Lascivious Casanova (R-18) (E...

By IyaLee04

2.2M 56.8K 16.4K

Warning: Read At Your Own Risk! EXPLICIT AND MATURE CONTENT❗❗❗ Series 7 of 8 "Do you smoke?" natatawang tanon... More

Lascivious Casanova 01
Lascivious Casanova 02
Lascivious Casanova 03
Lascivious Casanova 04
Lascivious Casanova 05
Lascivious Casanova 06
Lascivious Casanova 07
Lascivious Casanova 09
Lascivious Casanova 10
Lascivious Casanova 11
Lascivious Casanova 12
Lascivious Casanova 13
Lascivious Casanova 14
Lascivioua Casanova 15
Lascivious Casanova 16
Lascivious Casanova 17
Lascivious Casanova 18
Lascivious Casanova 19
Lascivious Casanova 20
Lascivious Casanova 21
Lascivious Casanova 22
Lascivious Casanova 23
Lascivious Casanova 24
Lascivious Casanova 25
Lascivious Casanova 26
Lascivious Casanova 27
Lascivious Casanova 28
Lascivious Casanova 29
Lascivious Casanova 30
Lascivious Casanova 31
Lascivious Casanova 32
Lascivious Casanova 33
Lascivious Casanova 34
Lascivious Casanova 35
Lascivious Casanova 36
Lascivious Casanova 37
Lascivious Casanova 38
Lascivious Casanova 39
Lascivious Casanova 40
Lascivious Casanova 41
Lascivious Casanova 42
Lascivious Casanova 43
Lascivious Casanova 44
Lascivious Casanova 45
Lascivious Casanova 46
Lascivious Casanova 47
Lascivious Casanova 48
Lascivious Casanova 49
Lascivious Casanova 50
Lascivious Casanova 51
Lascivious Casanova 52
Lascivious Casanova 53
Lascivious Casanova 54
Lascivious Casanova 55
Lascivious Casanova 56
Lascivious Casanova 57
Lascivious Casanova 58
Lascivious Casanova 59
Lascivious Casanova 60
Lascivious Casanova 61
Lascivious Casanova 62
Lascivious Casanova 63
Lascivious Casanova 64
Lascivious Casanova 65
Lascivious Casanova 66
Lascivious Casanova 67
Lascivious Casanova 68
Lascivious Casanova 69
Lascivious Casanova 70
Lascivious Casanova 71
Lascivious Casanova 72
Lascivious Casanova 73
Lascivious Casanova 74
Lascivious Casanova 75
Lascivious Casanova 76
Lascivious Casanova 77
Lascivious Casanova 78

Lascivious Casanova 08

30.3K 900 431
By IyaLee04

(LC) Chapter 08





"Bilisan mo, Jax!" Hinihingal na sigaw ko pagkapasok sa loob ng sasakyan niya.

"Nasaan ang jacket ko?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Iyan pa talaga ang una niyang sasabihin?

"Naiwan ko! Hinubad ko kasi bago pumasok sa bahay! Paandarin mo na nga lang at mamaya na tayo mag-usap!"

Pumalatak siya ngunit sumunod naman. Nakayuko pa ako para itago ang sarili ko kung sakaling lumabas si Nanay. Nagluluto siya nang pumasok ako. Dadalhin niya iyon kay tatay kaya naman pati sa pagbibihis ay nagmamadali ako sa takot na maabutan niya si Jax sa labas.

"Stop being stupid, Clementine. My car's tinted. Kahit lumabas pa diyan ngayon ang nanay mo at maghalikan tayo, hindi niya tayo makikita dito sa loob."

"Bakit naman kita hahalikan?!"

"That's just my example para tumigil ka diyan sa kakayuko mo... O siguro..." binitin niya ang sasabihin at sinulyapan ako. Bumaba ang mga mata niya. "O siguro talagang sinasadya mo lang na ipakita sa akin 'yang malaking dede mo?"

Napaayos ako ng upo at napatingin sa suot kong damit. Ginamit ko ang dress na ito last year sa christmas party. Kulay pulang pasando na dress at malalim ang neckline kaya't labas ang malaking parte ng dibdib ko.

Inangat ko ang aking isang kamay at tinakpan 'yung tinitignan niya. Masama ang tingin ko kay Jax dahil sa lantaran na pagtingin niya doon na para bang normal nalang ito sa kanya at sanay na sanay na siyang makakita ng ganito.

