to? Marapat lang bang umalis ako para makatakas?
Kung wala akong gagawin, hindi matatapos ang problema ko.

Inis akong napabuga ng hangin. Kung makakabalik agad ako rito. Sisiguraduhin kong bagong ako na ang magpapakita sa kanila. Sino mang kumanti sa akin, di-diretso na sa kabaong.

“Aling Esme,” pagtawag ko sa kaniya. Naabutan ko siyang nag-aayos ng mga basura sa labas ng mansyon ng mga Aeñoso.

“Hija, mabuti at napadalaw ka.”

“Hindi na po ako magtatagal,” saad ko. Inabot ko ang sobreng hawak ko. “P'wede po bang makisuyo? Paki-abot naman po nito kay Gariel. Hindi na po ako makakapasok sa loob dahil nagmamadali po ako.”

“Wala rin si Gariel, hija. Hayaan mo at iaabot ko sa kaniya mamaya. Para saan ba ito?” Kinuha na niya ang mga sobre at inilagay sa bulsa niya.

“Documents lang po, Aling Esme.”

“O, s'ya, sige. Iaabot ko sa kaniya mamaya.”

“Sige, salamat po!”

Nilingon ko ang mansion, saksi ang lugar na ito kung paano ako pinalaki ng maayos ng mga Aeñoso. Wala na akong ibang masabi pa kundi ang salitang salamat at patawad.

Mapait akong napangiti. Pinigilan ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Bago pa man makapagtanong si Aling Esme, yumuko na ako at nagmadaling tumakbo papaalis.

Akala ko noon, ang mga taong naiiwan lang ang nasasaktan. Hindi pala... nagkamali ako.

Pati rin pala ang umaalis, nasasaktan din pala. Dahil siguro wala na silang ibang pagpipilian at iyon na lang ang tanging paraan para matapos na ang lahat.


_



Watashitachi wa koko ni iru.” (We are here.)

Nagising na lang ako sa isang pagtapik sa akin ni Havier. Dahan-dahan akong umusog palabas ng sasakyan. Nahihirapan ako ngayon sa suot kong itim na kimono. Hindi ako masyadong makagalaw ng maayos. Ramdam ko ang pamamaga ng mga mata ko at halos hindi ko na iyon maidilat ng maayos.

Ilang araw na akong walang maayos na tulog simula nang dumating kami rito sa Japan. Kung makakaidlip man, hindi umaabot ng kalahating oras dahil sunod-sunod ang mga inaasikaso ko.

Kakatapos lang ng libing ni Lolo kanina. Ang daming pumunta na kamag-anak kaya ako ang nautusang mag-entertain sa kanila. Nagpalit lang ako sa saglit ng damit at saka napagdesisyunang matulog.

Hindi ko maintindihan kung bakit pati sa pagtulog, palagi akong nabubulabog. Na pati sa aking paghiga, hindi ko mahanap ang pahinga.

“Hoy! Bangon,” may kung sino ang muling tumapik sa pisngi ko nang umaga na iyon. “Bangon, ano ba?!”

“Tadyakan kita d'yan,” inaantok kong saad. Hindi pa ako nakakatulog ng mahimbing tapos may manggigising na sa akin. Putcha, nasaan ang hustisya?

“Tanga, bangon!”

Itinakip ko ang unan sa tainga ko at tumagilid. Pero ang kingina! Hindi ako nilubayan! Hinablot ang unan at saka pinaghahampas sa akin.

“Gumising ka na, tangina ka!” sigaw nito. “Anong oras na? Marami ka pang gagawin?! Ano ang tingin mo sa sarili mo? Mayaman? Hoy, talipandas! Isa ka lang kasambahay!”

Kumunot ang aking noo. Ano bang sinasabi nito? At teka. Nagtatagalog ang isang 'to.

Napadilat ako ng mga mata. Bumangon na ako at tiningnan siya ng masama.

“Who are you?” I asked. Kapansin-pansin ang suot niyang maids uniform.

“Wow, english! Hoy, anong oras na, oh? Oras na ng trabaho!”

“I'm asking you, who are you?” ulit ko. Malapit na akong maubusan ng pasensya sa kaniya.

“Hoy, praning ka ba? Feeling sosyal?!” tanong niya at humalakhak. “Bobo puta! Feeling mayaman!”

“Excuse me?”

“Tumayo ka na d'yan at magtrabaho! Ang dami mong reklamo,” inis niyang saad. “Huh, tanginang mga batang 'to! Kaytatamad! Paano ka ba natanggap na maging kasambahay dito? Ang tanga naman nung pumili sa 'yo!”

Halata ang pang-aasar sa tono niya. Masama ang mga tinging pinupukol niya. Tumayo naman ako sa kama at saka pinindot ko ang intercom malapit sa pinto. Wala pa man, narinig ko siyang napasinghap.

“I hate disrespectful maids,” I said. “Security please...”

“Okay, Miss Yasuko.”

“Hurry up, someone is disturbing my sleep. Please get her out of here.”

Binuksan ko ng maluwag ang pinto ng kwarto ko. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin.

“Labas, I don't need you here.”

“Miss Yasuko, huwag n'yo po akong tanggalin sa trabaho. Marami po ang umaasa sa akin sa Pinas.”

“Sana naisip mo 'yan bago mo ako pinagsabihan ng kung anu-ano.”

“P-Pasensya na po, Miss...”

“Get out of my room!”

“M-Miss, sorry po talaga,” she said. Nagsituluan ang mga luha niya sa kaniyang pisngi. “H-Hindi ko po sinasadya..”

“Wala akong pakialam, lumabas ka ng kwarto ko.”

“Miss—”

“Lumabas ka na!”

Badtrip ang kingina.

Nang lumabas na ito siya namang sinara ko ng padabog ang pinto. Kulang na nga ako sa tulog, bwi-bwisitin pa ako.

Pinindot ko ang intercom. Bumuntong hininga ako at saka nagsalita.

“Do not enter my room without my permission.”

“Okay, Miss Beindz.”

Napairap ako dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko. Dagdag pang sumasakit ang ulo ko dahil sa pagbiglaang paggising.

Naisipan ko na lang maligo ng maaga. Para naman maginhawaan ang pakiramdam ko. Sunod kong inatupag ang mga gamit kong hindi na-iaayos. Sinalansan ko isa-isa iyon sa wardrobe ko.

“Valentina,” boses ni Havier. Kumatok pa ito ng ilang beses sa pinto. “Can I come in?”

“Sige, pasok!”

Bumukas ang pinto at saka siya pumasok. Pansin ko ang pangungunot ng noo niya. Bahagya pang namumula ang mga mata niya.

“Bakit?”

“Aeñoso and Duero chatted me.”

I frozed.

“They were looking for you.”

“Ano naman ngayon?” sinikap kong hindi magkaroon ng kahit anong emosyon sa mukha ko. Hindi ko rin siya tinatapunan ng tingin.

“They are all worried about you. Hindi ka ba nagpaalam sa kanila?”

“Nagpaalam,” maikling sagot ko.

“Personally or by using a letter?”

“Stop asking nonsense, okay?” I rolled my eyes. “Could you please leave me alone?”

“Valentina—”

“Leave me alone, please.”

I heard him sighed. Kinuha ko ang mga nagkalat na sapatos at isinalansang sa shoe rack. Hindi pa rin umaalis si Havier sa p'westo niya kaya napalingon na ako sa kaniya.

“You've changed,” he uttered.

“We're supposed to.”

“Ilang araw pa lang tayong nandito, Valentina. You change a lot,” aniya. May nababasa pa akong lungkot sa mga mata niya. “Hindi na ikaw ang dating Valentina na kilala ko.”

Gan'yan nga...

Lumayo na kayo isa-isa sa akin. Tutal pabigat naman ang tingin niyo sa akin. Hindi na ako kumibo pa sa kaniya. Pinabayaan ko na lang siyang lumabas ng kwarto ko. Pinagpatuloy ko ang pag-aayos sa mga gamit ko hanggang sa...

“Bakit ito nandito?” tanong ko sa aking sarili. Kinuha ko ang picture frame na iyon. Natatandaan kong ito ang huling binigay sa akin ni Gabrielle bago siya mawala.