"Nagmamadali ako! Ngayon ko nga lang napansin na ito pala ang naisuot ko! Huwag ka ngang feelingero diyan, Jax! Kahit ikaw nalang ang nag-iisang lalaki sa mundo, hindi kita papatulan!"

"Sigurado ka?" Nakangisi niya akong nilingon. "Baka sa susunod na araw lang isinisigaw mo na ang pangalan ko-"

"Bakit? Kailan ko ba hindi isinigaw ang pangalan mo? Kulang nalang nga isumpa ko 'yung pangalan mo dahil sa mga problemang dala mo! Bakit kasi hindi nalang si Senyora ang magturo sayo? Idinadamay niyo pa akong mag-lola!"

Umalingawngaw sa loob ng sasakyan ang matunog na halakhak niya. Halos maluha siya nang muli niya akong harapin. Sinulyapan niya ang kalahati ng hita kong nakalitaw sa suot ko na dress. Sandali niya lang na tinignan iyon at ibinalik din kaagad ang tingin sa daan.

"Bakit hindi mo kay Lola sabihin iyan?" Sinulyapan niya ulit ako. May paghahamon na sa mga mata niya. "Sabihin mo nga mamaya. Tignan natin kung kaya mo?"

Nakangisi siya at hindi inalis ang tingin sa akin. Matalim ang tingin ko sa kanya nang una. Kalaunan nga lang ay napunta sa harapan ang tingin ko at napahawak ako sa handle na nasa itaas ng pinto sa gilid ko dahil sa malubak na dinaanan namin.

"Ohh!" si Jax na may kasamang pagtawa.

Na-curious ako kung ano ang ikinakatawa niya kaya naman nilingon ko siya. Naabutan ko siyang nakatingin sa dibdib ko. Pinamulahan ako at walang magawa nang titigan niya ang umaalog kong dibdib dahil sa mahabang daanan na lubak lubak. Ibinato ko sa kanya ang telepono ko na sira sira nang hindi niya alisin ang mga mata roon kahit nahuli ko siya. Bahagya pang nakaawang ang nakangising mga labi niya at para bang kaonti nalang ay maglalaway na.

"Tigilan mo nga iyan! Pati ako pinagnanasahan mong gunggong ka!"

"Suotan mo kasi ng seatbelt para hindi umaalog iyan!" hindi matigil ang halakhak niya at ako naman ay sobrang pula hanggang sa makarating sa mansion nila.

Nakaabang na kaagad si Senyora na mayroon dalang pamaypay at nagmamadaling bumaba sa hagdan nang makita kami. Nagtawag siya ng katulong at nagpahanda ng miryenda. Hindi ko alam kung para kanino subalit sa palagay ko'y para sa amin ni Jax dahil kami lang naman ang dumating.

"Mabuti at maaga kayong dumating!" Si Senyora na hinila ako paakyat.

Binitawan niya lang ako nang buksan niya ang opisina ng Don. Nauna na rin siyang pumasok sa loob. Kasunod niya ako. Samantalang nasa likod ko si Jax na tamad na tamad ang itsura. Nakabukas na ang ilaw na nasa study table pagkapasok namin. Nakapamulsa si Jax nang tumigil siya sa pinto, nakatingin sa amin ng Lola niya.

"Pinadagdagan ko ang mga libro rito. Pinalitan ko ang lamesa at ilang gamit. Bago rin ang shelves na nasa likod ng upuan niyo."

Napatingin ako sa sinasabi niyang shelves. Puno nga ng libro iyon at nakapwesto sa likod namin kung nakaupo kami. Bumalik ang atensyon ko sa Senyora nang makarinig ng pag-click ng switch. Pinanuod ko ang pagpindot niya sa switch ng ilaw sa kwarto ngunit hindi iyon bumukas. Inulit pa niya ng ilang beses bago niya iyon nagawang tigilan at hinarap ako.

"Naku! Sira pala ang ilaw dito! Itong desk lamp nalang muna ang gamitin niyo! Maliwanag naman ang ilaw na ito at sasapat na para makita mo ang mga kailangan mong ituro sa Apo ko!"

Tinignan ko ang tinutukoy niyang desk lamp. Mataba ang katawan nito at pabilog ang ulo. Nang lapitan ko'y malapit sa ilaw nito ang switch sa halip na nasa paanan. Marami na ring librong nakaayos sa lamesa na magagamit namin ni Jax.

"Pasensya ka na, hija. Ipapaayos ko nalang ito bukas-"

"Bukas nalang din kami mag-aaral, Lola," singit ni Jax.

Tinignan siya ng masama ng Senyora at napabilis ang pagpaypay nito sa sarili. Mukhang hindi nagustuhan ang pagsingit ng Apo niya.

"Hindi! Nakakahiya kay Clementine at nandito na siya!" pasigaw na sabi nito kay Jax at nang muli akong tinignan ay nakangiti na. "Ayos lang ba kung desk lamp muna ang maging ilaw niyo, hija?"

"Okay lang po. Pwede na po ito, Senyora," sabi ko nalang kahit hindi okay, dahil ang dilim ng opisina at tanging sa pwesto ng study table lang ang maliwanag.

Subalit kung sira ang ilaw, ano namang magagawa ko? Hindi ako nakapag-aral ng electrician para pakialaman ang mga mamahaling ilaw nilang narito sa opisina. Buti sana kung simpleng bumbilya lang ang ilaw nila rito, baka maayos ko pa. Ang mga ilaw nila'y mamahaling chandelier. Mga built in cove lights at mga strip lights. Wala akong alam sa pag-aayos niyan.

"Iiwan ko na kayo! Kakatok nalang si Norma mamaya para dalhin ang mga pagkain niyo dahil alam kong kakauwi lang ninyo galing sa eskwelahan!"

"Sige po, Senyora. Salamat po."

Nakatingala si Jax at kunot noong nakatingin sa mga ilaw na nasa kisame. Bahagyang nakaawang ang mga mapupulang labi niya at malinaw kong nakikita ang kanyang adam's apple dahil sa pagtingala na ginawa niya. Kahit sa dilim ay kitang kita kung gaano siya kagandang lalaki. Tamad lang naman siyang nakatayo pero ang lakas na ng dating.

Kahit ayoko sa personalidad niya'y aminado ako na isa siya sa mga gwapong lalaki sa eskwelahan. Siya nga yata ang pinaka angat dahil hindi purong pinoy ang itsura niya. Kaya siguro kahit ang mga kilalang matatalino sa paaralan ay madali niyang nauuto at ginagawang tanga, maliban sa akin.

"Magsimula na tayo," tawag ko sa atensyon niya at nauna nang naupo isa sa mga upuan na nasa study table.

Walang lumapit sa akin. Nang mag-angat ako ng tingin ay naghihikab siya't marahan na naglalakad palapit. Tumigil siya sa kabilang side ng lamesa at pinakialaman ang desk lamp na naroon.

Nakaupo ako at nakatingala sa kanya habang siya'y nakatayo at niyuyuko ako. Mapungay ang mga mata niya at nasa itsura na inaantok hindi pa man kami nagsisimulang mag-aral.

Malinaw niyang nakikita ang mukha ko dahil sa ilaw na nasa lamesa samantalang sa mukha niya'y kaunting ilaw lang ang tumatama. Inilapat niya ang kanyang dalawang kamay sa lamesa at bahagyang ibinaba ang kanyang mukha upang ipantay sa akin. Napadpad sa gintong kwintas niya ang mga mata ko.

"Ano bang ituturo mo ngayon?" Nalipat sa mga mata niya ang tingin ko dahil sa tanong niya.

Pinigilan kong mapatitig dahil kahit sa dilim ay lutang na lutang ang itsura niya. Ngayon lang kami nagkalapit. Kung noon ay nagtataka ako kung bakit ang daming nahuhumaling sa kanya kahit hindi kagandahan ang ugali, ngayon mukhang alam ko na ang dahilan. Gwapo siya kahit saang anggulo, kahit mapaglaro, seryoso, o kahit ganito na inaantok. Maamo pala ang mukha niya kahit na ang tingin ko sa kanya'y mayroon siyang sampong sungay.

"Dapat tumanggi ka kay Lola. Tinatamad akong mag-aral-"

"Kung gagawin ko iyon, mas lalo kitang makakasama ng matagal! Pakinggan mo ang lahat ng ituturo ko sayo! Kapag kaya mo na at alam kong may natutunan ka na, titigilan na rin natin ito!"