Napabuntong hininga ako. Tinago ko iyon kaagad sa cabinet para hindi na ako makaramdam ng kahit na anong sakit.

Pagod na pagod na ako sa kakaiyak at sa pag-iisip kung bakit lahat nang ito ay nangyayari sa akin.

Pagod na ako.

Pagod na ako sa lahat.

Muli akong napahiga nang makaramdam ng antok. Biglang bumigat ang mga talukap ng aking mata.

Sana habang buhay na lang akong tulog. At least, sa pagtulog wala kang nararamdaman na kahit ano. Lahat matatakasan mo. Sa pagtulog mo, pu-puwede mo pang makasama ang mga taong gusto mong makasama.





_






“So, you are new here?” someone asked. Kunot-noo kong nilingon siya. Nakita kong may sumilay na ngiti sa labi niya. “I'm Jay!”

“Rosane.”

“Ang cold mo naman, Ate!”

My eyebrows furrowed. Nagtatagalog pala ang isang 'to.

“Gulat ka na, 'no?” natatawang sabi niya. “I'm half Filipino and Japanese.”

Napatango lang ako sa kaniya.

“Kailan ka pa nandito?” usisa niya. “Magda-dalawang taon na ako rito. Tapos naisipan kong magpart time kasi wala akong ginagawa sa bahay.”

“Hindi ko tinatanong.”

May nakita akong umalis na customer kaya naman ang table na pinag-alisan no'n ang binalingan ko. Ramdam ko pa ang paninitig ni Jay sa akin pero hindi ko na pinansin pa.

Tinawag ako nung manager ng cafe. Dahil nga malapit na ang anibersaryo ng cafe, inutusan niya akong magpamigay ng mga flyers.

Yatte mimashou, watashi wa anata o tasukemasu!” (Let's do it, I will help you!)

Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng cafe nang kuhanin sa akin ni Jay ang ibang flyers. Nagtatakbo na itong lumabas at masayang sinalubong ang mga taong napapadaan sa cafe. Napailing na lang ako.

“Please visit our cafe!” paulit-ulit kong sinasabi iyon habang nagbibigay ng mga flyers. “Please visit our cafe, Sir!”

Napipilitan pa tuloy akong ngumiti sa kanila at bahagyang yumuyuko. Nang makaramdam ako ng pagkangawit, umupo muna sandali.

“Pagod ka na?” biglang sumulpot si Jay. “Ako rin, eh!”

“Hindi ko tinatanong.”

Nakita ko siyang napasimangot. Hindi ko siya pinansin pa. Pinatunog ko ang mga buto ko sa katawan. Parang kinakalawang na.

Nadinig kong tumawa si Jay. “Grabe naman! Anong klaseng butong meron ka?”

“Buto ng hayop.”

“Hindi ka nakakatawa.”

“Mukha ba akong nagpapatawa?”

“Ang sarkastiko mo!” aniya at inirapan ko. “Naku-curious tuloy ako kung bakit ka nandito sa Japan.”

Sandali akong natigilan sa sinabi niya. Ngumisi lang ako at hindi na siya kinibo pa. Nagpatuloy ako sa pamimigay ng mga flyers hanggang sa maubos iyon. Bumalik ako sa cafe para kunin ang gamit ko at nagpaalam sa manager na uuwi na.

Habang nasa daan papauwi sa inuupahan kong apartment, napansin kong parang may nakamasid sa akin. Napahinto ako sa paglalakad. Nakita kong hindi maayos ang pagkakasintas ng tali ng sapatos ko. Yumuko ako at inayos iyon. Palihim akong sumulyap sa likuran ko.

“Punyeta,” bulong ko. Minadali ko ang pagsintas sa sapatos at nagmadaling tumakbo.

Anong ginagawa nila rito?

Bakit sila nandito?

Naramdaman kong sumusunod sila sa akin kaya dinoble ko ang bilis ng pagtakbo ko. Hindi nila ako p'wedeng mahuli. Patay ako nito kay Papa!

“Come back here!”

“I will catch you, what ever happens!”