"Kailan mo kaya ako kakausapin na hindi mo sinisigawan?" nakangisi siya.

"Maupo ka na nga lang dito! Gusto ko nang umuwi!" Pairap kong ginalaw ang upuan na para sa kanya.

Wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Kung hindi kami magsisimula, hindi kami matatapos. Nagpipigil akong magalit dahil habang tinuturuan ko siya'y abala siya sa ibang bagay. Kung hindi niya pinaglalaruan ang ballpen, ang desk lamp naman. Kaya nang bigyan ko ng sasaguta'y todo reklamo siya.

"Bakit kasi ang dami ng tinuturo mo? Unang araw palang natin, pang isang linggo na yata ito. Bukas nalang 'yung iba. Inaantok na ako, tinitiis ko nalang-"

"Sagutan mo ang lahat ng iyan at tigilan mo ang kakareklamo sa akin, Jaxsen! Kung nakinig ka, masasagutan mo iyan!" nakukunsumeng sigaw ko at tila ba toddler ang tinuturuan.

Pinanuod ko siyang pumalatak at kunot noong sinagutan ang mga binigay kong papel. Magkatabi kami pero pinipigilan kong magkadikit ang mga braso naming dalawa. Iniiwasan ko rin na malanghap ng maigi ang pabango niya. Ayokong nasa tabi ko siya, kaya lang hindi ko naman siya pwedeng palayuin dahil kung tuturuan ko siya'y kailangan talaga'y magkatabi kami.

Tahimik kami ng ilang sandali dahil nagsasagot siya. Kahit panay ang hikab, hindi makapagreklamo dahil inuunahan ko siya ng sama ng tingin. Ako na rin ang tumayo para kunin kay Ate Norma ang pinadala ng Senyora na miryenda. Hindi ko siya pinagmimiryenda hangga't hindi siya natatapos sa ginagawa.

Panay ang kain ko nang maramdaman kong mayroong gumagalaw sa paanan ko. Noong una'y hindi ko pinansin iyon ngunit sa huli ay hindi ko rin natiis at niyuko ko na. Buntot palang ang nakikita ko'y napatili na ako. Naitaas ko ang mga paa ko at napatalon sa kandungan ni Jax.

Hindi siya nakagalaw at nagulat sa biglaang pagkandong ko sa kanya. Ang isang kamay niya'y nasa ilalim ng mga hita ko. Ang isa pa ay nasa likuran ko. Ang mga braso ko ay nakapulupot sa kanyang leeg. Hindi ko na nabigyan ng pansin ang mabangong amoy niya at ang kanyang mainit na katawan dahil abala ang mga mata ko sa paghahanap sa dagang nakita kanina. Pagkatalon ko ay biglang nawala iyon at kung saan na yata nagsuot.

"Bakit?" paos at malalim ang boses na tanong niya.

Natigil ako sa paghahanap at napatingin sa kanya. Magkalapit ang mga mukha namin at kahit ang hininga niya'y naaamoy ko na. Naninigarilyo siya ngunit wala akong naamoy na sigarilyo ngayong magkatapat ang mga mukha namin.

"May daga! May daga!" Sigaw ko. Wala na akong pakialam kahit halos ibaon ko na ang sarili ko sa dibdib niya.

Nakatitig siya sa akin at kaonti nalang ay magdidikit na ang mga pisngi namin. Wala na akong pakialam kahit magkapalit pa kami ng mukha! Hindi ako bibitaw sa kanya hangga't hindi nahuhuli iyon!

"Takot ka sa daga? Walang daga rito-"

"Meron! Nakita ko! Hanapin mo!"

Laki ako sa hirap pero hindi ko naman hinahayaan na magkaroon ng maraming daga sa loob ng bahay. Sa lahat ng hayop, ito ang pinaka ayoko. Pagapangan mo na ako ng ipis at gagamba, wag lang daga!

Tumayo siya na buhat buhat ako. Lalong humigpit ang kapit ko sa leeg niya sa takot na malaglag. Nagkatinginan kami nang igilid niya ang kanyang mukha sa akin. Seryoso ang mga mata niya at mukhang tuluyang nawala ang antok.