“Gago ba?!” sigaw ko pabalik sa dalawa. Nagmadali akong pumasok sa isang madilim na eskinita. Natuloy-tuloy ako sa pagtakbo kahit pa hindi ko masyadong makita pa ang dinaraanan ko. Ang mahalaga lang ngayon, hindi ako mahuli ng dalawang hayop na ito!

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng jacket ko at minadaling dinial ang numero ni Hanz.

“Hanz!”

“Oh, Rosane?”

“Putek! Nandito ang mga hayop!”

“What?!”

“Iyung mga apo ni Kuto, hinahabol ako! Paano nilang nalamang nasa Hamamatsu ako?”

Natigil ako sa pagtakbo ng may maapakan ako. Naramdaman kong gumulong ang katawan ko sa lupa. Nang madali akong bumangon nang makitang papalapit na ang dalawang hayop.

Tangina!

Ang sakit ng likod ko!

Kahit may masakit sa katawan ko, hindi ko na ininda iyon at nagpatuloy sa pagtakbo.

Bwisit!

Kahit saan talaga ako pumunta may gulo at gulo pa ring mangyayari sa akin. Naninikip na ang dibdib ko at kinakapos na ako sa hangin. Medyo bumagal ang pagtakbo ko dahil naghahabol na ako ngayon ng hininga.

“P-Pusanggala,” asik ko. May naramdaman akong humila sa braso ko. Nagugulat kong nilingon ang dalawang hayop. Napahawak ako sa braso nung isa dahil bigla may kumirot sa dibdib ko.

“What the hell is going on?”

“I dunno! Let's take her to the hospital!”

Naging mabilis ang paghahabol ko sa akong hininga. Napahawak ako sa dibdib ko, mas lalo pa iyong kumikirot. Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan.

Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa isang silid. Kumunot ang noo ko dahil puro dilaw ang nakikita ko sa buong paligid at ang mukha ni Spongebob.

Napabangon ako sa kama at nagmadaling lumabas ng silid. Hindi ko alam kung nasaan ako. Bawat paghakbang ko, sinikap kong hindi gumawa ng kahit na anong ingay.

Nasisiguro kong mayaman ang nakatira sa bahay na ito. Pansin kong mahabang pasilyo pa ang lalakarin mo bago ka tuluyang makarating sa hagdan.

Nang nasa ground floor na ako, wala akong nakitang kahit na anong anino o tao man lang kaya nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makalabas na ng bahay na iyon. Bahay ba talaga o mansion?

Bubuksan ko na sana ang gate ng may maramdaman kong may humawak sa braso ko.

“Where do you think you're going?” mahina lang ang boses niya pero parang dumagundong na iyon sa buong kapaligiran.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at inis siyang hinarap. Siya iyong kaninang humahabol sa akin. Napansin ko agad ang mala-abo niyang mga mata. Kitang-kita ko iyon kahit pa madilim dito sa labas.

“Anong kailangan mo, Apo ni Kuto?”

“Kuto?”

“Kutoyama.”

“It's Himigo Kotoyama,” pagtatama niya. “He's my grandfather. You should respect him and use proper name calling.”

“Whatever,” angil ko. Tingin niya ba'y gagalangin ko pa ang lolo niyang kurimao matapos akong ipahiya sa event na pinuntahan ko kahapon? Asa siya. Kasalanan din ni Hanz dahil pinilit niya akong dumalo sa pesteng kasal na iyon!

Pumagitna 'tong lalaki na 'to para umawat pero lalong gumulo ang lahat dahil mas lalong nagalit ang lolo niya. Pinagmumura ako ng lolo niya. Hindi ko alam kung bakit galit na galit sa akin ang matanda. Eh, wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. Sa inis ko kahapon, itong apo niya ang nasuntok ko.

“Ano bang kailangan mo sa akin?” tanong ko. I tilted my head. “Kung dahil lang sa pagsuntok ko sa 'yo kahapon ang inaalburoto mo. Well, I won't say sorry.”

“How old are you?”

“Bakit mo tinatanong?”

“I'm asking you,” naiinis na ang tono ng pananalita niya. Kumunot ang noo ko.

Weird.

Bakit niya tinatanong ang edad ko? Baka mamaya isa siyang sindikato? Tapos may balak siyang ibenta ako sa mga mayayamang matatandang malapit ng mamatay na mahilig sa babae!

Pusanggala!

Kahit kinakabahan pinilit kong maging kalmado. Sinamaan ko siya ng tingin.

“Twenty-one na ako, bakit?” may paghahamon sa boses ko. Doon ko lang din natandaan ang sinabi sa akin ni Hanz kagabi. Huwag ko raw sasabihin ang totoo kong edad sa mga apo ni Kuto.

“Okay, we're just the same age.”

“Wala akong pakialam.”

Umangat ang gilid ng labi niya kasabay no'n ang paghalukipkip niya. May kung anong kumislap sa mga mata niya. Umikot ang mga mata ko. Mukhang hindi magandang ideya ang nahuhulaan ko rito.

“I'm interested to you,” biglang sabi niya. Nagbaba ako ng tingin para hindi na mabasa pa ang lumilitaw na emosyon sa kaniyang mga mata. “I would like to date you...”

Palihim akong napairap. Sinasabi ko na nga ba! Napahinga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Wala rin naman akong dapat sabihin pa.

“Nagpapatawa ka ba?” inis kong saad. “Kahapon mo lang ako nakilala tapos ngayon gusto mo na akong i-date? Dati ka bang baliw?”

“Do I look like I'm joking here?” I heard him sighed. “I'm not joking here if that's what you think, Rosane Avera Beindz.”

Doon lang ako napaangat ng tingin sa kaniya. Kitang-kita ko ang pagkunot niya ng noo at halata ngang seryoso siya.

Seryoso ba talaga siya sa sinasabi niya? Sa itsura kong 'to? May magkakagusto pa? Pusanggala!

Napangiwi ako. “Hindi ako interesado sa 'yo,” diretsong saad ko. Hindi ko na inisip pa kung masasaktan siya. “P'wede bang iba na lang ang gustuhin mo? Huwag na ako...”

Napahimulsa ako sa jacket ko dahil nakaramdam ako ng panlalamig. Ngayon ko lang naalala na ngayon nga pa lang magsisimulang umulan ng nyebe.

“But I like you.”

“Masasaktan ka lang.”

“I don't really care.”

“Wala kang aasahan sa akin.”

Sinabi ko iyon ng walang alinlangan. I saw his reaction. Wala na akong mabasa na kahit na anong emosyon sa kaniya.

Bakit ba ganito na lang lagi ang nararamdaman ko sa tuwing may nagco-confess sa akin? Bakit parang ako pa ang nasasaktan sa tuwing nire-reject ko sila? What's wrong with me?

“Gusto ko nang umuwi,” maya-maya pang saad ko. “P'wede na ba akong umalis?”

“I will drop you home off,” usal niya. Napatango na lang ako ng wala sa oras. Nauna siyang lumabas ng gate kaya sumunod ako agad at sumakay sa sasakyan niya. Sinabi ko naman ang address ng tinitirhan ko.

Gomen'nasai...”

I said, sorry. Not for the fact that I rejected him. It's just because I got to punch him yesterday. I really hate this feeling. Sa tuwing may mga taong nagco-confess sa akin, parang lumalala ang trust issues ko. Hindi ko tuloy malaman kung sinsero ang mga salitang kanilang binibitawan sapagkat pinangungunahan ako ng takot at pangamba.

It feels like everyone is trying to enter my life in order to destroy me.

Continue Reading

You'll Also Like

12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
989 99 28
Birthday checklist: ✔Balloons ✔Party hats ✔Gifts ✔Decoration ✔Entertainment ✔Birthday girl is gonna come ✔Cake □ Wishing Candle .... "Uh oh." 'Yan la...
9.3K 185 32
[COMPLETED] Alexis, a woman who grew up to play volleyball. Everyone's idolizes her because she's so good at it. And here's Van, a great soccer playe...
645 128 51
Stellan Salvatore, a man who is full of dreams and positivity. Even with the death of his mother, Stellan did his best to be the responsible brother...