"Saan mo nakita? Hindi magkakaroon ng daga rito. Siguro ka ba sa nakita mo?"

Napalabi ako. Inikutan ko ulit ng tingin ang buong opisina bago tumango sa kanya.

"Sigurado ako, Jax, na daga iyon!"

Tumango siya at humakbang ng isang beses. Nasa lamesa ang tingin ko nang makita kong gumalaw ang papel doon. Napatili ako at nasipa ang desk lamp nang makitang naroon ang daga. Bumagsak ang desk lamp sa sahig kasabay ng tray na pinaglagyan ng mga pagkain.

Nawalan ng balanse si Jax dahil sa naging paggalaw ko. Kasabay ng pagtumba namin ay ang pagbalot ng dilim sa buong opisina. Sa palagay ko'y hindi sadyang napindot ang switch ng desk lamp kaya namatay ito pagbagsak sa sahig.

"Shit! Yung braso ko!"

Wala akong makita ngunit naririnig ko ang madiin na sigaw ni Jax. Nasa ibabaw niya ako dahil siya ang natumba. Nadaganan ko siya, ganoon din ang braso niya. Nanlaki ang mga mata ko sa dilim at nagpapanik na sinubukang tumayo. Nasipa ko ang isa sa mga swivel chair. Narinig kong tumama ito sa shelves at sunod kong naramdaman ay ang paghila sa akin ni Jax pabalik sa ibabaw niya.

"Ano iyon?" kinakabahan na tanong ko nang makarinig ako ng malakas na pagbagsak at sunod sunod na pagkalaglag ng mga libro sa amin.

"Tumumba 'yung book shelves! Buti nahila kita kaagad!"

Umawang ang mga labi ko. Nang subukan kong umupo ay nauntog ako sa shelves. Bumagsak nga ito ngunit hindi kami tuluyang nadaganan dahil sa lamesa ito bumagsak. Malapit kami sa ilalim ng lamesa. Ang mga swivel chair ay mukhang nakaharang sa magkabila namin.

"Paano mo nalaman na babagsak?"

"Narinig ko yung mga libro. Find the lamp, Clementine..." nahihirapan na utos niya at mukhang nabalian pa yata ng braso.

"Hindi ko mahahanap... madilim..."

"Kapain mo... kailangan ko ng ilaw para malaman ko kung saan tayo dadaan palabas."

Nakagat ko ang aking ibabang labi. Kahit maliit na ilaw ay wala akong makita. Kinapa ko sa bandang gilid ngunit swivel chair nga na nakatumba ang naroon.

"Wala sa tabi natin, Jax-"

"Sa itaas... kapain mo..."

Ginawa ko ang sinabi niya. Umangat ako ng kaonti at sinubukang kapain sa uluhan niya. Narinig ko siyang nagmura. Nakahawak ako sa kanyang balikat at pinipilit kapain sa dilim ang desk lamp sa ibabaw ng ulo niya. Ang isang kamay niya'y naramdaman kong pumisil sa bewang ko. Marahan niya akong itinutulak palayo.

"Shit!"

"Sandali! Huwag mo nga akong itulak!" Sigaw ko at lalong pinagbutihan ang pagkapa sa uluhan niya.

"Tangina naman, Clementine!"

Tumigil ako at binigyan siya ng matalim na tingin kahit hindi ko siya nakikita.

"Bakit ba panay ang mura mo?!"

"Bakit hindi?! Tangina kasi 'yang dede mo nasa mukha ko na!"

"Sandali lang at hinahanap ko nga ang desk lamp na nalaglag! Kaysa nag-iingay ka diyan, tumulong ka nalang kayang maghanap para magka-ilaw na!"

"Kung wala sa gilid at sa itaas, huwag mong ipilit! Sa ibaba ka maghanap!"

Napipikon na ako sa kakautos niya pero sinunod ko pa rin. Hindi kami makakilos ng maayos dahil walang ilaw. Naririnig ko ang langitngit ng shelves at kung magkakamali kami ng galaw, maaari kaming mabagsakan no'n. Katulad ng sinabi niya'y sa baba ako kumapa. Bahagya akong umangat upang mailayo ang aking katawan sa kanya at nagpatuloy sa ginagawa.

"Fvck!" matigas na mura niya kasabay ng pagbilis ng kanyang paghinga.

"Nahanap ko na!" sabi ko at sinubukang hanapin ang ulo ng desk lamp para mapindot ang switch.

Mahaba iyon at sa tingin ko'y natabunan ng tablecloth na galing sa nalaglag ring tray kaya't nababalutan ng tela. Nagmura si Jax nang subukan ko 'yong hilahin patayo. Hindi ko lang sigurado kung mas mataba ito pero magkasing tigas kasi sila.

Narinig ko ang malakas na pagbuga ng hininga ni Jax. Naramdaman ko rin na tumama sa leeg ko ang sunod sunod niyang malalim na paghinga. Mahina siyang umungol na parang nasaktan sa paghila ko sa katawan ng desk lamp.

"Tulungan mo akong hilahin! Baka nadaganan ng swivel chair!"

Gumapang ang kamay niya mula sa braso ko pababa sa aking kamay na nakahawak sa katawan ng desk lamp. Naramdaman ko ang pag-angat niya ng kaonti dahilan para tumama ang hininga niya sa aking pisngi.

Hindi ko siya nakikita ngunit naaamoy ko ang hininga niya kaya't nasisiguro kong magkalapit ang aming mukha. Mariin niyang hinawakan ang kamay ko at hinihila iyon para alisin ang paghawak ko sa desk lamp. Hindi ko iyon binitawan at mas lalo kong sinakal gamit ang mga daliri ko. Magrereklamo sana ako kung bakit niya inaalis ngunit inunahan niya akong magsalita.

"Damn it, Clementine. If you don’t want to lose your virginity in the dark, let go of that."

"What?"

"You are not holding a desk lamp. You are holding my..." matunog siyang napalunok. "Just let that fvcking go..."

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na nabawi ang aking kamay. Dahil sa paos na boses niya, sa palagay ko'y alam ko na ang nakapa kong matigas. Napaupo ako ng maayos na mabilis ring bumalik sa paghiga sa kanya nang muli akong mauntog sa shelves. Umikot ang isang braso niya sa bewang ko at sinabihan akong huwag nang gumalaw. Siya nalang daw ang gagalaw.

"Bakit kasi kasing tigas ng desk lamp iyan?!"

"How can I not be fvcking turned on if you keep on rubbing your big chests to my face?!"

Gumalaw siya para bumangon. Naramdaman kong kinapa niya ang shelves at ang ulo ko para hindi ako mauntog. Subalit hindi pa siya tuluyang nakakaupo ay muling gumawa ng ingay ang shelves. Nagmura si Jax at napabalik kami sa paghiga. Lalong dumiin ang dibdib ko sa kanyang mukha dahil sa takot kong madaganan ng mabigat na shelves.

"Just call for help. Sumigaw nalang tayo," pabulong na suhestiyon ko sa kanya.

"This room is soundproof. Walang makakarinig sa atin kahit sumigaw pa tayo dito ng malakas."

"Paano tayo makakaalis dito?"

"Magpalit tayo ng pwesto. Pumailalim ka sa akin at ako ang sa ibabaw mo-"

"Ayoko nga!"

"Kung hindi ka papayag, iiwanan kitang mag-isa dito! Kaya kita pinapalipat sa ilalim ko, para kung sakaling bumagsak ang shelves, sa akin babagsak at hindi sayo! Mas kaya kong buhatin ang shelves gamit ang likod ko kung sakaling bumagsak kapag gumalaw tayo!"

Salubong ang kilay ko kahit sa dilim. Hindi na ako umangal nang pinagpalit niya ang puwesto namin. Nasa ilalim na ako at nasa ibabaw ko siya. Pumikit ako ng mariin nang tumusok ang matigas na bagay sa hita ko. Gusto kong magreklamo ngunit pinili ko nalang na hindi magsalita.

"Put your arms around my neck-"

"Why?" ang lakas ng tibok ng puso ko. Bakit kailangan ko pang yumakap sa kanya?

"Gagapang ako at isasama kita palabas! Can you just do it and not ask too many questions?!"

Pikit mata kong ginawa ang sinabi niya. Kinapa ko sa dilim ang mga braso niya. Matigas ang mga iyon dahil sa mga muscles na naroon. Napalunok ako at nagsimulang pagpawisan. Pinagapang ko ang aking mga kamay pataas, papunta sa balikat niya at nang makarating sa leeg niya'y mabilis akong yumakap.

"Are you okay?" Tanong niya kahit nasa boses niyang siya yata ang hindi okay. Ako ang nakayakap sa kanya ngunit mukhang pareho kaming pinagpapawisan.

"Oo, gumalaw ka na."

Hindi siya kaagad gumalaw. Nag-init ang magkabilang pisngi ko at ramdam ko ang titig niya sa akin na para bang nakikita niya ako kahit walang ilaw. Kalaunan, tumango siya at nagsimulang hanapin ang daan. Natitigil siya sa paggapang sa tuwing nauuntog siya o 'di kaya ay may malalaglag na libro sa aming dalawa.

"Damn," paanas ngunit mahinang mura niya. Isiniksik ko ang aking mukha sa kanyang leeg at mukhang alam ko na kung bakit siya nagmumura.

"Tangina," mahinang mura niya ulit at gusto ko na rin yatang magmura dahil ramdam na ramdam ko kung gaano siya katigas sa aking hita.

Masakit iyon sa hita dahil hindi biro ang laki niya. Nakita at nahawakan ko na iyon at ngayon palang ay napapaisip na ako kung paano niya naipagkasya iyon kay Ms. Abadiano at Maya.

"Natutusok ako, Jax," mahinang bulong ko sa kanyang leeg.

Nagbuga siya ng malalim na paghinga. Tumigil siya sandali at sa palagay ko'y binibigyan ng oras na kumalma ang sarili niya.

"I know... Just stop talking..."

Naitikom ko ang mga labi ko. Nagpatuloy siya. Madilim at wala akong makita kahit maliit na ilaw. Subalit ang lamig ng aircon ay bumalot sa aming katawan tanda na nailabas na niya kami sa tumaob shelves.

Papabitaw palang ako kay Jax nang biglang bumaha ang liwanag sa loob ng opisina. Nakayakap ng mahigpit ang mga braso ko sa kanyang leeg. Nagkatinginan kami at parehong natigilan. Wala kaming kaalam alam na ilang pulgada nalang ang layo ng mga labi namin.

Napakurap ako at bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Sabay kaming napalayo sa isa't isa at sabay din namin na nilingon ang pinto. Naroon ang Lola niya, kasama ang ilan sa mga kasambahay. Lahat sila ay nakatingin kung nasaan kami. Ibinalik ko ang tingin kay Jax. Pinamulahan ako at naalala kung ano ang naabutan nilang pwesto namin.

"Anong ginagawa niyo?"

"Ang sabi mo, Lola, sira ang ilaw?! Paano mo nabuksan ang ilaw dito?" Magkasalubong ang mga kilay na tanong niya habang tumatayo.

Inayos nang Senyora ang kanyang salamin at mahinang natawa. Pinaayos niya muna sa mga tauhan ang natumbang shelves bago sinagot ang tanong ng kanyang Apo.

"Gumagana pala. Sa kabila palang kwarto 'yung nasira."

Umiling si Jax at mataman ang ibinibigay na titig sa Lola niya. Nagpasalamat ako nang lapitan ako ni Norma at ayusin ang damit ko. Hindi ko namalayan na bumaba na pala ang isang strap no'n habang napapailaliman kami ng shelves ni Jax.

"At paano nagkaroon ng daga dito?!"

"Ah, may daga ba? Hindi ko alam, Apo! Siguro dahil dinagdagan ko ang mga libro kaya binahayan na?"

"Paano babahayan kung buwan buwan kayong nagpapa service ng pest control?"

Binalingan ako ni Jax. Namutla ako nang maalala ang daga ngunit si Jax ay sobrang pula ng buong mukha. Hindi rin siya makatagal ng tingin sa akin. Nang magkatinginan kami at makita niyang nasa kanya ang atensyon ko'y mabilis siyang napa-iwas ng tingin at sa halip ay galit na pinagmasdan nalang ang lola niya.

"Baka may nakaligtas! Tatawagan ko nalang sila at papapuntahin ko bukas na bukas din!" Sagot nito kay Jax sabay talikod paalis. "Hay, naku! Hindi pala maganda ang service nila!" Bubulong bulong pa si Senyora habang palabas ng opisina.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 44.4K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
3M 183K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.5M 34.2K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...